Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikatatlumpong Kabanata

Ikatatlumpong Kabanata: Kumpanya


Am I... I shook my head. No. This can't be.

Hindi kaagad ako tumayo sa pagkakaupo sa tapat ng bowl matapos kong pindutin ang flush.

Medyo gumaan na ang sikmura ko. Pinapakiramdaman ko pa ang sarili. At parang ayaw ko munang harapin ang katotohanan. Because this is possible. Hindi ko pa man kumpirmado, pero may bulto na umuusbong ngayon sa puso.

Kumaway sa isip ko ang nangyari lang sa amin nitong nakaraan. Yumakap agad ang lamig sa puso ko.

What will his family say about this... mistake? And the Doña... will they accept this? Or learn just to be civil with us? Pero papaano si Isaiah? He loves me. There's no doubt about it. But what if he's already eaten up by his family's words?

Gusto kong kausapin si Ate Zydda. Iyon siguro ang gagawin ko pagkauwi sa unit.

Nagtagal pa ang tingin ko sa malinaw nang tubig ng bowl. Naagaw lang nang makarinig na may tumulak sa pinto. Lumingon ako at muntik pang mawalan ng balanse dahil sa pagkakagulat. It was Jeremy! Kuryuso ang mukha niya.

Hindi ko pala nasarado ang pinto ng cr sa pagmamadali.

Tumayo ako dahil nakaramdamam ako ng hiya. Dumiretso sa nakitang sink, hindi na binalik ang tingin sa kaniya. Binuksan ko agad ang gripo.

"Miss? A-are you... okay?" narinig kong tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa bunganga ng gripo. The water calmed me a bit. I closed my eyes, feeling its touches on my cheeks and spreads all over down through my chin and jaw.

I cannot remember myself having my monthly visit. Sa sobrang dami ng nangyari, hindi ko na napansin. Masyado nang puno ang atensyon ko na nawalan na ako ng pagkakataong kamustahin ang sarili.

My thoughts continued to ravel through Isaiah. And as the water touches, rushing all over my cheeks, my memories of what happened between us came.

Then I realized everything... I can't believe my legs openly welcomed him! Wide open! In that river! On his jeep! At masyado pala kaming exposed!

Napamulat ako, hindi pa rin gumagalaw sa pagkakayuko.

May nakakita ba sa amin? Wala naman siguro. Hindi naman kami nagtanggal lahat ng damit. My hands did a great job under his clothes to pleasure my desires. And he only have to unzip the things that's only—

What the hell.

Umayos na ako. Direkta sa mukha ang salamin.

Mabuti nalang dahil malamig ang tubig at hindi mapusyaw ang mukha ko. Hindi halata ang mga naglaro sa isipan.

Jeremy's still looking at me. Waiting. Kita ko ang repleksyon niya.

Umatras ako sa sink. Pumulot ng tissue at pinatuyo ang mukha. Nakaharap na ako sa kaniya pero dahil sa ginagawa, hindi ko mapukulan ng atensyon ang kaniyang prisensya. And I can feel his eyes watching me.

Nang makuntento ako, napatingin lang ako sa kaniya pagkatapos ay lumagpas palabas ng pintuan.

Isang bagay na lang ang nasa isip ko ngayon. I have to get my things and drop to a nearby drugstore. Kaya pagdating ko sa lamesa ay hindi o na tiningnan ang inorder kanina. Sinarado ko lang zipper ng black leather hand bag at tiningnan ang suot na light white shirt at nang makitang hindi naman nagkaduto, sinukbit ko na ang handbag.

"Miss! W-wait!" sigaw ni Jeremy sa likod ko.

Natigilana ko at napalingon hindi dahil sa pagsigaw niya. Something caught my attention.

"Akala ko kilala mo ako?" kumunot ang noo ko.

It looks like he did not get me. Kalaunan, umangat ang mga kilay niya at kagat labing tumatango.

"A-ano kasi. Hindi ko pala nasasabi."

That's how I knew Jeremy. From an uncomfortable first meet to friend. Because whenever the two of us recall that encounter, we would laugh at it. He obviously thought that I will become one of his victims. Hindi ako nagpadala roon at mabuti na lang. Akala ko pa naman noong una na kilala niya ako dahil sa mga videos ko.

Dalawang araw matapos ang aming pagkikitang iyon ay nagkaroon na ako ng lakas loob na kausapin ang kapatid ko sa resulta ng PT. Kinailangan ko pang organisahin dahil tumawag ang papa na nagising na siya.

He had his brain injured. At ayon sa doctor noong nakabisita na ako, kung kailan stable na ang lagay niya, i-u-undergo siya sa panibagong tests. Kaya hindi natuloy ang plano ko.

"Kamusta na kayo?" Si ate Zydda, nakikipag-video call ako sa kaniya.

Days changed according to her the moment we flew from our country. Gulat siya noong sabihin ko sa kaniya ang pagalis namin. Wala siyang balita sa akin dahil hindi na raw matawagan ang numero ko. Sa facebook naman ay hindi ako ma-contact. I deactivated my account during my struggle. Ngayon, binuhay ko muli.

Marami kaming pinag-usapan ni Ate Zydda. Everything.

Rinig na rinig mula sa speaker ng phone ko dahil sa video ang pagsinghap niya noong sinabi ko ang tungkol sa ama. At ang sitwasyon ko.

"S-sinong kasama mo? May tumutulong ba sa pag-aalaga sa iyo?"

Pinanood ko ang pagbago ng background niya noong lumabas siya sa kuwartong kinaroroonan niya. My time is three hours ahead from her. Malapit nang mag-alas otso sa amin at sa kanila ay kakababa pa lang ng panghapong araw.

Umiling ako at kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo sa video.

"Alam na ba ng ama mo?"

Tumango agad ako. "Noong tumawag siya para ibalita ang paggising ni Ronald."

Siya naman ang napatango ngayon.

Every day, we call each other. Minsan siya ang tumatawag tuwing nakikitang online ako at minsan ako naman tuwing nagcha-chat siya na puwede na akong tumawag sa kaniya.

"Anong plano mo? Ipapaalam mo ba sa ama ng bata?" I was eating my own dinner. Nasa malapit ulit akong restaurant.

Binaba ko ang tinidor at kinuga ang cellphone na inihilig ko para maayos akong makakain habang nag-uusap kami.

"Oo may balak akong ipaalam. Pero..." naputol ako para mag-isip ng ipapalusot.

Agad siyang dumugtong.

"Bawal ma stress ang mga buntis."

"Who's that?"

Pinanood ko ang pag-angat ni Ate Zydda ng tingin dahil sa boses na nagsalita. Parang nag-ugat ako.

"Tapos ka na ba? Ambilis mo naman yata?"

Humaba pa ang pakikipag-usap ni Ate Zydda sa kaniyang kasama. At habang abala siya, pinanood ko ang likod kung saan nakaturo ang camera ng cellphone niya. Mukhang nasa isang bakasyunan siya. The landscape that I think is behind her looks pantastic. Papalubog pa lang ang araw at mukhang nasa balcony sila ng isang hindi ko alam kung restaurant o private bar.

Nang bumalik ang atensyon niya sa akin, hindi ko na napigilan ang punain ang nakita.

"Kasama ko si Greg Monte de Ramos..." Nahihiya niyang tugon.

Nanlaki ang mata ko. At natuwa siya roon dahil bumingisngis siya pagkatapos. It's the Mayor's son there in Hulatan!

Sila na ba? Tumango naman agad siya. Halata siguro sa mukha ko ang gulat at pagtatanong.

Hindi humaba ang usapan namin ni Ate Zydda sa gabing iyon. At palagi, tuwing napag-iisa ako, lilipad ang isip ko sa mga bagay. Saksi ang buong kagamitan sa modernong unit ko sa pagiging tulala ko. As much as I wanted to distress my mind, I couldn't help myself.

Minsan kapag gabi, uupo ako sa gilid ng kama, tatanawin ang mga ilaw ng mga building sa labas ng glass wall ng sariling kuwarto. Palagi akong nagtitipa ng mensahe na palagi ring bunubura sa huli. It's been four months already and the bump on my belly is slightly peeping out.

Hahaplusin ko ito gabi-gabi habang kakausapin ang sarili.

Takot akong balitaan ang iyong ama. Takot ako na baka ikaw ay tanggihan ng kaniyang pamilya. At siguro maging siya ay naliwanagan na rin sa mga nangyayari. At marahil, nagbago na rin ang tingin niya sa akin.

My accounted is already activated. Still, no notification coming from him. Kahit ligaw na mensahe ay wala.

"You'll leave here. Mother wants to take care of you."

Hindi ko inaasahan ang pagbisita ng ama ko. May mga kasama siyang tauhan na nagliligpit ng mga gamit ko. Hindi na ako umangal dahil ako rin ay mababaliw yata habang mag-isa ako rito. Hindi naman ganoon ang layo sa syudad ang tinitirahan ang aming gandma.

She took care of me and goes whenever my monthly check-ups come.

Ronald is already recovering. He is now transferred in a rehab. Dahil hindi siya makalakad agad pero sabi ng doctor na maari nang bumalik sa normal ang lagay niya hindi pa man ako nakakapanganak.

Months flew smoothly. Tuloy-tuloy nga ang recovery ng kapatid. At bago pa man dumating ang birthday ko, nakasama na rin namin siya sa bahay. Kahit na may kailangan pa siyang support, maayos na rin ang lagay niya. Pero minsan pinipilit niya ang sarili.

"Huwag mo kasing pilitin ang sarili mo!" Hindi ko na napigilan ang inis.

Iyon din ang kinaiinisan ng kapatid ko. Gusto niyang makalakad ng maayos kaagad kahit na hindi pa naman totally kaya.

Just days after my tiring birthday celebration, an excruciating pain woke me up. Agad akong sumigaw at sinubukan pang bumaba sa kama habang iniinda ang sakit. Nasa may staircase na ako nang matagpuan ako ni papa, gulat sa marahan kong pagbaba.

"It's her labor!" I heard grandma from somewhere.

Nang gabing iyon, isinugod agad ako ng papa sa hospital. Ronald was eager to come with us but grandma stopped him.

Nanghihina ako sa hospital bed habang halos lahat ng pamilya ng papa ko ay naroon. The darkness and the sound from my surrounding is all in mixed now. Gusto kong matulog sa pagod pero gusto kong magising dahil sa iyak ng bata.

"It's a healthy baby boy!" One personnel laid my baby on my chest.

My tears are already flooding as I look at my baby, still pinkish. Habang pinapanood ko siya, naiisip ko si Isaiah.

"Shhh..." I hushed, trying to calm him. Saktong pagdampi ng palad ko sa likod niya ay ang paghinto ng kaniyang iyak.

"He recognized you!"

I was already preoccupied to hear their compliments. I was able to touch him. My son. My baby. Sa mga nagdaang pangyayari, ang hirap at sakit, siguro, nang makita ko ang lahat ko, parang pinawi nito ang lahat at ako ay nabuo muli.

"What is his name, dear? The baby is very handsome!"

I smiled weakly; still my eyes pasted at my now calm son.

Nag-angat ako ng tingin sa nagtanong sa akin. She's smiling at me while I couldn't put my own consciousness together. Kahit na buong buo ang puso ko, lumilipad pa rin ako. At ang pangalan na pinlano ko noon ay tila naglalaho na parang bula.

"H-he's Zay... Isiah..."

"Hmm?"

"Isaiah... P-Paul Isaiah,"

"Uh-hmm, Paul Isaiah, indeed." At pinakita pa nito sa akin ang note.

Matagal ang naging labor ko kaya pagod na pagod ako matapos iyon. I fell asleep, with my baby feeling the warmth of my chest. Kaya hindi ko na napansin na inilipat kami ng anak ko ng kuwarto kaya paggising ko sa panibagong araw, nasa isang mas mapayapang kuwarto na kami.

"Ate is now awake," Ronald's familiar voice echoed.

Dumapo agad ang kamay ko sa dibdib. Nothing's in there. Napaahon ako at kung hindi ko pa nakita ang katabing crib, siguro ay bumaba na ako ng kama.

Then I heard people coming. Granda in all her smile and my father in some corporate attire.

"Baby Paul is sleeping..." it was my grandma

We were immediately discharged from the hospital after some checkups done. Pati ang kay baby Paul.

Hindi ko mapantayan ang excitement ng lahat pag-uwi namin.

Hanggang ngayon, tuwing naiisip ko ang kapakanan ng anak ko, may luhang pa rin akong nararamdaman sa aking puso. Isaiah still doesn't know him. Iyon ang kumakain sa konsensya ko.

Pero ilang araw lang matapos akong manganak, napalitan din agad ang aking dinadamdam. Tumawag ako kay Ate Zydda para ipakita at ipakilala sana ang anak. Ngunit ang sadyang iyon ay nakalimutan dahil sa ibinalita niya tungkol kay Isaiah.

"Ikakasal na raw siya, e. Hindi ako sigurado. Iyon lang kasi ang ibinalita sa akin ni Greg, e. Ayaw nga rin sabihin, e."

"T-talaga?" I felt my heart sunk down.

Pero pilit kong pinangiti ang aking mga labi.

"Pero patingin nga ng baby mo!"

Ate Zydda's news pushed me more to my comfort zone. Hindi ko pinahalata kay Ate at binaba ang cellphone para makita niya ang baby ko. It looks like my baby will grow without a father, huh? Nevertheless, my love for him is complete

"Kamusta na kayo ng jowa mo?" I tried to sound funny. Inangat ko ulit ang cellophone.

Nakita kong natawa siya. Kaya lang ay napalakas kaya nagulat si Paul. Bumaba ang tingin ko sa anak ko at inisip na tatahan agad. I tried to hush him, but his cry got louder. Binaba ko ang cellphone sa gilid at tumagilid naman paharap sa anak, leaving ate behind me. Patuloy siya sa pagsasalita sa cellphone.

"Nagising ko ba si baby?"

Humilig pa ako para silipin siya habang pinapa-breastfeed si Paul. Natabunan pala ang cellphone ko ng sheet!

"Sorry!" kinuha ko ito. Kaya lang, dahil sa napahiga ang katawan ko, naputol ang pagpapa-breastfeed ko sa kaniya. "Ate! I'll call later..." mukhang may gustong sa kaniya lang ang atensyon ko ngayon.

"Ang daya! Hala, sige! Basta picturan mo mamaya, ha? Hindi ko masyadong nakita ang mukha ni baby Paul. Nakatagilid, e."

As much as I wanted to not end the video call, I don't to let ate watching me breastfeeding my son. Because I know that my head is already tucked to the news.

I should have informed him about us before. Maybe, everything is not too late. Until suddenly, while my thoughts got dominated, a burning anger started to poke my heart. If only I wasn't this fucking coward, maybe I could've saved my son from not having a father.

A bitter smile wanted to escape from my lips. But it was too painful. That my tears were the first one to portray my feelings.

At siguro ngayon, wala nang dahilan para malaman pa ni Isaiah ang tungkol sa amin. I don't want to ruin a family. Especially his. And no matter how ached I am, from everything that's happened, still, my heart is still for him.

But what if my son asks about who his father in the future? Will I tell him?

Pero hindi ko muna inisip iyon hanggang hindi pa dumadating ang oras.

Ilang araw matapos ang uwi namin, hindi ko inaasahan ang balloons na binili nina Ronald at grandma. Even papa wasn't expecting anything.

"It's my very first grandson's birthday!"

Their love for baby Paul is too much. Nakaka-iyak na lang dahil kung kailan pa hindi magkakaroon ng ama ang isang bata, saka naman siya pinuno nitong mga taong pupunan doon.

Every month, my father would want us to celebrate whenever the nineteenth day comes. Kahit hindi naman talaga kailangan. But Ronald always sides with him, as well as grandma, leaving me nothing but to agree to their want.

Hindi man halata sa itsura ng papa, napapangatawan naman ito dahil kay Ronald, na mukhang nagiging paborito niya. Hanggang sa nagpatuloy iyon kahit noong nakabalik na kami sa unit. They will visit us and bring so many things for the only baby in the family.

Siguro kung hindi ko alam kung ano ang mayroon kay papa, at sa background ng pamilya niya, iisipin kong mauubos ang kaniyang pera.

"I want to earn my own money, pa..." paalam ko sa ama.

Masyado na akong nababagot sa loob ng kuwarto. Kasama ko naman si Yaya Jen. Kaya lang, tuwing napapadpad ang isipan ko sa mga gastusin, nag-aalala lang ako sa sarili na baka kung sakaling magkaroon ng pamilya naman ang kapatid, ayaw kong hanggang sa puntong iyon, ako pa rin ang aalalahanin niya. Lalo na ni Papa.

Ronald is with Paul in our room.

Ako at si papa naman ay nasa kusina dahil sa binili ni Yaya Jen. Yaya Jen is only with us because I cannot do all the houseworks alone. Mabuti rin at Pilipino ang kinuha ni papa kay magaan agad ang loob ko ilang araw pa lang siyang nakakasama.

Tumango si papa.

He and Ronald were straight from the gym. Kaya hindi pa nakakapagpalit at maging ang kapatid.

"I can give you a position in our company. I'll call my secretary later," anito.

Nasa dining siya, umiinom sa binigay ni yaya Jen na kape. Binaba ko ang lata na hawak at nilingon siya.

Kumunot ang noo ko at umiling.

"No, pa. Not that way,"

Nakuha ko ang atensyon niya. He's eyes were already on his phone and maybe about to do what he said. Good thing I stopped him.

"Ronald can take it properly, papa. He's studying for that." Dagdag ko.

"What about yours?"

Napaisip ako.

Sa pabalik-balik ko noon sa pagbisita ni Ronald, may nakita akong music at iyon kaagad ang inuna kong iplano. My son was almost eleven months old when I enrolled myself on that school. Father helped me enroll and it was a blessing because they were only limiting people. At doon rin muli kaming nagkahatagpo ni Jeremy.

Pero hindi ko rin inaasahan na balang araw titigil din ako para sa hindi na naman inaasahang pagkakataon.

"Puwede kitang ipasama sa audition doon! Lalo na dahil sobrang ganda ng boses mo!"

Tumigil ako sa pagsusulat ng pinapagawang kanta sa amin. I was scribbling my thoughts from my experiences.

Umangat ang ulo ko para tingnan siya.

"Totoo ba 'yan? Baka isa na naman iyan sa mga tactics mo." I said, almost half joking.

Inirapan niya ako.

Nasa bleachers kami ng mini-conference. He's already a senior while I am an irregular freshman.

Umusog ako para sabihing kumbinsido na ako.

"Ang boyfriend ko nagtatrabaho sa Walt Disney. Pinarinig ko na sa kaniya ang boses mo. Nagustuhan ka niya, ha! Sabi niya, puwede ka raw makuha." Tumango-tango siya. "Lalo dahil Asian ang character na ipoportray ng bago nilang project."

Binaba ko na ang pad at tinuon sa kaniya ang atensyon.

I did go with him when he told me about the recording. Gusto ko sana sa unit ko nalang kaya lang medyo maingay na ngayon si Paul. He's one year and few months old now. At habang dumadami ang oras, nakikita ko na sa kaniya ang pagiging hawig ni Isaiah.

What genes do we have? Ronald is almost my father's copycat. Don't tell he's going to be like that with his father.

Iyon siguro ang poproblemahin ko dahil maging noong nagkausap kami ni Ate Zydda, napansin niya rin iyon. Whenever I come home from school, Paul will spread his arms, wide for me, telling me that I must carry him for leaving the house all day. Kaya noong nagkausap kami ni Ate ay nasa bisig ko ang anak.

"Oh my god! He's an exact copy of his father, Kathy!"

Kumunot ang noo ko sa kaniya sa screen. Binalingan ko ang anak at hinanap ang tinutukoy niya ngunit wala pa akong makita noon.

"I'm gonna picture this!" Sabi niya at bago pa ako maka-angal ay may nagpop na na nagpapaalam na kumuha ang kausap ng picture,

"Sino ang papakitaan mo? Huwag mong ipakita sa kahit kanino!"

"Icocompare ko lang 'no!"

I had my recording session with Jeremy. May kasama pa siyang isang kakilala at sila ang nasa likod ng soundproof na station nila.

"Itong mellow muna, huh?" Paalam niya.

His boyfriend told him that I have to sing three different genre songs. Una ay belting, pangalawa ay opera, at pangatlo itong mellow. Nakayanan ko naman lahat. Mabuti na lang ay may pagkakataon kaming i-ensayo ang mga lalamunan tuwing napupunta sa instrument hall.

Bawal pa kaming mga freshman doon. Ngunit dahil kilala ko si Jeremy, nakakapuslit ako kasama siya. Hindi rin naman halata sa itsura ko pagiging freshman kaya walang may nagrereklamo.

Isang gabi, muli kaming nagkamustahan ni Ate Zydda. At tuwing may kamustahan kami, hindi nawawala sa bibig niya ang balita tungkol kay Isaiah o 'di kaya ay tungkol naman sa pamilya nito.

Hindi naman ako interesado. Umiirap nalang ako at pilit nakikinig sa kaniya.

"Narinig ko kay Greg na may bagong partner ang kumpanya nina Isaiah diyan sa Sydney. Teka lang, sa Sydney ka, 'di ba? Basta pupunta raw sila d'yan."

I'm wearing my sleep gown grandma gave me on my birthday. Marami iyon at ngayon, sinusubukan ko na ang pagsoot ng mga ganoon.

Medyo naagaw ang tainga ko at binalik ang mukha sa screen ng cellphone. Sinadya kong ipakita sa kaniya ang pagkunot ng noo ko.

"Kumpanya? Ano ba ang kumapanya nila?"

Napatingin pa ako sa TV na hindi ko naman pinapanood. Nakaupo ako ngayon sa couch ng sala. Pinapatulog ko si Paul sa aking hita. Nag-isip ako. Noon pa man, noong kaming dalawa pa, hindi ko kailanman natanong kung ano ang kumpanya nila. Maliban lang sa Daguitan, kung saan may pinapatayo silang negosyo.

And now that I started to think about it, kamusta na kaya iyon. Kamusta na kaya sila? Sina Manang Dessa.

I saw her smile on the screen widen.

"Basta ang alam ko, construction ang nangungunang negosyo nila ngayon sa pinas. Wala talaga akong alam. Kaya... hindi mo ako maasahan sa mga 'yan." She laughed.

Her cliff hangers for me never fail to annoy me.

Lalo na ngayon dahil bumubulusok ang kaba sa pag-aalala ang puso ko.

Binaba ko ang tingin ko sa mahimbing na ngayong anak. The way his brows purse, pushed towards each other, reminds me of his father. And even his strong thin nose... and the way his lips are being still.

"Baka naman hindi totoong sa kanila. O kung sakali man, baka nga. At puwedeng hindi naman siya ang pumunta rito."

"Teka? Sinabi ko bang siya ang pupunta? Wala naman, a?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro