CHAPTER 16
Ascalon
Nag-angat ako ng tingin at iginala ang mata ko. Nandito pa rin ako sa cabin ko, sa ganoong posisyon—kung paano ako umiyak kanina. Napailing ako nang mapagtanto ang ginawa ko. Nakatulog ako kaiiyak at paniguradong namamaga ang mga mata ko.
Napagdesisyunan kong maligo na lamang kaysa mag-isip ng kung ano-ano. May mas malaki kaming problema ngayon kaysa nararamdaman ko. Nang matapos ako ay ang mata ang una kong tiningnan aa salamin.
Damn, Kassia! You look terrible and weak.
Hindi dapat ganito. May nagbabadyang malaking digmaan pero ito ako at iniiyakan ang isang bagay na hindi naman dapat. Ang importante ay buo pa rin kami at iisa ang pinaglalaban. Kung anuman ang nagawa nilang ilihim sa amin ay alam kong may eksplenasyon iyon. Kung may mga susunod mang rebelasyon, hindi ko na dapat pang isipin iyon ngayon hangga't hindi salungat iyon sa pinaglalaban ko. I am still loyal to this organization. Chill, Kassia. They haven't done anything wrong. You just overeacting because your ass were hurt and a bit of disappointed to what Pierre did back there. Ah, wala nga pala s'yang ginawa, nanahimik lang. But yeah, why would he tell you that? He is just your commander. Kung may dapat mang magalit sa kan'ya, it should be Kreo and Travis.
Itinapon ko na lang ang sarili ko sa kama. Ano kayang nararamdaman ngayon ng iba? Hindi kasi namin nagawang pag-usapan iyon nila Cayenne. It was like they are avoiding it. I don't know.
My train of thoughts cut when my glass tab beeps. I lazily reach for it on my side table and take look at the notification. I read it twice before it sinks in to me. Napabangon ako nang mapagtantong si Miss Morseff iyon. She's asking me for a coffee in a nearby coffee shop later which I gladly accepted. Hindi na ako magtataka that she knows what happened back there.
Kailangan ko rin yata magpalamig like Kreo and Travis.
"Strawberry frappe as usual." Miss Morseff said after my drink was served. "Ikaw lang ang kilala kong umiinom n'yan."
I honestly don't know how to react. It's been days since that revelation happened and I only got to see the girls. Well, I saw Pierre earlier but it wasn't a good encounter tho.
Tumikhim si Miss Morseff nang mapansin ang pananahimik ko. I feel bad for being like this but I can't help it. I am damn affected!
"I know you're upset like the others." Pinaglaruan ko ang straw ng frappe ko at tiningnan iyon na parang may interesanteng bagay doon. Narinig kong pagbuntong hininga ng kausap ko.
"I already talked to others and you are the last dahil alam kong mahihirapan ako sa 'yo." Natawa s'ya sa sinabi n'ya kaya napaangat ako ng tingin. I want to know how the others doing but I am afraid to ask them, too. I am afraid of what would they say.
"Cairo and the two girls are a bit shocked but cool with it. The other two guys are really mad but Kreo knows his duty. On the other hand, Travis said he'll comeback when he already sorted everything out." Katulad ng nabalitaan ko, Travis went away for a while. Hindi ko s'ya masisisi dahil ang ama n'ya mismo ang naglihim sa kan'ya. Siguro pakiramdam n'ya ay naityapwera s'ya dahil may alam si Pierre sa lahat, knowing that they literally grew up together.
"Si Pierre?" I asked in a small voice. I saw how her brows went up and his lips curved into a smile.
"I don't know, he declined me." My brows furrowed at her statement. The nerve of that guy to decline Miss Morseff!
"Don't worry, he's been working with Luina." Dagdag n'ya na lalong nagpakunot sa noo ko. I admire Miss Morseff but not her sister. We're not in good terms. That bitch!
"How about Travis? Is he fine?" Pagbabago ko sa topic. I sipped on my frappe again before diverting my gaze to my right revealing the skyscrapers of Velhalla. It is a roofdeck coffee shop that is known for sceneries like this.
According to her, Travis is not in good terms with Dreffil, Tito Gryant, and Pierre. Well, he has all the rights to be mad at them, ako 'yung wala. I trust him tho, I know he will comeback whenever Tieria Dominions needs him. He would set aside his personal matters.
"Gusto ko lang malaman kung nagbago ba ang tingin mo sa organisasyon?" She brimmed out of nowhere. I was taken a back with her question but the seriousness in her eyes got me.
Hindi ko alam ang sagot sa tanong na iyon. I still do trust Tieria Dominions but I know there's a lot to know. Hindi ako tanga para isipin na hanggang doon lang ang kinalaman nila sa pangyayari sa Erdavistan. Takot ako pero hindi ako tanga.
"I'm scared of what's ahead, Miss Morseff." Pag-amin ko na hindi n'ya inaasahan. Ang akma n'yang pag-inom sa frappe ay natigil sa ere habang matamang nakatingin sa akin.
"I just hope my faith for this organization won't be shaken by the truth. I love Tieria Dominions dearly as much as my parents do." I mean it. They are like family to me that is why the fact that they are hiding something huge as that from us hurts like hell. Pinalagpas ko na iyong special missions ni Pierre at papalagpasin ko rin itong pagkakaroon nila ng koneksyon kay King Saachl. Pakiramdam ko ay umiikot na lang ngayon ang buong organisasyon sa pansariling hangarin. Kanino? Iyon ang hindi ko alam. Ang dami nilang tinatago sa amin at habang nabubunyag isa-isa lalong lumilinaw na hindi lang para sa bansa kung bakit lumalaban ang iba sa amin, may iba pa silang nais. Kung totoo man itong iniisip ko ngayon, natatakot akong malaman na nagamit nila ako bilang kasangkapan at mas natatakot akong malaman na itinuring lang nila ako... kami bilang kasangkapan.
"Alam kong naguguluhan ka sa nangyayari. We don't know who to trust and not. Everything is uncertain. The next day you might hate me that is why I want to grab this opportunity, habang pinagkakatiwalaan mo pa ako..." Napalunok ako sa paraan ng paninitig sa akin ni Miss Morseff, idagdag pa ang intensidad ng kan'yang mga salita.
"I want you to trust your commander."
Natigilan ako sa huling sinabi n'ya. Naguguluhan ako. Ano itong sinasabi n'ya sa akin?
"Pierre Eiveldan? But why? Hindi mo ba hihilingin na mas pagkatiwalaan kita?" Ngumiti lamang s'ya sa akin nang makahulugan.
"Because in this organization, you should only trust Pierre, and only him, Noriega." Trust him? Sa team namin ay s'ya ang pinakakahina-hinala sa lahat. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay may isa na namang pasabog rebelasyon mula sa kan'ya.
"But why are you saying this to me, Miss Morseff?" Nangunot ang noo ko ngunit isang ngiti mula ang iginanti n'ya sa akin at marahang hinimas ang ulo ko.
"Because you are Kassia Noriega, the daughter of Kyena and Dion. Always remember that."
How could I trust him when I am doubting everything about him now? I used to admire him but now, I don't know anymore. Hindi ko nga s'ya magawang maharap dahil... natatakot ako.
"Are you sure about this?" Bulong ni Cayenne habang nakabuntot sa akin. Hinarap ko s'ya at sinamaan ng tingin.
"You can stay if you want." Sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman ko ang pagsabay ni Livy kay Cayenne. Kapwa sila nasa likuran ko.
"Wag kang KJ, Cayenne. This is fun!" Sumakay ako sa driver's seat. Sumunod naman ang dalawa. Livy took the shotgun.
"Anong masaya rito? You're defying the rules!" I step on the gas. Hindi ko maiwasang matawa sa pagmamaktol ni Cayenne. Rerekla-reklamo pero nasa kotse ko at nakaupo.
"Ilaglag na lang kaya natin 'to sa may tulay? Ang nagger eh." Reklamo naman ni Livy sa gilid ko habang naka-cross arms.
Plano naming pumunta ngayon sa Ascalon para tingnan ang sitwasyon doon. Pupunta kami roon bilang mga sibilyan, labas dito ang Tieria Dominions pero kapag nalaman nila ay siguradong malalagot kami. Dala-dala namin ang pangalan nila kapag may nangyaring masama sa amin rito ay madadawit ang buong organisasyon pero hindi ko yata kayang manahimik lang at maghintay sa utos nila kung kailan kikilos. Ascalon is in a mess.
Katahimikan ang sumalubong sa amin pagtuntong sa teritoryo na sakop ng Ascalon. Kapwa napatigil at nagpapigil hininga ang mga kasama ko habang pinagmamasdan ang paligid; malayong malayo sa nakasanayang masiglang awra ng lugar na ito. Tahimik dahil walang mga taong abala sa mga gawain nila. Katahimikang nakapangingilabot dahil nagbabadya ang panganib na ikinukubli nito.
"Nasaan ang mga tao?" Tanong ni Cayenne na hindi pa rin maalis ang mata sa paligid habang binabagtas namin ang daan papasok sa lugar sa Ascalon kung saan nagkukuta ang Aesir at Almarck.
"Watch out!" Nakabig ko ang manibela pakaliwa sa pagkabigla. Agad ko ring tinapakan ang break upang hindi magdere-deretso ang sasakyan.
"Shit! D-did I hit him?" Wala sa sarili kong tanong tila nag-ugat ako sa kinauupuan ko at di makagalaw.
Nang makabawi ay agad na bumaba sa sasakyan si Livy. Nagkatinginan kami ni Cayenne at umiling s'ya. Sabay kaming lumabas upang sundan si Livy.
Natagpuan namin s'ya habang sinusuri ang bawat parte ng isang batang lalaki. Muntik ko na s'yang masagasaan kung hindi ko lang nakabig ang sasakyan. Lumapit ako at pinagmasdan s'ya.
Damn it! I almost killed an innocent child.
Hindi man mabilang kung ilang buhay na ang nakitil ng mga kamay ko, hindi ko pa rin maaatim na pumatay ng bata.
Napatingin sa akin ang batang lalaki at agad na rumehistro ang takot sa kan'yang mga mata. Napalingon sa akin si Livy at matatalim na tingin ang ibinato.
Lumuhod ako at binigyan ng tipid na ngiti ang bata. Kung susuruin ang pananamit nito ay masasabi kong nabibilang s'ya sa mayamang pamilya sa Ascalon. Ang makinis n'yang balat ay nababahiran ng dumi, maging puting damit na suot n'ya. I must say, he's been wandering around the are that's why he looks like a mess now.
"W-wag n'yo po ako s-sasaktan." Agad n'yang ni-krus ang dalawang braso sa harapan bilang panaggala nang akmang hahawakan s'ya ni Livy. Nagkatinginan kami sa naging reaksyon ng bata.
"H-hindi ko po alam ang ginagawa ng mga magulang ko. P-patawarin n'yo po ako. Hindi ko po sinasadya." Mabilis ang pag-atras n'ya palayo sa amin habang nakaupo. Walang tigil ang kan'yang mga luha habang umiiling na tila nagmamakaawang huwag s'yang saktan.
Halos madurog ang puso ko sa senaryo. Hindi ko alam kung anong naranasan n'ya bago kami dumating at ganito na lamang ang takot n'ya. Masyado pa s'yang bata para makaranas ng karahasan.
"Hindi kami nandito para saktan ka o kahit na sino." Pilit na pag-aalo ni Cayenne sa bata. Ganoon din ang ginawa ni Livy ngunit wala pa ring epekto. Iyak pa rin s'ya nang iyak at pilit na inilalayo sa amin ang sarili.
Lahat kami ay natigilan nang may marinig na pagsabog 'di kalayuan. Naalerto kami at nagtago kasama ang batang nagpupumiglas pa rin sa hawak ni Livy. Nagkubli kami sa isang abandonadong building.
"What is going on? Bakit may pagsabog?" Tanong ni Livy habang si Cayenne naman ang kumausap sa bata na tila nauunawaan nang hindi namin s'ya sasaktan.
Nagmatyag kami ni Livy. Kailangang mag-ingat dahil hindi namin kakayaning lumaban. Hindi namin dala ang advance weapons ng Tieria Dominions, simpleng mga baril at bala lamang ang mayroon kami.
"We have to move..." Saad ko at tinapunan ng makahulugang tingin ang bata. Mukha namang naintindihan ng dalawa kong kasama ang nais kong puntuhin ngunit 'di pa man sila nakakasagot ay nagsalita na ito.
"'Wag n'yo po ako iwan..." Saad niya sa maliit na boses. Nagkatinginan kaming tatlo sa inasta nito. Parang kanina lang ay halos magtatakbo ito palayo sa amin.
Sa pagkakataong ito ay ako na ang lumapit sa kan'ya. Pinantayan ko s'ya.
"What's your name?" Mahinahong tanong ko.
"Andreu S-snovel" Natigilan ako nang marinig ang apilyido n'ya. Ang mga Snovel ay kilalang pamilya sa Ascalon. Malaki ang negosyo nilang may kaugnayan sa trading. Hindi man sila taga-Astraea ngunit malawak ang koneksyon nila sa ibang negosyante.
"Where are your parents?" Hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kan'yang ekspresyon parang anumang oras ay iiyak ito.
"H-hindi ko po alam. T-they invaded our h-house killing everyone." Tuluyan nang sumabog ang kan'yang mga luha habang inaalala ang kaganapang nasaksihan n'ya. Niyakap ko s'ya dahil alam ko kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng mga taong importante sa 'yo.
Napagdesisyunan naming isama na lamang s'ya. Kung anuman ang kailangan ng Aesir at Almarck sa mga Snovel ay siguradong hindi nila palalagpasin ang batang ito. Ayon na rin sa kwento n'ya ay kung hindi s'ya pinatakas ng mga magulang n'ya ay paniguradong maging s'ya ay hindi na rin humihinga.
Sa gitna ng paglalakad namin ay napatigil si Livy na nauuna. Gayon din ang ginawa namin at pinakiramdaman ang paligid. Nakarinig kami ng sigawan sa kanlurang bahagi kaya dali-dali kaming nagtungo roon. Isa itong bahay at kung hindi ako nagkakamali ay pagmamay-ari ng isang marangyang pamilya.
Sa bandang gate pa lamang ay rinig na ang sigawan at pagkabasag ng ilang kagamitan. Sinubukan naming pumasok nang tahimik hanggang sa marating namin ang receiving area.
"What the hell!" Bulong ni Livy habang nakakuyom ang kamao. Maging ako ay hindi inaasahan ang natagpuan. Isang grupo na tingin ay mga rebelde at isang pamilyang magkakayakap at nagmamakaawa para sa kanilang buhay.
Naramdaman ko ang bahagyang paghila ni Andreu sa kamay ko kaya't napatingin ako sa kan'ya. Itinuro n'ya ang isang batang lalaki na halos kaedad n'ya lamang na yakap-yakap ng kan'yang ina.
"He's my friend." Tukoy n'ya rito sa mahinang boses.
Isang nakakapangilabot na sigaw ang umalingawngaw kasabay ang isang putok ng baril. Lahat kami ay natigilan, ang nagawa ko lamang ay kabigin palapit sa akin si Andreu upang hindi n'ya masaksihan ang karahasang sinapit ng isang batang tulad n'ya, ng kan'yang kaibigan.
Akmang susugod na si Livy nang pigilan s'ya ni Cayenne. Nagtitigan ang dalawa ngunit ni isa ay walang gustong magpatalo.
"This is too much, Cayenne. Pati bata pinapatay nila!" Katwiran n'ya. Livy Shennai has a bad childhood. Sa batang edad ay hindi na rin mabilang kung ilang beses nang nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay n'ya. Hindi ko rin s'ya masisisi kung ganito ang reaksyon n'ya ngayon. She vowed to herself that there will be no child will suffer in front of her eyes.
Dinala ko na lamang si Andreu isang cabinet at pinagtago roon.
"Ano pong gagawin n'yo?" Inosenteng tanong nito at ayaw pa ring bitawan ang kamay ko. Nginitian ko s'ya at ibinigay ang isang earphone na nakakonekta sa cellphone ko.
"That is my favorite playlist. Huwag mong tatanggalin iyan at huwag kang sisilip at aalis hangga't 'di natatapos ang lahat ng kanta." Saad ko habang sinusuot ko sa kan'ya. Tumango ito kahit na nag-aalangan.
"A-ano pong pangalan n'yo?" Pahabol na tanong n'ya sa akin nang akmang isasara ko na ang cabinet.
"Kassia Noriega." Ngumiti s'ya at tumango sa akin.
"Please comeback alive, Ate Kassia."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro