Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWELVE

Imposibleng makalimutan ang gabing 'yon. Dalawang araw na ang nakakaraan, heto ako't lutang na sinariwa ang nangyari. Halos hindi ko na nagagawa ng maayos ang aking trabaho. Kahit anong puwersa ko sa pagco-concentrate, nauuwi pa rin ako sa pagkakatunganga sa harap ng computer screen.

"Iba ang diet ko ngayon. Budgetarian."

Doon lamang ako nagising sa pagsasalita ni Lila sa tabi ko na iniihipan ang mainit na cup noodles. Iba na naman ang hairstyle niya ngayon. Long bob.

"Bakit?"

"Petsa de peligro. Suweldo na bukas." humagikhik siya. Panigurado sa isip niyan iniisip na niya ang pagsha-shopping bukas.

Nilaharan niya ako ng pagkain niya, umiling ako. Kinuha ko ang kape na nilamig na sa matagal kong pagkakatunganga.

Napahikab ako sa antok kahit natulog naman ako ng tama sa oras kagabi. Tamad kong ginagalw ang mouse upang i-resume ang tina-type kong file. Kailangan ko na 'tong tapusin bago ako umalis papuntang BIR para ilakad ang pagproseso sa taxes ng kompanya.

"Sama ka sa'min ni Jezreel this Saturday sa 71 Gramercy. You can bring your Bulgarian guy." anyaya ko sa kanya habang may kini-click na file.

"Anong meron?" tanong ni Lila.

"Birthday niya."

Maingay ang ginawa niyang paghigop sa sabaw saka madilim na tumawa. "Asa ka pang tatanggihan ko 'yan."

Dumagdag sa kawalan ko ng concentration ang panay na kuwento ni Lila sa naganap sa kanya noong weekend.Tungkol lahat sa date nila ng half-Bularian niyang jowa na si Vladimir.

Natigil lang 'yon sa pagbukas ng glass door at niluwa ang anak ng may-ari ng Vedra na si Yucille.

Animo'y diyosa siyang kakababa lang sa lupa dahil sa curled plait niyang buhok at puting maxi dress. Hindi ako sigurado sa suot niyang sapatos pero nasisigurado kong heels yun dahil sa alingawngaw sa bawat paglapat ng takong sa marbled floor.

Ang hindi ko inasahan ay kung sino ang nakasunod sa kanya. Natabas ang hininga ko sa paglitaw ni Rouge na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Hindi sa gusto ko siyang makita ako, but he could have atleast given me a slight acknowledgement. Imposibleng hindi niya alam na intern ako rito.

Sa kanila ang lahat ng mata. Nahinto ang mga ginagawa ng iba. Wala nang mga pagtipa sa keyboard. May ballpen pang nahulog na siyang tanging ingay na namayagpag maliban sa mga yabag ng mga bagong dating.

Rouge's tousled locks is back in action. Pang pormal na okasyon lang talaga ang kanyang pompadour. Kumalat ang dominanteng hangin na dala niya at ikinalat sa amin upang kanya'y mapasunod.

Nakafocus lang sa harap ang malalim at seryoso niyang mga mata. Bahagya ring nagsalubong ang kanyang kilay.

He's back turning a blind eye on me in retrospect to what happened two nights ago. Ano bang mahirap sa simpleng pagtango lang?

Inunahan niya si Yucille sa pagbukas ng pinto sa conference room at pinatili itong bukas habang pinapaunang pumasok ang babae. Nagngitian sila bago tuluyang nagsara ang pinto.

Nagtinginan kami ni Lila. kapwa pinagkakaitan ng emosyon ang mga mukha namin. Nagkibit balikat siya at unang nag iwas ng tingin. Bumalik siya sa kanyang noodles.

Tinignan ko ang pinto ng conference room. Wala akong matandaang may ibang pumasok diyan maliban sa kanilang dalawa. Ibang klaseng meeting yata ang pinagkakaabalahan nila. Hindi ako mapakali at hindi mapigilang imaginin ang ginagawa nila sa loob.

Nakita ko ang pagbasag ng imahe na kanina'y nagpabalikbalik sa isip ko. Wala akong balak pulutin ang mga piraso. Basag na, di na maibabalik. Tinapon ko na sa compost pit ng utak ko.

"Gusto mo ngayon na tayo mag bar?" may malasakit ang tono ni Lila.

Marahas akong nag-type sa keyboard na umani ng atensyon sa mga kawani ng opisina.

"I'll save it on Saturday. I'm going hardcore."

Inalala ko kung paano ako nilagyan ng eyeliner ni Jezreel noong launching event. Ilang ulit ko na ring binubura dahil hirap ako sa pagguhit kaya naghanap ako ng tutorial sa internet.

Sa ganoong lagay ako naabutan ng kapatid ko na walang katok na pumasok sa kuwarto.

"Sinipag ka yatang maglagay ng make up? You don't usually put anything on your face but nude lipstick and mascara." nakahalukiphip siyang nakasandal sa pintuan.

"Wala lang. Masama?" ginagaya ko ang galaw ng kamay ng foreigner na babae sa paglalagay ng liquid eyeliner sa mata niya.

Nagkibit balikat si Lauris saka lumabas ng kwarto. Nandito lang ba siya upang punahin ang pagme-make up ko? Nitong mga nakaraang araw may napapansin na rin akong iba sa kanya. Napagtanto ko lang ang mga pagbabago noong grand launching kung saan wala siyang nilanding babae maliban sa sikat na modelo na date ni Rouge, pero nag-usap lang naman sila nun.

Oras ang tinagal bago ko nagawa ng maayos ang pag-eyeliner. Nakaka-stress pala. Nakakangalay sa braso!

Nilapatan ko ng dark maroon lipstick ang labi ko na babagay sa susuotin kong itim na side cutout mini dress. Tumangkad naman ako ng ilang pulgada sa ankle boots na niregalo sa'kin ni Lorca noong Pasko.

Ang natural na tuwid at mahaba kong buhok ay pinanatili kong nakalugay. Magugulo rin naman 'to mamaya.

Sinundo ako ng birthday celebrant. Kinuha ko na ang purse ko laman ang ma valubles at ang regalo saka lumabas ng kuwarto pagkarinig sa silbato ng sasakyan ni Jezreel.

Nakasalubong ko si Dad sa hallway. Kakagaling lang niya sa office at nahalata ko ang pagod niyang tindig.

"I'm going out. Birthday ni Jezreel." humalik ako sa pisngi niya.

Mukha siyang nasurpresa. "Oh. Say happy birthday to him from me."

"K po. Bye I love you!"

Kumaway ako sa kanya sa kanyang naging sagot habang nagmamadali akong bumababa sa hagdan. Ngising nakadungaw ang kaibigan ko sa nakababang bintana.

"Happy birthday!" malakas kong pagbati sabay lahad ng regalo pagkapasok. Sumasayaw pa ako sa upuan.

Madramang humawak si Jezreel sa kanyang dibdib at pakunwaring nagpunas ng luha sa mata habang kinukuha ang regalo. "Aw...thank you."

Nilapit ko ang mukha ko at kinukurap ang aking mata. "Look at my eyes. Nagawa ko!"

Inabot ni Jezreel ang ilaw sa taas saka binuhay ito.

"Wow...marunong ka na. I'm so proud of you."

Ngumiti ako at naging proud din sa sarili. Ang hirap kayang gawin 'to.

Nagtaka ako nang bigla siyang suminghap at pinaharap ulit ako sa kanya. Gulat na gulat siya.

"Oh shit, I love your lipstick. Is that dark maroon?"

Tumango ako. "Dala ko. You wanna?"

Sumenyas siya at nagshift ng gear. "Later pagdating sa Gramercy. Nauna na si Lila with his boylet."

"Oo nga, kakatext niya lang."

Totoo ngang pagdating sa bar ay naroon na ang naninigarilyong si Lila kasama si Vladimir na nakahawak sa baywang ng kaibigan ko habang tumutungga ng beer. Nagbubulungan sila, dahil na rin sa pagsisimula ng house music na tugtugin gawa ng DJ.

Dito kami sa roofdeck terrace kaya kita mula rito ang Manila skyline. Malapit lang sa ledge ang pinagpuwestuhan nina Lila. Naputol ang bulungan nilang magjowa nang tawagin siya ni Jezreel. Nagtalunan silang nagyakapang dalawa.

"This is Vladimir, babe, these are my friends Lory and Jez." pakilala ni Lila gamit ang kanyang fluent English accent.

Bahagyang tumayo si Vladimir upang makipagkamayan sa'min.

Nakakaloko kong tinignan si Lila. Ang hot lang ng boyfriend niya. Siya yung tipong nakikita mo sa Ambercrombie and Fitch brand catalogue. Makahulugan namang nakatitig si Jezreel sa kanya. Natatawa ko siyang siniko dahil sa bulgar niyang pagsuri.

"And this is his friend, Gustav."

Bumaling kami sa lalakeng nasa isang silya. Bahagya siyang kumaway sa'min at nakipagkamay. May itsura rin katulad ni Vladimir. Saang magazine ba hinuhugot ni Lila ang mga nilalang na'to?

"Hi there!" ngising ani ni Jezreel at may balak pang tagalan ang pakikipagkamay kay Gustav.

Magiliw naming ininterview si Vladmir habang umoorder ng panibagong drinks si Jezreel. Tahimik lamang si Gustav na nakikitawa sa kung ano mang biro ng kaibigan niya.

Kaya siguro nasasabi ni Lila na pangmatagalan na 'to dahil napapasaya siya ni Vlad. He's a funny guy. Not to mention hot pa. Sana nga talaga. My friend deserves all the happiness.

Mas umingay pa ang bar pagkatapos ng talumpati ng isang sikat na host. Dumagundong ang panibagong lounge music. Sumasayaw na ako sa upuan hawak hawak ang pang-apat na shot ng Don Julio. Dinilaan ko ang asin na nakadikit sa brim ng shotglass saka tumungga. Napangiwi ako.

"Oh my gosh Lory! Look who's here!"

Nataranta ako sa biglaang paghila ni Lila sa braso ko. May tinuro siya sa isa sa mga tall tables.

Sa nagsasayawang mga ila kung saan nanaig pa rin ang dilim, mamumukhan mo pa rin siya. Apat silang nakapalibot sa mesa, dalawa sa kanila ay may katabing babae and that includes Rouge.

The chick is touching his chest habang nakangising bumubulong si Rouge sa tenga ng babae. They looked intimate.

The other guy beside him was making out with his date. Umiiling naman ang dalawang kasamahan nilang nasa tapat ng kanilang inuupuan na para bang naiilang sa ginagawa ng isa nilang kasamahan. I recognized the other guy, he's an actor. I never thought Rouge has a famous friend.

"Is that Ryland Hernandez?" nakadungaw na rin si Jezreel sa tabi ko.

"Who?" tanong ko, hindi tinatanggal ang mga mata sa kanya.

"Ryland Hernandez, the famous racer. He has recently brought pride in our country. He's a top dog. He's cousin's with that hot man in white button down na may kahalikang babae." pahayag ni Jezreel.

True. Naghalikan na nga si Rouge at ang bago niyang babae. He's not just friends with a famous actor, pinsan pa niya ang isang sikat din.

Ewan ko kung bakit nahihingal ako sa nakikitang paghigpit ng hawak ni Rouge sa baywang nung babae. Para bang gigil na gigil siya.

The woman's hands travelled to Rouge's tousled locks at ginugulo niya ito, earning her another deep kiss na halos nakahiga na sila sa mesa. Rouge's other hand is about to make its way into the woman's inner thigh. Holy shit.

Napaagaw ako sa kopita ni Gustav na may lamang whiskey. He just laughed it off anyway.

"At yung katabi niya, imposibleng hindi mo siya kilala. Giovanni Guadarrama. His family is famous, too. Kulang nalang gumawa sila ng reality show ng pamilya niya. Meeting up with the Guadarrama's." halakhak ni Jezreel.

"Parang bawal ang panget sa circle of friends nila. Nakaka-offend ang aura. No ugly allowed. I can't even..." napailing si Lila na kalaunay ninakaw ni Vlad ang atensyon.

I admit that I was glad to have seen Rouge here. Sa dinami daming club sa Manila ay dito pa talaga sila. But I never liked the idea that he is with someone. His insinuating gestures dulled my assumptions.

Kada gabi ba talaga ay iba iba ang kasama niyang babae? Does he love picking girls every night? Paano niya ba yan ginagawa? Does he just call them at kung lalapit ang babae sa kanya ay isasama na niya kahit saan niya gusto? That's how strong his magnetic pull na isang tawag lang, sila na? Like a booty call?

Am I one of them, too? But we haven't gotten past that first base yet so technically I'm not one of them. We're friends, that's how he said it.

Sigurado na talaga ako na pawang may masisiglang hinaharap ang kadalasan niyang nakakasama. He's into secured women, huh? As if that could boost the country's economy. I think I really have to upgrade my food preference; More carbs in my diet and I need my cousin Lorca's help with that.

"He's totally rockin' the trifecta; hot rich and handsome. When you're with that kind of gorgeous man that can make lesbos straight, and straight guys turn gay, it's impossible to not imagine your face buried in between his thighs."

Laglag panga kong nilingon si Jezreel at hinampas siya sa hita. "Jezreel! Your bad mouth!"

Maarte siyang tumawa.

"Why? Wanna kiss it darlin'?" nang-aakit niyang ani.

Pakla akong humalakhak. "Kahit gawin ko pa yun, I couldn't satisfy you knowing I don't have the male parts that you're craving for."

"Correct. 'Cause it's with him." turo niya kay Rouge. "Akala mo hindi ko pansin? The way you murder them with your heinous eyes? Kung nakakamatay lang yang mga mata mo, pugot na ang ulo ng dalawang 'yan."

Binalingan ko ulit sila. Sumiklab ang matinding init sa'king dibdib nang makitang halos nakapulupot na ang isang binti ng babae kay Rouge. She's half an inch closer into undressing him!

"Kung magpapa-hard to get ka pa sa kanya, might want to think twice?" panunuya ni Jezreel. May balak pa yata siyang landiin ang lalakeng 'yon.

"Don't take it personally, but he prefers girls with real lady parts." sabi ko sa kanya na umani ng tawanan galing sa iba naming kasamahan.

Niyaya ako ni Gustav na sumayaw. Hindi ako tumanggi. Hinila ko si Jezreel para tatlo kami sa dance floor. The more na uupo ako doon ay makikita ko lang kung paano nilalandi ni Rouge ang babae niya and vice versa. It's an eye sore! Pakiramdam ko iiyak ako ng dugo.

Gustav was holding my waist habang nakataas ang mga kamay ko, My hips swayed in synch with the beat. Tumawa siya nang ginugulo ko ang aking buhok. I'm just really frustrated and this is how I vent.

Natatawa ako sa pang-aasar ko kay Jezreel na sa likod ko sumasayaw. Panay ang layo niya sa kanyang harapan kada nilalapit ko ang aking pwetan.

"Stop it! Babae ako, I won't get arouse with that." mahina niya akong hinampas sa balikat.

I push my butt at him again. Muli akong humalakhak nang tuluyan na siyang lumayo. Nakitawa sa'min si Gustav na alam ang ginagawa ko sa kaibigan.

Na kay Gustav na ang aking atensyon. He's good at this partying thing dahil maganda ang paggalaw ng pagsayaw niya. I think he's really a model. Napakapit ako ng husto sa kanyang balikat dahil sa biglaang pagtulak sa likod ko. It wasn't Jezreel at di ko alam kung saan na siya. We carried on dancing.

I lose myself in dancing at dahil nakapikit ako, hindi ko kaagad namalayan na wala na si Gustav sa'king harapan. Hindi ko alam kung paano siya pinalitan ni Rouge sa pwesto niya kanina. I thought I was dreaming.

Nilibot ko ang paningin sa paligid, I'm still one of the dancing crowd. Nandoon pa rin sina Lila sa pwesto nila and Jezreel was nowhere to be found.

Naramdaman ko lang na hindi ako nananaginip sa pagdama ng mainit na palad ni Rouge sa exposed kong baywang. He's painstakingly caressing it like it was one of the world's hidden treasure.

I don't understand why he was able to come up with that hardened expression of disapproval. Kinakabahan ako sa tingin na ipinupukol niya sa'kin. His dark amber eyes turned a hundred shades darker.

Una kong tinignan ang magulo niyang buhok gawa ng babae niya. Dapat natu-turn off ako dahil sa kanyang kakaibang lifestyle. But for some reasons, I am not. Naiinis lamang ako.

"Hi! Nandito ka pala!" bungad ko sa kanya. "Kanina ka pa?"

Sinubukan kong iwasan ang tingin niya sa paghahanap kay Gustav. I tried pulling away from him pero mas hinigpitan niya ang kapit sa baywang ko.

"He's out dancing. That leaves the two of us." buo at mababa ang boses niya.

Binaon niya ang kanyang mukha sa'king buhok. I'm reminded of that night in the cruise ship again. Akala ko pagkatapos ng gabing 'yon, we would become more than what he's trying to prove na hindi naman nangyari.

I felt his lips touched the sensitive part of my neck. Buong lakas kong pinigilan ang pagtakas ng ungol. His mere presence is rendering me helpless, at hindi nakatulong ang ginagawa niyang paghalik sa leeg ko. Napatingala ako at napapikit, succumbing to his sexily simple touches and oh so sweet torture.

I just hope na epekto lang ito ng alak.

But I know better.

"You smell good Lorelei...which makes me think." bulong niya. ramdam ko ang maliit na pagkagat niya sa balat ko.

Bahagya siyang lumayo upang ako'y madungaw. He's panting. We both are.

"Go out with me."

Well that escalated too quickly.

"Nasa labas na tayo." sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay, parang naweweirduhan sa sinabi ko.

Pinandilatan ko siya. "Sa labas. I'm out here, with you."

Ilang sandali siyang napatunganga bago humalakhak."You know that's not what I meant."

One second he's in the arms of a bitch then now he's jumping to victimize another. I admit, I was kinda' flattered with his statement, but I know my worth.

Tinalikuran ko siya. Gusto ko man siya, at matagal ko nang inamin sa sarili ko 'yun, but to asked me to go out with him when he's out here with another woman? How would that make me?

Hinila niya ako sa braso. Nagtatanong ang mukha niya. Oh I never thought he needs my explanation for declining. Is he not aware?

"I'm not going to be one of your nightly conquests, Rouge. Why don't you ask that pussycat you've just been flirting with not long a minute ago before me? I'm sure hindi ka niya tatanggihan. I bet she would be so willing to spread-eagle on your couch."

Kunot noo niyang nilingon ang pwesto nila kanina. His friends are still there.

"You saw that." he stated.

Isang beses akong nagpakawala ng tawa. "Halos gawin niyo nang sex lair ang bar. This isn't a tabernacle of kama sutra. Too hard not to notice."

Hindi pa rin niya ako binibitawan sa kabila ng panay kong paghila sa braso ko.

Nilingon ko sina Lila, nasa amin ni Rouge ang mga mata nila. Nandoon na rin si Jezreel na malaki ang ngisi at tinaas pa ang kanyang kopita sa'kin bago tumungga.

Binalingan ko muli si Rouge na nanatili ang matigas na ekspresyon. Naisip ko ang ginawa niya kanina. Muntik na akong bumigay dahil mahirap naman talaga siyang tanggihan. Kinumbinse ko ang sarili na dahil lang 'yon sa epekto ng tequila.

Sa panay niyang pagpapalito sa'kin, na parang gusto niya ako na hindi, hindi niya ako gusto na oo...he's a walking contradiction!

"May date ka doon kaya bumalik ka na. Nandoon na nga kayo di ba? Ano? hindi ka nilabasan kaya ako kinukulit mo? Just because that bitch could be so horrible in bed doesn't mean you have to find another two-legged creature with a skirt that you can shove 'that thing' of yours into."

Inis kong pinasidahan ang buhok ko. Ang imahe ng nakita ko kanina ay hindi ko matanggal tanggal sa'king isip na tipong gusto ko nang tanggalin ang utak ko.

"Bakit ka ba galit?" pinagtaka ko ang lambing sa boses niya.

Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.

"Sinong hindi magagalit? You've just had another woman in your lap then the next minute you asked me to go out with you? You're making me one of them, Rouge. Hindi ko ibababa ang sarili ko ng ganon ganon lang. Ibahin mo ako!"

"I'll stop." hinila niya ako papalapit dahil sa lumalayo naming distansya. The people were crazy dancing.

"You don't want to stop." akusa ko.

Kung sasabihin niyang titigilan niya ang kanyang ginagawa, dapat gagawin niya yun dahil gusto niya. dahil gusto na niyang magbago. But no, he's going to stop para mapapayag niya ako sa gusto niya!

Hinaplos niya ang pisngi ko. Desperado ang mga mata niya. "You won't. I won't make you one of them, I promise. I want to go out with you."

His obvious steel determination almost became my undoing. Ngunit pinuwersa kong mangibabaw ang pag-iisip ko at hindi ang pagkagusto ko sa kanya.

"What's the catch? You don't even like me."

Bumaba ang hawak niya na naglakbay sa kamay ko kasunod ang paghawak niya sa isa. Hindi niya ako tinatantanan ng tingin.

"I'm taking a shine on you, Lory." garalgal ang kanyang boses.

Duda ko siyang tintignan.

"I do like you, Lorelei. So go out with me." he reiterated.

Dapat magdiwang na ako at ako pa ang magbabayad ng drinks na inorder ni Jezreel ngayon. Today is his birthday pero parang ako yata ang may kaarawan.

So my assumptions were right?

"I thought we're friends, Rouge?" paalala ko sa kanya.

"Yes, we are. What can you call a relationship where a guy pursues a girl? They're still friends with that, right?"

Nasa nakaawang niyang labi ang tingin ko.

"Why are you talking about pursuing?" tanong ko, kahit alam ko na kung saan papunta ang usapan.

"Because I am pursuing you. I like to change our friendship status."

Hindi kaagad ako nakaimik. I'm in a sudden need of water, any drink to keep me dehydrated.

I don't know what to say. Masyado yata akong na-flatter kaya hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. But still, I like it but I'm scared at the same time. It's a frustrating swirl of emotions.

"Anong mangyayari pagkatapos nating mag-date? Mag-aaya ka ng iba?" sarkastiko kong ani.

Umigting ang panga niya. "We'd be an item."

Whoa. I didn't expect that. He's using his liberated schemes on me. Bakit ba ang dali lang para sa mga lalakeng mag aya ng ganito? Us girls up to this day still even struggle to ask a guy out! Unfair.

Histerikal akong napatawa. Inignora ko ang naagawan ko ng atensyon.

"As much as I appreciate your offer. No." giit ko.

Mabilis nagpalit ng reaksyon ang mukha niya. Kung madilim ang paligid mas madilim ang sa kanya.

"Tell me you're not interested." he challenged.

You're asking me the wrong way, Rouge. Kung hindi lang kita nakikita na may babae kada gabi, papayag sana ako.

Dinutdot ko ng aking hintuturo ang dibdib niya. "You can offer that to those women who have already planned their wedding with you."

Kung madali lang sa kanila ang mag-aya ng date, then dapat lang na pahirapan sila sa pagpapapayag sa'tin. They should struggle, too!

Comparing men and women, mas maraming paghihirap ang nararanasan ng mga babae. Atleast manlang may isang aspect sa buhay natin kung saan nahihirapan din ang mga lalake, hindi yung puro sarap lang sila.

"I'll pick you up tomorrow night at seven." pinal niyang sabi.

Inis ko siyang tinignan.

"You can't just take the liberty to pick me up without me saying yes yet!"

"You didn't say no, either." panunuya niya.

"I did!" giit ko. "And we're not even close, Rouge!"

Isang beses niya akong hinakbang. His skin isn't even touching me yet but his nauseating heat has already radiated on me. Naging kontribusyon ang ginawa niya upang mas hingalin ako animo'y isa siyang kakaibang nilalang na magnanakaw ng hangin.

"How bout this? We're close now." nanunuya niyang bulong. He towered over me because...he's tall!

"Or maybe you want it closer...Close enough or...more?"

Bawat salita yata niya'y isang pulgada ang ilalapit niya. nanindig ang balahibo ko sa sensual niyang boses. Isang kalabit lang sa kanya ay mahahalikan na niya ako.

Our noses touched. Bahagya niyang nilapit ang nakaawang niyang labi sa'kin, nanunuya. Ang mainit niyang hininga ay naglikha ng pawis sa paligid ng aking labi.

Wala na akong maramdamang hangin na lumalabas sa bibig at ilong ko. He stole everything my system needed to function properly.

Right, he's indicating the literal meaning of closeness! God!

Usually I dominate over my relationships. But a Rouge Heathcliff Verduzco came and my self-control just skyrocketed into the orbit! I'm so fucked-up.

Nabibingi na ako hindi dahil sa tugtugin kundi sa presensya niya. I could even hear his panting. Did I have the same effect on him, too?

Dinilaan ko ang labi ko upang mabawasan manlang ang panunuyo nito. He frustratedly growled. Ramdam ko ang pilikmata niyang humihimas sa paligid ng mga mata ko sa mariin niyang pagpikit kasabay ang pagdiin niya sa kanyang noo sa'kin.

"Hey Rouge—" kapwa kami napahiwalay sa isa't isa at binalingan ang tumawag kay Rouge.

Thank God I can breathe again.

Ngunit agad din itong binawi dahil sa taong hindi ko inasahang makikita ko ulit.

"Chaucer?"

Bumaling ang mala-suplado niyang mga mata sa'kin. Hindi niya naitago ang kanyang pagkagulat.

"Lory?"

"You know each other?" muntik na akong mapaatras sa dilim ng mukha ni Rouge.

"She's my ex-girlfriend. Hindi ko ba naikuwneto sa'yo?" pahayag ni Chaucer kay Rouge na hindi manlang kinatatakutan ang ekspresyon ng kaibigan.

Binalingan niya si Chaucer na animo'y naghahamon ng away.

He's friends with Rouge? Hindi na ako magtataka. They belong to the same flock together!

"We'll talk later, Lory." ma-otoridad na utos ni Rouge habang matalim na tinitigan ang nakangisi kong ex-boyfriend.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro