Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY EIGHT

Namamanhid pa ang mga binti't braso ko pagkarating namin sa aking condo. Dumiretso ako sa couch upang maupo. Maingat na nilapag ni Lauris ang susi sa glass table.

Nasundan kami ng hangin ng tensyion sa mga nangyari kani-kanina lamang. Kapwa kami tahimik ng kapatid ko, at alam kong katulad ko'y binalikan din niya ang mga pangyayari.

Miski ako hindi makapaniwala sa ginawa ko. Ngayong kalmado na ako, doon palang nagsink-in lahat kung gaano ako ka-brutal. I was beyond mad! I was provoked! Kinain ako ng aking emosyon at ngayong iniluwa na ako nito, nakahinga ako ng malalim.

Ramdam ko ang titig ni Lauris. Animo'y kinalabit ng mga mata niya ang pasa sa braso ko dahil sa matinding pagkaka-hawak niya sa 'kin mahila lang ako palayo kay Antonia.

"Huwag mo akong tignan ng ganyan Lauris na para akong isang kriminal," ani ko, halata ang pagod. Nakaka-drain din pala ng lakas ang galit.

"Well are you not?" halos pag-histerikal niya. Tumuro siya sa labas. "You almost killed the woman! And you didn't even come close to care! You scared the fuck out of me back there." Napailing siya.

"Sorry okay? I was provoked."

Ginulo niya ang kanyang buhok kasunod ang padabog niyang pag-upo sa tabi ko. Kita ko ang frustration at takot niya.

"Lory, she's pregnant! Walang kasalanan ang dinadala niya sa galit mo. Grow some conscience for pete's sake! At may mas ligtas naman na paraan upang ilabas ang galit mo sa kanya. Hindi yung..." mabigat siyang nagpakawala ng hangin.

Nawala sa isip kong buntis si Antonia. Doon ko pa lang naalala nung nakita ko ang dugo sa kanyang binti.

Marami talagang nagagawa ang galit. Nakakalimot din. It can even make you forget how to feel. It can make you lose your mind.

"Now you see why I don't do serious, Lory. They can either change you, or break you. I choose not to risk myself." Bigla niyang sabi.

Binalingan ko ang kapatid ko na ngayo'y nakatakip ang palad sa mga mata, his elbows are at his thighs. Sa aming dalawa, siya ang lumalayo sa gulo.

As much as possible he doesn't want to involve himself in any trouble. Wala nga akong maalala na may sinuntok siya. He's everybody's bestfriend. Kaya sa mga nangyari kanina, hindi siya sanay. This is a shocker to him. Hindi na ako magtataka kung magkaroon siya ng trauma.

"Bless your soul."

Tumayo ako at nagtungo sa kusina. I need the cold water to run in my throat to atleast calm my still trembling nerves. Nung hinugasan ko na ang baso sa sink ay napatitig ako sa mga kamay ko. Did I really do that?

Inaamin kong nakaramdam ako ng guilt sa pisikal na pananakit ko sa kanya. She slapped me yes, but it was nothing compared to what I did to her. Ramdam ko pa ang paghampas ko ng ulo niya sa sahig...kung paano ko dinaganan ang kanyang tiyan...

Naikuyom ko ang aking kamao. Pinagsisihan ko man ang ginawa ko, it didn't change the fact that I detest her. But she still deserved an apology from me. It doesn't mean that she has to forgive me and vice versa. No forgiveness for now. Kusang loob binibigay ang kapatawaran at sa ngayon, hindi ko pa 'yon maibibigay o matatanggap.

After all may rason pala kung bakit hindi ko magawang magustuhan si Antonia. I may have found out about it too late, but it never changed the fact that it is the sole reason of my then inexplicable hatred.

Sunod kong natitigan ang aking daliri. The absence of my ring reminds me of his plea a while ago. Mabilis ko 'yong inalis sa isip ko at bumalik sa sala.

Nakapameywang si Lauris habang may kausap sa cellphone. Sumenyas siya sa 'kin na kailangan niya rin ng tubig kaya bumalik ako sa kusina upang salinan siya. Pagkablik ay inabot ko sa kanya ang baso na kunot noo niyang tinanggap. Napangiwi siya sa lamig na hatid nito sa kanyang lalamunan.

"Hindi makakapunta si dad...I could represent for him." Tumikhim siya.

Umupo ako sa couch at sinandal ang aking ulo sa headrest. Tinakip ko sa mga mata ko ang aking braso.

"Yes...pag-iisapan pa. I still have to ask my father if he's in favor of the decision. The contract has been signed, may breach kapag aatras kami bigla..."

Bigla akong napatanggal sa braso ko sa 'king mukha at kunot noo na binalingan si Lauris. What breach? Anong aatras? Our company doesn't just pull out regardless of the reason. It's unprofessional!

"I'll call as soon as we finalize the decision."

Tinapos niya ang tawag. Sinundan ko siya ng tingin na humahakbang papunta sa harap ko. His other hand is on his waist.

"We might pull out from RV Lines and do the Arevalo and Son's project instead. Another resort branch. It's as big as the RV's project, too."

As if that could sooth the situation. This is risking the company's dignity here!

Kumitid ang mga mata ko. "You decided on it alone?"

Nanatili siyang seryoso. "I don't think dad could handle this for a while after everything that happened."

"We don't risk the business because of personal reasons, Lauris. It's unprofessional," ani ko.

May pakiramdam akong papayag si Sir Herman na bibitaw kami sa oras na malaman niya ang ginawa ng kanyang anak. But even considering that, I still won't allow for DC to pull out from the project. Everything has been settled at sisimulan na ang construction a few days from now.

Humalukipkip si Lauris, mapanuri ang mga mata. "So you suggest na hindi tayo magpu-pull out sa project?"

"You know my word for that."

Ngumuso siya't nagkibit balikat. "Your vote counted." Sumimsim siya sa baso ng tubig. His eyes remained cut on me. "Punta akong DC."

Tumayo ako. "Sama ako."

I don't think I can live here alone for a long time. Babalutin lang ako ng alaala ng mga nangyari. Mababaliw ako rito! I have to get busy.

"Punta akong ospital after. I need dad's vote for this, too. Sasama ka rin ba?" seryoso ang pagkakatanong niya kaya hindi ko masasabing nanunuya siya.

Hindi ako sumagot ni-tango o iling. Sa isip ko lang ngayon ay ayaw kong mag-isa rito o sa kahit saan. I am suddenly in need of a company everywhere I go.

Ewan ko, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Siguro takot ako na sa oras na maiwan akong mag-isa, bigla nalang akong mag-breakdown. And I don't want to witness myself succumb to another sign of weakness. I've had enough of that.

Hindi naman naso-solusyunan ang problema sa pag-iyak. It could lessen the heaviness but the problem remains. Pag-gising mo kinabukasan ay paaalalahanan ka pa rin ng lahat ng mga nangyari ngayon. Every waking day would remind you of the reality of yesterday.

"I'll just change," tanging tugon ko saka pumasok na sa kwarto.

Nilakasan ko ang volume ng stereo sa kotse na nagpapatugtog ng rock song. The vocalist's screaming voice might drown out my thoughts. Alam kong pinagbibigyan lang ako ni Lauris kahit naririndi na siya sa pinapakinggan kong kanta.

"You know that's violent singing, right? Balak mo bang gawan ng part two ang ginawa mo kanina?" ngumiwi siya't napapikit nang matinding sumigaw ang singer.

Wala akong imik at bumaling lang sa bintana, pinagmamasdan ang buhos ng ulan. Hindi pa rin ito tumila hanggang makarating kami sa DC Builders building.

Hinarangan ko man sa isip ko ay panay ang pasok ng pag-aalala ko kay Rouge. His phone was at his condo, broken and dying. Paano siya uuwi o nakauwi ba siya?

Nangilid ulit ang mga mata ko nang lumitaw sa harap ng isipan ko ang nagmamakaawa niyang mukha. Mariin kong tinakpan ang mga mata ko, as if mahahadlang nito ang daloy ng aking isipan ngunit nakatagos pa rin ito't paulit-ulit akong binabangungot ng gising.

Hindi ko namalayan ang sariling nakatunghay kung wala lang pumitik na daliri sa harap ng mga mata ko. Tipid na ngiti ni Zavid ang sumalubong sa'kin, and his downturned eyes.

Bigla akong gumuhit ng ngiti. "Hi."

It's a relief na atleast may kilala ako na nandito, but it's a wrong timing. I don't think I'm up for a lively and friendly conversation for now.

"Your brother's inside." Tinango niya ang ulo sa conference room.

Mahina akong tumango. Tumabi siya sa 'kin dito sa pader na sinandalan ko sa may balcony. Sinadya 'to para sa mga empleyado naming naninigarilyo.

"Mind if I ask you the reason of DC's sudden pull-out sa RV?" his tone doesn't suggest anything. It's more like just a random ask.

"That has not been decided yet. But I think it's best not to talk about it."

Umusog siya papalapit sa 'kin. Curious ang mga mata niyang nakadungaw sa 'kin. "May nangyari ba? Or shall I say...you found out something?"

Iba ang pakiramdam ko sa naging tono ng kanyang pagtanong. Para bang may partikular na balita siyang hinintay na malaman ko.

"What do you mean? Anong alam mo?"

Is there something more that I need to know than what I'd just found out?

Umiling siya. "You go first, baka iba ang hinala ko."

Sumakit na ang ulo ko dahil sa malalim na pagkukunot-noo. "Are we talking about the same person here?"

Tahimik at seryoso siyang tumango.

Should I tell him? Galit man ako kina Rouge at Antonia ngayon, I don't think this issue needs to get publicized. Baka kompanya pa nila ang maitaya rito.

Kagat ni Zavid ang ibabang labi niya habang matiyagang naghihintay.

"They're ex-lovers." Siya na ang unang sumagot, marahil nabasa niya ang pag-aalinlangan sa mga mata ko.

Ngunit mabilis nag-iba ang pag-aalinlangan na 'yon na nahantong sa gulat. "You knew? H-how..."

Umayos siya ng tayo habang tumatango-tango, na parang nasabi niya sa sariling tama ang kanyang naging hinala.

"How did you know about them, Zavid?" I'm as curious as a cat! At bakit wala man lang siyang sinabi? I know that we're not that close but atleast man lang ay may sinabi siya sa 'kin.

Halukiphip siyang nakamasid sa malayo.

"We were in the same frat house in college. Antonia was a professor sa university na pinag-aralan namin. It was a prohibited affair they had, so they kept it furtive. I also kept mum about it."

Pati pala sa ibang bansa ay sikreto sila. Bilang lang ang may alam tungkol sa kanila. Paano sila naghiwalay? Bakit sa ganitong paraan pa nila pinagpatuloy kung anong meron sila dati?

They're aware that marriage is always, I mean 'always' made of only 'two' individuals. Bakit kailangan sumabit? Bakit kailangan magtaksil at magpadala sa tukso? Is betrayal really that tempting? Is it as tasteful as a forbidden fruit?

Katulad ko siguro nasarapan din sila sa paggawa ng kamalian. Masarap nga namang gawin ang bawal, di ba?

"They're having an affair. Nagkagulo kanina sa bahay..." nakatungo ako't tinignan ang aking paa. I'm reminded on how Rouge kissed it like I'm a sacred statue of a saint or Goddess. Kahit 'yon ay isang kasalanan.

Though shall not worship other gods besides Him. Though shall not commit adultery. Damn it Rouge. You've just lost your ticket to heaven.

"I knew it would happen. I don't know...siguro I'm aware that that's what has been going on. I'm not entirely sure," ani ni Zavid.

"Bakit mo nasabi?" untag ko.

Inadjust niya ang kanyang pagkakatayo at bumuntong hininga. Sumalakay sa 'kin ang kanyang pabango. But I'm still used to Rouge's Irish Spring scent mixed with his French brand of manly perfume.

"RV Lines and Alevaro & Sons Inc. are neck and neck in the competition. Pinaimbestigahan ko siya, pinasundan...I'm looking for his dirty laundry." Mapagpaumanhin niya akong ningitian. "Aware akong nilalapitan ka niya, masama ang naging kutob ko knowing you're his ex-girlfriend's stepdaughter. So I don't think he's serious with you habang inaabangan niya si Mrs. Dreyfus."

Tumalon ang puso ko nang may ma-kawit akong salita. "Inaabangan?"

Maingat niya akong sinulyapan. "He's always been outside your house, Lory. I don't know what for. Maybe for her...for you...But lately hindi na."

Dahil nakuha na niya ang gusto niya. Nakuha na niya ulit ang iniirog niyang si Antonia.

Sabay naming nilingon ang grupo ng mga boses. Kakalabas palang ng mga nag-meeting sa conference room. Nandoon ang tita ko na may kausap na importanteng tao. Bumalik na kami ni Zavid sa loob.

Lumaki ang ngiti ni tita nang mahagip niya ako. Tumatango siya sa sinabi ng kanyang kausap at ilang sandali lang ay natapos ang kanilang usapan.

"Lory iha!" nilapitan ako ni tita Angela at niyakap.

"Hello po, tita." Naging sensitibo ang tenga ko sa kumakalansing niyang mga gold bangles sa isa niyang braso. Pinigilan kong mapangiwi.

"Oh bago ko makalimutan, may ipapadala ka ba kay granny? I have to go back to Vegas kasi, nag resign yung helper ni mama dahil uuwi raw dito. I don't know for how long so I have to look after granny dahil walang ibang magbabantay sa kanya. You know I don't trust other people that much."

"Kailan po kayo aalis?" tanong ko.

Hinawi niya ang takas na kulot na hibla ng buhok at maarteng nilagay sa likod ng tenga. "I have to be there as soon as possible. Sa assistant ni Mariano ko pinahanda ang itinerary so hindi ko pa alam kung kailan. Hopefully tomorrow."

Sinadya kong tignan si Lauris. May pinapahiwatig ang mga mata niya, it's as if he's reading my mind.

Isang beses siyang tumungo. "Let's go?"

Muli kong binalingan si tita Angela. "Can you contact me tita if ever nakuha mo na yung itinerary information mo?"

"Yeah, sure. Sasama ka ba? I've heard graduates na kayo. Complimenti dottore! Lauris has already been training here. How 'bout you?"

"Gusto ko pa po munang kumuha ng MBA," pahayag ko.

Napa-isip si tita Angela. "There are universities in Vegas that offer MBA programs."

Nagtagal ng dalawang taon si Tita Angela sa Las Vegas kaya mas maalam siya sa mga pasikot doon. And upon knowing this from her, hindi ko alam kung bakit ako napapa-isip.

Tinitigan akong maigi ng kapatid ko. Should I be scared? Hahadlangan ba niya ako? I mean, why? This is my life.

"I'll think about it," I finally said.

Tahimik kami sa buong biyahe papuntang ospital. Mas dumami lang ang sumalakay sa utak ko ngayon; Mga posibleng senaryo na madadatnan namin sa ospital, balita kung naka-survive ba ang bata, Antonia...Las Vegas...MBA...naghalo-halo na lahat at hindi ko sila mapigilan. Tuluyan nang nagiba ang bakod nito.

What if the baby didn't make it? For sure I am to blame for that. What if dad would hate me sa kung ano mang mangyari kay Antonia? Would he hate me more for hurting his wife than his wife for cheating on him? What if sasama ako kay Tita Angela sa Las Vegas? Anong mangyayari kung hindi ako sasama?

"We're here," deklara ni Lauris, ikinaigtad ko ang pagsasalita niya.

Sabay kaming umibis sa kotse. Namamasa ulit ang aking palad at kabadong-kabado sa kung ano mang madatnan namin. Hindi nakatulong ang lamig ng ospital sa kaba ko ngayon. Pakiramdam ko sumasakit na ang baga ko sa labis na pag-iinat nito.

Pumasok kami sa isang kwarto at doon natagpuan namin si dad sa mahabang upuan. Walang Antonia na nakahiga sa hospital bed, siguro inoobserbahan pa.

Sa ayos palang ni daddy ay parang kinuyom na ang puso ko. He looked defeated, at mas halata na ang kanyang edad. Bagsak ang balikat niya 't wala sa ayos ang kanyang buhok.

Mahina ang pag-angat niya ng tingin. At nagtagal 'yon sa 'kin.

"Dad..." nilapitan ko siya. "Are you going to file an annulment?"

"Lory!" mahinang sita ni Lauris.

Nagbaba ng tingin si daddy at mabigat na bumuntong hininga. "I need her, Lorelei..."

"Nandito kami ni Lauris! Hindi pa ba kami sapat sa 'yo? And why do you have to settle with that woman who cheated on you!"

"She also needs me. She's pregnant," nanghihina niyang giit. Nanatili siyang nakatitig sa pinagsiklop niyang mga kamay. Pagod ang boses niya. He doesn't want to argue about this.

"Is it yours?"

Hindi siya sumagot.

"Sinong ama, dad?" naiinip kong tanong.

"I don't know! I don't know!" umiling siya at napahilamos sa kanyang mukha. Nanginig ang kanyang balikat.

Mapait akong nagpakawala ng tawa. "You don't know? Tatanggapin mo pa rin siya kung sakaling hindi ikaw ang ama? Ha, dad?"

Narinig ko siyang suminghot bago pa niya inalis ang nakatakip niyang kamay sa mukha. Ang namamasa niyang mga mata at pisngi ay isang indikasyon.

Isang pagtanggap ang nakasaad ngayon sa kanyang mga mata na ngayo'y nakatitig sa'kin. It's like he's pleading me to just accept this. To just accept everything.

"She's my wife. She's your mother."

Umiling ako. Wala na nga yatang makakagiba ng desisyon kong hindi tanggapin si Antonia.

Alam kong sa sitwasyon ngayon kailangan kong intindihin ang ama ko. Siya ang mas naaagrabyado. We have to be here for him. Bilang anak, we have to be there for our parents. That's family. It stays together through thick and thin!

Kahit kailan hindi naman kami pinabayaan ni daddy. He remained intact with us, he went through the therapy for mom's death for us mapabuti lang siya para sa amin. Kung ibang ama lang siya siguro iniwan na niya kami sa lansangan at ginugutom. But no, it never happened. Our father will never let us live that way.

And me not being able to do that for him in this wreck... then yes, I think I am the worst daughter to date. Masama na ako kung damdamin ko ang inuuna ko kesa ang sa ama ko.

"She's not my mother, and she will never be," nanginginig ang labi kong sabi. "Isa lang ang ina ko, and unfortunately she's not here with us right now. She will never be..."

Mabilis akong lumabas ng kwarto at hindi na napigilan ang pag-iyak. Pinigilan ko si Lauris na sundan ako dahil ito na, nangyayari na ang iniiwasan kong mangyari.

Nakahanap ako ng tagong sulok at doon humagulhol. Bumagsak ang bag ko sa sahig kasabay ang malakas na pagtama ng likod ko sa pader hanggang sa sumadsad ako sa sahig.

I cried everything...sa pagitan ng mga taon na sinubukan kong hindi umiyak kada birthday ni mommy, death anniversary, wedding anniversary nila ni dad na hindi ko alam kung inaalala pa niya...everything that reminds me of her.

Iniyak ko ang sakit na nararamdaman nang makita ang ama ko na umiyak dahil sa nabuntis ng iba ang asawa niya. At ayaw kong makita nila na nasasaktan ako dahil kay Rouge ang batang 'yon.

I cried everything...for Rouge, dahil mahal ko siya...

Too bad not all love can be reciprocated. At lingid sa kaalaman kong mangyayari ito, na iiyak ako dahil sa pag-ibig na 'yan.

Some love just stays one way. And I'm one amongst them. My love for him is just amongst the 'some love' that runs one way.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro