CHAPTER 10
Mileiya Montreval
Curiosity kills the cat, they say, and I am the willing prey.
"Dr. Grace, there are letters for you today." Pumasok ang secretary ko at inilapag sa table ko ang iilang sulat. Ang iba rito ay inaasahan kong dadating. Pinasadahan ko ng tingin ang mga sulat nang mapukaw ng isang hindi pamilyar ang attensyon ko. It's in a black envolope. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Walang nakalagay na kahit ano sa labas ng envelope.
"Kanino galing 'to?" Tanong ko sa secretary ko na nasa harapan ko pa rin.
"Tinanong ko na po 'yan sa baba pero ang sabi ay naka-address lang daw po sa sa 'yo. Walang sinabi kung kanino galing." Napakunot ang noo ko sa sagot n'ya. Don't tell me it's a death threat or what? Sinenyasan ko na ang secretary ko na lumabas na. Itinigil ko rin ang ginagawa ko para buksan ang kakaibang sulat. Sa lahat ng naiisip ko ay walang tumama. Hindi ko inaasahan ang laman ng sulat.
Pictures of three women.
Halos mabitawan ko ang mga litrato nang matanto kung sino ang mga ito. Una sa lahat ay dahil kilala ng kung sinumang nagpadala nito ang tunay kong pagkatao dahil ang unang litrato ay ang sa mommy ko.
Kyena Noriega, Zana Vashti, and Mileiya Montreval
Hindi ko alam kung matatakot ako o ano dahil hindi malinaw sa akin ang gustong mangyari ng taong nasa likod nito. Walang ibang kasama ang litrato. Walang anumang mensahe na kalakip ito. Sinuri ko rin ang likod nito ngunit wala rin namang nakalagay.
Sinubukan kong ipagpatuloy ang trabaho ngunit wala akong magawang matino dahil binabagabag pa rin ako ng mga pictures na natanggap ko. Bukod sa taguri sa tatlong babaeng iyon sa organisasyon, ang alam ko ay magkakaibigan sila noong kolehiyo. Hindi lamang si Mileiya at ang mommy, kung hindi maging si Zana Vashti.
Wala akong ibang alam sa dalawang babaeng kasama ni mommy kung hindi ang pangalan nila at ang katotohanang dominions din sila. They also died on the war against AUP happened 18 years ago. Anong mayroon sa kanilang tatlo na hindi ko alam? Kung tama man ang hula ko ay nais ng kung sinuman alamin ko ang koneksyon ng tatlong ito. Ngunit bakit? At sino?
I tried searching using Tieria Dominions' data ngunit basic information lamang ang ibinigay sa akin nito. Ayon dito ay naunang naging kasapi ang mommy ko, sunod ay si Mileiya at panghuli si Zana. Tingin ko ay ang mommy ang naging daan nila patungo sa organisasyon.
Napahilamos ako sa mukha nang wala akong mahanap na kamag-anak o kahit sinong maiuugnay sa dalawa. Si mommy lang talaga. Pwede kong itanong ito kay Mama Faira ngunit wala s'ya. Siguradong may alam s'ya kahit papaano sa magkakaibigan na ito.
Tumayo ako at dire-diretsong lumabas ng Le Fereshte. Ibinilin ko sa secretary ko na aalis ako. Sumakay ako ng kotse at wala sa sariling pinaandar ito. Hindi ko kayang balewalain ang kahit anong may kinalaman sa mga magulang ko.
Pagkapasok ko ay pamilyar na pakiramdam ang sumalubong sa akin. Matagal na simula noong huli akong nagtungo rito. Sa bawat hakbang ay nahihigit ko ang paghinga. Hindi ko mawari kung kinakabahan ba ako o ano.
Tahimik ang buong bahay at lahat ng gamit ay naroon pa rin kung saan naaalala kong nakalagay ang mga ito nang iwan ko. Naramdaman ko na lamang ang panggigilid ng luha ngunit pinigilan ko ito. Tears won't change the fact that everything is gone now... everyone.
Sa halip na titigan ang kabuuan ng bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko. May secret passage rito na nakadugtong sa isang secret room sa bahay na ito. Maging sa blue print ay hindi nakalagay ang secret room na iyon. Tanging ang mga Grace lamang ang nakakaalam sa bagay na ito.
This secret room has advance technology like Tieria Dominions is using. Nakatago lahat dito ang mahahalagang bagay na may koneksyon sa organisasyon. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pag-alis ni Mama ay pinili n'ya pa ring itago ang mga bagay na ito. Sa totoo lang ay maaari itong magpahamak sa amin. Siguro nga ay hindi n'ya talaga ginustong bitawan ang pagiging dominion. Kung hindi lang dahil sa amin ni Marah ay marahil kasama pa rin s'ya ni Miss Morseff ngayon.
May mga bagay dito na may kinalaman din sa mga magulang ko. Pinagbawalan man nila akong magkaroon ng koneksyon sa organisasyon ay hindi ako napalagay nang wala akong alam sa nangyari sa kanila. I researched about that war and what I gathered is not yet enough to unveil the truth.
Napaisip ako. I am really destined to be a dominion, huh? Kahit anong tago nila sa akin at takbo ko ay dito pa rin ako bumagsak. I even dug information for years habang itinatangging maging kasapi nila. The demon inside me was just caged by Faira Grace but when everything fell, it was triggered. Nakawala na at hindi na mapipigilan pa ngayon.
This demon was deprived. Uhaw na uhaw sa tunay na kapayapaan at katotohanan.
I am fighting what my parents fought years ago. I am bearing their beliefs, principles, and hope. But I believe, this time, we will win.
Inisa-isa ko ang mga dokumento ngunit walang may kaugnayan sa dalawang dinadakilang babae na kasama ng mommy ko. Their stories weren't told to me. It was like hidden. I only know that they existed and their greatness but there is nothing deeper than that. Why did they join the organization? How did they die? At bakit nauungkat silang muli ngayon?
I also hopefully opened the data that the Graces possessed. There is nothing, just basic information about them. I even used my parents' things but the result is the same. Why do it seem like their traces were hidden? Anong naging parte nila sa nakaraan? Bakit ni minsan ay walang nagbanggit sa akin ng pangalan nila kung kaibigan sila ng mommy ko at naging tapat sila sa—
"Were they traitors?" Bulong na tanong ko sa sarili. Natigilan ako sa ideyang iyon.
Tieria Dominions fell because its founder, Doyle Olsen, died. Hindi nila napigilang makapasok sa Erdavistan ang AUP. Hindi pa sila ganoon kalakas noon kaya't nahirapan sila. Their allies were also outnumbered.
My train of thoughts stopped when my phone rings. Sinagot ko agad ito.
"Why?" I asked at sinimulang ayusin ang mga gamit na kinalat ko.
"Where are you?" Hindi ako nakasagot dahil pagtayo ko ay nagkalaglagan ang dala-dala kong mga dokumento at libro na ibabalik na sana sa lalagyan.
"Hey, what happened? Are you alright?" Narinig n'ya siguro ang naglalagan.
"I'm fine. Nasa mansyon ako." I answered as I pick up the last book that fell. Sandaling katahimikan ang nahimigan ko sa kabilang linya. Siguro ay iniisip n'yang nagmumukmok ako ngayon dito dahil matagal na akong hindi tumuntong sa bahay na ito.
"I'll pick you up." Hindi iyon tanong at hindi man lang n'ya hinintay ang sagot ko bago patayin ang linya. What a controlling freak! Kung ano-anong rant pa sana ang sasabihin ko nang mapatigil ako sa librong hawak ko.
Sweet Irony
That's the title of the book but that wasn't caught my attention—its author.
Mileiya Montreval
Hinawakan ko ang pangalan n'yang nakasulat sa pabalat na pawang iyon ang sagot sa lahat ng katanungan. Sa totoo lang ay baseless lahat ng ginagawa ko ngayon, nakasalalay lang ito sa kutob na hindi ko dapat binibigyan ng pansin dahil may mas mahahalagang bagay na dapat kong gawin. Pero nandito ako ngayon sa mansyon ng mga Grace na matagal ko nang nilisan upang maghanap ng kasagutan sa katauhan ng isang babaeng minsang naging sandalan ng organisasyong sinumpaan ko.
"What's the matter?" Tila nagising ako sa tanong ni Pierre. Kanina ay sinundo n'ya ako sa mansyon at ngayon ay nasa opisina n'ya kami. Sumandal s'ya sa swivel chair at pinagkrus ang mga braso habang nakatingin sa akin na may kunot na noo. Tila ba'y kanina n'ya pa pinipilit basahin ang nasa isip ko.
"Where's Tito Gryant?" I asked. His eyebrows furrowed even more. Sa hindi malamang dahilan ay mas kumportable ako kay Tito Gryant kaysa kay Dreffil, na ni minsan ay hindi ko tinawag na tito. I address him formally kahit sa labas while Tito Gryant insisted to call him Tito, kahit sa labas na lang ng organisasyon. Like his son, he's been good to me.
"Business meetings as usual, why?" He answered na hindi pa rin inaalis ang nagtatakang mga mata sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kan'ya. Ipinakita ko ang glass tab kung saan naroon ang profile ni Mileiya Montreval.
"I didn't hear anything about her. She's my mom's bestfriend that's why I'm curious." I reasoned out in my defense. Alam kong tatanungin n'ya ako kung bakit interesado ako sa tinutukoy kong babae.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o talagang may gumuhit na galit o kung anumang madilim na ekspresyon sa kan'yang mga mata ngunit sandali lamang iyon kaya hindi ko nasisiguro. This world is full of dirty secrets and hidden truths. The more you know, the more chances death will hunt you down and right now, that is what I'm doing–digging my own grave.
I set up a meeting with Gryant Eiveldan the next day which he gladly accepted. We are now in a restaurant where he will have another meeting after mine.
"It's been a while, hija. May problema ba?" He asked while cutting the steak he ordered. Tumikhim ako at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Wala namang masamang magtanong tungkol dito, isa pa ay may kinalaman ito sa mommy ko.
"How was Mileiya Montreval before, Tito?" Sinabi ko iyon na parang wala lang, wala lang naman kasi talaga. I'm just curious. Ngunit tila saglit na natigilan ang kausap ko. I am a doctor and it's normal to me to observe and notice the tiniest gestures and reactions of the people I'm talking with.
Pinunasan muna n'ya ang kan'yang bibig bago magsalita. His authorative aura is now present. Manang-mana talaga si Pierre sa kan'ya.
"Mileiya Montreval? Your mom's college bestfriend na hanggang sa organisasyon ay sinuportahan s'ya." Sumilay ang isang mapait na ngiti sa kan'yang mga labi habang binabanggit iyon. Hindi ako nagsalita at hinayaan s'yang magpatuloy sa kan'yang sinasabi. Tila ba ay inaalala n'ya kung anong klaseng tao si Mileiya Montreval.
"You're a wise girl. Siguradong nagtataka ka kung bakit hindi mo narinig ang pangalan n'ya simula nang tumapak ka sa organisasyon wherein she did great in serving us." Nginitian n'ya ako na tila proud s'ya sa akin. Tumango ako nang marahan.
He sighed. Binitawan n'ya ang mga kubyertos at sumandal sa likuran ng upuan.
"She was my love of life. I was so devastated when she died that's why her name seems forbidden to mention in the organization." Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ko alam ang bagay na ito. Hindi ko alam na sa kabila ng kalmadong Gryant Eiveldan ay may natatagong ganitong sakit. Alam ko kung paano mamamatayan ng mahal sa buhay.
"Ilang taon na ang lumipas pero sariwa pa rin ang sakit. I want to continue and be productive for Tieria Dominions that's why I act like I already forgotten it... pero hindi ganoon kadali, hija." Wala na ngayon ang kalmadong itsura n'ya. Nakikita ko ang sakit na pinagdaraanan n'ya. Mahirap magpatuloy sa buhay kung nawala ang rason mo nang isang iglap.
"I dedicated the rest of my life to the organization. She was a very courageous woman like you. Alam kong kasiyahan n'ya ang pagtatagumpay natin. That's the last thing I could do for her." He said like he is trying to remember every trace of her. He must really love her—like how much my dad loves my mom.
"No one dares to talk about her to avoid triggering me. Ganoon din sa ibang miyembro. Losing your comrades is a double kill—the pain of losing someone important and the burden you have for failing of saving them." Napahigpit ang hawak ko sa table napkin.
Hindi lang iilang beses kaming nalagasan. Walang kasiguraduhan ang bawat araw namin. Hindi namin sigurado sa bawat paggising namin sa umaga ay naroon pa rin ang mga taong kasama mo lamang kahapon. Pero mas masakit kung guilt ang hahabol sa 'yo—the guilt of unable of saving them.
"Is she Pierre's m-mom?" Wala sa sariling tanong ko. Umiwas si Tito Gryant sa mga mata ko. Ang sakit na kanina pa nakaguhit sa mukha n'ya ay tila dumoble pa ngayon.
"Hindi."
Hindi ko rin magawang tumingin sa kan'ya dahil pakiramdam ko ay hindi ko dapat itinanong pa iyon. Masyado nang personal ang tanong ko. Tumawa s'ya para maibsin ang awkwardness sa pagitan namin ngunit hindi pa rin natakpan noon ang sakit na nararamdaman n'ya.
"She was my love of life but I am not hers."
Napatingin ako sa kan'yang mga mata na punong puno ng sakit. Hindi ko alam ang gagawin ko para lang maibsan iyon. Hindi ko na siguro dapat pang inungkat ang tungkol sa kan'ya. Siguro kaya ganoon na lang din ang naging reaksyon ni Pierre nang sabihin ko ito sa kan'ya. Of course, he doesn't want to hear anything about the woman that his father loves aside from his mom.
"I'm sorry for opening this, Tito. I didn't know." I said with sincerity. Ngumiti lang s'ya sa akin. Isang ngiti na nagsasabing 'ayos lang'.
"No, hija. Thank you for reminding me my reasons. I hope you'll be brave as her and your mom but don't end up like her. I don't want another Eiveldan mourning for a woman, who accepted the responsibility of saving this country, for the rest of his life. One is enough."
Mileiya Montreval deserves to be loved like how the almighty Gryant Eiveldan loves her. She fought for something she is not responsible of. She fought for her countrymen's sake. A brave woman, indeed. Whatever her reasons and circumstances happened between her and Tito Gryant, both of them deserve love. Hindi man iyon nagawang suklian ni Mileiya, alam kong masaya si Tito Gryant na minsan n'yang nakilala at minahal ang isang babaeng katulad n'ya.
Tiningnan kong muli ang libro na sinulat ni Mileiya. Will this book reveal her reasons? Sa titulo pa lamang nito ay hinihila na ako ng kuryosidad.
Napabuntong hininga na lamang ako at nagpaikot-ikot sa higaan ko. It's already midnight but I'm still wide awake. Napatigil ako nang mapadapo ang paningin ko sa bagay na nakaipit sa libro. Kinuha ko ito at naupo sa kama ko.
It's the picture of dauntless women of Tieria Dominions. The picture that was sent to me and piqued my curiosity. Inipit ko pala iyon doon.
"Kyena Noriega is my mom, Mileiya Montreval is associated with Tito Gryant. What stories are you hiding, Zana Vashti?"
HowI wish I was able to meet them. Kailangan ng Tieria Dominions ang mga katuladnila. Nakalulungkot mang isipin pero hindi na nila masasaksihan pa ang magigingresulta ng kanilang sinimulan. Kaya kaming mga natira at ngayong parehas angpinaglalaban ay gagawin ang lahat upang hindi mauwi sa wala ang mga sakripisyong mga taong ito. Kami na ang tatapos at sisiguraduhin namin na pagtatapos na iyonay naaayon sa pinangarap ng lahat
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro