CHAPTER 17
Purge
Pagbalik ko sa kinaroroonan ng dalawa ay naunang nagbaling sa akin si Livy. Determinadong mga mata ang isanalubong n'ya sa akin na tila nais n'yang umayon ako sa kan'ya. I took my eyes off her and take my guns out of my pocket. With that, they both know what to do.
Unang nagpaputok si Cayenne at nang mabaling sa amin ang atensyon nila ay saka sumunod si Livy. Lumipat ako ng puwesto kung saan wala ang atensyon nila at doon nagpaputok.
Tiningnan ko ang mga sibilyan na pilit ikinukubli ang kanilang sarili. Bakas ang pighati nila sa sinapit ng isang myembro ng kanilang pamilya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila ngunit natunugan ako ng isa sa mga rebelde. Sinipa ko ang baril na hawak n'ya at nakipagpalitan ng suntok. Nang makahanap ng tyempo ay saka ko itinutok ang baril at ipinutok.
"Hide!" Sigaw ko na agad naman nagpatayo sa kanila. Nabaling sa akin ang atensyon ng ibang rebelde. Sinigurado ko munang makakatakas ang mga sibilyan bago ako umalis doon.
"Hanapin n'yo ang mga buwayang 'yon!" Sigaw ng mga rebelde upang sundan ang pinatakas namin. Bumalik ako sa kinalalagyan nila Livy at Cayenne. Mukha namang ayos pa ang dalawang ito.
"Kailangan na natin tapusin ang mga 'yan bago tumawag ng back-up, hindi natin kakayanin." Suhestyon ni Livy na sinag-ayunan ni Cayenne.
Hindi nagtagal ang palitan ng putok dahil mga pipitsugin lang naman ang kalaban. This is the reason why Aesir and Almarck have more member than us. Basta-basta lang sila dumadampot at basta lang makapagpaputok ng baril ay ayos na. Hindi sila sumasailalim sa mahabang training katulad namin. They prioritize quantity over quality.
Agad akong tumakbo pabalik sa pinag-iwanan ko kay Andreu. Matamis na ngiti ang isinalubong n'ya sa akin at mukhang hindi na rin napigilan na yakapin ako. Nagulat ako dahil doon.
"H-hey!"
"A-akala ko hindi k-ka na rin makakabalik k-katulad nila." Saad n'ya sa pagitan ng mga hikbi. Marahan kong hinaplos ang likod n'ya para patahanin.
Wala kaming inaksayang oras at agad na dumeretso sa taas na ng building upang sundan ang mga pinatakas namin kanina. Kailangan namin ng impormasyon tungkol sa nangyayari ngayon sa lugar na ito. Hindi naman kami nabigo dahil natagpuan namin silang magkakasama sa ikalimang palapag.
"We–" magpapakilala sana si Livy ngunit natigilan s'ya dahil hindi alam ang sasabihin. Bumaling s'ya sa akin na parang nanghihingi ng tulong.
"We are also civilians from Astraea. I'm Kassia Grace. She's Livy Shennai and here's Cayenne Azores." Tila huminahon ang itsura nila dahil siguro nalaman nilang taga-Astraea kami.
"But why are you here? Hindi ba kahina-hinala iyon?" Isang babae ang sumagot na tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa akin.
"We want to know the status here and to check some of our relatives." Pagsisinungaling ko. Napataas naman ang kilay ng kausap ko dahil doon at mukhang hindi kumbinsido.
"Mababait sila. They saved me." Biglang lumabas si Andreu mula sa likuran ko. Muntik ko nang makalimutan na kasama nga pala namin s'ya.
Sa reaksyon ng mga kausap namin ay mukhang kilala nila si Andreu. Nasabi nga pala n'ya na kaibigan n'ya iyong bata kanina. Nakakalungkot lang na hindi namin s'ya naisalba.
"Andreu? Andreu Snovel!?" Isang may edad na babae ang nakakilala sa kan'ya. Tingin ko ay ito ang ina ng kaibigan ni Andreu. Lumapit s'ya sa babae na agad s'yang hinagkan.
"Diyos ko! Mabuti naman at nakaligtas ka. Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong nito habang matamang nakatingin kay Andreu na ngayon ay dahan-dahang umiling. Nakuha naman nila ang ibig sabihin niyon.
Tumikhim si Livy bago nagsalita. "Anong kailangan ng mga rebeldeng iyon sa inyo?"
"They've been doing that to all the prominent families in Ascalon. Wala silang pinapalampas kahit mga bata." Isang middle age na lalaki ang sumagot. Napakuyom ang kamao n'ya tila inaalala ang sinapit ng anak.
"Pero bakit? May atraso ba kayo sa kanila?" Si Cayenne naman ang nagtanong.
"Ang iba meron, ang iba nadamay lang sa galit nila sa mga Ascalian." Isang halos kaedad lang namin na lalaki ang nagsalita habang binabalot ng tela ang kanang kamay na may tama. Napailing ako at nilapaitan s'ya. Sa gulat ay bahagya s'yang lumayo sa akin. Inilabas ko ang swiss knife na dala ko.
"T-teka, anong gagawin mo?" Takot na saad n'ya habang nakaharang sa akin ang kamay. Naramdaman kong may lumapit sa akin ngunit hindi ko na pinansin dahil abala ako sa pag-aayos ng gagamitin.
"Let her, Andreu. She's a doctor." Saway ni Livy. Tiningnan ko si Andreu na ngayon ay nakatingin din pala sa akin.
"Don't look, little guy. You won't like it." Binalingan ko na ang lalaking ngayon ay mas dumoble ang takot sa akin.
"I know you won't kill me but what are you doing!?" Singhal nito sa akin. Nakarinig ako ng mahinang pagtawa.
"That bastard is afraid of doctors." Saad ni Olira, iyong babaeng kaedad lang namin.
"It will worsen if we don't treat it. Madali naman akong kausap." Sabi ko at tinaasan s'ya ng kilay. Free service na nga itong ginagawa ko, tatanggihan pa? If only you knew where I work, baka magulat ka pa.
"'Di ba 'yan masakit?" His name is Wol.
"Masakit kasi walang anesthetics."
"Tangina naman! Sana nagsunungaling ka na lang." Nag-uumpisa na akong mairita sa lalaking 'to.
"Nagtanong ka, sumagot lang ako. A doctor can't lie to her patient."
"Wala ka bang dala dyan na anesthesia?" Hirit pa nito na nagpatawa sa lahat. Maging mga magulang n'ya ay halos itakwil na s'ya sa kaduwagan n'ya.
"If you wanna live longer, 'wag mong subukan ang pasensya ni Kassia." Kantyaw ni Livy na sinegundahan naman ni Cayenne. Tama naman sila kasi isang inarte pa ng kutong-lupa na 'to ay titirisin ko na s'ya.
Kalaunan ay pumayag din si Wol na tanggalin ang bala sa balikat nya. Ginamot ko na rin ang sugat ng iba sa kanila. Habang si Livy at Cayenne ay nakikipagkwentuhan tungkol sa mga pangyayari rito sa Ascalon, iyong walang habas na pagpatay ng mga rebelde sa mga mamamayan dito. Nakakahabag na ginagawa lamang nila iyon para makapaghiganti. Pinapatay nila ang sarili nilang kababayan. Hindi ba dapat ay ang AUP ang pagbalingan nila?
Napagdesisyunan naming lumipat ng pagtataguan dahil hindi na ligtas doon. Anumang oras ay maaaring may mapadaan na rebelde roon at matagpuan ang mga kasamahan nilang nakaengkwetro namin. Siguradong aalertuhin nila sila Rulan.
"Ano 'yon?" Cayenne snapped when we heard a horn-like sound. Sa lakas nito ay umaalingawngaw ito sa paligid at nagduduloy ng kilabot sa sinumang makaririnig. Hindi maganda ang kutob ko rito.
"It's the time. They've been playing with us." Sagot ni Wol sa amin. Napakunot ang noo ko sa tinuran niya.
"It's like a purge. Hudyat 'yan na kailangan na naming magtago dahil kung hindi, mamamatay kami. Nakakagago ang paglalarong ginagawa nila." Mapait na tawa ang pinakawalan n'ya. Galit s'ya sa nangyayari sa kanila... sa mga rebeldeng iyon. Kahit sino naman siguro ay ganito ang magiging reaksyon kung paglalaruan ang buhay nila.
What Aesir and Almarck is doing is too much. Hindi na makatao at hindi na lang ang gobyerno ang pinupunturya nila. They wanted a revenge to those in the higher class without realizing that they are their countrymen.
"This is so fucked up!" Livy shouted out of irritation. I know why she is this affected. At a young age she suffered a lot because of the war between the government and rebels. She joined Tieria Dominions to stop things like this. She doesn't want anyone else experience what she had before.
Nakarinig kami ng putok ng baril 'di kalayuan. Nagkatinginan kaming tatlo dahil alam naming nasa malapit lang ang kalaban. Kumuha rin ng baril si Wol, Olira, at ang ama nila na galing sa mga rebelde kanina.
"We have to team up with them. Huwag n'yong hahayaan na mapuruhan sila." Agad naman nilang ginawa. Wol ended up with me. Livy is with Olira while Cayenne is with Djom, their father.
Bumaba kami upang umalis sa lugar na iyon dahil hindi namin kakayanin makipagsagupaan. Kailangan lang naming tumakas at tumakbo. Para kaming naglalaro ng tagu-taguan, iyon nga lang ay kapag nataya ka ay buhay mo ang kapalit.
Paliko kami sa isang pasilyo nang may makasalubong. Sabay-sabay namin itinaas ang mga baril ngunit agad na sumigaw si Djom upang pigilan ang magkabilang panig.
"They are Ascalians!" Nagbaba kami ng baril at ganoon din ang ginawa nila. Nakilala siguro nila si Djom.
"Leudens?" Tanong ng isa sa kanila at nakipagkamay kay Djom habang ang iba ay kinikilatis kami.
Hindi nagtagal ang kumustahan nila at minabuti nilang dalhin kami sa pinagtataguan ng iba nilang kasamahan. Ayon sa kanila, isinasama nila sa kanilang grupo ang mga Ascalians na matagpuan nila dahil mas malaki ang tyansang mabuhay kung lalaban sila nang sama-sama.
Nagulat ako nang marating namin ang kinaroroonan ng hindi bababa sa limampung katao. Ang iba sa kanila ay armado na handang lumaban anumang oras. Ipinakilala nila kami at tipid na tango at ngiti lamang ang natanggap namin.
"We have to defend this place dahil kung hindi, mamamatay tayong lahat." Saad ng tumatayong lider nila. Iginala ko ang paningin ko hanggang sa may mahagip ang mata ko. Sa isang gilid ng silid na kinalalagyan namin ay may iba't ibang klase ng baril at isa ang nakapukaw ng atensyon ko. Nilapitan ko iyon ngunit may nakapansin sa akin.
"Anong ginagawa mo?" Sigaw ng isa sa kanila na hindi ko pinansin. Kinuha ko ang Zefer SR-708, isang sniper rifle.
"Can I borrow this?" Binalingan ko sila na nasa akin pala ang lahat ng atensyon. Lumapit sa akin si Livy at Cayenne na kapwa kumuha rin ng mga baril na nais nila. "Kami rin?"
"Sino ba 'tong kasama n'yo?" Tanong ng lider kay Djom.
"They saved us. Mapagkakatiwalaan sila." Iyon lamang ang sinabi n'ya at mukha namang kumbinsido sila. Wala siguro sa kanila may alam gumamit ng ganitong mga baril kaya wala ring silang pakialam.
Nakisali na kami sa pagpaplano nila. Mahahati ang grupo sa dalawa, ang isa ay mga frontliner at isa naman ay para sa mga long-range shooter kagaya ko. Iilan lamang kami kaya malaking problema.
Naramdaman kong may tumabi sa akin.
"You girls are really something, huh?" Si Wol. Hindi man n'ya sabihin ay siguradong naghihinala na s'ya sa amin. Ang pakilala ko lang ay galing kaming Astraea at isa akong doktor.
Hindi nagtagal ay nagkanya-kanya na kami ng pwesto. Nasa mga bintana kami nakapwesto dahil kailangan naming pigilan ang mga rebelde sa pagpasok sa establisimyentong ito. Nasa taas na palapag naman ang mga naiwan na 'di armado.
Unang putok mula sa panig namin ay galing sa akin. It's a headshot kaya rinig ko ang singhapan ng mga kasama ko habang titingin-tingin sa akin. Ako lamang ang babae rito kaya gan'yan na lang ang reaksyon nila. Si Livy at Cayenne ay kasama sa frontline.
Tumagal ng ilang sandali ang palitan hanggang sa kaunti na lang ang natitira sa panig ng mga rebelde ngunit ilan na rin ang nalagas sa amin. Idagdag pa ang limitado naming supply ng bala. Tingin ko ay hindi na namin kakayanin pa ang isang grupo.
Ngunit gayon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang may tumamang bala sa dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko. Agad akong nagkubli at nakita ko ang tama nila. Headshot.
"Dock! There's a snipper down there." Sigaw ko sa kanila ngunit huli na dahil ilan na ang tinamaan sa grupo namin. Hindi ko nakita kung kanino nanggaling ang mga bala pero base sa pagiging asintado nito ay masasabi kong magaling s'ya at hindi maganda ang kutob ko.
"What's your status there?" Pakikipagkonekta namin sa grupo sa ibaba. Ang sabi nila ay marami na ring tinamaan sa kanila at napilitan silang umatras sa palapag na kinalalagyan namin. This is not good.
"Kassia!" Cayenne rushed to me. Kasunod n'ya si Livy. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil buhay pa ang dalawang ito.
"Ang dami nila. Hindi natin kakayaning makipagsabayan sa kanila." Seryosong bulong sa akin ni Livy. Pabalik kami ngayon sa kinaroroonan ng iba upang tumakas na.
Nagtatanong na mga mata ni Andreu ang sumalubong sa akin ngunit napangiti rin nang makita n'ya kami. Wala kaming inaksayang oras at dali-daling umalis sa lugar na iyon ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakaalis ay sinalubong na kami ng mga armadong tao.
Aesir and Almarck.
Pinaluhod kaming lahat habang ang iba ay sinisikmuraan pa nila. Gustuhin ko mang lumaban ngunit alam kong mas mapapahamak ang mga kasama namin kung manlalaban ako. I just held Andreu. Isinuot kong muli sa kan'ya ang earphones ko at inutusang pumikit na sinunod naman n'ya. For pete's sake may mga kasama kaming bata!
Nilipon nila kami sa isang silid sa building na ito. Ramdam ko ang kaba na dinadala ng bawat isa. Takot para sa nalalapit nilang katapusan. We are doomed. Maging kaming tatlo.
"Eh? Ascalon as my grave is not bad." Pagbibiro ni Livy na sinimangutan ni Cayenne. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.
"Nadamay pa kayo sa amin, mga hija." Si Djom na nakalapit na rin pala sa amin. Maging si Wol at Olira. Tila nanghihingi sila ng dispensa sa mga tingin na ibinibigay nila sa amin.
Ilang saglit pa ay natahimik ang nga rebelde. Pumasok ang dalawang pamilyar na babae. Nagtagpo ang tingin namin ng nauuna sa kanila na lalong nagpangisi sa kan'ya. Dumeretso s'ya sa puwesto ko at sabay-sabay na pagkasa ng baril ang narinig. Cayenne, Livy and I pointed a gun at her. Ang kan'ya ay nakatutok sa akin maging ang ibang rebelde ay naalerto sa nangyayari.
Ngumisi ang babae na kung hindi ako nagkakamali ay Dawn ang pangalan. S'ya 'yung babaeng sumampal sa akin noong huling engkwentro namin sa Aesir. Inilihis n'ya ang baril sa akin at itinutok kay Olira na nasa bandang likuran ko.
Napapikit ako sa inis sa ginawa n'ya bago ibinaba ang baril ko. Mas lumawak ang ngisi n'ya sa pagsuko ko. Walang ano-ano'y hinatak n'ya ako papunta sa gitna. Nakatingin lamang sa amin ang lahat, naghihintay sa susunod na mangyayari.
Mahigpit ang hawak n'ya sa kaliwang kamay ko at pwersahang tinanggal ang wristwatch na suot ko dahilan upang lumantad ang tanda ng pagiging Astraean ko. Doon ko natanto ang nais n'yang gawin. Nakarinig ako ng singhapan habang nakatingin sa amin.
"A fucking astraean! Tingin mo anong kahihinatnan mo sa lugar na ito?" Dahil sa sigaw n'ya ay nagkagulo ang mga rebelde. Kung ano-ano ang sinisigaw nila na dapat gawin sa akin. Ang iba ay gusto akong pugutan upang ipanakot sa Astraea, ang iba naman ay torture ang suhestyon. Nakita ko si Livy at Cayenne na nagpupumiglas na sa hawak ng mga rebelde, habang si Andreu ay yakap-yakap ni Olira.
"Why are you so jealous of me, Dawn? Astraean wannabe..." Pang-aasar ko sa kan'ya. Simula kasi nang magkakilala kami ay lagi na lang n'yang pinupunto ang pagiging astraean ko.
"Kassia Noriega, you little!"
"Dawn!"
Lahat kami ay nabaling ang atensyon sa kapapasok lamang. Ramdam ko ang nabuong tensyon sa paligid nang makilala ang bagong dating.
It is Rulan Willis of Aesir.
Dumako ang tingin n'ya mula kay Dawn papunta sa akin. He smirked but my brows furrowed because he's acting weird. Something's wrong with him.
"What? Papatakasin mo na naman sila? They are clearly a hindrance to us!" Sigaw ni Dawn na hindi pa rin ako binibitawan. Napadaing ako nang bahagya nang mas humigpit ang hawak n'ya.
"You must."
Natigilan ako nang marinig ang malamig na boses ng sumagot. Hindi ako maaaring magkamali.
Mula sa likuran ni Rulan ay sumulpot doon si Pierre habang hawak ang baril na nakatutok sa lider ng Aesir. Sabay-sabay na bumaling doon ang mga rebelde dahil sa pagkaalerto nang makita ang sitwasyon ni Rulan.
Akala ko ay tapos na ang lahat ngunit may isa pa ulit na sumama sa eksena. Si Travis.
Agad s'yang napatingin sa akin at nginitian ako. Sa likuran n'ya ay nandoon si Kreo at Cairo na kapwa armado rin.
"Ang lalakas naman ng loob n'yo. Mas marami kami rito baka nakakalimutan n'yo." Hindi pa rin nagpapatinag si Dawn kahit tinitingnan na s'ya nang masama ni Rulan.
"You better think again, woman. Hindi lang si Willis ang hostage namin kung hindi ang buong headquarters n'yo." Si Travis ang sumagot at inihagis ang isang glass tab na kasalukuyang nagdidisplay ang nagsisilbi nilang headquarters dito sa Ascalon.
"You'll release them or we'll take them?" It's like a deja vu to me. Ganitong ganito ang nangyari noon. Ang bigla nilang pagsulpot ngunit ngayon ay mas hindi ko inaasahan dahil labas ang organisasyon sa ginawa naming ito. Isa pa, we are all not in good terms, lalo na si Pierre.
Hindi muli nagpatinag si Dawn sa halip ay mabilis na ipinutok ang baril kaya't tinamaan ako sa tyan. Namilipit ako sa sakit dahil napurahan ako. Papatayin na talaga ako ng babaeng ito! Narinig ko ang sigawan nila maging si Andreu ay naririnig ko ang iyak.
Isang putok ng baril ang muling narinig at bumagsak si Rulan. It was Pierre who did it. Nagkagulo ang mga rebelde dahil doon ngunit muli silang natigilan dahil sa isang malakas na pagsabog ang narinig. Napatingin ako sa glass tab at nakita kong sumabog doon ang isang parte ng kanilang headquarters.
T-they really had access to it!
Sa nanghihina kong katawan ay naramdaman ko ang pag-angat ko mula sa sahig. Nang mag-angat ako ng tingin ay halos malunod ako sa tsokolateng mga matang sumalubong sa akin. Magsasalita na sana ako nang unahan n'ya ako.
"Let me, just now. Let me be this near to you." Saad n'yang mas lalong nagpasikip sa dibdib ko. I was so scarred of him. Naalala ko kung paano ko s'ya nilayuan... kung paano ko s'ya tinakbuhan... kung paano s'ya nasaktan sa ginawa ko.
Natahimik ako dahil doon. Si Cayenne at Livy ay kapwa na rin pinakawalan ng mga rebelde ayon na rin sa utos ni Rulan na ngayon ay iniinda ang tama n'ya. Mukhang walang planong buhayin ni Pierre ang lalaking ito ngunit nakuha pa n'yang kumindat sa akin nang magtama ang mga mata namin.
What was that?
"S-si A-andreu." Nabaling ang atensyon sa akin ni Pierre nang pinilit kong magsalita. Kumunot ang noo n'ya tila hindi naiintindihan ang tinuran ko. Pinilit kong itaas ang kaliwang kamay ko at itinuro ang direksyon ng mga sibilyan. Nakuha naman n'ya iyon kaya naglakad s'ya papunta roon bitbit ako.
Nang makitang papalapit kami ay halos magwala si Andreu. Inilapag ako nang maayos ni Pierre at inalalayan tumayo.
"Ate Kassia!" Sigaw ni Andreu habang kumakawala sa hawak ni Olira. Lumapit s'ya sa akin ngunit natigilan din dahil hindi n'ya alam kung yayakap ba s'ya o ano.
"I'm fine, little guy." Naiyak s'yang muli sa sinabi ko kaya gamit ang kaliwang kamay ay pinunasan ko ang luha n'ya.
"Will you be fine? H-hindi ka mamamatay kagaya ni mommy?" Parang kinurot ang puso ko sa sinabi n'ya. Nagkatinginan kami ni Pierre ngunit agad din akong nag-iwas.
"Doctors can treat themselves."
"But their lives aren't unlimited. They could die." Sabat ni Pierre kaya mas lalong naiyak ang bata. Sinamaan ko s'ya ng tingin dahil doon. Kitang pinapakalma na nga 'yung bata eh!
"Y-you'll die? Iiwan mo rin ako?" Tanong muli ni Andreu.
"No, baby. This is just a small cut, okay? Chill. Nakakausap mo pa nga ako oh!"
"Stop feeding him lies, Kassia." Sabat na naman ng katabi ko kaya sa inis ko ay itinulak ko s'ya. Bad move dahil napalayo ako sa kan'ya at na-out balance. Akala ko kasi kaya ko eh. Mabuti na lamang at nasalo ako ni Travis mula sa likuran.
"What the fuck is that, Pierre!" Singhal nito sa gulat. Hindi rin inaasahan ang nangyari.
Aayain na sana ako ni Travis ngunit sinabi kong kakausapin ko muna si Andreu, maging sila Olira ay gusto ko ring kausapin. Hindi nagtagal ay pumunta na rin sa amin si Livy at Cayenne upang makausap ang mga tao.
"So who really you are?" Tanong ni Wol na naguguluhan pa rin sa pagkatao namin.
"We are Tieria Dominions." Si Pierre ang sumagot kaya napatingin kami sa kan'ya.
"But this is not par—" mangangatwiran pa sana si Livy nang putulin ito ni Pierre.
"As long as you are concern, it is Tieria Dominions' business because you are Tieria Dominions yourselves."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro