Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Bakit magkasama kayo ni Louise? - si Meng

Diba tapos na yun pelikula natin, ano pa ang dahilan bakit kailangan samahan mo siya sa isang event na yun? Ano na lang sasabihin ng mga tao? Ng mga kaibigan natin? - Meng

Wala naman masama na samahan ko siya! Magkaibigan pa rin kami!
- Rj

May gusto siya sayo!
- tumataas na boses ni Meng

Nagseselos ka ng walang dahilan!
- mataas na rin boses ni RJ

Anong gusto mong palabasin?
Na wala akong tiwala sa iyo? Meron akong tiwala sayo, pero sa Louise na yun, Wala!
- Meng

Ang dumi ng utak mo! Pag-aawayan pa rin ba natin to? Lagi ka na lang naniniwala sa mga tsismis!
- Rj

At ako pa talaga madumi isip? Masama bang magbawal sayo at sabihan ka na wag ka ng sasama sa kanya dahil ayoko!
- Meng

Oo! Buhay ko ito, di pa tayo mag-asawa sinasakal mo na ako! Lagi ka na lang nagseselos kay Louise, kaibigan ko lang sya, at kahit araw-araw kami magkakita sa mga shooting, wala lang yun.. Kaibigan ko lang, ok!
- RJ

Ang galing! Hindi kita pwedeng bawalan pero ang mga suot ko, ang makakasama ko sa pelikula, ayaw mo.. Napaka-unfair naman ata nun!
- Meng

Kase ako kilala ko ang sarili ko, e ikaw, masyado kang burara dyan sa sarili mo.. kahit makitahan ka wala kang pakialam.. pati sa mga katrabaho mo kung makapagharutan ka, para kang girlfriend.. Kaya ako naghihigpit sayo!
-RJ

Grabe! Ganyan pala tingin mo sa akin! Isip bata ako, malandi at kung anu-ano pa! Ang sakit naman nun..

Hindi mo pala ako pinagkakatiwalaan.. E di lumabas din ang totoo.. Nagtitiis ka sa akin, matagal na!

Utang na loob lang ba tinatanaw mo sa akin kaya syinota mo ko?

At ngayon na natupad mo na lahat ng pangarap mo e wala na ako sayo?
-Meng

Tignan mo kung papaano ka mag-isip! Napakakitid ng utak mo! Wala naman akong sinabi na ganyan diba.. ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan!
-RJ

Oo, makitid na kung makitid, pero ngayon ko lang nalaman na ganyan pala kababa ng tingin mo sa akin!
- kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mga mata ni Meng ang mga katagang ito..

Rj, ayoko na! Maghiwalay na lang tayo.. Ayoko ng makipagtalo sayo.. Balewala lang pala ako sayo.. Ni hindi importante sayo nararamdaman ko!
-sabay talikod ni Meng at di na lumingon pa kay Rj..

Hindi na hinabol ni RJ si Meng dahil alam nya sa sarili nya na nasaktan nya ito..

Sumakay na sa kotse nya si Meng at dun ibinuhos ang lahat ng luhang pinipigilan nyang tumulo.. kasabay ng pag iyak niya ay ang pagbuhos ng ulan..

End of Chapter




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro