Unang Kabanata
sobrang busy ko sa school kaya now lang talaga ako nakapag-update, plus stress na stress na ako dahil sa school works kaya eto, nag-breathe muna ako by writing kasi wala na talagang ano pumapasok sa isip ko. I hope you like this.
UNANG KABANATA
I PACKED the stuff I will be needing in my so called finding myself, or in other words, road trip. Yes, nakapag-decide na ako kung anong gagawin ko sa kinuha kong 'indefinite leave'. I will go in a road trip para hanapin ang sarili ko. Gusto kong malaman kung saan ako magiging masaya? Pwes kaylangan ko munang kilalanin ang sarili ko kasi hindi ko magagawa yung nagpapasaya sa'kin kung parang estranghero ako sa sarili ko.
Nilagay ko lahat ng gamit sa likod ng sasakyan. May takip naman sa ibabaw ito kaya hindi rin mananakaw if ever. Inayos ko ang paglalagay ng tent, carry on gas stove pati na din gas na maliit. Mayroon ding mga gamit sa panghu-hunt at kung ano-ano pa. Miski ilang bag ko ng damit ay nasa likod para hindi siksikan sa backseat. Nang mayari ako ay tinakpan ko na 'to.
Pagka-lock ko ng gate ay binigyan ko ng panghuling tingin ang bahay ko. "Babalik din ako, my loves. Hahanapin lang ni Mommy ang sarili niya," pagka-usap ko dito.
Ngumiti ako saka sumakay ng kotse. Ikinabit ko sa Bluetooth ang bagong bili kong phone at saka inilagay sa youtube para makinig sa music. Tapos no'n ay sinuot ko ang sunglasses ko at binuhay ang kotse para maka-alis na. Bumusina ako ng isang beses para magpa-alam sa mag-asawang nasa garden na kapit-bahay ko.
I really hope na maging okay ang road trip na 'to.
PROVINCE of Bulacan.
Nag-park ako sa gilid ng expressway at tumingin sa paligid. Andito na talaga ako sa Bulacan. Hindi pa ko nakakapag-stay ng matagal sa lugar na 'to dahil na din sa schedule ko sa work. Sumakay ako ng kotse pagkatapos ng ilang minuto. Nag-drive na ko papunta sa pinakamalapit na Mall kasi kumukulo na din ang sikmura ko. I didn't eat breakfast, even coffee hindi ako uminom.
Nakarating naman ako sa Robinsons Malolos.
Ipinark ko sa second floor parking lot ang kotse ko, then, pumasok na ko sa loob. Binati ako ng guard na tinanguan ko naman. Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Nagugutom na ko. Hinahanap ng mata ko ang mga kainan pero wala sa second floor. Lumapit ako sa may escalator, sumakay at nagpa-dala sa pagbaba. Sa first floor ko natagpuan ang iba't ibang kainan. Umirap ako.
Saan naman ako kakain? Tanong ko sa sarili ko kasi habang naglalakad ako ay madami rin akong nadadaanang pwede kong kainan pero wala akong mapili. Para akong nananawa na ewan.
Lumakad ako papunta sa Max's Restaurant. Pumasok ako sa loob. Buti na lang at walang masyadong tao kaya nakahanap ako ng magandang pwesto. Sa tabi ako ng bintana sa pinaka dulo ng lugar umupo. Inabot ko ang menu sa table. Tumingin-tingin ako ng pagkaing pwede kong kainin.
If I remember it correctly, ito yung unang beses na kakain ako sa ganitong place without my family. Madalas kasi ay nasa mga fast food chains lang kami na medyo nakakaluwag sa bulsa. Kung kakain kami o ako sa ganito dapat ay may okasyon muna o kaya importanteng bagay, kaya medyo natutuwa ako kasi nakakain na kong mag-isa sa ganito.
Habang naghihintay ng order ko'y kinuha ko muna ang cellphone ko sa bag. Nakapatay ang cellphone ko na may sim, samantalang yung isang wala ay bukas dahil ginagamit ko 'to as my map and for entertainment purposes na din. I was looking at my phone and thinking if bubuksan ko ba 'to or hindi muna, if I do open this I'm sure hindi ako titigilan nila Mama and if not, tahimik akong makakapag-road trip.
Yeah, maybe, huwag muna ngayon. I'm sure alam nilang hindi ko pababayaan ang sarili ko.
Tinago ko na lang ulit ang luma kong phone bago ko binuksan ang isa. Nag-take ako ng maraming selfies at picture ng lugar para may maipang-post sa social media pagkatapos.
Dumating na rin naman ang order ko. Ngumiti ako sa waiter at nagpasalamat.
I looked at it.
Filipino foods lang din naman ang binili ko because I suddenly crave for this kind of dishes. Matagal na rin simula ng makakain ako neto eh.
I ordered Kare-kare, Sinigang na Hipon, Pinaputok na bangus, chopsuey and Large Crispy pata. I know it's a lot pero kasi I never did this before. If mago-order kami palaging gusto ng pamilya ko yung kinukuha ko. I will eat whatever they wanted to kasi gusto ko masaya sila. And sa pago-order ko ng mga 'to parang may kung anong ginagawa sa loob ko. Basta magaan sa feeling, hindi ko maintindihan.
Kinuhanan ko rin ng picture ang foods na in-order ko para may remembrance ako na kahit minsan nakaya ko at nakain ko ang gusto kong pagkain.
Nung unang subo ko ay nahihiya pa ko, kasi syempre, kitang-kita ako sa may bintana. Baka mamaya may mag-picture sa'kin tapos i-post sa facebook with caption na "Patay-gutom natagpuan sa Max's Restaurant." Hindi ba nakakahiya naman 'yon? Pero habang tumatagal, naging kalmado na rin ang pakiramdam ko. Naging kumportable rin ako sa pagkain.
Hindi ko alam kung gutom na gutom lang ba ko o sadyang masarap lang 'yung pagkain sa Max's dahil halos maubos ko na lahat ng order ko. Ang buong akala ko pa naman hindi ko mapapangalahati pero mali pala ako. Sobrang laki na ng tiyan ko pagtayo ko.
"Sobrang busog!" may halong reklamong sabi ko.
Inabot ko ang bag ko saka ako naglakad palabas. Nagbayad naman ako kanina bago umalis. Baka mamaya maging instant wanted ako, eh.
Infernes naman dito sa Robinsons ng Malolos, may pa-basketball court sila sa gitna tapos mayroon ding stage. Ano kaya purpose no'n? Pageant? Naglakad ako palapit sa ice cream parlor. Para akong naglaway. Masarap naman kasi ang malamig ngayong panahon, medyo mainit na din—No, Ada! Hindi ka muna bibili! Mamaya na. kaya ka nga naglalakad para pababain 'yang kinain mo tapos bibili ka na naman.
Nagsawa lang akong magtitingin sa first floor kaya nagpunta ako sa second floor. Doon, nakakita ako ng mga damit pero wala akong nagustuhan kasi puro luma yung design and stock. Sa iba na lang siguro ako bibili.
Napadaan ako sa Supermarket kaya naman pumasok na ko sa loob. Kumuha ako ng cart at nag-umpisang maglakad sa loob. Kumuha ako ng mga kakaylanganin ko sa byahe ko. 'Yung sapat lang muna na pang-isang lingo ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng napkin para sa buwanang dalaw ko nang may tumikhim sa gilid ko. Lumingon ako. Tinaasan ko ng kilay ang lalaki. Ngumiti siya sa'kin.
"Ahm... pwede bang magtanong?" anito.
Umirap ako. "Nagtatanong ka na," I don't want to sound rude but that's the truth.
Kita ko ang pagkamot ng lalaki sa ulo niya. "I know...itatanong ko lang sana kung anong mas magandang ipagamit sa babae. Yung w-with wings ba o w-wala?" sobrang pula ng mukha nito.
Lihim akong napangiti. Ang sweet naman niya. Para siguro sa girlfriend niya. Tumingin ako sa aisle, hinanap ko ang magandang brand para sa'kin at inabot sa kanya ito. May wings na din ang kinuha ko.
"Mas maganda yung with wings para hindi tumatabingi. Tapos..." nag-squat ako para makuha yung panty liner na nasa pinaka-ilalim. Inabot ko din sa lalaki iyon. "Pagamit mo din yan kasi minsan mahina lang para hindi uncomfortable," ani ko.
Tumatango-tango ang lalaki na para bang sobra siyang nakikinig sa'kin.
Nginitian niya ako. "Thank you dito, Miss!"
Gumanti ako ng ngiti sa kanya at saka tinulak ang cart ko paalis nang bigla akong napahawak sa ulo ko dahil sa biglaang pagkaliyo. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Mabuti na namang at nakahawak ako sa cart kung hindi ay baka nabaldog na ko. Umiling ako. Kakakain ko lang nahihilo na agad ako. Ano 'yon? Sobra-sobra sa pagkain?
Hay. Tinapos ko na lang ang pamimili ko kahit may hindi pa ko nabibili para makapagpahinga. Nagbayad ako sa cashier agad tapos dumeretso na do'n sa kotse ko. Lumabas na ko ng Robinson's, pinuntahan ko agad ang kotse ko. Binuksan ko ang pinto ng backseat at inilagay ang mga pagakin ko do'n tapos sinarado at pumasok sa may driver seat. Binuhay ko muna ang makina ng kotse para gumana ang AC tapos isinandal ko ang ulo ko sa head rest.
Napahikab ako. Shit. Dahil sa puyat kaya ako muntik mabuwal kanina. Tiningnan ko ang relos ko. Alas tres na pala ng hapon. Minabuti ko na lang na mag-drive paalis do'n, tapos ay naghanap ako ng pwede kong pag-park-an na medyo hindi mainit para doon makapagpahinga. Nang makakita ako ng isang malawak na palayan ay huminto ako. Nag-park ako sa ilalim ng puno at saka binuksan ang bintana ng kotse ko sa magkabilang gilid.
Pinatay ko ang makina at kinuha ang portable fan ko, inilagay ko 'yon sa may salamin at tinutok sa'kin.
Luminga-linga ako sa paligid bago kumampante. Pumikit ako para makapagpaghinga. Hindi ko na namalayang dinala na ko ng malamig na hangin at pagod ko.
Nagising na lang ako na pinapapak na ng lamok ang braso't mga hita ko. Kinamot ko ang noo ko saka tumingin sa labas. Andaming mga dumadaang sasakyan na mukhang nagmamadali sa para maka-uwi sa kanya-kanya nilang bahay. Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko ang relos ko. Napamura ako sa isipan. Alas diez na pala ng gabi. Kaya rin pala kumukulo na ang tiyan ko.
Inayos ko ang hitsura ko. Naglagay ako ng pampapula ng labi para maiwasan ang pamumutla nito, tapos ay nag-drive na ko paalis. Maghahanap muna ako ng lugar kung saan pwedeng kumain dahil nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. Nabalik ako sa sentro ng Malolos. Wala akong masyadong makitang makainan dito kundi Mcdo, Jollibee at kung ano-ano pang mga fast food na madaling makita.. Sinubukan kong mag-ilang ulit pa rin akong umikot hanggang sa napunta ako sa bagong tayong Malolos City Hall.
Binaba ko ang bintana sa may passenger seat at sumilip sa labas. Puno ng liwanag ang lugar at rinig na rinig ko ang ingay na nanggagaling doon.
Tiningnan ko ang ilan kong gamit sa shoulder bag. Nakita ko namang kumpleto kaya inabot ko ito at inilagay sa hita ko. Sinarado ko ulit ang pinto.
Titingnan ko kung anong meron sa lugar na 'yon, kapag wala akong nakitang makakainan maghahahanap na lang ako ng hotel kung saan pwedeng mag-stay at kumain.
Bumaba ako. Hindi ko pa man naisasarado ang pinto ay may pumito na sa gilid. Napatigil ako sa paglo-lock ng kotse at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog. Nakita ko ang isang enforcer? Nakatayo sa gilid at nakatingin sa'kin.
"Ano hong problema?" magalang kong tanong.
Nilapitan niya ako. "Ine, bawal po dito ang parking ng kotse. Pang-motor lang pwede dito. Doon ho kayo sa likod," anito saka tinuro ang isang side. Sinundan ko naman ng tingin ang daliri nito. Oo nga. Mukhang mali ako nang napag-park-an. Binalingan ko ang lalaki at tipid ko siyang nginitian.
"Salamat po."
Walang sinabi ang lalaki basta tumango lang. Ako naman ay sumakay na sa kotse ko saka nag-drive papuntang parking area. Sa malapit sa exit ako nag-park para hindi na ako mahirapan mamaya pag-alis ko. Bumaba ako at ni-lock 'to saka ako pumasok sa convention.
Usok, malakas at iba't ibang ingay, maraming tao. Iyana ng bumungad sa'kin.
Napahaplos ako sa buhok ko. "Kaya mo 'yan, Yaomi. Go lang para hindi magutom," bulong ko sa sarili ko. Pumasok na ako sa lugar, una kong naamoy ay mga bagong pitong chicken skin. Umiling ako. Ayokong sakitan ng tiyan. Gusto ko munang kumain ng heavy meal kahit konti para hindi mabigla ang tiyan ko.
Naglakad-lakad pa ako, madaming pagpipilian ng pagkain sa totoo lang pero yon ang mas lalong mahirap. Sa sobrang dami hindi na ako makapili. May heavy meals tulad ng gusto ko, may mga nagtitinda ng goto, burgers, salads, and iba pa. Huminto na lang ako sa tapat ng nagtitinda ng inihaw.
"Ano iyo, Ine?" tanong ng tindera.
Tumingin ako sa tarpaulins kung saan nakalagay yung mga tinda nila tapos no'n ay tumingin ako sa ale.
"Ahm... isang order nga po ng lechon kawali, tapos samahan niyo na rin po ng inihaw na mais, inihaw na manok din po half lang din," magalang kong sagot.
"Okay. Dine ba o take out?"
Hindi agad ako nakasagot. Lumagpas sa balikat niya ang tingin ko. Saan naman ako kakain dito kung magdi-dine in ako? Nabasa yata ng ale ang nasa isip ko kaya tumawa ito ng mahina bago itinuro ang gilid kung saan may mga upuan at lamesa.
"Doon ka kakain, Ine, may pwesto. Wag kang mag-alala."
"Ahh... osige po. Dine in na po," sagot ko at saka tumingin sa paligid. Parang gusto ko ng milk tea. Tiningnan ko ang tindera. "Ahm... saglit lang po ah. Paki-ready na po yung order ko. Bibili lang po akong milk tea dun." Tinuro ko ang katabi nilang pwesto.
Nakaka-intinding tumango ito. "Sige. Sige. Balik ka, Ine ha," aniya pa.
Hindi na ako sumagot at lumakad na papunta sa bilihan ng milk tea. Tumingin din ako sa tarpaulin ng mga ito at namili ng bibilhin.
"Ano pong sa'yo?" tanong ng babaeng nagtitinda.
"Isang extra large na matcha with cream cheese. Please add pearls too and one medium size of cookies and cream," ani ko.
"Yun lang po ba?"
"Yes." Nang tingnan ko ang babae at busy na ito sa pag-aayos ng orders ko. Tumingala ako. Sobrang dilim ng langit kaya naman kitang-kita mo ang nagkikislapang mga bitwin at buwan. Biglang umihip ang malamig na hangin. Niyakap ko ang sarili ko at hindi sadyang napatingin sa gilid ko. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo ng ilang dipa sa'kin.
Ang maayos na tibok ng puso ko kanina ay naging mabilis naman ngayon. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil sa suot niyang cap pero ramdam ko ang mainit niyang tingin sa'kin. Napalunok ako. Parang nakita ko na siya noon, hindi ko nga lang alam kung saan.
Pilit kong inaalala kung saan pero nawala lahat ng iyon nang may malamig na kamay na humawak sa'kin.
Napa-igtad ako sabay lingon.
Nagulat din ang tindera sa'kin.
"Ate! Eto po 'yung order mo!" anito na halatang gulat din sa boses.
Napatakip ako sa bibig ko. Ikinalma ko muna ang sarili ko bago kumuha ng pambayad sa wallet ko.
"S-sorry. Hindi ko sinasadya," mabilis kong sabi bago tumingin muli sa pwesto ng lalaki kanina pero wala na ito doon.
Saan kaya siya nagpunta? Umalis na ba? Iginala ko pa ang mata ko sa paligid dahil baka makita ko pa siya pero wala na talaga. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kinuha ko ang sukli ko at bumalik sa binilhan ko ng pagkain kanina.
Habang kumakain ay hindi mawala sa isip ko ang lalaki. Sinubukan ko ulit alalahanin kung saan ko siya nakita o nakilala kasi sobrang pamilyar sa'kin ng bulto ng katawan niya. Nakatrabaho ko na ba siya dati? Nakasama sa retreat? Naka-match sa bumble o tinder? Gosh! Hindi ko alam! Wala akong maalala! Mas nagtataka ako bakit hindi ko maalis sa isip ko ang lalaking 'yon kahit oras na ang lumipas simula ng makita ko siya.
Hindi ko tuloy masyadong na-enjoy ang paglilibot ko sa convention kasi pasimple pa rin siyang hinahanap ng mga mata ko. Nagbabakasakaling baka nasa tabi-tabi lang siya at makikita ko rin pero natapos na ang gabi ay hindi na siya dumaan sa paningin ko.
"Who are you?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro