CHAPTER 7
Father
"Target shot." Narinig ko ang pagdiriwang ng mga kasamahan ko sa kabilang linya. Tiningnan ko si Pierre na naglalakad na patungo sa akin.
"Did he touch you?" Sinalubong ko ang pamilyar n'yang mga mata. Nang masumpangan ito ay parang napawi ang takot at galit kong naramdaman kanina lang. Marahan akong umiling bilang tugon. Itinutok n'ya ang baril sa target namin. Isang putok ang pinakawalan n'ya.
"What was that for?" Kunot noong tanong ko ngunit nagkibit balikat lamang s'ya. He removes his jacket and place it on my shoulders. I couldn’t help but remember our first encounter in Urd.
"All cleared." Balita ni Pierre sa linya habang matamang tinitingnan ang walang buhay na katawan ng target. Nasundan naman ito ng isa pang magandang balita nang sabihin ni Cayenne na nailigtas na rin nila ang mga biktima ng sindikato.
Another mission accomplished for Tieria Dominions.
Binalot ko ang sarili sa itim na jacket ni Pierre nang maramdaman ang lamig sa headquarters namin. Nakabalik na kaming lahat at kan'ya-kan'ya na kami ng upo. Wala namang nasaktan sa amin nang seryoso dahil naging madali na lang ang trabaho nila sa bar.
Lodon syndicate is successfully eradicated by Tieria Dominions.
I decided to stay in the headquarters since we it can house its members. Karamihan ng mga miyembro ay dito na tumutuloy, iilan lamang ang piniling panatilihin ang estado at buhay nila sa labas; kasama na kaming pito roon. We are the primary team, the pride of whole organization, their ace. Let's say my life as a doctor and director of Le Fereshte is now a disguise. Bukod sa hindi ko pwedeng pabayaan iyon ay malaking tulong din ito sa akin, isa pa ay hindi rin biro ang estado ng mga Grace na iniwan sa akin. Their name is huge in the medical field, the reason why we are in Astraea.
"Commander?" Nagulat ako nang makasalubong s'ya sa hallway. Kagaya ko ay may sariling buhay din s'ya sa labas. Malaki ang business ng mga Eiveldan na may kaugnayan sa technology development and innovation. Hindi ko inaasahang makikita s'ya rito dahil akala ko ay ako lamang ang hindi umuwi.
His eyebrows furrowed tila nahihiwagaan sa naging reaksyon ko. Lalagpasan ko na sana s'ya nang bigla s'yang nagsalita.
"I need your company later, Sia." Hindi na ako nakapagtanong pa dahil mabilis din n'ya akong tinalikuran. Ano na naman kaya ang gagawin namin na walang kasiguraduhan kung makababalik pa kami nang buhay?
I eat my breakfast at nagpasyang bumalik sa cabin ko. Nagsabi na rin ako sa opisina na hindi ako papasok ngayon. As if I am required to report tho, hawak ko ang oras ko. I spend my hours lying on bed reading current news. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang kapangyarihan ng AUP sa buong bansa. Hindi ko alam kung aware ba ang Prime Minister o hawak na s'ya sa leeg ng mga ito.
Autonomous Union for Peace deploys their best figher pilots in Erdavistan, strengthening their treaty.
Napahawak ako nang mahigpit sa glass tab kung saan ako nagbabasa ng news. Best fighter pilots, huh? Are they threatened now?
AUP is known for sheltering great soldiers because if you're weak, you'll die. Erdavistan also has great military defense to protect itself pero parang tuta silang sunud-sunuran ngayon sa AUP. I wonder what is keeping their tails off? Power? I doubt that. Parehas lang naman silang sakim sa kapangyarihan. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay magbabanggan na ang AUP at ang Prime Minister at kapag nangyari iyon paniguradong ang mga mamamayan na naman ang mahihirapan.
"Arggh!" I shouted out of irritation. Padabog kong binagsak ang glass tab sa gilid ko. Kahit anong isip ko sa kasalukuyang nangyayari, it always ends up into war. Hindi ba pwedeng mabuhay na lang nang matiwasay?
What if Viado royal family is still ruling us? For sure, AUP won't be here but it doesn't mean that there will be peace. Paniguradong mayroon at mayroong sisibol na sakim sa bansang ito na hangad ang trono, at isa na roon ang kasalukuyang prime minister, si Helios Alvadrid.
Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari sa nakaraan. According to my research using Tieria Dominions' intelligence, it was all Helios Alvadrid’s doings. He was the chief general of the royal army but turned his back and fight the royal family. It was said that, at the end of King Saachl Viado's reign, he tightened his grip that triggers rebellion. Yeah, rebels again, na hanggang ngayon ay problema pa rin.
Between King Saachl and Helios Alvadrid, I don't know who's the real hero. But in the eyes of the whole Erdavistan, it was the latter that saved them. Of course, Helios Alvadrid and AUP.
As I dwell at my thoughts, my glass tab beeps. Walang buhay ko itong dinampot at tiningnan ang notification.
Pierre Eiveldan:
I'm outside your cabin.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa message n'ya. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi n'ya sa akin kanina. Nagmamadali kong binuksan ang pintuan hindi alintana kung anong itsura ko ngayon. Well, he already saw me at my worst of worst.
Nakahalukipkip na commander ang natagpuan ko. Nakasandal s'ya sa katapat na wall wearing casual clothes, not the usual black outfit. Napadako ang tingin n'ya sa akin. His eyes wander at my whole body.
"Magbihis ka na." He casually said at dere-deretsong pumasok sa cabin ko. Umupo s'ya sa kama at matama akong tiningnan. Ilang segundo ang tinagal noon at nagtaas s'ya ng kilay sa akin.
"Yes, commander." Mabilis ang naging kilos ko sa pagkuha ng damit. Hindi ko na pinag-isipan pa at kumuha na lang. Pumasok ako sa CR para magbihis. Teka nga! Bakit ba magmamadali ako? Wala naman s'yang sinabing oras. Pero kahit na, he has authority over me.
I am wearing a white knitted long sleeves crop top, black ankle jeans, and white sneakers. I tied my hair up in a bun to finished my look. I also applied light make up to add colors to my natural pale face.
Lumabas na ako at naabutan magaling kong commander na sakop na ang kama ko while busy on his phone. Welcome na welcome s'ya sa cabin ko. He is wearing gray t-shirt, black jeans and white rubber shoes. Not being fashionista but it is all branded and damn expensive. Uh well, he, himself is already looking expensive. He's an Astraean guy afterall.
"Where are we going?" I asked. Tamad syang bumangon at mukhang labag sa loob ang ginawa. He eyed me from head to foot before standing fom my bed.
"Let your hair down, we're not going in a mission." Nauna na s'yang nagalakad at sinundan ko. Napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya. He noticed that simple habit of mine. I really prefer my hair down because my mom used to admire it so much.
Habang naglalakad papunta sa kotse n'ya ay tinanggal ko pagkaka-bun ng buhok. Pinasadahan ko ito ng daliri upang maayos. Kanina pa ako kating-kati tanungin kung saan kami pupunta pero tinikom ko na lang ang bibig.
Naging tahimik kami sa byahe as usual. He's Pierre though so what do I expect him to be? Tumigil kami sa isang bahay na nasa gitna ng malawak na lupain. The house has modern design but huge to fit in the description of a house. A modern mansion, then?
"Where are we?" Tanong ko pagkapasok namin sa loob. Iginala ko ang paningin sa bawat sulok. Sa unang tingin pa pang ay nagsusumigaw na ng kayamanan ang buong kabahayan. I wonder how much its market value.
"My house." He simply answered. Naguguluhan ako dahil sakop pa rin ng Velhalla ang lugar na ito at malapit sa hanggangan ng Urd at Velhalla.
"Bakit may property ka sa Velhalla? Hindi pa sapat ang nasa Astraea?" Walang pasintabi akong naupo sa sofa dahil sabi naman n'ya ay kan'ya ito. Makapasok nga s'ya sa cabin ko e'.
"Am I not allowed?" Baling n'ya sa akin at may tinawag. Hula ko ay ang caretaker nito. So, they are this damn rich? I have a hunch that the field I saw a while ago is also part of his properties.
We are wealthy enough to afford an astraean status but not as wealthy as this. We may have properties in other places but those are for businesses. Hindi katulad nito na parang bakasyunan lang. This house alone costs a fortune!
"Kumain muna kayo ng bisita mo." Napatingin ako sa pamilyar na babae na kararating lang. Ngumiti ito sa akin nang matagpuang nakatingin ako sa kan'ya. Hindi ko pa naiisip kung sino ang babaeng iyon nang may isang batang babae ang dumalo kay Pierre mula sa kung saan na agad naman n'yang niyakap. Tuwang-tuwa ito na hindi na halos napansin ang presensya ko. Hindi pa rin maipinta ang mukha ko ngayon dahil sa pagtataka habang tinitingnan ang senaryo sa harap ko.
A woman... and a child on Pierre's arms. Is it—
Nanlaki ang mata ko sa reyalisasyon. Napatayo pa ako sa gulat na nakakuha ng atensyon nilang tatlo.
"You have a child!?" Gulat na tanong ko kay Pierre tinuturo pa s'ya. Our commander is already a father! Akala ko pa naman si Kreo ang unang magkakabuntis sa kanila.
Tumayo s'ya sa pagkakaluhod at nilapitan ako. Seryoso ang kan'yang mukha at matindi ang intensidad ng mga titig n'ya sa akin.
"Are you... disappointed to me?" Tanong n'ya nang hindi inaalis ang mga mata sa mata ko para bang pilit binabasa roon ang iniisip ko.
"N-no! Of course, not. There's nothing disappointing in having a family." Maagap at seryosong sagot ko. Mataas ang tingin ko sa pagpapamilya dahil hindi biro ang pagiging magulang. Kung nasa ibang pagkakataon siguro ay gugustuhin ko ring magkapamilya, a complete family that was taken away from me twice but that dream was already buried deep down. Ngayon ay hindi ko na pinangarap pa ito dahil alam kong isang araw mawawala na lang ako sa mundong 'to sa isang iglap. Ayoko nang may umiyak pa kapag namatay ako sa isang misyon.
Seryoso at mabigat pa rin ang tingin n'ya sa akin kaya nang hindi ko na ito makayanan pa ay ako na ang nag-iwas.
"I'm proud of you. You're a great leader, I believe as a father as well." Ang tanong ko lang ay sikreto ba 'to sa mga kasamahan namin? We’ve been together for a long time and we treat each other as friends… a family. How dare he keep it from us!?
Sa halip na paliwanag ang marinig ko ay tawa n'ya ang namutawi sa bibig. Marahas ko s'yang binalangin ng tingin at naguguluhan pa rin.
"Damn your imaginations, Kassia!" Ngisi n'ya sa akin. Kung sa ibang pagkakataon ay magdiriwang na ko because my commander is smiling and laughing. Pero nang marealize ko ang nangyayari ay agad ko s'yang binato ng throw pillow. Nang ipalo ko sa kan'ya ang huling throw pillow ay sinapo n'ya ito. I send him death glares while we're both holding the pillow between us. Naiinis ako sa ngisi n'ya ngayon.
"You think I'll be a great father?" Tanong n'ya na mas lalong nakadagdag sa inis ko. Ipaalala pa n'ya lahat ng sinabi ko! Pakiramdam ko ay namumula na ako ngayon sa hiya at inis.
"Let's see then."
"Damn you, Pierre!"
"Kain muna tayo." Kinuha n'ya sa akin ang throw pillow at hinawakan ang palapulsuhan ko para hilahin papunta sa dining area. Pinaghila n'ya ako ng upuan bago s'ya umupo sa kabisera ng lamesa, nasa kanan n'ya ako. Sumunod naman sa amin ang ang babae at ang bata. Naupo sila sa harapan ko.
"Don't you remember them?" Tanong ni Pierre kaya binalingan ko ang babae na nakangiti pa rin sa akin ngayon.
"You saved us in Urd two years ago." Sa sinabing iyon ng babae ay naalala ko ang ginawa ko noon sa Urd. Ang unang pagkikita namin ni Pierre. Sila 'yong pamilya na iyon!
Hindi ko alam ang sasabihin kaya nanahimik na lang ako. Ramdam ko ang titig sa akin ni Pierre na hula ko hanggang ngayon ay natutuwa.
"I'm Amie, she's my daughter, Ari." Pakilala ng babae. "Utang na loob namin ang buhay sa iyo. Maraming salamat." Umiling ako sa sinabi n'ya.
"I think I caused you more troubles. Hindi ako nag-iisip noon. Kung hindi ako nangialam, Pierre might save you in a better way." Saad ko. Nag-umpisa namang kumuha ng pagkain si Pierre at ilagay sa plato ko tapos ay sa kan'ya.
"Kadarating ko lang noong nilapitan ko kayo. If you didn't step up that time, baka hindi ko na sila naabutang humihinga." Paliwanag n'ya habang abala sa paglalagay ng pagkain.
Nagkwentuhan pa kami habang kumakain. Nalaman ko na ang asawa n’yang si Nylo ay kasapi ng Tieria Dominions. Tinulungan at pinatuloy sila rito ni Pierre pagkatapos ng nangyari sa araw na iyon. Nakatutuwa na maayos naman silang naninirahan dito malayo sa gulo kahit na kasapi pa rin sa organisasyon si Nylo. Masaya na ako para kay Ari dahil namumuhay s’ya katulad ng ibang bata. Isang bagay na pilit kong inaasam ngunit pinagkakait sa akin.
"We travelled here for this? Really, Commander?" Pagtataray ko sa harapan n'ya. I crossed my arms with annoyance. Nilingon n'ya ako habang hawak ng kaliwang kamay ang lubid ng isang puti kabayo na tinatawag n'yang Alaska.
"We are here to take a break." Lumapit naman sa akin si Nylo na dala ang isang itim kabayo. Nilingon ko ito at hindi ko maiwasang mamangha. I never ride a horse before.
"He's Atlanta." Turo ni Pierre sa kabayong kaharap ko.
"I don't know how to ride a horse." Baling ko sa kan'ya.
"Expert yata 'yang si Commander sa pangangabayo." Halakhak ni Nylo na inirapan ko lang. Tanda ko pa rin kung paano n'ya ako tinutukan ng baril noon matapos ko silang tulungan.
"Miss Noriega, hindi mo na ba ako mapapatawad?" Tanong nito na parang nagtatampo dahil kanina ko pa s'ya tinatarayan.
"Shut up, Nylo!" Saway sa kan'ya ni Pierre at inilahad ang kamay sa akin.
Inalalayan n'ya ako sa pag-akyat kay Alaska. Akala ko ay madali lang pero halos mapatili ako nang bahagyang gumalaw ang kabayo nang maramdaman nito ang bigat ko. Kung hindi lang sa hawak ni Pierre ay baka nahulog na ako.
"Balance is the key." Saad n'ya habang nakangisi. Talagang tuwang-tuwa s'ya kapag nahihirapan ako.
Sumakay na rin si Pierre kay Alaska, ako ay nasa harap n'ya. Nagitla ako nang gumalaw ulit ang pasaway na kabayo. Ipinalupot n'ya ang kaliwang braso sa aking tiyan upang hindi ako mahulog. Dahil naka-crop top ako ramdam ko ang balat n'ya. It's awkward.
"Hindi takot sa bala pero takot mahulog sa kabayo?" Sarkastikong sabi n'ya kaya't binalingan ko. I glared at him but he just chuckled. His eyes travel to my hands holding onto his arms. Ngayon ko lang ito napansin kaya bumitaw agad. My pride can't handle it.
Nang makita n'ya ang ginawa ko ay bigla n'yang pinatakbo ang kabayo. Sa gulat ko ay napahawak akong muli sa kan'ya.
"Pierre!" Sigaw ko sa kan'ya hanggang sa naramdaman ko ang pagbagal ng takbo ng kabayo at huminto. Gusto ko s'yang itulak pero alam kong hindi magandang ideya 'yon kaya hinampas ko na lang ang kamay n'ya na nankahawak sa lubid.
"The great Kassia Noriega is afraid of horseback riding." Amusement is evident on his tone. I glare at him but he smiles at me in return. A genuine smile.
Napakurap-kurap ako dahil doon. Kahit sino sigurong nakakakilala sa kan’ya ay mamamangha kapag numiti s’ya.
Pinagpatuloy n'ya ang pagtuturo sa akin ng pagbalanse. Habang tumatagal ay nasasanay na rin ako sa takbo ng kabayo. Minsan ay sinusubukan pa ni Pierre na hindi ako hawakan hanggang sa ako na ang nagmamaniobra nang may gabay n'ya.
"Property n'yo rin ba ito?" Tanong ko nang pabalik na kami. Napansin ko kasing walang ibang tao sa kalawakan ng tinakbo ng kabayo. Mabagal ang takbo ng kabayo habang ako ang may hawak ng lubid.
"My property." He answered proving a point. His property? That explains kung bakit nasa Velhalla ito.
“You, alone, are this wealthy, huh?” Paismid na sabi ko para itago ang pagkamangha. Ito ang kaibahan namin, ni minsan ay hindi ko naghangad ng para sa sarili ko. Wala akong ganitong property o achievement na masasabi kong akin dahil tingin ko ay wala namang halaga iyon dahil ang mga tao ngang ninais ko ay iniwan lang din ako sa huli. Bakit pa ako maghahangad ng para sa sarili ko kung sa huli ay mawawala rin?
“Not really, Eiveldans are.” Lihim akong napangiti sa tinuran n’ya. Pa-humble! His family maybe filthy rich but he worked and proved himself. Matagumpay s’ya ngayon hindi dahil sa pangalan n’ya kung hindi ay dahil sa sarili n’yang pagsisikap.
Hindi ko maitatanggi na nakaramdam ako ng kapayaan kahit panandalian. Ang problema ko lamang ay kung paano matuto sa pagsakay sa kabayo. Walang putok ng baril na maririnig kung hindi ay huni ng mga ibon. Ang paligid ay hindi itim at abo kagaya sa headquarters kung hindi ay berde. It's not that bad that he brought me here. It's not bad to take a break.
Nang sumapit ang dilim ay naisipan kong bumaba para tumulong sa pagluluto ng hapunan. Napansin ko kasing walang mga kasambahay dito at tanging si Amie lamang ang gumagawa ng lahat. The house is quite big kaya siguradong nahihirapan s'ya sa pagmemaintain nito.
"Marunong ka pala magluto." Bati n'ya habang naghihiwa ng mga sangkap na gagamitin namin.
"I'm living alone that's why." Simula nang mawala si Marah ay hindi na ako tumira pa sa bahay. I bought a villa in Astraea where I stay alone.
Nagdesisyon kami ni Pierre na rito na lamang magpalipas ng gabi dahil mahihirapan kaming bumyahe. Gusto ko rin iyon dahil nagbibigay ng kapayapaan sa akin ang lugar na ito. Malayong malayo sa responsibilidad ko sa Astraea at ang madilim na katotohanan sa Tieria Dominions.
Sa susunod na may bakanteng oras ako ay hihilingin ko kay Pierre na magpunta ulit dito. Gusto ko ring isama ang iba dahil katulad ko ang nararamdaman nila sa mga oras nito. Ikubli man nila sa matitikas nilang tindig, alam kong sa loob nila ay may malambot na parte na nagsusumamo sa kapayaan. We are all fighting for peace that we chose to sacrifice our own peace of mind and life.
Sa hindi malamang dahilan ay nagmulat ako. Sinuyod ang paligid ngunit wala namang kakaiba. Kinuha ko ang phone kong nakapatong sa side table para tingnan ang oras. Alas tres pa lang ng madaling araw.
Tumayo ako at lumabas sa kwartong tinutuluyan dahil hindi na ako malaramdam pa ng antok. Bumaba ako sa unang palapag para sana uminom ng tunig sa kusina ngunit natigilan ako nang may pansin ang isang pigura sa parte ng sala.
Nakatayo ito at nakatalikod sa akin ngunit kilala ko na ito malayo pa lamang. Sa halip na dumeretso sa kusina ay nilapitan ko s'ya. Napansin kong mukhang lalabas s'ya dahil sa suot n'yang damit. Kumunot ang noo ko dahil sobrang aga pa.
"Do you need something?" Baling n'ya sa akin matapos ibaba ang tawag. May kausap pala s'ya sa phone.
"Where are you going this early?" He sighs then looks away avoiding my question.
Napansin ko ang glass tab n'ya na nasa sofa. Akmang kukuhanin n'ya ito nang unahan ko s'ya.
"Kassia!" Banta n'ya ngunit hindi ko pinansin. Binasa ko ang nakalagay sa glass tab n'ya.
A special mission from Dreffil Wenschil.
Natigilan ako sa nabasa ko. Sa pagkakaalam ko ay hindi ako nakatanggap ng ganitong mensahe. Tuwing may misyon kami at ang team namin ang naatasan, lahat kami nakatatanggap ng impormasyon tungkol dito. Ang mga impormasyong ito ay galing sa intelligence department ng Tieria Dominions at inaaprubahan na lamang ni Dreffil Wenschil at Gryant Eiveldan. Sila rin ang nagdedesisyon kung kaninong team nila ipapaubaya ang misyon. Ang commander na ang nagdedesisyon kung paano isasagawa ito. Nasa kan'ya ang desisyon kung sino ang aatasan n'ya sa kan'yang team at ang gagampanang gawain ng bawat isa.
Sa kaalaman na special mission ang natanggap ni Pierre at wala akong natanggap na kaparehas na mensahe ay hindi ko maiwasang maguluhan. Hindi pa ako kailanman nakatanggap ng isang special mission at ni minsan ay hindi ko narinig ang tungkol sa bagay na ito, ngayon lang.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Hindi lamang dahil sa mga titig ng kasama ko kung hindi dahil sa mga hindi ko nalalaman sa organisasyong kumupkop sa akin at pinagsilbihan ng mga magulang ko. Alam kong may mas malalim pa sa mga nalalaman ko ngayon ngunit ngayon lamang ako natakot nang ganito.
"Sasama ako, Commander." Pinal na saad ako at binalik ang matatalim n'yang tingin. His brown eyes reflect disagreement.
"I am commanding you to stay away from this." S'ya ang unang kumalas sa titigan namin. Kinuha n'ya sa kamay ko ang glass tab at tinalikuran ako.
"I'm sorry but this will be the first time I'll defy your orders, Pierre."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro