CHAPTER 14
6th Ring
"Damn it!" Naramdaman ko ang sakit sa kaliwang balikat ko. Saan ba nanggaling ang mga taong 'to? Akala ko ba pasasabugin na nila ang buong lugar, bakit bigla na lang dumami ang tauhan ng AUP? Ayaw talaga nila kaming patakasin.
Iniwan ko si Pierre matapos ang pag-uusap naming dalawa. If he could trade us for a ring, I can't. Kailangan kong mapuntahan ang mga kasamahan ko at makaalis kami nang ligtas dito. Cayenne can't fight, while Kreo and Travis are badly wounded and I don't know how long they could last. I'm still not sure if Livy and Cairo are safe.
"Kassia, where are you?" It's Livy!
"I'm on the 3rd floor. Papunta na ako dyan. Are you with Travis?" Tanong ko bago nakipagpalitan ulit ng putok. Damn! Bakit padami sila nang padami?
"T-they are here but we're not in a good condition. A-ang dami ng kalaban. Cairo is knocked out, too. I don't k-know kung kakayanin namin sila. Travis and Kreo are badly shot." Napapikit ako nang mariin nang marinig iyon. I can't let this happen. Malayo pa kami sa goal namin, this is not our end.
"Five minutes." I answered. I could sense fear on Livy's voice and it's my first time to hear her sounds like that. Wala s'yang sinasantong baril at marinig s'yang ganoon ay alam kong dehado talaga sila sa baba.
Pinilit kong ubusin ang kalaban na nakakasalubong ko dahil alam kong pupuntahan nila si Pierre. I couldn't help but still think about him even he doesn't care for us. Ayokong maging katulad n'ya.
Nang marating ko ang palapag kung nasaan ang mga kasama ko ay halos manghina ang tuhod ko sabayan pa ng nanlalabong paningin dahil sa dami ng kalaban. Mayroon din akong tatlong tama ngunit hindi naman ganoon kalala.
Walang ano-ano'y nagpaulan ako ng bala sa kanila. Sinigurado kong bawat bala ay may matatamaan. Kailangan naming makaalis dito nang buhay.
"Kassia!" Sigaw ni Travis ngunit huli na nang mapansin kong mayroon pala sa likod ko. I was shot at my lower abdomen.
Fuck! Kapag mamatay ako rito si Pierre una kong mumultuhin.
Travis shoots those behind me and runs toward me. Inalalayan n'ya ako pero inayos ko rin ang tayo at hindi na pinansin pa ang tama ko.
"Kaya ko." I said as I continue walking to my comrades.
"Where's Pierre?" Kreo asked immediately when he noticed the absence of our dearest commander. I shook my head as an answer that made their brows furrowed.
"I still have bombs here. We can use it." Pag-iiba ko sa usapan.
"There's another exit on the east wing kaso lamang ay may mga bantay din at siguradong tatambangan tayo." Si Livy habang nakikipagpalitan ng putok.
"Alright, let's take that way. Save your bullets." Travis ordered.
"Mauna kayo, susunod ako." Kinuha ko na ang bombang gagamitin ko. I don't have a choice but to do this.
"Ako na." Akmang makikipagtalo pa si Travis nang umiling ako.
"I'm the sniper, mas kailangan ako rito. Go ahead, Travis. I'll be fine." Nginitian ko s'ya. Tumango naman s'ya at pinangunahan ang grupo.
"Please be safe." That is Travis' last word before they headed to the east wing. Nakipagpalitan ako ng putok sa to divert their attention. My bullets are now limited. Kailangan na nilang makaalis.
"Kassia, we're out now. Drop it." Para akong nabunutan ng tinik nang marinig iyon. They are now safe. Sarili ko na lang ang poproblemahin ko ngayon.
Kasabay nang pagbato ko sa dalawang bomba ay tumakbo ako papunta sa east wing kung saan sila lumabas. At kapag minamalas nga naman, may nakapasok na rin sa parteng ito. Kaunti na lang ang bala ko.
"Fuck you, AUP." I said as I loaded my last set of bullets.
"I'm coming back, Kassia." I heard Travis over the line. Hindi ko maiwasang mapangiti sa narinig dahil alam kong nasa kritikal na kondisyon ako ngayon.
Kung maaabutan mo pa akong humihinga...
Wala akong pinagpiliin kung hindi ang ubusin ang natitira kong bala sa mga nakaharang sa daan. I think I could make it. I hope so.
Nakikita ko na ang red sign na exit at wala na akong nakikita sa labas. Patakbo akong pumunta dito ngunit gayon na lamang ang pagkabigla ko nang maramdaman ang panghihina ng katawan ko. Napakapit ako sa dingding habang sinsubukang ikurap ang mata. Nanlalabo na ito idagdag pa ang panghihina ng buong katawan ko dahil sa kawalan ng dugo.
May tama nga pala ako.
Napatingin ako sa exit. Malapit na lamang iyon at tingin ko ay kakayanin ko naman kaya't ginamit ko ang natitirang lakas ko upang magpatuloy ngunit naramdaman kong may mga tao sa likod ko.
Damn it! Di pa sila ubos.
Nagkubli ako sa malapit na poste sa akin at isang bala ang pinawalan, that's enough to fool them that I can still fight but in fact I only have one remaining bullet.
Muli akong napaupo habang nagpapaulan sila ng bala sa akin. Ngayon ko lang naisip na pwede pa la akong mamatay dito. I was occupied with the thought of saving them a while ago. Now, that they are, I will accept my end. Masaya akong mamamatay dahil nagawa ko silang iligtas.
Naramdaman kong may nakalapit na sa kinaroroonan ko kaya't inihanda ko na ang huling balang mayroon ako. Ngunit tila tumigil ang lahat nang sunod-sunod ang pagsabog sa itaas na palapag. Hindi ko mabilang kung ilan ito at saan. Hanggang sa makarinig ako ng mas malakas na pagsabog sa malapit. It's on the same floor.
Napangiti na lamang ako. I want my last bullet to be memorable. Kaya't tumayo ako at bumaling sa mga kalaban. Itinutok ko ang baril sa pinakamalapit sa akin at saka ito kinalabit.
Headshot!
I'm still smiling until my eyesight becomes completely blurry. Napaluhod ako nang tila namanhid ang buong katawan ko. Napayuko na lang ako sa dugo sa sahig na nagmula sa akin. But before I close my eyes, I heard multiple gushots from behind followed by loud explosion then everything went black.
White. That's what the first thing I see as I open my eyes. Kinurap-kurap ko ito bago tingnan ang paligid. Napabuntong hininga ako nang matanto na nasa headquarters ako, sa medical facility to be exact.
"Kassia!" Napalingon ako sa nagsalita. It's Cayenne with her teary eyes. She immediately called the doctors.
"How long?" Pinilit kong bumangon pero hindi nanghihina pa rin ako. Tiningnan ko rin ang buong katawa ko. Kumpleto pa naman.
"Two weeks." Napakunot ang noo ko sa sagot n'ya. Ang tagal ko namang walang malay. Ako ba pinakanapuruhan sa amin? I doubt that. I remember Cairo and Cayenne were knocked out.
"Are you... alright?" Nag-aalangan na tanong ko sa kan'ya na tinanguan n'ya lang.
"I was just knocked out but not as wounded as you and Pierre." Lalong nangunot ng noo ko nang marinig ang pangalan n'ya. It's a good thing that he is alive. I'm sure that he was tortured back there in worst possible way.
Hindi nagtagal ay dumating din ang mga doktor na magchecheck sa akin. According to them, everything is fine. I just need to regain my strength. Hindi biro ang dami ng dugo na nawala sa akin at head injury. Kaya siguro ganoon na lang katagal bago ako nagkamalay. I was also put in med capsule to fasten my recovery.
Medical capsules are modern and innovative healing process. It boosts one's immune system and repair damage tissues in a short period of time. In my case, I lost a lot of blood that's why my recovery took two weeks.
Cayenne also told me that Travis and Cairo are still recovering. Nang maghiwalay kami ni Cairo ay agad n'yang natagpuan ang nanghihinang si Livy. Nang mga oras na iyon ay natunton na s'ya ng mga tauhan ni Ian Mordino kaya't 'di na sila nakasunod pa sa amin. Dumating din ang ibang back ups kaya't hinarang nila upang hindi makapasok pa. Kaya pala pagdating ko ay bulagta na si Cairo. He did his job so well.
"S-si Travis? Hindi ba s'ya nasaktan sa pagsabog? 'Di ba binalikan n'ya ako?" Naalala ko 'yung huling sandali bago ako mawalan ng malay. The moment I feel so hopeless but not defeated because I was able to save my comrades.
"Hindi na s'ya nakapasok nang sunod-sunod ang pagsabog mula sa taas hanggang sa floor kung saan ka namin iniwan dahil nagawa ka nang ilabas ni Pierre doon. The whole place collapsed with those AUP men." Natigilan ako sa narinig. So, it was Pierre? Nadaanan lang ba n'ya ako kaya n'ya ako tinulungan? Umismid ako sa kaisipang iyon.
"Where's Pierre?" Tanong ko at umakmang aalis pero pinigilan ako ni Cayenne. Sinamaan n'ya pa ako ng tingin dahil sa ginawa ko. Babanatan ko lang naman yung commander namin!
"He is now conscious but badly injured..." She eyed me before continuing. "He covered you from the explosion, I think. It was before the last explosion when you two get out." Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Natahimik ako at hinayaan s'yang magkwento.
It was him. It was Pierre who deviced all the bombs to explode earlier than what AUP set. Plano nga nilang pasabugin ang buong lugar kasama kami pero nabaliktad ang sitwasyon dahil nakaalis kami at ang mga tauhan nila ang kasamang sumabog. He also got the the last augur ring, the purple diamond. Binalikan n'ya iyon dahil na kay Ian Mordino ang singsing.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait dahil sa mga singsing na iyon. He is really willing to sacrifice everything for those rings, huh? Isaksak mo sa baga mo!
Isa pa 'yang Ian Mordino na 'yan. He beat the hell out of me. Sana sumabog na s'ya kasama ng headquarters nila. Nakarating din sa akin ang balitang may bagong headquarters ang AUP malapit sa Del Erde Palace, kung saan nananatili ang Prime Minister.
We are now staring at the five bedazzling diamond rings, The Viado Royal Family's augur rings. I admit that these rings are really magnificent. They scream power, riches, and elegance. But still not worthy to trade with my comrades' life. I'm still bitter over Pierre's action that time even he saved me. Matapos naming makarecover ay hindi ko pa rin s'ya pinapansin hanggang ngayon. Alam kong nakakaramdam na ang mga kasama namin pero walang naglalakas loob na magtanong. I keep on saying that I should understand him because there are things I have not known but this is what I feel. I am disappointed.
Nasa meeting room ulit kami but this time, with Gryant Eiveldan and Dreffil Wenschil. Nakaupo sa kabilang dulo si Tito Grayant habang nakaharap kay Dreffil na nasa unahan namin.
"I apologize for hiding these from you and for my poor decision making last time." Naiiling na sa umpisa ni Dreffil. Buti alam mo.
"Like what I said before, it is from King Saachl but we still don't know what is inside." Hindi ko maiwasang mapairap sa sinabi n'ya. Halos magpakamatay kami para sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan? Gusto ko namang mamatay na lumalaban nang may saysay hindi 'yung para lang kaming nagtreasure hunt. Naiinis pa rin ako.
He called Pierre to do the honor of putting the five augur rings on the metal safe box. Tahimik ang lahat at nakatuon lamang ang atensyon sa nasa harap namin. Siguraduhin lamg talaga nilang may saysay ang laman ng box na 'yan.
Pigil hininga at seryoso ang lahat. Nang matapos mascan ang limang singsing ay nabuksan ang box ngunit hindi namin maiwasang madismaya nang hindi namin makita ang loob nito. Tila ba panibagong security system na naman ang tumambad sa amin kung saan may panibagong bilog ulit na kasinlaki ng singsing.
"Uhmm... 'yan na 'yon?" Si Cairo ang naglakas-loob basagin ang katahimikan.
"Nag-aaksaya lang tayo ng oras sa pa-treasure hunt ni King Saachl." Walang ganang kumento naman ni Kreo. Napatingin ako sa gawi ni Livy dahil narinig ko ang pigil na pagtawa n'ya.
"Sorry, natawa ako sa treasure hunt eh." Napasapo na lang ako sa noo dahil sa sinabi n'ya. Tumikhim si Dreffil kaya sumeryosong muli ang mga kasama ko.
Sinubukan nilang ilagay ang limang singsing ngunit ayaw nitong mabuksan. Pinagmasdan ko ito ngunit tingin ko ay panibagong singsing ang hinahanap nito.
"Is there a possibility that there's a 6th ring?" Si Travis. Napaisip ako sa sinabi n'ya. There are only five augur rings because King Saachl wasn't able to get married. Depende na lang kung...
"You're saying that King Saachl got married?" Livy speaks for me na agad inilingan ni Kreo.
"Impossible. Ano 'yun, secret marriage? A royal wedding will definitely make a fuzz." May point s'ya.
"Unless, they weren't exactly married... but the 6th ring does exist." Na kay Cayenne ngayon ang atensyon ng lahat.
"Baka boyfriend-girlfriend relationship? I mean, engagement and marriage from a royal family would make it to the news." Konklusyon naman ni Cairo pero agad din namang nawala ang pagiging seryoso n'ya nang sundan n'ya ito.
"Bakit ba kasi natin pinoproblema ang love life ni King Saachl? Sana all may secret jowa." Napailing na lamang kami habang pare-arehong natahimik tila nag-iisip. Naramdaman ko ang makahulugang tinginan ni Dreffil at Tito Gryant. Nabaling ang tingin ko kay Pierre na nakatingin din ngayon sa dalawa. Bumuntong hininga s'ya bago nagsalita.
"Zana Vashti." Natigilan ako nang banggitin n'ya ang pamilyar na pangalan na iyon. Maging ang mga kasama namin ay napukaw ang atensyon sa sinabi ni Pierre.
Who really you are, Pierre Eiveldan?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro