CHAPTER 12
King's Remnant
"In accordance with the Ascalon terror attack, the Prime Minister ordered the frieden knights and the royal army to tighten the security in all states of Erdavistan. As promised by AUP, they will deploy their greatest soldiers to protect our country."
Nakatitig lamang ako sa malaking screen sa harapan namin. Walang ni isang nagsasalita at ang news report lamang ang tanging maririnig.
Aesir and Almarck's plan was successful. Nakuha nila ang ilang area sa Ascalon. Walang nakakapasok dito at may mga sibilyan silang hawak. Kaya't naghigpit sa seguridad ang gobyerno at ngayon ay mukhang parating na rin ang tulong mula sa AUP.
What happened in the past is most likely to happen again.
"Sinong ipapadala ng AUP?" Kreo asked. Nakita ko ang pag-iling ng mga kasamahan namin. Dismayado kaming lahat dahil mas mahihigpit ang prime minister. Mas mahihirapan kaming kumilos sa mga oras na ito.
"A battalion lead by Ian Mordino." Cairo answered. Naikuyom ko ang kamao nang marinig ang pamilyar na pangalan na iyon. Tila nabuhay muli ang galit na pilit kong binabaon sa limot.
Ian Mordino
"Are you all ready?" Travis asked everyone. Nagpalitan kami ng tingin.
"I just want my sister to be safe." Livy answered. She only has her younger sister as her family. Ang kaligtasan lang naman ng kan'yang kapatid ang inaalala n'ya.
"Ako rin, ipangako n'yo lang na poprotektahan n'yo ang pamilya ko." Napatingin ako kay Cayenne nang magsalita s'ya. Ang madrasta at step-sister n'yang nagpapahirap sa kan'ya ang natitira n'yang pamilya matapos mamatay ang kan'yang ama. Hindi ko maiwasang mapaismid dahil pamilya pa rin ang turing n'ya sa kanila sa kabila ng ginawa nila kay Cayenne. Kahit kailan ay hindi ako magiging kasingbait n'ya.
Tumango lang si Cairo kay Travis. Katulad ko ay wala na rin s'yang pamilya. Ang family business lang naman nila ang aalalahanin n'ya.
"Just my mom." Kreo said.
Tumango lamang ako nang magtama ang paningin namin ni Travis. Everything is settled for me. Matagal ko nang natanggal ang sarili ko sa Le Fereshte. Naging madali lamang iyon dahil sandali ko lamang hinawakan ito. I know Niva will run it well.
Simula nang magtagumpay ang Aesir at Almarck sa plano nila at paghihigpit ng prime minister ay ilang grupo na rin ng mga rebelde ang napuksa. Nagawa nila iyon dahil na rin sa tulong ng AUP, ngayon ay may panibago na naman silang pinadala rito. Mukhang hinding hindi nila bibitawan ang Erdavistan kahit anong mangyari.
"Where's Pierre?" Cayenne asked while we're in her cabin. Halos lahat kami ay dito na sa headquarters namamalagi dahil delikado nang makihalubilo sa labas.
"I don't know." Napabangon ako nang mapagtantong ilang araw ko na s'yang hindi nakikita. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano.
"Kinakabahan ako dahil ilang araw na s'yang hindi nagpaparamdam sa atin. Maging si Sir Gryant ay wala rin." Napabaling ako kay Cayenne na puno na ng pag-aalala ngayon.
Sa nagdaang mga araw ay si Dreffil lang ang kumakausap sa bawat team. Imposible namang nahuli sila dahil hindi biro ang pangalan ng mga Eiveldan sa Astraea. They have power there. At kung may mangyayari mang hindi maganda sa kanila ay narinig na naman sa news iyon ngunit wala naman.
"Cayenne, do you know about augur rings?" Hindi ko maiwasang isipin na kung nasaan man ang commander namin ay may kinalaman ito sa special mission n'ya. Iyon lang naman ang laging dahilan kung bakit bigla-bigla s'yang nawawala.
"Augur rings? Iyong wedding rings ng royal family?" Nagtatakang tanong ni Cayenne. Tumango ako at sandali s'yang nag-isip.
"Ang alam ko ay may limang augur rings lang ang mayroon dahil hindi naman naikasal si King Saachl bago s'ya mapatalsik sa pwesto at mamatay." Tama s'ya. There are five existing augur rings. Pang-apat pa lamang ang nakuha ni Pierre sa engagement party at hindi malabong nasa misyon s'ya ngayon upang kuhanin ang panglima.
"What do you think its significance?" Tanong kong muli kay Cayenne. Wala akong masyadong alam sa royal family dahil ang AUP ang pinagtuunan ko ng pansin.
"The king's love for his queen? Its market value since gawa sa diamond ang mga singsing na iyon? Trademark ng mga Viado? Iyon lang naman." Napaisip ako nang malalim sa sagot ni Cayenne. Parang ang babaw naman na dahilan ng mga iyon para pagtuunan ng pansin ni Dreffil at ipagawa n'ya nang sikreto kay Pierre.
"May koneksyon ba ang mga singsing na iyon sa Tieria Dominions?" Muling tanong ko at lalong napakunot ang noo n'ya. Matagal na katahimikan ang bumalo sa amin dahil sa malalim na pag-iisip.
Kahit gaano ko man pagkaisipin ay walang koneksyon ang mga Viado sa Tieria Dominions. Maging sa mga dating miyembro nito at sa mismong founder. Walang pinapaburang panig si Doyle Olsen kung hindi ang mga mamamayan. Kung may pagkakataon man sa nakaraan na tinulungan ng organisasyon si King Saachl ay hindi dahil tapat kami sa kanila kung hindi ay dahil alam ng organisasyon na ito ang makabubuti. Hindi ko rin maalalang may personal na koneksyon si Dreffil sa royal family.
"Why are you thinking about it, Kassia?" Cayenne said out of nowhere. Natigilan ako sa tanong n'ya at pilit binabasa ang reaksyon. Mukhang hindi n'ya rin napapansin ang special mission ni Pierre. Kung may dapat man akong tanungin ay si Travis o Kreo iyon dahil sila ang pinakamatagal na nakasama ni Pierre sa amin.
"I'm just curious." I lamely reasoned out. Alam kong hindi naniniwala si Cayenne sa palusot ko.
Magsasalita na sana s'ya nang kapwa tumunog ang glass tab namin. Nagkatinginan kami at sabay tiningnan ang mensahe.
Katahimikan ang namayani sa buong meeting room. Nasa harapan namin si Dreffil Wenschil na porblemadong problemado. Narito rin si Ms. Morseff at ang kapatid n'yang si Luina, mula sa intelligence team. Ramdam ko ang tensyon ng bawat isa sa amin.
"What's your plan now?" Si Kreo ang bumasag ng katahimikan namin ngunit hindi sumagot si Dreffil. Napahigpit ang pagkuyom ko sa kamao ko.
"Kailangan pa bang pag-isipan kung ano ang dapat gawin natin ngayon? They have our commander!" Nabaling ang atensyon ng lahat kay Cairo nang malakas n'yang binagsak ang kamao sa lamesa. Wala na ang mapagbirong Cairo ngayon.
"Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos ngayon. I can't risk the whole organization for one life." Nagpanting ang tenga ko roon at marahas na binalingan ng tingin si Dreffil. Magsasalita na sana ako nang padarag na tumayo si Travis na nasa tapat ko.
"I don't care what you think nor your orders. I'm heading out for Pierre. It's a do or die and I'd rather die trying." Madiin na pagkakasabi ni Travis na tila pinipigilan ang galit. Lumapit sa kan'ya si Dreffil at marahas na kinuwelyuhan. Napatayo si Kreo na katabi ni Travis. Maging si Ms. Morseff ay pinipigilan si Dreffil.
"You can't die, Travis! Naiintindihan mo?!" Sigaw ni Dreffil na umalingawngaw sa kabuuan ng kwarto. Tinabig ni Travis ang mga kamay ni Dreffil at ibinalik ang masasamang tingin ng kan'yang ama.
Bago pa magkainitan ay pinutol na sila ni Ms. Morseff.
"Dreffil, better give your orders now. There's no point in keeping these kids here while their commander is on the enemy's hand." Ms. Morseff glances at me. She's trying to read my expression. Nag- iwas ako ng tingin sahalip ay itinuon ito kay Travis. I give him a pleading look that he immediately understands.
Kumalma naman si Travis at naupong muli, ganoon din ang ginawa ni Kreo. Bumalik sa kan'yang pwesto si Dreffil.
"Camaraderie could break orders." Dagdag ni Ms. Morseff na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin at binigyan ako ng tipid na ngiti bago isa-isang binigyan ng tingin ang mga kasamahan ko.
It's not camaraderie, it's friendship.
"It's AUP, Morseff. Hindi basta-basta ang kal—"
"But you ordered him." Putol ko kay Dreffil dahil hindi ko na kayang pakinggan pa ang pangangatwiran n'ya. Is he saying to give up Pierre? What kind of leader is he?
His expression darkened as our eyes met. Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga kasama namin na walang ideya sa sinasabi ko.
"You are accountable yet you're telling us to sit here and let Pierre die?" Pagpapatuloy ko. Naramdam ko ang paghawak ni Cayenne sa balikat ko para pakalmahin ako pero wala yatang makakagawa niyon.
"You have no idea what you're talking about, Noriega!" Nanggigigil na sigaw ni Dreffil sa akin. Tiningnan ko si Ms. Morseff na katabi n'ya ngunit wala itong reaksyon, maging ang kapatid n'ya ay tila walang alam sa sinasabi ko.
So, the special mission is all about Dreffil and does not involve the organization?
"Then tell us about that goddamn special mission you've been giving to Pierre secretly!" Nakarinig ako ng singhapan mula sa mga kasama ko ngunit hindi ako nag-abalang lingunin sila. Napaayos naman ng upo ang iba. Ang nahagip lang ng mata ko ay si Travis na may blankong ekspresyon na nakatingin sa akin.
Mas lalong dumilim ang ekspresyon ni Dreffil na tila handa akong patayin anumang oras. He can't stop me now. Just no one can't.
"Why do you need those augur rings so bad that you chose to risk one of your greatest men? Anong itinatago mo, Mr. Wenschil?" Napatayo ako dahil sa emosyon. I'm pissed, mad and angry at the same, if that is possible.
Dreffil pointed a gun at me ngunit hindi man lang ako napakurap dahil doon. Ilang baril na ba ang tumutok sa akin at ilang bala na rin ang humabol sa akin. Hindi na ako takot mamatay sa mga oras na ito.
Pero nagulat ako nang may marinig na isa pang pagkasa ng baril. Ibinaling ko kay Travis ang tingin ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatutok ito sa sarili n'yang ama. Napasinghap ang lahat sa senaryo. Maging si Ms. Morseff ay gulat din.
"What is she talking about, dad? Speak up!" Ngayon ko lang s'ya nakitang ganito. 'Yung Travis na nag-iinarte kapag may tama ay wala na. Pierre must be really important to him. Magkasama na sila nang makilala ko. Their friendship must be that deep para humantong sa ganito ang galit ni Travis.
Bigong ibinaba ni Dreffil ang baril at malungkot na nilingon ang anak. Alam kong sobrang sakit sa parte n'ya bilang ama ang ginawa ni Travis. I can't imagine myself pointing a gun at my father. Bumuntong hininga s'ya at nilingon ako.
"You're so much alike to your father. Too much knowledge would get you killed, hija." Hindi ko maiwasang alalahanin ang mga sakripisyo ng mga Grace para lang protektahan ako. I possessed something dangerous. Pagkasilang ko pa lang sa mundong ito ay may banta na ang buhay ko kaya't isang malaking katangahan ang ginawa kong pagtatago noon. Ang pagpilit na mabuhay nang normal bilang isang doktor. Simula pa lang ay sa baril at bala na nakatali ang buhay ko. Kahit anong layo man gawin ng mga magulang ko ay hindi ito maiiwasan.
My sinful hands are meant for guns.
"This is the late King Saachl's remnant." Inilapag ni Dreffil sa harapan namin ang isang metal safe box. It is specialized because it doesn't have any opening point. Mayroon lamang itong limang maliliit na bilog na butas na sa tingin ko ay kakasya ang sising.
"It requires the five augur rings to open." Dugtong n'ya at itinuro ang apat na augur rings na nandoon na.
"I'm sorry for not telling you this. Pierre wants to handle it alone that's why I've never given this as your mission." Napatingin sa akin si Dreffil at malungkot na ngumiti.
"I was expecting you to ask me about this matter right after Pierre got the 4th ring. You happened to be there, right?" Tumango ako nang marahan. So, he buys my alibi at hindi ko pinilit si Pierre na isama ako?
"I trust my commander, Sir. I am also aware that there are things I am not allowed to know." Sandali akong tumigil at pumikit. "I just can't handle you saying to give up Pierre." Hindi ko maiwasang haluan ng pait ang bawat salita ko.
So those special missions are all about the late King Saachl. I wonder what's inside the box that is important to Dreffil... or to Tieria Dominions... to Pierre. Isa lang ang nasisiguro ko, it may be a big thing dahil maging ang AUP ay hinahabol ito. Marahil ay alam nila ang tungkol sa remnant ng huling hari at pinipigilan nilang mabuksan ito sa pamamagitan ng pagkuha sa mga augur rings.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro