Ikalawang Kabanata
hello! I'm baaaaaaack! Not back-back but andito na ako ulit. Semester is almost finish, dalawang gawain na lang and I'm free until matapos ang christmas break, lovessss! I misss you so muchhhh! Na-miss ko magsulat and now, here is the updattttte!!!!
I hope ma-enjoy niyo 'to katulad ng pagka-enjoy ko sa pagsusulat, loves.
--------------
IKALAWANGKABANATA
I JUST thought, ten years from now. Kapag napagtapos ko ang mga kapatid ko, napagawaan ko ng bahay ang mga magulang ko. Naging successful ako sa buhay magiging masaya kaya ako? If I didn't took this risk, mararanasan ko kaya lahat ng 'to? If nag-wait ba ko sa 'right time' na sinasabi ng madaming tao magiging masaya pa rin ako sa huli?
Hindi ko alam ang sagot. Maybe yes, maybe no. But you know what is more important? To make a choice. To live your life according to your likings. To take a risk. Kasi at the end of the end, ikaw at ikaw pa rin naman ang makakapag-sabi sa sarili mo kung naging masaya ka ba o hindi. Ikaw pa rin naman ang magdadala ng mga panghihinayang at kasiyahan niyan. So, make every memories counts. Be happy, enjoy and make it more memorable.
Nakangiti ako nang pindutin ko ang post button sa kanang bahagi ng screen.
I'm having my breakfast at McDonalds near Bulacan State University Main Campus. Nag-post na ako sa aking blog ng mga ginawa ko kahapon as Day One ko. Hindi rin ako halos nakatulog kagabi sa paggawa ng itinerary para sa gagawin kong road trip na 'to. How funny, right? Nasa galaan na ko ng gumawa ako nito. Kasi naman what I did is biglaan. Basta ang sabi ko magpupunta ako sa kung saan ko gusto, tapos I just realized na dapat pala when you are traveling alone you do an itinerary para alam mo kung saan ka magpupunta.
Kaya eto ginagawa ko na siya ngayon kasi seryoso talaga ako sa road trip na 'to. I want to know myself better kasi. Pupunta ako ng Pampanga sa susunod na araw kapag ka nakalibot na ko. Ang first stop ko ngayon ay ang Our Lady of Mt. Carmel Parish – Barasoain Church, after that I will try to go in some Mountains dito para mag-camping if keri pero kung hindi, aalis na ako.
Humigop ako ng McCafe, then pumiraso ako sa pancake na ko. Tumingin ako sa labas ng bintana. Almost six o'clock pa lang pero dagsa na agad ang mga taong kaylangang pumasok sa school at trabaho. Buti nga hindi pa clouded dito sa loob kundi hindi ako makakapag-isip ng maayos kapag maingay. Huminto ako sa pagkain nang tumunog ang cellphone ko.
Dahil hindi ko pa nga binubuksan ang isa kong phone ang gamit ko muna ay yung bago. Gumawa lang ako ng dump account ko kung saan pwede akong mag-post ng gusto ko na hindi ako matre-trace ng pamilya ko. Of course, bago rin ang gamit kong sim card kaya nakakapagtakang may nagme-message sa'kin.
Pagdampot ko ng phone ay bumungad sa'kin ang isang notification galing email. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Sino naman kaya 'to? Binuksan ko 'to at binasa ang nakalagay pero wala naman. Galing sa isang [email protected] pero wala namang laman ang message nito. Sumimangot ako. I'm using my old email pero hindi ko kilala ang taong 'to. Umiling ako.
Baka prank lang ang mga tao pa naman ngayon napakahilig sa prank tapos minsan may virus pang kasama. I relish my breakfast, hindi nagmamadali, hindi rin naman sobrang bagal. Nasa kaayusan lang. Ang saya pala ng ganito. Yung hindi ka nagmamadali dahil male-late ka na sa ginagawa mo. Ikaw ang boss mo.
Noon kasi bawal ang ma-late dahil kapag late may kaltas na sa sweldo o kaya naman may warning na. Eh, sino ba namang gustong magkaroon ng warning o kaltas. Kaya sobrang aga kong gumigising kahit late na nakatulog para lang makapasok ng hindi late. Extra effort pa kasi minsan traffic sa daan so dapat hindi ako matapat do'n, di ba.
Hindi lang government ang fuck up dito sa Pilipinas, pati mga kalsada nila and public transportation nila. I mean, I keep seeing men working sa kalsada dito. Curious tuloy ako. Palagi bang sira ang kalsada sa Bulacan? Andaming lubak ang sakit lang sa pang-upo.
Inubos ko ang natitira kong pagkain sa plato. Uminom ako ng tubig at saka pinagpatong-patong ang ginamit ko sa may tray saka inilagay siya sa tabi. I always do that kahit na yung old co-workers ko tinatawanan ako. Kasi naman daw may mga waiter para do'n. But a little help won't kill, right? Everybody is having their bad day, hindi masamang iligpit natin ang pinagkainan natin sa fast food.
Lumabas ako ng Mcdo at naglakad papuntang parking lot. Sumakay ako sa kotse ko at nag-drive, naghahanap ng hotel kung saan pwedeng makapagpalit ng damit at makapagpahinga ng kaunti. I still need a shower.
Nakarating ako sa Zayle Hotel. Dumito na lang ako kesa lumayo pa. I went to parking lot to park my car and then lumabas ako dala ang mga importanteng gamit ko and some clothes. Nilapitan ko agad ang receptionist at nag-book ng room for five hours just to make sure I have all the time to rest. I pay, then go to my room.
Sumakay ako sa elevator at sumandal sa panels at pumikit after kong pindutin kung saan akong floor. I waited patiently hanggang sa makarating doon. Lumabas ako at hinanap ang kwarto ko, then I went inside just to lay down to the bed.
I try to sleep but my mind keeps on telling me something . . . pero hindi ko naman maalala kaya instead na mag-stay at mabaliw kaka-isip, pumasok na lang ako sa banyo para maligo. Paglabas ko'y saka ko lamang napagmasdan ng mabuti ang kwarto ko.
There's a queen size bed in the middle, two side tables, a small coffee table near the sliding door and a flat screen TV. There's also cabinet in front of the bathroom door. This is a decent room.
I turn on the TV and watch some movies from internet. Maghahanap na lang siguro ako ng pagkakaabalahan dahil hindi naman na ako inaantok. Habang palipat-lipat ako ng channel ay biglang humangin ng malakas na ikinataas ng balahibo ko sa leeg. Napalingon ako. Tiningnan ko ang sliding door. It's opened!
Dinamba ng kaba ang dibdib ko dahil hindi ko naman binuksan ang sliding door kanina papunta veranda. Napalunok akong tumayo saka lumapit, inangat ko ang remote para gawing sandata kung sakaling may tao nga don. Pero ng hawiin ko ang kurtina ay sinalubong lang ako ng usok galing sa mga kotse.
I checked the other sides and pati itaas na veranda kung may tao pero wala namang. Mukha wala ngang umuokopa. Napahawak ako sa sentido ko. Maybe I becoming a paranoid? Huminga ako ng malalim saka binaba ang kamay. Naglakad ako papasok ng kwarto at sinarado ang sliding door. I make sure na naka-lock siya para hindi ako kabahan mamaya.
Instead of sleeping and watching TV. Nag-ayos na lang ako ng gagamitin ko at nag-connect sa internet ng hotel. I put my earphones sa magkabilang tenga ko saka humiga sa kama. Nakatitig ako sa kisame habang nakikinig ng music.
Huminga ako ng malalim at dinama ang bawat kanta . . . hindi ko alam pero parang may nakayapos sa 'kin na nagpatulo sa mga luha ko.
*******
Barasoain Church
Barasoain came from the term "Baras ng Suwail" which means "sinew of the unconquerable." Ang Barasoain daw ay lugar ng mga Nationalistic Filipino na lumabas sa mga mananakop upang mapalaya ang bansa noon.
Ang church na 'to ang nagsilbing site ng Malolos Congress, the first congress noong 1898.
Napangiti ako habang kumukuha ng pictures sa paligid. Nakakatuwang kahit pala hindi sabado o linggo ay maraming taong dumadayo rito para magsimba. Kung pagsasama-samahin siguro ang magkakalayong tao ngayon ay nasa kalahati rin sila.
Sinaunang-sinauna ang dating ng simbahan, sabagay, matagal na nga naman ito. Naging saksi siya sa pagdaan ng panahon at nananatiling matatag.
Lumakad ako papunta sa isang upuan at umupo. Tumingin ako sa harapan kung nasaan ang altar. Huminga ako ng malalim bago lumuhod at pumikit ng mariin para magdasal.
Diyos ko . . . alam kong hindi naman po ako mabuting tao. Nagkakasala rin po ako, pero sana . . . bigyan niyo ko ng sagot kung bakit ganito po ang nararamdaman ko. Bigyan niyo ko ng gabay sa gagawin kong 'to.
Nahihirapan po ako . . . parang may bagay akong kaylangang arukin na hindi ko malaman kung ano. Hindi ko alam kung ano yung kulang sa 'kin. Kung bakit hanggang ngayon parang wasak po ako.
Tulungan niyo ko, God. Please . . . nahihirapan na po ako—
Naputol ang pagdadasal ko ng may maramdaman akong tumabi sa 'kin. Dinilat ko ang kaliwang mata ko para tingnan kung sino 'yon. Umawang ang labi ko dahil sa pagkagulat. Yung lalaking nagtanong sa 'kin kahapon about napkins.
Naramdaman niya yatang may nakatingin sa kanya kaya napalingon siya sa 'kin. Parang nalaglag ang puso ko ng ngitian niya ako.
Oh shet! Sorry po sa pagmumura, Lord. Bakit ba ganito kabilis ang tibok ng puso ko?!
Tipid akong gumanti ng ngiti saka nagpatuloy sa pagdadasal. Sobrang kabog ng dibdib ko. Mas lalong nagwala ang mga paru-paru sa tiyan ko ng tumabi ito sa 'kin sa pagluhod. Hoy, Yaomi! Ano ka hindi nakakakita ng lalake?! Baka may girlfriend na 'yan!
Dahil sa nararamdaman ay naging uneasy ang pakiramdam ko. Kinakapos ako ng hingina. Mabilis akong tumayo at nag-sign of the cross bago lumabas ng simbahan. Nang malayo-layo na ako ay doon lang ako nakahinga. Tumingin ako sa loob, nakaluhod pa rin 'yung lalake. Hays, ikaw lang nag-iisip ng kung ano, Yaomi. Kakaloka ka.
Pero what a coincidence, ha, this is the second time we met. Ang dalang ng ganoon.
Napa-iling ako sa sarili ko. Para mabaling sa iba ang atensyon ay kinuhanan ko na lang ng picture ang labas ng simbahan. Napangiti ako ng makita kung gaano ito kaganda. Napawi ang ngiti ko ng kumirot ang ulo ko. Napahawak ako sa sentido ko.
Kulang na naman siguro ako sa tulog kaya inaantake ako ng migraine. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa may upuan. Ipapahinga ko lang 'to sandali bago ako mag-drive papunta sa Norzagaray, Bulacan.
"Okay ka lang?"
Napadilat ako sa nagsalita na agad hinanap ng mga mata ko. Sinalubong ako ng itim na mga mata.
"Ha?"
Tumawa siya ng mahina. "Ang sabi ko okay ka lang ba? Mukha ka kasing may sakit," puna niya habang nakaturo sa 'kin.
Napakagat ako sa labi ko. Nakakahiya! Mukha akong may sakit?!
"Ahh . . . medyo nahihilo lang," mahina kong sagot.
Tumango siya saka nag-abot ng tubig sa 'kin. Kinunutan ko siya ng noo. Nagtatanong akong tumingin sa kanya. Inilingan ako ng lalaki, siya na ang nagbukas ng bottled water saka niya kinuha sa 'kin ang kamay ko para ipahawak ang tubig.
"Drink. Baka mamaya hindi ka nag-iinom ng tubig kaya ka nahihilo. Ang init pa naman ngayon," aniya na may halong panenermon. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko pero bago pa ko makapagsalita ay naunahan niya ako.
"Don't be hard-headed, woman. Drink. Walang lason 'yan para umayos na rin ang pakiramdam mo," anito.
Inirapan ko siya kesa makipagtalo. Uminom ako sa tubig na ibinigay niya. Nakaramdam naman ako ng ginhawa sa malamig na tubig.
"Thank you," labas sa ilong kong pasasalamat pero ang loko ay matamis lang akong nginitian.
"Welcome. Pero next time bring your own, okay? Para hindi ka nauuhaw," paalala niya.
Tumaas ang isang kilay ko. "Grabe kang magpaalala, Kuya. Para kang nanay ko," hindi ko maiwasang masabi.
Mahinang tumawa ang lalaki. "Shit. Did you just call me Kuya?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Nag-aalangang akong tumango. "Oo. Malay ko ba kung ilang taon ka na. Saka masama bang rumespeto?" Inirapan ko siya.
"Well, hindi naman katandaan pero malapit na akong lumagpas ng kalendaryo. I'm twenty-nine years old. Ikaw?"
Namilog ang mga mata ko. Tiningnan kong mabuti ang mukha nito. He has a baby face. Thin lips and pointy nose. Makapal ang kilay niya. Ang mga mata naman nito ay medyo bilugan na kulay itim. Palagi pang nakangiti o kaya tawa kaya mas lalong nakaka-gwapo kapag ngumingiti siya.
He doesn't look like twenty-nine.
Well, he is two years older than me.
"I'm twenty-seven."
"Hmm . . . I'm Irshad Allen Valiente, what's your name?" Naglahad siya ng palad sa harapan ko. Tiningnan ko muna ang kamay niya bago umangat sa mukha nito.
"I'm Yaomi Alarcon." Tinanggap ko ang palad niya. I feel electricity na dumaloy sa kamay ko. Gulat kong binawi 'yon.
Nginitian ako ng lalaki. "We're not strangers na. Can I sit?" Tukoy niya sa pwesto sa tabi ko. Tumango ako. Lumakad palapit doon ang lalaki saka umupo.
"You are the girl in the supermarket, right?"
"Yes. Ikaw naman yung guy na nag-ask about sa sanitary napkin. Is that for you girlfriend?"
Umiling siya sa 'kin. "Nah, I don't have a girlfriend. Para 'yon sa girl na nakasalubong ko. I think it's her first time having a period, and I know how hard it is kasi tinuturuan ako before ni Mommy para raw may alam ako."
Amaze akong nakatingin sa kanya. Is that true na tinuruan siya? I mean . . . mothers don't let their baby boys na may malaman tungkol do'n dahil baka mauwi sa pagiging gay daw.
Nginsihan niya ako. "Why, don't believe me?"
Tumango ako at kinagat ang pag-ibabang labi ko bago siya sinagot.
"Kasi naman hindi kapani-paniwalang tuturuan ka ng Mama mo para lang may alam ka. Why don't you say the truth?" Ang lalang trust issue niyan.
"I'm saying the truth. Only child kasi ako, hindi pinalad sina Mom na magkaroon ng anak na babae kaya sinabi niyang she will make me a worthy man para sa babaeng mamahalin ko para raw maka-attract ako ng magagandang babae," natatawang sagot nito.
Hindi ko na nagawang magsalita pa. May gano'n pa lang magulang. I salute her mom for doing it. Pero hindi ako maniniwala sa sabi-sabi lang lalo na niya. Gusto kong ako ang mag-judge doon.
"So, bakit ka nandito? Nagbabakasyon ka?" tanong ng lalaki pagkaraan ng mahabang oras.
"Yes. Ikaw din?"
Tumango siya. "Yeah. I'm actually travelling. Balak kong magpunta ng Ilocos Norte."
"Ahh . . ." tumango ako. "Maganda roon. That's my last destination, too." What a coincidence.
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay pareho kaming natahimik na dalawa. Tumingin ako sa paligid. Walang katao-tao, hindi katulad kanina maraming taong naglalakad dito. Pinagkibit balikat ko 'yon at saka uminom ng tubig bago tumingin sa lalaki at tumayo. Ngumiti ako sa kanya.
"Thank you sa tubig." Tinaas ko ang walang lamang bote. "Mauuna na ako. May lakad pa kasi ako ngayon. Salamat and ingat ka," paalam ko.
Tumayo ang lalaki at ngumiti sa 'kin. "Walang anuman. Sure ka na bang okay ka na?"
"Yap. Hundred percent. Salamat," paninigurado ko.
Tumango siya. "Okay. Mag-ingat ka."
Tinanguan ko siya saka nag-wave ng maikli bago tumalikod. Habang humahakbang ako palayo, parang bumibigat ang mga hakbang ko. Napahinto ako. Hinawakan ko ang tapat ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang ginagawa mo puso ka!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro