Chapter Four: Towards the Next City
-chapter four-
THIRD PERSON
Gulantang ang lahat ng players na saksi sa nangyari. Dumaloy pa rin ang dugo mula sa nahulog na pader. Hindi sila makapaniwala. At higit sa lahat ay hindi nila alam kung ano na nga ba ang mangyayari sa lalaking namatay?
"B-Baka naman bumalik lang siya sa real world?" nanginginig na wika ng isa.
The comment assured some of the people. Mas maganda ngang pag-iisip iyon. That their way of logging out is through dying.
"That might not be possible."
Nakuha ang atensiyon nila nang magsalita ang babaeng pumigil sa lalaki kanina. The girl was already squatting beside the fallen chunk of wall and is trying to feel the inside. Tumigil ito nang may mahawakan.
When she turned to face the crowd, everyone saw the icy emotion in her emerald eyes. Naisayaw ng hangin ang mahaba niyang buhok. Everyone then realized the true identity of this person.
The highest-paid streamer and top 1 globally, Marcella Maia.
"A person is determined to have logged out when their character in the VR completely disappears. Kaya nagva-vanish ang mga tao. Ngunit," biglang may hinatak si Marcella. Ipinakita niya sa lahat ang isang daliri na may damit pang nakalagay. "His body is still here."
Some of the players vomitted at the scene. Kahit na ang mga brave-looking players ay nanghina at natakot sa nangyari. If his body is still here, that means hindi pa siya nakakalog-out at talaga ngang namatay siya?
"It's plausible."
Mula sa nagtitipon na tao ay humakbang palabas ang isang lalaki. Nakilala siya ng iba bilang ang taong pumigil sa lalaki noong una. Nasa bulsa ang mga kamay nito. His black hair has a mullet. Bahagyang natatago ng fringes niya ang itim ring mga mata.
"They could have attached a shockwave in the vital wristband. Tataas ang heart rate natin kapag kinakabahan at malapit na sa kamatayan. In the boy's case, it slowly increased because of his anxiousness. Kung wala ngang log-out, our VR headsets can't be taken from outside and couldn't be shut down. If we ever die inside, the vital wristband will send microwaves that will damage and shock our brain to death."
The boy's theory hit some spots kaya nakumbinsi ang mga players dito. Wala din naman silang ibang maisip dahil napakatindi ng ebidensiya. The man's body is still here and the blood is still flowing.
"A-Ano ba 'to. Hindi naman ata ito tama..." takot na komento ng isang manlalaro. "We just have to beta test the game but why are our lives already at risk?"
"Isa pa, hindi ba sila makukulong nito?!" itinuro ng isang manlalaro ang patay na katawan. "That's murder! And if we didn't get back home, pwede na sila sa kidnapping!"
"It's so obvious that you guys did not read the terms and conditions they sent." wika ng isang panibagong boses.
The players turned their heads towards the source of the voice. Nakaupo ang isang lalaki sa taas ng malaking poste. His greyish hair is combed to left side of his face. Some strands are hiding his left eye and brows. May mga piercing ang tainga niya. Matalas ang bawat pagtingin niya sa mga tao.
"Nakasaad do'n na sumasang-ayon tayo sa kung ano man ang kailangang gawin ng kompanya sa beta testing program nila. What happens inside the game and how long it would take will not be their responsibility anymore."
Nalaglag ang panga ng mga tao. Hindi nila alam 'yon!
"W-Wala... Hindi ko nabasa 'yan." usal ng isang lalaking unti-unting umaatras.
"Hindi naman kami nagbabasa no'n." tahimik namang dagdag ng isang babae. "Ang haba kaya tapos maliliit pa ang font. Baliw na lang ang magbasa no'n."
Mga salita at boses ng pagsang-ayon ang namutawi sa ere. Most of the players did not read the e-mail sent. Basta't nakita na lang nila ang BBG at ang beta-tester ay sumang-ayon na sila.
"Well, that's why he died and why you are all acting like that." nagkibit-balikat ang lalaki at tumalon pababa. "That's not the company's fault, that's your own incompetence."
Natahimik ang mga nagrereklamo. Foul 'yon a, sa utak nila. Pero siguro nga ay may kasalanan din sila sa nangyari. Ayan tuloy at dahil sa sariling katamaran ay magiging delikado pa ang takbo ng buhay nila.
Ngunit... Magiging maayos din naman ang lahat kung matatapos nila ang laro. Iyon ang importante sa ngayon! Ang taas pa naman ng perang maari nilang makuha pagkatapos. Kalahating isang milyon! Mataas ang kumpiyansa nila sa sarili.
"Tanga talaga 'tong si Kairo." nakangiwing komento ni Eura. "Mukhang naghahanap pa siya ng away."
Kasalukuyan silang nasa bubong ng isang bahay. Katabi niya si Finn na napalingon sa kaniya na may nagtatanong na mata.
"Kairo?"
Eura bit her lip at the soft and familiar voice of the girl beside her. Parang hinehele siya sa boses nito, at para ring isang anghel ang kumakausap sa kaniya. At the same time, may kakaibang pagkapamilyar ang timbre ng boses niya. Isa rin ba itong streamer? Tutal matagal na rin itong naglalaro.
Pero sa rami nang napanood niyang streams kagabi at sa hanay ng mga gamers na nakausap niya, parang ang imposible nang malaman kung sino nga ito.
If Eura was born yesterday, she would have tried to insert Sparrow in the list of choices. Pero sinabi na nito na hindi siya nakatanggap ng e-mail. Kaya imposible iyon.
Tumango si Eura. "That gray-haired boy. Si Kairo 'yan. Kasama ko din 'yan sa isang game."
Bigla siyang tumayo at nag-inat. Sinundan ni Finn ang galaw niya pero hindi ito umalis sa kinauupuan.
"Tara, ipapakilala kita sa kanila." ngiting wika ni Eura at tumalon pababa, thinking Finn was following her.
Lumapit siya sa mga kaibigan at binati ang mga ito. Kairo raised a brow at her. Si Louise naman ay ngumiti at nakipag-apir sa kaniya. Fern gave her a slight nod in greeting.
Masayang ngumiti si Eura. "Oo nga pala, guys. Ito si Finn! Nakilala ko siya sa game kanina."
Blanko siyang tiningnan ng mga kasama. Eura frowned and looked back, only to gape when Finn was not behind her. Napatingin siya sa bubong kung saan sila kanina at wala na din dito ang dalaga. Nawala ba siya sa dagat ng mga tao? O talagang hindi siya nagpakilala?
"Asan si Finn, Eurs?" tanong ni Louise.
Bumagsak ang balikat ni Eura. "Hindi siya sumunod. Akala ko pa naman mapapakilala ko siya sa inyo."
Kumunot ang noo ni Kairo. He scoffed, "Whatever. Maghanap na lang tayo nang pwedeng tambayan hanggang matapos ang countdown."
Matamlay na tumango si Eura at sumunod sa mga kaibigan. Kung saan man nagpunta si Finn, sana ayos lang siya at sana magkita muli sila.
Ang Finn naman na hinahanap ni Eura ay nakaupo sa taas ng watchtower. Pinapanood nito ang mga tao na gumalaw at maghanap ng pwedeng palipasan ng oras. The clock ticked behind her and the vast red sky enveloped her.
Hindi naman sa ayaw niya kay Eura o sa mga kaibigan nito, pero hindi lang siya komportableng kausapin ang ibang tao bilang isang Finley Lilliane. She can't have her identity out because she values her privacy too much. More so, she always works alone.
No matter how enjoyable Eura's company may be, it will not erase the fact that she's a wolf who strays from the pack.
Dumaan ang tatlumpung minuto sa loob ng siyudad. Some players slept to pass the time while others played games to keep themselves busy. Si Eura at ang kaniyang mga kaibigan ay naglalaro ng baraha. Si Marcella naman ay nakatayo lang sa harap ng gate with an unknown reason.
Finn stayed on top of the watchtower, watching their every move.
Until, she heard voices from the floor below. Napatago siya kahit na nasa bubong na.
"Wohoo! Ang taas nga." sumulpot sa taas ng railings ang isang lalaking may brown na buhok. "Sa tingin mo ba, Wes, mamamatay tayo 'pag tumalon?"
Kumunot ang noo ni Finn. Anong klaseng tanong 'yan?
"Why don't you try it yourself?" isang sagot mula siguro sa lalaking nagngangalang Wes.
Finn shivered at the cold tone. May kakaibang taglay ang boses nito. Kakaibang dilim. His voice is already a dangerous threat, one he can use before he could draw his blade.
"Hindi ka talaga majoke." bumuntong-hininga ang lalaki. "Dito muna tayo. Sarap ng hangin."
A pause.
"Isa pa, hindi ba't sabi mo na ayaw mo sa ilalim because 'it's a sea filled with idiots'?"
Napangiwi si Finn. Ang harsh din naman pala nito magsalita.
Hindi sumagot ang Wes na lalaki pero siguro'y um-oo ito dahil nagbunyi ang kaniyang kasama. They played mind games after and started quizzing themselves.
Natigil lamang ang ginagawa ng bawat isa nang dahan-dahan na bumukas ang gate ng city. The ground rattled as the stone gates moved to open itself. Sa harap nito ay nakatayo pa rin si Marcella. Nagsimula na ring lumabas ang iba't ibang players at lumapit.
Finn watched it happen from the top of the tower. Nakatayo siya't katabi ang pole na nasa bubong nito. The tower stood at the center of the city making everything free for her to see.
"Let's go, Dierran."
"Sige, sige."
Finn jumped from the top of the tower towards the nearest rooftop building. She quickly rolled upon arriving on the cemented surface to balance her fall. Mabilis siyang tumakbo papunta sa may gate.
Wes snapped his head towards the direction of the building. Seryoso niyang tiningnan ang rooftop nito. His eyes sharpened beneath his tousled fringes.
"May problema, bro?" tumigil si Dierran sa paglalakad.
"I sensed someone jumped there." itinuro ni Wes ang rooftop.
Dierran chuckled. "That's impossible! Suicide na ang tumalon diyan. Tara na nga."
Nauna itong umalis kaya sumunod na lamang si Wes. Was it just his imagination? It was truly impossible to jump that distance and height. Wala bang takot ang taong tumalon do'n?
Setting aside the doubts and questions, everyone stood in front of the opening gates with fervent excitement. They'll be proceeding to the next city with one less player. Pero sa ngayon ay may alam na sila sa posibleng mangyari.
Tuluyang bumukas ang gate at pumasok sa kabilang siyudad ang isang daan at siyamnapu't siyam na manlalaro.
A barren and destroyed city welcomed them. Sira ang mga gusaling nandirito at parang dinaanan ito ng bagyo o pinaulanan ng bomba. Along the excitement came their fear.
The gates slowly moved to close just as a series of words appeared on the still-red sky. Wala nang oras na nandirito. Only instructions appeared on the sky.
▪▪▪
Congratulations for completing the previous city, players! Patience is necessary for being a gamer.
Welcome to the Armory! A city filled with weaponry and your possible equipment. Your task is simple for this round. All you need to do is:
1. Pick a main weapon.
2. Kill a hundred Winged Beasts.
Simple, isn't it? But be careful! They're not called beasts for no reason.
Oh, a Revolution Flag is also hidden somewhere in the city. Will you be able to find it?
▪▪▪
May lumabas na kill count sa line of vision ng bawat players. Nasa upper left nila ito makikita. And currently, 0/100 ang nakalagay sa lahat.
"Well, siguro dapat muna nating hanapin ang mga weapons bago nila tayo sugurin 'diba?" suhestiyon ng isang lalaking manlalaro at humarap sa mga tao.
Tumango ang mga ito ngunit napaatras nang may makita. Sa likod ng lalaki ay nagpakita ang isang halimaw. Parang ogre ang mukha nito pero kasing taas lamang nito ang tao. Isang napakapangit na pakpak ang nagmula sa katawan nito. Tumulo ang laway mula sa matataas na pangil habang nakatingin sa kanila.
Napaatras ang mga paa nila sa nakita. Kumunot naman ang noo ng lalaki.
"Anong problema? Bakit kayo ganiyan-"
Malakas na sumigaw ang lalaki nang dagitin siya nang halimaw. The beast' sharp claws dug deep on the man's shoulder as it dragged him towards the sky.
"Ah! Tulong-! TULUNGAN NIYO AKO!" hindi magkamayaw na sigaw ng lalaki.
Kinilabutan ang lahat nang dalawa pang Winged Beasts ang lumapit. The beast that was currently holding the man shrieked and tried to chase away the others. Pero mukhang gusto nitong matikman ang tao.
The players watched in horror as the man screamed and shouted while his body was being ripped apart by the winged monsters. Napaatras sila't napatingin sa ngayon ay sarado nang gate.
Lumabas ang Too Bad! sa ere nang tuluyang mamatay ang lalaki at nahulog ang ulo nito sa lupa. The man's eyes were wide in terror as it rolled to the direction of the players. Hindi na ito nawala.
Sigawan ang nangyari sa mga manlalaro at agad silang nagpanic. Tumakbo sila sa iba't ibang direksiyon dahil sa sobrang kaba at takot.
Ngunit natigilan silang lahat nang sunod-sunod na lumabas ang mga Winged Beast sa cities. They were so many that they already crowded and hid the red sky behind. Ang mga mata nila ay nakatuon lamang sa mga manlalaro na nasa ibaba.
It was supposed to be a monster hunt, but now the tables have turned.
Humans are now being hunted by the beasts.
Welcome to the Second City, the Armory.
The numbers of beta-testers has counted down to 198/200.
-chapter end-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro