TWENTY ONE
Nagprisinta si Chaucer na palitan si Ryland sa driver's seat bago kami umalis ngunit tumanggi si Ryland. Hindi raw kasi siya mapakali kapag hindi nagda-drive kaya siya ulit ang nagmamaneho ngayon.
Pinabuksan ko kay Rouge ang bintana sa side niya. Wala na namang alikabok dahil malayo na kami sa siyudad. Makikipagpalit sana ako ng pwesto para mas madama ko ang hangin ngunit natutulog siya.
Dinagdagan ni Ryland ang volume sa stereo. Nakikinig lang ako sa tugtugin habang dinudungaw ang mga nadadaanan namin. May nakikita na akong mga isla at dalampasigan pati na rin mga nagluluntiang bundok. Are we going to trek and camp?
"Diretso na ang daan papuntang Capones, Rile?" tanong ni Chaucer na panay hakot ng chichirya na hawak ni Emersyn.
Hindi agad nakasagot si Ryland dahil nalulunod ito sa kanta sa stereo. Natatawa siyang tinapik ni Nikolina at tinuro si Chaucer. Hininaan niya ang volume saka pinaulit ang tanong sa kaibigan.
"Sasakay pa ng bangka galing Pundaquit. Mga thirty minutes ang biyahe."
"So saan maiiwan 'tong sasakyan?" tanong ni Chaucer.
"May kakilala ako sa coastal village doon, siya magbabantay." pahayag ni Ryland.
"Nag-hire ka nalang sana sa isa sa mga bodyguards ni Nikolina para bantayan 'tong sasakyan mo." humalakhak si Chaucer. Tinawanan lang din yun nina Nikolina at Ryland.
Tinapunan siya ng isang pirasong chichirya ni Emersyn. "Ang ingay mo. May natutulog."
Nilingon ko si Rouge na bahagyang nakatingala ang ulo sa headrest at nakapikit ang mga mata. Kada dulas ng kanyang kamay sa balikat ko ay mabilis niya itong binabalik sa pagkakaakbay.
Binalikan ko ang pinag-usapan nila Chaucer at Ryland. Bakit may bangka na involve? I thought this is a road trip?
Kinalabit ko si Chaucer at nagtanong. "Ano yung Capones?"
"Isla, dito sa Zambales."
Tumaas ang dalawang kilay ko, di naitago ang surpresa.
Napuna niya ang aking reaksyon na humantong sa kanyang tanong. "Hindi ba sinabi sa'yo ni Rouge?"
Umiling ako. "Sabi lang niya road trip. No further details."
Sa mga araw na nagdaan bago ang araw na'to ay wala na siyang idinagdag pang mga detalye tungkol sa lakad ngayon. Hindi rin naman ako nagtanong. Initiative na niya na sabihin sa'kin kung ano ang mga dapat dalhin at hindi kailangan, di ba?
"I told you it was Ryland's birthday."
Nilingon ko siya. Hindi nagbago ang kanyang ayos at nakapikit pa rin. Inadjust niya ang ulo sa headrest at binalik na ang kamay sa balikat ko dahil sa muling pagkakadulas nito.
"Yeah. Yun lang sinabi mo."
Kanyang dinilat ang isa niyang mata at dinungaw ako. "Kung sinabi ko sa'yong pupunta tayo ng isla, anong gagawin mo?" inaantok ang boses niya.
"Of course I'd be bringing my swimwear."
Nagtaas siya ng kilay saka pinikit ang mata, "That's why I didn't tell you."
Humagalpak sina Ryland at Nikolina samantalang sumipol si Chaucer. Pigil ngiti akong tinignan ni Emersyn.
"Try not turning her into your doormat, man. Kasi alam mo noong kami pa ni Lory, I gave her freedom to do what she wanted to do and let her wear whatever she wanted to wear. Huwag masyadong higpitan ang tali, mas lalong tatakas yan."
"I'm not asking for your advice Chaucer." may gaspang ang boses ni Rouge.
"Just thought you needed it."
Kita ko ang nanunuyang ngiti ni Ryland sa rearview mirror. Lumingon si Nikolina na ganon din ang ngiti.
I was able to figure out right away the length or strength of his relationship with Ryland without asking. Halata kung gaano rin niya kakilala ang mga kaibigan nito. It seems to me that she has already known these guys' secrets.
But going back to Rouge not telling me anything about a trip to the island, hindi ko siya pinansin. Anong problema niya sa pagsusuot ko ng swimwear? We are with his friends for goodness sake!
Humigpit ang akbay niya saka ako hinapit. Bumulong siya sa tenga ko. "Ganyan palang ang suot mo halos hindi ko na mapigilan ang sarili ko't iuwi ka at hindi nalang tayo sumama. How much more if you wear something that we both know would end up with me not being able to stop myself? Kaya sana maintindihan mo kung bakit hindi ko sinabi sa'yo."
Kinuha niya ang box ng cake sa kandungan ko at nilipat sa kanya. Makailang beses niyang inadjust ang sarili na parang may gusto siyang itago.
At may ideya na ako kung ano 'yon, halata sa umiigting niya panga at ritmo ng kanyang paghinga.
I couldn't suppress my smile. Imbes na mailang sa panginginit ng pisngi ko, nabalewala ko 'yon dahil naaaliw ako sa kanya.
Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang tenga. "Ini-imagine mo ba?"
Hindi siya makatingin sa'kin. "Shut up."
"Ini-imagine mo noh?" panunuya ko pa.
"Shut up, Lory."
Di ko mapigilan ang pagbuga ng tawa. Iling ang naging tugon ko sa nagtatanong nilang mga mukha.
Marahas na suminghap si Rouge habang sinasandal ang ulo sa headrest at mariing pumikit. Mahirap balewalain ang paghihirap niya dahil sa halatang pagtaas baba ng kanyang dibdib.
Frustrated now, Rouge?
Katulad ng napag-usapan ay iniwan nga namin ang FJ Cruiser sa Brgy. Pundaquit. May kinausap si Ryland na may katandaang lalake bago kami sumakay sa bangka papunta sa isla. Turns out may kinausap na pala silang tao para mahanda ang bangka na sasakyan namin.
Kumunot ang noo ni Ryland sa box ng cake na bitbit ni Rouge. Mukha siyang nagpipigil ng bungisngis samantalang seryoso lang si Rouge at kibit balikat ang itinugon sa pinsan.
Sa ilalim ng sinag ng araw ay mas kuminang ang kulay ng karagatan. Tantiya ko ang lalim nito dahil sa madilim na klase ng bughaw. Di ko mapigilang sumilip habang tumatakbo ang bangka, nagbabakasakaling makakita ako ng mga isda. It's never impossible.
Hinawakan ako ni Rouge sa braso saka hinila nang papalapit ang ulo ko sa dagat. Ginapos ako ng mga braso niya at inipit ng kanyang mga binti.
"Wala akong makitang lumalangoy na isda. I want to see dolphins too."
"Papagawan kita ng aquarium na may mga dolphins at naglalanguyang mga isda. You don't have to plunge your face in the sea while the boat is moving." ramdam ko ang inis niya.
Nilingon kami ng ngumingising si Emersyn na marahil narinig ang sinabi ni Rouge. Sa kapayapaan pa naman ng paligid na tanging hampas ng alon lang ang ingay, tunog ng makina ng bangka at pagsampal ng hangin. Kinalabit siya ng katabing si Nikolina para magselfie.
Ngayon ko lang nagawang pansinin na ako lang ang may pinakamaliit na bag. Lahat sila puro busog sa katabaan ang mga dala, including Rouge's.
Although kaunting damage lang naman ang sinabi niyang roadtrip lang ito dahilan upang makapagsuot ako ng manipis at komportableng damit sa ganitong klaseng init ng panahon.
Atleast hindi niya sinabing pupunta kaming Baguio.
Niisang sandali ay wala akong narinig na reklamo galing sa kanya o ng iba. Kami lang ni Emersyn ang may tampo sa araw. Para sa isang taong mas sanay sa klima sa Amerika, hindi ko ito inaasahan kay Rouge.
Bahagya ko siyang nilingon upang marinig niya ang tanong ko. "Nagagawa niyo na 'to dati?"
Umihip ang mainit niyang hininga sa pisngi ko nang nilapit niya ang kanyang mukha. Nakaupo ako sa gitna ng mga hita niya. Nag-ipon naman sa ilalim ng mga binti ko ang box ng cake at itim niyang Herschel bag.
"Sa States lang. We do road trips and kayaking everytime they visit me in Boston."
Tuluyan ko na siyang nilingon. Dumungaw siya pabalik sa'kin. Nakikita ko sa isip ko ang pagsasalubong ng kilay niya sa likod ng kanyang sunglasses.
"I can't believe a millionaire like you could survive this heat. Tsaka sumasakay kayo ng bangka? No time to rent a speedboat? You own a freaking shipping company!"
Napahanga rin ako ni Nikolina. She's a royalty daughter and experiencing something like this was the least I expected from her.
Tinignan ko siya. Bigo ang hangin na guluhin ang makapal at natural straight niyang buhok. Kahit maitim ang buhok niya ay nagawa pa rin nitong kuminang sa ilalim ng araw at parang nagyayabang na hindi ito matatablan ng split ends.
"Not all of us are as bad as you think we are." Rouge muttered.
Tiningala ko siya. "So inaamin mong mayaman ka?"
Let's admit, hindi lahat ng mayayaman ay umaaming mayaman. Nagpapaka-humble pa nga ang iba.
Kinabig niya ako. "Oo. You should be proud of your wealth and fortune. Lalo na kapag hindi naman ilegal ang paraan mo sa pagyaman."
True. Kaso minsan mahirap ipangalandakan ang yaman mo kapag may mapagsamantalang mga taong nakapaligid. Yet wealthy or not, there will always be a time that people would take advantage of you.
Habang napapalapit kami sa isla ay unti unti kong naaaninag ang cliff na halos bumubuo na sa isla. Puting buhangin ang pumapalibot dito kung saan may mga dayo nang nauna sa'min.
Di ko mapigilang tingalain ang higanteng bato na hinahagkan ang cliff pagkadaong namin. Naghanap kaagad kami ng pwesto upang mailapag ang mga gamit. Natagpuan namin ang isang mala-cove na area at doon piniling sumilong.
"Mauna na kayo sa taas." ani ni Ryland na nagpakawala ng mabigat na buntong hininga nang inalis ang kanyang bag at binagsak sa buhanginan.
Pagod na umupo si Chaucer sabay tanggal ng kanyang wayfarers. "Mamaya na ako aakyat." Tumingala siya kay Rouge. "Kayo?"
Nilingon ako ni Rouge at tinitigan na parang sa'kin dapat nakadepende ang sagot. Kibit balikat ang tugon ko.
Inalis niya ang kanyang bag at itinabi sa bag ni Ryland. Bakit ba ganyan kalaki at kataba ang mga bag nila?
"Tara." hinawakan ni Rouge ang kamay ko saka dinala ako sa kanyang paglalakad.
Inakyat namin ang konkretong hagdan at mabatong daan na maghahatid daw sa'min sa lighthouse. Tumapak ako sa anino ni Rouge upang magpasilong sa kainitan ng araw.
Kung alam ko lang na ganito, I should have brought an umbrella and put some sunblock. Hindi na nga ako maputi, ito pa kahahantungan ng balat ko! I blame it on Rouge's withholding of information from me.
Huminto si Rouge dahilan upang mauntog ako sa matigas niyang dibdib. Dahil nakayuko ako, di ko nakitang humarap siya.
"What are you doing?" kita ko ang pagsasalubong ng kilay niya sa kabila ng kanyang shades.
"Mainit." nalukot ang mukha ko at napakuyumos sa ilalim ng haligi ng katawan niya.
Nagtaka ako sa marahan niyang pagtawa. Umiling siya at pinagpatuloy ang pagtahak ng daan. Pagod akong sumunod.
Para akong binalik sa sinaunang panahon pagkapasok namin sa mala-haunted na gate ng lighthouse, lalo na sa loob ng parola kung saan inakyat namin ang kinakalawang nang hagdan. Mukha man itong abandunado, kontribusyon ang kalumaang ayos nito bilang isang tourist spot, not to mention its history. Wala akong humpay sa pagkuha ng litrato.
Sa taas ng parola ang pinaka highlight kung saan matatanaw ang West Philippine Sea kabilang na ang ibang mga isla. I would give anything in the world to witness the sunrise and sunset from up here.
Worth it ang init at pagod sa mahabang pagbiyahe kung ganito kagandang lugar ang kahahantungan mo. Parang ayaw ko nang umuwi. This is indeed a mile too far from the wild nights and city life.
Sinubukan kong kunan ng picture si Rouge ngunit iniwas niya ang kanyang mukha saka tinakpan. Panay ang pagpilit ko sa kanya habang tumatawa. Palihim ko nalang siyang kinunan, natunugan niya 'yon kaya sa huli ay wala akong nakuha.
Pagkababa namin ay may nakatayo nang tent. Nasagot ang tanong ko kanina sa laman ng kanilang mga bag. Hindi lang ba kami isang araw dito? One day lang ang ipinaalam ko kay dad.
"Akala ko ba one day lang tayo? Bakit parang pang one week 'yang laman ng bag mo?" humiga ako sa nakalatag na sleeping bag.
Natigil siya sa pagtupi ng kakahubad niya lang na sando. Pinuwersa kong hindi bumaba ang aking tingin sa katawan niya.
Hindi niya ako tinignan. Binuksan niya ang kanyang bag at nilabas ang mga laman nitong damit at iba pang panglalakeng gamit. I scowled at the sight of feminine clothes.
"I packed for you. We'd be here overnight."
Isa isa kong pinulot ang mga dala niyang pangbabaeng damit. Tatlong size medium plain white shirt, dalawang denim pants, and I gave him credits for bringing lace undergarments. Yun lang ang nagustuhan ko sa lahat ng dinala niya para sa'kin.
"Niisa wala kang dinalang bikini? And we'd be here for two days!" bulalas ko. "In this island?"
Tinaasan niya lang ako ng kilay kasabay ng pagsara niya ng zipper ng bag.
"Hindi naman ako maputi kaya ayos lang naman sigurong magbikini ako." sinuntok ko ang buhangin.
"You've got legs for days dammit!" tinapon niya ang bag sa loob ng tent.
"I'm flat-chested."
Naningkit ang mga mata niya. "Hm. Are you sure?"
Dahan dahan siyang lumapit at lumuhod sa harap ko. Literal na nanlaki ang aking mga mata nang pinagitnaan ng mga binti niya ang aking baywang.
"Not here, Rouge. This is a public place!" marahas bulong. Bumaling ako sa paligid, umaasang may biglang lilitaw na tao pero nasa tagong parte kami ng isla.
Hindi siya nakinig, at kahit tinutulak ko na siya'y hindi siya nag patinag. Binaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko at pinapaliguan ako ng mga halik.
"Stop being horny, Rouge." may banta ang tono ko.
Umugong ang mababang tawa niya na naghatid lang ng masidhing init sa'king katawan. Lumala 'yon nang pinasok niya ang kanyang kamay sa ilalim ng top ko. He pulled my brassiere down to cup my breast and knead it in his expert hand.
Rouge moaned. Ramdam ko rin ang mabilis niyang paghinga na sinasabayan ng sa'kin. Kaso hirap ako sa pag-concentrate dahil baka may dumaang tao o biglang bumalik sina Chaucer dito't mahuli kami.
Kung pwede lang ipitin ang lalamunan ko upang maiwasan ang paglabas ng aking ungol.
Pinalis ko ang kanyang kamay at dali daling tumayo. Naiwan pa rin ang init ng haplos niya sa dibdib ko. Something swirled down on my lower stomach. But no Lory, panindigan mo ang inis mo sa kanya.
"Hindi ako katulad ng mga babaeng nilalabas mo dati."
If I know, sa isip niya'y kinukumpara na niya ako sa kanila. Those globular boobs which is a common denominator of every woman he was seen being photographed with.
Hinawakan niya ang aking baywang saka ako pinihit paharap sa kanya. He pulled me closer, at tiningala niya ako habang siya'y na sa sleeping bag.
"Oo nga, hindi ka nga katulad nila. So?"
Tinitigan ko lang siya. Wala akong maisagot. So? So what nga ba?
Ginala ko ang paningin sa dalampasigan at sa malaking bato na hinaharang ang sinag ng araw. Napapikit ako sa maaliwalas na pag-ihip ng hangin.
"Bakit tayong dalawa lang dito?" tanong ko. "Bakit walang gumagalang mga tao?"
Marahan siyang nagpakawala ng tawa. "I've already owned a piece of you as you have already had a piece of me. You act like we haven't done it. You might want to get re-oriented on how I took something from you that night, Lory."
Pinigilan ko ang kamay niya na akmang tatanggalin ang butones ng denim shorts ko.
"No thanks. I get it. Siyempre tayo lang dito. Alangan namang kami ni Chaucer di ba?" sarkastiko kong ani.
Nagbalik ang matalim niyang tingin. "Lorelei."
Tumawa ako at iniwan siya doong nakasimangot. Tutal wala akong magawa at hindi rin ako makabihis ng swimwear dahil may isang taong hindi nag inform sa'king mago-overnight kami sa isla. Road trip my ass.
Pagkabalik nila galing sa lighthouse ay sinimulan na namin ni Nikolina ang paghahanda sa mga pagkain. Nakapagpalit na rin sila ni Emersyn ng kanilang bikini. Ayos lang ito para kina Ryland at Chaucer. But Rouge? Nevermind.
"Ganito ba talaga mag-birthday si Ryland?" nilabas ko ang mga plastic cups.
"Tsineck ko nga kung may nunal siya sa paa. He really loves travelling a lot. Hindi mapakali kapag walang ginagawa." masaya niyang pahayag.
Tinanaw niya ang nobyo sa dagat na may kinakawayang batang babae na tantya kong mga nasa tatlong taong gulang.
"Sino 'yon?" tanong ko.
Marahan siyang tumawa. "He likes kids."
I wonder kung mahilig din si Rouge sa mga bata. Being the only son, hinihiling niya rin kayang magkaroon ng kapatid? Is he ready to build his own family? Nakikita niya ba ang sarili na ako ang kasama niya sa itatayo niyang pamilya?
I froze by that thought. Why am I even thinking about it? Kaka-graduate ko lang yun agad ang iniisip ko? You sound pathetic, Lory.
Nalingunan ko ang mga yapak na paparating. Sinundan ko ng tingin si Rouge na may dalang brown paper bag. Umupo siya sa tabi ko.
Naglabas siya ng sandwich na nakasilid pa sa Ziploc at bote ng juice.
"Mainit pa 'to kanina. I felt bad for forgetting to feed you. Sorry I slept."
"Kumuha na rin kayo dito Lory, Rouge." kinamay ni Nikolina ang chicken na nasa nakabukas na supot.
"She's a vegetarian." si Rouge ang sumagot.
Napaawang si Nikolina at ilang beses na kumurap. "Oh..."
Naiilang siyang tumawa habang tinignan kami ni Rouge. She's so adorable. No wonder bakit siya nagustuhan ni Ryland.
"Magpapapicture lang ako kay Ryland eh!"
Napabaling kami sa boses ni Emersyn. Pilit niyang binibigay ang cellphone kay Chaucer na panay ang pag-iwas sa kamay.
"Nandon ang girlfriend oh! Mahiya ka naman." turo niya sa direksyon namin.
"Alam ko. Magpapapicture lang ako, hindi mag-aaya ng kasal."
Sa huli ay pumayag siyang picturan ang dalawa.
Pinasidahan ni Ryland ang basa niyang buhok habang naglalakad papunta rito sa pwesto namin. He's like a sexy villain in an action movie. Naka itim na speedo jammers lang siya kaya kita ang pang-atleta niyang pangangatawan. The man has six packs and a v-line, damn it.
"Hindi kayo maliligo?" tanong niya habang kinakamot ang kanyang tenga. Iniling niya ang kanyang ulo pagkatapos saka kiniskis ang basa niyang buhok.
Walang emosyon kong nilingon si Rouge na nagmaang-maangan. Binuksan niya ang takip ng juice at inabot sa'kin.
Tumawa si Nikolina. "Pahihiramin kita ng bikini, Lory. I brought four pairs. I'm sure may mapipili ka sa mga dala ko."
"No Nik, it's okay." si Rouge ang sumagot.
Siniko ko siya. "Ako ang tinanong niya."
"I know." ani ni Rouge saka kinuha ang kamay kong may hawak na sandwich at pinasak ito sa bibig ko.
Tumawa si Ryland na agad ring napawi. Tinignan ko siya ngunit wala sa'kin ang mga mata niya kundi sa singsing kong hinahaplos ng hinlalaki ni Rouge.
Nakanguso niyang tinignan ang pinsan. Rouge stared back at him.
Ramdam ko rin ang mga mata ni Nikolina na nang tinagpo ko, lumapad ang ngiti niya saka mabilis nag-iwas ng tingin.
Walang nagawa si Rouge nang lumabas ako sa tent na suot na ang pinahiram na bikini ni Nikolina. Halos pumutok lahat ng ugat sa leeg at sentido niya nang makita ako. Binaha siya ng tawa nina Ryland at Chaucer dahil sa naging reaksyon nito.
Halos wala kaming tulog sa buong magdamag. Maingay at masaya ang naging pagdiriwang sa birthday ni Ryland. Di ko akalaing nagawa pa nilang magdala ng alak. Huli kong namalayan bago ako tuluyang nahulog sa pagidlip ay nakabalot ang mga braso ni Rouge sa'kin habang nagsa-stargazing.
"You do this."
Umangat ang tingin ko galing sa cellphone pagkalapag ni Lauris ng folder sa'king kandungan.
"Ano 'to?" binuklat ko ang folder.
Bumungad sa'kin ang logo ng aming kompanya at sa baba nito ay ang mga detalye. This is the proposal for the RV lines project.
Sa isang linggong nagdaan ay walang nabanggit si Rouge sa'kin ukol dito. Or maybe nag-usap na sila ni dad.
"We're getting the project?" tanong ko kay Lauris.
He shrugged. "Your guy only confirmed via phone call to hand the proposal to his father."
"When?" why Rouge didn't even bother to meet or inform me?
"Kagabi lang." maikling tugon ni Lauris.
"and DC just did this overnight?" bahagya kong inangat ang folder.
"Nagawa na 'yan bago pa sila tumawag. I got a good feeling that we'll have it so I suggested it to dad." Ngumisi siya. "Thank me. I'm the best."
Iling akong napangiti. Oo na't napahanga na ako ng kapatid ko.
Umakyat ako sa kwarto upang maligo at makapagbihis. I'm antsy and excited at the same time. Hindi ko pa nakakahalubilo si Sir Herman sa personal, I've already seen him but had never been in a conversation with him.
The office isn't in a high rise building. Pero hindi naman sa taas ng building o laki ng opisina nasusukat kung gaano ka successful ang isang kompanya. RV Lines is one of the best in the country, and they have proven that over the years through their growing products and continuous innovations.
Pagkatapos itawag ng empleyado sa reception ang presenya ko ay sinabi niya sa'kin ang floor ng opisina ni Sir Herman. Kita ko ang panginginig ng kamay ko habang pinipindot ang UP button.
I'm having my own peptalk habang nasa elevator. Iaabot ko lang 'tong folder, it's not like he's going to slash me with judgement regarding on dating his son.
Mabilis kong narating ang harap ng kanyang opisina. Nagpakawala ako ng hininga bago kumatok sa pinto.
"Come in." umugong ang pamilyar niyang boses. Pinakiramdaman ko 'yon. He doesn't seem to be in a bad mood, kaya pumasok na ako.
Kaagad sumampal sa'kin ang lamig ng aircon na nagpalala pa ng pagkabog sa dibdib ko. Nag angat ng tingin si Sir Herman galing sa kanyang pinipirmahan. Lumuwang ang mukha niya nang makita ako saka tumayo. Umikot siya sa mahogany desk upang salubungin ako ng halik sa pisngi.
Malayo siya sa amang nakita ko na pinagalitan ang anak sa parking lot. Sa mga mata niya nanatili ang tingin ko dahil hawig ang mga 'yon kay Rouge.
"There you are...I've finally got to meet the woman my son's dating."
"Nice to meet you Sir." bahagya kong yumuko.
"Please take a seat." magalang niyang ani.
Pagkaupo ko sa mala-sofa sa lambot na upuan ay nilapag ko ang folder sa desk. Something caught my attention at my right side.
It's a framed picture of the three of them with Rouge at the middle. Nakaakbay siya sa mga magulang niya with his signature crooked smile. Nakabalot sila ng panlamig na kasuotan at sa background nila ay nagni-niyebe. It was taken during a winter season and probably in Boston.
"When Rouge mentioned that DC is interested to work with this project, I said why not, since we've never been in negotiation with your company before. Then he started mentioning you and so on." nag-angat siya ng tingin sa'kin galing sa binabasang proposal. "I've read between the lines." marahan siyang tumawa.
Ang boses niya'y pormal ngunit masasabi mo pa ring approachable. His whole disposition warrants respect. I've seen him as a man full of wisdom. Nakikita ko si Rouge sa kanya kapag tumapak na siya sa ganyang edad.
"I wish I could have told your father regarding this project the second time we met a month before the Regal's launching. But then this was still brewing in our heads long before we were able to confirm it as our next plan." sandali niya akong sinulyapan bago binalikan ang folder. "Were you able to go?"
Ngiti akong tumango. "Yes Sir, I was there. Never seen something that grand before."
"That made your father suggest for the sponsorship. Sino ba naman ako upang tumanggi?" hindi kailanman naglaho ang multo ng kanyang ngiti.
Siguro nagmana si Rouge sa mama niya. Sir Herman seems to be a smiling man, something that the public had never witnessed. Rouge rarely smiles.
May binalikan ang utak ko sa isa sa mga naging pahayag ni Sir Herman. Kinalabit nito ang interest ko at nagbukas ang pinto ng mga tanong.
"Sir, did you just say that you met my father again...a month before the launching?" binagalan ko ang bawat pagbigkas, emphasizing every word.
Kumunot ang noo niya sabay sara ng folder at maingat na nilapag ito sa desk. "Yes, why?"
Inadjust ko ang aking pagkakaupo. "So...you were not in my father's wedding?"
"No. I had met your father before pero hindi pa kami ganoon kapamilyar sa isa't isa until the sponsorship offer happened. Shock was my initial reaction upon knowing your father's recent marriage."
"That's a common reaction, lalo na kapag malaman mo na kamag anak mo pala ang involve." ani ko.
Kumunot ang noo niya at mas nilapit ang upuan sa desk, na parang nalalabuan siya sa sinabi ko. "I'm sorry I'm not meeting you. What do you mean...kamag anak?"
Ako naman ngayon ang nalilito. "Kamag-anak. Antonia's a distant relative of yours, right?"
Mariin siyang umiling. "No, she's not our distant relative. We all know her as someone who used to have a serious relationship with my son."
Hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko. Nabibingi ako sa malakas na pagtambol ng puso ko na atat kumawala sa kulungan nito. Nagsimula nang mamasa ang aking mga palad.
"What do you mean, Sir?" nanginginig ang boses ko.
Sumalamin ang labis na pagtataka ko sa kanyang mukha. "He hasn't told you?"
"Told me what?"
Halos hindi ko na maramdaman ang sarili kong humihinga habang nakalutang sa sandaling pananahimik ni Sir Herman. Pinanatili ko 'yon, trying not to breathe upang mas marinig ko ang sasabihin niya.
"Antonia was his ex-girlfriend."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro