Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY ONE

Inabot sa 'kin ni Zavid ang nakatuping mga damit at nilagay ko ang mga 'yon sa maleta. He's been helping me pack for the past hour. Rinig namin mula rito sa kwarto ang mga boses nina tita Angela at tito Stefano na dumating kahapon kasama ang pinagkakatiwalaan nilang helper na si Rhoda.

Habang inaayos ko ang pagkakalagay ng ibang damit, pumasok si Zavid sa banyo upang kunin ang mga toiletries. Mahina niyang nilapag ang mga 'yon sa tabi ng luggage kong nakahilata sa kama. Kanina ko pa napapansin ang kanyang pananahimik.

He's not usually like this. Zavid brings out a positive vibe, salungat sa pinapamalas niya ngayon animo'y may lamay.

Huminto ako sa ginagawa at hinarap siya. Hindi ko mabasa ang pinta ng kanyang mukha. There's less to no emotion in it.

"Ayos ka lang? You've been quiet," panimula ko.

Binasa niya ang kanyang labi at napaisip. Mabigat na hangin ang pinakawalan niya saka siya pabagsak na umupo sa kama.

"You're going home..." mahina niyang sabi.

"And?" tanong ko, hinihintay na dugtungan niya ang sinabi.

Nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin ay napapa-bagabag nito ang loob ko. His downturned eyes looked even more down. Kitang kita ko ang lungkot na rumehistro sa kanyang mukha. 

Kinuha niya ang mga kamay ko't nilapit ako sa kanya. "Makikita mo na siya."

I've been trying not to think about it pero habang papalapit ang oras ng aming pag-uwi ay mas pinapaalahanan lamang ako nito. I don't know what to expect upon seeing Rouge. I guess we'll know once I'm face to face with him.

But my going home won't be just all about him. Bakit ba kasi siya ang una nilang naiisip sa tuwing pinag-uusapan ang pag-uwi ko? It's like we were serious when in fact, wala pang six months kaming nagkasama.

In retrospect, I don't even think we were serious. We only had a short-lived affair.

Ako lang naman yata ang nagseryoso sa 'min.

"Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa nararamdaman mo sa kanya, which I dearly hope na wala na, but I'm scared, Lory. You know I like you. A lot."

And he hasn't failed in showing me. Sobrang appreciate ko ang ginagawa niya sa 'kin. He's been good, a little bit of bad...we've been close friends. Maliban kay Lauris at granny ay siya ang nakakausap ko sa tuwing pupunta siya rito sa Vegas.

"You let me kiss you, do things that a boyfriend does kahit hindi naman tayo. I've asked for it, and I'm happy that you're willing to open up again pagkatapos ng pinagdaanan ng pamilya niyo, pinagdaanan mo. Sana sa pagbalik natin doon ay hahayaan mo pa rin akong gawin ang mga 'yon."

I didn't want to disappoint Zavid. And I tried giving myself a chance for him pero wala. I'm content with the kind of close friendship we have. Nakikita niya 'yon, and he understands. I can't just push him away because he doesn't even deserve that.

I don't want to lead him on, sinabi ko na 'yon sa kanya. I'd been in his position before, ayaw ko itong magpatuloy dahil hindi biro na mag-isa ka lang na nakikipag-sapalaran diyan sa nararamdaman mo.

But Zavid is a stubborn man. He insists to keep on doing it kahit alam niyang wala akong maisukli sa kanya na katumbas sa nina-nais niya. Hindi ko na siya makontra doon so I let him.

Kinuwadro ko ang kanyang pisngi at hinalikan siya sa noo. Ito lang ang tanging nagawa ko dahil hindi ko alam ang sasabihin. He isn't even asking me anything but his statement demands my answer. My permission.

Lagpas labing walong oras ang flight time galing Las Vegas at nag-stop over pa kami sa Seoul bago tuluyang nakarating sa NAIA. Hindi matawaran ang kaba ko pagkakita ko ng view sa baba bago lumapag ang eroplano.

Zavid squeezed my hand. Ang lamig ng kamay niya animo'y binaon niya ang winter ng Korea. Nakapikit ang kanyang mga mata kaya di ko makita ang kanyang reaksyion, although dama ko naman ito.

"Saan sila banda naghihintay?" tanong ko kay Lauris. Nagsimula na kaming lumakad pagkatapos kunin ang mga bagahe.

Tinanggal ko ang aking scarf at tinali ito sa handle ng aking hand-carry dahil nakakaramdam na ako ng pamamawis sa leeg. Las Vegas has a warm weather, pero wala pa rin talagang tatalo sa kainitan ng Pilipnas.

"Yep!"

Mistulang first time ko lang dito sa bansa habang sinusuri ang paligid at naghahanap ng mga ilang pagbabago. Naiinip na kasi ako sa paglalakad namin sa mahabang pasilyo ng  terminal 3.  It's still the same, though. I could still remember the day of my departure years ago. Umalis ako noong puno ng poot, at hindi lang literal na bagahe ang dala ko.

I feel light now. Madulas ang pagtama ng aking kaba na hinaluan ng excitement. There's no place like home but the place where I come from.

"Lory, ang bilis mong maglakad! Hindi tatakbo si daddy. He'd still wait kahit ma-delayed pa ang flight natin."

Natawa kami ni Zavid sa pagsita ni Lauris na dalawang luggage ang hinihila. Kahit nakasuot siya ngayon ng wayfarers, nakikita ko sa isip ko ang reaksyon ng kanyang mga mata.

Nauna akong nakababa sa escalator. Hinintay ko ang dalawa bago ako nagpatuloy sa paglalakad na nauuna pa rin sa kanila.

"There's tito Lucas," pahayag ni Zavid.

Huminto ako at tinanggal ang aking cat-eye sunnies. Hinanap ko ang tinuro niya at nakita ang pamilyar na taong kumakaway.

Mabilis kong nilakad ang distansya and this time, hindi na ako sinita ng kapatid ko. I hugged my father as tight as I could at bahagya pa niya akong nabuhat sa gigil niya sa 'kin.

"Dad you're old!" natatawa kong sabi habang binibitawan niya ako. 'Yun ang unang naisip ko nang makita siya. Dumami ang kanyang white hair at sa kanyang pagngiti, the crinkles beside his eyes are more visible. Nai-imagine ko tuloy si Lauris 'pag tumanda.

Pati ang halakhak niya ay nag-iba rin. Hinalikan niya ako sa pisngi. "I miss you, sweetie. Hindi na ang kapatid mo dahil palagi namang umuuwi 'yan. But you..." nilakbay niya ang tingin sa mukha ko at para bang hindi makapaniwalang anak niya ako. "I haven't seen you for four years!"

Pabiro ko siyang inikutan ng mata. "Almost lang, dad. Tsaka we always Skype naman..."

"Pero iba pa rin sa personal."

Sinundo si Zavid ng kapatid niyang si Shane na ngayon ko nalang ulit nakita. Nagbeso kami at nagka-usap sandali habang hinihintay ang  sasakyan. She's working in their company right now. Wala na siyang glasses at hindi na mukhang nerd.

Nagtaka ako sa obvious niyang pagsuri sa 'kin mula ulo hanggang paa. "Anong hangin ang meron sa Las Vegas at mas gumanda ka yata?"

Tinawanan ko 'yon. Nanatili ang mga mata niya sa puti kong tank top na naka-insert sa 'king high-rise jeans. Hinubad ko na kasi ang leather jacket ko habang paalis kami kanina sa Seoul knowing the temperature here.

"You're complimenting my sister, pero ako hindi? We're twins." singit ng kapatid ko na pinatong ang mga kamay sa 'king balikat. Nasa gilid ko kasi si dad na kausap si Zavid while Shane's at the other side of me. Pabiro siyang umamba ng suntok sa kapatid ko.

Pumarada ang puting RAV4 at sa loob ng driver's seat ay si Leo. Sumunod sa likod ang sundo nina Zavid. Nagpaalam na kami sa isa't-isa pagkatapos ilagay ang mga bagahe at pumasok na sa kotse.

Naging maingay ang buong biyahe pauwi at may kani-kaniya kaming kausap. I texted my friends about my current arrival. Agad bumaha ang mga replies nila. I can't wait to see them, too! It's been a long long time.

Ngayong nakita ko ulit ang siyudad, sa mahabang pagkakawalay pakiramdam ko isa akong estranghero. Parang may parte sa 'kin dito noon na iniwan ko ngayon sa Vegas. Well meron naman talaga, at ibinaon ko na 'yon doon.

Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig kina dad at Lauris nang may mahagip ang mga mata ko pagkadaan namin sa ibaba ng flyover dito sa EDSA. Huminto ang aking paningin sa lalakeng nasa billboard.

Hanggang chest ang kuha ng imahe. Sa itim nitong background at na-highlight ang matibay niyang balikat at madepinang dibdib sa suot niyang fitted white button down na bukas ang unang dalawang butones.

Kahit sa nakulubot na bahagi ng damit sa bandang braso dahil sa pagkakasiklop ng kanyang mga kamay, mahahalata pa rin ang alon ng kanyang biceps. He's facing the front, sa seryoso niyang titig animo'y binindesyunan niya ng kahinaan ng tuhod ang bawat taong tumitingin sa billboard.

Kahit ako na nakaupo lang ay nakaramdam ng panghihina sa mga mata niyang animo'y nakatitig sa 'kin, nang-aakit sa seryosong paraan. Tagos sa buto ang intensidad nito.

He still has that smooth five o'clock shadow. Mas tumigas ang features ng kanyang mukha at lalo lang nadepina ang anggulo nito sa naka-brush up na stilo ng kanyang buhok. He matured in a gorgeous kind of way. Gorgeous would be such an understatement but that's the closest description that I could come up.

Sa gilid ng imahe nakasulat ang tungkol sa pasilip ng interview sa kaniya sa isang business magazine kung saan siya ang cover this month. Sa pinakahuling parte nakasulat ay 'Grab your copies now'.

Well why not grab this man from the billboard? I wonder kung may mga naaaksidente na rito dahil sa kakatitig sa billboard niya.

Wala na ako naging balita sa kanya, one reason for me to grab a copy of the magazine. But what is there to know? I don't even look at his social media accounts dahil wala na akong dapat pang kinalaman sa kanya. The day I left this country was also the day of our end.

Inalis ko ang aking tingin nang tinawag ako ni daddy at may tinanong. Pagkatapos kong tumugon, lumingon ulit ako sa billboard ngunit ang 'Ad space available' nalang ang naabutan ko.

Sinubukan kong hindi isipin ang seryoso niyang mukha sa natitirang minuto ng biyahe. But I can't help it. Tumatak ito at hindi na nilubayan ang utak ko kahit nakaliko na kami sa Ayala Hillside Estates. 

Pagkabukas ng gate, bumaha ang pangyayari noon na medyo lumalabo na sa 'king isipan. It may be that my brain consciously wants to repress the memory kaya pino-proseso na ng utak ko ang tuluyang paglaho ng mga alaala.

Napabuntong hininga ako't napatingala pagkababa ng sasakyan. Nag-inat ako't napahikab. Finally I'm home!

"Do you want to rest first? Jetlag isn't a joke," ani ni daddy habang may inuutos ang kapatid ko kay Leo na binababa na ang mga bagahe katulong si Sonny.

"At sa ganitong oras sa Vegas ay tulog na kayo, right?" dagdag niya. Tumango ako.

"We'll eat first dad. Nakaka-miss ang luto ni manang."

Saktong bumaba si manang Edna na mabibilis ang mga hakbang. Wala akong napansing nagbago sa kanya maliban sa humahaba niyang buhok.

"Ma'am Lory!" nakabukas na ang mga braso niya't nakapaskil ang malaking ngisi nito.

"Manang Eds!" di ko mapigilang yakapin siya pabalik. Hindi pa yata kami pinanganak ni Lauris ay naninilbihan na siya sa 'min kaya parang parte na rin siya ng pamilya.

"Ang ganda ganda na ng alaga ko!"

Tumawa ako. "Huwag ka nang mambola manang, may pasalubong ka galing sa 'kin."

Nagtungo na kami sa garden kung saan nakahanda na ang mga pinaluto ni dad para sa pagdating namin. But Lauris insisted na para sa akin lang daw ang handa dahil ngayon nga lang ako nakauwi habang siya ay kada taon.

"O Shirley! Congrats pala't graduate ka na raw," bati ko sa kanya nang lumabas siya sa garden dala ang pitchel ng juice.

"Salamat po."

Hindi ko mapigilang hanapin ang isang taong kulang sa hapag kainan. As if Lauris could read my mind, siya ang nagtanong.

"Where's mommy Antonia by the way, dad?"

Sinulyapan ako ni daddy bago siya sumagot. "She's at her parents' house. Siguro nami-miss na nila si Halsey."

Bumagal ang pag-nguya ko habang napapaisip. Halsey? Is that the name of the kid?

Pinili kong manahimik at ibaon nalang sa 'king utak ang mga katanungan. Tanggap ko na nga di ba? so I don't have to fight against it. Maraming nagawa ang lagpas tatlong taon ko sa Las Vegas at wala na akong balak balikan ang kung ano mang mga dahilan ng hinanakit ko dati.

Why settle for something that eats your heart and mind? I've been trying to live without my hate and so far, I've succeeded. And that's one of the things I've done that I am most proud of. Some people lose their minds, I'm grateful that I was able to find my strength and stay with my sanity.

Doon ko naramdaman ang labis na pagod pagkalapat ng likod ko sa kama. Hinahaplos-haplos ko ang kalambutan ng bago nitong bedsheet. Akala ko nga nilalawa na 'tong kwarto ko dahil sa matagal na pagkaka-okupado. But it still feels the same. No strangeness between me and my room.

Pagod man, nahihirapan akong makatulog dahil nag-aadjust pa ako sa oras. Kahit ano na ang mga binabasa ko sa cellphone at browse sa social media. Bumaba ako sa kusina para maghanap ng gamot na pampatulog.

Napatigil ako sa bukana pagkakita sa bulto ng isang babaeng nakatalikod. I know who she is, pero dahil sa mga pagbabago sa kanya ay halos hindi ako sigurado. But of course, it's got to be her. Sino pa ba?

Natunugan niya ang presensya ko dahilan upang pumihit siya. She didn't seem surprised. Siguro alam niyang dumating na ako at baka nga dahilan lang niya ang pagpunta sa kanyang parents upang ako'y iwasan. But who are we kidding? Fate will never let this opportunity be left ignored.

Her hair is pixie cut which defined her high cheekbones. She looks more mature than the last time I saw her. Siguro ganyan ang nagagawa ng pagiging ina. But her timeless beauty never left her. Napatunayan ito lalo sa suot niyang retro dress na may malaki at mahigpit na belt sa maliit niyang baywang.

Sa mahinang ilaw sa kitchen ay kita ko ang lamang gatas sa basong hawak niya. Matagal kaming nagkatitigan. I kinda' expected her to slash me.

Isa ito sa mga bagay na hirap akong paghandaan. Umasa nalang ako sa kung anong nakalatag na emosyon sa oras na magharap kami. And this is it. So what now, Lory?

Malalim ang paghugot ko ng hangin, and that includes pulling every molecule of energy to help me speak. To help me...

"I'm sorry..."

Ayoko nang patagalin. The apologies may have been long overdue but it's better saying it late than never saying it at all. Ganon naman talaga, di ba? If you mean to say something, then you'll say it no matter what, how and when. And I mean it.

Gusto ko maging maka-totohanan ang paghingi ko ng tawad. I can't live with hate forever.

Umiling si Antonia at nag-iwas ng tingin. Binaba niya ang baso sa island counter at may-pag aalinlangan akong nilapitan. Kinukusot niya ang kanyang mga kamay sa isa't isa.

Habang siya'y papalapit ay napansin ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Napaigtad ako sa paglapat ng malamig at malambot niyang kamay. Maingat siyang kumapit sa aking braso. Naiintindihan ko naman kung na-trauma pa siya sa ginawa ko sa kanya dati. That was really brutal.

"No Lory, I'm sorry. I'm so sorry..." humihikbi na siya bago pa niya ako mayakap.

I didn't stop her. Na-estatwa ako sa 'king kinatatayuan at tikom ang aking bibig sa pagpigpigil ng luha. Mahina na paglapat ang ginawa ng kamay ko sa likod niya.

Why is this so emotional for me? For my change of heart? Maybe...

Bumitaw siya sabay pakawala ng mahinang tawa. We both sniffed. Tipid akong napangiti sa tawa niya. Tumingala siya't pinunasan ang mga mata.

"Do you...wanna see her?"

Napawi ang ngiti ko. I didn't expect this. I only expected to see Antonia but not the kid. The kid that I almost killed. Baka sa unang beses palang naming pagkikita ay susugurin na ako ng bata dahil mararamdaman niya ako bilang nanakit sa kanya noon.

But do fetuses have feelings? As babies grow up they would feel the connection towards their mothers. Siguro ganoon din siya, mararamdaman niya ang koneksyon ko sa kanya hindi bilang ina pero bilang taong pinahamak siya.

Ramdam ni Antonia ang kaba ko. She smiled assuredly. Kinuha niya ang baso saka ako giniya papunta sa sala. The kid was there the whole time?

Mistulang may sariling pulso ang mga paa kong sumabay sa kanya. Hawak ako ni Antonia dahil mukha akong batang takot pumasok sa unang araw ng klase. Lory, it's just a kid! Calm down.

"Halsey, honey..."

Ang ilaw galing sa lampara ang tumulong sa 'king mas makita ang batang bumangon sa sofa. Maalon ang itim at mahaba nitong buhok na kasing-alon nang kay Antonia dati.

"Here's your milk baby..." umikot si Antonia at binigay nito ang baso sa bata.

Nag-angat siya ng mata sa 'kin at may panghihimok akong tinignan. Muli kong binalingan si Halsey habang dahan-dahan akong humahakbang.

Sa kanya lang ang mga mata ko samantalang naglalaro sa isip ko ang mga tanong. Sinong kamukha niya? Kaugali niya ba si Rouge? She's got her mother's hair. How about her face?

Mula sa baso ay nag-angat siya ng tingin sa 'kin. I felt my breathing stopped a second seeing her big, round, brown eyes. Talo pa ang naka-mascara sa makapal at mahaba nitong pilikmata. Sa kanyang kaputian, halata ang mapupula niyang pisngi. Ang gatas na nasa ibabaw ng mala-rosas niyang labi ay mas nagpapa-inosente pa sa kanya. Animo'y kakambal siya ng isang manika.

"Do you know who she is Halsey? I showed to you her photos with her brother..." nakangiting ani ni Antonia.

Tumingin lang sa kanya si Halsey at nahihiyang yumuko't pinaglalaruan ang rim ng baso sa kanyang bibig.

"Come on baby..." hinaplos niya ang buhok ng anak.

May binulong si Halsey na hindi ko marinig. Niyakap niya ang nangangalahating baso ng gatas.

Nilapit ni Antonia ang tenga sa bibig ni Halsey. "What is it? Come on you can do it..."

"Ate Lory..." mahina ang kanyang pagkakasabi. I can't help but smile.

"And?" umaasang tanong ni Antonia.

Bahagya akong napaatras nang bumaba siya sa sofa. Ikinabigla ko ang pag-abot ng maliit niyang kamay sa kamay ko dahilan upang ako'y mapaupo at pumantay sa kanya.

She kissed me at my cheek. Otomatiko akong binalot ng mabigat na emosyon ng sandaling 'yon. Hindi ko mapigilan ang pagtakas ng luha at mas lumala lamang sa bawat segundong nakatitig ako sa inosente niyang mga mata. Parang may lumamukot sa puso ko.

Alam ko ang dahilan. Alam na alam ko. Isa itong pangungulila at wala akong magawa kundi ang hayaan na namang maalala ko ito.

"I'm sorry, akyat na ako." aagd akong tumayo at tumakbo patungo sa aking kwarto.

Sa hagdan palang ay humihikbi na ako. Nadaanan ko si Lauris na kanina pa pala kami pinagmamasdan. Hindi ko tuluyang naisara ang pinto dahil agad siyang pumasok.

"Lory..."

Umiling ako't humagulhol. I may have not killed the child, pero pakiramdam ko karma ko itong nararamdamang kawalan. Yes, I found peace but it's not as whole as the kind of peace that I want. May kulang pa rin.

Aking naikuyom ang kamao kong nasa sa 'king hita. I have this anger to something unknown. Mabilis rumisponde si Lauris at tinabihan ako. Tinakpan ng kamay niya ang nakakuyom kong kamao.

"Lory, stop it," mahinahon niyang sita.

"She has a kid...They have her..." iyak ko. Lumala ang aking hagulhol nang niyakap niya ako at inalo.

"Shhh..."

"Hindi ko napatay ang bata pero bakit parang pinaparusahan pa rin ako? I didn't even intend to kill her! What I did was out of anger!"

"I know, I know...tahan na..."

Kung hindi ako napangunahan ng galit noon, hindi ko nasaktan si Antonia. Hindi ko mapapahamak ang bata, Would I have felt something like this if I hadn't hurt her? Maybe I wouldn't have been punished if circumstances just turned out differently.

"I was always careful Lauris pero wala...it's so unfair..." patuloy kong iyak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro