Chapter One-Hundred Eight: The Quest
-chapter one-hundred-eight-
FINN
"Gavin? Saan pupunta?"
Nakatitig lang ako sa likod ng ulo niya. Bigla na lang kasi niya akong hinatak mula doon sa may cottage kanina. Hindi man lang ako nakapagpaalam kina Eura.
"I just saw something amazing, Finn!" he exclaimed, glancing at me with a bright smile. "Paniguradong magugustuhan mo siya!"
Kumunot ang noo ko. This reminds me of a seven-year old Gavin who was excited to show off his new toy car that was washed by the waves a few days later. Ilang araw din kaming tumambay sa tabing-dagat no'n para lang lamayan ang laruan na nawala.
I wonder what Gavin saw in the past city and how strong he is for having the same, bright smile.
"Tingnan mo." manghang sabi niya bago tumabi.
And I couldn't blame Gavin for falling in love with the place. Nasa may itaas na kami ng hill malapit sa mas malaking bahay-kubo. Sa harap nito ay isang fountain na may sculpture ng anghel at mula sa kamay niya ay lumalabas ang tubig. Water lilies and flowers floated in the stream of water. Malapit ito sa cliff kung saan may malaking sakura tree at bawat bulong ng hangin ay isinasayaw ang mga bulaklak nito. Beyond the cliff is the sparkling ocean that was further accentuated by the high sun.
"Nakita ko lang 'to kanina habang nagiikot-ikot." paliwanag niya at umupo sa bench na nasa ilalim ng kahoy. Tinapik niya ito saka lumingon sa'kin.
I accepted his invite and sat down. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinatanaw ang dagat. Dahil lumaki na rin ako na katabi ito, mas nami-miss ko tuloy ang bahay at ang dating buhay. Ano kaya ang nangyayari kay Tita ngayon? Are they still worried about us? Or have they proclaimed us dead? Ilang linggo na ba kaming nawala o naabutan na nga ba kami ng buwan?
"Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Tita at Tito ang nangyari kina Ree. Sa tingin mo, mapapatawad kaya nila tayo? Hindi man lang natin naprotektahan 'yong dalawa." inihilamos niya ang palad sa mukha. "Nakakatakot pa naman si Tita Rea. Baka bigla niyang bawiin ang supply ng soda sa bahay!"
I'm worried about that too... A parent's loss should never be underestimated. Nalaman ko na 'yon nang mangyari ang kay Kuya Gab.
"Do you think... they will forgive us?" mahinang tanong ko.
Matagal bago siya nakasagot. But this time, he was already staring at me with a soft smile. Like everytime he stays with me during my parent's death anniversary, sharing the silence with me and later on asking me what I want to eat.
"Matatagalan man, pero mangyayari din 'yon. O uuwi ang prinsesa ng Villamor at papagalitan sila ng personal."
"Mas maganda. Kasi uuwi si Ree."
"Pero spirit niya na 'yon, Finn! Multo na!"
"Uuwi pa rin..."
Gavin paled. "Kung bababa si Ree, bababa din si Baste. Ayoko siyang maging multo ko, 'no! Baka pahirapan niya lang ako."
"'Pag ikaw multo, papahirapan mo din si Baste."
"Walang laglagan, Finley! Hindi kaya kita nilaglag!"
I turned to him, this time surprised. "Didn't do anything wrong para ilaglag mo ako!"
He raised a brow, challenging me. "Naalala ko pa noong dumating ka sa bahay tapos nakita mo ang chocolate! Hindi mo napansin na may nakalagay na Baste tapos kinain mo 'yong dalawa." akusa niya. "Kaya walang nakain si Baste sa araw na 'yon pero 'di mo sinabi sa kaniya!"
"Hala, 'di ah!" depensa ko. "Binigyan ko si Baste ng chocnut!"
"Hersheys 'yong chocolate ko, tapos binigyan mo siya ng tigpiso lang!"
"One peso and five cents..." nakangusong tugon ko.
Bigla siyang tumawa. "Naaalala mo pa ba ang mukha niya no'n? Grabe, betrayed na betrayed siya! Tapos tinawanan lang siya ni Renée!"
I chuckled, remembering how Sebastian pouted the whole time. Noong nanood kami ng horror sa room ni Gavin ay sinasapak niya ito kapag nagugulat.
"But Ree gave him chocolates."
"Oo nga 'no. Ang sweet nila do'n. Ang dami no'ng binigay na chocolate ni Ree sa kaniya tapos sa'yo ang laki." sumimangot siya. "Tapos sa'kin isa lang."
"Masarap naman." I tried lifting up his spirits.
"Sa sobrang sarap nga, nabitin ako." He stomped away my comforting words.
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. It made me relax to the point that I closed my eyes as the wind and skies whispered comfort to me. I let myself fall in reverie as the sakuras graced my face, willing me to hope for a beautiful future.
Hinayaan ko ang puso na kumontrol sa aking bibig, "I miss them."
"Ako din." sang-ayon ni Gavin. "Pero alam mo kung bakit nakaya ko 'yong last city? Kasi kinausap ko sila." tumawa siya. "Sabi ko, maghintay lang kayong dalawa, dahil 'pag nakarating ako diyan, sasabihin ko lahat ng magagandang nangyari sa buhay ko! Lahat ng experience ko dito sa game! Dapat maging handa sila dahil magiging haba ang kuwentuhan na mangyayari!"
I stared at Gavin's optimism and wondered how such strength and beauty resided in his heart. He lost someone, but his hope never wavered. He was wounded but he never did hurt others. He just built himself from pieces again to show off that smile that had everyone burning.
"I'm jealous of you." I told him honestly.
He stared at me for a minute before grinning playfully. "May magseselos rin kung gagawin ko 'to."
Bago pa ako makapagtanong ay dumampi na ang kaniyang labi sa aking pisngi. Agad na nanlaki ang mata ko. He laughed, rising from his seat and running away. I followed him until we reached the front of the fountain where a frowning Kairo and a suspicious Oliver were waiting. Nawawala na naman ulit si Wes.
"Pareng Gavin." tawag ni Maki. "Bakit parang tuwang-tuwa ka naman ngayon?"
"I kissed Finn on the cheeks!" he announced, proud.
Ano naman ang nakaka-proud do'n? He and Sebastian often kisses me on the cheek or forehead.
"Who kissed who?" Kairo slowly asked, his eyes focusing on the grinning Gavin.
"Ah, patay. Condolences, bro." ani Maki.
Tumawa lang si Gavin at hinatak si Eura palayo. Ang babaeng dating iniwas ang tingin ay ngayo'y nagrereklamo na kung saan daw ba sila pupunta. Sumunod sa kanila si Maki at Oliver, na bago umalis ay binigyan pa ako ng kindat.
Pinagmasdan ko si Kairo na nanatiling nakatayo do'n. When he didn't make any move, I turned and walked away. Baka gusto niya munang magmuni-muni dito kasi maganda ang lugar. I'll give him time to emote.
Ngunit ang paghatak niya ang nagpatigil sa'kin.
"Kai?" I called, looking at him and tilting my head.
I found him staring at our hands. His thick brows were furrowed while his gray eyes are narrowed. For a moment, his tongue slipped out to wet his lips, but he looked every bit troubled as he watched our hands together, kaya naman sinubukan ko na lang itong bawiin.
"W-Wait-" pigil niya at hinigpitan ang paghawak. Our eyes met and he gulped. "Sandali lang. Mga f-five minutes."
Tumango ako. Nagdaan na ang limang minuto at wala pa rin siyang sinasabi. Pinapanood lang namin ang pagtalon ng isda sa fountain at ang pagsayaw ng hangin sa damuhan. Once again, I tried letting go but he continued to hold on.
"Wait." utos niya.
Hinihintay ba naming magtakip-silim?
"Five minutes done."
"Padagdag."
"Namamasa kamay mo."
Unti-unti niyang itinaas ang kamay namin at mahina siyang humalakhak doon. He stared at me over our hands and gave my closed palm a brief kiss. Slowly, he let go.
"There. I'm done." aniya at saka umalis.
I watched his retreating back, fingers grazing the skin where his lips touched.
Huminga ako ng malalim at bumalik sa bench. Naupo ako at tahimik na pinagmasdan ang tagpuan ng karagatan at langit. Pinaunlakan ko ng ngiti ang paglipad ng ibon sa himpapawid. As if bewitched by the view, I started humming.
And I reviewed my stay. All the pain and beauty. All the suffering and smiles. All the lost souls and gained friends. All the sacrifices and redemption. Ang mga luha na ipinatak na magagantihan at maayos ng ngiting 'sing totoo ng liwanag, at ang mga nabiyak na puso na ang tanging makakahilom ay tapang para sa kinabukasan.
I let out a slow, steady breath, giggling as a drop of flower kissed my nose and as the gentle breeze kissed my hair.
"Finley."
Napalingon ako sa tumawag. Nakatayo si Oliver sa likod at nakapamulsa. Dumako sa karagatan ang kaniyang mata bago nanatili sa'kin.
"Pinapatawag tayo ni Dierran. Pag-uusapan na daw ang tungkol sa quest. He also has something to say to the surviving players."
"Still many?"
Malungkot siyang umiling. "There's only forty left and the NPCs have closed the gate for the last city. Kung ganito daw katagal, hinding-hindi na makakalabas ang mga players na nando'n."
Ilang araw na kaya ako sa loob ng Nightmare City at ngayon lang sila nagsara? It felt too short and sudden.
Tila nabasa ni Oliver ang iniisip ko dahil sinagot niya, "We've been here for three days already. Si Dierran ang unang nakapasok."
"Oh." mahinang sambit ko. Gano'n pala katagal?
"Parang ang bilis lang ba?"
Tumango ako.
Oliver chuckled. "Ang bilis lang do'n pero ang tagal-tagal ko na sa larong 'to. Buti na lang talaga at may bagong damit at banyo 'tong city, tang'na, takam na takam na 'kong maligo."
Napangiti ako. "Still handsome, Oli."
Natigilan siya at tumagal ang titig sa'kin. Pagkatapos ay bigla siyang tumingin sa gilid at nagpakawala ng marahas na hininga. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat at yumuko para dampian ako ng masuyong halik sa noo.
"So innocently kind, our darling. Cities have passed, but you'll forever be the purest sparrow in our hearts." he whispered against my skin before standing straight. "Tara na?"
Naguguluhan man at namumula sa mga ginagawa nila ngayong araw ay sumunod ako sa kaniya. Pilit kong pinakalma ang sarili hanggang sa makarating sa isang meeting hall na nasa labas. Nakahilera ang mga bench sa clearing at nasa harapan si Dierran, na sa unang pagkakataon ay hindi nakangiti.
I quickly took the seat between Maki and Eura. Hindi naman nagreklamo ang dalawa at nagcling lang sa'kin. Maki started whispering about the girls that followed Kairo while Eura was playing with my fingers, occasionally telling him to lower his voice.
"Shit. Sa ganitong anggulo, ang sarap pagmasdan ni Dierran." biglang tugon ni Maki nang dumako ang mata niya sa harap. "That serious and stern expression! Yes po, opo!"
Mahina siyang hinampas ni Eura. "Gaga! Akala ko ba doon ka sa Liam mo?"
"Bakit? Hindi ba nakakakilig ang itsura ni Dierran ngayon?"
"Wala naman akong sinabing hindi ah!" ani Eura saka humagikhik. "Alam mo, noong highschool, naging crush ko pa—"
"Sino?"
Napatingin ako kay Gavin na sumali sa usapan namin. Nasa harap pala siya nakaupo at ngayon ay pinapatay ng titig si Eura. May tipid na ngiti sa labi niya habang parang naestatwa naman ang katabi ko.
"Sino crush mo?" ulit niya.
"Wala ka na do'n!" singhal ni Eura sa kaniya at tumingin sa kagubatan.
Gavin frowned before smiling at me. Hindi nagtagal ay kinausap rin siya ng katabing lalaki at may pinag-usapan pa silang meet-up daw para basketball. Maki and I shared glances as we pondered over the earlier interaction.
"Everyone." panimula ni Dierran na kumuha sa aming atensiyon. "We're going to start a meeting for the quest of this city. Hindi na natin pwedeng mahintay ang iba dahil isasarado na raw ang gate na nagkokonekta sa pagitan ng dalawang cities. At dahil hindi na tayo pwedeng tumunganga lang, when we're a few cities away from completing the game, we have to take action."
Itinuro ni Dierran ang malaking gate kung saan kailangan naming pumasok. "That is the Dream Gate that would lead to the main quest, which would be slaying a giant. Ngunit para mabuksan ito ay kailangan ng limang stone crystals. We will form groups of three or four to look for the crystals around here and mayroon kayong flares to give signals. Violet to announce your location, blue if you need saving, and green if you found a stone. At kapag nakompleto na namin dito ang limang stones, we will use a red flare as a sign for you to go back and meet up here."
"Paano kung may sumuway, Dierran? I mean, hindi natin alam ang takbo ng isip ng bawat isa dito. Baka may makain naman ng ambisyon o kahibangan at buksan ang gate nang siya lang." saad ng isang babae.
"About that, that's another thing I need to discuss with all forty players in this city."
Biglang hinampas ni Dierran ng malakas ni Dierran ang mesa kaya't napatalon ang ibang manlalaro. A certain female beside whispered profanities about her weak heart and fragile soul.
"I need all of us," diin niya sa salita. "to cooperate. I need a show of teamwork between us. Dahil alam niyo, iyon lang naman talaga ang pagkukulang natin sa buong game na 'to. Iyon lang naman ang nagsira sa pagkakaibigan at pakikisamahan natin. We lacked trust and betrayed people blindly, at sa huli tayo rin naman ang nagsisi sa ginagawa natin. Tayo lang rin naman ang nagbabayad sa pagbubuo ng panig. Hindi tayo nagsamama, kaya eto at wala na ang ibang kaibigan natin."
"Dierran, anong pinagsasabi mo?!" galit na tanong ng isang miyembro ng Blood Vanguard. "Parang kami pa ang dapat masisi sa-"
"Bakit hindi ba? At hindi lang ikaw, o siya, pero tayo. Hindi ako exempted dito dahil alam ko na hindi rin ako nagpakita ng leadership sa inyo. I sat back in the sidelines because I wanted to be a member for once. Pero sabihin niyo sa'kin, hindi ba talaga tayo ang sumira sa laro na 'to? Walang kahit anong rules sa game na nagsabing patayin natin ang isa't-isa-"
"Have you forgotten the additional rule in the tenth city? 'Yong may malaking puntos ang magagawad kapag hindi clone ang pinatay at tao na!"
"And that's precisely an example! We were given a choice, but we wanted to pick the easy but dangerous one. Kahit doon sa maze kung saan marami rin ang namatay dahil gumagawa kayo ng bagay na hindi niyo rin kayang tuparin! And fucking hell, ang tanging threat lang sa game na 'to ay ang PVE, those large giants, those hydra, and the ambushes at the maze! Pero kung nagtulungan tayo, mapapabilis lang naman natin 'yon 'diba?"
Nagulat ako nang bigla akong ituro ni Dierran at nangungusap ang mga mata niya. Dumapo sa'kin ang tingin ng lahat ng players kaya kinabahan ako.
"Finn, Theo, and Caspian fought the Giant Mecha, one of the most powerful bosses in the Treasure Island but they survived. Alam niyo kung bakit? Kasi nagtulungan sila." mahinahong tugon niya. "Maki and Finn defeated a Gemini zodiac, the most wicked out of the twelve, because they trusted and helped each other. Nagawang talunin ni Kairo, Eura, Oliver, at Finn ang isang leon because they cooperated well."
"We were also only able to kill the dragon in the thirteenth city because of Finn's plan and our combined forces." dagdag ni Marcella na siyang nagpatigil sa lahat.
Gulat siyang tiningnan ni Dierran. Pinanood siya naming kalmadong tumayo para harapin kaming lahat. Taking a deep breath, she still held the same poise and elegance, albeit I can read guilt and shame in her eyes.
"I admit, I was one of those greedy players who were blinded by their own desires. And I have even watched someone die just to fulfill it. Just to break my threat. Hinayaan kong mamatay ang isang tao kahit na magagawa ko siyang tulungan. At grabe ang pagsisisi ko do'n ngayon, dahil isa siya sa mga tao, na maliban kay Finn, ay binibigyang halaga ang kooperasyon." Marcella looked ready to accept any nasty remark. "I have tried to protect my guild, while also making sure I stand higher than everyone else. And I have condemned a wrong person into an undeserved downfall. But my biggest defeat was being forgiven with a soft smile still on her face."
Natawa siyang mahina, na siyang mas nagpagulat sa amin!
"Bakit ko nga ba sinasabi 'to? Dahil alam kong gano'n din kayo. We have not arrived in this city without being a cause of someone's death, whether literally speaking or a form of sacrifice. Kaya sana ay hindi na maulit ang pagkakamali natin sa past cities. Sana hindi na ulit tayo mabawasan. Sana maisip na din natin ang iba bago pa mauwi ang lahat. At sinasabi ko rin 'to sa inyo dahil madalas kayong nagpapadaig sa mas malakas na alon. Lagi niyong sinusunod ang nakikita ng mga mata niyo at hindi ang buong usapan. Kaya magbago na tayo."
"T-Tama si Marcella." Billie agreed, biting her lower lip. "May kasalanan ako, may kasalanan siya, may kasalanan tayong lahat. Kaya Finn," humarap siya sa'kin. "Dahil ikaw ang talagang naging biktima ng lahat ng 'to, humihingi ako ng pasensya. Lalo na't ikaw din ang rason kung bakit ako nabuhay sa seventeenth city."
The city of gambling where Billie almost died for betting over a thousand chips, at kung saan rin nangyari ang russian roulette game na kinagulo ng lahat.
Mahina akong umiling habang may tipid na ngiti sa labi. "It was Theo."
"Hindi rin magagawa ni Theo 'yon kung hindi dahil sa'yo." kontra ni Liam, ang lalaking makapal ang kilay na crush ni Maki! "Kaya salamat at pasensya na rin sa mga maling nagawa namin sa-"
"Huwag! Huwag mo siyang paniwalaan!" biglang sigaw ng katabi niya at itinuro ang sarili. "Lagi kang pinagtatanggol ni Liam sa'min, Finn! Pero kami talaga ang matitigas ang ulo at lagi kang inaatake. Kung ano lang kasi ang maririnig namin, 'yon ang paniniwalaan!"
"Tss. Fucking dumbasses."
Nagulat ang lahat nang biglang nagsalita si Kairo na matatalim ang tingin sa kanila, lalo na kay Liam. Nakahilig siya sa isang puno at nakabulsa ang dalawang kamay.
Parang natakot naman sa kaniya ang lalaki at umupo ito, saka hinatak ang kaibigan na si Liam na nakatingin pa rin sa gawi namin. Umulan naman ng pagsang-ayon at pangako mula sa ibang manlalaro. Nang mas tumagal ang titig nila sa'kin ay ngumiti ako.
I ignored how they stilled and stared at me like fools, or how they started mumbling with each other.
"It's okay. You can pay by showing cooperation now. We still have three cities to complete together."
Ilang segundo pa silang natulala bago nauwi sa hiyawan at tila mga naenergize sila na nagsi-gawa ng mga teams para masimulan na ang quest.
-chapter end-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro