Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikaapat na Kabanata

Ikaapat na Kabanata: Kaba


Ilang minuto kaming nanatili ni Ronald sa loob ng kuwarto. At umabot din ng ganoon ang pag-iisip ko kung papaano mapapasalamatan si Isaiah sa pagpapatuloy niya sa amin.

Nasa higaan ako habang iyon ang ginagawa. Naging abala ulit ang kapatid ko para ayusin ang mga gamit na hindi na ginalaw ng mga tumulong sa amin. Tumigil ako nang mapansing masyado kong ginagawang big deal ang gagawing ito. Kaya imbes na abalahin ang sarili sa pag-iisip, tumagilid ako at agad namang nahila ng antok.

Madilim na sa labas ng bintana nang magising ako dahil sa tawag ni Manang Dessa. Maghahapunan na at iyon ang sadya niya para palabasin kami ng kuwarto. Agad akong bumalikwas sa pagkakahiga. Inaasahan ko pa naman ang sarili kong tutulong sa kanila sa paghahanda.

"Ano pa ang gagawin mo?" Inis na tugon sa akin ni Ronald nang dumiretso pa ako sa kakasabit lang na salamin para mag-ayos.

Bumaling ako sa kaniya sa kalagitnaan nag pagsusuklay ng buhok. Gamit ko lang ang mga daliri sa pagmamadali.

"Mauna ka na! Sandali lang ako."

Lumabas din siya at narinig ko pa pagbukas niya ng pinto ang ingay ng pagsisimula ng pagtitipon ng mga tao sa labas. Pinasadahan ko ulit ang ng tingin ang damit. Nang makuntento sa ayos, sumunod ako sa kapatid.

Dahil sa dining ang kuwarto namin, pagbukas ko ng pinto ay tumambad agad sa akin ang mahabang lamesa na sinisimulan nang punuin ng mga tauhan. Unang nahagip ng mata ko ang nakasabit na crystal chandelier na may labing dalawang bumbilyang nagbibigay liwanag sa buong dining area. Antigo ang katawan nito na gawa sa ginto. Pero naagaw agad ang atensyon ko nang marinig ang anyaya ni Manang Dessa.

"Dito kana sa tabi ni Analyn," aniya.

Tumango ako sa kaniya. Imbes na dumiretso sa hapag, naghugas muna ako ng kamay. Everyone was already settled when I joined the table. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama at napansing wala si Isaiah.

"Manang, si Isaiah po?"

Bumalik ang tingin ko sa ginang na nasa kabisera.

Si Analyn na katabi ang nag-angat ng tingin.

"Nasa Bonifacio pa," sagot niya.

"Talaga? Hindi ba siya uuwi?"

Hindi alam ni Analyn ang sagot dahil napatingin siya sa kaniyang ina. Lumipat din ang tingin ko sa kaniya.

"Baka bukas na iyon bumalik, hija." Sagot ni Manang Dessa. "May kailangan ka ngayon sa kaniya?"

Natigilan ako. Inisip ko kaagad ang plano. Pero umiling ako. "Ayos lang. Bukas ko na lang po siya kakausapin,"

"May pinag-usapan yata sila ng tito niya na bagong itatayong proyekto nila,"

Hindi na muli ako nagtanong. Ang pagtama ng mga kubyertos ay umaapaw sa buong silid dahil sa pagiging tahimik ng mga kasama. Kagaya nila, naging abala rin ako sa pagkain. Kaya mabilis na natapos ang lahat. Hindi na ako pinatulong ni Manang Dessa sa pagliligpit kaya nagkaroon kami ni Analyn ng oras para makapag-usap.

"Mabuti nagkabati na kayo ni Isaiah?"

Nasa malawak na hardin kami sa gilid ng mansyon. Pinapanood ko ang kapaligiran habang may kinukuwento siya nang maagaw ang atensyon ko sa biglaan niyang tanong. Nasa gitna namin ang bilugang lamesa na gawa sa metal. Nagtagpo ang dalawang kilay ko.

"Hindi kami nag-away ni Isaiah." Giit ko agad.

Ang tuwa sa mata niya ay napalitan ng pagkagulat.

"Talaga?" Aniya na nanlalaki ang mga mata.

Iyon ang pagkakaalala ko. Tumango ako. Nilapit niya naman ang kaniyang ulo.

"Hindi ba..." huminto siya para mag-isip bago tinuloy ang sasabihin. "Halos masira mo ang pangalan niya sa pang-aakusa mo noon sa kaniya."

"Hindi ko naman kasalanan iyon,"

"Halos itakwil pa nga siya ni Don Isaias ng malaman niya ang tungkol doon."

"Don Isaias?" Muling naagaw ang atensyon ko.

Tumango si Analyn. "Si Don."

Kumunot naman ang noo ko. Nakuha naman ni Analyn na hindi ko kilala and Don Isaias na sinasabi niya kaya dinagdagan niya ang kaniyang sinabi.

"Si Don Isaias, apo niya si Isaiah."

Unti-unting namilog ang mata ko nang makuha rin sa huli ang tinutukoy ni Analyn. Kaya ako naman ngayon ang napalitan ng gulat ang mukha dahil sa balita. Bumalik sa alaala ko ang ginawa ko noon sa apo niya. I felt the guilt crawled to rip me.

"A-ano..." napapikit-pikit ako nang walang mahanap na salita.

Hindi inalis ni Analyn ang titig sa akin.

I am bothered by the news that my accusation to Isaiah reached the Don and Doña. Alam kong kumalat iyon sa buong bayan. At hindi nga malayong umabot ang balitang iyon sa kanila.

Umayos sa pagkakaupo si Analyn. Hindi ko na rin maitago ang pag-aalala sa sarili.

"Pero hayaan mo na lang. Hindi naman pumupunta sa Leyte ang pamilya ng Senior,"

Hindi gumana ang pang-aalo ni Analyn. Nakahiga na ako sa kama sa bago naming kuwarto, iyon pa rin ang laman ng isipan ko. Mas lalo akong naging pursigidong makausap si Isaiah at mapasalamatan din siya.

The guilt haunted me that I felt restless the next morning after waking up. Si Isaiah agad ang hinanap ko matapos mag-ayos sa common bath ng bahay.

Hindi ko siya nahanap. Naisip kong tanungin si Manang Dessa kaya lumabas ako nang wala rin siya sa loob. Nasa may portico ako nang mahagip ko ang ginang sa may carport sa kaliwa ko. Nakatayo siya kaya lumapit ako. Napansin din agad ako ni Manang kaya hindi na bumitaw ang tingin niya.

"Magandang umaga Manang Dessa. Nandito na po ba si Isaiah?"

"Si Isaiah? Mamayang tanghalian pa yata iyon babalik."

"Ganoon po ba,"

"Hayaan mo, sasabihan ko siya kapag dumating siya agad dito."

Bago pa man makadugtong ng sasabihin, nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na sasakyan na kadarating lang sa labas ng malayong gate. Napatalikod din si Manang Dessa para makita ang bagong na sasakyan bago pa man ito makabusina.

"Ay! Hija, narito na pala siya!" Bigla siyang nataranta.

Patakbo niyang nilapitan ang gate. Sumunod din ako at tumulong na rin sa pagbubukas dito.

Muli akong tiningnan ni Manang Dessa. "Siya na iyan," aniya.

Tumango ako at itinuon ang atensyon sa papasok na ngayong sasakyan. A famous Toyota logo on its mouth couldn't be missed out. Wala man akong alam sa mga uri ng sasakyan, pero masasabi kong isa ito sa mga mamahaling uri base na rin sa laki at angas ng dating nito. The SUV is grey.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang garahe. Tinabi niya ito sa nakagaraheng four by four high-wheeled jeep.

Sabay kaming naglakad pabalik sa garahe ni Manang nang masarado ng tuluyan ang gate. Ang planong kausapin si Isaiah ay biglang umuurong dahil sa pang-uudyok ni Manang Dessa na kausapin ko siya.

Lumabas si Isaiah sa sasakyan. Agad nagtagpo ang mga tingin namin.

His hair is a bit messed. Halata sa itsura niya na hindi pa nakakaligo. Ang suot niya kahapong dress-shirt at bota ay ibang-iba sa puting T-shirt na pinares niya ng jersey shorts ngayon. Umaga pa lang naman kaya ayos lang.

"Kagabi ka pa hinahanap nitong si Katherine, Isaiah,"

Lumaki ang mata ko sa pagbubunyag ni Manang. Naabutan ko naman ang pag-angat ng dalawang kilay ng bagong dating.

"What's it? Iyong lumang dresser niyo ba?"

Umiling ako sa sinabi ni Isaiah. Napatingin ulit ako kay Manang Dessa bago binalik ang tingin sa kaniya.

"A-ano, may sasabihin sana ako," I paused. But his eyes remained waiting. Kaya napilitan akong dugtunganiyon kahit na umuudyok ang lalamunan ko.

"A-ano kasi... iyong kahapon. Ang tungkol dito," shit.

Biglang natawa si Manang Dessa. Agaran naman ang pag-angat ng dugo ko sa mukha.

Isaiah smirked.

He's enjoying it.

Binalik ko kay Manang Dessa ang tingin bago ulit binigay sa kaniya. I was actually picturing this moment to be serene and dramatic. Hindi itong ganito na may audience kami.

"Ang mahirap kasi kapag mestiza dahil agad nakikita ang pamumula ng mukha," natatawang kumento ni Manang.

Lumapad ang ngiti ni Isaiah.

I cleared my throat to pursue the words building up at the tip of my tongue.

"Magpapasalamat lang ako sa iyo sa pagpapatuloy mo sa amin dito,"

Bahagyang bumagsang ang ulo pero nanatiling nakaangat ang kilay niya. I concluded the gesture as if it's asking me if that's all.

"A-at ano—" sumubok ako ulit ngunit pinutol niya ako.

"It's mama's decision to let you stay here. Don't thank me."

"Isaiah," biglang agap ni Manang Dessa.

His smile didn't fade. Pero halata sa boses niya may gusto siyang ipahiwatig. Nang hindi na ako makadugtong ng salita, umikot siya papunta sa katabing jeep ng sasakyan niya.

Napakagat nalang ako ng labi. Natabunan na siya ng sasakyan nang maramdaman ko na masyado palang malakas ang pagtibok ng puso ko. At dahil iyon sa kaba.

"Intindihin mo nalang iyon, hija."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro