Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11


Queen

I sip on my juice while I laid back on the beach bed. I scroll on my glass tab like it is just a normal day.

"Something's weird." Naiiling na sabi ni Travis bago umupo sa katabi kong beach bed.

We are in a mission. Kanina pa kami rito ngunit wala pa ring senyales ng mga rebelde. They are planning to steal a pearl collection in a resort in Ascalon. Malaking halaga rin iyon at siguradong magagamit nila sa pagbili ng mga armas.

"They are here, watch out." Cairo alerted us over the line. Wala nang inaksayang oras si Travis at mabilis na tumakbo papasok sa hotel na kinalalagyan ng pearl collection. Sumunod din ako sa kan'ya ngunit kalmado pa rin. Natigilan ako nang mag-alarm ang security system ng hotel. Nagkagulo ang mga guest at nagtakbuhan palabas.

"What the hell!" Si Cairo.

"Where are you, Kassia?" Tanong ni Travis pero nagtama rin ang paningin namin nang lumingon s'ya.

Sa kabila ng nagkakagulong mga tao ay nagpatuloy kami. Hindi ko maiwasang mapailing sa nangyayari. Pagnanakaw na lang ba naman ay hindi pa magawa nang maayos ng mga rebeldeng iyon. I don't know who they are pero ang tanga nila para hindi makalusot sa security system ng hotel na ito.

I took out my gun as Travis viciously kicks the door. Hindi na namin kailangan magkubli dahil sa kabobohan ng mga magnanakaw na ito. Ilang minuto na lang ay siguradong nandito na ang awtoridad at kan'ya-kan'ya na kami ng pagtakas. Ang kailangan lang namin siguraduhin ay hindi nila makuha ang pearl collection. Hindi ang mga katulad nila ang dapat makinabang doon, sayang lang.

Agad nagpaputok si Travis ngunit gumanti rin ang kalaban naming rebelde. Kapwa kami nagtago sa dalawang poste. Hindi ko man tingnan ay alam kong papunta sila sa kinaroroonan namin. I fired again to stop them. Dalawa lang kami ni Travis at talo nila kami sa bilang. They are six and I think they also have back-ups with them.

"Fuck!" Travis hissed when he is almost hit. I checked him and he's fine. It was just almost. Saka na ako magfi-freak out kapag kritikal ang tama n'ya. We both move as we exchange bullets with the six rebels. Hindi namin pwedeng hayaang mailabas nila ang pearl collection.

"Fucking shit! There are 15 others approaching your location! I managed to hit some of them but they are too many—" Cairo freaked out over the line.

"Cairo, what happened there?" Travis asked. Hindi ko maiwasang kabahan sa sitwasyon namin lalo na't hindi na sumagot sa kabilang linya si Cairo. He is up to somewhere to be a look out, sniper and to monitor us but he is not answering anymore.

Nanlaki ang mata ko nang bumukas ang pintuang pinasukan namin at bumungad ang sinasabi ni Cairo na kasama ng mga rebelde. Binalingan ko sila at inunahang magpaputok. Wala akong sinayang na oras at bala dahil kung hindi ay buhay naming dalawa ni Travis ang kapalit.

Hinigit ako ni Travis at mabilis na nagkubli. Ilan lamang ang natamaan ko kanina. Ang iba ay hindi ko naman napuruhan kaya't marami pa rin sila. Hindi na rin namin ma-contact pa si Cairo.

"Shit! Cairo, pick up!" Travis frustratedly said.

Hindi kami handa sa sitwasyong ito. Nanakawin lamang nila ang pearl collection at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ng ganito karaming tao.

"They are up for something else." I stated at napalingon sa akin si Travis bago muling magpaputok. Sa mga oras na ito ay nailabas na nila ang pearl collection pero hindi ko maintindihan kung bakit kami pa rin ang pinupuntirya ng mga ito.

"It might be a trap for us." He answered. Kung tama man s'ya ay hinding hindi nila kami mahuhuli. We nod at each other before running out from where were hiding. Sa kanan s'ya nagtungo at ako naman ay sa kaliwa. Kailangan na naming makalabas dito. Travis averted their attention to his kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumakbo papunta sa entrance.

"Shit!" Travis was hit!

Wala na akong inaksayang oras at ako naman ang nagpaputok kaya't sa 'kin napunta ang atensyon nila.

"Kassia!" Travis running at my direction and pointing his gun beside me meaning someone's behind. Ngunit hindi ko nagawa pa iyon nang makita kong may isang baril ang nakatutok sa direksyon ni Travis.

Three gun shots are heard.

One from my gun that kills the guy aiming for Travis, the second one is from Travis who killed someone behind me and third is the gun that sprang the bullet directed to my comrade.

Nanlaki ang mata ko nang bumagsak siya.

No! No! He can't be!

Agad akong tumakbo papunta sa kan'ya kasabay ng pagpapaputok sa mga natitirang kalaban namin. Hindi ko alam kung paanong sa sandaling segundo ay nagawa kong patumbahin sila.

"Travis!" I check his wounds. Sa tiyan s'ya tinamaan at maliban doon ay may iba pa s'yang tama.

"Get out, Kassia. Rule number 3." Tinulungan ko s'yang bumangon ngunit napadaing s'ya. Umiling ako sa sinabi n'ya. Hindi ko kaya ang pinapagawa n'ya sa akin.

"You stubborn man! You're not dying. Stop overeacting." I shouted to make my voice firm but failed.

"Wrong! That's rule number 4. I'm talking about the third." Natawa pa s'ya ngunit alam kong ginawa n'ya lang iyon para pagaanin ang sitwasyon. Inalalayan ko s'yang tumayo at nagkubli. I also tried communicating with Cairo but got nothing.

"There's no rules I follow. You know that, Travis. Even it is from Tieria Dominions." Kinapkapan ko s'ya para kumuha ng panibagong baril. I won't leave my comrade no matter what.

Rule number 3, leave a wounded comrade if he/she would cause delay in your actions.

Rule number 4, leave a dying comrade.

"Would you still do this if it is Kreo?" Nahihimigan ko ang pang-iinis sa tono n'ya. Kung hindi lang s'ya sugatan ay kanina ko pa s'ya binatukan. Of course, I won't leave Kreo behind. He is still my comrade.

Parehas kaming natigilan nang marinig ang mabibilis na yabag na papalapit sa amin. Kapwa namin itinutok ni Travis ang baril sa bagong dating. Napahigpit ang hawak ko sa baril nang makilala kung sino ang kasama nila.

"C-cairo." Itinulak ng isang lalaki si Cairo pasubsob sa sahig. Tila ba hinang-hina ito dahil sa sugat at pasa na natamo mula sa pambubugbog.

"I-I'm s-sorry." Nanghihinang saad n'ya at nag-angat ng tingin sa amin ni Travis. Wala na ang mapaglarong Cairo na lagi kong nakikita. Hindi ako sanay na makita s'yang ganito. Sa mga nakaraan naming misyon ay madalas na nakikipagtalo pa s'ya kung sino ang mas magaling sa amin bilang sniper.

"What do you need?!" Punong-puno ng galit ang boses ni Travis na umalingawngaw sa loob ng silid. Naalerto naman ang nasa sampung lalaki kaya't tinutukan nila kami. Hindi ko na iyon pinansin pa. I fired a gunshot that kills one man. Headshot.

Narinig ko ang pagmumura ni Travis at Cairo na tinulungan kong tumayo. Maging ang mga rebelde ay nagulat doon. Agad naman silang pinigilan magpaputok ng lider nila.

"Tayo papatayin n'yan, kapag hindi natin pinatahimik." Rinig kong sabi ng isa sa kaliwa ko na nakatutok pa rin ang baril sa akin.

I was about to fire another one when a bullet strikes my left hand that causes my gun to slip from my hand.

"Fuck! I'm going to kill you all." Travis.

"Damn, we're dead later." Si Cairo.

Nilingon ko ang dalawa kong kasama dahil sa reaksyon nila at inirapan. Nawala ang atensyon ko sa kanila nang may marahas na humila sa akin. Nakita ko ang pagpupimiglas at pagrereklamo ni Cairo at Travis bago may magtakip ng bibig ko at mawalan ng malay.

Kinurap-kurap ko ang mata ko dahil sa nakasisilaw na liwanag. Nang makapag-adjust ang mata ko ay napabalikwas ako ng bangon dahil naalala ko ang huling nangyari.

"Travis! Cairo!" Tawag ko at luminga sa paligid. Natagpuan ko ang dalawa sa kabilang kama na nakaupo at nakatingin sa akin. Tila sila kapwa nabunutan ng tinik nang magising ako.

Naunang lumapit sa akin si Travis.

"Any sign of poison?" He asked at umiling ako. Tingin ko ay pampatulog lamang iyong kanina.

"Where are we?" Tanong ko at sinuyod ang paligid. Nasa isang kwarto kami na may tatlong kama. Sa itsura pa lang ng kwartong ito ay alam kong hindi ito ang headquarters namin. Hindi pa rin kami nakakapagpalit ng damit.

Tiningnan ko ang tama ni Travis pero napakunot ang noo ko nang makitang may bandage na ito. Maging ang mga pasa ni Cairo ay tila nabigyan na ng paunang lunas. Napatingin naman ako sa kaliwang kamay ko na ngayon ay may bandage na rin.

"Are we safe or not?" Ang huling naaalala ko ay pinatulog kami ng mga rebeldeng iyon kaya't paanong nangyaring nagising ako sa malambot na kama? Wala rin kami sa headquarters at wala ring senyales ng iba pa naming kasamahan.

"We honestly don't know. Hindi rin namin alam ang nangyayari." Si Cairo ang sumagot. Magtatanong pa sana akong muli nang bumukas ang pintuan ng kwartong kinalalagyan namin.

Isang pamilyar na lalaki ang pumasok kasama ang dalawa pang lalaki. Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan sila. Hindi ko alam kung saan ko sila nakita.

"It is nice to meet you again, Queen." Napatayo ako nang maalala kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

The sniper guy at the university!

"Queen, huh?" Travis mockingly said at tumayo rin bago masamang tiningnan ang lalaki. Ganoon din ang ginawa ni Cairo at tumabi sa akin para mapagitnaan nila ako.

The sniper guy chuckled.

"I'm Rulan Willis of Aesir Organization." Pormal na pagpapakilala n'ya. Walang isang sumagot sa amin. Tumawa naman nang malakas ang isang kasama n'ya kaya napukaw ang atensyon namin. Sinamaan s'ya ng tingin ni Rulan kaya tumigil.

"What do you need from us?" Travis steps up. I look at him and he is damn serious now.

"Follow me." Rulan said and get out of the room. Bago lumabas ay nilingon n'ya pa kami dahil hindi pa rin kami gumagalaw. Naunang humakbang si Cairo at sumunod na rin kami. Hanggang ngayon ay nawi-weirduhan ako sa nangyayari. Kung ang Aesir nga ang nasa likod nito ay bakit pa nila kami kinidnap? Kalaban nila kami at mas mabuti kung papatayin.

Nang pumasok kami sa isang kwarto na tingin ko ay control room nila ay sunod-sunod na kasa ng baril ang narinig ko. Mas marami ngayon ang nakatutok na baril sa amin.

Ang hilig nila sa tutukan, bakit hindi nila ituloy?

Naramdaman ko na umakbay sa akin si Travis. Sisikuhin ko na sana s'ya nang pigilan n'ya 'ko.

"I was shot, Kassia, oh." I rolled my eyes due to annoyance. Ilang nguso ng baril ang nakatutok sa amin ngayon pero nag-iinarte na naman si Travis. Kapag ito ang ikinamatay ko ay siguradong hindi matatahimik ang kaluluwa ko. My death will be caused by Travis and his pabebe acting! Hindi ko kayang tanggapin 'yon.

Pinaalis na ni Rulan ang mga taong kanina pa kami tinututukan ng baril. Bumalik na rin sila sa kan'ya-kan'ya nilang ginagawa. Natira lamang na nakatayo at nakatingin sa amin ang dalawang lalaking kasama ni Rulan, dalawang babae at tatlong lalaking kasama sa nakaengkwentro namin.

"Recently, Aesir and Almarck joined for a movement." Simula ni Rulan.

Ang Almarck Liberation Front is another organization that has the same goal like us and Aesir. Ang dalawang organisasyong ito ay kabilang sa makapangyarihan at tinuturing na malaking banta sa AUP at pamahalaan ni Helios Alvadrid.

"We tried to ask for your support but you declined. Kaya wala kaming pinagpilian kung hindi ang siguraduhing hindi n'yo hahadlangan ang mga plano namin." Pagkasabi n'ya n'yon ay bumukas ang isang malaking screen na pinakikita ang nangyayaring kaguluhan sa Ascalon.

Napatayo nang tuwid si Travis na kanina'y nakahilig sa akin. Si Cairo naman ay kakikitaan ng dilim ang aura. Cairo is an ascalian and it is hard to see the place that embraced you suffering like this.

"What have you done?!" Madiin ang bawat salitang binitawan ko kaya napukaw ko ang atensyon nilang lahat. Hindi ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko ngayon. Ito ba ang sinasabi nilang plano nila? Ang salakayin ang Ascalon upang takutin ang pamahalaan? Ang pagsalakay na nagaganap ngayon sa Ascalon ay higit na malaki at marahas.

Hindi maalis ang paningin ko sa mga sibilyang nagtatakbuhan dahil sa takot. Hindi. Hindi dapat ganito. May ibang paraan kung saan hindi kailangan madamay ng mga katulad nila. We are rebels and not terrorists. Naiinitindihan ko na kung bakit hindi nakipag-alyansa ang Tieria Dominions sa kanila.

"Bakit? Naaawa ka ba sa mga kauri mong mapagmataas?" Isang babae ang nagsalita at lumapit sa akin. Tila ay natutuwa s'ya sa reaksyon ko ngayon.

"This is the reason why I do not trust Tieria Dominions. Puno kayo ng mga astraean at ascalian. Pare-parehas lang kayo." Isang malakas na sampal ang iginawad n'ya sa akin.

Hinatak ako ni Travis papunta sa likod n'ya. Cairo also steps forward.

"A dominion in distress? What a funny scene." Ang isang babae naman ang nagsalita na may halong panunuya sa boses. Nagpanting ang tenga ko roon at malakas na tinulak ang dalawa kong kasama. Magrereklamo pa sana sila nang tiningnan ko sila nang masama. Parehas silang natigilan at napaatras.

Nilagpasan ko ang dalawang babaeng nasa harapan ko at diretsong naglakad papunta kay Rulan. Walang pasabi ko s'yang sinuntok sa mukha. Sa gulat ay napaatras s'ya maging ang dalawang lalaking katabi n'ya.

"Istupido! You just ignited the fire of war." This is the reason why we do not treat the other organizationa as companions. They use their wicked ways without minding the civilians. Katulad ngayon, punung-puno sila ng galit sa mga astraean at ascalian kaya wala silang pakialam kung masaktan ang mga inosente. Hindi ko sinasabi ito dahil astraean ako. Para sa akin at sa Tieria Dominion, walang astraean, ascalian, velhallian, at urdiana dahil lahat sila ay nasa iisang bansa at responsibilidad namin ang protektahan sila. We vowed to protect Erdavistan and it includes its people.

Tieria Dominions is fighting for the real freedom driven by the people of the Erdavistan's cry, not revenge.

Some of us have experienced maltreatment and such. Hindi lahat sa amin ay galing sa mataas na antas ng sosyalidad. Cayenne is an urdiana while Livy is a velhallian. May kan'ya-kan'ya man kaming personal na rason para pasukin ito ay hindi paghihiganti ang nais namin.

"Hindi ko talaga maintindihan ang Tieria Dominions. Pare-parehas tayo ng pinaglalaban dito." Natatawang saad ni Rulan habang hawak ang pisnging sinuntok ko.

"I told you, dapat tinuluyan na lang natin 'tong isang 'to." Sabi naman ng babaeng sumampal sa akin. Hawak na n'yang muli ang baril n'ya habang humahakbang palapit sa akin. Hinila n'ya ang braso ko ay itinutok sa sintido ko ang baril.

"Tieria Dominion won't mind losing one member, right?" Ang pangalawang babae naman ang nagsalita at walang ano-ano'y pinatamaan ako sa balikat. "That's for punching Rulan."

Sa pagkakatong iyon ay kapwa na nanlaban si Travis at Cairo. Ilang sandali lang ay nagkagulo na sa loob.

"What the hell is your problem with her!?" Si Travis habang pilit na kumakawala sa tatlong may hawak sa kan'ya.

"That's two shots! Mahal ko pa daliri ko." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Cairo pero agad din nawala ang atensyon namin nang mabuksan nang marahas ang pintuan.

An unwelcomed visitor.

Naalarto ang lahat nang pumasok ang isang lalaking kilalang kilala namin.

"The commander is here." One of the guys said like he is pleased with Pierre's presence.

Hindi pa man nakaka-recover ang lahat nang biglang mapalitan ang nasa malaking screen. Ang kanina'y kaguluhan sa Ascalon ay napalitan ng isang babaeng kumakain ng chips, si Livy.

"Hindi pala masarap ang chips ng Aesir." Saad n'ya pero patuloy pa ring kumakain. Napailing na lamang ako sa ginagawa nila. Our comrades are here.

Maya-maya pa ay isang musika ang narinig mula sa speakers at nasundan ng pagkanta ng taong kilala ko ang boses.

"Fuck! Sinong may gawa n'yan?" Sigaw ni Cairo na namumula na ngayon, hindi ko alam kung sa hiya o sa galit.

"Sorry, Cairo. It was an order." Cayenne over the speakers.

Naglalaro ba sila? Hindi ko maiwasang mapailing dahil sa pinaggagagawa ng mga kasamahan ko. Itatanong ko pa lang sana kung anong klaseng entrance ang hinanda ni Kreo nang makita ko s'yang prenteng naglalakad papunta sa amin. Tumigil s'ya sa gilid ni Pierre at nakapamulsa pa. May ibinulong s'ya kay Pierre bago kami tapunan ng tingin.

"Let them go." Rulan ordered his comrades. Pinakawalan nila si Cairo at Travis ngunit hindi ako. Hindi natinag ang dalawang babaeng may hawak sa akin. Napatingin sa amin si Pierre at sinundan iyon ni Rulan.

"You'll release or I'll get her?" Napalunok ako dahil sa tono ng boses ni Pierre. He is no doubt the commander of Tieria Dominions' Primary Team. That question is meant for Rulan. Nagtitigan muna silang dalawa bago huminga nang malalim si Rulan at magsalita ngunit naunahan na s'ya ng babaeng sumampal sa akin.

"Ano Rulan? You'll bow to dominions? Kayang kaya natin silang itumba ngayon." Napailing na lang ako sa pinagsasabi n'ya. Masyado s'yang madaldal.

Tiningnan ko si Pierre para manghingi ng permiso. Tumango s'ya na tila nakuha ang ibig kong sabihin. Siniko ko ang babaeng nanampal sa akin kaya nabitawan n'ya ang baril. Sinipa ko naman ang isa sa tyan at natumba. Binalikan ko ulit ang babaeng nanampal at binigyan s'ya ng suntok. Dinampot ko rin ang baril n'ya at itinutok sa bumaril sa akin. A gunshot is heard again.

"Sa susunod headshot na." Natulala ang babae habang nakasalampak sa sahig. Dinaplisan lamang s'ya ng bala sa pisngi, sapat na para magkaroon ng maliit na sugat at lumabas ang dugo mula roon. Tinapon ko ang baril at kalmadong naglakad papunta sa mga kasamahan ko. Napakunot ang noo ni Pierre habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Two shots." Bati n'ya sa tama ko bago binalingan si Cairo at Travis.

"Commander, nabugbog ako oh!" Cairo complained.

"May tama rin ako." Pag-iinarte ni Travis na umakbay kay Kreo at nagkunwaring nawalan ng balanse. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo sa inaakto ng mga ito.

Bumaling si Pierre kay Rulan at mga kasamahan nito.

"You succeed in diverting our attention to accomplish your ambush but next time, we will be on your way." So tama nga? Lahat kami ay nasa misyon ngayon. Maging ang ibang team ay naka-deploy din. Hula ko ay may kinalaman din sila sa ibang misyon sa araw na ito. Sa bilang ay totoong lamang sila kumpara sa amin.

"We have to go; we have fingers to cut." I saw him smirked before he turns his back and starts walking. Nilingon kong muli si Travis na namumutla na at kay Kreo. Maging si Cairo ay mukhang pinagsukluban ng langit at lupa.

"What's with fingers? Ano na naman bang trip n'yo?" Tanong ko kay Cairo na inakbayan ako at halos magmakaawa ang mukha.

"Pinangako namin kay Pierre na hindi ka matatamaan ng bala sa misyon. One bullet, one finger, Kassia." Napasapo na lamang ako sa ulo at patuloy na naglakad. Iniwan ko si Cairo at sumabay kay Pierre. Paniguradong nagyabang na naman iyong dalawang 'yon. Bahala sila sa daliri nila, mayayabang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro