Ikatatlumpo't Tatlong Kabanata
Ikatatlumpo't Tatlong Kabanata: Commotion
Paul remained beside me as the interview continued. I was rubbing his hair while I can feel him staring the three people who are talking with me on the screen. Nakasandal na ang panga niya sa ibabaw ng desk, malapit sa keyboard ng pc na ginagamit ko. Gusto pang makita ng isang nasa screen ang anak ko ngunit hindi ko pinahintuluyan.
"I believe everything must not be publicized."
Wala akong balak lagyan ng kung ano ang boses ngunit sa kaba ay hindi ko na nakontrol. I feel like I was a bit cold when I said those words. Pero hindi yata nahalata dahil maging sila sa kabilang linya ay naging abala sa tanong na binabasa.
I want my life to be low-key. I want to separate it from this.
Hindi ko man sigurado kung klaro ba ang paglabas ng anak ko. Gusto ko sanang itanong sa kanila. Kaya lang, may humihila sa akin na takot na baka muling bumalik ang usapan tungkol sa anak ko. I want it to slide over and continue as if nothing disturbed us. But my mind was already on the thing. What if my son's face was seen clearly on the video. But I hope there was none. Masyado akong naaliw kanina kaya hindi ko napansin ang pagdating ng maliit na bata sa likod ko.
Yaya Jen, a bit worried, stayed beside us. Hindi siya umiimik at ramdam kong pinapakiramdaman lang niya ang anak na siguro ay nagulat kanina na siya ang bumungad. Something hugged my heart. Dahil maging ako, bukod sa mga unang ginagawa ko paggising ng umaga, bumabalik ako sa kama para hintayin ang paggising niya. I would stare at him and think about how cruel life started for him. He's just innocent. Pero kung tutuosin naman, ako ang dahilan bakit ganito ang kalagayan niya ngayon. I feel like I am hiding him. From everyone.
Natapos ang interview. Hindi ko na inabala ang sarili na tingnan ang news channel ng programang iyon para abangan ang naging resulta ng interview.
"Ma'am, pasensya na po talaga! Nagulat kanina si Paul pagkakita niya sa akin at hinanap ka agad niya. I told him po na you were busy with work. But he really wanted to see you. Kaya hindi ko na napigilan po. Pasenya po talaga, Ma'am."
Nagulat ako kay Jenine.
"No, it's okay. Thank you talaga."
Lumuhod siya para tuluyan nang kunin ang anak ko. Ngunit umiling ito sa ginawa niya at hinarap pa ako lalo.
"I thought you left already..." sumbong nito.
"It's alright, baby. Mommy will stay, okay? I have no work today."
Hinawakan ko ang pisngi niya at tinanguan si Jenine para ipaalam na ako na lang ang pagpakain sa kaniya.
Sometimes, Paul will get so clingy. Napag-isip isip ko tuloy kung papano kapag papag-aralin ko siya ng kinder. He's already of age, I believe. Five years old na siya at ayaw kong asahan lang itong mga tinuturo namin sa kaniya. A teacher can see his progress from other child his age.
Sa hapong iyon, nanatili lang ako sa unit kasama ang anak. Lahat ng mga communication lines ko ay iniwan ko muna para mas mapagtuonan ang sariling anak.
Kaya lang, noong dumating ang gabi, pagkatapos ng dinner namin, may mensahe akong natanggap kay Ate Zydda sa mga social medias na binigay ko noon sa kaniya. Lahat may mga mensahe at pare-pareho pa.
Kabado pa ako kung may bubuksan ba kahit isa roon dahil sa mga iniisip ko tungkol sa interview kanina. I was worried what if Isaiah will notice. Pero noong mahagip ko ang paunang salita ng mensahe niya sa notification bar ng cellphone, gumaan agad ang pakiramdam ko. I clicked one on the most commonly used app today.
Elizydda Ireneo:
Ang kasal ko! Huwag mong kakalimutan ang kasal. Magtatampo ako sa iyo.
Napatingin ako sa anak ko na papasok na ng kuwarto. Namilog agad ang mga mata ko pagbaba ng tingin sa nakasunod sa kaniya. Oh, my! Like a grown up man, Paul made his towel cling on one of his shoulders. Nakahawak sa dulo nito sa may dibdib ang isang kamay niya para hindi tuluyang mahulog ang hawak. But the towel is too much for him he did not realize that he's dragging it already. Gusto kong matawa sa kaniya ngunit napigilan ako ng sarili ko.
Tumigil siya sa pagpasok nang napansin nakatingin ako sa kaniya. He smiled to me proudly.
Nag-angat ako ng dalawang kilay. Hindi rin napigilan ang pagdapo ng isang kamay sa sariling baiwang para makahinga ng maayos.
"Why didn't you want Nana Jen to bath you, Paul?"
Sumimangot agad ang ngiti niya.
"I'm old enough to do it myself, Mommy,"
"But look at the towel behind you,"
Napalingon agad siya sa kaniyang likod. Nakumpirma ko nga na hindi niya alam ang nangyari sa twalya niya.
Lumapit na ako, binitawan na ang cellphone.
Kinuha ko sa kaniyang balikat ang twalya at pinapasok na siya bago ko tuluyang sinarado ang pinto. Diretso sa laundry basket bagkatapos ay hinarap siya. Paagkyat na siya sa higaan. Agad din siyang napalingon dahil sa biglaang katahimikan.
Agad namang bumuo ang isipan ng mga sasabihin sa kaniya.
"Do you want us to go to the Philippines?" Awtomatiko ang pagkagat ko sa pang-ilalim na labi.
Una, nanatili ang tingin niya. Pero noong makuha niya ito, natabunan agad ang mga mata ng mga katanunang.
"Is that far, Mom? Will we stay there?"
Umiling agad ako hindi pa man siya natatapos ang pangalawang pangungusap.
Lumapit ako at naupo sa tabi niya sa gilid ng kama.
"A-are you still willing to see... uhh," tumigil ako, hindi alam kung ano ang idudugtong.
Tama ba itong gagawin ko? Para kasing biglaan kung sasabihin ko sa kaniya ang mga puwedeng mangyari. He's too young.
Huminga ako ng malalim at kita ko sa kaniya ang paninimbang niya bago ko dugtungan ang mga salita.
"You know, Mommy is from the Philippines. I grew there. Me and your Tito Ronald." Agap ko. "I-I have a friend there, bound to marry to someone. And that friend wants me invited."
"Is that the reason why we are gonna be leaving?"
Napakurap-kurap ako.
"Oo, yes. And I want you t-to see many different places, too! Where you can tell to your Tito Ronron once he's back to Phillippines. For sure he'd be glad to hear everything from you!"
Nanlaki ang mga mata niya.
"Tito will be there?"
Sunod-sunod ang pagtango ko.
"Philippines is far away from here. We need a plane to go there."
"Will we meet my grandmother there, Mommy? You told me she's working far away. Is she in the Philipinnes?"
Lumaki ang mga mata ko.
"H-huh? O-of course! A-ano, b-but we are not yet sure if she's available once we're already in there." Shit.
Sunod sunod din ang paglunok ko.
I watched his eyes. They darkened after he tore it away from mine maybe to linger the idea from what I have just said.
"They are very, very busy, baby. I told you. Like Mommy, their time for others is only measured."
"But spiderman's grandma always finds time to be with him."
Hindi ako nakasagot. Ramdam din ang lakas ng tibok ng puso.
Isang mahabang katahimikan ulit ang bumalot sa aming dalawa. Inalis niya ulit ang tingin niya sa akin. Nanatili naman ang tingin ko sa kaniya. At habang nakatingin ako sa mukha niya, sa paraan kung paano ang paglalim ng kaniyang mata, nabuhay ang isang tao sa isip ko.
It's been so long and I have no idea how is Isaiah's state now. I just know that he's already married to someone, and maybe made his own family. I don't know. And as my thoughts build up, I was eaten by the possibilities. I want myself to be prepared. Damn. New York City is huge, yet, I saw him one time randomly when we were in a cafe!
But before anything came worse,
"I understand, Mommy." Biglang sabi ni Paul.
Tuluyan niya nang inangat ang sarili sa kama.
"But we can go there next time, can we, Mom?"
Sumilay ang ngiti sa aking labi. Medyo lumambot ang puso dahil doon.
"We're only there to visit. Yes, we'll go there again, Paul." Tumango ako.
Hindi naman malaki ang isang buwang pananatili roon. Pero depende.
My attempt that time to tell him about his father failed.
Hindi ako makatulog at paulit-ulit na naglaro sa isipan ko ang tungkol doon.
Lumalaki ang anak ko na kailan man ay wala akong narinig na tanong sa kaniya patungkol sa ama niya. And never did Jenine mentioned to me anything about it.
Siguro, naiintindihan yata ng anak ang kalagayan ko. Naming dalawa rito. I really am just thankful that Jenine is with us always.
Nakapagtipa ako ng reply kay Ate Zydda. Binasa ko pa ng paulit-ulit ang mga salita dahil may kung ano pa rin pala talaga sa akin ang pumipigil na umalis.
Katherine V. Williams:
I wrote them on one of my schedule. Huwag ka nang mag-alala. Bibisita kami ng anak ko haha
I decided to include the 'haha' in my message to emphasize the lightness of my comeback. And maybe, to hide the true emotions I have; the sorrow I tried to keep. I have to stay strong. I must stay strong.
Nakakatawa. He's already married, Katherine! Remember that you have no feelings already for him! You're just afraid!
Panay ang balita sa akin ni Jeremy kung gaano pala kalaki ang fan base ko sa Pilipinas sa sumunod na mga araw. At ngayong na-feature ako sa isang sikat na stasyon doon, lalo lang nadagdagan iyon. Na mas tumibay pa, ayon sa kaniya, noong nalaman na may bago akong collaboration sa isang kilalang Hollywood rapper. An icon.
Naging abala ako sa mga sumunod na araw dahil sa music video shoot para sa collaboration namin. Nakakapagod lalo na dahil akin ang vocals pero sulit naman iyon.
"Okay, we're done. Just the final cut at the Liberty tomorrow." Sabi ng director.
Bumati agad sa akin ang kasama ko sa film. Pinuri niya ako at ako rin sa kaniya.
And while we were doing the shoot, I never forget to lend a time preparing for my homecoming.
"Gonna go for dinner later?" tanong nito sa akin.
Nginitian ko siya. "I have important things to do after this."
"Your son?"
Isa na iyon. Pero umiling ako.
"I am preparing for something."
Tuluyan na kaming tinawag bago niya pa man madugtungan ang mga sasabihin. Guys like him can be predictable. Ganoon sa industriya. Sometimes, you have to go along with it. But you must know how to limit. Especially when you want your career to survive.
Sa gabi, tuwing tulog na ang anak, nagkakaroon kami ng pagkakataong makapag-usap ni Ate Zydda. Bukambibig niya palagi ang nalalapit niyang kasal. At tuwing napag-uusapan namin iyon, hindi mapigilan ang pagbuhos ng pangamba ko sa pag-aalala ko para sa anak. Sa pamilya ni Isaiah. At pati mismo sa kaniya.
Kaya lang, hindi kagaya noong nasa Sydney pa ako, limitado na ang panahon ko sa kaniya ngayon dahil sa antok dala ng pagod. Good for her it's always the beginning of the day.
"Malapit na ang uwi ninyo!" umalingawngaw ang kaniyang sigaw sa buong common bath. Nasa gilid ko lang ang cellphone habang abala ako kaharap ang salamin. Alam kong pinapanood niya ako.
I couldn't help myself looking at my reflection. My mind is thinking that maybe, I am still the same Katherine who left. The only difference now is that I have someone whom I'll bring with me. I have my Paul.
Siguro sa tagal ng panahon, inabala ko lang ang sarili para subukin ang kumalimot. Isang bagay na masasabi ko ngayon na mahirap pala talagang gawin. Ilang taon na ang lumipas. Ilang beses ko nang sinubok.
"Ilang araw pa naman..." sabi ko. Half of my attention is in our conversation.
Narinig ko siyang suminghap. Sinuklay ko naman ang buhok ko. The brown and wavy strands of it are tempting me to want to change something. To be a different Katherine.
Hindi na humaba ang usapan namin. Nagpaalam din siya na aalis na sa kaniyang trabaho at ako rin ay para naman matulog.
"Ibigay mo ang good night ko kay baby Paul, ah?"
"Bye, Ate Zy!" I kissed my phone camera and saw her waving when I look back my screen. Kumaway din ako pagkatapos ay pinindot na ang end button.
Kinaumagahan pagkagising na pagkagising ko, binuhay ko agad ang cellphone para magtanong kay Jeremy tungkol sa mga kontrata ko. Maaga siyang nagising kaya madali niyang nai-send ang mga hinihingi ko. Nagtanong pa siya kung para saan ngunit hindi ko na inabala ang sarili na replyan.
Habang kumakain ay abala ako sa pagbabasa roon. At noong wala akong may nakitang hahadlang sa pinaplano ko, nagbook kaagad ako ng service sa salon sa mismong araw na iyon.
"Hello, Miss Kath! How are you today?" bati sa akin ng staff na sumalubong pagdating ko ng hapon.
Nginitian ko siya.
I booked in a mid-class salon. Pero may mga customers pa rin akong nakitang napalingon pero nasa bumati ang atensyon ko dahil tumawag agad ito ng tauhan na mag-aassist sa akin. Hindi ko inaasahan iyon lalo na dahil hindi naman ganoon kamahal dito. At hindi rin ako regular customer. Pero sumunod pa rin ako.
I can feel every customers' eyes adhere as I walk behind them. Nakatingin sila sa malaking samalin sa kanilang harap.
"You can seat here, miss." Turo sa akin ng naghatid.
Nasa may dulo ako.
"Thank you," sabi ko sabay upo.
The moment I felt the comfort of the couch, realizations started knocking in my head.
Bakante ang katabi kong upuan kaya wala akong puwedeng kausapin para malibang man lang. Umalis kasi ang nag-assist, hindi nagsabi kung ano ang gagawin. A magazine is good but I saw it in the entrance, far from where I am.
Napatitig ako sa sariling repleksyon. The paleness of my face reflected the slight horror that's crawling in my chest. Kinulayan ko naman ang mukha pero wala itong epekto. Maliit lang din kasi ang nilagay ko. Nagtagal pa ang paghihintay ko dahilan para magkaroon ng pagkakataon na pigilan ang sarili sa pusok kong desisyon.
You're not a broken hearted woman for who knows sake! You're just visiting your country!
I raised my hand to call someone's attention. Nakita ko naman sa repleksyon an may napalingon. Lumapit din agad ito.
"We're very sorry, ma'am. Our stylist is still occupied. We're really sorry for the inconvenience,"
"No, no," Umiling agad ako. "I just wanted to change my booked service, if it's okay?"
"Uh—"
"Instead of a pixie-cut, I want to just trim my ends, and... dye my hair,"
Tumango siya nang nakuha ang gusto ko.
Maybe it was a nice sudden decision. Gusto ko sana na huwag na lang talang ituloy at bumalik na. Ngunit baka isipin nilang may mali sa service nila. Na umalis ako ng wala man lang may pinapa-ayos. I may not be much of an influencer but doing something negative without an intention is already a thing. I don't want to let these people around me to have that kind of mindset.
Everyone was polite at me during the whole process. Kinausap ko na rin si Jeremy tuwing natatapos ang rounds. Medyo nagtagal lang ako sa salon na iyon dahil sa medisinang nilalagay. But I was satisfied with the result after everything.
"May mga tinanggap na akong kontrata para sa pagbalik natin ng Pilipinas."
Kabubuhay ko lang sa makina ng sasakyan nang sabihin niya iyon. Binitawan ko ang manibela para damputin ang cellphone na ibinaba ko sa ilalim ng gear. Naka-loudspeaker siya ngunit sa sinabi niya ay parang hindi naging sapat iyon.
"Para saan?" tanong ko, inilapat na ang cellphone sa tainga.
"'Yong kanina? You were asking me to send you some. I thought you were worried not having work while in the Philippines. So I rummaged to someone I know from there,"
Nanlaki ang mata ko.
"We will be there to only visit a friend!"
"I know. But I thought you were worrying about your career. Hindi ba napag-usapan na natin 'to noong nakaraan? Akala ko 'yon na iyon dahil nangailangan ka ng kontrata. What's with the contract thingy anyway?"
Napasinghap ako.
Hindi ko maalala ang sinasabi niya pero may maliit na tuldok sa utak ko ang bumubulong na napag-usapan nga namin ang bagay na iyon. Maybe while we were in his boyfriend's birthday. Hindi lang ako sigurado. Baka sa mga panahong pinagpaplanuhan namin 'to, puno naman ng ibang bagay ang utak ko.
"Why?" His voice is far from the frustration that's building up inside me.
"I forgot."
"Gosh, Katherine," aniya.
Para namang nasa harapan ko siya noong sabihin niya iyon dahil nakikita ko kung papano ang pag-ikot ng kaniyang mata.
Buong gabi ay hindi makapaniwala ang anak sa pagbabago ng buhok. He keeps on asking me what I did to it. Tumutulong naman si Jenine sa pagpapaliwanag. Pero noong nakatulog si Paul, bago gawin ang night bath sa common bath ay tinitigan ko muna ang sarili sa salamin.
Hindi na ako ganoon nagtagal sa salon kanina matapos itong gawin kaya ngayong may pagkakataon, hindi ko mapigilan ang sarili.
My before brown strands are now lightened. Making me look more of a blond woman. To add that my facial features do not scream the Filipino blood I have! Kaya gulat na gulat si Jeremy pagdating niya sa unit ko kinabukasan para i-settle naming dalawa ang kagagahan kong ginawa.
"Don't tell me you did that to your hair because..." nakita kong lumihis ang mata patungo sa likod ko.
Paul is playing with his Nana Jenine behind me.
Nakuha ko agad ang ibig sabihin niya.
"Hindi, ah!" Inirapan ko siya.
Jeremy shook his head, shoulder to shoulder. "I really think I knew him already,"
Bumalik ang tingin ko sa kaniya galing sa dokumentong kaniyang pinapakita kanina pa. Nanatili ang tingin ko, naghihintay ng pangalan na isisiwalat. But when he realized my eyes remained, his laugh bursted.
"Don't tell me you're expecting me to tell you?" tawa niya.
Sana talaga hindi ako pumayag na dito namin pag-uusapan ang bagay na ito. I know he will be playful with his mouth. And this can give my son hints to whatever ideas that's only for the two of us.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Pagkatapos ay binalingan ang anak para tingnan kung ano na ang ginagawa niya.
"But that looks actually good on you. Lalo pa dahil payat ka."
Pinigilan ko na siya sa mga kumento niya.
But since he mentioned it, it's funny because my body did not gain any weight after giving birth. Nanatili ang katawan ko noon sa ayos maliban lang sa paglaki ng tiyan. At siguro, dahil iyon sa pagiging pili noon sa mga kinakain kong pagkain. Naging sensitibo ako roon at palaging inaayawan ng sikmura kapag may nanatiling lasa sa dila.
Doon na rin sa unit nagtanghalian si Jeremy dahil sa mga tawag na kailangan niyang gawin. When the day was about to end, we were able to finally settle the arrangements. Some gigs that cannot be torn down were officially settled. At habang abala siya sa pakikipag-usap, bumabalik sa alaala ko na talaga ngang sang-ayon ako roon. Nawala lang sa isip ko dahil sa mga hindi inaasahang mangyayari.
Isang araw na lang bago ang alis namin, humaba ang usapan namin ni Ate Zydda. Gusto niya sanang ipasundo kami dahil nasa Manila siya kaya lang may susundo rin sa amin. It's from the hotel I booked in.
"Sayang! Saan kayo tutuloy?"
"Sa isa sa mga hotels ni papa," sagot ko sa harap ng screen.
Nagtuloy tuloy ang kuwentuhan. Nasanay rin agad siya sa bago kong ayos. She even teased me that I did this for Isaiah. To take him back to me. Mabuti nalang nasa kusina ako noon kaya hindi narinig ng anak ang sinabi niya.
"Sawa na rin ako sa dati kong ayos kaya gusto kong ibahin naman."
Gusto ko rin sanang idagdag ang pagpapaiksi ko ng buhok na hindi ko tinuloy. Ngunit napagtanto kong mas lalo lang ako nitong tutuksuhin. Kaya hindi ko na ginawa at pinagpatuloy na ang sadya sa kusina.
"Alam na ba niya?"
Umiba ang tono ng kaniyang pagsasalita. Alam ko agad ang ibig niyang sabihin. Bumalot agad ang kaba sa aking puso.
Umangat ang dibdib ko sa paglalim ng hinga.
"Hindi ko pa alam paapano sasabihin kay Paul, Ate Zy,"
"Hindi ba siya naghanap... alam mo na? Nagtanong man lang kung bakit wala siyang..."
Umiling ako. "He doesn't interact that much to children the same his age."
Our conversation is starting to get hard.
Pinanood ko ang pagtitig ni Ate Zydda sa akin sa kaniyang screen. Sa itsura niya, alam kong hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
"But he asked me one time about having a grandma," agap ko dahil kinabahan kaniyang reaksyon na pinakita.
"Wala ka bang planong ipaalam sa anak mo?"
"Mayroon. Pero gusto ko munang malaman ang kalagayan ni Isaiah. I don't want my son to hope for someone who is not ready to accept him. Ayaw ko rin na maliitin siya ng pamilya niya. I told you before what happened between us."
There was a long pause after.
Siya ang unang nagsalita matapos sigurong i-proseso ang mga sinabi ko.
"When are you going to tell Isaiah, then?"
Napakurap-kurap ako. Masyado nang mabigat ang puso.
"Ngayong pag-uwi namin. I want to talk to him."
Binalaan ako ni Ate Zydda kung ano na ngayon si Isaiah. He did not mention the full details but I assumed him to be big, considering the business they have in the Philippines. Naalala ko rin noon na sinabi ni Ate Zydda na kanilang construction business ang nangunguna noon sa bansa. Hindi na ako sigurado ngayon dahil talagang winalis ko siya sa isipan.
The day the plane landed at the Philippine Airport, the first thing I checked was my son, now asleep beside me.
Nakita ako ni Jeremy na nasa kabilang upuan kaya napatingin din siya sa anak ko.
"Ako na kay Paul," sabi ko agad sa kaniya
"Are you sure?"
Hindi na ako nag-abala pang sumagot at tumayo para buhatin ang anak. Ayaw ko nang gisingin siya ngayon dahil alam kong nakakapagod ang buong biyahe. Nasa ekslusibong parte naman kami ng eroplano. Hindi gaanong pahirapan ang paggalaw namin. Naging tuloy-tuloy din ang aming pagbaba.
Paglabas na paglabas ng eroplano, ang pamilyar na init agad ang sumalubong sa amin. Hindi ako sigurado sa oras pero tirik ang araw ngayon.
My knee length camel coat now feels like an obstruction because of the warm surrounding. Pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Ramdam ko naman na nakasunod si Jeremy at Jenine sa likod ko.
Kaya lang, habang papasok, napansin ko agad ang mga taong napapalingon sa akin. I don't have to remove my oversized square sunglasses to see a girl running towards me. A phone is on her hand.
Napahinto ako sa gulat at nanlaki pa ang mata sa likod ng suot na salamin.
"Oh my!" Agad siyang naharangan ni Jeremy. "Miss Kath!" sigaw pa nito.
I had to hold my son's head to stop him from falling. Hindi ko inaasahan ang paglapit nito.
"I'm a big fan, po!" rinig kong dagdag nito.
May sinasabi sa kaniya si Jeremy ngunit hindi ito pinapansin at nagpupumilit na makalapit. The scene caught everyones' attention. Iyon din ang dahilan kung bakit may mga nakapansin sa akin at sinusubukan ding lumapit. Doon na ako kinabahan.
"We have to call the security!" Sigaw ko na.
Lumilinga-linga na ako pero ang nakikita ko lang ay ang mga taong nagsisimula nang lumapit papunta sa amin. This is very much unexpected! Maging si Jenine sa likod ko ay tumutulong na sa pagharang para mapigilan sila. Mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa anak. Nagising na ito dahil sa nangyayari.
When the security started to ease the scene, they helped us walk out from the commotion. Kita kong may pinagagalitan si Jeremy sa unahan habang naglalakad kami. Hindi ko na napansin ang paligid dahil sa mga guwardyang tumulong sa paghaharang.
Sinalubong kaagad kami ng sasakyan ng hotel at pagkapasok, saka ko lang nadama ang katahimikan.
"Are you okay, baby?" Tinuon ko agad ang atensyon sa nagising ko nang anak.
Tumango ito at pinilit pang ngumiti.
Hinaplos ko ang buhok nito pagkatapos ay hinila para pasandalin sa katawan ko at mayakap.
Outside the car are still people waiting for their chance to see me. May mga guwardya ring pumipigil sa kanila.
"Nakakagalit talaga!"
Nakapasok na si Jeremy sa front seat. Lumingon agad siya sa akin.
"I have to talk to the owner tomorrow. This is a scandal!"
Eskandalo nga itong nangyari sa amin. Muntikan pa kaming mapahamak.
"This Maderal airport is noxious and not full of security! Hindi man lang inalam kung sino ang darating!"
Halos mapaahon ako sa pagkakasandal sa backrest dahil sa narinig sa kaniya.
"W-what airport did you say?"
Pinandilatan niya ako, nangigigil dahil pa rin sa nangyari.
"Basta. I have to talk to them. Tomorrow."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro