Chapter Five: Monsters Parade
-chapter five-
FINN
I quickly left the crowd upon seeing the first Winged Beast. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pagkuha nito sa isang lalaki at ang pagdala nito sa langit kung saan ito tuluyang namatay. I could still picture the head rolling with its eyes wide open.
Napatingala ako sa taas kung saan libo-libong Winged Beasts na ang nagpakita. They crowded the sky, bringing terror and fear. Then, in an instant, they swooped down to attack the remaining players.
Everyone ran in different directions, fearing for their life. Nagtago ako sa gilid ng isang building at pinanood ang nangyari. Ang ibang mga players ay nadagit na ng mga Winged Beasts. Screams of agony filled the crimson air.
Kahit naman siguro na gustong tumulong ng iba ay wala kaming magagawa. We can't fight them with our bare hands. That's why we need to find weapons.
Umalis ako sa kinatatayuan at nagsimulang tumakbo. I need to find a weapon I can use first. The instruction specified that we should pick a main weapon, kaya naman sigurado akong isa lamang ang pwede naming magamit.
Weapons usually come with the class. Kung warrior ka ay espada at kung archer ka ay bow and arrow. Side weapons are available in some games, but they're rare.
Binuksan ko ang pintuan ng malapit na building. Even the inside is destroyed. Walang masyadong gamit ang mga gusali at sa rami ng mga sirang bagay ay napakahirap hanapin ng mga weapons. Nakaabot na lamang ako sa fourth floor ng building pero wala pa rin akong nakikita na pwedeng panlaban.
I immediately hid myself in a nearby wall when I sensed a dangerous presence. Mula sa sirang bintana ng gusali ay narinig ko ang pag-iingay ng isang halimaw. Naestatwa ako nang maramdaman ang biglaang pagtigil nito.
I heard the beast sniffed the air. Lumapit pa ito sa building at panay pa rin ang pagsinghot. Napalunok ako. Can they actually find us through smelling? Sa paanong paraan? Is it just because of our human flesh or blood?
Umawang labi ko nang makitang ipinasok ng Winged Beast ang kaniyang ulo sa loob ng floor. I deeply inhaled to calm myself down and prevented myself from making any noise.
Shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko.
The beast continued to sniff the air. His eyes stared upfront, staring at the stairs. Umikot ito nang gumalaw para tingnan ang gilid. Everytime the beast's eye moves, the iris keeps on shotting up in different directions.
Dahan-dahan na lumingon sa gawi ko ang Winged Beast kaya mas lalo akong kinabahan.
Natigilan ako at ang Winged Beast nang mahulog ang mata niya sa'kin. My heart stopped beating. The monster's iris halted in its quick movement and it crossed before it finally focused on me.
Bumuka ang bibig ng halimaw at lumabas ang matatalim na pangil nito. Nanlaki ang mata ko nang makita ang dugo at mga laman na nakakabit pa dito.
Pumasok ang buong katawan ng halimaw at unti-unti itong lumapit sa'kin.
I drew in a deep inhale before positioning my left feet behind. Bahagya akong yumuko para ihanda ang sarili. I can't fight, but I can probably escape.
When the beast shrieked and flew close to me, bumaba ako at nagslide sa ilalim niya. The monster's sharp claws dug and destroyed the cemented floor. Mabilis akong tumalon mula sa floor na ito papunta sa third floor ng kaharap na building.
This is a game. Alam kong tumaas rin ang physical capabilities namin sa pagpasok. If I apply the attributes a rogue has, this long jumps are part of it. Isa pa, Gavin has taught me about this dahil na rin sa isa siyang sports kid.
"Shit." mahinang mura ko nang nasira ang pader.
Malakas ang sigaw at paghampas ng pakpak ng halimaw habang sinisira niya ang mga pader ng gusali. I kept on running forward, looking for a possible exit.
I rejoiced when I saw an opened part of the building. Pero nawala rin ito nang makita kong may taong nagtatangkang tumalon.
"Tabi po!" malakas kong babala sa tao.
The person turned to face me with a frown. Nakilala ko siya bilang ang lalaking may itim na mullet kanina sa plaza. He mouthed a 'Ha' sa akin pero hindi ako nagkaroon ng oras para sumagot dahil sa malakas na paghampas ng halimaw ng kaniyang pakpak.
Nawasak ang sahig na hinampas nito. The stones and rocks flew from the damage bought. The destruction happened just beside me.
"Fucking-"
Hindi natapos ng lalaki ang sasabihin niya dahil bigla akong tumalon pababa. I dragged him with my fall and he yelped at first. Hinawakan ko ang edge ng pader para makapasok sa kabilang gusali. Huminto ako't tiningnan ang lalaki kung ayos lang ba siya.
Pero nakapokus ang mata nito sa kamay ko. My eyes followed his gaze. Nagulat ako nang makitang may hawak-hawak na akong dalawang throwknives.
A hologram then appeared on front of me. I carefully read the words written.
▪▪▪
Good job, rogue! You have successfully claimed your main weapon, Arteius Kunai. Use this to fight against the wicked monsters that have caused destruction upon the Armory!
Important Note: The main weapon that you have chosen here cannot be given to other players nor can be replaced.
▪▪▪
I blinked. "Ito?" ini-angat ko ang hawak na kutsilyo.
The man frowned. "Tch. I was trying to get that. Pero ngayon hindi na pwedeng ibigay o ipalit 'yan."
"'m Sorry." paghingi ko ng paumanhin.
Hindi niya ako sinagot. Narinig ko ang muling pagsigaw ng halimaw sa taas at ang pilit nitong paghahanap sa'min.
I twirled the kunai in my fingers and readied my stance. Seryoso ang pagtitig ko sa bintana kung saan posibleng papasok ang halimaw. Every monsters have their weakness. Siguradong mayro'n din ito. If it's not the head, then it's probably the heart.
Pero hindi ko nagawa ang plano dahil bigla akong hinigit ng lalaki paalis. Pumasok sa bintana ang halimaw at muling gumalaw ang mata nito sa iba't ibang direksiyon bago tumama sa'min.
"What...?" reklamo ko at pilit na kinuha ang kamay.
"Saving you?" mukhang naiinis pa siya sa tono ng pananalita.
Kumunot ang noo ko. "Why? I can fight." sabay pakita ko ng weapon.
Sinamaan niya ako ng tingin. We jumped into the alley and travelled in the shadows, hoping to lose the monster.
"Need to kill them." wika ko. "Part of completion process."
Napahinto siya't napakurap-kurap. "I forgot about that."
Eh? Nakalimutan niya ang importanteng bagay na 'yon. Nasa taas lang naman ang instructions. Bakit niya nakalimutan iyon?
Isang tunog ang nagmula sa likod namin. Paglingon ko'y nakita ko ang Winged Beast na kanina pa ako hinahabol. A shriek was next heard and it's from our front. Sabay kaming napaatras nang isa pang Winged Beast ang nagpakita sa harap namin.
We're cornered.
Nakita ko ang pagkintab ng isang bagay. It was a circled blade engraved in a gold and black handle. Kasing laki ang blade nito ng isang ordinaryong axe. Pwede lang isuot ang kamay sa handle ng weapon and use it to slice the enemy.
"There. Weapon." sabay turo ko sa kaniya nang nakita.
Umismid siya. "I don't want that."
Hindi ko din naman gusto ang kunai pero wala naman siyang narinig sa'kin. I just accidentally grabbed it.
"Can't be choosy." tugon ko.
Sinamaan niya ako ng tingin at nilapitan nga ang weapon. The monster's moved because of it so I pointed my kunai at them. It's weird to see the guy be so irritated. Was he really angry at how I stole his weapon that he lost his calm demeanor?
Nang tuluyan niyang makuha ang weapon ay umingay muli ang mga halimaw. Nakita ko ang pagsama ng timpla ng mukha niya. I inwardly frowned. He could have just ignored me if he didn't want it.
Tumigil siya sa gilid ko. "You take that beast that was following you. I take this beast that just appeared."
Tumango ako.
Tinalon ko ang distansya mula sa kinatatayuan papunta sa pader na nasa gitna namin ng halimaw. The Winged Beast's eyes quickly moved to target me and so I moved to the opposite wall. Nang muling gumalaw ang mata niya ay siyang pagsulpot ko sa likuran para itusok ang kunai sa ulo niya. Then I delivered a roundhouse kick to the beast's head.
Bumagsak ito sa lupa kaya pumasok ako sa floor ng malapit building. The man appeared beside me.
"You're good." komento niya.
"Thanks."
I don't really need to bait myself to attract monsters. With this kunai, I can hit them at a desirable range. Napatingin ako nang may panibagong kunai na namuo sa kamay ko. So they're auto-generated huh?
Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Sinigurado kong malapit ako sa bintana para makita kung may dadaan na halimaw. Damaging and killing them is a very easy task, lalo na't may weapon na kami.
Sumulyap sa'kin ang kasama. "Do you play a lot of games?"
Tumango ako.
"Hm." humikab siya. "So, you're a veteran."
Nag-aalangan akong tumango. Maybe I can be considered a veteran? Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya umalis. Hanggang sa nakapatay na lamang kami ng thirty Winged Beast, he's still walking with me. I do like his company, however. Hindi siya palasalita at simpleng mga usapan lang ang mayro'n kami. Most of the time, we hunted the beast in silence.
Pinalabas ko ang walong kunai at inipit iyon sa daliri. Pinakawalan ko ito nang tumalon ako papunta sa kabilang gusali at pinaulanan ng kunai ang ulo ng isang Winged Beast. The man followed me, circling in his jump and slashing his blade as he cut down the beast's neck.
Hinabol ko ang hininga mula sa hindi matigil-tigil na pagtakbo, pagtalon at pakikipaglaban. Napatingin ako sa kill count. I only need a few more Winged Beast to complete my required tasks. Wala naman akong masyadong interes sa Revolution Flag.
Isa pa, I have a feeling I will be facing Marcella if I ever try to go for it.
"Are there no replenishments available here." wika ng kasama.
Our eyes widened and we jumped from each other when a chakram flew between us. Mula sa anino ng mga pader ay lumabas ang isang babae. Her wavy hair is cut short and her face is serious.
Walang-hirap niyang nasalo ang chakram nang bumalik ito sa kaniya.
"Question. Who are you?" seryoso niyang tanong.
"Theo." simpleng sagot ng lalaki.
Napasinghap ako. Oh right, hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya! We just worked together without knowing each other's names.
Lumipat ang tingin nilang dalawa sa'kin kaya napatikhim ako. "Finn."
"Curious. Are you two together?"
"Anong ibig mong sabihin?" sumimangot si Theo. "We partnered up in killing Winged Beasts but we are not affiliated in any way."
"Mangha. Akala ko magjowa kayo."
Magjowa? Did she mean lovers? I frowned. Why would I partake in a romantic relationship with a man I just met?
"Is that your weapon? Chakram?" tukoy ni Theo sa inihagis nito kanina sa'min.
Tumango ang babae. "Agreement. Tama ka."
"Why are you saying adjectives at the start of your sentences?" kunot-noong tanong ni Theo.
I am also wondering that.
The girl's serious face broke down into a hilarious laughter. Kuryoso ko siyang tinitigan. Theo beside me scoffed in annoyance. Panay pa rin ang tawa ng babae sa 'di ko malamang dahilan.
May nakakatawa ba sa tinanong ko?
"Trip ko lang." she grinned. "Watched a show that had it so I wanted to copy. Cute 'di ba?"
She's kind of weird.
"So, what's your name? You have ours, we don't have yours." tanong ni Theo.
Napahawak sa baba ang babae habang nag-iisip. "Let's see. Ano ba ang magandang name para iscam sa inyo? Hm. Let's go with Sapphire! You can call me Sapphi."
"Fake name?" tanong ko kasi sabi niya kanina scam daw.
Sapphire smirked. "Hindi ko alam. You find it out."
Napasimangot ako. But I asked her because I didn't know. Besides, bakit hindi niya alam e siya nagpangalan sa sarili.
Biglang nagseryoso ang mga mukha namin nang maramdaman ang paparating na Winged Beast. I can count three. Inihanda ko ang kunai at gano'n din ang dalawa sa kanilang weapons. Taimtim naming tinitigan ang sirang parte ng gusali kung saan pwedeng pumasok ang halimaw.
Kaya naman laking gulat namin nang biglang masira ang inner part ng building. A large Winged Beast, far bigger than what we battled last, appeared and took hold of me. I yelped at the loss of balance and footing. Napasigaw ang dalawa nang dagitin ako nito papunta sa langit.
The red sky drowned me in its blood as the Winged Beast flew towards me for their feast.
Alive Beta-Testers: 192/200.
-chapter end-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro