Chapter One-Hundred Four: Old Friend
-chapter one-hundred-four-
FINN
Nakatulala ako kay Caspian.
Hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala ang hawak-hawak kong kunai. I stepped forward. Mabibigat ang bawat paghinga at paghakbang ko.
He didn't move, only stared at me until there's a little distance between our bodies. Itinaas ko ang kamay para hawakan ang pisngi niya. At hindi ko alam kung matutuwa o maiiyak ako nang makompirma na totoo nga siya. Na hindi siya hologram o kung ano man lang.
"Finn..." he breathed, just as surprised as me.
Umatras siya kaya nahulog ang kamay ko. Magtatanong na sana ako kung anong ginagawa niya dito nang bigla niya akong hatakin sa bewang. He raised his hand and closed his fist. Pagkatapos ay narinig ko ang pagdaing sa likod.
Before I looked back, I had another confirmation for Caspian's presence. I can hear his loud heartbeats due to our close proximity. Kaya totoo siya 'di ba?
Tuluyan akong napalingon nang marinig ang isa pang ingay. Dalawang halimaw ang nasa likuran namin at nakatusok sa kanila ang libo-libong needles na mula kay Caspian. Nasunog ang itim nilang balat dahil sa apoy na nagmumula sa dulo ng needle.
Hinila ako ni Caspian sa isang madilim na alley. A horde of monsters passed us by, growling and grunting. Nanlalaki ang mata kong sinundan ang pupuntahan nila.
"What are you doing here, Finn? Isn't it too early?"
Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya. "A-Anong... How are you alive?"
Natigilan siya. "I don't know that too." he whispered. "I remembered dying but I also heard someone. A skip, she said. Then, I found myself here. Hindi nagtagal nalaman ko rin na nasa twenty-third city na pala ako."
"What's the city called?"
"The cities after the 20th one does not possess a name. Wala ring nakalagay na instructions. It's up to the players to solve the riddles."
"Riddle?"
Wala naman akong nakitang may pwedeng basahin dito. Papatay ba kami ng monster tapos bibigyan niya kami ng papel? Tapos while magpapatayan kami, kailangan din naming sagutan 'yong questions, gano'n?
Ang hirap naman.
"Every city is a riddle that needs to be answered. Noon, ibinibigay nila ang sagot. Ngayon, tayo na ang maghahanap."
"And you spent the whole time in here?"
Akala ko matalino si Caspian.
"I was... waiting." sagot niya sabay iwas tingin. "I didn't know you'll come this early. You really are something, Fi-"
Nabura ang ngiti na namuo sa labi niya nang makita ang mukha ko. Malungkot akong ngumiti. Yeah, I really am something. I bring death so easily to the ones close to me.
"My presence here didn't come without a price." mahinang tugon ko. "I lost someone then I gained you back."
Matutuwa ba ako? Sa ngayon kasi parang gusto kong magtampo at hampasin ang gumawa ng game na 'to. Alam ko namang laro 'to pero bakit kami yata ang pinaglalaruan niya?
They killed Theo and now Caspian's here? Joke-joke lang ba ang lahat?
Nanlaki ang mata ko nang may maisip. "Wait- What if Theo is here too? Depore? Ree? Baste?"
"Hindi ko alam. Wala pa akong nakikitang ibang players dito."
Isang malakas na dagundong ang pumutol sa usapan namin. Caspian pulled me towards the street, just in time for the two buildings beside the alley to crumble down. Tumakbo kaming dalawa habang nasisira na ang paligid. Parang nagw-wrap ang lahat ng nakapalibot sa'min. Umaangat ang mga daanan at nagsiliparan ang mga kotse. Naging abo ang mga poste at nagkasira-sira din ang mga gusali. Sa taas naman ay may namuong aurora lights sa langit. Ngunit imbes na magandahan ako dito, tanging takot ang pangamba lang ang nararamdaman ko.
Caspian slid down a falling debris, pulling me down with him while protecting my head. Akala ko ay papunta na kami sa dulo kung saan nagkumpulan ang mga sirang bato pero bigla siyang lumiko. Dahil hatak-hatak niya ako ay wala akong nagawa kung hindi sumunod.
Nag-U turn lang naman kami para salubungin ang mga nahuhulog na kung ano-ano!
The street was cut in half- no, the whole city was divided into two. At halos maabot na ng dulo ng kalsada ang langit dahil sa pagtiklop nito. And as we try to run over the edge, I got what Caspian was planning.
Naguilty tuloy ako kasi baka nawala na ang talino niya sa city na 'to pero ito lang pala talaga ang nature ng lugar.
When we got to the edge, we jumped. Sa isang iglap ay buhat-buhat na niya ako at lumapag kami sa taas ng isang gusali. Nakatutok lang ang tingin ko sa may langit, kung saan dinudurog ang syudad na kinatatayuan namin kanina.
Aside from the monsters that roam this city, it also changes its skin every now and then. Napakadangerous nga nito. Tapos dito pa kami agad dinala no'ng NPC.
A bellow from the street took my attention. Tumakbo ako papunta sa gilid ng gusali at sumilip sa baba. There was a horde of monsters down there and they were trying to ender the building kung nasaan kami ngayon. I pulled out my throwdaggers, counting the whole horde and calculating their positions.
Ngunit bago pa ako maka-atake ay dumaan sa pagitan nila ang dilim at may double-bladed dagger nang nakatusok sa katawan nila.
I watched in awe as Kairo crossed the streets. Nawawala siya't napapalibutan ng dilim dahil sa kaniyang magic at sa muling pagliwanag ay patay na ang mga monsters na kalaban niya.
Sa isang banda naman ay nakita ko si Eura na tatawa-tawa habang hawak-hawak ang flamethrower niya. Umiikot lang siya sa kinatatayuan habang sinusugod ng mga monsters at bago pa makalapit ang mga ito ay nagiging abo na. A few meters away from her was Gavin who had full control over his power now. Isang suntok lang sa kaniya ang mga halimaw at ang malalakas na hakbang niya ay nagpapagalaw ng lupang kinatatayuan. Cracks formed and swallowed two monsters whole.
Kung saan-saan naman napupunta si Maki dahil sa palipad-lipad niya at sobrang bilis. Whenever he lands on the ground, a wave of strong wind appears and the monsters around him falls.
I felt a wave of familiarity when I saw Wes controlling the water. Gumagawa siya ng water bubbles at nilalagay ito sa ulo ng monsters para malunod. Ang bawat galos na napupunta sa kaniya ay agad nagiging tubig. I guess that was his way of regenerating, but it is a bit funny to see him just standing there, waving his hand to control the water bubbles. Parang wala lang siya sa gitna ng laban kung makapaglakad.
Pero panay ang paglinga-linga niya sa paligid na parang may hinahanap. Noon pa talaga ganito si Wes kapag napapansin ko siya mula sa malayo. Parang hindi mapakali na dapat may makita.
To help him, hinanap ko din si Dierran. Pero nakita ko siya hindi lang malayo mula kay Wes, kaya napaisip ako kung nagweaken na ba ang pagdetect niya sa presensiya ng kaibigan. Wind din ang element ni Dierran at pinapalipad niya lang ang mga monsters habang may ngiti sa labi.
Marcella wasn't hard to find dahil napakalakas ng presensiya niya. Parang sumisigaw ito sa lahat na nandoon ang reyna kaya kailangan niyong tingnan. And the spectacle isn't disappointing. Her sword of fire is really something to look at. Ang bawat galaw niya ay may halong pagka-elegante at lakas.
Hindi malayo mula sa'min ay si Oliver na mabilis ang bawat galaw. Mukhang hindi na nga niya kailangang mag-isip bago iputok ang baril. Parang alam na niya kung saan nakatayo ang mga monsters na nakapalibot kaya habang nakikipaglaban ng melee ay binabaril niya rin ang mga ito.
I wonder... Ano kaya ang reaksiyon niya kapag nalamang kasama ko si Caspian?
"Finn, let's go. We have to leave this place." utos niya saka kami umalis.
Siya ang nagbantay sa una at ako naman ang tumitingin-tingin sa likod namin. Pagkalabas namin ay biglang may naglanding na mahabang double-bladed dagger sa isang monster na nasa harapan. Kairo landed next, pulling the dagger out, making the blood spray everywhere. Pero parang wala lang sa kaniya ang itim na dugong tumalsik. Inayos niya lang ang buhok at iniangat ang matatalim na tingin.
Tatawagin ko na sana ang pangalan niya nang bigla siyang nawala sa harap namin. I blinked. Hindi niya ba ako nakita?
Sinulyapan ko si Caspian na seryoso ang mukha. He's looking at where Kairo came from and he started pulling me there. I followed, a bit confused about why Kairo ignored me.
Mas lalong nakakapagtaka na hindi niya man lang napansin si Caspian, ang isang player na akala namin ay namatay na.
May pagkamalabo ang mata ni Kairo dahil simula pa noon na hindi niya talaga pinapansin si June pero sobrang lapit namin kanina para maignora niya ako. Unless... Unless, we really are just ghosts now?
"Finn, there's this-" kumunot ang noo ni Caspian nang makita ang pagnguso ko. "What happened?"
"Ghosts." simpleng sagot ko.
Maybe I really did die in the last city... Or while crossing the cities.
"Ghosts? Walang multo dito. Takot ka sa kanila?"
Mahina akong umiling. "Ghosts na tayo."
Sandali akong tinitigan ni Caspian bago napabuntong-hininga. We stopped walking so he could face me fully. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mata.
"Are you wondering why Kairo failed to notice us?" tanong niya na tinanguan ko. "Nakalimutan mo na bang wala kang presensiya?"
I blinked. Ah, oo nga pala.
"Anyway, there's this pull I always feel whenever I'm in this part of the city, pero hindi ko mapinpoint kung ano nga iyon. I think... it's the answer."
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata. Pinakiramdaman ko ng maigi ang paligid. There's Caspian's slow breathing and the stabbing of skin just a few meters behind us. There's the sound of debris falling and the wind passing by. There's the song of war being sang by a soft tune and a melodious laugh of a familiar woman. And most of all, there's that pull at the heart of the city, where the chaos was born.
Agad kong ibinukas ang mga mata. "I feel it."
"Kailangan nating hanapin 'yon."
Tumango ako. "Then we should part ways to find it faster. Mahihirapan kang alamin ang presensiya ko dahil nakasilent ito pero kapag nahanap ko na, magpapadala ako ng mga anino sa'yo."
"Here." may ibinigay siyang needle sa'kin. "In case I need to find you or... I need you to come to me."
Naghiwalay kami ng daanan. Kumanan siya habang ako naman ay kumaliwa, dahil mas nararamdaman ko doon ang paghatak. Hindi ko nga alam kung paano talaga siya maipapaliwanag pero napakasakit niya sa dibdib. It's like a rope was tied around my heart and every pull restricts the beats.
I blended with the shadows to avoid fighting with any monsters. Finding the source is my priority for now. At sa mismong pagliko ko naman ay may nabangga ako.
Narinig ko ang mahina niyang pagmura at ang napakalakas na init sa gilid ko. Kaagad kong ginamit ang kunai na pinalilibutan ng anino para iwaksi ang weapon ni Marcella. Her fire was too strong that even my shadows faded a little.
"What are you doing here?" kunot-noong tanong niya.
"May hinahanap ako."
"Alam mo rin bang halos lahat sila ay hinahanap ka?" parang nanay siyang sinusuway ako. "You weren't with Maki and Eura when we arrived here."
Nagulat nga rin ako do'n. Hawak-hawak namin ang isa't isa para hindi magkalayo pero may kakaibang puwersa na humatak sa'kin. Then I found myself facing an old friend who I never thought I'd see again.
"Kasama ko si Caspian."
Marcella looked at me like she didn't believe any word I said, more so the name that I just muttered.
"Hindi ko rin alam kung paano..." dagdag ko.
She blew a harsh breath. "What the heck is wrong with this game? Akala ko ba patay na siya? Ako pa nga ang isa sa rason kung bakit. I watched him die."
Si Marcella nga pala talaga ang first witness dahil siya ang pinakamalapit. Ako lang ang second victim na nakawitness ng evil side ng kanilang reyna.
"He said something about skip. Maari bang may game master din na tumulong sa kaniya?"
Sandali siyang nag-isip. "Pwede. Pero gaano ba kaimportante si Caspian para tulungan nila? O baka naman may plano pa sila dito?"
Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko pa rin tuluyang naiintindihan ang nangyari. I summoned a kunai and made it fly straight to the forehead of a tip-toeing monsted behind Marcella. Gagawa ata sana ng ambush pero hindi ako napansin na nakaharap lang sa kaniya.
"Marcella, can you feel a pull?"
Mahina siyang tumango. "It's faint, but I can feel it. Hindi ko nga lang alam kung nasaan ba talaga."
"Caspian theorized na baka nando'n ang sagot sa city na 'to."
"I guess so, but we have to move now."
Sabay kaming tumakbo habang pinapatumba ang bawat monsters na sumalubong. Alam ko kung ano ang naramdaman niya sa pagtayo namin do'n. Bumalik naman ang paggalaw ng lupa at ng mga gusali. Habang tumatakbo kami sa gitna ng kalsada ay unti-unti itong umaalon na nagpapawala ng aming balanse.
I glanced back and saw the buildings crashing against each other again. Hindi pa nga ako nakaka-isang oras dito pero ayan na naman.
The city is once again changing.
-chapter end-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro