Chapter One-Hundred Eleven: A Missing Sparrow Pt. 2
-chapter one-hundred-eleven-
MAKI
Alam niyo 'yong calm before the storm? My goodness! Parang ito 'yon!
Every face that I glanced upon had ice-cold fury. Mga mukhang nabato sa sobrang galit pero nagbabaga naman sa mata ang emosyon. Ang nakakuyom nilang kamao kung saan unti-unting namumuo ang sariling magic. A slow threatening gesture to the woman who dared bring harm. Maski ako kinakabahan sa itsura nila e! Parang ako tuloy ang kakatayin, jusko!
Mas kinabahan ako dahil ang Eura na sa sobrang arte ay naging cursing machine, e eto at sobrang kalmado sa galit! I fear that my nails will eventually break once they all explode.
And so, I wasn't wrong.
Nakakabingi ang ginawang sampal ni Eura kay Sapphire.
Napakabilis ng naging pangyayari. In an instant, Eura was already pulling Sapphire's hair. Todo naman ang iyak ng pangit na 'yon at siyempre ako ay nagchi-cheer lang kay Eura! Bruhang 'yon! May pahulog-hulog pang nalalaman kay Finn, hindi niya ata narealize na ibon ang kaniyang inihulog!
"H-Hindi ko sinasadya! Hindi ko sinasadya 'yon, Eura- aray! Huwag mo 'kong sabunutan- aray!"
"Putangina, Sapphire! Tinrato ka ni Finn na kaibigan at wala siyang ginawang masama sa'yo! Lintik na 'yan! Matatanggap ko pa kung ako tinulak mo do'n dahil sa pesteng bibig ko pero tangina, anong maling ginawa sa'yo ni Finn, ha?! Gaga ka, kasalanan niya bang nagconfess 'yong si Theo?! Ha?! Putangina!"
"S-Sabi ko na nga hindi ko sinasadya, Eura!"
I watched as everyone started to attack Sapphire, whether verbally or physically. May mga handa na talagang pumatay dahil sa pagkawala ni Finn, at ako'y naiistress na dahil sa iba nila pinopokus ang galit! Omg! Talaga bang ang pretty eyes ko lang ang nakakapansin ngayon? Sa sobrang galit ba nila ay namatay na rin ang kanilang mga braincells?
Gusto ko ring matikman ni Sapphire ang galit sa kuko ko pero may mas importanteng gagawin ngayon!
Huminga ako ng malalim para kumuha ng marami-raming lakas bago sumigaw, "My goodness! Guys, maghunos-dili kayong lahaaaat!"
My scream that rattled even the resting birds took their attention. Nagpasalamat ako sa aking taglay na kagandahan dahil natuon sa'kin ang kanilang atensiyon. Siyempre, hindi ko din pinalampas ang bahagyang kiligin sa seryosong titig ni Liam.
"What's the matter, Maki?" Oliver asked darkly. "You're not angry at this bitch?"
Sa rahas ng hangin na nakapalibot sa kaniya ay parang lulutang lang siya 'pag itinapon ko sa cliff. Nakakatakot ngang lumapit kahit na wind din naman ang magic ko. Sunod kong nasulyapan ay si Gavin na nag-iigting sa galit. The ground he's stepping on has already cracked, probably from that magic of his that he couldn't control with the rage.
"Lahat naman tayo ay galit at gustong masaktan ang bruhang 'yan," pairap kong tugon. "Pero mas may importante tayong gagawin! Look at the player count, guys! Forty pa rin tayo, that means Finn hasn't died but with that height—"
"She must be badly injured and is just scraping to survive." pagtapos ni Wes sa sasabihin ko habang nakatitig sa ilalim ng bangin.
If it was any other, maiinis na ako dahil pinutol nila ang aking wonderful statement, pero dahil si Wesh eyern, beket hende.
Pero loyal ka kay Liam, Maki, ha!
"Correct ka diyan!" I snapped my fingers. "Kaya mas mabuti pang hanapin natin si Finn at ikulong na lang muna ang bruha. Baka kung ano na kasi ang nangyari sa kaniya..."
Napakagat ako sa ibabang labi. I'm still blaming myself, actually, pero pinilit ko lang na kumalma dahil hindi ako pwedeng sumabay sa galit nila. Now that even the voices of reason are blinded by their rage, I have to make sure that my bestie is alright and monitored well. I have to make them focus on our goal and temporarily ignore those bitches who seemed to have no morals or life.
Bahala na kung hindi ako ang makapatay o makaganti kay Sapphire. Mas importante ang kalagayan ni Finn sa ngayon.
"Maki's right." Dierran said. "Ikulong niyo muna si Sapphire at bantayan nang 'di na makatakas. For now, we'll find Finn and try to open the gate too. Baka may kung anong shortcut siyang nakita at nasa loob siya."
Marcella pursed her lips. "I agree. She seems to find her luck at the oddest of times."
If that ever happens, baka naman naputol na ang malas streak niya at naging lucky siya for once. Sana nga at mauna na siya do'n! My goodness, kahit pa siguro malaman naming nagkashortcut siya papunta sa next city ay okay lang, basta ayos lang siya!
"I'll look for her down there." Wes announced immediately, na para bang hindi na pinag-iisipan ang gano'ng bagay.
Malapit akong mapasigaw nang bigla siyang tumalon. Buti na lang at naalala kong water-type pala ang magic niya kaya walang problema do'n. Sumunod naman sa kaniya sina Gavin at Oliver, pero siyempre tinahak nila ang proper na daan.
Kairo, who was dangerously quiet since a while ago, decided to step forward. Halos lahat ng mata ay tumungo sa kaniya. His fiery eyes, however, were only directed at the trembling and fear-stricken Sapphire. Umirap ako dahil sa pag-aarte niya ngayon. Nako, ano ba ang telebisyon diyan na pwedeng ikontrata ang babaeng 'to at itutulak ko siya kaagad doon!
"A-Anong gagawin m-mo?" nauutal na tanong niya. "I-I didn't know she'll fall! Hindi ko naman sinasadya na-"
"Amputa, ambobo mo din 'no? Tinulak mo siya tapos hindi mo alam na mahuhulog siya? Tangina!" Eura laughed sarcastically. "Niliteral mo bang ibon siya kaya akala mo lilipad, ha?!"
"Stop cursing at me, Eura!" sigaw din ni Sapphire na panay ang iyak. "Totoo naman na hindi ko alam na mahuhulog siya! I didn't push her that hard! I never intended for her to fall!"
"Tinulak mo siya, Sapphire." nanginginig na ang kamay ni Eura, sabik na manampal muli. "Tinulak mo siya, rinig mo ba 'yon? Hindi na namin kailangan ng iba pang paliwanag mo, damn it! Ang importante ay itinulak mo siya."
Si Kairo na nakalapit na ay hinablot ang likod ng shirt ni Sapphire. Right now, the soft and expressive admirer of Finn has disappeared, napalitan na ito ng tunay na anyo ni Kairo sa online games — the ruthless and merciless prince.
"Habang hinahanap namin si Finn, doon ka muna sa dilim." ang tanging sagot nito at hinatak siya palabas sa kagubatan.
Sumunod sa kaniya sina Eura, na hanggang ngayon ay hindi maipinta ang mukha sa galit. Ang darling ng Reaper's Oath lang naman ang itinulak ni Sapphire kaya't goodluck na lang sa kaniya. Kung akala niya ay ipagp-pray over ko siya, aba't sisihin niya ang maliit niyang brains!
I huffed and reached for the stone that Finn attempted to take. Gusto kong ibuhos ang sisi sa bato pero baka mapagkamalan akong baliw. Hay nako! Kung hindi ako nagpadala sa charms ni Finn kanina at sinamahan siya, e'di sana 'di na nangyari 'to!
Mabuti rin at may nagconfess sa nangyari kanina. While Sapphire is already a primary suspect because of her strange behaviors lately, baka nambibintang pa rin kami ng walang ebidensiya o witness man lang. So that player stepping up and bravely admitting what she saw was a big help.
Pinagmasdan kong mabuti ang ayos ni Sapphire nang marating ko ang sentro ng city, kung saan rin naganap ang meeting namin kanina. Sapphire was already at the center. Gulong-gulo ang buhok at wala sa ayos ang damit. Tears streaked down her face and her mouth was turned on an ugly frown. Nakaka-stress makita ang mukha ng kumare ng dilim!
"Eura. Ano gagawin ni Kairo?" tanong ko sa babae nang makalapit.
"Ang nararapat sa putangina."
Napaka-crunchy talaga lagi ng lumalabas sa bibig ng isang 'to. Parang 'di ko na need ng chicharon kung siya kasama ko.
"Ano ba 'yon? Share mo naman at hindi ko alam." pamimilit ko.
Inirapan naman ako ng bruha. "'Di ba nga, ikukulong siya? So diyan siya sa Underworld ni Kairo!"
Hindi nagtagal at nalaman ko rin kung anong ibig niyang sabihin. Isang itim na mahikang bilog ang namuo sa kamao ni Kairo. Lumaki ito ng lumaki hanggang sa ikinulong nito si Sapphire sa dilim. Nang unti-unti nga nitong kinain ang babae ay naririnig ko pa ang kaniyang wails at shrieks! My goodness! Kahit ako ay mawawalan ng bait kapag sobrang dilim ang paligid!
I guess that was their way of torture for Sapphire as they navigated the forest to find the stones again. Kahit na may nangyayaring masama noon ay maayos pa rin naman ang paligid, pero ngayon ay tila may kulang talaga. Parang kahit ang magandang syudad na ito ay nawalan ng kulay at ganda nang mawala ang isang ibon. Napalitan na lamang ng tensiyon ang masayang ganap kanina.
No conversations lasted long. Everyone was focused on one thing — either to find Finn or to look for the stones.
Dumaan ang isang oras na wala pa ring nangyayari. Walang nakita sina Wes sa may dagat at wala ding kahit na anong bakas na nandito si Finn sa kagubatan. Pero ang pinanghahawakan namin ngayon ay ang numero ng mga players na hindi pa nababawasan. Hangga't kwarenta pa ang nandiyan, nandito lang si Finn sa paligid.
Inilagay ko ang ikalimang stone sa gate. My goodness naman kasi! Kapag nakita ko ulit si Finn ay talagang ibabalita ko sa kaniya ay katamaran ng kaniyang kaibigan! Biruin mo, apat na stones lang naman ang nahanap ko— okay, ang dalawa ay mula kay Finn— tapos isa lang ang nakita ng trenta-syeteng manlalaro na 'yon! 'Yong isa naman ay nakita nina Gavin, Oliver, at Wes habang hinahanap ang babae.
Pasimple akong umirap. I know they're worried, pero tingin ba nila masisiyahan si Finn kung wala silang gagawin? They should know better than anyone else that Finn has only two goals. Ang matapos ang bawat city at masiguradong ligtas lahat ng mahal niya.
"Maki..."
Bumaling ako kay Eura nang banggitin niya ang napakagandang pangalan ko. "Yes?"
"Sa tingin mo ba talaga ay ayos lang siya? Nag-aalala ako. I was there but I wasn't able to save or help here." bumuntong-hinga siya. "Napaka-walang kwenta kong kaibigan."
Napahawak naman ako sa dibdib sa gulat. Aba, at ano ang akala niya sa presensiya ko do'n?
"Talaga." sang-ayon ko na mas nagpakaba sa kaniya. "Lukaret ka. Nakalimutan mo na bang magkasama tayo do'n? Kung may kasalanan ka, mayro'n din ako!"
Sinamaan niya ako ng tingin pero bigla na lang siyang naiyak. Kita mo naman ang moods ng babaeng 'to! Parang weather-weather lang! Aaraw, uulan, tapos mamaya babagyo na ang mura sa bibig. My goodness!
"Ano na ang gagawin natin ngayon?!" iyak niya sa'kin.
Mabuti na lang at medyo busy ang paligid namin sa panonood sa gate na kung magbukas ay akala mo pinaglihi sa pagong. Maabutan na ata kami ng next na pagtulak ni Sapphire ng player ay hindi pa 'to nabubuksan.
"Gaga, siyempre hahanapin natin siya! Ano ka ba, si Finn 'yang pinag-uusapan natin. Si Sparrow 'yan!" paalala ko sa kaniya. "Hindi siya mabilis maggive-up kaya magtiwala tayo sa kaniya. Magiging okay lang siya."
Siyempre talaga, kailangan niya maging okay! Kapag hindi, may kukunin akong benefits mula sa bestie contract namin!
"Dapat talaga."
Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang seryosong boses ni Gavin. He looks ready to murder anyone in his way at ready na rin akong tumakbo para hindi niya masuntok! My goodness! Ngayon ko lang siya nakitang magalit. The way his brows furrows and jaw clenches is very nakaka-kaba!
"Dapat talagang ayos lang ang aking prinsesa. O baka may magawa pa akong masama." sabay sama niya ng tingin sa direksiyon ni Sapphire.
FINN
It felt like flying with broken wings. Or attempting a flight with one wing gone. Dahil sa unang talon ay agad kong naramdaman ang malamig na alon.
The way my back collided with the water was maddeningly painful. Napasinghap pa ako, na dapat ay hindi ko nagawa, dahil nasa ilalim na ako ng tubig. My eyes burned at the saltiness and at the rays that flowed through the blue waters that hugged me further down.
Nasa isipan ko pa rin ang mukha niya nang itulak ako. It was stone-cold, without any hint of regret or hesitation. Na para bang isang bagay lang na walang halaga ang nahulog. Something worthless. Something unnecessary. Something that needs to disappear.
The shock stayed for a couple of seconds until I regained the sense to move. Pinadyak ko ang paa at aahon na sana nang may mahagilap. There was a bright blue light on my left, tempting me to go and look. May parte sa'kin na sinasabing makakatulong iyon sa city na 'to kaya lumangoy ako papunta doon.
I hope they won't panic over my disappearance so much. Babalik din naman ako. May titingnan lang...
Umahon ako na nasa loob na ng isang cave. I was wondering why the sunlight that filtered through the waters got darker, 'yon pala nasa loob ako ng kweba. The entrance was underwater dahil pagkaahon ko ay madilim na ang paligid, save for the sparkling stalactites that looked like gem.
Nasaan kaya ako?
"Turtle..." walang-muwang sambit ko nang tumingin sa gilid.
There were turtles in the land. Ang cute nga nilang tingnan. They were really small, just about the size of a tiny rock and I could fit a three of them in my palm. Palinya silang naglalakad papasok sa kweba, kaya dala na rin ng kuryosidad ay sinundan ko sila.
I lightly giggled, standing behind the last turtle. Para tuloy kaming nagf-follow the leader ngayon!
"Let's go!" bulong ko sa mga turtles sa harapan.
I hummed a song while following them, a small smile playing on my lips as I continued the little game with the turtles. Nang mapagod ako dahil mabagal ang paglalakad nila ay umalis ako sa pila at sinubay na lang ang linya.
I couldn't help but be amazed as I roamed my eyes around the cave. Napakaganda ng stalactites, lalo na't kumikinang ang mga parang gems na nakakapit dito. There were some odd rock formations around, but they're not too hard to navigate in the wide cave.
Napatigil ako nang bumungad sa'kin ang isang luntiang lawa. Maybe it was just the reflection of light that produced such color but it was enthralling to see. Doon dumiretso ang mga turtles kaya nagpaalam ako sa mga pamilyar sa'kin. At the other side of the lake was a large chunk of rock. Inubos nito ang espasyo sa kweba at nagmistulang pader sa harapan ko.
But the lava stone that glowed in its heart made me think otherwise. Mahina akong napasinghap nang dahan-dahang bumukas ang mga mata niya at tumitig sa'kin. For a brief second, the color of its eyes stunned me — blue-violet hue surrounding the yellow pupil.
Oh. I blinked.
It's not just any stone wall.
This is the quest's giant.
-chapter end-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro