Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY THREE

Nasanay akong madaling magtiwala sa mga taong dumaan sa buhay ko. That includes the men in my short-lived relationships. Nasanay akong hindi pagsinungalingan. If ever may nagtagal sa kanila makakaranas kaya ako ng panloloko? It would have been a pre-warning for my incoming heartaches.

Kahit wala pa akong solid proof, pakiramdam ko na hindi maganda kung ano mang malalaman ko kung aalamin ko man. May mga bagay na hindi natin kailangan at hindi dapat malaman. But humans...we're always curious. Kahit alam nating masasaktan tayo, pilit pa rin nating hinahanap ang sagot. Pinaghandaan man natin ang kung ano ang madadatnan, sa huli parang walang silbi ang lahat ng lakas ng loob na inipon mo.

Bumaba na ako ng hagdan at laking gulat ko na makita si Rouge sala. Sabay silang lumingon ni daddy sa'kin galing sa tawanan. It's been two days mula nung nalaman ko ang totoo mula sa ama niya. Or is it even the truth? Malaking porsyento sa'kin ang nagsasabing Oo.

"Oh, there she is." ani ni dad, parang kanina pa nila ako hinihintay. Wala naman kasing nagsabi sa'kin na nandito si Rouge. And why is he even here?

Sumilay ang ngiti sa labi ni Rouge habang nilalapitan ako. His strides are relax and sexy at the same time. Pinakalma ko ang kaba ko't kumapit ng maigi sa railings ng hagdan nang makarating siya sa aking harapan.

Nakangiti niya akong dinungaw. Sinuklay ng mga daliri niya ang magulo kong buhok. Hindi ko nagawang mag-ayos.

"I miss you."

Do you really, Rouge?

Pinagtatalunan ng isip ko kung 'yon ba ang sasabihin ko sa kanya o 'I miss you, too'. In the end, I only managed to give him a half-smile.

Matagal niya akong tinitigan. Pakiramdam ko'y pinagtagpi-tagpi niya ang mga inasal ko nitong nakaraang araw at idinugtong sa reaksyon ko ngayon.

"I invited him over for lunch, Lory. His father has just sealed the proposal. We'd be starting the construction by next week." nagsimula nang maglakad si Dad papuntang kitchen.

"Bakit wala si Sir Herman? I think he should be here, too." napahinto si dad sa tanong ko.

"My dad's in Europe," si Rouge ang sumagot.

Ngumiti si dad at tumango saka tuluyang pumasok sa kusina.

"Oh, okay."

No one can blame me for thinking that Rouge is welcoming this opportunity to see Antonia again. Kasi ngayon hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan. Sinisilungan ako ng ulap ng pagdududa kung nagpapakatotoo pa ba siya sa'kin.

Kapwa na kaming nagsisinungaling ngayon. It's not that he deserved to be lied to. I just wanted to get even. Ayaw kong ako lang ang agrabyado. I hate the unfairness of things.

But as I stare at his soft expression, muntik na nitong tinunaw lahat ng pangamba at pagdududa. Binalot ako ng mga emosyong sumasayaw sa mga mata niya, na parang nasasaktan siya na hanggang ngayon ganito pa rin ang inaasal ko. He's been calling me, texting, asking me to meet him up pero lahat ng 'yon tinanggihan ko.

Mas pinapatibay lang nito ang kutob niya that there was more to me than being tired that night. There was more for him to know.

Hinila ko lahat ng disiplinang makakaya kong ipunin. I have to keep my emotions under control.

Napalingon kami pareho sa mga yapak sa taas. Basa ang buhok ni Antonia na kakabihis lang. She's wearing a red midi bodycon dress. Agad umangat ang isang kilay ko. Wala namang okasyon ngayon na dapat niyang pagbihisan ng ganyan.

Binalingan ko si Rouge na seryosong nakatitig sa'kin. Sandaling nanatili ang mga mata ko bago umiwas at tumungo na sa garden.

Matagal nga siguro akong nagising, o sadyang maaga lang talagang nagluto ang katulong dahil may nakahanda na sa mesa. Anak ni manang Edna ang naghatid sa mga pagkain.

"Nasaan mama mo, Shirley?" tanong ko. Hindi ko kasi nakita si manang ngayon.

"Umuwi po sa probinsya, nagkaproblema kasi yung kapatid niya, yung tita ko." aniya habang nilalapag ang isang bowl ng ulam na may sabaw.

Naghila ako ng upuan saka umupo. "Anong nangyari?"

"Iniwan po ng ka-live in niyang binata."

Halos matawa ako. "Problema na 'yon sa kanya?"

Naamoy ko ang pabango ni Antonia habang papalapit ito. Pinagmasdan ko siyang umupo kaharap ang katabi kong upuan. Which obviously would be Rouge's seat.

"Noon pa po sila away bati ma'am, ngayon lang tuluyang nagkahiwalay."

Tinitigan ko si Antonia na maiging nakikinig kay Shirley. Naabutan niya kaya ang pinag-uusapan namin?

"Ilang taon ba ang lalake at ang tita mo?" tanong ko kay Shirley ngunit nasa kay Antonia ang mga mata ko.

"Bente singko daw po. Kwarenta naman po yung tita ko." nanatili si Shirley sa gilid ko na ikinapanatag ng aking loob.

Ayaw kong maiwan mag isa kasama si Antonia, at nais ko pang magkwento si Shirley tungkol sa tita niya at iparinig 'yun kay Antonia.

"Well siguro ayaw nung binata sa gurang na." mapagpaumanhin kong nilingon si Shirley na tinatakpan ang hagikhik. "Sorry, no offense sa tita mo." binalingan ko si Antonia. "Ikaw, Antonia? Anong masasabi mo? Do you think nagsawa sila sa isa't isa kaya nagkahiwalay? O ayaw lang talaga ng binata sa isang kwarenta anyos? You're almost forty, right?"

Kaagad kong nahalata ang paninigas niya. Sa kanyang kaputian hindi ko alam kung namutla siya pero pansin ko ang gulat sa kanyang naging reaksyon.

Lumunok siya at umayos ng upo.

"May ibang wide age gap relationships ang hindi nagtatagal depende sa sitwasyon. Most common is, magkaiba sila ng layunin at interest kaya hindi sila nagkakasundo."

Sa akin siya nakatingin. At habang nagsasalita siya'y pinaglalaruan niya ang kanyang wedding ring.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Hmm...based from experience?"

Maigi niya akong tinitigan. Nagtaas-noo siya, parang tinatanggap ang hamon ko.



"Yes."

There you go, Lorelei! You've just confirmed it! Hindi man direkta ay parang sinasampal na rin niya sa mukha ko ang katotohanan. At hindi ko maitanggi ang sakit na idinulot nito, na parang lahat ng klase ng kortapluma ang isinapol sa dibdib ko.

Gusto kong ibalibag ang buong mesa sa pagmumukha niya.

Lihim akong humugot ng hangin upang kontrolin ang namumuong galit. Kumuyom ang kamao kong namimilipit sa'king hita. 

"Does dad know?" malamig kong tanong.

Nag-iwas siya ng tingin. "No."

Walang aliw akong tumawa. "That would be an interesting story for me to tell to my father."

"Are you sure na sasabihin mo?" kalmado ang boses niyang naghahamon.

Bullshit. Alam niyang hindi ko sasabihin. Alam niya ang pinagdaanan ni dad noong namatay si mommy. Alam niya ang kayang gawin ng galit ni dad. Alam niya ang kahinaan ko.

Nakayuko lang si Shirley pero alam kong narinig niya lahat. I trust her, though. Matagal nilang pinagsisilbihan ang pamilya namin kaya alam kong nasa akin ang loyalty niya kesa kay Antonia.

Padarag kong hinila ang upuan saka tumayo. Nagulat si Shirley sa ginawa ko.

"Samahan mo ako sa kitchen para kunin ang mga prutas." ani ko sa katulong saka pumasok sa loob. Tahimik siyang sumunod.

Umalingawngaw ang tawa ni dad kausap ang nakangising si Rouge. Kapwa sila may hawak na baso laman ang isang kulay amber na inumin. Nahinto ako sa ginagawang paglalagay ng mga prutas at piniling pagmasdan ang eksena.

Hindi ko maiwasang masaktan, hindi lang para sa'kin kundi sa ama ko. Wala siyang kaalam alam na niloloko siya ng asawa niya, at kasali rin ako sa kanila dahil sa paglilihim ko.

Nag-ring ang phone ni dad kaya sandali siyang lumabas upang sagutin ang tawag.. Lumipat ako sa tagong parte ng kitchen bago pa ako makita rito ni Rouge. Ang parte ng pagpunta niya rito na hindi ako isa sa mga dahilan ay mas lalong nagpapabigat ng loob ko. The more I want to keep my distance away from him.

Nang lumagpas na si Rouge sa kitchen ay bumalik ako sa counter. Parang mali pa yata ang ginawa kong pagtatago dahil binubuksan ko lang ang pagkakataon na mapag-isa sila Rouge at Antonia sa garden. Fuck shit, Lorelei!

"Nasaan ang grapes?" binuksan ko ang ref. Hindi ako mapakali habang wala sa sariling naghahanap sa grapes. Pero sa totoo lang ay ini-imagine ko silang dalawa sa garden ngayon.

Fuck the grapes! Lumabas na ako dala ang bowl ng prutas at hindi na hinintay ang sagot ni Shirley.

Dumapo ang tingin ni Antonia sa'kin nang makalabas ako sa kitchen. Kapwa sila nakatayo at magkaharap ni Rouge, his back facing me. Hindi pa man nangangalahati ang mga hakbang ko ay kita ko ang paghila ni Antonia kay Rouge saka niya hinalikan. Doon ako napahinto at nanigas.

Nasa akin ang nanunuyang mga mata ni Antonia. Lumala 'yon sa pagpapakita sa'kin kung paano niya nilaliman ang paghalik dahilan upang hawakan siya ni Rouge sa braso nito.

Tinamaan ako ng kahinaan sa biglang pagsikip ng dibdib ko. Halos mabitawan ko ang dalang bowl ng mga prutas sa panginginig ng aking kamay. Namamasa na rin ang palad kong nag-iinit. Animo'y binuhusan ako ng yelo habang inaapoy naman ako ng galit na siyang bumabalot na sa'kin ngayon. Bawat talim ng lason ay tumitindi ang epekto sa bawat tama ng puso ko sa kulungan nito.

Pumikit si Antonia na mukhang sarap na sarap sa mga labi ni Rouge at sa muling pagdilat niya'y diretso sa mata ko ang kanyang tingin.

Rouge can push her away! Pwede niyang tanggihan ang inihaing pulang labi ni Antonia sa kanya! Ito ang inasahan kong mangyari ngunit sarili ko lang ang niloloko ko. Walang silbi ang paghiling ko dahil salungat naman ang nangyayari sa aking harapan.

I just had a front row seat of their betrayal. Antonia might want to hand me some free bags of popcorn.

Dito natuldukan ang aking pagdududa. Wala na akong kabaitang maihaharap sa kanila. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sila dahil hindi lang ako ang niloloko nila.

Halos hindi ko maramdaman ang sahig sa bawat pag-apak ko pabalik sa kitchen. Nilagpasan ko si Shirley na nanlalaki ang mga mata. Dali-dali kong binagsak ang dala ko sa counter. Nagawa ko pang kumapit sa gilid upang sana'y makakuha ng lakas bago ako bumagsak sa sahig.

Mabibigat ang pinapakawalan kong hangin, paulit-ulit binalikan ng isip ko ang eksena. Sapo-sapo ko ang kaliwa kong dibdib habang pinipigilan ang pagsingaw ng hikbi. Ngunit tumakas ang luha ko. Hindi ko kinaya.

"Ma'am, nakita ko po 'yon." halata kay Shirley na hindi makapaniwala sa nangyari.

Nanghihina akong sumandal sa isa sa mga cabinet, hindi alintana ang sakit ng likod ko dahil sa handle nitong nasandalan ko. Sa  kalabisan ng galit ko'y pinagpawisan ako.

"Huwag mong sabihin kay dad." nanginginig ang aking boses.

"O-opo."

I can't breakdown right now. I can't, when they have an inch of an opportunity to see this. Hindi ko sila hahayaang makita ako ng ganito. I can't let them see that they've won.

Tinungo ko ang aking ulo sa pagitan ng magkadikit kong tuhod at tahimik na umiyak. Tinakpan ko ang aking bibig na mas lalo lang nag-udyok sa mga luha kong kumawala. Damn it Lorelei! You're more mad than being hurt, alright?

"Tubig po, ma'am."

Tinanggap ko ang nilahad na baso ni Shirley. Hindi man nito maiibsan ang bayolenteng emosyon na bumalot sa'kin, atleast mapawi nito ang pait ng aking lalamunan.

Hindi pa ubos ang tubig ay binigay ko ulit kay Shirley ang baso saka muling tumungo, this time upang pakalmahin ang sarili ko. I can't show myself to them looking like this.

"Anong nangyayari?" rinig ko ang boses ni Lauris. "Bakit ka nandyan, Lory?"

Hindi ako sumagot. I can't speak the truth right now. Hindi ko alam kung paano magsalita na hindi humihikbi. Ilang mga malalim na hininga ang ginawa ko upang pakalmahin ang sarili.

"S-sir...kasi..." pag-aalinlangan ni Shirley.

"What?" marahas ang tono ni Lauris.

Itinuon ko sa kanila ang aking pandinig upang ilayo ang isipan ko sa nakita ko.

"Ano 'yon Shirley?"

"M-ma'am...sasabihin ko po ba?"

Tumango ako, hindi nag-aangat ng tingin.

"N-nakita po naming naghahalikan si ma'am Antonia at Sir Rouge." mabilis ang pagkakasabi ni Shirley na parang may humahabol sa kanya.

Iniisip ko kung angkop lang ba 'tong reaksyon ko. It was Antonia who initiated the kiss, but Rouge didn't stop her so ginusto rin niya 'yon. He kissed her back! That alone has justified their betrayal. Hindi naman kasi 'yon aksidente na naghalikan lang! They did it with their conscious minds!

Napaigtad ako nang may humawak sa aking braso. Nabingi ako sa kaba ko. Kung si Rouge man 'to, so help me God.

"Get up, Lorelei. You're stronger than that." Mababa ang boses ni Lauris.

Malalim akong huminga saka nag-angat ng tingin sa kanya. Nagtiim-bagang ang kapatid ko pagkakita sa basa kong mga mata. May bahid na determinasyon ang kanyang mukha.

"Wash your face. Magbihis ka." ma-otoridad niyang ani.

Sa kahinaan ko ngayon, naapektuhan pati kakayahan kong magdesisiyon. Sinunod ko ang sinabi ni Lauris at umakyat sa taas.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkalabas sa banyo, pakiramdam ko naibsan ang aking panghihina at nanumbalik ang galit at determinasyon kong gantihan sila. Kaso wala namang nagagawa ang paghihiganti. Manganganak lang ito ng panibagong away.

Itim na long sleeve skater dress ang pinili kong suotin. Naglagay ako ng concealer upang takpan ang pamamaga ng aking mga mata kasunod ang mascara at paglapat ng dark maroon lipstick sa labi ko. Sinuot ko rin ang itim kong tattoo choker necklace. Lauris smirked as he saw me. Sabay kaming bumaba sa garden.

Sinuot ko ang maskara ng katatagan habang papalapit kami sa kanilang tatlo. Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. Tinapik ni Lauris ang braso ko.

Kita ko ang gulat sa mukha ni dad, siguro nababaguhan sa dark kong outfit. Ningitian ko lang siya pati rin si Rouge na nag-aalinlangan pa sa pag-ngiti.

Hindi ko itatangging kabado ako habang umuupo sa tabi niya. Naramdaman ko agad ang pagtagas ng tensyon mula sa kanya. Ngunit hindi niya mararamdaman ang tensyon galing sa'kin sa pag-aakalang wala akong nakita.

"What's with black, Lory? Today is supposed to be a celebration." pagtataka ni daddy.

"Black is the new color of celebration, dad." matamis ko siyang ningitian. "Let's eat."

Oddly enough, kinumutan ng matinding ilang at katahimikan ang buong mesa. Panay ang sulyap ni Lauris sa'ming tatlo ni Rouge at Antonia. Binabalewala ko naman ang sulyap ni Rouge sa'kin.

Nahalata na rin ni dad ang weirdong katahimikan dahil sa panay niyang pagtikhim. Ewan ko kung sinadya niya, o makati lang talaga ang kanyang lalamunan.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob na siyang tanging emosyong kakampi ko ngayon maliban sa galit na pinagpahinga ko muna sandali. Isang beses akong tumikhim at binalingan si daddy.

"Dad, what's your stand on Adultery?" diretsa kong tanong.

Tuluyang bumagsak ang katahimikan sa paghinto ng mga kubyertos sa ere.

Binaba ni dad ang kanyang kutsara saka pinunasan ng table napkin ang bibig niya. "What made you ask?"

I shrugged. Pinaglaruan ko ang lettuce sa aking plato. "I'm gathering opinions for the thesis dissertation."

"You've just graduated. How come may thesis pa kayo?" si Rouge ang nagtanong. Hindi ko siya nilingon.

"I'm helping a friend. She needs resources." kaswal kong ani. I don't know if they'd buy that lie.

Binalingan ko ang pananahimik ni dad. Kunot-noo siyang nakatingin sa'kin, malalim na nag-iisip. Nagtaas ako ng kilay, senyales na hinihintay ko ang sagot niya.

"It's against the law and the commandments." simple niyang tugon.

"So...you're willing to put the two who committed the act together behind bars?" umaasa kong tanong.

Lumalim ang pagsasalubong ng kanyang kilay. Kita ko ang frustration at labis niyang pagtataka. Unusual nga naman na magtanong ako ukol dito.

Sa huli ay bumuntong hininga siya at binalikan ang pag-kain.

"I could never tell, Lorelei. I haven't experienced committing adultery much less being committed to someone who did. Your mother was pretty loyal to me. That much I know of."

I know, dad. Mommy was loyal, faithful to be exact. Kaya nga maaga siyang namatay dahil masyado siyang mabait.

And now you're just about to feel the kiss of betrayal. I have just had mine a while ago.

"How about you tita Antonia? What's your stand on it?" maamo kong tanong.

Ikinagulat niya ang pagtatanong ko. Siyempre hindi niya aasahang papansinin ko pa siya pagkatapos ng pinakita niya sa'kin kanina.

"Same as your father's..." kabado ang kanyang boses.

"Hmm...so you agree that if the two committers kiss, that's already an act of adultery? Or...kailangan pa ng intercourse?"

Sumingit ang malakas na pagbagsak ng kubyertos sa plato. Nilingon ko si Rouge na nanigas sa kanyang kinauupuan at may takot ang pagtitig niya sa kanyang plato.

Bahagya niya akong sinulyapan. "Sorry."

"Depende kung parehas nilang gusto 'yon. If the other party doesn't like the act, if napilitan lang siya, I don't think it's adultery." agarang hila ni Antonia sa atensyon ko.

"Really?"

Mahinang tumawa si Lauris.

"Kung hindi niya nagustuhan, why did she initiate the kiss?" dagdag ko.

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagsinghap ni Rouge.

Hirap makatingin sa'kin si Antonia. Kung wala lang ang pulang lipstick niya, makikita ko na ang kanyang pamumutla. "I-I don't know..."

Nadestino lahat ng atensyon namin sa pagbuga ng malutong na tawa ni Lauris. Sinamahan niya 'yon ng palakpak.

"What's funny, Lauris?" tanong ni dad.

Hindi agad siya nakasagot dahil sa 'di mapigilang pagtawa. Sinapo niya ang kanyang tiyan.

"Nothing. You guys are all so serious. I can't even..." Umiling siya at humagikhik.

Nagawang ngumiti ni daddy. "Blame it on your sister. Seryoso masyado."

"I have to. This is a very serious matter," diin ko sa bawat salita. Bumaling ako kay Rouge. "Ikaw Rouge, any opinion? You can voice it out, it might be helpful for my friend."

Tumikhim si Lauris. He smirked while looking Rouge.

"I-it's..." malalim na humugot ng hangin si Rouge. "Unlawful."

"Right. Unlawful," may panunuya kong sang-ayon. "Nabasa ko nga sa bible, cheating whores were being stoned to death. And the man who commits it with another man's wife, the adulterer and the adulteress shall be put to death. Pero sayang, death penalty's out as a punishment in today's constitutional law. Nakakalungkot isipin na mas maraming namamtay na inosenteng nilalang ngayon kesa doon sa mga karapat dapat talagang mawala. Katulad nalang ng mga taksil sa lipunan."

"Lory." Inabot ni Rouge ang kamay ko ngunit inalis ko na ito sa mesa bago pa niya mahawakan. Ginamit ko ang pagkuha ng baso bilang dahilan.

"What are you talking about, Lory?"

Umiling ako at parang baliw na tumawa. "Nothing dad. Masyado lang akong na-carried away sa napanood ko kanina."

Narinig ko ang pagsinghap ni Shirley sa gilid ko.

I looked at Antonia. Halos hindi na niya malunok ang kanyang ningunguya.

"Lorelei—"

Hindi ko ulit pinansin ang muling pagtawag ni Rouge sa pangalan ko.

"The movie, I mean. I forgot the title. Maganda siya, kapupulutan ng aral," dagdag ko.

"Ano namang aral 'yon, Lory?" tanong ni Lauris na namula ang mukha sa pagpipigil ng tawa.

"Marami eh, wanna watch? Nasa usb ko, bigay ko sa'yo mamaya."

Parang nawalan na nang gana ang mga tao pagkatapos ng pangyayaring 'yon maliban kay dad na walang kamalay malay at si Lauris na ginawa pang entertainment ang eksena. Walang humpay ang halakhak niya kahit nagsialisan na kami sa hapag kainan.

Tinulungan ko si Shirley na ihatid sa kitchen ang kinainan namin. Kawawa naman ang bata kapag mag-isa lang niyang ililigpit lahat ng 'to. Siya na nga nagluto, bagahe pa ang maraming hugasin.

"Kailan balik ng mama mo?" tanong ko habang tinulungan siyang maghugas. Excuse ko na rin 'to upang iwasan si Rouge.

"Sa makalawa po. Binigyan rin po kasi siya ni Sir Lucas ng pamasahe sa eroplano kaya mapapabilis po ang biyahe niya."

Tumango ako. Marami pa akong tinanong sa kanya na hindi ko nagawang alamin dati. Dise-otso na siya at nag-iipon ng pera para sa pag-aaral. Mukha lang siyang dise-sais dahil batang bata pa talaga ng itsura niya.

Nang matapos kami sa paghuhugas ay bumalik ako sa garden upang punasan ang mesa doon. Hindi man ako marunong magluto, may alam din naman ako sa paglilinis ng bahay.

"Lory..." Nahimigan ko agad ang guilt sa boses ni Rouge.

Hindi ko pa rin siya tinignan. Hindi ko alam kung paano ko kakayaning tignan siya.

"Meet me in my room." malamig kong sabi. Pumihit ako at nilagpasan siya.

"Where's your room?" tanong niya bago pa ako makalayo.

"Ask Lauris."

Hindi na siya nagprotesta at hinayaan akong makabalik sa kitchen. Ngunit sa pagbalik ko'y si Antonia naman ang nadatnan ko.

"Where's Shirley?" Nagtungo ako sa sink upang maghugas ng kamay.

"May iniutos si Lauris sa kanya. Bakit?"

Ayaw kong gumanti, pero ayaw ko rin namang magpatalo. Kung kinakalaban ako, hindi ako basta basta nagpapa-api.  Ayaw ko nang ganon. At habang tinitignan ko si Antonia ay mas lumakas ang loob kong gawin ang hindi dapat. I won't make my anger and pain as an excuse to hurt her. I'm doing this to get even.

"I need my coffee and oatmeal cookies. Pakihatid sa kwarto ko."

Agad tumayo si Rouge galing sa pagkakaupo sa dulo ng aking kama pagkapasok ko sa kwarto. Umaasa ang mga mata niya, pero nandoon pa rin ang intensidad nito. Parang ako lang ang kanyang inaalipin sa simpleng tingin niya sa halip na siya itong dapat magmakaawa sa'kin ngayon.

Marami akong gustong sabihin. Sa sobrang puno ng mga katanungan dagdagan ng sakit dahil sa nakita ko sa kanila ni Antonia ay 'di ko alam kung alin ang ipapa-priyoridad kong pag-usapan.

Siguro wala. Siguro sapat na 'yung nasaksihan ko bilang sagot. Sapat na 'yon bilang buod sa lahat ng mga pagdududa ko.

Narinig ko ang mga hakbang sa hagdan. Tunog palang ng takong ay masasabi ko na kung sino ang paparating. Kinokontrol ako ng pagkabog ng puso ko.

Mabilis kong hinila si Rouge at tinaas ang kanyang shirt upang mahubad. Balewala na sa'kin ang reaksyon niyang surpresa o gulat. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinatanggal ang kanyang belt.

"Anong ginagawa mo, Lory?" mariin niyang tanong. Pinigilan niya ako. Malakas kong hinampas ang kamay niya dahilan upang siya'y mapasinghap sa hapdi.

He hissed and cussed as I unzip his pants. Nakaawang at pikit-mata siyang tumingala. Nasiyahan man ako sa pagiging responsible sa mabilis niyang paghinga ngayon, pinapairal ko ang aking misyon.

"Lory...w-we have to—"

Naputol ang sasabihin niya nang malakas ko siyang tinulak sa kama. I crawled into him then I sat at his abs. Hinubad ko ang aking dress at hinagis sa sahig. Sinunod ko sa pag alis ang aking lace brassiere.

Kinuha ko ang mga kamay niya't pinulupot sa'king baywang. Abot abot ang gulat na nakikita ko sa kanya, habang sa buong magdamag ng ginagawa ko, nanatiling madilim ang aking mukha.

I used his already open mouth as an opportunity to kiss him in reckless abandon. Rouge moaned as I start grinding my hips. Pinuwersa kong hindi magpadala sa ginagawa ko't bumigay sa kanya. Siya ang dapat bumigay ngayon.

Humigpit ang hawak niya sa baywang ko sa puntong gusto na niyang madikit ito sa'king balat. Naglakbay ang isang kamay niya sa dibdib ko. Our supposedly talk is dearly forgotten. Napangiti ako habang hinahalikan siya. That's it, Rouge. Give in to me now.

"Lory, here's your—"

Umalingawngaw ang ingay ng pagbasag ng plato at pagbagsak ng tray. Huling ingay na nanatili ang makailang beses na paglundag ng kutsara.

Ako ang huling lumingon sa pinto. Antonia's eyes widened in shock, which has no difference if compared to how I reacted a while ago.

"Oh...sorry." Mabagal kong pinulot ang aking bra at sinuot sa harapan niya.

Nanigas si Antonia sa kanyang kinatatayuan. Agad tumayo si Rouge upang pulutin ang kanyang shirt at ayusin ang halos nahubad na niyang jeans. Which I, undeniably, am held responsible for.

Dumating si Shirley na agad nanlaki ang inosenteng mga mata. Nagawa pa niyang takpan ito ngunit huli na ang lahat.

"Pakipulot ng mga basag na 'yan, Shirley. And the cookies..." Tumitig ako kay Antonia. "I don't think they're that edible anymore," makahulugan kong sabi saka ko pinulot ang aking damit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro