Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One-Hundred Nine: Falling

Thank you so much for 100k reads pooo!!! ❤❤

-chapter one-hundred-nine-

FINN

Kasama ko si Maki at Eura sa paghahanap ng stone crystals.

Dapat ay si Gavin dahil siya ang unang nag-imbita. Pagkaalis ng lahat ay tumayo siya't hinarap ako para ayain nang biglang dumating sina Oliver at Kairo. They both communicated with Maki and Eura through their stares and dragged Gavin away. Kawawa tuloy makita ang bestfriend ko na naiiyak habang nakatitig sa'kin.

I'm happy for him though. He made lots of friends here too at bati na ata sila ni Kairo.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na game master si Theo." Eura wondered out loud, a frown on her face. "Sa katamaran ng isang 'yon!"

"Kaya nga siguro naging madali sa kaniya ang cities kasi baka may alam na siyang shortcut." komento ni Maki.

"Tsk! Oo nga 'no? Isa siya sa mga mabibilis matapos tapos parang wala lang eh. Ang daya-daya naman pala kung gano'n! Halos maubos ang non-existing braincells at energy ko sa lahat ng city, dagdag mo pa ang stress ng mga bobong players, tapos patulog-tulog lang ang gagong 'yon kasi alam niya kung paano lumabas sa city?! Putangingang 'yan!

Hindi ko mapigilan na sumang-ayon, maliban na lang sa reklamo at mura ni Eura. Theo was the first one to arrive at the Beast's Castle dahil parang wala lang sa kaniya ang napaka-komplikadong maze. Akala ko noon ay motivation niya ang pagpapasimple sa mga bagay kaya kahit anong clues ay sinusundan niya.

I also remembered him opening a shortcut down the Beast's Castle. Noong plano sana naming puntahan si Gaston. He probably mastered all the shortcuts to save himself from being tired.

"Pero sayang..." nanghihinayang na saad ni Maki. "Kahit na laging tulog 'yon, inspiration pa rin naman mukha niya."

Pinaningkitan ko ng mata si Maki na nagulat naman sa ginawa ko. Ang bad niya... Crush niya daw si Liam, pero inspiration pa rin ang iba.

"Mas inspiration si Caspian 'no! Tsk, kung hindi ko lang bestfriend si Kairo, malamang pinagtulakan ko na si Finn do'n."

"Grabe ka, girl. Bilis mo namang magbetray ng kaibigan."

Malakas na tumawa si Eura. "Hindi naman niya alam."

Speaking of bestfriend, Gavin appeared on my mind. Nilingon ko si Eura na tumigil sa paghahalakhak nang makita akong nakatitig.

"Yes, bebe Finn? May masakit ba sa'yo? Gusto mo i-carry kita? Kahit bridal-style pa 'yan, gora, dahil malay mo at tayo pala magkakatuluyan-"

Maki cut Eura off by elbowing her lightly. "Hoy, kung kasal lang naman ang pag-uusapan, mas mayroon akong chance ano!"

"Luh, feeler ka. Ikaw ata laging nakapila kasama ang bridesmaids sa pagthrow ng bouquet e."

"Sa kasal ng iba, siyempre. Pero sa kasal namin ni Finn, hindi."

I frowned, now diverting my gaze to Maki who smirked at me. "Pakasal tayo?"

Nanlaki ang mata niya at namula ang pisngi. I was actually just confirming what he said but he suddenly shut down. Si Eura naman ay ngumisi at may ibinulong kay Maki, at ang namumulang mukha niya ay napalitan ng pang-aasar. From the looks on their faces, may hindi maganda na naman silang gagawin.

I proved it when he shouted, "HINDI AKO INAYA NI FINN NA MAGPAKASAL, OKAY?!"

Mga dalawang minuto kaming nagtitigang tatlo. Tanging ang paglipad lang ng ibon ang gumanti sa sigaw niya. I found nothing wrong with his statement. Hindi ko naman talaga siya inaya na magpakasal, tinanong ko lang, pero bakit kailangang isigaw?

My answer came a moment later. Probably. There was a litany of loud curses that I heard from our left before Kairo appeared, twigs in his hair and clothes disheveled. Sumunod sa kaniya si Oliver na magulo ang buhok at si Gavin na may pasa sa mukha. Parang nahulog sila sa bangin at nagpagulong-gulong ng sampung beses bago napunta rito.

I felt a threatening presence behind me. Before I could turn around, Wes already passed me, his brows furrowed and face dark as he glared at Maki. Si Dierran na nakasunod sa kaniya ay paulit-ulit ang pagbuntong-hininga at mukhang nasi-stressed na. Para siyang lolo na sinusundo ang pasaway na apo.

"Who's marrying who?" Kairo asked, a cunning smirk on his mouth. "Maki, are you telling me that Finn invited you to marry her?"

Si Kairo dadating na nga lang, hindi pa tama ang sinasabi.

Hindi sumagot si Maki na blanko na ang mukha. Pero kita naman na kabado siya. Parang kanina lang proud pa nga siya na ipagsigawan 'yong tanong ko tapos ngayon kinakabahan na. Sa tabi niya ay parang constipated na si Eura sa kakapigil na tumawa. I still don't get the joke, though.

"Baka gusto mong sagutin ang tanong, Maki." dagdag ni Oliver.

Wes remained silent. Nakatitig lang siya kay Maki habang nakaharang ang sarili sa aming dalawa. Kairo gave him an annoyed glance before rolling his eyes. Ang hilig talaga ni Kairo sa gulo at away.

"Finn, magpapakasal ka na?" Gavin asked with a pou. "Magsabi ka naman kasi ako magiging best man. Pwede ring ako ang maghahatid sa'yo sa altar!"

Ang hilig naman nilang mag-assume.

Umiling ako. I pushed Wes aside and went towards Maki, offering Kairo a small glare because he's too close and threatening. Parang napasong aso naman siya na nanlaki ang mata at umatras.

"Go away." pagtaboy ko sa kanila. "We're doing a quest but you're all playing around."

"Kitten, you're serious about Maki?" hindi makapaniwalang tanong ni Kairo at bumulong sa sarili, "What the fuck. I thought I monitored my rivals well, kaya hindi ko na pinansin ang isang 'to. Dapat pala hindi ako naging kampante..."

Akala niya ba 'di ko siya rinig?

Tinulak-tulak ko si Kairo at Oliver pabalik sa damong pinanggalingan nila. Silang dalawa lang dahil alam kong babalik si Gavin kapag sinabi kong bumalik siya.

"Alis." ulit ko at tiningnan sina Dierran. "Kayo din."

Wes gave Maki a judging look from head to toe before rolling his eyes and walking away. Sumunod sa kaniya si Dierran na tatawa-tawa na. Hinampas pa nito ang likod ng kaibigan at may sinabi.

When I turned to face Eura and Maki, nagsimula na silang tumawa. Hawak-hawak ni Maki ang tiyan sa sobrang tawa, habang may pahampas-hampas pa si Eura sa lupa. I blinked at them, still lost.

"N-Nakita mo ba mukha nila?!" halos mabilaukan na si Eura sa kakatawa. "Gago! Ang panget ng mukha ni Kairo! Parang binagsakan ng langit at lupa ang hinayupak! Tangina! Dapat pala narecord ko 'yon!"

"W-Wait-!" Maki stopped laughing and clicked on something. "Let me activate my benefit to see their reactions once again. I recorded it."

Kagaya ng sinabi niya ay lumabas ulit ang eksena kanina, ngayon sa mga mata naman ni Maki. His benefit is really useful since he can record the things he sees and file them in the inventory system. Pwede niya ring i-ulit ang lahat ng mga narecord, maximum of three uses.

Muli namang tumawa ang dalawa kaya lumapit ako sa kanila. Tinapik ko si Maki at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. Hindi ko kasi gets kung anong nakakatawa sa itsura nina Kairo, Wes at Oliver. Parang gusto naman nilang patayin si Maki so 'diba dapat matakot siya?

I thought Maki was sane. Mukhang mali ako.

Nalaman ko na ginawa 'yon ni Maki to see their reactions. Palagi niyang nagugustuhang i-asar ang kahit anong sinasabi ko sa kaniya sa iba. Siya lang ata ang iisang tao na nakitaan kong natutuwa kapag may nagagalit sa kaniya. Si Eura naman lagi lang siyang sumasabay sa trip ng isa kapag nasisiyahan din siya o kapag nasisira nito ang araw ng kaibigan niya.

When they finished laughing, we started searching again. Nasa kaliwang bahagi kami ng kagubatan kung saan malapit ang cliff. Malalaki ang mga kahoy at mga ugat nito, so there were times where we have to exert effort in climbing them. We didn't really have a specific guide in finding the stones, lalo na't hindi rin namin alam ang itsura nito, but we guessed that it must be shiny. Another clue is that they're shaped like diamonds.

They're probably connected to elements since most games also use it in certain quests like this.

Twenty minutes have already passed and no one has signalled any flares. Huminto kami sa isang malawak na damuhan para magpahinga. Eura leaned on the tree while Maki lied down on the grass. I sat down beside him with my legs crossed.

"Ano bang kaputanginahan 'to!" bulalas ni Eura. "Aabutan na ata tayo ng sunset, e nandito pa tayo't naghahanap sa mga pesteng bato na 'yan! Tangina, nawawala na energy ko everytime na puno na lang nakikita ko! Talaga bang totoo ang mga bato na 'to o nakalimutan na ng gagong creator ang city na 'to?"

Malakas na tumawa si Maki. "Sinasabi mo bang hindi niya inexpect na makaka-abot tayo dito?"

"You never know, right? Baka tinamad na ang mga 'yon kaya hindi na tinapos. Kainis naman kasi! Parang lovelife ko lang itong mga stones, sa sobrang liit ng halaga, hindi na nakikita!"

"Ay, 'te, may mali ka lang. Oo at hindi nakikita ang lovelife mo at ang stones, pero at least 'yon may halaga 'di tulad mo."

"Sige, Maki, ituloy mo lang 'yan para talagang tuluyan na rin ni Kairo ang leeg mo." Eura threatened.

"Kung bampira siya at need niyang sipsipin ang dugo ko, wheyr nert 'de be!" pinaartehan niya ang boses sa huli.

But if Kairo was indeed a vampire and sipped his blood...

"Maki, you'll die." seryoso kong tugon sa kaniya. "Blood loss."

Ilang minuto nila akong tinitigan bago humagalpak sa tawa. Tinapik ni Maki ang balikat ko at ngumiti. "Okay lang. At least nakagat niya."

"Tangina! Masaya pa ako kanina pero nakakadiring maimagine 'yong bestfriend ko na may nilalandi! Parang ang sarap iuntog at pasagasaan ng truck si Kairo ng limang beses!"

Ang harsh talaga lagi nila sa isa't-isa.

"Grabe naman. Kung hindi ko lang alam kung sino ang crush mo, iisipin ko nang may relasyon kayo ni Kairo!"

I nodded, agreeing with Maki's statements. Noong una ko ding ino-obserbahan ang interaksiyo nila ay parang may chemistry silang dalawa. Parang mag-asawa na natural na magbangayan kasi kilala at mahal ang isa't isa. Pero mas bagay si Eura kay Gavin e. Mas gusto ko silang magkasama.

"Putang'na naman Maki!" parang ininsulto ni Maki ang buong angkan ni Eura sa reaksiyon nito. "E sumasaya araw ko 'pag nagigiba sa kaniya e! Ilang beses na akong inaway no'n kaya dapat lang sa kaniya ang maaway ng ibang tao! Do not do unto me what you don't want others to do unto you."

Kumunot ang noo ni Maki. "Parang 'di naman ata 'yan 'yong kasabihan."

"E kasabihan lang ni Eura 'yan e, hindi buong mundo!"

"Eura. Maki."

Napaayos ang dalawa nang tawagin ko ang pangalan nila. I squinted my eyes at the quick flicker of light. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit dito. Naramdaman ko naman silang sumunod sa'kin kaya mabuti at hindi ko na kailangang sumenyas. Tatlong kahoy ang agwat no'n mula sa'min at nang mas makalapit ay naging malinaw ang nakita ko.

An aqua stone.

Eura gasped audibly. "'Yan na ata 'yon."

"Tanga lang. Siyempre 'yan talaga 'yon." sabat ni Maki na agad ding um-aray pagkatapos hampasin ni Eura.

Brutal talaga sila ng kaibigan niya. Si Kairo mahilig manakot, si Eura mahilig manghampas. Si Louise mahilig manukso at si Fern mahilig magplano ng katapusan mo. Sindikato kaya ang part-time job ng Reaper's Oath?

Habang palapit na kami sa oak tree kung saan nakalagay ang aqua stone, nahagip ng mata ko ang isa pang pagkinang ng bato. Medyo malayo siya sa amin at nakakabit sa isang sanga.

"Eura, I found another. Doon." itinuro ko sa kanila ang bato. "Get the stone yourself and shoot the flare."

"Sige, Finn, pero..." bahagyang kumunot ang noo niya. "Mag-ingat ka do'n banda kasi parang malapit na 'yan sa cliff. Pasama ka na lang kaya kay Maki?"

Tumango ang lalaki bilang pagsang-ayon habang umiling naman ako. I pointed at the oak tree where the aqua stone is planted at the highest place of the trunk. Mahirap itong akyatin dahil hindi masanga at masyadong mataas para sa isang tao lang. If ever the climber falls, someone can catch. If ever they can't climb, pwedeng tungtong na lang ang isa sa kasama.

Mukhang naunawaan naman nila ang ibig kong sabihin dahil sabay silang bumuntong-hininga sa pagkatalo.

"Alright. Basta mag-ingat ka, okay?" paalala ni Maki.

"Mm."

Iniwan ko na sila doon at dumiretso sa nakitang ikalawang stone. If we get this, tatlong stone crystals na lang ang kailangan naming kunin. It will make the whole searching process easier.

Kulay green ang batong 'yon so I guess it resembles the nature while the former stone symbolizes the water. Mukha ngang tama ako na mula sa mga elements ang nandito. Maybe it's also connected with our own magic powers? Kasi parang by elements din naman siya.

Nakasabit nga talaga ang bato sa sanga na nagpo-protrude mula sa kinatatayuan ko. The tree was leaning sideways, towards the cliff, so getting the stone was a little difficult and dangerous. Dahil hindi naman ako matangkad at hindi mahaba ang kamay ko, I had trouble reaching for the stone.

Hindi ko naman siya pwedeng magamitan ng kunai dahil baka ihulog lang ito sa dagat sa ilalim.

Maybe I can use my second weapon, pero kukunin nga ba naman ng ahas ang bato? Baka lunukin niya ito bigla.

Wait— 'Pag nalunok ba niya 'to, magiging green siya or ang silver dagger magkakaroon ng green stone sa hilt?

Pero... is it possible?

"Sandali." pagtigil ko sa sarili. Bakit 'yon ang iniisip ko? "Focus. Focus."

I sighed. I should be focusing on more important matters, like how I could reach for this stone.

Ah. Maybe I can use my shadows!

Nakangiti akong tumango at nagsummon ng mga anino. They crawled from beneath my feet towards the body of the tree until they reached the branch. I bended the tree para mas lumapit sa'kin ang sanga at maabot ko ang bato nang biglang nawala ang balanse ko.

Someone pushed me off the cliff.

Sapphire's face was the last thing I saw before my body collided with the water.

-chapter end-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro