Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY TWO

"Antonia was his ex-girlfriend."

Nanuyo ang aking lalamunan habang unti unting pinoproseso ng isip ko ang sinabi ni Sir Herman. Hinaplos ko ang kaliwang bahagi ng aking dibdib, umaasang makakalma nito ang mabibigat at mabilis na pagpalo ng puso ko.

Sinasakal ako ng sarili sa pagtangka kong magsalita. Rouge lied to me...why did Rouge lie to me?

"I'm so sorry you have to know this way, iha. I thought Rouge would have told by now. Well hindi naman necessary na magkwento siya tungkol sa ex niya but she is your stepmother, thought you should know."

Sandali kong sinulyapan si Sir Herman. Ang pag-aalalang nakarehistro sa mukha niya ay mas lalo lang nagpalukot sa puso ko, at mas pinatunayan nitong totoo ang narinig ko.

"I-I'm sorry but...Antonia's like thirty something..." di pa rin ako makapaniwala.

"I know. It's a ten year age gap."

Rouge is fucking twenty three.

Binalikan ko ang araw nung nadatnan ko sila ng guro ko sa cr. She's two years older. I'm three years younger than him. Antonia's ten years older. Ang mga banta ni Antonia sa'kin tungkol kay Rouge...Oh my god this is not happening. Nangilabot ako sa mga iniisip ko!

"Are you okay iha? You look pale." puna ni Sir Herman, kumunot ang noo niya sa pag-aalala.

"I-I'm fine, Sir. I have to go." tumayo na ako. Di ko magawang maiayos ang pagsuot ng bag ko sa'king balikat. Napakapit ako sa sandalan ng upuan sa muntikan ko nang pagkakatumba.

"Do you want me to call him now? I won't spoil his whims lalo na't alam kong may pagkakamali siya."

Umiling ako. "It's okay, Sir. I'll just talk to him about it. At sana huwag niyo nalang po itong banggitin sa kanya."

Bagaman hindi ako sigurado kung paano ko siya haharapin, o nais ko pa ba siyang makita. Maybe I don't like to see him for now, but I have to confirm the truth from him.

"I'll keep that in mind." napaisip siya bago muling nagsalita. Maingat niya akong tinignan. "I hope this won't affect the negotiation."

"Of course not Mr. Verduzco. Our company, by all means, is still willing to be your contractor. Personal matters are set aside, this is business." matapang kong ani sa likod ng panginginig ko. I just want to get out from here.

Dumiretso ako sa cr at tinakbo ang sink. I threw up everything until there's nothing left to heave. Nailabas ko lahat ng kinain ko dahil lang sa hindi ko inaasahang malaman ngayon. Hiniling ko na sana nailabas din ang kabigatang loob na namumuo ngayon.

How could they lie to me? To us? Sa ibang tao ko pa malalaman. Rouge didn't bother to tell me the truth. He fed me with that distant relative lie instead!

And Antonia...she did the same thing. Sa halip ay binantaan niya lang ako imbes na sabihin sa'kin ang totoo. I don't even think that dad knows.

Hinarap ko ang salamin, tinitigan pabalik ang nagtu-tubig kong mga mata at inalala lahat mula sa pagkikita namin ni Rouge. That explains their unusual glares. Sa bahay...saan nagpunta si Rouge nung hinanap ko siya nang gabing 'yon?

Di ko napigilan ang muling pagsuka kasabay ang pagtakas ng aking mga hikbi. Even without the physical pain can bring you into breathing barely. I'd been in several relationships pero wala manlang doon ang nagpaiyak sa'kin. But this, this is betrayal on my part.

Nag-unlock ang pinto ng cubicle sa likod kasunod ang pagbukas nito. Pinakinggan ko ang paglapit ng tao sa sink habang halos niyayakap ko na ang gripo. Mabilis ang aking paghinga at inaasahan ang muling pag-ikot ng aking sikmura.

"Ayos ka lang, miss?" tanong ng babae.

Tumango ako, hindi nag-angat ng tingin sa kanya.

Inikot ko ang tap saka sinalo sa palad ko ang rumagasang tubig. Nagmumog ako upang pawiin ang pinaghalong pait at asim sa'king bibig. Napangiwi ako sa sumasakit kong lalamunan.

May maputing kamay na nag-abot sa'kin ng tubig. Tinitigan ko lang 'yon, nag-aalinlangan.

"Kunin mo na." mas nilapit pa sa'kin ng babae ang bote ng mineral water.

Binaba ko na ang pride ko't kinuha ang bote saka uminom. Thank God the water's cold. Naibsan man nito ang uhaw, pait at panunuyo ng aking lalamunan, pero hindi ang bigat ng loob ko.

"Thanks."

Dumukot siya ng suklay sa kanyang pulang shoulder bag. "Kailangan iwasan mo ang ma-dehydrate lalo na't unang buwan pa lamang 'yang pagbubuntis mo. Maselan ang unang tatlong buwan."

Agaran ang mariin kong pag-iling. "No, no I'm not pregnant."

No way. Ngayon palang ay nasisindak na ako sa ideyang 'yan. I'm not even sure if Rouge will take responsibility of it. At mas lalong hindi 'yon pwedeng mangyari ngayon.

"Oh, sorry." mapagpaumanhin siyang ngumiti.

"Ire-refill ko nalang 'to—"

"Huwag na. May water dispenser naman sa opisina." natapos na siya sa pagli-lipstick. Sinilid niya ang mga gamit sa bag kabilang na ang tubig. "Get well."

Hinintay ko siyang makalabas bago ko tinignan muli ang sarili sa salamin. Kinuha ko ang cellphone upang tawagan si Lauris. Nanginginig ang mga kamay kong pinindot ang pangalan niya sa contacts. It took five rings bago siya sumagot.

"Nasan ka?"

"Kakarating ko lang sa review center. Why?"

"Pick me up here in RV." utos ko.

Mukha siyang nahinto sa paglalakad. "What? Kakahatid ko lang sa'yo diyan ha? I thought—"

"Just pick me up!" malakas kong sigaw. Pinapanood ko ang sarili sa salamin na halos mauwi na sa pag-iyak. Nanginginig ang aking labi. Humigpit ang hawak ko sa'king cellphone.

"Chill okay?" natunugan niya ang mood ko base sa paglambot ng kanyang boses. "Heto na't papunta na—wait—shit! Where's that damn key?"

Tinapos ko ang tawag at lumabas na. Iba ang tingin sa'kin ng sekretarya ni Sir Herman pagkadaan ko, marahil narinig ang halos nagwawala kong boses sa loob. Hindi ko siya pinansin at diretso akong naglakad patungo sa elevator.

I wonder kung kilala nila ako bilang dini-date ni Rouge o isa lang sa mga flings niya. Kahit ako ay hindi na alam ang papaniwalaan kung ano nga ba ako sa kanya. He used to be in a serious relationship with Antonia, and Rouge had stated na isa lang ang sineryoso niya.

And looking back at the previous circumstances like when Rouge had always been insisting on taking me home, I was able to put two and two together.

Nakatanga ako sa singsing habang pababa ang sinasakyan kong elevator. Tinanggal ko 'yon at sinuri, just to find out how as fake this ring could be as the lie he told me. But turns out that the ring is a Neil Lane creation.

Tumunog ang aking cellphone at inasahan kong si Lauris ang tumatawag upang sabihin sa'king malapit na siya. But it was the person that I don't want to talk to, much less see in the flesh right now.

Gayunpaman, pinindot ko pa rin ang accept button.

"Hello." matabang kong panimula.

"Hey Lory, ikaw daw ang nagbigay ng proposal kay dad? You two have met already?" nahihimigan ko ang ngiti niya. How could he even talk to me like that? Is it even real? Is he faking it?

"Yeah." walang gana kong tugon, na parang gusto kong itong iluwa.

Sa kanyang pananahimik, nakikita ko ang kanyang pagtataka. Well of course, halata sa boses kong ayaw ko siyang makausap kahit gaano ko man nais na hakutin sa kanya ang katotohanan.

"Are you okay?"

"I'm fine. Pagod lang." sinipa ko ang maliit na bato sa semento.

"Hmm..." lumangitngit ang kung ano mang inuupuan niya. "Gusto mo sunduin kita? Let's have lunch. I'll try your favorite vegan restaurant this time."

Sumikip ang dibdib ko sa pinaghalong mga emosyong nariringgan ko sa kanya. Muntik na akong lumambot. Pinuwersa kong alalahanin ang pag-uusap namin ng kanyang ama.

"Susunduin ako ni Lauris. Bye, he's here." I lied.

Kaagad kong pinatay ang aking cellphone. Knowing him, he'd call me. He's good at detecting that something's wrong. He's good at almost anything, including lying.

Ilang sandali pa akong naghintay bago nakita ang Acura na huminto sa harap ko. Hindi agad pinatakbo ni Lauris ang sasakyan pagkatapos kong pumasok.

"What's wrong, Lory? Ayaw ni Sir Herman sa proposal? Did he ask for a revision? Did he reject it?"

"Antonia was Rouge's ex-girlfriend." malamig kong tugon, walang sinagot sa mga tanong niya maliban sa una. Because somehow for me, that's what's wrong.

Napalingon ako sa kanya sa hindi niya pagsasalita. Pinaghalong gulat at hindi makapaniwala ang pinta ng kanyang mukha.

"Seryoso ka?"

"Si Sir Herman na mismo ang nagsabi. I didn't mean to know. Binanggit niya lang 'yon assuming that I already knew about it. How would I know? Distant relatives ang pagkakaalam ko because that's what Rouge told me!"

Napahilamos ako sa'king mukha. I still don't want to believe it. Sa mga paghatid sa'kin ni Rouge sa bahay, little did I know that he was up to something.

"Tinawagan mo na ba si Rouge? Atleast you need to confirm it from him. Baka sinabi lang 'yun ng dad niya because you know..." he trailed off.

Naisip ko rin na baka paraan lang ito ni Mr. Verduzco dahil may inilaan na siya para sa anak niya at nag-iisang tagapagmana. But the evidences have already been laid at my lap! It's just that I wasn't able to see it. Ngayon lang nag-sink in lahat ng mga pagtataka ko noon na binabalewala ko lang.

"I don't have to, Lauris. Antonia had warned me about him, na para bang ang tagal na niyang kilala si Rouge. She was even against me dating him."

And true to what she had told me that dawn after my graduation, I don't know anything about them.

"Holy shit..."

"Siguro nga tama si Antonia. He's using me, Lauris. He's using me to get to her. Siya ang nag-suggest ng dinner sa bahay natin and I had no idea kung ano talaga ang sadya niya."

Pinagtagpi-tagpi ko ang palaisipan. May agenda siya sa dinner na 'yon.

"Hindi pa tayo sigurado Lory. I mean...I saw the guy, he's pussy whipped."

"That's why we have to make sure. I won't tell him that I knew." pasya ko.

Nalukot ang mukha ni Lauris na parang hirap pa rin siyang paniwalaan lahat ng sinabi ko.

Ginulo niya ang kanyang buhok. "Why don't you just ask him? Kung duda ka pa rin, then paimbestigahan natin."

Ayaw kong umarkila ng imbestigador kung kaya ko namang alamin sa sariling paraan.

"I'll ask his friends. Remember Chaucer?" tumango si Lauris. "Believe it or not, they're best friends."

Nanlaki ang mga mata niya. "You're shitting me."

"I shit you not."

Sandaling nanatili ang mga mata niya, marahil umaasang nagbibiro ako. Yet kiddiing or not, wala akong maipapakitang ngiti sa araw na'to. Kung meron man ay peke lamang.

Hirap akong makatulog kinagabihan. Pinagsanib ko ang mga posibilidad sa pakikipaglapit sa'kin ni Rouge at ang mga pahayag ni Antonia. Somehow kalahati sa mga tanong ko ay nasagot na. She knows Rouge much more than I do. Sineryoso siya ng lalakeng hindi ko alam kung seryoso ba talaga sa'kin ngayon.

Ipagpalagay nating seryoso nga siya. So dapat wala na sa'kin na naging sila ni Antonia dahil nakaraan na. She married my father. But the fact na pinaniwala nila kami na magkamag-anak sila, 'yan ang nagbukas sa pinto ng mga pagdududa. They could have just told us the truth. Rouge could have or should have told me. Ano 'yon? Ikinahiya nilang naging sila dahil sa malawak na age gap? That's not even enough as a reason.

Natabas ang lubid ng pagmumuni-muni ko sa mga pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Inilang hakbang ko ang pinto habang tinatanong kung ano ang kailangan nila sa'kin sa ganitong dis oras ng gabi.

Ang naka pink silk robe na si Antonia ang naghihintay sa labas ng aking kwarto. Tinapatan ko ang seryoso niyang mukha.

"Rouge's here." aniya.

Bahagya kong nagulat. "Why?"

"I don't know. He's here for you." walang emosyon niyang sabi.

"Oh? Nag-usap kayo?" sarkastiko kong ani.

Tipid siyang umiling. "He's just asking for you. Nasa labas siya."

Hirap na akong paniwalaan sila ngayon. Who knows kung ano pang pinag-usapan nila bago niya ako pinuntahan? Or maybe Rouge only made coming here for me as an excuse when the truth is, he's here for Antonia. 'Yon ang posibilidad na sumakop sa isip ko ngayon.

"Bakit hindi mo pinapasok? Napaghahalataan kang bitter eh." bahagya akong tumawa bago siya nilagpasan.

Nakasandal si Rouge sa pinto ng Maybach na nakatapat pa sa aming gate. Tinanggal niya ang pagkakahalukiphip ng mga braso at umayos ng tayo nang papalapit ako sa kanya.

Sa tingin ko galing pa siya sa condo dahil sa white shirt at casual shorts niyang suot. Hindi rin nakaayos pang-opisina ang kanyang buhok. I admit, I miss him whole day. Kahit ngayon na nasa harapan ko na siya, I still miss him...kahit nagsinungaling siya.

Gusto ko siyang hagkan ngunit baka mapawi lahat ng tapang ko at sa huli ay mahahayaan ko siyang pagsinungalingan ulit ako. I'm keeping my defenses up. I'm in caution mode. Hindi naman nawala ang nararamdaman ko sa kanya, naging mas maingat lang ako ngayon.

Gusto ko siyang pagkatiwalaan pero sana naman ay katotohanan ang paniniwalaan ko at hindi kasinungalingan. Ayaw kong malusaw 'tong takot kung ito naman ang magdadala sa'kin sa pagiging matapang at maingat.

Mapanuri ang kanyang tingin sa'kin na nakatayo lang dito sa harapan niya. Hindi nagsasalita. Hindi halos makatingin sa kanya.

Yumuko ako't pinagkakainteresang pagmasdan ang aking paa. Kakalagay ko lang nito ng transparent nail polish na may glitters.

"Where's your ring?"

I recoiled. Kaagad niyang napuna 'yon?

"Hinubad ko. I took a bath." sabi ko. Which is true, ngunit sinadya kong hindi suotin ulit.

Sumilip siya sa bahay. Naging matalim ang tingin ko sa ginawa niya. Agad kong pinigilan ang sarili at nilihim ang aking pagismid, dahil pakiramdam ko masyado akong paranoid para pag-isipan siya ng masama. Yet this doubt would lead me into finding out.

"Bakit ka nandito?" tanong ko na nagpabalik ng tingin niya sa'kin.

"You didn't answer my calls." may lungkot sa boses niya. Should I even believe it?

"Sorry, naka silent eh." matabang kong sabi. Hindi ko alam kung nakita niya ang pag-irap ko.

Pumagitna ang katahimikan. Kung huhulaan ko ang iniisip niya marahil puno ng pagtataka sa inaasal ko. Ako nama'y gusto nang bumalik sa loob at pilitin ang sariling makatulog.

Kumalat ang kuryente sa balat ko sa maingat niyang paglapat ng kamay niya sa aking braso. Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinawi ang buhok kong tumatakip sa aking mukha.

"May sinabi ba si dad sa'yo? You can tell me Lory. Kakausapin ko siya tungkol sa kung ano mang sinabi niya." malamyos ang boses niya at desperado.

"Ano naman ang dapat niyang sabihin sa'kin?"

Pinadaan niya ang dulo ng kanyang dila sa siwang ng labi niya. Kumunot ang kanyang noo. "That maybe...he's against us? Though hindi naman nangingialam si dad tungkol doon. But I'm not sure, maybe he has changed."

I won't tell him that I already know. I have other plans. Ngunit alam ko na kalahati sa dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa kanya ay gusto kong kusa niyang aaminin sa'kin, which I highly doubt would happen.

"Wala siyang sinabing ganoon. We just talked about the proposal and how he met my father and the sponsorship thing." my tone is monotonous.

Kinuwadro ni Rouge ang mukha ko saka inangat upang matignan ko siya. Sumasayaw sa pangangamba ang kanyang mga mata.

"Lory..." umiling siya. "You're not okay." kumpirma niya sa sariling kutob.

"Pagod lang ako, Rouge."

Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang nasasaktan sa paraan ng pananalita ko sa kanya. It's like I'm kicking my own puppy.

Pumakawala ang malalim niyang buntong hininga, ngunit hindi sa negatibong dahilan. It's a sigh of understanding. Mas lalo ko lang nararamdaman ang pagpiga sa puso ko.

"Have a rest, then. We'll talk about it tomorrow, 'kay?" magaan at mahinahon niyang ani.

"Talk about what?"

Sumeryoso ang mukha niya. "I could see the gears reeling in that pretty head of yours, Lorelei."

You could have looked harder into the gears, Rouge. What could have happened? What could have been your reaction? How would you have felt?

Hindi ko na nagawa pang umiwas at hinayaan ko siyang halikan ako. Ramdam ko ang pagbukas-sara ng labi niya habang nanatiling isang tuwid na guhit ang labi ko. I'm keeping my resolution. Hindi pwede na pati halik ay isa na ring kasinungalingan.

Hindi ko tinagpo ang mga mata niya sa pagtalikod ko sa kanya. Pagkapasok ko sa bahay, nadatnan ko si Antonia sa hagdanan. Sandali kaming nagkatitigan bago ako unang nag-iwas ng tingin at nilagpasan siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro