Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

Special Mission

I grew up ruling my life. No one dares to control me because they knew I will never listen. It's not an act of rebellion but my parents and Faira Grace raised me to be in control... to be the boss.

They taught me to fly using my own wings without altitude limitations but the moment the pair of brown of orbs drown me to reality of this cruel world, I found myself surrendering—not because of fear but hope and courage established by condign principles that seek tranquility.

I turn off my glass tab and other communication gadgets. I am wearing a gray loose crop top with black spaghetti straps fitted inner sando, tattered denim shorts with black belt, and black boots—not my usual attire in a mission. Sinadya ko talaga dahil hindi ako dominion sa mga oras na ito.

"I hope you're aware that even we survive this mission, dominions will definitely kill us." Nahimigan ko ang frustrations n'ya. I never see him as problematic as this before.

"Damn! Why did I allow you?!" He murmured.

"What a nagger, Pierre." Irap ko sa kan'ya dahil kanina pa s'ya gan'yan. Papayag-payag tapos magra-rant sa akin?

Pierre always tolerates me. Hindi ko alam kung dahil may tiwala s'ya sa akin o dahil alam n'yang ipagpipilitan ko ang akin. Either of the two, I'm still pleased because it doesn't feel like I am a puppet of Tieria Dominions. Hindi lang sa akin, maging sa mga kasama namin sa primary team making him a great leader. He let us indulge ourselves in each mission leading us absorbing the importance and responsibility of being a dominion.

He doesn't use words to motivate us, he let us assimilate it through the missions we accomplished.

"Since when?" Hindi ko na kailangan pang dugtungan ang tanong na iyon dahil alam na n'ya kung ano ang tinutukoy ko.

"Since my day one as a dominion." Napahigpit ang hawak n'ya sa manibela at deretso ang tingin sa kalsada. Ang dami kong tanong tungkol sa special mission na ito ni Pierre. Maging ang commander ba ng ibang team ay may ganito? Does Gryant Eiveldan know about it? If this is something personal to Dreffil, bakit hindi si Travis? May special mission din ba si Travis? Why is this confidential to his comrades?

Alam kong hindi ako sasagutin ni Pierre kahit itanong ko pa lahat sa kan'ya. Sobra-sobra na ang pagpipilit sa kan'yang sumama at baka ibaba n'ya ako kapag nagtanong pa.

"Mind sharing a bit information? I don't wanna die in a mission I don't have idea about." I look at the window in the shotgun seat. Hindi pa sumisikat ang araw.

"You won't die in this mission." He said with finality.

According to him this mission is about the Augur rings of Viados. Ito ay hindi ordinaryong mga singsing dahil pagmamay-ari ito ng royal family ng Erdavistan. Mayroong limang singsing na sumusimbolo sa limang salinlahi ng kanilang henersayon na nanungkulan. Ibig sabihin limang hari na ang nanggaling sa kanilang pamilya. Nang mapaalis sa trono ang huling hari ay pina-auction ang mga ari-arian nila kasama na ang augur rings na ngayon ay nasa pangangalaga ng kung sino-sino. It's doleful that those rings were bought and treasured by its current owners because of its market value wherein augur rings were originally signify the love between the king and his queen.

Every ring has its own story to tell.

"Which ring this time?" I asked walking out of the dressing room wearing a dove gray body-hugging halter dress that has slit on its left and a silver stiletto. Not too revealing for tonight but I need class and elegance. Our mission is in an engagement party in Astraea.

"White diamond, the first augur ring." The rings are all made up of diamonds but each one has its notable characteristics—its colors.

Tumaas ang kilay ko nang makita ang suot ni Pierre. His suit is also on the shade of gray but darker. His brown eyes radiate intimidating aura as usual. He definitely looks like a noble bachelor. Well, he actually is.

"Expensive and elegant." Kumento n'ya nang pasadahan n'ya ako ng tingin at nauna nang naglakad. Kita mo 'tong isang 'to, minsan na lang mamuri tatalikuran ka pa.

"Oh! Thank you, then." Sarkastikong saad ko at pinantayan s'ya sa paglalakad.

"Mataray pa rin, intimidating." Halos bulong na lang ang pagkakasabi n'ya sa huling salita pero narinig ko ito. Hindi tuloy ako makapagsalita dahil doon. S'ya kaya ang intimidating sa aming dalawa. Sa katunayan, nahihiya akong tumabi sa kan'ya. He seems unreachable.

Magkaibang kotse ang sasakyan namin papunta sa venue ng engagement party dahil sa buhay namin sa Astraea ay hindi kami magkakilala since we are working in different fields. I am actually invited to this party, I checked it to my secretary who was surprised that I'll be attending. It is just that the soon-to-be bride is in medical field. I think she and Marah used to get along. Kaya magandang alibi ito kung sakaling kwestyunin ni Dreffil kung bakit ako nandito. Madali namang sabihin na nakita ko lang si Pierre at tinulungan s'ya.
Una akong pumasok sa venue to socialize.

The plan is to change the white diamond augur ring to an imitation. Pierre will execute that before the ring reach the fiancée’s finger. If he failed, I have to do my part. Mas makakalapit ako sa babae dahil we're acquaintance. My sentiments are for them because they will have a fake augur ring but this is a mission. Although, it is not yet clear to me why Dreffil Wenschil or Tieria Dominions need these jewelries.
Maybe they will give it back to the original owner? But there are no Viados living now.

Pagkapasok ko ay nagkikislapan ang lahat ng nakikita ko. Lahat ay sumisigaw ng karangyaan. Nahagip ng paningin ko ang kakapasok lang na si Pierre.

"Dr. Grace?" Natigilan ako at nilingon ang tumawag sa akin.

"Don't you remember me? Jio Midel here." Yeah, the cardiologist. Inirapan ko lang s'ya na tinawanan n'ya lang. Sa halip na makipag-usap sa kan'ya ay mas pinili kong pumunta sa kumpulan ng mga doctor na kakilala ko. Naramdaman ko naman na nakasunod ang cardiologist sa akin.

"Stunning as always, Dr. Grace." Bati sa akin ng isang senior ko. Nginitian ko s'ya at nakipagbeso. Ganoon din ang ginawa ko sa ibang kasama n'ya. Iilan pa ang bumati sa akin dahil madalang nila akong makita rito. There are also some bachelors trying to hit on me. Well, that's not new. It must be really amusing to see me outside and not wearing my uniform.

"Dr. Grace, it is nice to meet you." Someone said and pull the back of my hand to his lips. Sa pagkabila ay hindi ko na ito nabawi pa. Damn! Naisahan ako.

Before I react, I feel an arm snakes around my waist. Nilingon ko si Jio Midel na nginisihan lang ako. Nang makita iyon ng kausap ko ay nagpaalam ito at umalis.

"Who's the bastard?" Halos mapatalon ako nang marinig ang boses sa kabilang linya. Agad ko namang tinanggal ang kamay ni Jio at nilayasan s'ya. Nilingon ko si Pierre na nakatitig lamang sa direksyon ko. Tinaasan ko s'ya ng kilay pero hindi s'ya nagpatinag. His brown eyes are astonishing in the middle of the crowd. May kasama s'yang ibang lalaki na at tumatango lang s'ya kapag kinakausap.

"H-how's the target?" Tanong ko habang inaabala ang sarili sa pag-inom ng wine. Kanina pa ako rito pero hindi ko man lang masumpungan ang sinuman sa dalawa.
Hindi pa man nasasagot ni Pierre ang tanong ko ay namatay ang lahat ng ilaw sa venue. Karamihan ay nagulat at medyo umingay na.

"Pierre, is this part of your plan?" Tanong ko sa mahinang boses.

"No, where are you?" Bago pa man ako makasagot ay isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid na nagdulot ng takot sa lahat. As an initial reaction, I ducked and pull my hand gun. I tried to communicate with Pierre pero hindi na ito sumasagot. Sa lahat ng misyon ko ay ito ang pinakamahirap dahil wala akong ideya kung saan pupunta. Hindi ko alam kung nasaan ang target.

Nang mabuhay ang ilaw ay agad kong tinago ang baril. Sa halip na makitakbo sa mga tao ay pinili kong hanapin ang soon to be bride dahil siguradong magkasama sila ng fiancé n'ya. Tumakbo ako papasok sa hallway. Pumasok ako sa isang room na pinanggalingan ng ilang pamilyar na mukha. I pulled my hand gun as I scan the scenario inside the room. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita ang isang babaeng duguan na hawak ng isang lalaki. Sila 'yung magdadaos dapat ng engagement party.

Natagpuan ko si Pierre na hawak ang kan'yang baril na nakatingin sa hindi bababa sa lima na walang buhay na katawan. Nang mapansin n'ya ang presensya ko ay agad n'ya akong nilapitan.

"Any encounter? Are you alright?" He asked while scanning my body for any injury. Umiling ako habang hindi pa rin maalis ang tingin sa dalawa.

"What happened?" Their engagement party turn out like this, a nightmare.

"AUP" nilingon ko ang mga nakahandusay na katawan sa sahig. So, they are from AUP?

"They are also up for augur rings?" I asked. Tumango s'ya bilang sagot.

"They've been in my way. Hindi lang ngayon." Naglakad s'ya patungo sa dalawa. Inilabas n'ya ang isang kahon na maliit mula sa kan'yang bulsa at iniabot sa lalaking kalong pa rin ang fiancée n'ya.

"Ilayo mo sa akin ang singsing na 'yan!" Sigaw nito na puno ng galit. Hindi ko s'ya masisisi kung ganoon na lamang ang reaksyon n'ya dahil kapahamakan ang idinulot nito sa kanilang dalawa.

Binawi ni Pierre ang nakalahad na kamay at itinagong muli ang maliit na box na pinaglalagyan ng augur ring.

"We're not safe here." Pierre said but the guy doesn't even move a bit. Dinaluhan ko sila upang matingnan ang kalagayan ng fiancée n'ya. Ngunit nang i-check ko ang heartbeat nito ay hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lalaking tumatangos para sa kan’yang minamahal. Mahina na ang pulso nito, kung hindi aagapan agad ay malabo nang masalba ito.

Pinunit ko ang laylayan ng damit ko upang itali sa mga tama ng babae para mapigilan ang magkawala ng dugo nito. Wala na rin sa wisyo ang lalaki kaya hinayaan n'ya akong gawin iyon.

"Can you carry her? Dalhin na natin s'ya sa ospital." Tanong ko sa lalaki at tumayo na s'ya buhat ang duguang fiancee.

"Protect them. Kahit sabihin nilang wala na sa kanila ang augur ring ay hindi na sila bubuhayin ng mga 'yon." Pierre said while we're running on the hallway. Maingat naming sinusuyod ang paligid sa posibleng pagsugod ng kalaban.

Sabay kaming napamura ni Pierre nang may magpaputok sa amin, mabuti na lamang ay walang tinamaan sa amin. Nagtago kami sa magkabilang kwarto, kasama ko ang dalawa.

"I'll clear the way." Napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya. That's my line as a sniper but I didn’t say anything to conquer his orders. Hindi nagtagal ay sunud-sunod na putok ng baril ang narinig namin mula sa labas. Sisilip pa lamang ako nang pabalyang nabuksan ang pintuan. I point my gun at the unwelcomed visitor covering the two behind me. Ngunit kapwa kami nagulat ng bagong dating nang makilala namin ang isa't isa.

"Dr. Grace"

"Dr. Midel"

Ibinaba n'ya ang baril na hawak at tiningnan ang nasa likod ko bago bumalik sa akin. Dumilim ang ekspresyon n'ya nang matanto ang ginagawa ko. Nakatatawang isipin na parehas kaming doktor ngunit kapwa kami may hawak na baril ngayon para manakit at pumatay. Noon pa man ay may kakaiba na akong nararamdaman sa cardiologist na ito. Alam kong sa kabila ng mahaharot n'yang galaw ay may madilim s'yang itinatago. Ito na iyon, being part of AUP.

"I'll let you escape. Huwag ka nang makialam dito." He said while intensely looking at me.

"And let you kill them?" I fired back na mas lalong nagpadilim sa kan'yang ekspresyon. I pulled the trigger at tinamaan ang panibagong kapapasok na lalaki bago pa ito mamalayan ni Jio Midel. Nilingon n'ya ito bago bumalik ang tingin sa akin. I heard him cursed.

"You just killed my comrade. I should kill you, too." Naalerto ako sa sinabi n'ya lalo na nang tutukan n'ya akong muli. "But I can't." Natigilan ako dahil doon. Nakunot ang noo ko hindi mawari ang sinabi n’ya. Why? Don't tell me he is serious about m—oh gosh! No!

"Wrong woman, Romeo." A voice said and my commander holding a gun appears behind Jio.

Humalakhak si Jio at binalingan si Pierre. Mapang-asar n'yang binitawan ang baril at itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"No need for guns, susuko naman talaga." Sabay kindat sa akin. Ngunit naalarma ako nang mukhang kakalabitin na ni Pierre ang gatilyo.

"Pierre!"

"Oh! my Juliet is saving me, huh. Interesting." Sinamaan ko s'ya ng tingin at sinenyasan na umalis.

"We didn't see each other here." He added at kalmadong lumabas sa kwartong iyon.
I meet Pierre’s gaze with menacing looks. Tila hindi nagustuhan ang ginawa kong pagpigil sa kan'ya. Nag-iwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ito ang oras upang magtalo pa kami.

"Are you alright?" I asked Pierre as he maneuvers the car. Nakaalis na kami sa venue at nakuha na ang augur ring. Kanina pa s'ya hindi nagsasalita matapos ang Jio Midel scene. Dumating din ang mga awtoridad doon. Sana lang ay makaligtas ang babae. Matapos kasing umalis ni Jio ay hindi na naging mahirap sa amin ang makaalis. Sinalubong na lamang kami sa labas ng ambulansya ngunit nagawa naming pumuslit sa lugar na iyon.

"Explain, Kassia." Malamig na sabi n'ya na tagos hanggang sa kaluluwa ko. Idagdag pa ang paraan ng pagtawag n'ya sa akin.

"That guy was my workmate—"

"I know." He bantered.

"I stopped you because we were not there to kill them. Nakuha—"

"Why does it matter?" He cuts my words.

"Because that's the best thing to do—"

"You think so? I should've really exploded his head."

Mariin akong pumikit para kontrolin ang inis ko pero mukhang naiwan ko yata sa mansyon n'ya sa Velhalla.

"Akala ko ba explain? I'm trying to explain here!" Singhal ko sa kan'ya dahil kanina n'ya pa ako pinuputol. Sa dinami-rami ng nangyari ngayon ay 'yon ang 'di n'ya makalimutan. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit ganoon na lamang ibang myembro ng team namin dahil ang commander mismo ay may pagkaisip bata. 'Di ko talaga kakayanin kapag nagsabay-sabay silang nagtantrums baka ako pa ang makapatay sa kanila.

We went to his condo. Hindi na ako nagpumilit pang umuwi sa tinutuluyan ko dahil bukod sa mas malapit ang condo n'ya ay parehas pa kaming pagod.

Agad akong dumeretso sa CR para maligo. Hindi na bago sa akin ang condo n'ya dahil ilang beses na rin akong nag-overnight dito. His two-floor unit is extra huge for a person. It only has one-bedroom para sa madadamot na katulad n'ya. Ang laki-laki ng space pero isa lang ang kwarto. I asked him before about it, sabi n'ya ay pinasadya n'ya talaga iyon dahil ayaw n'ya sa bisita.

"I got it." Rinig kong sabi n'ya pagkalabas ng CR. Nakaupo s'ya sa kama n'ya habang may kausap sa telepono. Napatingin s'ya sa akin nang mapansin ako.

"Yes, she was invited." Hindi na kailangan pang pangalanan kung sino ang kausap n'ya at sino ang pinag-uusapan nila. Siguradong natunugan na rin ni Dreffil ang nangyari. Hindi ko na sila pinansin pa at kinuha ang damit ni Pierre na pinahiram sa akin. Pumasok akong muli sa CR para magbihis. 

Hindi rin ako nagtagal dahil batid kong maliligo rin ang kasama ko. Mas maarte pa sa akin si Pierre. Lumabas ako wearing his white long sleeve that looks oversize to me and my undies. I know it's so cliché and I look like a girlfriend who had finished sex in her boyfriend's pad. But well, who cares? Pagod na ako sa pagngiti sa party na iyon, idagdag pa ang engkwentro kay Jio Midel.

I dive to his bed ignoring his presence. Nagsumiksik ako sa ilalim ng comforter at ipinikit ang mata. Narinig kong tinaasan ni Pierre ang temperatura ng kwarto dahil lamigin ako. Pumasok na rin s'ya sa CR para maligo.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil na rin sa dami ng nangyari sa araw na ito at mga tanong na hindi ko pa rin masagot. We finished the mission but I still don't know the reason behind it. Anong kailangan ni Dreffil sa augur rings? And that Jio Midel, bakit n'ya ako pinatakas?

"Hindi ka papasok?" Pierre asked as he eats the breakfast I prepared. Umiling ako bilang tugon. Wala naman talaga akong planong pumasok ngayon.

"She survived." Napahinto ako sa sinabi n'ya. He's talking about the girl last night. He knows that I am bothered about her.

"That's good. I still feel sorry for them. Their engagement turned out a nightmare." Kung hindi nakialam ang AUP, magiging maayos ang lahat. Wala kaming planong patayin sila para lang makuha ang augur ring. Papalitan lang naman namin ng imitation and that's less evil.

Tinaasan ko s'ya ng kilay nang hindi pa rin n'ya ako tinatantanan ng tingin. Mukhang kanina n'ya pa ako tinatanya. He knows I still have questions, it's about his special mission. He told me that the white diamond augur ring is the fourth ring he got. Isa na lang ang kulang at hinihintay lang n'ya ang utos mula kay Dreffil.

"What do you think about Tieria Dominions now?" He asked out of nowhere. I shifted my weight on my chair due to uncomfortable atmosphere his question brought.

"Don't worry, I am not doubting the organization. I understand that there are things I am not allowed to know." Napainom ako ng tubig dahil doon. As long as Tieria Dominions has the same goal and principles with me, I am not turning my back. Mahirap iwanan ang isang bagay na pinagbuhusan mo ng atensyon at tumulong sa iyo sa pagbangon.

"What about me? Are you doubting me?" I did not see that one coming. His brown eyes bore into me as if it's trying to pull my soul out of my body.

Pierre has been good to me. He lets me do the things I wanted. We are not just comrades but friends, at least. I don't care if he doesn't see me as one but I consider him as a friend. In our team, he is the one who saw my struggles inside and outside the organization. For unknown reasons, he is always there whenever I need him. Kahit kailan hindi n'ya pinaramdam sa akin na pabigat ako. He feeds my ego, actually.

"I won't come here if I do." I never doubted him even now. I don't know why though. I tend to be distant to anyone I am not sure of kaya nasisiguro kong nagtitiwala pa rin ako sa kan'ya.

"I'm glad." He smiled.

What the fuck! Ang gandang breakfast ng ngiti n'ya ah.

Ngumisi ako nang makita iyon kaya natigilan s'ya at ibinalik ang suplado n'yang mukha.

"What?" He spatted.

"Should I transfer a million to your account? Ang mahal pa naman ng ngiti mo." Nang-aasar na sabi ko na nagpailing sa kan'ya.

"Don't talk like I'm the only two-faced jerk here. You are different when you are with them." He crossed his arms and raised his eyebrow. Natawa ako sa sinabi n'ya dahil guilty ako. We are both different kapag nasa misyon. Of course, we should. He has to maintain his authoritative aura because he is our commander. Ako naman ay seryoso sa misyon pero kapag hindi naman ay nakikisali rin ako sa kalokahan nila.

When I joined Tieria Dominions, naabutan ko na roon sina Pierre, Travis, and Kreo. Of course, hindi kami naging close ni Kreo because of his grudges to me. Only Pierre and Travis guided me that's why I am comfortable with them. Plus, the fact that our parents were comrades before. Dreffil and Gryant also told me about what my parents did in the organization. Mas nakilala ko ang side na iyon ng parents ko maging ang kay Faira Grace.

"You should be grateful; you are able to see my two faces." Biro ko sa kan'ya.

"Ah yeah, and that you like Cairo." Tiningnan ko s'ya nang matalim dahil doon. He knows that I like morenos na kinaiinisan nilang dalawa ni Travis dahil parehas silang maputi… pero hindi ko nga gusto si Cairo!

"Your Romeo last night is also moreno, huh? Tirador ng mga negro." Sa halip na mainis dahil ipinasok na naman n'ya iyon sa usapan ay natawa ako sa huling sinabi n'ya. I can sense his bitterness. This is one of his sides that our comrades couldn't see. Well, maybe if they are able to be with him outside the organization, they might see this, too. Hindi ko alam bakit big deal sa team namin ang complexion. Kung tatanungin kami ay siguradong 'yan ang insecurity naming lahat.

"Bakit ba ang bitter n'yo sa mga moreno?" Naiiling na tanong ko dahil ganito rin si Travis at maging si Kreo ay nagmamataktol sa kulay n'ya dahil siguro si Cairo ang nag-iisang moreno sa kanila and he brags about it all the time. Lalo na noong pinuri s'ya ng mga tao sa engineering team.

"Why would I? They are just toasted jerks. Mas masarap pa rin ang mapuputi." He said and took a fresh sliced bread—maputi. Pinaningkitan ko s'ya sa huling tinuran.

"Says who? Your girls?" Masarap pala ah.

"Yeah, wanna taste it?" Halos masamid ako sa sinabi n’ya. When he saw my expression, an evil smirk appeared then he plunges a sliced bread on my mouth.

"Silly thoughts." Ginulo n'ya pa ang buhok ko bago bumalik sa pagkakaupo. I glared at him because he is winning over me again.

This breakfast is a mess.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro