023
Blue looked at him. "May hindi ka na naman sinasabi sa 'kin," she said in a low voice
Their Instagram posts are just a coincidence. Hindi naman sila nag-usap na gano'n ang i-caption nila. Basta lamang ay nagpost si Callum at sumunod naman si Cole na kasama nila sa iisang lamesa.
"Wala akong sinabi dahil wala naman talaga akong sasabihin, Blue." Mahinang sagot nito sa kaibigan.
She smirked. "Pero, ikaw ang kumausap sa kan'ya para dumalo siya." She added.
He sighed defeatedly. Alam n'yang malalaman iyon ni Blue dahil sinabi na siguro ni Ichan ang katangahan nito. Noong sinundo ni Callum kanina si Cole ay nagulat ito, akala n'ya ay driver nila ang susundo sa kan'ya. He informed her about it but he guessed she hadn't read it.
"Cole," his Mom approached her.
Tumayo ang dalaga at sinalubong ang Mommy ni Callum. They exchanged cheek-to-cheek kisses before hugging each other. He saw how tight the hug his Mom gave to Cole was.
"Kumusta na? Tagal mong 'di kami dinadalaw, ah." His Mom looked at him meaningfully.
Umiwas siya ng tingin at tumingin na lang sa harapan, kung nasaan pinapalabas ang video ng kan'yang lolo't lola. It's a slideshow photo of them, and nandoon din ang mga pictures nila together with his grandparents.
"Sorry, Tita," she replied to Callum's Mom.
Hindi n'ya alam kung para saan ang sorry na 'yon. Sa hindi n'ya ba pagdalaw sa mga magulang nito o ang pangghost nito sa unico hijo nila? Callum is open to his parents, at hindi malabo na nasabi nito ang dahilan bakit hindi na sila magkasama at nag-uusap.
"It's okay, Cole. You have your reasons." Calla said making her smile. She's aware that she ghosted him.
"I'm so glad you're here, dearest Cole!" It was Callum's Dad, opening his arms for a hug.
Sinipat ng tingin ni Calla ang anak na ngayon ay naka-iwas ng tingin, kinakausap si Blue na ngayon ay kumakain.
"I'm sorry, Tito. . ." she said.
"It's okay, hija. Huwag mo nang isipin 'yon, ang mabuti ay nandito ka na." Ngumiti ito sa kan'ya, gano'n din ang Mommy ni Callum. "Cal, come here. Let's take a picture."
Isang nang-aasar na ngiti ang binigay ni Blue sa kaibigan bago ito tumayo at lumapit kung nasaan ang magulang nito at ang babaeng mahal n'ya.
They took a picture and after that, his parents left. Callum pulled the chair for her and pushed it gently when she was already seated, before seating beside her.
Nang kumakain na sila ay nilapitan siya ng matatandang Jeon. Tumayo sila ni Callum upang batiin ang mga ito, gano'n din si Blue, Ichan at Jun.
"Take a seat," sabi ng Lola ni Callum sa tatlo.
Ngumiti ang mga ito at sinunod ang utos. Ang dalawa naman ay hinarap ang mag-asawa at binati ang mga ito.
"I'm so happy that you're able to attend our anniversary, Nicolette." She smiled.
"Thank you for inviting me, Madame." She said and bowed her head a little.
The lady chuckled. "Call me Lola, hija." She replied. "Mabuti nga at um-agree ka, kung hindi talaga ay mawawalan ng mana itong si Antonio."
Nagtawanan ang apat kahit na kinakabahan pa rin si Cole. Nasa tabi n'ya lang naman 'yung ghinost n'ya kaya sino'ng hindi kakabahan?!
"Sana ay maayos na ninyo ang hindi n'yo pagkakaunawaan," that's his Lolo. "He missed you, Cole, trust me."
Humagikhik ang tatlong nakarinig, habang si Callum ay sumimangot dahil binuking na siya ng Lolo n'ya, and Cole was smiling. Trying to hide her nervousness and the guilt.
"Lolo, balik na nga kayo roon." Sabi ni Callum dahil baka kung ano pa ang masabi nito.
Malakas na natawa ang mag-asawa bago sila iwan. Tumingin si Cole kay Callum na ngayon ay nakatingin sa kan'ya.
"Oo, miss kita. Huwag ka na maingay."
And she smirked. But that smirked isn't because she's happy, that smirk is a cover-up to the real feelings she's feeling right now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro