THREE
Maaga akong gumising para sa unang araw ko sa internship ngayong semester. Ilang araw palang ang lumipas mula nung inihatid ako ni Rouge ay parang kahapon lang ito nangyari dahil sariwa pa sa isip ko. I couldn't even get the image out of my mind.
Pinuntahan ko si Lauris sa kanyang kwarto. Maingat kong binuksan ang pinto. He's sleeping on his stomach at nakaharap sa bintana ang kanyang mukha, isang advantage sa'kin dahil hindi niya makikita ang pagpasok ko.
Kinuha ko ang kanyang cellphone sa bedside table saka pinalitan ang oras ng alarm. Inadjust ko rin ang volume. Dali dali akong lumabas at pigil tawang dumiretso sa dining room kung saan nakapaghanda na si Manang Edna.
Nilapag niya sa harap ko ang platitong may wheat bread sandwich. May nalasahan akong parang meat. May pagtataka kong sinilip ang laman ng sandwich.
"Ba't may patty? This is beef." ani ko. Muntik ko nang iluwa ang ningunguya ko.
Sandali akong nilingon ni manang saka pinagpatuloy ang pagprito. "Ay hindi po ma'am. Mga gulay po ang laman niyan tsaka ground tofu."
Tumango ako. Inabot ko ang platito na may mga sliced na gulay. Kaunti lang ang nilagay ni manang sa sandwhich ko kaya dinagdagan ko pa ito ng lettuce at pipino.
"Gising na si dad?" tanong ko.
"Opo, nasa garden po sila ni mam Antonia." aniya.
Mas maaga pa pala silang nagising. Maybe they'll go to work. I wonder kung magtatrabaho pa si Antonia. She's a college professor sa university na pinasukan ko. I won't get to see her today dahil sa OJT ko.
Napatigil ako sa pagnguya upang mas marinig ang pag-kanta ng alarm na nanggaling sa taas. Mabilis sumunod ang daing at pagmumura.
"Looory!"
Humalakhak ako sa pagsigaw ni Lauris. Padabog na bumukas ang pinto kasunod ang mabibigat niyang mga yabag. Iritado ang mukha niyang pumasok sa dining at matalim ang tingin sa'kin habang tinutungo ang upuan.
"What?" inosente kong tanong.
Walang imik siyang umupo sa tabi ko. Pumeke ako ng ubo saka uminom ng tubig habang pinanood ang pagsasalin ni Lauris ng agahan.
"Maaga schedule mo this sem?" tanong ko sa kanya.
"Ha-ha. Funny, Lory." sarkastiko niyang ani.
"What did I do?" natatawa kong tanong.
Bigla niya akong kiniliti dahilan upang muntik ko nang mabuga ang kinain ko. Hindi ako makaiwas at makaganti sa kanya dahil sa marahas niyang mga sundot sa'king tagiliran. Napatili ako dahilan upang tarantang pumasok sina dad at Antonia.
"Anong nangyayari dito?" natigil kami sa striktong boses ni dad.
"Ten pa ang klase ko. Pinalitan niya ang alarm ko ng ganito kaaga!" sumbong ni Lauris.
"Wala kang pruweba! There's no way you knew it was me. Baka di mo namalayang ikaw ang nag-set kagabi." depensa ko.
"I remember it pretty well. I set the alarm at seven thirty." sinamaan niya ako ng tingin bago sumubo ng pagkain.
"Matulog ka nalang ulit."
Inirapan niya ako.
"Anong oras kayong pupunta sa school? Sumabay na kayo sa'min ng daddy niyo. Today's my first day in school as Mrs. Dreyfus." sabat ni Antonia.
"I can't. OJT." maikli kong sabi. Siniko ko si Lauris. "Hatid mo ako ha?"
"Mag-taxi ka." pagsusuplado niya.
Mukhang iritado pa rin siya sa ginawa ko. I wasn't affected at tinawanan lang ang maktol niya. I know his annoyance won't last long.
As usual ay si Antonia na naman ang naglalagay ng pagkain sa plato ni dad. It's already been like the rite of passage since their first day. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay, at ilang pa akong nakikita silang ganito.
"Doon ka pa rin ba sa pinasukan mo last semester, Lory? Why didn't you apply in DC Builders? Doon ka rin naman mapupunta pagkatapos mong gumraduate. But of course, you'll start from scratch." ani ni dad.
"Magsisimula ka muna bilang janitress." bulong ni Lauris.
"Ayokong isipin nila na pinapaboran niyo ako doon. You know...nepotism. Ayos lang naman sa'kin na doon pa rin mag OJT sa Vedra Corp." pahayag ko.
"Then ask your employees dad na pahirapan doon si Lory sa DC. Let her start as a maintenance staff."
Binalewala ko ang pang-iinis sa'kin ni Lauris.
Dad gave my brother a pointed look sabay turo ng tinidor sa kanya. "Look out for your sister, okay?"
"I have never failed you with that responsibility of mine, father." pormal na sabi ng kapatid ko.
"Mag aplay ka nalang na bodyguard ko Lauris, tutal sabi ni dad bantayan mo ako. It's a great side line job for you."
Marahas siyang gumalaw sa kanyang silya at hinarap ako. "Why are you always bullying me? Sino ba mas matanda sa'tin?"
"Ikaw. Three mintues." sagot ko.
"Then act like my younger sister."
"Act like the older one—"
"Enough." putol ni dad. "You're both twenty turning twenty one. Not twelve, so act like one."
Maamo kaming tumahimik sa pagsita ni dad. Banayad naming pinagpatuloy ang agahan. Nakikinig lang ako sa pag-uusap nila ni dad at Antonia tungkol sa pagpunta niya sa kompanya mamaya. Paminsan minsan ay sumasabat si Lauris.
Nauna akong natapos. Dumiretso na ako sa kwarto upang maligo at magbihis. Binilisan ko ang aking kilos bago pa ako maunahan ni Lauris at kung sakaling inis pa rin siya, baka iwanan niya ako't hindi ihatid.
Humalik ako kay dad sa pisngi saka tinungo ang kotse ni Lauris upang doon siya hintayin. Alam kong mapipilitan siyang pumasok ng maaga dahil sa prank ko, but I don't even feel guilty about it.
"I'm not sure kung masusundo kita mamaya. Magtaxi ka nalang."
Bumagal ang takbo ng kotse hanggang sa huminto sa tapat ng building ng pinasukan ko.
"Okay. Thanks!"
Hindi kaagad umalis si Lauris pagkababa ko. Kadalasan hinihintay niyang makapasok muna ako sa building bago siya aalis. Binati ako ni kuyang guard na hindi na nag-abala pang tignan ang laman ng aking bag. Ginantihan ko ang pagbati niya at umakyat na sa opisina.
Pansin ko na ang pagkapuno ng bawat cubicles. Nagtataka ako sa kaagahan nila dahil sa relo ko at orasan sa pader ay wala pa namang alas otso. Usually they clock in quarter to eight, ngayon wala pa ngang thirty.
Nilapag ko ang aking bag sa tabi ng computer sa aking desk. Sinuklay ko ng isang beses ang buhok ko gamit ang kamay pagkaupo sa swivel chair.
"Thank God Lory you're here!"
Nagmamadaling nagtungo si Ma'am Gia sa pwesto ko. Bilang head sa office, hindi pa siya ganoon katanda kaya madali ko siyang nakakasundo. Pero dahil sa kanyang posisyon, I have to respect her and treat her as superior kapag nasa trabaho.
May mga inaabot siya sa'king mga papel at kulay green na file binder. "Mga PO and quotations 'yan ng mga bago nating clients. You know what to do."
Tumango ako at isa isang tinignan ang mga inabot niya.
"Ba't ang aga pala nila ma'am? Akala ko tuloy late ako." pahabol kong tanong.
"Nagpatawag kasi ng staff meeting kanina dahil sa mga bagong projects. Sunod sunod ang tatlo." aniya.
"Wow, ang laki siguro ng bonus niyo niyan."
"Oo nga eh." tinapik niya ako sa balikat. "Sige balik na ako."
Inikot ko ang swivel chair paharap sa desk upang simulant na ang ang pag-file ng mga quoatations. If I were in DC, marahil hindi ganito ang ginagawa ko. I knew it from the start that dad didn't really approve of me being an intern in another company. Ayaw niyang basta basta nalang inuutusan and he wanted the same for us. But I'm a student, this is required for me so I have to do my job.
Kaya hindi rin ako tumanggi sa pagpapakasal niya kay Antonia kahit labag ito sa'kin. Dad did the same for me by agreeing for me to work here, and I'll do the same for him by being civil to my so-called stepmother.
Pero tutal doon din naman ang bagsak ko sa kompanya namin kaya siguro hindi na siya nakipag-argumento pa.
Nag-angat ako ng tingin sa narinig na matinis na yabag ng takong. Naningkit ang mga mata ko kay Lila, naninibago sa bagong kulay ng buhok niya.
"Saan ka galing?" tanong ko. Doon niya lang ako namalayan.
Lumapit siya sa aking cubicle at hinilig ang isa niyang braso. Tinaas niya ang isang maliit na papercup.
"Nagtimpla ng kape. Sa sobrang aga ko kanina hindi ako nakapagbreakfast." aniya.
Matagal ko pa siyang tinignan lalo na ang buhok niya. The last time we met, her hair was straight and copper. Ngayon naman ay naka-full volume ang pagka-maalon nito at nasa kulay light brown.
"I like your hair." puri ko. I mean it. Mas nagustuhan ko ang buhok niya ngayon kesa dati. Mas nababagayan ako sa kanya na wavy kesa straight na buhok dahil mas maliit tignan ang mukha niya.
Maarte niyang hinawi ang kanyang buhok sa kanyang balikat. "Thanks."
Iling akong napatawa ng bahagya habang naglalakad siya pabalik sa kanyang cubicle. Nagpasak ako ng isang ear piece sa'king tenga habang ginagawa ang trabaho ko.
May mga quotations na wala sa file kaya tinignan ko sa email. Sinuot ko ang aking reading glasses dahil madaling sumakit ang mga mata ko kapag natatagalan sa pagharap sa computer screen.
"Uh Lory...are you done with the PO's?" nakadungaw si Ma'am Gia sa pintuan ng kanyang office.
"Patapos na."
"Punta ka dito sandali." aniya.
Pinindot ko ang minimize ng file window bago ako tumayo at nagtungo sa kanya. Mabilis siyang nagtitipa sa kanyang keyboard.
"Favor sana, Lory." aniya nang makalapit ako. "Yung isang staff kasi nag call-in sick. Usually siya yung pinapapunta namin para sa collection ng mga tseke. Since you're not that super busy, pwede ikaw nalang kumuha?"
"Saan po ba ang collection?" tanong ko.
"Cavite."
"Ang layo ha?" komento ko.
Pagod siyang sumandal sa swivel chair. "Kaya nga eh...Sana okay lang sa'yo. Wala na kaming mautusang iba. After lunch pa naman yun."
Pumayag ako sa inutos niya. Wala namang kaso sa'kin kaya hindi ako tumanggi.
Pagdating ng lunch ay magkasama kami ni Lila. Bago palang ako noon bilang intern ay siya na ang palagi kong kasabay. Sabay kaming pumasok nun ngunit siya ay bilang empleyado na.
"Try ko nga 'yang vegan lifestyle mo. Nakaka-curious." komento niya. Pinaningkitan niya ng mata ang baon kong mixed fruits na hinanda ni manang kanina.
"You won't like it I'm sure." sabi ko.
"How can you tell?" tinapat niya ang garlic bread sa bibig ko. Kunot ilong akong umiling.
Magsasalita na sana ako nang may mahagip akong bulto na papasok sa restaurant. Naningkit ang mga mata ko. Is that Rouge? And he's not alone.
May nakalingkis na braso ng isang babae sa braso niya. Those arms that I also want to snake my arms around to. But why does she have to hold his arm as a support? As if naman nahihirapan siyang maglakad. She can walk properly with those killer heels. I know because I can do that myself.
"Sinong tinitignan mo?"
Hindi ko nagawang sagutin si Lila. I am too focused on the two. Ngiting ngiti ang babae habang tipid naman ang kay Rouge. That half-smile he probably isn't aware of having an effect to others. To me, especially.
The woman is tall and svelte. Mas mahaba ang buhok ko kesa sa kanya. Masasabi kong kasing puti sila Antonia.
Tinignan ko ang braso ko. I'm not that white. Hindi rin naman ako maitim. Just a fine line in between. Maybe a lighter tone of morena, I could say.
If he likes someone with white skin tone, hindi naman mahirap sa'kin ang lumaklak ng gluta. I can even go to a dermatologist para magpa-inject. Madali lang naman siguro akong pumuti.
Muli ko silang binalingan. Nakaupo na sila di malayo sa pwesto namin. Nakaharap sa'kin ang babae kaya napansin ko na may make up siya. Her lips are pouty and red.
Rouge's back is facing my point of view. I can only imagine how that back looks like without the suit. Yes, he's in his suit. Black suit na hindi naka-bukas ang butones.
Gumalaw ang balikat niya tanda ng kanyang pagtawa. That svelte woman must have entartained him. Noong kami ang magkasama, he was somewhat silent, mysterious and intriguing. Whereas him with that woman? It looks like they're having fun. I am somehow disappointed with myself.
I snapped out of my thoughts dahil sa pagpitik ni Lila ng mga daliri niya sa harap ng mukha ko. Puno ng pagtataka at pagdududa ang kanyang mukha.
"Are you alright? Kulang nalang ilibing natin ang dalawang yun sa talim ng tingin mo sa kanila. That's if only looks could kill." aniya.
Pinilig ko ang ulo ko. Malalaking lagok ang pag inom ko sa lemonade juice. Nawalan ako bigla ng ganang kumain.
Why do I hate the fact that he's with someone? Wala pang isang linggo mula nung magkasama kami. But I don't have the right dahil walang meron sa'min. And I hate what I am feeling right now dahil hindi ito tama. I should not expect for something. I should not be upset.
"Isa siya sa nagpapa-busy sa'tin ngayon. He's one of our clients." dagdag ni Lila.
Binalingan ko siya ng buong pagtataka"He? Who?"
Ngumuso siya sa kanyang likod. "The gorgeous man that you wanted to kill with your stare."
I was staring daggers at the woman he is with.
Magiliw silang nag-uusap. What are they talking about that taped the smiles on their faces? Although hindi ko alam kung nakangiti si Rouge, but I can tell that he's being chatty to her.
"Kilala mo yung kasama niyang babae?" hindi ko inaalis ang tingin sa kanila.
"Anak ng may-ari ng Vedra Corp." kaswal na sabi ni Lila.
Sa tagal kong pagiging intern sa kompanya ay di ko man lang alam na siya ang anak ng may-ari. So isa din pala siya sa mga amo ko.
Am I that bad to think na ang rason na magkasama sila ni Rouge ay para lang sa kompanya? That's how I like to assume. Pero di ko naman maipagkakaila na maganda ang babae. So it's not impossible that their relationship is more than the partnership or the investment matter. If may ganoong transaction mang nangyayari sa pagitan ng kanilang mga kompanya.
"What's her name?" patuloy kong usisa.
"Yucille Saavedra." walang interes niyang ani. Tamad siyang kumuha ng slice ng apple sa tupperware ko."She's a socialite. Always dating the hottest bachelors in the metro."
Parehas na kaming nasa kanila ang atensyon. Unang tingin palang sa kanya, you can already tell that the title suits her. Damit palang, masasabi mo nang milyones na ang halaga.
But I don't see her as a competition in that department. Anak din naman ako ng may-ari ng kompanya. Sana pala sinunod ko si dad na doon mag apply sa DC. I wouldn't have been as insecure as what I am feeling right now.
"Kita naman di ba? He's with Rouge Verduzco who's top leading on that list. Effortlessly." hinarap na ako ni Lila. Hindi siya mahilig maging interested sa buhay ng iba. She doesn't gossip a lot pero marami din naman siyang nalalaman.
"Finish your fruits Lory. Hindi ko nakitang napuno ang bibig mo ng pagkain." puna niya.
I looked down at the tupperware. Sobrang kaunti palang ang bawas ng mga prutas. Ang lemonade juice ko naman ay paubos na. Ayaw ko namang pilitin ang sarili kong kumain kung nawalan na talaga ako ng gana.
Tinulak ko ang tupperware sa kanya. "It's all yours."
Umawang ang bibig niya. Halos paubos na ang kanyang pasta so she can have my fruits as dessert.
May pang-aakusa niya akong tinitigan. Nagmistula siyang kontrabida sa magarbo niyang mga mata. Lumingon siya sa likod, sa pwesto nila ni Rouge saka humarap ulit sa'kin na ganoon pa rin ang ekspresyon. Her artistic eyebrow raised in accusation.
"Do you have the hots for him?"
Hindi ako sumagot na mas nagpakumpirma ng pagdududa niya. Inubos ko ang natitirang laman ng aking lemonade.
Iling siyang siyang tumawa ng bahagya.
"Ang dami niyo na ha? But I won't be one of them because I have my own man to go home to. But yeah... hindi naman talaga maipagkakaila na de kalibre 'yang si Verduzco. Hot, Hunk and Hell-yeah! I wonder how he can make a woman scream."
Gulat ko siyang binalingan. What the hell? Aware naman akong minsan walang filter ang bunganga ni Lila but she doesn't have to say that in a public place!
Tawa ang isinagot niya sa gulat ko. "Loosen up girl! I know you're lusting on him. I mean..." nilibot niya ang paningin sa paligid saka inikot ang daliri niya sa ere. "I guess every woman are."
I scanned the place. She's right. Halos lahat ng mga mata ay nasa kanila. May nahagip akong waitress na sobra kung makatitig kay Rouge habang kinukuhanan niya ng order ang ibang table.
"Isusumbong kita kay Mark." pabiro kong banta.
Napairap siya. "Oh c'mon. I'm done with that Grade A asshole, last month pa."
"You have your new boy toy?" tinaasan ko rin siya ng kilay habang pinaglalaruan ang straw sa baso.
"Nope. Pang matagalan 'to, I'm sure. He's a keeper. And half-Bulgarian." bukas-bibig siyang kumindat.
Tumawa ako. "Kid yourself, Lila."
Hindi kami masyadong nagtagal sa restaurant. Ayaw ko ring matagalang makita si Rouge na nagmumura ang tawanan nila ni Yucille sa harap ng mga mata ko. If she's that entertaining for him, I don't know how I can work on with that.
Because of my infatuation with him, I kind of forgot how to be myself. We can't really tell how we can or we can't be ourselves when we're feeling jittery in the insides. I just can't tell what's on my mind! Lahat naman kasi ng nasa utak ko ay ang mga pagpuri ko sa kanya.
Had I not only been infatuated to him, I could have entertained him more. But it's too late. He's not interested.
Pagbalik sa office ay tinuloy ko ang hindi ko natapos na trabaho kanina. Binuhos ko doon ang disappointment sa sarili ko kaya mas mabilis akong natapos. Pinuntahan ko si Ma'am Gia para magpaalam na aalis na ako para sa collection.
"If alanganin nang makabalik ka rito, bukas mo nalang dalhin ang tseke—"
"School ako bukas. Pero pwede kong idaan dito bago ako pumuntang school." pahayag ko.
"Okay, that's better."
Bago makaapak sa labas ay nabuksan ko na ang aking payong. Nagliliyab ang mataas na sikat ng araw. Mas lalong hindi ako puputi kapag naiinitan. Pumara ako ng taxi ngunit okupada naman pala. Ilang sandali pa akong naghintay na may dumaang bakante.
Nahumaling ako sa pabango ng kung sino mang tumabi sa'kin dito sa sidewalk. Ganon nalang ang pagtama ng kaba ko pagkakita kung sino ito.
Ewan ko kung naghihintay din ba siya ng taxi o nagkukunwari lang na hindi niya ako nakita. Nakapamulsa siya at hindi pa rin nakakabit ang butones ng kanyag suit. He's a laid back type for me. Nang nilingon na niya ako, mukha naman siyang inosente so maybe he had no idea that it's me. Pero hindi rin naman siya nagulat na ako ang katabi niya. Ano ba talaga, Rouge?
"Out mo na?" mahinahon niyang pagtanong.
Lumingon ako sa likod ko. No one's there. Hinarap ko ulit siya. He has that amusing grin that got me since day two.
Tinuro ko ang sarili ko. "You're talking to me, right?"
He deeply chuckled. "No other than. Of course."
He pursed his lips. Gumagalaw ang labi niya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya doon. He's biting his inner lip, maybe?
"Uhm...yeah—I mean...no."
Rumehistro ang kanyang pagkalito sa pagkakautal ko.
Palihim akong humugot ng hangin, kinakalma ang kaba sa dibidb ko at utak ko. Hinanap ko ang mga salitang dapat kong isagot sa kanya. Nakaharap ako sa katapat na building.
"Uhm... I'm for Cavite. So technically, no. Babalik pa ako rito." I shrugged. "Depende."
Bahagyang tumagilid ang kanyang ulo. Mas nakatuon ang tingin ko sa naninigkit niyang mga mata. His long and thick lashes are more appealing in that way. "How will you go there?"
"Taxi."
Matagal niya akong tinitigan. What was he thinking? Or maybe he's trying to read my mind which is impossible. And the longer he stared, the longer I was able to appreciate his artistic sculptured features.
Nag-iwas ako ng tingin sa sobrang pagka-conscious sa pagtitig niya. How can this man not know his effect on me? His staring at me doesn't help at easing my insides at all!
Hindi ba siya marunong mailang?
Iniikot ko ang aking paa. Unti unti ko na kasing nararamdaman ang pangangalay sa matagal na pagkakatayo. I'm wearing my Miu Miu pointed-toe T-strap. I should've worn my kitten heel.
Nagulat ako sa paghila niya sa'kin. Iba ang pagbatak niya sa'kin noong nakita ko siya sa eswelahan dahil mas masakit yun at mahigpit kumpara ngayon. Nilayo ko ang payong ko dahil muntik na itong tumama sa ulo niya. Dinukot niya ang susi sa kanyang bulsa at may pinindot nang malapit na kami sa kanyang kotse.
"W-wait." umatras ako nang binuksan niya ang pinto ng kotse sa passenger's seat. Hindi pa niya ako binibitawan. "I just found out that you're one of our new clients so...I don't think this is appropriate."
Halos mapakuyumos ako sa malalim na pagkunot ng kanyang noo. He's scary and attractive at the same time when annoyed.
Isang beses niya akong hinakbang kasabay ang mahina niyang paghila sa'kin sa kanya.
"So I can be your boss? Since I'm a new client of the company you're working with."
Maamo akong tumango. "Yes."
"So you follow one of your boss's rules. Get inside the car and I'll take you to Cavite." ma-otoridad niyang ani.
"B-but—"
Nilagay niya ang kanyang hintuturo sa labi ko upang ako'y mapatahimik. Seryoso niya akong tinitigan. Hindi ko na yata mahabol ang kaba ko.
His authoritative stare didn't falter. Masasabi ko na pati mata niya ay pwedeng mag-utos. Kahit hindi na siya magsalita ay kapag itong klaseng titig ang ipupukol niya sa'yo ay mapapasunod ka nalang. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tumango tanda ng pagsuko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro