Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY SEVEN

Dumiretso ako sa likod na bahagi ng clubhouse at pinakalma ang sarili. They know better than to follow me here. Si dad naman ay hindi niya mamamalayang wala ako doon sa loob dahil magiging abala siya sa pag-entertain sa mga guests.

Uminom ako ng tubig at pinawi ang panunuyo ng aking lalamunan. Sumandal ako sa haligi habang dinadama ang pag-daan ng likido sa aking lalamunan. It took four swallows bago ako nakuntento.

I don't hate my father, hindi lang ako sang-ayon sa ginawa niya. He should have talked to me about this bago siya nagdesisiyon. Pinangunahan nila kami ni Zavid. The guy isn't even ready to settle down yet. That announcement is a step closer to something that he fears, and something that I'm not ready to get involved yet.

Madali lang namang solusyunan siguro. A year after, we can call the engagement off para hindi magduda ang mga tao. Hindi naman siguro kami ikakasal agad bukas. Engagement pa lang 'to.

"You lied to me."

Muntik ko nang mabitawan ang baso nang marinig ang malamig niyang boses. Sinundan ko ng tingin si Rouge na papalapit sa 'kin hanggang sa nasa harap ko na siya.

"You didn't even set me straight about your so-called engagement." Kita ko ang kanyang pagnga-ngalit at parang pinanggi-gigilan ang bawat salita.

Imbes na ipakita ang pagkagulat at pangangamba, iba ang inasta ko.

"Ikaw lang pwedeng mag-sinungaling?" naghahamon ang aking tono.

Walang kaamor-amor siyang ngumisi. "So gumaganti ka? Really, Lory? A retribution?"

As if na-insulto ko siya sa ginawa ko. Let's say it's true, pero bakit? Bakit siya mai-insulto at mag-kunwaring nasasaktan?

"Paano ka nakapasok? You're not allowed in this subdivision." Umayos ako sa pagkakasandal at lumagok sa tubig.

"I'm not, but Douglas is," aniya, hindi ako tinatantanan ng nai-insulto niyang ekspresyon.

Jusko Rouge, para namang ang laking milyones ang ninakaw ko sa 'yo upang tignan mo ako ng ganyan. Nagpapa-guilty?

"Who's that dog?" untag ko.

"My assistant."

Isa lang naman siguro ang assistant niya, at 'yon ay ang napagkakamalan kong Mr. Monsalve sa date auction.

"He's Korean looking but his name is Douglas?" pagtataka ko.

"Douglas Choi. Can we stop talking about him now?" halata ang kanyang pagiging iritado.

"Lory..."

Kapwa kami napalingon sa direksyon ng boses na iyon. It's Antonia.

Mabilis kong binalingan si Rouge.

"Umalis ka na dito bago ka pa makita ni daddy. That's if you don't want history to repeat."

Paniguradong hindi lang si Leo at Sonny ang ipapabugbog sa kanya ni daddy.

Umabante siya papalapit habang ako'y pilit tinutulak ang haligi sa likod ko. May banta sa klase ng tingin niya sa 'kin.

"There's only one act that I want history to redo, Lorelei. But this time, it would be all because of you." ani niya bago tinakip ang hood ng kanyang sweatshirt sa ulo saka siya tumalikod.

Nakapamulsa siyang naglakad paalis na walang balak tumingin sa kahit saan maliban sa nilalakaran. Ilang sandali lang pagkatapos niyang maglaho sa aking paningin ay naririnig ko ang agresibong pag-harurot ng sasakyan. I imagined his assistant driving it for him.

Nakahinga ako ng maluwang. Inubos ko ang laman ng baso saka dinampian ang namumuong pawis sa aking sentido. Sa ganoong ayos ako naabutan ni Antonia.

"They're looking for you." May pag-aalala akong nabasa sa mukha niya.

Sumunod ako sa kanya sa loob. Sinalubong ako ni Zavid na may pag-aalinlangan akong tinignan. Kinuha niya ang kamay ko't pinatong sa kanyang braso.

"They want to congratulate us." tango niya sa mga bisita sa likod. They were talking to dad with Zavid's parents.

Tipid akong tumango at napilitang puntahan sila.

Nahagip nila kaming papalapit kaya sa 'min tuloy nabaling ang kanilang atensyon. Muling nanginig ang tuhod at labi ko. Gusto kong umatras.

"We'll just pretend, Lory," mahinang ani ni Zavid, nakaplastar ang peke niyang ngiti sa kanila. "Hindi mag-iiba ang tratuhan natin."

"We're still friends." It's more of like my reminder to him. "And please don't kiss me anymore."

Bumagal ang kanyang hakbang. Seryoso ang mukha niya akong nilingon. "I knew you would say that. But it's too late."

Malakas ang bagsak sa 'kin ng huli niyang sinabi. It's like he's speaking about it in general, not just about the announcement. But I'll see to it na may magagawa pa ako upang makalabas sa sitwasyong 'to.

Hindi naman kami ikakakasal agad. And who says mag-papakasal ako? Zavid is a great man, and he deserves someone as great but it's not going to be me.

Sa bahay ako umuwi at hindi sa condo. Kailangan kong kausapin si daddy bago pa mahuli ang lahat. Baka bukas ikakasal na pala ako at wala akong kaalam-alam!

"Bakit ka ba kasi nagpapahalik? Na-maling akala tuloy kayo," sermon ni Lauris dito sa opisina ni dad sa bahay.

Nauna kami rito dahil hindi ko na kinaya ang pag-bati ng mga bisita. Sumakit ang bibig ko sa kaka-peke ng ngiti.

"I thought makakalimot ako. I enjoyed his company, plus we're giving ourselves a shot. Pero wala, hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay," pangangatwiran ko.

Umupo siya sa katapat kong Lazy boy chair. Weirdo niya akong tinignan.

"Anong akala mo sa halik ni Zavid? Katumbas ng pagka-kabunggo ng ulo mo sa barrier concrete ng Edsa na magre-resulta sa 'yo ng amnesia? Hay nako Lory, kahit mag-laplapan at espadahan pa kayo ng dila diyan, alam ko Lory, alam ko na—"

"Shut it Lauris!"

Halos mapatayo ako sa upuan ko. I don't like where this conversation is leading.

Nagtaas siya ng kilay, nanunuya.

"Zavid is just a game that you are playing safe. Rouge is the prize that you refuse to claim."

"I said shut up," nagtitimpi kong sita.

Matigas ko siyang tinignan pero hindi siya nagpatinag. Nanatili ang pinta ng kanyang mukha.

"I am the truth. You are the denial," dagdag pa niya.

Marahas akong napasinghap. Hindi na ako nakapagpigil at tumayo ako't nilapitan siya. Tinuro ko ang pinto. "Get out."

But Lauris being Lauris, ay ningisihan lang ako. Pinaglalaruan niya ang itim na butones ng kanyang dress shirt sa parteng malapit sa leeg habang nanunuya akong pinagmamasdan.

Kinalimutan ko ang pasa niya sa mukha at iba niyang injuries sa katawan. Balak ko pa itong dagdagan kapag hindi siya tumigil.

Bago ko pa maisakatuparan iyon ay bumukas ang pinto ng office at niluwa nito si daddy. I may not want to ruin his birthday, but he deserves to know the truth.

"So children, what do you want to talk about?" umupo siya sa kanyang swivel chair.

Inangat niya hanggang siko ang manggas ng kanyang champagne dress shirt. Kinindatan ako ng sinag ng gold niyang kwintas.

Lumapit ako sa desk at tumayo sa harap nito. I want to say it in straight-out honesty while standing as a sign of my respect.

"Hindi kami ni Zavid, dad. The engagement announcement is a mistake," pag-amin ko.

Rumehistro ang kalituhan sa kanyang mukha. Inasahan ko na iyon na magiging reaksyon niya.

Humilig siya sa desk at pinagsiklop ang mga kamay.

"I don't get it, Lory. Why would it be a mistake? And how so that you and Zavid aren't together? You both look like an item already."

"We're close friends. That's it." Nagkibit-balikat ako.

Kumitid ang mga mata niya. "Do close friends kiss each other in the lips?"

"I let him kiss me. That's all," balewala kong sabi.

"They're giving it a shot, dad. But it didn't work out."

Sinamaan ko ng tingin si Lauris sa pag-sabat niya. Nakatungo siya't nagmaang-maangan na pinaglalaruan ang butones sa manggas ng kanyang suit.

"Then give each other another shot. That boy likes you, Lory."

Suko akong napaupo sa malapit sa 'king silya. "Daddy no...I don't even concur with this engagement."

"Why? Don't you like Zavid? Kung wala ka namang ibang dini-date, then there's no reason for me to call the engagement off," pilit niya sa mahinahong tono.

"I'm not even dating Zavid, dad. I'm not dating anyone as of the moment."

Relax siyang sumandal muli sa swivel chair. "Then I won't change my mind. You're engaged to him. Besides, he's the closest thing you have as a lover. I'm sure eventually you'd develop feelings for him."

Hindi makapaniwala kong tinitigan si daddy. Parang hindi siya ang kausap ko. He's not the type to arrange me to someone I don't even want to marry.

"Bakit, dad? Bakit mo ito ginagawa? We're against fixed marriages," nanghihina kong ani.

Kaya laking gulat namin sa ginawa niya kanina dahil hindi kami sang-ayon sa mga ganoong arrangement. If mom was only here, I'm sure aawayin niya si dad.

Sumeryoso ang mukha niya. kapag ganyan na ang kanyang ekspresyon, hindi na namin siya mabiro so I'm sure he is really serious with this. Wala nang makapagpabago sa isip niya and it terrifies me.

"I found out that that Verduzco boy has been hovering around you. Once he finds out about you and Zavid, I'm sure he'll stay away. He won't be able to bother us anymore."

I highly doubt it.

Nagawa pa nga niya akong i-date kahit sa loob ng pag-aakala niyang engaged na ako. Walang epekto ito sa kanya. Kung ang may asawa nga muntik na niyang magiba, ito pa kayang engagement lang?

If there is someone who could outsmart him, there's no one who could outdo what he's capable of doing. Hell! He can even defy the Ten Commandments! Baka nga bakod ng impiyerno kaya niyang wasakin.

"How did you find out?" untag ko.

"Leo saw the two of you. He reported back to me."

Damn, Leo. Hindi lang pala siya driver. Nag-report na rin sa 'kin yun dati eh.

"Are you communicating each other again, Lory?" may panunumbat ang tono ni daddy.

I don't feel offended. Hindi ko siya masisi. Katulad ko nababagabag rin siya dahil sa nangyari dati.

"He just talked to me one time. RV is planning for a warehouse expansion project. They're gathering contractors for a bidding process at isa tayo sa pinagpilian nila."

"Okay," simple niyang sabi.

Nilingon ko si Lauris upang makita rin ang reaksyon niya sa naging tugon ni daddy. Ngunit mahimbing nang nakatulog ang kapatid ko sa Lazy boy chair.

Binalik ko ang atensyon kay dad.

"Do you accept the offer? Hindi pa naman ako sumang-ayon because I need your approval first."

Tinanggal niya ang kanyang eyeglasses saka minasahe ang kanyang sentido.

"Hindi naman naapektuhan ang negotiation natin sa kanila. We don't put personal matters here in business, remember? We have to be honored because it's RV, it's a huge company. Them trusting us aces our reputation."

"So you're gonna meet him?"

Muli niyang sinuot ang eyeglasses at masigasig akong tinitigan.

"No. YOU are going to meet him."

Nanlaki ang mga mata ko. "What? I-I thought...well nag-announce ka ng engagement namin ni Zavid para layuan ako ni Rouge and now you want me to meet him this Monday?"

"For the project, Lory. Nothing else. I'm sure bukas o sa makalawa ay alam na niya ang balita sa engagement mo. He's not going to bother you anymore."

Oh no, dad. You have no idea what he is capable of. And he already knows! Thank God hindi mo nababasa ang nasa isip ko ngayon.

"Sino ang kadalasang pumiprisinta sa mga ganito? The bidding process thing?" untag ko.

"Si Sir Marquez, our project manager. Kaya lang he's on leave for the next three days this week."

"Bakit ako? Bakit hindi ikaw? Bakit hindi si Lauris? Bakit hindi..."

"Bakit hindi ikaw, Lory?" biglang sabat ni Lauris. He's awake!

Na-move ang supposedly bid day sa Wednesday imbes na sa Lunes. Sa dalawang araw bago ang pagpunta sa RV ay abala ako sa pagtawag ng mga suppliers at tanungin ang presyo ng mga materyales.

Hiningan ko ng pabor ang aming project manager at architect upang manghingi ng kaunting advice sa paggawa ng construction bid form.

I haven't been under Rouge's keen eyes while at work. I'm afraid to say that I'm terrified. Ewan ko, pakiramdam ko strikto siyang boss. Well obviously. Kaya ganito ko nalang pinaghihirapan ang ginagawa ko ngayong araw.

Quarter to one akong nakarating sa RV Lines building na nasa loob ng White Harbor. Inubos ko ang huling patak ng kape sa styro-cup saka ko kinuha ang aking bag at lumabas na nang kotse.

Tinignan ko ang sarili habang naglalakad papuntang entrance. Palagi naman akong nagkakape ngunit ngayon lang yata ako kinabahan ng ganito para sa pag-present lang ng proposal. Dahil ba si Rouge ang haharapin ko?

Huh. He's just a man, Lory. You can manhandle him.

"Anong kompanya po?" tanong ng guard.

"DC Builders," ani ko. Tumabi ako sa sulok nang may dumaang cargo truck.

"Pakita po ng company ID niyo ma'am."

Kumunot ang noo ko. Hindi naman ganito dati ah? Isang sabi ko lang ng pangalan ko ay pinapapasok na niya ako. Noon iyon.

"I'm Lorelei Dreyfus from DC Builders," sabi ko, baka sakaling makaalala siya.

"Company id po ma'am." Nilahad niya ang kanyang kamay.

Bahagya akong natigilan. Tinignan ko siya at ang kamay niya. Hindi naman niya ako hinihingan dati a?

Nagtataka man ay hinalughog ko nalang ang aking bag at hinanap ang wallet ko kung saan ko nilalagay ang aking mga id's at ibang cards.

"Good afternoon ma'am. Anong kompanya po?" rinig kong tanong ng guard sa kakarating lang na tao habang patuloy kong hinahanap ang aking wallet.

"Tan-Co Enterprises."

Nahagip ng isang bahagi ng aking paningin ang pag-alis ng lalake papunta sa loob. Kinunutan ko ng noo ang guard na hinihintay akong mahanap ang id ko habang nagpapapasok siya ng iba. What the heck?

Sa gitna ng inis ko, naalala ko ang kinalalagyan ng aking wallet. Shit. I left it in my car. Hindi ko nasilid muli sa bag nang kumuha ako ng pambayad sa binili kong coffee kanina.

"Hi, I'm Yucille Saavedra from Vedra Corp."

Ganon nalang ang paglaglag ng aking panga nang kumumpas ang guard na papasukin siya.

Sinuri ko ang suot ni Yucille. She's in her black bodycon dress that outlined her slender curves. Tinignan ko naman ang suot kong white deep V-neck wrap blouse na naka-tucked in sa itim kong high-waist pencil skirt. Hanggang hita ko pa ito. And my black pumps is a killer!

May attire bang dapat sundin para papasukin ako? Do I have to dress up like a formal porn star like Yucille? Is that Rouge's new implemented protocol?

May isa pang lalake na sinabi lang ang pangalan ng kompanya ay pinapasok agad ng guard. May dumating ulit at parang tanga ako rito na pinapanood kung paano sila papasukin na hindi hinihingan ng company id. Malay niya ba kung may mga dalang armas ang mga 'yon?

"Bakit siya hindi mo hiningan ng id?" turo ko sa kakapasok lang na babae.

"Kilala po kasi siya dito ma'am."

Napairap ako.

"I've been here before. Kilala nga kita eh. Diretso mo lang akong pinapasok noon nang hindi ako hinihingan ng id," pagsusungit ko.

My God, I know this is just a petty thing to be argued upon pero hindi ko mapigilang mairita. It may be because of the heat, or because I'm in the Verduzco's premises.

Nagkamot ng ulo ang guard. "Hindi ko po maalala ma'am. Sa dami naman po kasing nagpupunta rito—"

"Good afternoon, I'm from Mayhem Limited."

Tumango ang guard. "Pasok po sir."

Ilang langaw na yata ang pwede kong malamon sa labis na pag-nganga ko. Goddamn it!

Tumuro ako sa bagong pasok. "Sabi mo nagpapa-pasok ka lang ng kakilala. Imposibleng kilala mo siya! Bagong kompanya lang 'yon! Habang kami matagal na namin naging kliyente ang RV but you won't even allow me to get in?"

Umabot na yata sa loob ng building ang radar ng pagka-irita ko. I'm almost in hysterics!

Ayaw ko mang aminin pero nainsulto ako. Gusto kong umiyak pero wala namang magbabago kong ilalabas ko ang luha ko. Hindi naman kasi madaling maawa si Rouge. Kasing tigas ng kanyang dibdib ang puso niya!

"What's happening here?"

Sabay kaming napalingon sa bagong dating. He's not in his suit but in his white fitted dress shirt. Again. Matalas ko siyang tinitigan.

Hinayaan ko ang guard na magpaliwanag sa kanya. Nakatitig si Rouge sa 'kin habang nakikinig sa sinasabi ng kanyang guwardya. Hah! Akala  ba niya hindi ko napagtanto? He's playing his game. He's provoking me. Sinadya niya ito!

Tumango si Rouge at sinenyasan sa kamay ang guard na pahintuin ito sa pagsasalita at naintindihan niya ang sinasabi nito.

Lalong lumalim ang pagsasalubong ng kilay ko habang nilalapitan niya ako. Tumikhim siya at pumormal ng tayo, ang kamay ay nasa loob ng bulsa.

"It's our standard protocol—"

"I know," putol ko sa kanya. "Standarad protocol na hindi nasusunod. Kanina pa siya nagpapa-pasok ng mga representative ng ilang kompanya na hindi niya hinihingan ng ID! Tapos ako hihingan niya? You know me! I've been here twice!"

Humalukiphip siya. "It doesn't matter na kapag kilala na kita ay exempted ka na sa protocol namin—"

"Fuck protocol! Yucille Saavedra has just gotten in without even being asked to present a company id! How was that as a standard protocol, huh?" sigaw ko.

Wala na akong pakialam kung nakakagawa na ako ng eskandalo. I'm provoked! Damn it!

Nagkatinginan si Rouge at ang guard. Damn right I knew it!

Lumipad ang hibla ng buhok ko na humarang sa 'king mukha nang nagpakawala ako ng marahas na hininga. Suminghap ako't tumalikod. "Nevermind."

Sinimulan ko na ang penetensya ko sa ilalim ng sikat ng araw. I haven't even taken my lunch for this! Tapos eto lang ang madadatnan ko?

"Where are you going?"

Huminto ako't hinarap siya.

"I'm getting my company id. As a standard protocol." Sarkastiko ang aking tono.

"Just get inside. We're about to start."

Pagak akong tumawa. "Bitch, please. It's too late for that. I'm getting my id. Next time kasi i-orient niyo ang mga empleyado niyo."

"Sorry po ma'am. Naalala ko na po kayo," kinamot na naman nung guard ang kalbo niyang ulo. Paano nangati 'yan eh wala siyang buhok? He even looks like a potato!

Parang baliw akong tumawa. "Really? Ako kasi hindi kita kilala. Napagkamalan lang pala kita kanina."

Napaubo si Rouge. Tinatakpan ng kamao niya ang kanyang bibig at namumula ang kanyang mukha.

Muntik ko na siyang murahin kung wala lang bumati sa kanyang empleyado.

Pagtawanan ba naman ako? Bullshit Verduzco!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro