Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Christmas Eve..

Uuwi si Meng sa Bulacan para doon magdiwang ng Noche Buena..

Hindi pa tumatawag si RJ kay Meng dahil nagpunta ito kasama ang pamilya sa Cebu.. Naiintindihan naman iyon ni Meng dahil bago pa man sila magkabalikan ay plano na ng pamilya ni RJ na dun magpasko.

Malungkot si Meng pero nandun naman ang pamilya niya... Nakapagtiis nga siya ng anim na buwan wala si Rj sa tabi niya e yun dalawang araw pa na wala ito..

Bago mag alas Dose ay tumawag si RJ at binati si Meng  ng Merry Christmas..

Binalita nito na sa December 26 pa ang uwi nila mula Cebu.. Nagkwentuhan sila ng konti at nagpaalam din agad si RJ dahil kakain na sila.. Tatawag na lang daw uli ito pagkatapos ng Noche Buena..

Naghintay si Meng sa tawag ni Rj ngunit nalimutan na ata nito.. Alas Tres na ng madalingvaraw ng matulog si Meng sa kahihintay..

Sinadya ni RJ na huwag tawagan si Meng kahit gustong gusto niya.. Hindi siya magpapahalata na magpropropose na siya dito..

Christmas Day

Nagsimba ang pamilya Mendoza, dahil araw ito ng Pasko.  Pagkatapos ay nanood sila ng sine, ang Daddy Kong Hoodlum..

Hinihintay pa rin ni Meng ang tawag ni Rj ngunit hindi ito nakatawag.. Gabi na ng tumawag ito, alas Diyes na nun.. patulog na si Meng..

Medyo naiinis si Meng pero pinili nya na wag ipahalata kay RJ ito.. ngunit halata pa rin na may inis sa boses niya dahil oo o hindi lang sagot niya sa tanong ni Rj.. Nagpaalam si Meng na matutulog na kahit nagkukwento pa si Rj.. Gusto niyang gantihan ito sa pagbabalewala sa kanya..

Alam ni Rj kung bakit nagkakaganun si Meng, sinasadya naman niya talaga yun e. Gusto kase niya na wag makahalata si Meng kahit nagdurugo ang puso nya kapagdinededma niya ito.. Konting panahon na lamang, bago pumasok ang taon, sasabihin na niya..

End of Chapter

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro