Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY THREE

Animo'y pinaso ng mga salita't boses niya ang daanan nito papunta sa 'king dibdib. Hindi pa rin umaatras si Rouge galing sa tinayo niyang distansiya mula sa 'kin. Parang nakalimutan na nang katawan ko kung paano kumilos.

I know I should act casual around and towards him, we should just be civil to each other pero paano mangyayari 'yon kung ganito ang kinikilos niya? This isn't even near as casual as what I have deemed.

I can back out, magbibigay nalang ako ng cheke sa parehong halaga na nai-bid niya. Yet backing out means being a coward, and you're better than that, Lory. Prove to him that it's over through not chickening out!

Running away right now means tracing my own road to an escape with a glowing exit sign away from patching things up between the two of us. Bumalik ako para pawiin ang alitan namin, hindi ang dugtungan pa ito.

"I've already handed the cheque," biglang ani niya sabay halik sa buhok ko, na parang nababasa niya ang nasa isip ko. Nakabaon ang isa niyang kamay sa buhok ko sa may batok habang ang isa 'y nakalapat sa ibabang likod ko.

Lihim akong napahinga ng malalim, but in doing so, naramdaman ko ang pagtaas-baba ng dibdib ni Rouge, which indicates na ganoon kami kalapit sa isa't isa.  Inipon ko ang aking lakas na iangat ang mga kamay ko 't mahina siyang itulak.

Casual Lory, so that means you have to go with everything he does and says without turning into a spitfire. Forget everything and start anew. But with boundaries.

"You could have said that without having to kiss my hair, Mr. Verduzco," sinubukan ko siyang tignan nang sabihin ko 'yon.

Tinapatan niya ang seryoso kong mukha ng isang marahan na tawa sa mababa at magaspang niyang boses. Kasabay nito ay ang paghawi niya sa hibla ng buhok kong tumatakip sa aking mukha dahil sa pag-ihip ng hangin.

"Ano bang ginawa sa 'yo ng tatlong taon na hindi mo magawang sabihin ang pangalan ko? You know this isn't a formal date, Lorelei. Let's do first name basis here."

Bakit ganito siya makangiti na parang wala lang sa kanya ang nangyari noon? Has he moved on, too? Nagka-ayos na rin kaya sila ni dad? Lauris has never mentioned anything about it so siguro hindi pa.

And speaking of my brother, I think there is some sort of sabotage going on right here. He's a big fan of this man infront of me. He's a Rouge devotee.

Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko't igiya sa upuan. Sa ilang hakbang na ginawa niya sa pagtungo sa kanyang silya ay nakikita kong walang pinag-iba ang kanyang mga kilos. His strides have always been relaxed and confident at the same time.

"May kinalaman ba ang kapatid ko rito?" tanong ko.

Nahinto siya sa pagsalin ng wine at napatingin sa 'kin. "Lauris?"

Nagtaas ako ng kilay. "Do I have another brother that I should know about?"

Ngumisi siya't napailing. Nilapit niya ang isang kopita sa 'kin bago siya nagsalin ng sa kanya. "I haven't seen your brother since you left the country."

Matagal ko siyang tinitigan. Sandali niya akong sinulyapan bago binalik ang mga mata sa ginagawa niya. I couldn't really tell if he's lying. That's one of the things he's good at doing.

Tinanggal na namin ang mga silver dome covers. Vegan food ang nasa plato ko, mabuti naman at hindi niya nakalimutan. After all these years my food preference hasn't changed a bit.

I looked at Rouge's plate which has a lot of protein in it. He must have worked out a lot, dagdagan pa ng mga kinakain niya, na-achieve niya ang ganyang pangangatawan.

Uminom muna ako ng wine bago ko balak simulan ang pag kain.

"Where's your ring?"

Nilayo ko ang kopita sa aking bibig at may pagtataka siyang tinignan. "Ring?"

Walang emosyon siyang naghihiwa sa kanyang steak. "Yeah. I thought you're engaged?" matabang niyang tanong.

Wala akong alam sa pinagsasabi niya. Kung sino man ang naghasik ng balitang 'yon, I think I have to give that person a hands down. I won't give Rouge the satisfaction by telling him the truth. So I decided to belie.

Inubos ko ang nasa kopita ang nagsalin ng panibago.

"Kung alam mo naman palang engaged na ako, why bid a million just so you can date me? Pwede namang ibang babae ang—"

"Because I missed you."

That shut me up. Bigla kong hindi kinaya ang bigat ng wine bottle kaya binaba ko ito. Mariin akong tinitigan ni Rouge habang naghihiwa pa rin sa steak. Ganyan ba katigas ang karne at matagal niyang nahiwa ito?

Nag-iwas ako ng tingin.

"L-let's eat." Nagmadali akong sumubo. But I think I'm not hungry anymore.

Isa sa mga hindi nagbago sa kanya; he doesn't know awkwardness.

Muling lumakas ang ihip ng hangin. Dumukot ako ng pampusod sa purse ko at tinali sa aking buhok. Sinulyapan ko si Rouge na biglang tumikhim sa kalagitnaan ng pagtatali ko. Mabagal siyang ngumunguya habang tinitigan ako. Ako nama'y sa panga niya nakatutok.

Ilang beses siyang kumurap bago binalikan ang kanyang pagkain. 

"Going back to my question, where's your ring?" nahalata ko sa mukha't tono niya na parang gusto niyang isuka ang tanong na 'yon.

Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa 'kin upang hindi nalang sabihin sa kanya ang totoo. I'm not into retribution, wala namang magagawa ang galit at paghihiganti. Maybe I just like to have some fun and this is one fun thing to do for me.

"I let Zavid keep it, baka mawala ko eh," ani ko.

Nalingunan ko ang nag-iingay na lalake sa construction site sa kabilang building kasabay ang paggalaw ng tower crane doon. Hindi kaya kami bagsakan ng haligi rito? But somehow, seeing the city lights from up here reminded me of something, atleast it's a redeeming factor in this kind of environment.

"He's not that determined to let others know that he's yours. Kung ako sa kanya, hindi ko ipapatanggal ang singsing so other people would know na may nagmamay-ari na sa 'yo," matigas niyang sabi.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya?  Is this what I get for lying while having fun?

Habang tumatahimik ako ay nag-iisip ako ng isasagot. At the same time, I am rebuking myself: Why let him believe that you are engaged when you didn't even have a ring, Lory? Damn.

Uminom ako ng wine bago sumagot. "I insisted on removing the ring. Takot nga akong mawala 'yun, di ba?"

"He should have thought that he could always buy you another in case you lost it."

Damn! Bakit ang bilis niyang makapag-isip ng ibabatong salita?

"That's what I'll do, if I were him," dagdag pa niya.

Which reminds me, 'yan ba ang nais niyang iparating sa ibang tao noong binigyan niya ako ng singsing? When all I thought it was a graduation gift, it was after all, to stake his claim.

"But you're not him," sabi ko.

Kasingdilim ng gabi ang kanyang marahang tawa. "Yes, I'm not him. Thank God I'm not as pussy-ish as him."

Matalim ko siyang tinignan. Wala na yatang makakatanggal sa ngiting nagma-mantsa sa labi niya. He has no right to speak against Zavid in that way! Ang bait nung tao ganyan ang sinasabi niya.

Kahit gaano ko pa gustong sigawan siya, manganganak lang ng gulo kung papatulan ko pa so I just decided to calm down. The last time I got mad, I was brutal.

Nasa rooftop pa naman kami ngayon, baka ano pang magawa ko kapag pananaigin ko ang galit ko.

"Let's discuss another topic please." I dismissed.

"You go first."

Kinuha niya ang table napkin sa kanyang kandungan at ipinunas sa bibig niya. Pumormal siya ng upo na parang isang proposal ang papakinggan niya mula sa 'kin.

"Are you really single? Baka may biglang susugod sa 'kin ritong babae dala-dala ang mga anak niyo."

Napangiwi ako sa matinis na ingay ng pagtama ng fork sa plato niya kasabay ang pagsabog ng kanyang tawa. Sumandal siya sa't tumingala. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganyan. I mean I'd seen him laugh several times before but not guffawed like what he is managing right now.

Hinintay ko siyang huminahon na matagal bago nangyari. May mga salin pa siyang hagikhik at napapailin. Pinunasan niya ang namamasa niyang mga mata.

Nagpipigil pa siya ng tawa nang tinignan muli ako. Dinilaan niya ang ibabang labi bago nagsalita.

"To make you feel better Lory, I have been celibate for three and a half years."

Kumunot ang noo ko. "Why?"

Madrama siyang umirap. "Seriously? Itatanong mo talaga sa 'kin 'yan?"

Rouge Heathcliff Verduzco? Celibate? Not a normal word combination for me to appear in one sentence.

Tinantanan ko ang mga mata niya't kunwari'y pinagkaka-interesan ang mga gulay sa plato ko. "Men have needs."

"I have a need." Naghahangad ng atensyon ang mariin niyang pahayag kaya muli ko siyang tinignan. "And I'm going to stake my claim on it." Tagos sa buto ang pagtitig niya sa 'kin. "On her."

Ang kaninang kaaliwan ay napalitan ng kaseryosohan. At animo'y may pwersa sa huli niyang mga salita na halos nakapagpalaglag sa 'kin sa aking upuan.

"Is that all?" kaswal niyang tanong at sinimulan ulit ang pag-kain. Papaubos na ang nasa plato niya.

Biglang umandar ang utak ko't umapuhap ng mga tanong.

Tumikhim ako. "You don't date?"

I asked that casually. Hindi ko na siya tinignan pagkatapos nun.

"I'm busy," tugon niya.

"How 'bout Halsey?"

Kita ko sa isang bahagi ng aking paningin ang pag-angat ng kopita at ang paglapag niya nito. "What about her?"

"Hindi mo siya binibisita sa bahay?"

Atleast manlang kung may nagawa siyang kasalanan dati ay ibabawi niya 'yon sa anak niya.

"Isang maling hakbang ko papasok sa subdivision niyo, may nakaabang na sa 'king kamao. Baka nga sa susunod bala na."

I lingered to his words. Hindi ko matulak papalayo ang kirot na lumusob sa puso ko nang maalala ang araw na 'yon. Ilang taon man ang magdaan ay madadala ko ang alaala ng tagpo pati na ang kaakibat nitong sakit. It reminded of my anger, my hate, and my love.

Seeing Rouge will always remind me of yesterday. Pwede naman talaga akong tumanggi sa date na 'to eh, ang tanong papayag ba siya? Hahayaan ba niya ako? I could always defy him, yes. But he could also always find a way para masunod ang gusto niya.

Tsaka isa pa, mas nanaig ang isang dahilan ng pagpayag ko, 'yon ay ang pag-asa kong hihingi siya ng tawad. Me on the other hand, there's no need for me to state an apology. Siya naman ang may kasalanan.

But seeing him now, he may have remembered what happened, I highly doubt he's doing this for an apology. Kung ano man ang dahilan niya, I don't know, maybe to ruin something in our family again. Hindi ko na 'yon hahayaang mangyari.

"You've gone quiet..." puna niya. Malumanay ang kanyang boses.

Tipid akong umiling. "May iniisip lang."

Kinuha ko ang table napkin at nagpunas sa 'king bibig.

Hindi na maingay ang construction sa kabila. Nag-iingay naman ang ilaw mula doon na umambag sa liwanag namin ngayon. Sinubaybay ko ang paningin sa mga cotton ball lights na nakapaligid sa amin. Did Rouge do the planning or sponsored na 'to ng event? And why did I suddenly think of my brother?

"Where do you want to go next?"

Ipinagtaka ko ang tanong ni Rouge. May dapat pa ba kaming puntahan? Is there some checklist of things to do that we should abide?

"Home," ani ko na parang isa na 'yong obvious na sagot.

"Still in Ayala Hillside?"

"Condo," simple kong tugon.

"BGC or Makati?" muli niyang untag.

"Makati."

Nakanguso siyang dumungaw sa walang pinagbago niyang silver na relo. "We still have two hours left. We could go somewhere."

"Pwede naman sigurong hindi tapusin ang oras. Besides, we have already eaten." Sinulyapan ko ang kaunting pagkain na natira sa aking plato. 

Makahulugan ang paraan ng pag-angat ng isang bahagi ng kanyang bibig.

"Kulang pa nga sa 'kin ang isang araw, Lory." Humilig siya sa mesa at pinatong ang baba sa pinagsiklop niyang mga kamay. "How about treat this as my...welcome back gift to you. You call the shots. Where do you want to go?"

Wala akong maisip na ibang puntahan ngayon. Saka gabi na rin naman, citylights lang yata ang magandang tanawin kapag gabi maliban sa fireworks.

"Oh wait, may dessert pa pala," ani niya, nagpipigil ng ngiti.

Inalis niya ang katangi-tanging silver dome cover na natira sa mesa. Pinuwersa kong hindi mapasinghap pagkakita sa laman ng bowl.

"It has always been my favorite," kumuha siya ng isang pirasong cherry at isinubo, labas ang stem sa bibig. "With a bottle of Pinot Noir." Nagsalin siya sa kanyang kopita.

Hinahabol ko ang aking kaba sa sobrang bilis nito. What game is he trying to play this time? Because I'm sure he's acing in it.

"Go on, Lorelei..." mapang-akit niyang udyok, na para bang ako si Eba at siya ang ahas.

Muli siyang sumubo and this time, sobrang lapad na nang ngiti niya lalo na pagkatapos niyang uminom ng wine. Halatang nang-aasar.

What's next Rouge? Knot the stem with your magic tongue like what you did before?

Sa huli ay kumuha na ako at sumubo, nasanay rin naman akong kumain ng prutas every meal. And I admit, I missed the taste of cherries. Haven't been able to taste the fruit again for three years, kaya ang resulta ay marami akong nakain. 

Tumayo ako pagkatapos at nagtungo sa ledge saka sumandal paharap. The view reminded me of Las Vegas pero mas maliwanag doon lalo na sa The Strip. But in any ways, city lights will always be a great view to me.

Tumabi sa 'kin si Rouge at sinimulan ulit akong tanungin ng kahit ano. We were never quiet. No, he's never quiet. He's always the one who initiates the question. Nakapalumbaba siya habang nakikinig sa 'kin.

"Sinong nagsabi sa'yong  engaged na ako?" biglang tanong ko.

Tumingin siya sa harap, pumipikit-pikit ang mga mata nang tumama muli ang malakas na ihip ng hangin. "It doesn't matter."

Sabihan man niya ako hindi, isa lang ang pumasok sa isip ko. Si dad. I'm not sure, though.

Nahagip ko ang kaka-takeoff palang na eroplano sa taxiway. Pinagmasdan ko 'yon habang pataas nang pataas ang lipad nito sa himpapawid. It reminded me of my last departure here in the country.

Bigla kong naisip ang mga rason sa pag-alis nila maliban sa mag-bakasyon sa ibang bansa o ang mag-balik sa lugar na pinanggalingan. Meron kaya sa kanila na katulad ko noon na gustong lumayo?

Leaving is easy if you're the one who left. Mas madaling mang-iwan kesa ang iwanan. Mas madaling tumakas kesa ikaw ang takasan. Mas malayo ang mararating mo kung ikaw ang tatakbo kesa ang manatili ka lang sa kinatatayuan mo. That was the mantra of my life back then.

Dinungaw ko ang aking relo, nilapit ko ang mata ko upang mas makumpirma ang oras. Lagpas twelve na.

Nilingon ko si Rouge na mukhang malalim ang iniisip. Hindi niya mamamalayang nakatingin ako sa kanya kung hindi lang ako nagsalita.

"It's five past twelve," deklara ko.

Walang pinagbago ang mukha niya nang nilingon niya ako. Mukhang hindi pa tapos ang kung anong pagtatalong nagaganap sa kanyang isip. I can't believe I'm still able to read him like that. Although, baka mali rin ako ng basa.

"Lory..." mahina niyang sambit sabay hawak sa braso kong namahinga sa ledge.

Mukha siyang nalilito. Should I tell him what he needs to do? Like, say sorry? How should I give him the hint na 'yon ang dapat niyang gawin?

Umaasa ang mga mata ko habang tinititigan siya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Nagbukas-sara ang kanyang bibig, at parang pinapagalitan niya ang sarili nang kinagat niya ang ibabang labi.

"What?" Binahiran ko 'yon ng pang-uudyok.

Nag-angat siya ng tingin. Salubong pa rin ang kilay niya at kalaunay bumuntong hininga. Palakas ng palakas ang pagkabog sa dibdib ko habang hinihintay siyang magsalita.

Pikit-mata siyang umiling. Pagsuko ang nababasa ko sa mga mata niya nang dumilat siya. "Let's go."

Pinigilan ko ang paglaglag ng panga ko. What? 'Yon lang? After three and a half years I could have granted him the forgiveness that people usually begged from someone they have sinned to! But he didn't! Hindi niya ba talaga pinagsisihan ang ginawa niya?

Ganon nga talaga siguro ang iba, hindi pa dinidilaan ng kanilang mga konsensya at gusto pa yatang ipagpatuloy ang sinimulan nila.

I am really disappointed in him right now. Where's humility and owning up to his faults taking place? He may be the man of the hour, pero simpleng sorry hindi niya magawa. Kahit kantahin nalang niya ayos na sa 'kin.

Isang alaala na naman ang gumising pagkaupo ko sa shotgun seat ng kanyang Maybach. The white leather seats remain as is. Walang nagbago. Sinabi ko sa kanya ang pangalan ng condo building and it didn't take that much effort for me pointing the directions dahil alam niya ang lugar.

Sa valet parking niya pinarada ang kotse. Lalabas na sana ako ngunit naka-lock ang pinto. Nilingon ko siya at saktong nakita ang kanyang  pagbukas sa side niya ng pintuan saka umibis. Sinundan ko siya ng tingin na umikot sa side ko't pinagbuksan ako. Parte pa ba 'to ng date kuno namin?

"Thank you," mahina kong ani.

Hindi na ako umangal na hinatid pa niya ako hanggang sa palapag ng aking unit. I know he knows his limits at kung hanggang saan lang siya. I hope he has learned his lesson na sa isang mali niyang galaw, bugbog ulit ang kakaharapin niya.

Ramdam ko ang kanyang hininga na tumama sa batok ko habang nagsa-swipe ako sa keycard. Binalewala ko 'yon kahit mahirap itong hindi maramdaman dahil pinapaso ng init nito ang aking batok. Damn, I could even feel my armpits sweating.

Bahagya kong binuksan ang pinto saka ko siya hinarap. Nakapamulsa siya at base sa kanyang mukha ay hinihintay niya akong magsalita.

"Just so you know, I have already forgiven you even you weren't asking for it. But things won't be the same for us anymore," diretsahan kong sabi.

Mukhang malalim siyang nag-iiisip habang walang habas akong tinititigan. Kalauna'y kinagatan niya ang espasyong namagitan sa 'min.

"I know. Things won't be the same for us now, but there is one and only thing that has never and will never change, Lory..."

Tuluyan na niyang nilamon ang espasyo't halos magdikit na ang aming mga ilong. Inabot niya ang doorknob at muling sinara ang pinto saka niya ako isinandal doon.

May matigas na determinasyong nanalaytay sa mukha't mga mata niya. "We'd be the endgame. You. Me. Endgame."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro