Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY

Binabagabag pa rin ako ng mga sinabi ni Antonia. Para sa mga nakapaligid sa bahay ay walang pinagbago ang aming tratuhan, pero alam namin pareho na mula nang araw na 'yon ay mas lumawak ang patlang sa pagitan naming dalawa.

Although feeling the weight of the ring on my finger is nothing short of relief.

Ayaw kong maghari ang pahayag njya sa puntong didiktahan na ako nito sa paniniwala ko kay Rouge. May mga pagkakataong nababawasan ang tiwala mo sa isang tao pero hindi ang nararamdaman mo. Pwede itong mangyari sa'kin.

It's not that I don't trust him anymore. I allowed uncertainty to build its groundwork, but not my total distrust. I guess not just yet. My relationship with Rouge is smooth sailing, ayaw kong masira 'yon dahil lang sa paninira ng iba.

Biyernes ngayon at maya maya lang ay susunduin na ako ni Rouge para sa lakad namin. I hope this road trip would ease this incessant botheration. Kung maibabalik ko ang gabing 'yon at laktawan ang nangyari, marahil hindi ako mag-iisip ng ganito.

Natigil ako sa narinig na paghinto ng sasakyan sa tapat. Tumayo ako sa kama at sumilip sa bintana. Saktong lumabas si Rouge galing sa backseat ng isang itim na FJ Cruiser na nakita ko na dati. Hindi siya ang nagmaneho?

Tiningala niya ang bahay sabay tanggal ng kanyang retro square sunglasses. Inayos ko na ang aking ripped shorts at dilaw na crossback cami top. Mainit ang panahon kaya angkop lang ang kanipisan ng tela ng suot ko.

Nakaharang na si Antonia sa pintuan pagkababa ko. Sa labas siya nakatingin, at sigurado akong tahimik niyang sinisita si Rouge.

"Excuse me." walang emosyon kong sabi.

Lumingon siya. Hindi ko tinagpo ang tingin niya't yumuko ako habang dumaan sa kaunting espasyong binigay niya. She can't stop me like I'm her rebellious teenage daughter.

Pinahintulutan nga ako ni dad nung nanghingi ako ng permiso. It's not like I'm going to obey her. Siya? Siya pa ang mas susundin ko kesa sa ama ko? She's being delusional for that.

Sinalubong ako ni Rouge sa may gate. Napabuntong hininga ako sa kabuuhan niya. Pinigilan kong hindi lumuhod at sambahin siya. Sa simpleng kasuotan ay parang gawa pa rin siya sa ginto. Parang siya pa yung branded imbes na yung damit.

May beach print ang kanyang white sando at pinapakita lang nito ang bawat putok ng kanyang muscles, kahit yung ibang mga nakatago katulad ng kanyang dibdib. Ngayon ko lang din siya nakitang naka casual shorts. It's khaki in color.

Hindi na niya inabalang suklayin ang kanyang buhok dahil wala naman siya sa trabaho. In fact I love it that way, it's like begging for my hands to be tousled.

Bago ko pa matagpuan ang sarili kong maglaway sa hubog ng braso niya'y iniwas ko na ang aking tingin doon pati na rin sa kanyang pecs. Sinalubong niya ako ng yakap at halik sa noo saka ako pinagbuksan ng pinto. I feel like a dwarf at his tall and muscular frame.

"Happy birthday!" bati ko kay Ryland na nasa driver's seat. Sumunod si Rouge at sinara na ang pinto.

Nilingon ako ni Ryland, ningitian at tinanguan. Malapitan kong nakikita ang malalim niyang dimples. "Thanks!"

Dark at brooding ang features ng kanyang mukha kaya nagmistula siyang villain sa mga napapanood kong foreign action films. Malalim at itim ang kanyang mga mata. Halos magkasingkulay sila ng buhok ni Rouge, may kaiklian nga lang ang kay Ryland at magulo rin.

Ningitian ako ng sobrang gandang babae na nasa passenger's seat. Bigo ako sa pagtago ng aking gulat. It's the famous Guadarrama girl!

"Di ba ikakasal na 'yong babae?" pabulong kong tanong kay Rouge.

'Yon yung nabasa kong article sa Yahoo news nung huli akong nag-internet.

"Arranged." maikling tugon ni Rouge.  Nakaakbay siya sa'kin habang pinaglalaruan ang aking daliri.

"So sila ni Ryland..." I trailed off.

"Is a secret." dugtong niya. "Kami lang ang may alam. And Niknik's brother."

Pagbanggit palang niya sa palayaw ay naalala ko na ang kanyang pangalan. The royalty daughter Nikolina Amore Guadarrama.

Dumapo muli ang tingin ko sa kanilang dalawa. May sariling topic silang pinag-uusapan at nagtatawanan. Kumpara sa nakita kong picture sa article kasama si Nikolina at yung lalakeng ipapakasal sa kanya, walang wala 'yon sa tinginan nila ni Ryland.

They looked so much in love with each other. Sa kabila ng dark features ni Ryland ay nakuha niyang lumambot para sa isang babae. Well love...you can be inside its motion making you do things beyond imaginable.

"Only son lang si Ryland?" tanong ko ulit kay Rouge.

Natigil ang paglalaro niya sa'king daliri. Kunot noo niya akong nilingon. "Why do you have so many questions about him?"

"Because he's the birthday boy. Tsaka ano bang gusto mong itanong ko?"

"Why don't you ask something about me?"

Irap akong tumawa. "Malamang mas marami akong alam tungkol sa'yo kesa sa kaibigan mo. And besides, he's a famous athlete! Normal lang naman sigurong magtanong ako tungkol sa isang sikat."

"I'm famous, too." mukhang ininsulto ko ang aso niya sa sobrang salubong ng kanyang kilay.

"Whatever Rouge." tumawa ako.

Mas marami nga akong mga tanong kesa sa mga nalalaman ko tungkol kay Rouge. Pero hindi tungkol sa kanya ang mga katanungan kundi ang nasa pahayag ni Antonia.

Hiniling kong matatapon palabas ang mga nonsense kong iniisip sa isang buntong hininga. I don't want this road trip to include solving Antonia's cryptic message. That's no fun at all.

Papunta kami ngayon kina Chaucer. Sa sobrang tagal noong huli kong punta rito di ko akalain na alam ko pa ang daan papunta sa kanila.

Naghihintay na siya sa may gate, mukhang bad mood. Palagi naman. Minsan kahit hindi siya galit ay mukha siyang galit. Sa kanilang tatlo siya ang may pinakasupladong mukha.

Masasabi ko ring pinakamarahas. Mas madaliing mag init ang ulo niya kesa kay Rouge na nadadala pa sa pakiusap.

Inis siyang nagkamot ng ulo habang nagmartsa papunta sa sasakyan. Nahalata ko agad ang malaking bawas sa buhok niyang dati ay sumasayad hanggang leeg. Ngayon ay naka undercut na ito.

Nakasunod sa kanya ang naka-bagpack niyang kapatid. Tinitigan kong mabuti ang naka-French braid niyang buhok. Siya kaya gumawa niyan? She looks really pretty on it.

"Ba't ka pa kasi pinasama ni mama?" umabot sa loob ng sasakyan ang pagtatalo nila sa labas.

Inikutan lang siya ng mata ni Emersyn.

Umusog ako pakanan at sumiksik pa kay Rouge upang magbigay espasyo. Si Chaucer ang nagbukas ng pinto para kay Emersyn ngunit hindi siya pumasok.

"Tabi ako sa bintana." ani ni Emersyn.

Sinamaan siya ng tingin ni Chaucer saka umiling. Siya na ang naunang pumasok but not until he saw me.

"Oi, nandito ka pala." mukha siyang nasurpresa. Hindi ba niya alam na kasama ako?

"Chaucer." May banta ang tono ni Rouge. Parang pre-warning na para sa kung ano mang gagawin ng kanyang kaibigan.

Ningisihan siya ni Chaucer. "Oohh...the predator is here."

Bumagay ang undercut hairstyle sa suplado niyang mukha. Sobrang nadepina ang anggulo ng kanyang panga.

"Chauce ano ba? Get in!" maktol ni Emersyn.

Napawi ang ngiti ni Chaucer na nahantong sa gigil na kagat labi animo'y sa isang pitik lang ay susugurin na niya ang kapatid. Todo siksik siya sa'kin pagkapasok ng kanyang kapatid.

Sa nagdaang dalawang taon ay hindi ko akalain na ganito kalaki ang pinagbago ni Emersyn. Ang dating kalat na makapal niyang kilay ay ngayo'y well-trimmed na. Asset na niya ang makapal na kilay at natural na plump ng kanyang labi na hindi nagdedemand ng lipstick.

Bahagya siyang nagulat nang makita ako. Nagngitian kami.

"Nandito na ang aso't pusa." komento ni Ryland saka pinasibad ang kotse.

"Ito ang pusa." turo ni Chaucer sa kapatid niya. "Kuko palang eh, nangangalmot."

"Pwede ba kahit ngayon lang hasain mo muna yang pangil mo? Magkalat ka pa ng rabies eh. So I'd rather you stop talking."

Hindi na umimik si Chaucer imbes ay umusog lang palapit pa sa'kin.

Nagulat ako sa paglapat ng kamay niya sa binti ko. "Kamusta ka na Lory? Naalala mo nung tayo pa—"

"Hands-off." madilim na banta ni Rouge. Parang may narinig akong growl na tumakas galing sa lalamunan niya.

Inosente siyang tinignan ni Chaucer. "What? Ex ko 'to, mas nauna ako sa'yo. And you can't change that."

"Sigurado kang ikaw ang nauna?" kita ko ang malademonyong ngisi ni Rouge sa kaibigan.

Dumaan ang nakakailang na katahimikan sa buong sasakyan. Natanaw ko sa driver's seat ang paggalaw ng balikat ni Ryland. Mahina siyang sinapak ni Nikolina na tinatakpan ang bibig.

"Baka gusto mong itanong sa kanya kung sino talaga ang nauna? At kung pang-ilang beses na."

"Rouge!" tinulak ko siya. Uminit ang buong mukha ko. Isang malaking pagkakamali ang sinabi niya dahil isang beses palang 'yon nangyari at hindi na nasundan pa.

"Oh great! You know that's not what I meant." inalis na ni Chaucer ang kamay niya sa binti ko. Biglang nalukot ang mukha niya saka bumaling kay Emersyn. "Ano ba? Ba't ba ang likot mo?"

"Ang sikip ko rito! Huwag mo kasing laparan ang buka ng binti mo." tinulak niya ang isang binti ni Chaucer.

Kampante siyang sumandal at humalukiphip, hindi sinasara ang binti. "Guys sit with open legs. Malamang, may maiipit."

"But not that wide! It's like you're offering yourself to whatever immorality."

Arogante siyang ngumisi at umiling. "You have no idea baby..."

Noong kami pa ni Chaucer ay wala akong kaide ideyang may iba pa siyang mga kaibigan sa katauhan ng magpinsang Rouge at Ryland. Siguro isa rin sa senyales kung bakit hindi kami nagtagal ay hindi ko siya kinilala ng mabuti. Not for the lack of trying. I'm just aware of his crude attitude, not his deep personal life.

Humilig ako kay Rouge at bumulong sa kanyang tenga. "Paano kayo naging magkaibigan kung sa Boston ka buong buhay mo? Especially Chaucer. Sure kang bestfriends kayo?"

He chuckled. "You can ask him."

Ngumuso ako. "Ikaw nalang sumagot. Ikaw ang tinatanong ko eh."

Tumawa ulit siya. "Nakilala ko siya dahil kay Ryland, they're classmates. We became buds who went through the same shits together and had done some fuck-ups...you know, typical story how guys became bestfriends."

"Ryland's your closest cousin?" tanong ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Yeah."

Pinaglaruan ko ang tela ng sando niya sa parte ng balikat. "Kayo ni Chaucer?"

"We're just friends. Not related."

Tumango ako. Halata naman dahil malayo ang itsura niya kumpara sa magpinsan na halos magkamukha na. Pinakamagkatulad sila sa hugis ng kanilang mukha. Chaucer has prominent cheekbones.

"Hindi ka nabanggit ni Chaucer noong kami pa."

May pandidiri akong tinignan ni Rouge. "Lory. Seriously?"

Natawa ako sa naiinis niyang mukha.

"How would you feel if I talk about my ex and I'll ask you about other chicks?" mariin niyang bulong sa tenga ko.

I shrugged. "Ayos lang. They're the past."

Hindi ko na talaga dapat ungkatin yung dati niyang gawain. Wala na akong magagawa at hindi ko na mababago yun. Tutal hindi pa namin kilala ang isa't isa noon kaya bakit ako mababahala?

"Hmm...you know I fuck this one girl one time when I was still—"

Sinapak ko siya at matalim na tinignan.

"Hm. See?" nagtaas siya ng kilay, proving his point.

Nakahanap ng aliw si Rouge sa pananahimik ko na tanda ng pagsuko. Wala lang sa'kin ang dating mga karelasyon niya pero hindi naman ibig sabihin na kailangan ko pang marinig ang mga ginawa nila.

Hirap akong makadungaw sa labas ng bintana dahil nakaharang ang katawan ni Rouge. Sana nakipagpalit ako ng pwesto. Sumandal ako sa balikat niya at sa harap nalang tinatanaw ang view. Nakaraos na kami sa traffic at mukhang papuntang probinsya ang tinatahak namin dahil unti unti na ang paglitaw ng pangkat ng mga puno.

Ayaw kong alamin kung saan ang aming destinasyon. Mas exciting kapag ganoon kesa sa may ideya ka na sa patutunguhan mo.

Nag-stop over kami sa isang eskinita. Nabanggit kanina ni Ryland na magwi-withdraw daw siya ng pera. Pagkaparada niya sa sasakyan sa isang bakanteng sidewalk ay kaagad niyang pinagsabihan si Nikolina na manatili sa loob.

"Stay here too," utos ni Rouge sabay suot ng kanyang sunglasses. Mas nadepina nito ang tangos ng kanyang ilong.

Bumuka ang bibig ko upang magprotesta ngunit natigil nang kanya akong pinasidahan. "Kung nag pants at long sleeve ka lang, papayagan pa kitang lumabas."

"Ang init kaya magpa-pants ako?"

"Then bawal kang lumabas," aniya saka binuksan ang pinto at lumabas.

Iniwan niya akong nakaawang ang bibig at walang nagawa.

As if naman nakahubad ako para pagbawalan niyang lumabas. May nakikita nga akong dumadaan na nakashorts at tinalo pa ako sa pagpapakita ng cleavage. May make up pa!

Tinatanaw ko silang parang mga prinsipeng naglalakad sa gilid ng daan. Di nila alintana ang tingin ng mga tao sa kanila.

Paniguradong iisang tanong ang umiikot sa utak ng mga tao. Anong ginagawa ng tatlong nagkikisigang mga lalake sa lugar na'to? Walang wala sa kanila ang mga artistang nasa tarpaulin na nakasabit sa mga tindahan.

Ilang sandali silang huminto upang pag-usapan ang pupuntahan nila. Turo dito, turo doon. Kita ko ang pagkunot noo ni Rouge at pamamaywang ni Chaucer na pinadaan ang kamay sa kanyang buhok. Sa huli ay hiwalay sila ng pinupuntahan.

Nang tuluyan silang maglaho ay siyang pag-unlock ni Nikolina sa pinto.

"Saan ka pupunta?" sabay kaming nagtanong ni Emersyn na halatang naalarma rin.

"Bibili ako ng cake."

Nahagip ko ang hawak niyang pink wallet. Hindi nga talaga siguro siya sanay sa labas. Sa mukha't simpleng pananamit niya ay masasabi mo paring laki siya sa yaman.

"Ako nalang ang bibili." prisinta ko.

Tama lang na pagbawalan siya ni Ryland na lumabas. Tatapak palang ang maharlika niyang mga paa sa lupa ay kinakabahan na ako.

"Ayaw ka ring palabasin ni Rouge." aniya.

"Oo nga. Ako nalang ang lalabas." si Emersyn.

Nilingon ko siya. Bumalik ang isip ko sa nakalipas na dalawang taon noong naligaw siya sa pag-uwi galing sa bahay ng kanyang kaklase. Na-late kami ni Chaucer sa pupuntahang birthday party dahil sa pagtawag ni Emersyn. Umiiyak pa siya nun sa kabilang linya.

Mukhang alam niya ang iniisip ko dahil nahihiya siyang nag-iwas ng tingin at inipit ang mga labi.

"Ako nalang, bahala si Rouge. Sabihin niyo na pinigilan niyo ako pero nakatakas pa rin." ngumiti ako.

Nag-aalinlangan pa si Nikolina bago ako binigyan ng pera. "Thanks. May cake shop malapit dito, nadaanan nga natin 'yon."

Tumango ako at inalala ang bakery na nahagip ko kanina.

"Anong flavor?" tanong ko habang pino-ponytail ang aking buhok.

"Anything basta hindi chocolate."

Sinuot ko ang aking aviators saka lumabas ng sasakyan. Sumuot kaagad ang init at alikabok sa'king balat. Nakailang hakbang palang ako ay ramdam ko na ang pamumuo ng pawis sa'king sentido.

Habang papalayo ako sa sasakyan ay lumalayo rin ako galing sa pinagtunguhan nila Rouge. Sanay na akong makita ang galit niyang mukha kaya wala na sa'kin kung sakaling papagalitan niya ako.

At alam kong mas manggagalaiti 'yon dahil naiwan ko ang aking cellphone.

Ilang minuto ang lumipas bago ko natagpuan ang shop. Pinalis ko ang naglandas na pawis sa'king sentido at tumingin sa mga gilid upang abangan kung may paparating na sasakyan o wala.

Tumawid na ako pagkatapos dumaan ng isang Elf truck. Parang gusto kong maghilamos dahil sa maitim na usok galing sa tambutso nito. Napatakip ako sa'king ilong dahil sa nagkalat na alikabok.

Pinasidahan ko ang labas ng Sefina's bakery bago ako pumasok. Papabukas palang ako ng pinto nang may pumigil sa'king kamay saka ako hinarap sa kanya. Hindi na ako nagulat na si Rouge ang kaharap ko na kitang kita ang inis.

Ang pinagtaka ko lang ay paano niya ako nahanap. Nakabalik na ba sila sa sasakyan?

"Bakit ka lumabas?" halata rin ang pagkairita sa kanyang boses.

"Bibili ng cake." kaswal kong ani, hindi nagpatinag sa pinta ng kanyang mukha.

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Palagay ko mga limang baitang ang idinagdag ng kanyang inis.

"Bakit ka bibili ng cake?" nakikitaan ko ng takot ang kanyang mga mata na sobrang ipinagtaka ko. Humigpit ang hawak niya sa'king palapulsuhan.

Inikutan ko siya ng mata. "Siyempre may nag-birthday."

Bumuntong hininga siya, pero nanatili pa rin ang kanyang inis. Matalim niyang inikot ang tingin sa paligid animo'y hinahamon ng away ang lahat ng nakatingin sa'min ngayon bago niya ako binalingan muli.

He did a once over on me saka huminto sa mata ko. Mariin siyang tumitig. I raised my chin, silently telling him that I cannot be dictated.

Gigil niyang kinagat ang ibabang labi at mabagal na umiling. Alam kong may sinasabi na siya sa isip niya tungkol sa'kin.

Ningitian ko siya bago ako pumasok. Hindi na niya ako pinigilan.

Naghanap ako ng hindi chocolate-looking na cake. Tinanong ko ang empleyado kung ano ang kanilang best seller. Tinuro niya ang Nutella mousse cheesecake. Ngumiwi ako at umiling. 'Yun nga iniiwasan ko eh, kulay chocolate siya.

"Bakit ayaw mo sa best seller?" tanong ni Rouge na kanina pa nagmistulang tuta na sunod ng sunod kahit saan ako pumwesto. Ang dami kayang upuan.

At saka tulungan niya kaya akong pumili ng cake para sa pinsan niya!

"Ayaw ni Ryland ng chocolate flavor." sabi ko habang sinusuri ang mga nakahilerang cake sa pinakaibabang row.

Marahas siyang suminghap. "What the fuck? Ba't mo alam?"

Napaayos ako ng tayo at hinarap siya. "Ano ka ba! Siyempre sinabi ni Nikolina."

Tinikom niya ang nakaawang niyang bibig saka nag iwas ng tingin. Iling akong nagbalik sa mga cake at sa huli ay tinuro ko ang red velvet cake.

"Magugustuhan kaya 'to ng pinsan mo?" tanong ko sa kanya.

Wala akong narinig na sagot kaya nilingon ko siya. Nakasimangot na naman at sa'kin pa! Ngayon pa siya aarte na parang bata?

"Huy tinatanong kita, magugustuhan ba 'yon ni Ryland? Anything but chocolate lang kasi sabi ni Nikolina eh."

Inirapan niya ako at tamad na nagkibit balikat.

Muntik ko na siyang murahin kung hindi lang ako tinawag ng empleyado upang kunin ang box ng cake. Pagkatanggap ko sa sukli ay inunahan ko na siyang lumabas. Bahala siya diyan!

Mabilis akong naglakad kahit alam kong wala yung kwenta. Maaabutan pa rin niya ako sa haba ng kanyang binti.

"Slow down Lory!"

Imbes na sundin siya'y kabaligtaran ang ginawa ko. Marahas siyang suminghap at nagmura ng ilang beses. Dirediretso ang aking lakad at hindi 'yon bumagal kahit papatawid na ako.

Napasinghap ako sa biglang paghila sa'kin ni Rouge. Dinala niya ako sa isang malaking truck kung saan ang gilid nito ay nakaharap sa isang sementong bakod. Doon niya ako sinandal at biglang hinalikan.

Dilat ang mata ko. Gulat na gulat habang kunot noo siyang nakapikit. Desperado ang halik niya sabayan ng pagbaon ng kanyang mga daliri sa buhok ko. Humalo ang init na dala niya sa init ng panahon.

Nagipon ako ng lakas upang maitulak siya gamit ang isang kamay. Kapwa kami hinihingal.

"Ano ba! Hindi ka namamansin tapos bigla ka nalang nanghahalik! Ewan ko sa'yo Rouge. Ang lakas ng tama mo ngayon." nilagay ko sa harap ang box ng cake upang hindi siya tuluyang makalapit.

Mabigat at mabilis ang kanyang hininga habang iritadong pinasidahan ng mga kamay ang magulo niyang buhok. Kitang kita ko ang frustration sa mga mata niya. 

"May nakaraan kayo ni Chaucer, and the way you look at Ryland was as if he's a god! At binilhan mo pa ng cake?"

Parang isang banal na kautusan ang nilabag ko sa paraan ng pananalita at tingin niya sa'kin.

Hindi ko alam kung matatawa ako o mas lalong maiinis.

"Ako nga ang bumili pero hindi naman manggagaling sa'kin ang cake dahil si Nikolina ang nagpabili. Sa kanya 'tong pera." tinapik ko ang bulsa ko na gumanti ng pagkalansing ng mga barya. " Siyempre bawal lumabas yung tao. And try to think of it this way, kung siya ang lumabas sa tingin mo ano ang mangyayari sa kanya? Alam mo naman siguro na kada labas niya ay palaging may nakapaligid na mga bodyguard, di ba?"

May pagtatalong nagaganap sa isip niya ngayon base sa nababasa ko sa mga mata niya.

Litong lito siyang umiling. "I don't know Lory...I wasn't mad at you...I just don't...ayaw ko na..." mariin siyang pumikit. "Shit."

"Anong ayaw mo na?" kabado kong tanong.

Napahilamos siya sa kanyang mukha at mukhang sasabog na siya sa galit. "Gusto kitang pagbawalan na gawin ang ibang mga bagay na gusto mo na inaayawan ko. Pero ayaw kong maging dahilan yun para layuan mo ako."

Halos hindi ako makahinga. Paulit ulit kong binalikan ang sinabi niya na umaalingawngaw na ngayon sa tenga ko.

Tinagilid ko ang aking ulo at pinaningkitan siya ng mata. "Your point is?"

May diin ang pagtitig niya ng diretso sa mga mata ko. "Basta akin ka lang. Yun lang." pumungay ang mga mata niya. Naging malamyos ang boses niya sa huling salita.

Kahit nakatayo lang kami rito ay kinakapos na ako sa hininga. Kumitid ang daanan ng hangin palabas masok sa baga ko. Nanuyo ang aking lalamunan at sigurado akong hindi ito dahil sa init ng klima.

Nagpakawala siya ng hangin. Kinagat niya ang ibabang labi pagkatapos itong basain ng dila niya. Nagbaba siya ng tingin saka inabot ang bakante kong kamay.

"Let's go back."

Tahimik akong sumunod at hindi na nagprotesta. Sa buong magdamag na paglalakad namin pabalik ay naiwan pa sa gilid ng truck ang isipan ko kasama ang lahat ng mga pahayag niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro