CHAPTER 13
Heartless
Every thing contains white and black. White for its positive side that everyone is worshipping while black symbolizes its dark side that has been hidden and fooling everyone. I am no exception to it... even the organization I have been serving for.
"Kassia, we will save him, right?" Travis asked in his serious tone I've never heard before. He looked up and found my eyes. I could see through him. He's afraid not for himself but for his friend, Pierre.
"We will, Trav." I assured him. He diverted his eyes in front but before running away I heard him again.
"Please comeback alive, Kassia." Without looking back he runs away leaving me dumbfounded. I wasn't able to process what he said for a while but one thing I am sure of—he is Travis Wenschil who cares for others more than himself. He would risk his life without second thought for people dear to him. That's him from the very start and still him until now.
"Kassia Noriega on position." I reported over the line as I peek through my gun's scope. I admit, I am thrilled for this mission as much as my comrades. It's Pierre's life on the stake. We can't afford a mistake.
As usual, Cairo and I will be the snipers and back ups. Livy already hacked the system of AUP's headquarters and has access for the CCTVs. Kreo and Cayenne will accompany Travis, who will lead our mission.
Kailangan naming makapasok nang tahimik hangga't maaari hanggang sa makita namin si Pierre. When we are able to reach him, we can afford to fight back and wage a war against them. Patay na kung patay pero hindi namin hahayaan ang commander namin.
Sa totoo lang, gusto kong sumama kila Travis para puntahan ang kinaroroonan ni Pierre. Hindi ko maiwasang alalahanin ang ilang beses n'yang pagligtas sa akin noon. Pero alam kong hindi makabubuti kung ipagpipilitan ko ito. Isa kaming team at may plano kaming dapat sundin.
"This is Travis Wenschil, we are on the 5th floor." Narinig kong pahayag niya mula sa kabilang linya. Based on the leaked information, Pierre is detained on the 6th floor of AUP's headquarters. We don't have any idea what is waiting for us there that is why we should be more cautious.
"Trav, the west wing is clear." Cayenne said.
I open my wristwatch to monitor them. They are now heading to 6th floor. Hindi ako mapakali dahil wala akong ginagawa rito. Sa kabutihang palad, hindi pa kami napapasabak ngayon.
"Kassia, isn't it weird?" I heard Cairo on the other line. Nawala ang atensyon ko sa tatlo nang marinig ang sinabi n'ya. Hindi ko rin maiwasang mapaisip. This is very unusual. We already shoot some of their men so it's impossible not to notice that there are trespassers on their headquarters.
Masyadong madali ang pagpasok namin dito.
"Let's move, Cairo. Survey the area and report anything unusual." As I said that, I stand up and move. I knew it, this is a trap!
Sinundan ko ang dinaanan nila Travis pero ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang mapansing sobrang tahimik. Yapak ko lang ang naririnig ko nang marating ang 5th floor. Nadaanan ko pa ang ilang pinatumba nila.
Hindi ko alam pero mas lalo akong kinabahan sa nangyayari ngayon. I am about to head to the 6th floor nang mapadaan ako sa surveillance room. Napagpasyahan kong pasukin iyon ngunit gayon na lamang ang pagtataka ko nang makitang walang tao roon.
The fuck is happening?
"Livy, nasaan ang nga tao rito?" I checked every monitor pero wala talagang tao, maliban na lang sa mga nakabulagta ngayon. I even checked every corner of the room looking for some clue.
"Livy?" Ulit ko nang hindi makakuha ng sagot. No one is answering. I tried contacting Cairo and Travis' group as well but they are not responding, too. I checked my earphones and other communication tools but they are perfectly working!
Lalabas na sana ako ng kwartong iyon para puntahan mismo ang mga kasama nang may mapansin ako sa isa sa mga monitor. This camera is directed to the 5th floor, sa harap mismo ng kwartong kinalalagyan ko. I immediately walk to the door and in my surprise, I couldn't see myself on the monitor!
"Shit!" I hissed as I realize what is happening. I check the other monitors and my hypothesis is right. The CCTVs aren't working, everything that is displayed on the monitors are pre-recorded. Ibig sabihin, kung anuman ang nakikita ni Livy nang i-hack n'ya ang surveillance ay hindi totoo.
Agad akong tumakbo palabas para sundan sila sa 6th floor ngunit nang tingnan ko ang wristwatch ko ay natigilan ako. The locations are still the same. Maging ang location ko ay nakapinpoint pa rin sa pinanggalingan ko. This explains why I couldn't contact my comrades. The enemy is using wave distortion. It delays the transmission of information giving us false data and making us believe of everything we see.
When I reached the 6th floor, I head to the target room. I don't know if Pierre is still there or it is also false information but one thing is sure, Travis, Kreo and Cayenne are there.
Pabalibag kong binuksan ang pinto at gayon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang nasa loob.
Kreo is lying on the floor covered with his blood. Cayenne is unconscious while Travis is forcing to stand. My eyes diverted to our commander, there are chains all over his body and it is clear that he was tortured.
I am about to step in when someone shouts.
"DON'T! THIS IS A TRAP." Si Pierre. Dahil doon ay bumaling ang nanghihinang si Travis sa akin. Umiling lang s'ya na parang sinasabing 'wag akong tumuloy.
"What a beautiful reunion." I heard a clap. My attention diverts to it. Napahigpit ang hawak ko sa baril nang matanto kung sino ang lalaking pumapalakpak at nakangisi ngayon sa harapan ko.
Ian Mordino
Wala akong inaksayang oras at pinaputukan s'ya pero halos mayanig ang mundo ko nang dalawang putok ng baril ang umalingawngaw.
"Fuck you!" Travis cursed. One of AUP men shoot him as I shoot that Ian Mordino. Hindi s'ya tinamaan dahil nakaiwas s'ya.
"One bullet for me, one bullet for your comrades." He crept a smile na lalong nagpainis sa akin. I promised to every gun I hold that I will kill this man. I'll make him pay for my parents' life. But how could I do that if my own friends are on his hands?
Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Si Ian lamang at limang armadong lalaki. Ang lakas naman ng loob ng hayop na 'to para hindi magdala ng isang batalyon. I scan the place quickly and I noticed that my comrades aren't moving even an inch. Nakatingin sila sa akin ngayon maliban kay Cayenne na walang malay.
A-are they...
Pierre found my eyes. Sandali kami nagtitigan nang makita n'ya ang nagtatanong kong mga mata. He slowly nodded confirming what I am thinking.
They are on a weight-sensitive panels. Kapag may isang umalis sa pwesto ay paniguradong may sasabog. Kaya pinigilan nila akong pumasok.
Nakarinig ako ng pagkasa ng baril kaya't mabilis akong nagkubli bago pa man ako tamaan ni Ian. Nang naramdaman na lalabas sila ay agad ko silang pinaulanan ng bala. Ilang beses pa kami nagpalitan. Tatlo sa mga tauhan nya ang agad na napabagsak ko.
If there is one thing that AUP does not have, that's my skills on guns.
"I know who you are, little Noriega. You remind me of your parents, asintadong asintado." Tila nang-iinis na sigaw ni Ian kasunod ang isang putok ng baril. Hindi ko alam kung sino ang tinamaan sa mga kasamahan ko pero hindi iyon maganda.
"Come here, little Noriega. Let's catch up." Isang putok ulit ang narinig ko kaya't napagpasyahan kong pumasok sa loob ng kwartong kinalalagyan nila. Napangisi s'ya nang makita ako. Unti-unti akong naglakad papasok kahit ramdam ko ang tingin ni Pierre at Travis sa akin. Alam kong gusto nilang umalis na lang ako rito pero hinding hindi ko gagawin 'yon. I also drop my guns when Ian signals me. My comrades are his hostages!
"Akalain mo nga naman, sumusunod ka sa yapak ng mga magulang mo. Hhmm... dying for saving your comrades as well?" Ang daldal n'ya para sa isang lalaki sa totoo lang.
Habang dumadaldal s'ya, pinagmasdan kong muli ang paligid. There are three bodies on the floor. Ian is with only two remaining men. Bobo rin pala 'tong taong to. Pinilit kong hindi mapangiti nang makaisip ng plano.
"Sino gusto mong unahin sa kanila?" Tanong muli n'ya na nakapagpabalik ng atensyon ko sa kan'ya. I give him a pleading look that brings him into a smirked.
"P-please, a-ako na lang." Naiiyak na saad ko. Akma ko s'yang hahawakan pero tinulak n'ya lang ako. I heard my comrades react violently. Halos tumakbo sila sa akin lalo nang lumapit din ang dalawang tauhan ni Ian.
Tumatawang lumapit sa akin ang hayop na lalaki at mahigpit na hinawakan ako sa panga. Halos mapangiwi ako sa sakit. Hindi pa man ako nakakapaghanda nang suntukin n'ya sa sikmura kaya nanghina ang tuhod ko ngunit hinatak n'ya ako patayo sa leeg. Napaubo ako dahil doon.
"This is exactly what I imagine in killing you with my bear hands, Noriega." Nanggigigil na sigaw n'ya sa akin bago ako bigyan ng suntok. Hindi pa s'ya nakuntento dahil tinapakan n'ya ang tyan ko habang nakahiga ako sa sahig.
Humanda talaga sa akin 'tong halimaw na 'to.
"Do you remember our first and last encounter? You killed my brother and my finaceé!" That explains kung bakit galit na galit s'ya sa akin. Hindi ko na masyadong maaalala ang nangyari noon dahil bata pa ako at wala akong ideya na isa sa mga pinasabog kong aircraft noon ay ang kapatid at finaceé n'ya.
"Kulang pang kabayaran ang buhay ng mga magulang mo." Dagdag n'ya pa at sinipa ako sa tagliran. Napaubo ako sa sakit at nakitang may lumalabas na dugo mula sa bibig ko. Nasundan pa iyon ng pagpalo sa ulo ng isang matigas na bagay dahilan para mahilo ako.
I can't stand this anymore.
Inutusan n'ya ang tauhan n'yang itayo ako na agad nilang ginawa. Nang makalapit s'ya sa akin ay hindi ako nag-asaya ng oras at agad nagpasabog ng smoke bomb.
Ito 'yung hinihintay ko.
Dahil sa suot kong contact lens ay nagawa ko silang makita. Inuna kong sinuntok si Ian at agad na dinampot ang bakal na ginamit panghampas sa akin.
"Go to hell!" Sigaw ko at hinampas s'ya. Ganoon din ang ginawa ko sa dalawa pa kahit na nanghihina ako. Sinigurado kong sa parte kung saan sila mawawalan ng malay sila hahampasin. Ang tanga kasi nila humampas.
Nang mawala ang smoke ay tinitigan ko muna si Ian Moreno. Hindi pa s'ya patay at nangangati ang kamay kong patayin na s'ya ngayon pero mas nanaig pa rin sa akin na unahin ang mga kasama ko. I have limited time and even my strength is now limited.
Kinaladkad ko ang katawan ng isang tauhan ng AUP patungo sa pwesto ni Travis. Nakuha naman n'ya agad ang gusto kong mangyari kaya't tinulungan n'ya ako. Gagamitin namin ang katawan ng tauhan ni Mordino pamalit sa kanila para makaalis na sila nang hindi sumasabog.
Nilapitan ko rin agad si Pierre at sinubukang kalasin ang chains sa katawan n'ya ngunit ang dalawang metal na nakakabit sa dalawa n'yang kamay ay hindi ko maalis.
"Are you alright?" Tanong n'ya at napansing kanina pa n'ya ako tinititigan. Gusto kong sagutin s'ya ng pabalang kaso wala ako sa mood. Nararamdaman ko kasing anumang oras ay mawawalan ako ng malay. Hindi maganda 'yon dahil magiging pabigat lang ako sa kanila. Cayenne is still unconscious, ayoko nang dumagdag.
Hindi nagtagal ay napakawalan ko na si Pierre ngunit natigilan kaming lahat nang may sumabog.
Livy and Cairo...
Travis tried to contact the two but they are still not responding. Nagmadali kaming umalis sa kwartong iyon. Pasan ni Travis si Cayenne para makaalis na roon ngunit isang pagsabog na naman ang narinig namin.
"Fuck! Papasabugin ba nila ang sarili nilang headquarters?" Si Travis. Ngayon, naiintindihan ko na kaya iilan lamang ang mga tauhan ng AUP. Plano nilang patayin si Pierre at idamay na rin kami kaya hinayaan nila kaming makapasok.
Hindi ko na magawang mag-concentrate dahil unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko. Bahagyang bumagal ang takbo ko at naramdaman naman iyon ni Pierre. Akma n'ya akong bubuhatin pero umiling ako.
"Kaya ko." Saad ko at tumakbo ulit. Kailangan pa namin hanapin si Livy at Cairo.
"Kreo, have you find them?" Travis asked. Kanina pa sinusubukan ni Kreo ilocate ang dalawa ngunit hindi n'ya magawa. Nabigla naman kami nang lumiko si Pierre sa isang hallway. Hindi magandang maghiwa-hiwalay pa kami kaya't sinundan namin s'ya. Dumeretso sa isang kwarto na tila control room.
"They activated a wave distortion para lituhin kayo." Sabi n'ya while looking for something nang mahanap n'ya iyon ay agad n'ya kinalikot ito.
"I found them." Kreo declares while looking at his wristwatch. I also look into mine and found out that the two are already on the second floor but they aren't moving.
"Puntahan n'yo si Livy at Cairo." Saad ni Pierre at tumakbo sa kabilang dereksyon. Hindi ko maiwasang mainis sa ginawa n'ya.
"Let's meet at the second floor." Akmang pipigilan pa ako ni Travis ngunit tumakbo na ako para sundan ang nakakainis naming commander. Saan ba pupunta 'to?"
Naabutan ko s'ya dahil parang tinitimbang n'ya pa kung saan pupunta.
"Pierre, ano ba!?" Sabay hawi sa kan'ya upang mapaharap sa akin. Kumunot ang noo n'ya nang makita ako.
"Sumunod ka na kila Travis, I still have something to do." Naramdaman ko ulit ang panlalabo ng paningin ko ngunit iwinaksi ko iyon saka sinampal ang kaharap ko.
"You selfish jerk! Lahat na lang sinasarili mo. We are a team, bakit lagi na lang kumikilos mag-isa!?" Sigaw ko na nagpagulat sa kan'ya. Alam kong hindi ito ang tamang oras para sa ganito pero kailangan na talaga naming umalis.
"I have to find the last augur ring, Kassia." Tinitigan n'ya ako na parang sinasabing hindi ko s'ya mapipigilan. Dahil sa narinig ay mas lalong nag-init ang ulo ko. Hanggang ngayon ba naman iyon pa rin ang iniisip n'ya?
"Are you risking your comrades' life for that damn ring? Huh, Commander?" I stressed the last word. I can help it but think like this. Kayang-kaya n'yang isugal kami para sa singsing na 'yon. I am disappointed... I thought we have a great leader.
"Leave with them." He uses his authorative voice but it doesn't even shake me and my stares toward him.
Is this how heartless you are, Pierre?
Akala ko kaibigan ang tingin n'ya sa amin... akala ko lang pala... ako lang pala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro