Rhythm Of Fate
I smile as I look at him peacefully sleeping. He looks so angelic with that face. Tears are running down from my eyes. I kissed his temple. And showered his face with my lovely kisses.
"I can't ruin your future. I'm sorry." Pagkasabi ko noon ay parang isang pelikula na nagsimula ay bumalik ang mga alaala ko, alaala naming dalawa.
"Chase!" Sigaw ko nang hablutin nya ang gawa ko. Adik talaga to! Jeez! He's my seatmate kainis.
"Damot mo talaga, parang patingin lang." Sabi nya at umirap sa akin. Minsan naiisip ko na bakla ang lalaking to.
"Hmp. May gawa ka naman yun na lang tignan mo." Di ko sya pinansin at kinuha ang gawa ko. It's our assignment, Alibata making.
"Ayan na si Ma'am." Sabi nya at umayos ng upo. English namin ngayon buti na lang at hindi ako late ayoko maglinis ng corridors.
"Magqu-quiz tayo ngayon, nagreview ka?" Kinurot ko ang pisngi nya nakakagigil kasi.
"Aray! Ang harot mo talaga Moni!" That's my nickname haba daw kasi ng pangalan ko. Pati pagbigkas ng pangalan ko kinakatamaran nya.
"Before we proceed to the quiz, we should have a recap. What did you learned yesterday?" Agad kaming nagtaas ni Chase ng kamay. Paunahan kasi kami kung sino ang matawag.
"Yes, Alonzo?" Pagtawag ni Ma'am sa apelyido ko. Agad akong tumayo na may confidence. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin si Chase.
"I've learned that Idioms are Figurative type of speech. The sentence or the thought of the sentence or phrase has another meaning and not take it literally." I've said with much confidence on my eyes.
"Give me example Mr. De Vera." Tumayo si Chase at tumingin muna sa akin bago nagsalita.
"It's raining cat and dogs. It doesn't really mean that the cats and dogs are being showered on us, it just simply mean that there's a storm outside." Tss. What could you expect from the top one of our class?
"Huy! Penge glue!" Sabi ko sabay dampot ng glue sa bag nya Math class namin ngayon at gumagawa kami ng mga kachuhuhan natriangle na may angle at marami pang iba.
"Peram ruler." Sabi ko uli sabay hugot ng ruler sa bag nya.
"Baka gusto mong kunin na lahat ng nasa bag ko?" Sarkastikong pahayag nyang pahayag kaya dumila lang ako sa kanya.
"Huy! Chase peram ako ng ruler kapag si Monique pinapahiram mo kami hindi!" Inirapan ko sila masyado silang malisyoso sa amin ni Chase.
"Osige na nga friendship naman tayo e." Oh diba para syang bakla sa pagsasabi nya ng 'friendship'.
"Hoy taba! Pahiram mo kay Jorisha yan." Sabi nya. Oo medyo chubby ako pero cute ako.
"Lol. Ipahiram mo. Sa akin ba yan? Sa akin?" Pambabara ko sa kanya at saka tumawa.
Kasi tapos na ako wahahaha.
"Hoy! Quota ka na! Andami mo nang narecite!" Sabi ko at binatukan sya.
"ARAY!" Late na sabi nya kaya tumawa ako. Ang chuchu talaga nito.
"Late reaction ka! Tapos OA pa!" Lumabas na ako para bumili sa canteen at syempre sumulyap kay Crush.
"Hoy Jorusha! Lika na canteen tayo at baka masight ko si Crush." Sabi ko with matching pabebe moves pa.
"Sama ako." Sabi niya at humabol sa amin.
"Hoy! Mali kasi yan!" Sabi ni Chase at nagturo sa akin ng tama.
"Hindi! Tama yan! Mas marunong ka pa sa akin e!" Umiirap na pahayag ko.
"Lah? Tinuturuan ka na nga ng tama! Ayaw mo pa?"
"Eh mali naman kasi tinuturo mo!"
"Dapat nga kasi ang predicate nominative ay kasunod ng Linking verb!"
"Kaya nga kasunod naman sya ng linking verb ah!"
"Pero dapat noun!" Sabay kaming napatingin sa paligid namin. Agad na namula ang mga pisngi namin ng napagtanto na nasa aming dalawa ang atensyon ng buong klase.
"Tsk. Ganado sa pagsasagutan eh." Sabi ni Marilyn.
"O tapos na kayong mag-away? Baka gusto nyong magpatayan na." Sabi ni Ma'am kaya agad akong napayuko.
"Ikaw kasi." Sabi ko at siniko sya.
"Tss ikaw may kasalanan di ako." Sagot naman nya.
"Tss pag kayo nagkatuluyan imbitahan nyo ko sa kasal nyo." Sabi ni Ma'am at tumawa.
"MA'AM! HINDI KO PAPATULAN YAN!" Sabay naming pahayag. Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nakatingin rin sa akin ngayon. Umirap ako at tinalikuran sya.
"Aaaaayyyieeeeee! CHA-NI! CHA-NI!"
I am listening to his rants about our classmate. I am fascinated on how his eyes sparkle and his mouth moving without any stops. How his hair being messy because of his movements.
"NAKAKAINIS! Alam mo ba yun? Tapos ginaya nya yung gawa ko! Katulad na katulad nung akin! Pinaghirapan ko yun Molly!" Sabi nya at nagpadyak padyak pa.
"Tss. Sigurado naman akong mas maganda yung sa iyo don." Minsan iisipin ko na bakla sya dahil sa kilos at pananalita nya.
"Hindi yun ganun! Effort ko yun! Tapos sya ipinaprint nya lang?" Namumula at lumalaki ang butas ng ilong nya habang sinasabi nya sa akin yun.
Kaya imbes na damayan sya ay tuluyan na akong natawa. Napakagat ako ng labi ko para pigilan pero mas lalo syang namula at pinanlakihan ako ng mata.
"Moni! Seryoso ako dito! Pero tinatawanan mo lang ako?" Parang bata na sabi nya.
"Eh kasi! Yung ilong mo!" Ang tawa ko ang nangibabaw sa aming usapan.
Ilang minuto akong tumawatawa kaya medyo natawa na rin sya. Pero pagtingin ko sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang nakatingin ang mga kulay light brown nyang mga mata. Na para bang aliw na aliw habang ako ang tinititigan.
Napalunok ako. Nang nakita nya na nakatingin sya sa akin ay natauhan sya at umiwas ng tingin sa akin. Pinamulahan ng konti ang pisngi nya.
"Tss." Sabi nya sabay tingin kay Athera at umirap.
He's bitching again. Para talaga syang baklaaaaaa! Waaaah! Tss sayang gwapo pa naman.
"Hoy, partner tayo ha!" Bulong ni Chase sa akin habang nagdediscuss ang teacher namin sa harap at may partner chuchu.
"Oo. Ako na bibili ng cartolina. Ikaw na magsulat. Gandahan mo sulat ha?" Pangit sulat nya pero kaya nyang gandahan. Yung akin kasi ako lang at sya ang nakakabasa.
"Pagmamahal?" Tanong ng isa naming kaklase habang nagawa ng sulatin sa Filipino.
"Ay Ma'am! May kilala ba kayong RC ang initials sa Saint Dominic?" Pagbanggit ni Lilac no'n ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Kami ang first section Saint Peter.
"Bakit? Parang wala?" Sagot ni Ma'am na nakakunot ang noo.
"Crush kasi ni Alonzo Ma'am." Nanlaki ang nga mata ko sa sinabi nya. Nakakahiya!
Naghumerentado ang puso ko! Ang bilis ng tibok nito! Lahat ata ng dugo sa aking katawan ay napunta sa aking mukha sa sobrang pagpula.
Agad kong tinakpan ang bibig ni Lilac upang pigilan syang mag-salita.
Lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Halaaaa Ma'am hindi nyo yun narinig diba?"
"Ikaw Moniiii haaaa! May crush ka na ha!"
"Sino yan Alonzo? Sinooooo?
"Cañedo? Can-Castillar?"
"OO NGAAAA! SI CASTILLAR!"
"AAAHHH! SI RIKE CASTILLAR!" Agad akong napawalkout sa sinabi ng kung sino mang tao na iyon.
"Waaah ayaw ko na! Mag-walkout na ako!" Sabi ko at tuluyang lumabas.
"Ikaw Moniii ha! Crush mo pala ang poging taga Saint Dominic!" Sigaw nila.
"Uyyy wag! Nagseselos si Chase!" Sabi ni Kenji at tumingin kaming lahat kay Chase. Damn! Pinapawisan ako! Jeez! He's not looking at me.
Ang init! Gosh! Daig ko pa ang sumabak sa isang marathon! Nakakaloka! Tumingin ako kay Chase.
"Huy! Hindi ah!" Depensa nya sabay tingin sa akin.
"Weeeh? Ang daldaldal mo! Pero ngayon bigla kang natahimik!" Sabi ni Kenji at lahat sila ay nagsitanguan.
"Huy hindi nga! Bakit naman ako magseselos?" Another defensive stance of him.
"Weeh? Sabi mo nga ang cute cute ni Moni e! Binubulong-bulong mo nga yun sa akin!" Sabi ni Natasha na katabi nya. Agad akong napatingin sa kanya. Hindi sya makatingin sa akin.
Nilakihan nya ang mga mata nya sabay tingin sa akin. "Tss wala akong sinasabi. " Sabi nya. At umiwas ng tingin sa akin.
Jeeez! Childhood crush ko lang naman si Rike e. Eh yung totoo naman si-
"Oo nga Moni! Paano na si Chase?" Sabi ng mga kaklase ko. Pero balik sila sa pangaasar sa akin.
"Rinique! O kaya? Rilliene!" At nag ayyie silang lahat.
"Walaaaa Chani tayo! Cha-Ni!" Natawa sila at nag-ilingan.
Haaay buhay! Ayaw ko na nga! Waaah! Buti nalang at nagbell na at nakaligtas ako sa mga kaklase ko.
"Castillar pala ha!" Sabi nila at tumawa. Mga chuhu talaga!
"Huy!" Napatingin ako kay Jorusha. Nandito ako ngayon sa bahay nila dahil magpapaprint ako ng picture.
Kailangan kasi namin para yun yung topic namin sa ESP pagmamahal. At ilagay daw namin sa hearteu. Kinakabahan ako dahil after several months ko palang sasabihin sa bespren ko ang tungkol dito.
Kasi hindi ko talaga tanggap. Pero wala eh. Puso ko na ang nagsalita kaya isipan ko'y wala nang magagawa.
"Oh nasan na ang ipapaprint mo?" Napakagat ako ng labi. Waaah ano ba yan! Ayaw ko na nga.
"H'wag na Joruuuu! Waaah nakakahiya kasi eh! Waah nakakahiya!" Sabi ko at gumulong- gulong sa kama nya.
"Ano nga? Ipapaprint mo o susungalngal ko sa iyo tong Flashdrive mo?" Sabi nya kaya agad kong tinuro. Tinototoo nya kasi ang sinasabi nya kaya heto ako.
"Damn!!!! Yung title nya." Sabi ko at pagkakita nya nito ay isang impit na tili ang lumabas mula sa kanyang bibig.
"O MY GASSSSSSSSSSSSSS! KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Napangiti nalang ako at napailing.
Duh! Sa dalas ba naman naming magtalo ay sinong mag-aakala na magugustuhan ko sya? Well mabait kami sa isa't isa pero nag-aaway kami.
"Totoo ba to? Jeez!" Sabi nya sabay paypay sa kanyang mukha na ngayon ay pulang-pula sa sobrang kilig.
"Pano? Diba si Rike?" Umiling ako at nag-isip.
Paano nga ba? Pano nga ba naging sya?
"Hindi ko alam. Basta paggising ko isang araw sya na." My beshy's eyes never left mine. Alam ko iniisip nito.
"Hindi ko siya mahal. Gusto ko sya. Magkaiba iyon." Depensa ko dahil 3 months palang! Samantalang si Rike 3 taon ang pagkagusto ko sa kanya.
"Bakit sya?" Tanong nya uli na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Hindi ko alam! Jorushaaaaa! Hindi ko alam! Basta nagising na lang ako na sya na." Sabi ko at ginulo ang buhok ko.
"Ganun pala talaga yun no? Pag mahal mo ang isang tao? Hindi mo alam kung bakit basta mahal mo sya. Mahal mo talaga sya." Nakagat ko ang labi ko.
"Hindi ko nga sya mahal! Gusto ko sya! Damn! Si Castillar tatlong taon ko nagustuhan pero sya? Tatlong buwan palang." Tss. Ayaw ko na pinagpipilitan ang bagay na ayaw kong pinawalaan.
"Love wasn't measure by how long your feelings is, but on what the truth is." Umirap ako.
Masyado pang maaga para magmahal ako. If I'm then I'll let it. Let it love him.
Hindo ko pinasa yung gawa ko. Jeez natakot ako. Ayaw ko na. Pusha pink. Iba ang gusto nya pero gusto ko pa rin sya.
"Ayyiiieee Chase! Si Dara pala ha? Ayyieeeee! Char-Ra." Asar namin sa kanila habang pinakita ni Manolo ang gawa nya. Sobrang pula ngayon ni Chase.
"Uy! Wait nagseselos si Moni!" Sigaw nila na agad kong iniling. Tumingin ako kay Chase na nakatingin sa akin.
"Hindi ah! Ayyieee Cha-Ra! Cha-Ra!" Nakangiting sabi ko kahit na gusto ko na silang ipalamon sa lupa.
Damn! Tulak ng bibig, kabig ng dibdib! Nakakainis! Bakit kasi sya? Jeez nakakaramdam na ako ng kakaunting kapanibughuan!
"Oo nga! Kay Rike na yan e!" Sabi ni Manolo at pinakita ang gawa ko na si Rike ang picture.
Nakita ko kung paano nagbago ang expression sa mukha ni Chase ng makita nya iyon. Pink naman ang ginamit kong color it means crush kung yung kay Chase yung pinasa ko? It was red. And love is the meaning of it.
Nakita ko kung paano dumilim ang mga mata nya habang nilipat ang tingin sa gawa ko. Ako naman ay napatingin kay Dara na ngayon ay pulang-pula rin.
Napakagat labi ako. At tumingin kay Chase na ngayon ay pula parin ang pagmumukha. Nabigla ako nang tumingin sya sa akin kaya agad akong naghanap ng bagay na bubuntunan ko ng atensyon.
Is it possible? That we share the same feelings? Or Am I just imagining things?
"Hoy. Bakit di mo pinasa?" Tanong ni Jorusha.
"Wag na si Rike nalang ipinasa ko mas comfortable." Sabi ko at lumunok. Di ko sya kayang tignan ngayon.
"Dapat ikaw yung nilagay ni Chase dun! Nakakainis! Nakakainis!" Sabi nya umiling ako. He likes Dara not me kaya wag ng umasa.
"Si Dara ang gusto nya. Yun nilagay nya diba?" Galing kami sa school supplies na binilhan namin ng long bond para sa english namin.
The scene of him having a romantic moment with Dara is lingering on my mind. And I hate this. Masyadong advance ang utak ko. At ngayon nasa stage na ako na sobrang sweet na nila ang magjowa na sila.
"Dapat talaga ikaw yun! Nakakainis kasi!"
February 14 Valentines day. Walang ganap. Nakakainis. Sarap magluksa dahil araw ng mga puso.
"Happy Ash Wednesday!" Sabi ko dahil ayaw ko ng valentines. Yuck bukod sa doughnut na dala ni papa walang masaya dito!
Nagdedesign ng classroom ang mga kaklase ko dahil plano naming isurprise ang mga teacher para wala ng lesson. Tatalino talaga ng mga to. Sayang di natuloy yung mga booths. Kainers. Papajail booth pa naman sana ako ng nga prends ko wahahaha.
"Elle salamat sa card. Waaah!" Sabi ko at niyakap sya.
Nang makapunta na kami sa room ay agad akong umupo sa upuan ko. Agad akong nag-ingay dahil bitter ako wahahaha.
"HAPPY ASH WEDNESDAY!" Sabi ko at naki-happy Wednesday! Mga nag adik wahahaha.
Pero natigil ako nang makitang magkatabi ang upuan nila Dara at Chase. Agad akong natahimik at umupo sa isang tabi.
Nakakaselos damn it! Pero nakaupo pala si Chase malapit sa akin. Oo isang upuan lang ang gumigitna sa amin.
"Chase anong ganap sa inyo ni Dara? Ayyiiie." Asar ni Kena kay Chase agad akong tumingin kay Chase.
"May pa-roses yan." Asar ni Marilyn.
"Why will I give her roses? Is she someone I love?" Umirap ako sa pageenglish nya.
"Eh diba gusto mo sya as a friend? Dapat bigyan mo sya!"
"Ano Alonzo? May sinasabi ka?" Nang-aasar nyang tanong kaya inirapan ko sya.
Kilig na kilig kami habang binabasahan ng tula ni Ben si Jorusha! Grabe kinikilig ako! Waaaah ang bespren ko haba ng hair! Waaaah! Grabe sana magtagal sila. Nakakaloka!
"So ayun na nga pumili kayo ng mga ikakasal. Ginastos ko lahat ng pera ko para mapasaya kayo ngayon. Dahil hindi tuloy ang marraige booth." Sabi ni Janice.
Tinuro namin si Jorusha at si Ben. Pero ayaw ni Jorusha. Gusto ko sana para ako yung maid of honor. Kainerz. Pero nagulantang ang buong pagkatao ko nang makita kung sino ang gusto nilang makasal.
It's Chase and Dara. Nagulat ako. Shit. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na ikakasal sya sa iba. Kahit na sabihin mong laro-laro lang pero.....hindi ko talaga kaya.
"Ayaw ko!" Pag-ayaw nya pero pinipilit pa rin sya. Tumingin ako sa kanya. Namumula sya. Namumula ang mga pisngi nya.
"Sige na Chase!" Pagpupumilit ko rin. Nakakainis! Bakit ko sya kailangan pilitin? Shit. Gustong tumulo ng mga luha ko damn!
Nakita ko ang sakit na dumaloy sa kanyang mga mata habang sinusulyapan ako. Nakakainis ka Chase! Nakakainis! Handa naman akong umamin sayo pero bakit kasi sya yung nilagay mo? Pwede namang iba!
"Ayyyiiie! Kinikilig ako Oh my!" Sabi ni Lira sa akin at nagtatalon pa sya habang kinikilig.
Napanguso ako habang tinitignan sila. Habang tinitignan na masayang inaayusan si Dara. Si Chase naman ay pilit ang pag-ayaw ngunit nandon na sya at handa ng hintayin ang babaeng gusto nya!
Natatakot ako. Nakakatakot na pag ikinasal na sya ay wala na akong pag-asa. Wala na akong pag-asa sa kanya.
Tumingin ako kay Jorusha. Nandun sya tinitignan nya ako. She mute talked 'Dapat ikaw yan'
Nakasuot na ng belo si Dara. Sila ay tumugtog na ng Thousand Years. Gusto kong mag-walk out. Hindi ko kaya.
Gusto kong mag walk out di ko kaya na ikasal sya sa iba kahit na kunwarian lang! Parang isang bagay na hindi na maiiaalis kong maikakasal sya ngayon.
Lahat sila nakangiti. Handa na ang mga abay. Handa na ang kunwaring Pari at ang ibang kailangan sa kasal.
Tumingin ako sa tiles. Tumingin ako sa kanya. Nagulat ako nang nakatingin sya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nginitian ko sya. Isang pilit na ngiti ang pumorma sa aking labi.
"Ayan naaaa waaaah! Kinikilig ako!"
"Oh my!"
"Daraaaaaa! Chaseeee!"
Hindi na ako humihinga. Malapit na ng pumasok si Dara. Hindi ko na kayang tignan. Sheez! Masasuffocate ako nito eh! Pigil na pigil ang aking paghinga habang ang puso ko ay sobrang bilis ang tibok.
"Regarding sa folk dance nyo. Magbubunutan nalang ng sayaw ang bawat section."
Natigil ang kasalan.
Nahinto ang kasalan at agad na tumakbo si Chase papunta sa upuan nya. Sir is a blessing in disguise! Damn! Mahal ko na si Sir! Dahil sa biglang pasok nya ay natigil bigla ang kasal.
"ITIGIL ANG KASAAAAAL!" Tawanan sila at iniba na ang ikakasal.
Did just Lord did that for a purpose? Damn! I thank Him for that! Masama ba ako? Masama ba na mapuno ng saya ang puso ko sa gitna ng pagdadalamhati ni Dara? Tuwang tuwa ang ako. It's like a breath of fresh air.
"Patugtog mo yung dive bilis!" Sabi ni Sari dahil hawak ko ang cellphone nya.
Nandito ako sa room dahil ayaw ko sa crowded place kahit na masaya manood ng valentine event.
"Oo tapos sasabayan mo lang yung Don't call me baby." Sabi ko at tumawa.
"Oo yun lang yung alam!" Sabi naman ni Chase at tumawa.
Naiwan kami bali mga nasa 8 kaming pagala gala dito sa room. Habang yung 40 nasa iba't ibang parte na ng eskwelahan.
"Si Castillar yan?" Tanong ni Martin ng makuha na namin yung mga pusong pinasa namin.
"Yah." Sabi ko sabay pakita sa kanya ng picture ni Castillar. Gwapo naman sya diba?
"Gwapo ba? Ano Martin crush mo na sya?" Sabi ko at tumawa.
"Tss. Malapad naman noo. Tapos parang kawayan." Sabat ni Chase sa usapan namin na agad kong inirap.
"Eh matangkad sya e. Tapos may ilong. Tapos magaling mag basketball." Pango be like. Pango na nga ako pango pa crush ko! Kawawa naman magiging anak namin baka wala ng ilong.
"Taba kalang e." Well flat naman ang tiyan ni Chase pero may pisngi sya. Siopao.
"Kaysa naman sa Castillar na yan na halos buto't balat na." Napairap ako.
"Ang sama mo!" Sinipa ko sya ang sama nya nilalait nya si Rike! Aba bago sya ito muna ang gusto ko no!
"Bakit hindi nalang si Manolo? Mas matangkad sya kay Rike."
"Eh ayaw ko. Sobrang tangkad nya. Gusto ko yung tama lang sa akin." Teka bakit yung gusto ko ang pinaguusapan rito?
"Si Chase. Tama lang sya sayo oh." Sabi ni Martin at tumawa. Tumingin ako kay Chase. Nakita ko na namula ang pisngi nya.
"So anong pinapalabas mo? Na si Chase na ang gustuhin ko?" Sabi ko sabay tingin sa mga mata ni Chase.
'Kahit di mo sabihin Martin. Ginugusto ko na sya. Gustong gusto ko na sya.'
"Eh may Dara na yan eh." Sabi ko sabay tingin kay Dara na nasa isang sulok ng classroom.
"Oo nga Chase samahan mo naman si Dara don! Nagiisa oh." Asar ni Sari. Sarap pasakan ng microphone yung bibig nya eh. Masaya na kami isisingit nya pa.
"Tss." Umupo na si Chase sa may bintana. Kaya kinuha ko ang phone ko at nagtype ng mga kung ano-ano.
Lumipas ang ilang minuto at ang mukhang ewan na si Martin ay pinaglaruan ang design ng classroom.
"Nakaisang ikot na ko!"
"So? Tuwa ka na nyan ha Martin?" Pambabara ko sa kanya.
"Alam mo Monique nagbago ka na." Natawa ako sa sinabi nya ganyan sila ni Neri! Wahahaha kaya bagay na bagay sila.
Pumunta sya sa may side ni Chase at naglaro. Hinayaan ko na sya at nagsulat na ng bagong chapter. Malapit ko ng matapos ang story na ginagawa ko.
"Baka matunaw yan." Nagulat ako nang biglang nagsalita si Martin kahit na wala syang kausap.
"Martin nababaliw ka na ba?" Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Oo nga nagsasalita mag-isa si Martin. Nag-aadik na yan." Pag-sang ayon ni Chase.
Binura ko ang mga sinulat ko dahil pakiramdam ko hindi sya tugma sa gusto kong mangyari. I pouted my lips and try to type another.
"Haay! Baka matunaw talaga yan!" Tumingin na ako kala Martin. Nakita ko na nakangiti si Chase.
"Martin! Nababaliw ka na talaga!" Tinignan ko sa mata si Chase pero iniwas nya lang ang tingin nya.
Nag-aadik na talaga ang mga tao sa mundo ngayon.
"Rike, I'm sorry." I bit my lips as I talked to him.
"Sorry for what?" Maang-maangan nya kahit alam nya na. Alam nya n ang gusto kong iparating.
Yumuko ako. Dahil kahit ako hindi rin inaasahan ang pagbabago ng damdamin ko.
Pumikit sya. "Monique, we never stated something between us. Pero bakit ganun? Kahit na wala tayong kahit ano ay ramdam ko na pag nagkagusto ako sa iba ay para akong nagtaksil. It's like we were committed to each other. Pero hindi, hindi eh. Ang tanging pinanghahawakan ko lang yung salita mo."
Alam ko. Ramdam ko na gusto nya rin ako. Na may pagtingin sya sa akin. Yung mga ngiti nya pag nakikita ko sya. Yung mga mata nya. Lahat yun nakita ko. Pero I refuse to believe it because I don't want to jump on my assumptions. Alam ko pero wala kaming ginawa kundi magtaguan kaya heto na humantong na sa katapusan ang aking nararamdaman.
"Rike. Napagod ako. Napagod ako na umasa sayo. Na umasa. Apat na taon na pero hanggang tinginan lang tayo. Pinanghahawakan yung pangakong alam nating mapapako. At nakita ko sya. Nakita ko sya nung panahon na sayo ay ayaw ko na." Sumandal sya sa pader ng kinatatayuan nya.
Kitang kita ko ang sakit na aking nadulot sa kanya. Tumulo na yung luha ko. Yung taong pinapangarap ko noon sinasaktan ko na ngayon. Nanghihinayang ako sa amin. Nanghihinayang ako sa taon na nasayang at ngayon ay itatapon nalang.
"Mahal mo talaga sya?" The question made my heart sank.
Unti-unti akong tumango. "No words can describe what is my feelings for him." I said honestly.
Sa apat na taon na iyon. I cherished every glance we had. The memories we'd been. And the words we said will never be forgotten.
"Ang sakit Monique. Iniwan mo ko sa ere. Akala sabay tayong babagsak. Pero hindi nauna ka at hindi kita nasalo kundi nahulog ka uli, nahulog ka uli sa ibang tao." I wiped away the tears on my eyes.
Pero nagulat ako nang bigla nalang may dumakot sa kwelyo ni Rike. Agad na dumapo ang mga mata ko sa lalaking iyon.
"CHASE!" Sigaw ko at agad na inilayo si Rike kay Chase. Ang mga brown nyang mga mata ay punong-puno ng galit. Tila ba apoy na napupuyos. His hatching breathe is the sign that his anger is too much.
Hinablot nya ang braso ko at dinala ako sa likuran nya. Na para bang hindi ako sasaktan ng kahit na sino dahil nandyan sya.
Mga yapak ng mga paparating na tao ang narinig namin.
"Chase!" Sigaw ni Marilyn at tumapak na kung nasaan kami. Si Chase ay tinignan ko ng masama.
"Rike, umalis ka muna." I said in a calm voice habang nakatingin pa rin kay Chase.
Hindi nya rin ako nalubayan ng titig. Hindi ko rin binitawan ang kanyang mga titig kahit na ang puso ko ay nagwawala at sobrang bilis ng pintig.
"Bakit mo sya tinangkang sapakin?" I asked with much annoyance on my voice.
The piercing eyes of him is directly looking at me. Like he can see the whole me. But well, I'm just imagining things. That eyes of him is like searching for my soul.
"Anong gusto mo? Palakpakan ko sya dahil pinaiyak ka nya?" I rolled my eyes as he use that sarcasm on me. Naiinis ako sa kanya ngayon. Kaya dapat di niya ginagamit sa akin ang attitude niya dahil babarahin ko sya.
"Adik ka ba? Chase! Kinakausap ko siya! I'm clearing the things in between the two of us!" I can't help it but to shout! Damn! Lalo niyang nasaktan si Rike! Rike is vulnerable right now. Because I cause pain on him. Tama naman diba? Mas madali to kaysa umasa pa siya na mayroon pa, mayroon pa kami para sa isa't-isa.
"Putcha! Monique Lilliene! Ano umamin ka na sa kanya na gusto mo sya? At binasted ka niya? O baka naman gusto ka rin niya? At naiiyak ka sa sobrang tuwa! T*ng in* naman oh!" Anong tingin niya sa akin? Itatapon ko ang sarili ko sa lalaki?
"Ano bang problema mo ha? Chase. Alam mo bago ka manghula dapat nagtatanong ka muna. Damn! Pinapaliwanag ko sakaniya na hindi na sya ang gusto ko! Okay? Hindi. Na. Sya. Ang. Gusto. Ko!" Diniinan talaga ang mga huli kong salita bago ko sya tinalikuran.
Ngunit agad niya akong napigilan sa paghawak ng mahigpit sa kaliwang braso ko. Hinigit ko iyon ngunit mas malakas sya sa akin kaya hindi ako nakawala. Tinignan ko siya sa mga mata niya. Marahil alam niya na ramdam niya na. Ang gusto kong iparating sa kanya.
"Sino ba ang gusto mo Monique Lilliene Alonzo? Sino?" Hindi na ako nagulat sa tanong niya. My eyes were screaming my feelings for him but he didn't give it a hint?
Hindi ako nagsalita at tinignan lang siya, "Monique! Sino?" Isang ngisi ang pumorma sa aking labi. Ngisi na pinapahiwatig ang nararamdaman ko, naa sya ang taong gusto ko.
"Tanong mo sa kanila ang pangalan mo. Dahil pag sinagot nila, kilala mo na rin ang taong gusto ko." Isang malakas na hila at nakawala ako sa kanya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis nito ay nanginginig na ako. Hindi ko na makontrol ang puso ko na para bang gusto nya nang kumawala sa aking dibdib.
Did I just confessed on him?
I need a place to breathe. The air of that building is suffocating me. Damn! Damn! Damn! Damn it!
I wasted my time on the veranda of the 3rd floor in the 2nd building of our school. The wide field and the green trees welcome me with the serenity and silence. Napaamin ako ng wala sa oras. Napahawak ako sa noo ko.
Babalik pa ba ako? Damn! Nakakahiya! Nahihiya ako! Alam mo yun? We're not allies nor enemies! It just like that. Tapos malalaman niya na gusto mo sya.
I put my phone out ut of my pocket. Nagulat ako ng may magpop out na chat head. It's Jorusha's message.
Noo
Hoy! Nasan ka? Hinahanap ka ng mylabs mo!
I didn't reply on it. Gusto kong maiyak. Pano kung maging awkward sa amin yun? Kaklase ko sya kaklase nya ako! I don't have anything to face on him!
I exhale my thoughts and lift up my confidence. Kaya ko to. He's just Chase Daniel De Vera. And I have nothing to worry. But that's the problem. He is Chase Daniel De Vera. The man I confessed my feelings with. And the man who can own every part of me.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita na wala sya don. "Asan si Chase?" Bungad ko sa kanila habang nag-uusap.
"May meeting sila. Tatakbo sya righteu? Pero may alam ka ba don? Pagdating nya kasi bigla niyang tinanong sa amin pangalan nya e." I bit my lips to prevent myself from laughing.
"Oo, Moni! Kalerks tapos ang pula niya." My cheeks reddened. I can't look directly on their eyes. It's like they can read my mind.
"Wala yun."
The campaign made him busy for several days causing him not to attend our class. That's a breathe of fresh air for me. Sana nakalimutan nya na ang sinabi ko. At lolokohin ko ang sarili ko kung di ko sasabihin na hindi ko namiss ang presensya nya.
This is the day that the election results will be announce. Everyone is waiting for that. As my heart starts to pump so fast. I looked at him. Alam ko kinakabahan sya. Kinakabahan din ako para sa kanya.
'God! Please give him this.' I prayed silently.
As I looked at his dull colored face. He's too busy to notice our existence. Ganun sya kakabado. Alam kong kaya nya.
"Our Supreme Student Government new officers are........" Pagkababa ng result charts ay agad na dumako ang mga mata ko sa vice presidente na posisyon at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong kaninong pangalan ang nandon.
"President Mr. Roize Mendoza." Palakpakan ang mga tao sa narinig nila. Sigawan at kasiyahan ang aking nadarama sa kapaligiran.
"Vice President. Handa na ba kayo?" Tinignan ko sya alam ko na kung sino pero alam ko na ay di ki pa rin mapigilan ang kabahan.
"THE VICE PRESIDENT IS! NO OTHER THAN........... Mr. Chase Daniel De Vera!" Talunan kaming lahat kasabay nang pagsabi ng kanyang pangalan.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung tatakbo ba ako sa kanya para samahan siya sa saya o ang hayaan sya sa mundo na walang ako. Yung mga ngiti nya. Sapat na. Sapat na para ihakbang ko ang mga paa ko palayo sa kanya at dumiretso sa mundo ko na malayo sa piling niya.
The wind blows through my hair as my tears run down to my cheeks. Simula noon hanggang ngayon. Alam ko na, na hindi dapat ako sa kanya. Hindi dapat ako ang kasama niya. At hindi dapat ako ang minamahal niya.
Hawak-hawak ang maleta ko. Sinuot ko ang shades ko at sinimulan nang ihakbang ang mga paa ko papunta sa eroplano.
I can't ruin the future he have. Ngayon pa nga lang 2nd year college siya ay pinag-aagawan na siya ng iba't-ibang kompanya, pano pa kaya kapag naka-graduate siya?
Napahawak ako sa tiyan ko. There's a small piece of life living inside my tummy now. Alam ko, alam ko na baka isang araw pag-sisihan ko ang gagawin ko pero ayaw kong masira ang maganda niyang kinabukasan. Yung kinabukasan na hindi ako kasama.
'This is the rhythm of our fate. And I can't do anything to stop it.'
Alam ko na masisira ang imahe niya sa mga tao kung nalaman nilang nakabuntis siya. Kaya ako na mismo ang lumalayo sa kanya para hindi siya masira. And I don't want to be the one who'll make him a failure of this society. I will be the reason of his fall. And I don't want him to fail.
'Hey little one! Just trust me okay? Para paglabas mo sa mundo sabay nating makikita ang pagiging successful ng tatay mo. Kahit na malayo tayo sa kanya. Get that?'
I put out my ticket to give it to the security or what so ever you can call that person. Pinatanggal ang lahat ng metal sa aking katawan.
Pagkatapos ng inspection ay dire-diretso na akong naglakad. Isang hakbang ko nalang at iiwanan ko na talaga ang lalaking naging buhay ko simula ng mamulat ako sa totoong mundo.
My phone rang so I answered the call it's Jorusha. Is there something wrong?
"Moni! Oh my! Si Chase---" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng isang braso ang pumulupot sa aking baiwang. Kahit na di ko nalingunin ay alam ko na kung sino siya. Amoy at presensiya niya pa lang ay kilalang kilala ko na.
"Fvck! Don't you ever there to leave me. Ikakamatay ko ang buhay na wala ka. And now that you are carrying my child on your womb? Wala ka nang kawala pa Monique Lilliene Alonzo-De Vera."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro