Ikawalong Kabanata: Talk About Me
"Madedelay tayo ng isang oras. Nagkaroon ng technical problem dahil nasunog ang chord ng dalawa nating sound system. Kumukuha pa sila ng bago para roon."
Agad na nahulog ang ilang hibla ng buhok ko nang yumuko ako para kunin ang bag sa ilalim ng upuan. Hinanap ko agad ang cellphone nang maabot ito at binuksan para hanapin ang pangalan ni Manang Dessa. Nagtipa ako kaagad nang nagkita ko ang kaniyang pangalan.
Ako:
Manang baka po matagalan ako ng uwi ngayon. Huwag mo nalang pong papuntahin si Isaiah.
Matapos kong mai-send iyon, binalik ko ito sa loob ng bag. Nakatingin sa akin si Ate Zydda nang umayos ako sa pagkakaupo. Halata ang panunukso sa kaniyang mukha kaya nagsalita ako.
"May susundo kasi sa akin. Baka matagal tayo kaya nagpaalam akong matatagalan ako."
Lumaki ang mga mata niya. Umawang din ang kaniyang labi nang hindi napigilan ang ngiti.
"Bago iyan, ah?" She smiled unusually.
Umiling kaagad ako nang makuha kung ano ang nasa isip niya.
"Hindi po, Ate! May pupunta kasi rito kaya pinapasabay nalang ako sa kaniya mamaya pag-uwi."
"Hmm... pinapasabay, ah. Sino?"
I tried to formulate words. Pinaliwanag ko sa kaniya na iyong Maderal sa tapat namin ang tinutukoy ko pero mas lalo lang yatang nadiligan ang kung ano mang nasa isip niya. Muli, nagpaliwanag ako at nang banggitin ang tungkol sa pagkawala ni mama, agad niya namang nakuha.
Sandali siyang natahimik. Pero bumaling siya nang mapagtanto ang gustong sabihin.
"Hindi ba may ano sa inyo noon?"
My attention was caught. Naghintay akong dagdagan niya ang kaniyang sinabi pero hindi niya agad nakita ang ekspresyon ng mukha ko dahil tumingin siya sa likod para tingnan kung may nakiki-rinig bang ibang tao.
She faced me when she realized that no one is listening.
"Iyong ano..." bumaba ang tingin niya sa kaniyang mga kamay kaya dumausdos din doon ang tingin ko. Her left hand is formed in a fist. As if a toy, her other hand's pointing finger is poking it. Lumulubog ang kalahati ng daliri sa butas ng kaniyang kamao. "Noon, muntik ka nang galawin niyang—"
Mabilis kong pinigilan ang mga kamay niya. Her gesture is too emphasized!
"Hindi totoo 'yon!" agap ko agad.
Lumiit ang kaniyang mga mata. Dahil nakaupo ako, humilig ang kalahati ng kaniyang katawan para maglebel ang aming mukha. My face was confused while hers is marked with doubt. Tinaas pa niya ang kaniyang kanang kilay para pagdiinan sa akin ang kung ano mang umiikot ngayon sa kaniyang isipan.
Dahil naging usap-usapan ang eskandalong tungkol sa mga Maderal noon, nalaman ni Ate Zydda ang bali-balita. Isang taon bago kami nagkakilala nang mangyari iyon. Kaya nang magkakilala kami, naalala niya dahil nakakabit ang pangalan ko roon.
Tumango ako kay Ate Zydda.
Hindi ko maalala kung nakuwento ko ba sa kaniya ang parte ng storya ko sa nangyari. Kaya bago maayos ang technical problem ng event ay pahapyaw kong kinuwento ko sa kaniya ito dahil hindi nawala ang pagdududa sa kaniyang mukha.
"Banta ko lang talaga iyon sa kaniya noong una."
"Banta? E, kalat na kalat iyon noon na muntik ka nang babuyin niyan."
Umiling ako dahil hindi naman iyon totoo.
"Kung sa bagay... magpapababoy talaga ako sa kaniya,"
Gabi na nang natapos ang event. Nakaalis na is Ate Zydda. Nagpaalam siya kanina matapos akong sumalang na may pupuntahan pa siyang isa pang raket ngayong araw. Pumayag ako at kahit na gutong-gusto kong sumabay, hindi puwede dahil kailangan pa naming manatili.
Kinuha ko agad ang cellphone nang nakabalik na sa puwesto. Tapos na naman ang awarding kaya pwuede nakaming umuwi. Binasa ko muna ang mensahe ni Ate na kanina ko pa pala na-receive.
Ate Zydda:
Congrats! Panalo ka na.
Napangiti ako. Matapos siyang umalis natanggap ko ang mensahe. Malapad ang aking labi nang magtipa ako ng reply sa kaniya.
Ako:
Maraming salamat ate! Magkita nalang tayo matapos kong makuha ang premyo.
Binaba ko agad ito at tumingin sa paligid. Halos lahat ay nagbibihis na. Nakatingin sa akin ang isang lalaking kakilala na kasalukuyang nagbibihis kaya bumaling ako sa kaniya. He smiled.
"Congrats! Lahat na lang yatang singing contest..." umiiling siya na para bang dismayado pero sumasalungat doon ang ngiti sa labi.
I smiled to the joke. Maingay na ang stage dahil sa pagpapasalamat ng emcee sa mga sponsors ng event habang sinasabayan ito ng maingay na music.
Umiling ako pero hindi na rin nakatakas ang ngiti. "Hindi naman, Zenny,"
He pulled down his polo. Binaba ko agad ang tingin ko sa bag ko at pinaglaro ang mga daliri sa zipper. The tall trophy I received is beside the chair where my bag is resting. Pinaupo ko ang bag nang kunin ko ang cellphone kanina.
"Hindi raw," he laughed. "Lahat yata tuwing nakakalaban kita ikaw ang palaging panalo."
Muli akong nag-angat ng tingin. Nagsusuot na siya ng panibagong damit.
"Ikaw rin naman, Zenny, e."
Nadagdagan pa ang aming biruan pero nang maalala ang oras, nagpaalam na ako sa kaniya. Nakasakay kaagad ako ng tricycle pagkalabas ko ng convention center. The lamp posts are already illuminating the streets. Malamig na rin ang simoy ng hangin o dahil lang yata sa suot kong nackless na dress. Pero natatabunan iyon ng suot kong bag.
"Maraming salamat, Kuya," sabi ko matapos ibigay ang pamasahe nang makababa sa tapat ng gate ng mga Maderal.
The house is already quiet. Mag-aalas nuebe pa lang. Inaasahan kong marami pa ang mga bisita rito ngunit tahimik na ang kapaligiran. Sinubukan kong magtawag ng tao ngunit walang may sumagot. Kumunot ang noo ko nang may napagtanto.
Binitawan ko ang hawak na trophy para ilipat sa harap ang bag. Binuksan ko ang zipper at agad na kinuha ang cellphone. Umilaw agad ito nang buhayin ko ngunit hindi pa man nahahanap ang pangalan ni Manang Dessa, may tumawag na sa pangalan ko.
Napaangat ako ng tingin.
"Nasaan ka?" Tanong ko.
Kita ang laki ng bahay mula sa kinatatayuan ko. Kapatid ko ang tumawag sa akin kaya hinanap ko ito.
"Ronald?" Tawag ko nang makita ang kapatid na naglalakad galing sa malayo.
"Ba't ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Manang Dessa."
Kumunot ang noo ko. "Nagtext ako sa kaniya."
Pinagbuksan niya ako ng gate nang tuluyan siyang nakalapit.
"Kanina pa tapos," aniya nang makitang nakatingin ako sa paligid.
Binaling ko ang ulo sa kaniya.
"Hindi naman ganoon kadami mga bisita. Iilang pamilya ng mga tauhan nila at mga taga Fort lang," pumapasok ako habang nagsasalita siya.
My lips pursed as my brows immediately rose. "Hindi pala engrande ang celebrasyon?"
"Simple lang."
Naglakad kami papasok. The whole garden is clean. Kahit na gabi na, kita ko iyon dahil sa ilaw ng mga lamppost na nakapalibot sa buong bahay. The house are highlighted too kaya maliwanag talaga. Nakapasok kami sa portico at tumuloy na sa loob ng bahay.
Nasa hamba palang, ingay agad mula sa loob ang sumalubong. It's from the dining. The living room's lights are dimmed kaya lumalabas ang mga anino galing sa likod ng pagitan ng dining at mahabang sala.
"Akala ko hindi pa tapos?" pagpaparinig ko sa kapatid.
"Sina Kuya Isaiah lang iyan at mga katrabaho niya,"
Mukhang kanina pa sila.
Patuloy kami sa paglalakad. It looks like they're laughing at something.
Basing from their thundering noises, they're all coming from male voices. Nakapasok kami sa pagitan ng dining. Kapansin-pansin agad ang pagrahan ng tawanan nila. I tried hard not to look at them but my brother did. Hindi ko na rin napigilan ang paglingon.
The classical chandelier is illuminating the dining.
Anim sila sa mesa. Tama nga ako na puro kalalakihan ang narito. May dalawang naka-uniporme ng pang-opisina at ang iba naman ay nakasuot ng sibilyan. Si Adonnis Constiniano ay namukhaan ko agad sa isa sa mga naka-civilian. Then my eyes drifted to see Isaiah who's seated at the head of the table. His right elbow is resting on its edge while his limbs are lazily cupping his chin and his jaw. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila ng mas nakakatanda sa lahat.
Bigla siyang bumaling sa akin nang lumipat ang tingin ng kausap niya papunta sa direksyon ko.
"New?" Bulong ng isang lalaking naka-civilian na katabi ni Adonnis. Adonnis eyes drifted to my direction. His smile slowly faded. Nakita ko ang paglipat ng tingin nito kay Isaiah.
Nag-iwas ako ng tingin at tumuloy sa paglalakad papuntang pinto.
"Katherine," narinig kong bulong ng kung sino sa kanila.
Humiwalay sa akin si Ronald nang dumiretso siya sa kusina. Ako naman ay agad na pumasok sa loob ng kuwarto matapos kong buksan ang pinto. I'm sure they'll talk about me. Agad kong sinarado ang pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro