Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1 | Why Did Kimmy Hate Lenny?


Chapter 1

| Why did Kimmy Hate Lenny? |


Back in 2001...

Humihikab na bumaba ng hagdan ang katorse anyos na si Kimmy nang umagang iyon upang magtungo sa kusina at magtimpla ng mainit na tsokolate. Pasado alas-otso na at wala siyang planong pumasok sa school dahil naiirita siya sa bago nilang ka-klaseng lalaki na panay ang palipad-hangin sa kaniya.

She hated it when boys would go after her. Pakiramdam niya ay para siyang basura na nilalangaw.

Ayaw na ayaw niya sa lahat ay iyong hinahabol siya ng lalaki, o nililigawan, o ginu-gusto. Dahil unang-una, katorse pa lang siya at wala siyang planong mag-syota sa ganoong edad. Pangalawa, hindi niya type ang mga ka-klase niyang nanliligaw sa kaniya. Pangatlo, may crush siyang iba.

Nang maalala ang crush niya'y tumigil siya sa pagbaba ng hagdan at napangiti. Nilingon niya ang bintanang tanaw mula sa kinatatayuan at mula roon ay nakikita niya ang bahay ng pamilya Craig. Muli siyang napa-ngisi— pero saglit lang iyon dahil naisip niya na marahil ay wala na naman doon ang taong gusto niyang makita. Malamang, kasama na naman ito ng ate niya.

Doon umikot ang mga mata niya saka itinuloy ang pagbaba.

He has been crushing on Bernard Craig, o mas kilala bilang Brad —panganay na anak ni Mrs. Craig na nasa katabing bahay— for a few months now. Simula nang makita niya ito noong araw na nagpunta sila sa bahay ng mga ito para maghatid ng ulam ay hindi na ito naalis sa isip niya. The guy was hot for heaven's sake!

Of yes, she's only fourteen but she could already tell that Brad was the most handsome, sexy and perfect human being she had ever seen in her whole life. Lagi itong nakasuot ng leather jacket and faded blue jeans na halos nakayakap na sa maskuladong mga binti nito, at sa paa ay parating suot ang itim na leather boots. Oh my, kahit sinong babae ay siguradong mag-o-ovulate nang wala sa oras kapag nakita ito!

Ang kaso, si Bernard Craig ay parang malaki ang pagkakagusto sa Ate Ganda niyang si Kelly. Si Kelly na hanggang sa mga panahong iyon ay walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig. Maganda lang ito, pero manhid. Ewan ba niya roon sa isang iyon.

Nang mapasulyap siya sa portrait na nakasabit sa gilid ng hagdan at makita ang nakangiting mukha ng ate niya ay lalo siyang nanibugho.

Oh, she loved her sister— she would hurt anyone who would try to hurt her. Pero minsan ay hindi niya maiwasang mag-selos at mainggit dito.

Whilst Kelly was the classic 'maganda, meztiza, matalino at mahinhin' type of Filipina woman, siya naman ay 'cute-lang, negrita, bulakbol at bungangera'. Gusto niyang sisihin ang genes ng Papa nila dahil maiitim ang mga ito. Not that being morena was bad, it's just that she wished she also has a flawless, porcelain skin like her sister's.

Nagtuluy-tuloy siya sa pagbaba at akmang papasok na sa kusina nang mapatingin siya sa front door at makita si Kelly na papalabas pa lang. She frowned. Kadalasan ay maaga pang pumapasok ang ate niya sa school. Kung magba-bike ito patungo sa unibersidad ay malamang na ma-late ito.

Imbes na dumiretso sa kusina ay lumabas siya at sinundan ito. Sa kaniyang paglabas ay inabutan niya si Kelly na umangkas sa motorbike ni Brad sa harap ng gate ng bahay ng mga ito. Doon niya napagtantong kasabay pala nitong papasok ang lalaki. Lalo siyang nanghina. Habang lumilipas ang mga araw ay lalong nagiging malapit ang dalawa, at lalo siyang nawawalan ng pag-asa.

Anyway, mukhang mas bagay naman talaga ang mga ito. If Brad was 'the most perfect human being', Kelly was the 'prettiest and kindest woman' on Earth. Sa tingin niya ay match-made-in-heaven ang dalawa, kaya siguro panahon na para tanggapin niyang hanggang crush lang siya kay Bernard Craig at na para talaga ito sa ate niya.

Nang makitang humarurot na paalis ang motorbike sakay ang dalawang 'in denial pa sa feelings' ay akma na sana siyang babalik sa loob nang may mapansin. Kinunutan siya ng noo nang makita si Lennard Craig, o Lenny at siyang nakababatang kapatid ni Brad, na nakaupo sa garden set hawak-hawak sa kamay ang gitara at nakasunod din ang tingin sa umalis na motorsiklo.

Madalang pa sa patak ng ulan kung makita niya ito, dahil maliban sa madalas siyang wala sa bahay nila, ay madalas lang din ang lalaki sa loob ng bahay ng mga ito.

Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kaniyang humakbang patungo sa gilid ng gate nila upang lapitan ang lalaki. She silently walk her way closer, trying not to make a noise. Nahihiwagaan siya sa kapatid ni Bernard dahil maliban sa tahimik ay para itong tuod, laging walang ipinapakitang emosyon sa mukha sa tuwing nakikita niya ito.

Nang marating niya ang mababang gate na gawa sa kahoy na siyang naghihiwalay sa bahay nila at ng mga ito ay nangalumbaba siya roon. Sinulyapan niya si Lennard na nakade-cuatro sa garden set at nasa kandungan ang gitara. Nakatalikod ito sa kinaroroonan niya't nakatingin pa rin sa maalikabok na daan kung saan nawala na sa paningin nila ang motorsiklo.

"Psst, ano 'yan?" aniya. Hindi man lang niya ito kinakitaan ng pagkagulat.

Hindi siya nito pinansin at muli lang niyuko ang gitara at tinipak-tipak iyon.

"Are you a musician?" tanong pa niya habang nakangalumbaba pa rin sa kahoy na gate.

Muli ay hindi ito sumagot at patuloy lang sa pagtipak.

Sinuri niya ito ng tingin. Lennard Craig was wearing a black Khaki shorts and a striped white and blue T-shirt. Ang balat nito'y maputi, hindi katulad ng kay Brad na light brown. Matangkad din ito katulad at may magandang pangangatawan. But because he was quiet and he was always overpowered by Brad's attractiveness, ay hindi ito nagiging pansinin. Kung tutuusin ay may itsura naman ito—siguro. Pero dahil nga mas pogi at mas malakas ang dating ni Brad ay hindi niya nararamdaman ang presensya nito.

"Why are you always quiet and aloof?" muli niyang tanong sa lalaki.

Nang walang sagot na nakuha mula rito ay nagpatuloy siya sa pagtatanong, "Hindi ka ba nag-aaral? Hindi na kita nakitang lumabas sa inyo, ah? Ang sabi ni Mama ay nineteen ka na, so dapat ay nasa kolehiyo ka na rin katulad ni Kelly. Wala ka bang plano sa buhay mo?" Hindi niya alam kung bakit siya nangengealam sa buhay nito, at kahit sumagot naman din ito ay wala rin siyang pakealam. She was probably just bored.

Nagpatuloy siya sa interrogation niya. "Maraming mga magagandang lugar dito sa atin, kaya lumabas-labas ka rin at mamasyal. Hindi ko alam kung bakit mas madalas ka pang magkulong sa loob ng bahay niyo kaysa—" natigilan siya nang makitang tumayo si Lennard bitbit ang gitara nito at umalis nang walang salita.

"Hey! Ang bastos mong kausap, nagsasalita pa ako, eh!"

Subalit si Lennard ay nagtuluy-tuloy lang at walang kalingun-lingong pumasok na sa bahay ng mga ito.

Napa-nguso siya at saka humalukipkip. Right at that moment, she realised that Lennard Craig was nothing but a brute. Sa ginawa nito'y nakaramdam siya ng disgusto para sa binata.

Umirap siya at nanunulis ang ngusong nag-martsa pabalik sa bahay nila.

*****

Kimmy stretched her body and rolled over the bed. Walang pasok sa araw na iyon at may usapan sila ni Kelly na mamamasyal sa bayan kasama si Brad.

Hindi na siya makapag-hintay. Mabilis siyang bumangon at nag-stretching. Maliligo muna siya bago bumaba, alas dies ng umaga ang usapan nilang aalis at pasado alas-otso pa lang. Marami pa siyang oras para humilatang muli at magpaka-kupad.

Makakasama niya—nila si Brad sa araw na iyon, at kinikilig siya. Oh well, tanggap niyang wala siyang pag-asa sa lalaki pero masaya siyang kahit papaano ay may nagpapaganda ng araw niya. Wala siyang problemang magka-crush sa lalaking walang tsansang magka-crush din sa kaniya, ang masilayan lang ito ay masaya na siya.

Itinaas niya ang mga kamay at pinagsiklop iyon bago umikot na parang balerina. She was just too happy and she couldn't wait to spend the day with Kelly and Brad.

Pasayaw-sayaw siyang naglakad patungo sa pinto nang sa pagdaan niya sa bintana ng kaniyang silid ay natigilan siya.

Sa harap ng bintana ng kaniyang silid ay siya ring bintana ng silid ni Lennard Craig. Magkaharap lang ang mga iyon at halos wala pang limang yarda ang layo ng mga bahay nila. At mula roon, sa mga oras na iyon, ay malaya niyang nasilayan ang lalaking nakatayo sa harap ng nakabukas na bintana, nakatalikod at hubo't hubad!

Sandali siyang natulos sa kinatatayuan, pakiramdam niya ay bigla siyang pinagpawisan ng malapot. Si Lennard ay nakatayo lang roon, nasa baywang ang isang kamay habang ang isa ay may hawak na wireless phone at may kausap.

Mabilis siyang nagtago sa gilid ng bintana nang makitang pumihit paharap si Lennard. Napahawak siya sa dibdib at sunud-sunod na huminga ng malalim. Napatingin siya sa portrait na nakasabit sa pader ng kanyang silid, nakaharap iyon sa bintana at mula roon ay nakita niya ang repleksyon ni Lennard Craig na nakaharap.

Nanghihina ang tuhod na dumausdos siya sa pader at napa-salampak sa sahig. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang umiyak dahil pakiramdam niya ay nakaranas siya ng sexual harassment. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi niya.

Ang lalaki ay walang pakundangan kung mag-hubo sa harap ng nakabukas nitong bintana kung saan kaharap ang bintana ng silid ng isang katorse anyos nitong kapitbahay! Hindi man lang nito naisip na anumang oras ay dumungaw siya roon!

Napalunok siya. Oh well, may maipagmamalaki naman ito para gawin iyon. His butt was round and perfect, and that thing—-between his legs— kahit malabo ang repleksyong nakita niya sa portrait ay masasabi niyang isang bagay na pwedeng 'ipagmalaki' nito. Muli siyang napalunok.

Kahit na! pakikipagtalo ng isip niya. Ang kabilang bahagi ng isip niya'y nagsasabing manilip pa, pero ang isang bahagi nama'y nagsasabing panatilihin ang pagiging banal niya. Ayaw niyang marumihan ang isip niya nang dahil lang sa bagay na iyon.

Wala sa sariling nagpahid siya ng pawis sa noo, huminga ng malalim saka tinatagan ang mga tuhod para tumayong muli. Pagkatayo ay pumikit siya upang hindi makita ang repleksyong nasa portrait —subalit malaking pagkakamali ang kaniyang ginawa dahil sa kaniyang pagkakapikit, ang una kaagad niyang naisip ay ang nakitang repleksyon.

Nanay ko po, Ostrich! Sinabunutan niya ang sarili. Buong buhay na yatang naka-paskil sa isip niya ang bagay na hindi sinasadyang makita.

Kasalanan mo 'to, Lennard Craig! Nang dahil sayo ay narumihan ang isip ko! Manyakis ka!  Mabilis siyang tumakbo patungo sa pinto ng kaniyang silid at lumabas saka ibinagsak iyon ng malakas.


*****


Mabilis na nagpedal si Kimmy ng bisikleta upang hindi siya abutan ni Rio, ang ka-klase niyang ilang buwan nang nanliligaw sa kaniya. Nakasakay din ito sa sariling bisikleta at humahabol sa kaniya upang i-abot ang ibinibigay nitong pulang rosas at imported chocolate.

Unang araw iyon ng summer break nila at nagpunta siya sa bayan upang makipagkita sa kaibigang si Zed. Nasa snackhouse sila at nag-uusap tungkol sa bagong Manga nito nang makita sila ni Rio. Bago sila lapitan nito'y bumili muna ito ng isang stem ng rosas at tsokolate, at dahil ayaw niyang tanggapin ang mga iyon ay tinakasan niya ito. She didn't want anything to do with Rio. Ilang beses na niya itong sinabihan na masyado pa siyang bata para sa pakikipag-relasyon, pero mapilit ito at ayaw siyang lubayan.

May itsura naman si Rio. Mas matanda lang ito ng ilang buwan sa kaniya, maputi, matangkad pero patpatin. Galing ito sa mayamang pamilya at ulila nang lubos. Ang narinig niya ay namatay sa isang aksidente ang mga magulang nito dahilan upang maiwan lahat ng mana rito. Ang kasama na lang nito sa malaking mansion ay ang may edad na nitong yaya.  Ang sabi nito'y unang kita palang sa kaniya, nahulog na ito. Kaya simula noong nag-umpisa ang school ay walang tigil na ito sa pagpapalipad hangin sa kaniya. At dahil madalas niya itong iwasan, dumarating siya sa punto na kinailangan niyang um-absent para hindi niya ito makita.

Hindi niya maintindihan kung bakit ang daming mga lalaki sa school ang nanliligaw sa kaniya samantalang hindi naman siya ang pinakamaganda roon, hindi rin siya popular, at madalas siyang umastang parang bata. And for God's sake, she was only fourteen! Ano ba ang nakikita sa kaniya ng mga lalaki at panay ang dikit sa kaniya? Iyong ate nga niya na ubod ng ganda ay walang manliligaw!

Binilisan pa niya ang pag-pedal hanggang sa makarating siya sa area nila. Subalit naroon pa rin at nakabuntot si Rio sakay ng bisekleta nito. Bumuntong hininga siya at inihinto ang bisekleta sa harap ng bakod ng mga Craigs. Bumaba at nakasimangot na hinarap niya si Rio.

"I told you already. I—don't—want—your—roses—and—chocolates!" singhal niya bago pa man magawang makababa ng binata.

Napakamot ito, "Eh kasi naman, Kimmy, isang date lang naman hinihingi ko sa'yo—"

"Date? Wala pa ako sa tamang edad para makipag-date! I'm not even fifteen yet. Can you just leave me alone? Pati dito sa amin ay naka-buntot ka!"

Tuluyan nang bumaba si Rio mula sa pagkakasampa sa bike at akma na sana siyang lalapitan nang bigla nalang may malakas na tubig na tumama sa mukha nito.

Malakas na tubig? Nilingon niya ang pinanggalingan niyon at doon niya napagtanto na galing iyon sa loob ng bakuran ng mga Craigs.

She frowned.

"Stop making the noise."

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang tinig ni Lennard sa likod ng bakod. Nang muli niyang lingunin si Rio ay nakita niyang basang-basa ang mukha nito at ang suot na poloshirt, nasa mukha ang pagkagulat. Patuloy pa rin ang pagtama ng tubig rito — tubig na sa hula ni Kimmy ay nagmumula sa water hose. Mabilis siyang humakbang patungo sa bakod at tumingkayad upang sumilip. Doon niya nakita si Lennard na naka-higa sa folding bed na gawa sa ratan sa gitna ng maliit na garden ng mga ito, may hawak na libro sa isang kamay habang ang isa ay may hawak sa water hose. Nang makita siya nitong nakadungaw ay kinunutan ito ng noo.

"You weren't hit?" anito.

"What do you mean I wasn't hit?" balik-tanong niya.

Ibinalik nito ang pansin sa librong binabasa, "I was aiming it to you."

Napasinghap siya ng malakas. Ako ang target niya?!

Halos kalampagin niya ang bakod ng mga ito, "Why would you even do that?" sigaw niya.

"Your voice was too loud and I can't concentrate," balewalang sagot nito saka itinutok sa kaniya ang hose at muling nagpakawala ng tubig.

Mabilis siyang umatras at patakbong lumayo. Pikon na pikon siya sa ginawa nito. Kung hindi kaagad siya naka-layo ay baka siya naman ang nagmukhang basang sisiw!

Nag-uusok ang ilong na dumampot siya ng bato at galit na binato ang bakod ng mga ito. She was really pissed, at gustuhin man niyang patamaan ang lalaki ng bato ay natatakot siyang ma-sermunan ng mama niya sakaling masaktan ito.

Sa galit para kay Lennard ay si Rio ang hinarap niya, na hanggang sa mga sandaling iyon ay nakatulala pa rin.

"Ano pa'ng tina-tanga-tanga mo riyan?! Go home!" singhal niya bago hinila ang bike at patakbong pumasok sa gate nila.

Pabalibag niyang binitiwan ang bisekleta bago siya nanggagalaiting pumasok sa loob. Pagpasok ay dumiretso siya sa kusina para kumuha ng malamig na inumin. Nais niyang matanggal ang inis — mula kay Rio at sa demonyong Lennard na iyon!

Dire-diretso lang siya sa fridge at bahagya lang na tinapunan ng tingin si Kelly na nakaupo sa harap ng mesa at nagbabasa ng sulat. Nang makakuha ng canned juice ay saka niya hinarap ang ate, at doon ay nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito.

Tuluyang nawala sa isip ang nangyaring iringan nila ni Lennard at inis kay Rio, nang matuon ang pansin niya kay Kelly na parang naka-kita ng multo habang naka-tingin sa sulat na hawak nito.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya bago buksan ang canned juice at nilagok ang laman niyon. Nang walang makuhang sagot mula sa kapatid ay kinunutan siya ng noo. "Ano 'yan?" Lumapit siya sa likod nito at sinilip ang kung ano mang nakasaad sa sulat. Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa.

In the letter, Brad was asking Kelly to choose between friendship and love!

Hindi niya napigilang kiligin. Oo nga at crush niya si Brad, pero hanggang crush lang talaga siya, dahil matagal na niyang tanggap na mas bagay ito sa ate niya.

"What the eeeffff?!" bulalas niya.

Itinaob ni Kelly ang sulat sa mesa at marahas siyang nilingon, "Could you shut your mouth? Marinig tayo ni Mama!"

Umikot ang mga mata niya, "Eh ano naman? Wala naman siyang maipipintas kay Brad ah?"

    Hinampas siya nito sa braso, "Shut it!"

Muling umikot ang mga mata niya bago hinila ang upuan paharap kay Kelly. Naupo siya at nginisihan ito. "So today's the day, huh? Sasagutin mo ba siya?"

    Kelly frowned, nasa mukha nito ang pagka-lito.  "So...he's—in love with me?"

  "Ugh!" Ma-drama niyang tinapik ang ulo. "You are so dense, big sister! Araw-araw kayong magkasama at hindi mo man lang naramdaman? Isang araw ko lang kayo nakasama sa lakad ninyo at nahalata ko na kaagad! Why do you have to be so dense when it comes to men?!"

   Nakita niya ang lalong pagka-lito sa magandang mukha ng kapatid.

Oh, kahit nakasimangot at naguguluhan, Diyosang-Diyosa pa rin ang dating ng ate niya. Gusto niyang pumadyak sa inis — kahit man lang sana balat na katulad ni Kelly ay biniyayaan siya! Kapag kaharap niya ang ate niya ay hindi niya maintindihan kung bakit wala itong manliligaw. Naisip niyang kapag nakita ito ng mga schoolmates niyang nanliligaw sa kaniya ay baka umiba ng routa ang mga iyon. They'll probably start ignoring her and go after Kelly.

"Wait a minute.. You are only fourteen and you know better? Saan ka natuto?"

    Sandali siyang natigilan nang marinig ang tanong ni Kelly.

Saan nga ba?

She shrugged. Muli niyang dinala sa bibig ang hawak na canned orange juice st sumimsim muna bago sumagot, "Because I am an extrovert and you are my opposite. Marami akong nakikilalang tao at nakikiramdam ako sa paligid ko 'no. Just by looking at people's faces I can already know what they're thinking. I'm gifted that way." Tumayo na siya at pasipul-sipol itong iniwan.

No, she's not gifted that way. Siguro dahil hindi lang nakatakas sa mga mata niya ang kakaibang mga tinging ipinu-pukol ni Brad kay Kelly noong araw na sumama siya sa mga ito. Iyong araw na nakita niya ang Ostrich ni Lennard.

Nagtayuan ang mga balahibo niya nang maalala ang araw na iyon. Habang kasama niya ang dalawa noon ay pilit niyang ibinaling ang pansin sa iba upang mawaglit sa isip ang nakita. Kaya tuloy napansin niya ang kakaibang mga tingin ni Brad kay Kelly. Doon niya na-kumpirma ang hinalang may gusto ito sa kapatid niya. Since then, ay talagang tinanggap na niya sa sarili na si Brad ay para kay Kelly, at si Kelly ay para kay Brad.

Kaya asa pa siya!


*****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro