Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Opening ng Eat Bulaga..

Mga kasama sa production number, sila Ryzza at Baste, Pia,  Julia at Patty, at ang Finale ay si Rj kasama si Meng..

Hindi nila alam na sila ay magkapartner sa sayaw..

Nagulat na lang silang dalawa dahil nun nagpraktis si Meng nun umaga sa barangay, at si Rj sa Broadway..

Ngunit the show must go on.. kailangan nilang umakting ng parang walang nangyari..

Naghiyawan ang mga tao dahil di nila inakala na magkasama muli ang Aldub..

Matagal namiss ng mga fans ang samahan ng AlDub..

Kagulo na naman sa Twitter at Facebook..

Nagbalik na ang prinsesa ng GMA..

Nairaos nila ang sayaw  ng walang problema.. pagkatapos ng opening prod ay bumalik agad si Meng sa dressing room niya.. Hindi niya kinausap o kinamusta si RJ..

Para saan pa? Tapos na ang lahat sa kanila..

Nagpapalit siya ng damit sa CR ng pumasok si RJ sa dressing room niya.. Nakiusap si Rj kala Pat at sa lahat ng staff ni Meng na iwan muna sila..

Walang kamalay-malay si Meng na sila na lang pala ni RJ ang nasa kwarto.. Nilock ni Rj ang pintuan at pinakiusapan sila Pat na magbantay sa labas.. Mag-uusap lang sila ng masinsinan..

Paglabas ni Meng sa CR ay nagulat siya dahil nasa loob ng dressing room si Rj.. Wala sila Pat..

Anong ginagawa mo dito? - Meng

Mag-usap tayo! -Rj

Wala tayong dapat pag-usapan..
Rj, ayokong makipag-away sayo! - Meng

Hindi tayo nag-aaway! Gusto ko lang malaman, Mahal mo pa ba ako? - RJ

Anong klaseng tanong yan?- Meng

Balewala na ba ako sayo? Umalis ka ng walang paalam..
Ni hindi mo ko pinakinggan nun nagtatalo tayo! Minahal mo ba talaga ako?
-RJ

Ang kapal mo naman sabihin na hindi kita minahal.. Minahal kita kahit hindi mo ko pinahalagahan..  Napakaliit ng tingin mo sa akin.. - Meng

Ikaw ang walang tiwala sa akin.. Hindi mo ko pinaniniwalaan.. Nagdududa ka sa pagmamahal ko sayo.. ang sakit sakit nun iniwan mo ako..
Halos di ako makakain, makatulog at makapagtrabaho.. Hindi mo ko kayang ipaglaban! Kung may mga babaeng lumalapit sa akin, susuko ka na lang ng ganun, ipapamigay mo ako? Wala ka bang tiwala sa sarili mo?
-Rj

Mahal kita, Rj! Alam mo yan.. hinintay ko na matupad mo lahat ng pangarap mo.. Hindi ko nalimutan yun pangako mo sa akin.. yun pangako mo na lumipas na ang ilang buwan ay parang naglaho na lang.. Ni hindi ako sigurado kung talagang mahal mo ako.. Nawalan ka ng time sa akin, lagi kang nasa kabarkada mo.. Ni hindi mo ko madalaw sa condo ko.. Yun pagsisimba tuwing linggo hindi na natin nagagawa.. Sige sabihin mo kung bakit hindi ako magdududa! - Meng

Sorry, hindi ko alam! Hindi ko alam na napapabayaan na pala kita.. akala ko ok lang dahil matagal na tayo.. - RJ

Kaya ako umalis noon papunta sa Singapore dahil gusto kong mamiss mo ako, pero anong ginawa mo, sumama ka pa dun sa babaeng yun!  Madaming lumabas na tsismis sa dyaryo na hindi ko na pinansin, pero hindi, talagang nagseselos ako.. alam kong kaibigan mo siya, pero buti pa siya, buti pa yun mga kaibigan mo, yun Aldenatics mo, may panahon ka, may pagpapahalaga ka!  Samantalang sa akin, para akong gamit na kung kailan mo lang kailangan at saka mo napapansin.. Minsan naiisip ko, ginagamit mo lang ako dahil yun ang gusto ng fans.. At ang totoo, hindi mo ko mahal! - Meng

Mahal kita! Huwag mong iisipin na balewala ka sa akin dahil mahal na mahal kita! Higit pa sa buhay ko! - RJ

Hindi ko nakita! Hindi ko naramdaman! - Meng

Sorry, di ko alam na napapabayaan na pala kita..Sorry! Pakinggan mo ko Meng, Mahal na Mahal kita at di magbabago yun.. Humihingi ako ng tawad sayo, Patawarin mo ko, panagko ilalaan ko lahat ng oras ko sayo simula ngayon.. ikaw lang ang Mahal ko walang iba! Please, love me again! - RJ

Iyak lang ang naisagot ni Maine sa sinabi ni RJ.. Lahat ng sakit, nanumbalik, lahat ng luha, muling bumuhos..

Niyakap ni Richard si Maine, pinaramdam dito na mahal na mahal niya pa rin ito..  Hindi siya tumigil sa pagpunas at paghalik sa mga luha ni Meng, Gusto niyang iparamdam dito na siya lang ang babaeng nais niyang mahalin.. Siya lang at walang iba..

Hindi sila lumabas sa dressing room ng hindi nagkakapatawaran at nagkakaintindihan.. Pumasok na sila Kuya Wally, kuya Jose at Kuya Paolo..

Kumpleto ang Kalye's Angels at AlDub.. Pinayuhan nila ang dalawa na Panahon ang mahalaga sa relasyon.. Mahalaga rin na walang sikreto at dapat may pagtitiwala sa bawat isa..

Nagkasundo ang dalawa at nangako si RJ na hindi na siya sasama kay Louise kapag hindi kasama si Meng.. Nais niyang mabuo muli ang tiwala nito sa kanya.. Hindi na niya kayang maulit ang paghihiwalay nila.. Masakit pala..

Ngayon alam na ni Meng na mahal siya RJ, at walang duda dun.. dapat lamang ay magtiwala siya dito at sa sarili niya.

End of Chapter

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro