Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY FOUR

Hindi kaagad ako pinatulog ng mga sinabi ni Rouge. I know that I just have to ignore and forget about it pero sadyang may sariling isip ang mga 'yon upang magmatigas at gibain ang bakod sa utak ko.

Kulang man ang itinulog kong oras ay nagawa ko pa namang hindi antukin pagka-gising ko nang maaga. Nag-inat ako't pumasok sa banyo upang makapag-sipliyo at hilamos.

Nagtungo ako sa dresser at binuksan ang pinaka-ibabang kahon upang kunin ang maluwag kong racerback doon na may kaakibat ng sports bra. Sa kabilang kahon ang aking leggings. Hinawi ko ang bumukas na pinto ng cabinet na katabi lang nitong dresser saka ako tumayo at nagbihis.

Kinuha ko ang bag ko't tumungo sa kusina pagkatapos kong magsuot ng running shoes. Kumuha ako ng dalawang bote ng cleansing juice sa ref, sinilid ang isa sa bag at balak kong dalhin ang isa upang inumin habang maglalakad papuntang gym.

Binilang ko ang natitirang mga bote ng cleansing juice. Kasya pa sa remaining days for this week. I cleansed every month so by next month ulit ako o-order sa supplier ko. 

Dala ang aking bag at keycard ay lumabas na ako ng unit. Sakto namang may bumaba dito sa palapag kaya pumasok na ako at pinindot ang ground floor.

Dumaan ako sa jogging trail bago ko pinasok ang gym. Malawak, simple at nandito ang kailangan kong kagamitan para sa work-out. I heard they also have a Pilates program here but I'm more of a Yoga fan. Bigla kong naitanong sa utak ko kung nagji-gym pa ba si Lorca ngayong buntis siya. I bet she'd be a sexy momma!

Walang masyadong tao dahil karamihan nasa pool area. Tumungo ako sa isa sa mga bakanteng treadmill kung saan ang view sa harap ay ang pool area at ang tinahak kong jogging trail kanina.

Binaba ko ang bag saka tumapak sa walking belt. Nilagay ko muna ang aking Iphone sa cellbuckle ng treadmill saka sinaksak sa mp3 connector. Hinanap ko ang weirdo kong workout playlist na walang niisang dance track.

Nag-set muna ako ng speed bago ko sinet ang oras which is fifteen minutes lang. Tinakda ko ang speed sa mabagal as a warm up bago tinakda sa mabilis. Tumakbo ako hawak ang dalawang dulo ng towel na nakapulupot sa 'king leeg.

Nakatanaw lang ako sa mga naglalarong bata sa pool sa harap na binabantayan ng mga magulang o yaya nila. Sa ganitong paraan hindi ko maiisip ang pagod at ng ibang mga particular na bagay.

Pagkatapos ng tatlong kanta sa Iphone ay naramdaman ko nang masyado na akong nabibilisan sa speed kaya binabaan ko ulit na hindi humihinto sa pagtakbo.

Nang matapos ang labing-limang minuto ay sa row ng mga weights naman ako nagtungo na madali lang mahagilap dahil nasa pinakagitna ito ng gym. Hinanap ko ang five pound dumbell at nang makita ay kumuha ako ng dalawa. Isasabay ko ang squats at arm workout.

I made fifteen reps of arm raises and squats in each three sets. Nagpahinga ako sandali bago bumalik and this time, I do lunges naman.

Naramdaman ko ang panghahapdi ng ibabang likod ko, just a normal feeling pagkatapos ng squats. Nagpunas ako ng pawis saka uminom ng cleansing juice habang hinahanap ang equipment para sa abs-workout. I found a vacant core decline bench na pinapagitnaan pa ng dalawa kung saan may mga nagwo-work out doong mga foreigner na lalake.

Katulad sa squats ay three repetitions ulit ako pero twenty reps na ng curl-ups. Binagsak ko ang aking ulo sa 'king kamay habang nakatukod ang siko sa 'king hita, pinapakalma ang aking hingal. Dinama ko ang panginginit ng aking tiyan. I could feel the calories burning now.

Yumuko ako 't inabot ang bote ng cleansing juice na nilagay ko sa ilalim ng bench.

"I'm not yet done there."

Kasabay ng pag-inom ko ay ang pag-angat ko ng tingin. Literal na nanlaki ang aking mga mata at dahil sa hindi ko ito inaasahan ay nabuga ko ang iniinom. "What the fuck?"

Umuubo ako habang dinadampian ng towel ang aking bibig. Nangati ang lalamunan ko dahil sa asim ng lemon at anghang ng cayenne na pinaghalo sa juice. But what the hell is he doing here? Kaya nga ako nandito para ma-divert yung isip ko palayo sa sinabi niya kagabi. But now he's here apparrating infront of me in all his mighty Nike tank top and training shorts!

He has turned more ripped and well built. Pwede nang panangga ng bala ang katawan niya dahil sa katigasang taglay nito.  Sa susunod na bugbugin ulit siya nina Leo ay baka sila pa ang mapuruhan.

"Do you mind?" walang bahid ng inis ang tono niya salungat sa nakakunot niyang noo na marami ang maaaring ipinapahiwatig.

Inis akong tumayo sabay padabog na pinulot ang bag. "Sorry, wala naman kasing nakalagay na pangalan so I thought this thing is for everybody."

Umusli ang biceps niya sa ginawang paghalukiphip, nakaharap siya sa 'kin at pinasidahan ako. I did the same. Kita ko ang paglalakbay ng pawis sa kanyang sentido, leeg at dibdib.

"I said I'm not yet done, I didn't say that you're not allowed," aniya.

Umirap ako. "Whatever. Why are you here anyway? Hindi naman dito ang building mo."

Uminom ako sa cleansing juice. Pinulot niya ang towel na namahinga sa isang knapsack sa harap ng bench na hindi ko namalayan kanina. Dinampi niya ang towel sa kanyang mukha na hindi ako tinatantanan ng tingin. Anong problema niya?

May nahagip ang mga mata ko sa likod. Imposibleng hindi ko siya makikilala kahit may pinagbago rin sa kanya. Tinapik niya ang likod ni Rouge na agad siyang sinimangutan.

Bago nakapagsalita si Chaucer ay nakita na niya ako. Nanlaki ang suplado niyang mga mata at agad akong pinasidahan. Ngumisi siya.

"So it's true. You're back." Nagtaas-baba siya ng kilay.

Ngumiti lang ako at tumango.

Nanatili ang kanyang ngisi at dinala ito sa paglingon niya kay Rouge. Pinalo niya ang tiyan ng kaibigan saka tinango ang ulo sa direksyon ko.  "Dude, siya ang tipong binabalikan."

"Shut up, Chaucer." May banta ang madilim na boses ni Rouge na nagreplika rin sa kanyang mukha. Tinawanan lang siya ng kaibigan.

Hindi na ako umasang sasagutin ni Rouge ang tanong ko kaya hindi ko na pinilit at balak na lang silang iwan.

Nahagip ko ang leg press machine. Malapit lang ito sa row ng mga weights. Bago pa ako maka-isang hakbang papunta doon ay tumunog ang aking cellphone.

It was from an unknown number. Taka ko itong sinagot.

"Hello?"

May kausap pa ang hindi pamilyar sa 'king boses ng babae bago niya ako tinugon. "Uhm hello? Is this Ms...Lorelei Dreyfus?"

"Yes, sino 'to?" Pinunasan ko ang pawis na naglandas sa batok ko.

"Good morning ma'am, this is nurse Helena from Makati Medical Center. I called to inform you that your brother Mr. Lauris Dreyfus has been rushed to the emergency room just this morning."

Nanlaki ang mga mata ko. "What? W-why?"

Animo'y naligaw ako sa realidad habang pinapakinggan ang sinasabi ng nurse. Hindi ko na namamalayan ang nasa paligid. Lahat ng pananakit ng aking katawan at pagod ay tinakasan ako. Ang tanging mga salitang nasalo ko ay car accident at emergency room. Hindi ko na siya napasalamatan at agad ko nang binabaan ng tawag.

Tinakbo ko ang pinto palabas sa gym sa gitna ng panginginig ng aking tuhod. Iniisip ko lang ang kapatid ko at ang sinabi ng nurse. Pero wala man lang binanggit kung ayos lang ba siya, kritikal or stable and that scared the shit out of me!

Hindi na ako nag-abala pang umakyat sa unit ko. Dumiretso ako sa labas upang makapag-abang ng taxi. Adrenaline rush is being held responsible for this.

"Lory!"

Hindi ako lumingon sa pagtawag ni Rouge. Nang malapit na ako sa sakayan ng taxi ay humina ang takbo ko dahilan upang maabutan niya ako.

"What happened? Who called?" nag-aalala niyang tanong.

Binilisan ko ang aking lakad. I'm panicking!

"Lauris...he's in the hospital...oh my god..." napatakip ako sa 'king mukha habang hingal na hingal. Ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay. Not my brother please.

Napaigtad ako nang bigla nalang niya akong higitin. Mariin ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Saan mo ak—"

"What hospital?" nasa nilalakaran namin ang kanyang tingin, parang hinahamon ang bawat dinadaanan niya dahil sa seryoso niyang mukha.

"Makati Medical Cen—"

"I'll drive you there."

"But—"

"I said I'll drive."

"But Rouge—"

"I'll drive."

"Rouge—"

"Get in."

Binuksan na niya ang pinto sa passenger's seat. Nagtagisan kami ng tingin bago ako sukong bumuntong hininga at sumakay. He didn't even let me finish my sentence!

"What did the nurse said? Why is he in the hospital?"

"Car accident." Napasinghap ako dahil nakikita ko ang kapatid kong kritikal. Kaunti lang yata ang pinapalad na naka-survive sa isang car accident. Ano ba kasi ang ginawa niya? Lauris is not the type to drive while drunk!

"He doesn't like you to worry," ani niya.

"No one could blame me! I don't know if he's okay or critical. Walang sinabi ang nurse. They were still observing him while she was calling me."

Umagang umaga naaksidente siya. Was he drowsy while driving?

Nang makaparada ay agad akong lumabas ng sasakyan at marahang tinakbo ang emergency room. I didn't even bother wear a seatbelt kaya mabilis akong nakababa, hindi na rin 'yon namalayan ni Rouge dahil sa pagmamadali namin.

Sinuyod ko ang paningin sa bawat hospital beds.  Kada duguang taong nakikita ko hinihiling ko n asana hindi siya 'yon. May lumapit sa'king nurse, this must be Helena. Ka-boses niya ang tumawag sa 'kin kanina.

"Dito po ma'am."

Hindi mapakali ang mga paa kong unahan na siya kay Lauris but I don't even know saan siya sa mga nakaratay dito.

"She's here," aniya.

Hindi ako nakapaghintay at lumapit na ako. 

"Heeey!"

'Yon ang ibinungad sa 'kin ng kapatid ko. He's still wearing the same clothes last night sa date auction. Mas malaki pa ang kanyang ngisi kesa sa galos sa mukha. He has some scratches on his arms at may sugat din siya sa labi. Wala namang apparatus na nakakabit sa kanya although may neck brace na nakapulupot sa kanyang leeg.

Other than that, he's normal!

"Tangina Lauris! This isn't funny!" bulalas ko.

Bumuga siya ng tawa nang ako'y magmura. Hindi man lang niya sinabi sa nurse na sabihan akong okay siya. He made me worried!

"What? What did I do?" natatawa niyang tanong, halos hindi maigalaw ang ulo. Para siyang robot.

Matalim ko siyang tinignan. This isn't funny. Pero kahit siguro may taning na ang buhay niya ay ganyan pa rin siya kung makatawa.

"I'm not dying, Lory. Nabunggo lang ako," patuloy niya sa magaspang na boses. Mariin siyang pumikit at ngumiwi, it's like he's in deep pain.

I scanned his body, wala naman akong nakitang dugo na nagmantsa sa damit niya.

"Where did you go last night? Who was your date?" strikta kong tanong.

Limit ang galaw niya nang in-adjust ang sarili sa  pagkakahiga. Nilagay niya ang hindi napuruhang braso sa tiyan. Antok siyang nag-iisip habang nakatingala sa puting kisame. Sumilip sa braso niya ang isa pang galos.

"There was this girl, who bidded for me. She was half-American, gorgeous, and hell-yeah. We had a drink in a bar—"

"Why the fuck did you have your date in a bar?" putol ko sa kanya.

Naiinis na ako sa muli niyang pagtawa. Sa huli ay napangiwi siya't hinawakan ang kanyang dibdib kung saan marahil ay napuruhan rin.

"I didn't drink that much, okay? I drove back this morning then may nahagip ako sa floorboard sa ilalim ng shotgun seat. Kinuha ko lang yung naiwan niyang sapatos sa kotse." Nalilito niya akong tinignan. "I didn't know how come did she leave her shoe!"

"And then?"

Muli siyang tumingala sa kisame. "May paparating na truck. I swerved the car and crashed it into a damn bitchy concrete barrier."

"That's how you had the accident." I stated.

"Yeah."

"Dad knows?"

Umiling siya. Ginhawa akong napahinga. I would have done the same kung ako ang nasa posisiyon niya. We don't want dad to get worried about us.

"Dalhan mo nalang ako ng damit, magtatagal yata ako rito. The keycard's in my bag." Bumuntong hininga siya. "Ugh this sucks. Fucking damn it."

"Whose fault is that?"

Pinandilatan niya ako ng mata. "My Acura! Hindi kasi nakatingin sa daan."

Napairap ako. Tha car doesn't even matter to me kahit gaano pa kamahal o kaganda 'yon.  As long as my brother is safe.

Lumipat ang tingin niya sa likod ko. Bahagya akong nagulat nang makitang nandito na pala si Rouge.

Palipat lipat ang tingin ni Lauris sa 'min, sinamahan pa ng pag-pasida sa mga workout clothes namin. Huminto ang mga mata niya kay Rouge.

"You drove her here?" untag ni Lauris sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Rouge na nakapagpatango sa kapatid ko.

Pinasidahan ko ulit si Lauris. Had he not swerved his car, he could have crashed into the truck. Masisiraan yata ako ng bait kapag nangyari 'yon.

"You have bruises Lauris...and scratches." nag-aalala kong sabi. Ang magulo niyang buhok at inaantok niyang mga mata ang indikasyon na wala pa siyang tulog.

Tinanggal niya ang unang tatlong butones ng kanyang dress shirt na hindi yumuyuko dahil sa neck brace niya. Pinakita niya sa 'kin ang mas maitim at malaking pasa sa kanyang dibdib.

Napasinghap ako habang tinitignan pa nang mas mabuti 'yon. Inabot ko ang aking kamay at hinaplos nang kaunti.

"Stop worrying Lory, it's just a bruise. Hindi lumabas ang tadyang ko so I'm okay," biro pa niya.

"Paano kung may hemorrhage? Internal bleeding? Look at this bruise!" halos paghihisterikal ko.

"I'll undergo some tests later, okay?"

Tinitigan ko siya. Lumambot ang kanyang ekspresyon. "This reminds you of mom."

Hindi ako sumagot, hindi lang naman 'yon ang nakapagpaalala sa 'kin at sa hindi ko pag-imik ay alam na niya ang sagot.

Sa huli ay bumuntong hininga siya at umirap. Tumingin siya kay Rouge.

"Ilabas mo na nga 'to, atakihin pa sa puso eh," pabiro niyang taboy sa 'kin.

Hindi pa sana ako aalis pero hinawakan na ako ni Rouge sa braso at pinatayo.

Umupo ako ulit. "We won't leave hangga't hindi ka pa naga-undergo sa mga tests. I'll pay for your private room if kailangan kang i-admit."

Wala silang nagawa na gusto kong manatili doon. Halos tatlong oras yata ang hinintay namin bago dinala si Lauris sa laboratory para sa mga tests niya. Minadali ko ang pagbayad ng fees para agaran na 'yong maisagawa at para na rin makapagpahinga na siya sa private room pagkatapos.

Nasa labas lang kami ni Rouge at naghihintay na matapos ang tests ng kapatid ko. Medyo malagkit na ang aking pakiramdam dahil sa natuyong pawis pero ayaw ko pang umuwi. Si Rouge sa tabi ko'y nakatukod ang mga braso sa hita at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

Naputol ang paninitig ko sa kanya sa pagtunog ng aking cellphone. It's Zavid calling.

"Hello."

"Hi Lory, I'm at DC. You're not here," aniya. Rinig ko ang mga halakhakan sa kabilang linya.

"Uhm nasa hospital ako, Lauris had an accident. Please don't tell dad kung nandyan man siya."

"What? Is he okay? What happened?" may-pag-aalala niyang tanong.

"Car accident. Nabunggo sa concrete barrier. They're running the tests for him right now."

"I'll go there," agaran niyang sabi.

Umiling ako kahit hindi naman niya 'yon nakikita. "You don't have to if you're busy. Ayos lang naman siguro 'tong kapatid ko. But I'm still scared for him."

"That's why I have to go there."

"Zavid, I'm fine. And uhm..." may pag-aalinlangan kong nilingon si Rouge na sobrang seryoso ang mukha. "Rouge's here."

"You're with him? Why?" may pang-aakusa sa tono niya, but I didn't find that offending. Maingat din kasi siyang nagtanong.

Tumayo ako at medyo lumayo sa upuan. Halukiphip akong sumandal sa pader at nakaharap sa room na parte pa rin ng pinagdausan ng MRI ni Lauris.

"Nasa gym siya sa condo building ko. I don't know why," mahina kong ani.

"Are you sure you're okay? With him?"

"Yeah, yeah of course I'm fine. I mean...we're casual." I think?

Mabilis akong napaiwas sa nakakatakot na tingin sa 'kin ni Rouge. My God. He has become scarier than the last time!

I wonder kung kasing talas ng lobo ang pandinig niya upang marinig ang pag-uusap namin ni Zavid. Sa talas ng tingin niya sa 'kin, pakiramdam ko iiyak ako ng dugo.

"Okay, bye. Take care."

"Bye."

Pagka-end ng tawag ay bumalik ako sa dating pwesto na hindi ko siya tinitignan. Umusog ako sa dulo nang maramdamang lumapat ang braso ko sa kanya. Niyakap ko ang nakakailang na katahimikan na pumapagitna sa 'ming dalawa.

"No 'I love You'?" bigla niyang tanong sa mababa at matabang na boses.

Nilingon ko siya kasunod ang paglingon niya sa 'kin.

"No endearment and I love you?" ulit niya, nanunuya ang tono. Nakaangat ang isang kilay niya't madilim ang kanyang ngisi.

"We say it in private," sabi ko.

Natahimik siya doon.  One point for you, Lory.

Hinila niya ang kanyang pananahimik sa buong magdamag na naghihintay kami kay Lauris hanggang sa mailipat na siya sa private room. Wala namang complication pero kailangan niyang manatili ng isang araw para ma-obserbahan pa ng mabuti.

Dala ng bag ni Lauris, papunta kami ngayon sa condo niya. Ngayon ko naramdaman ang labis na pagod dahil nabuhos ang lakas ko sa physical activity dagdagan ng pag-aalala ko sa kapatid ko.

Nilakasan ni Rouge ang volume ng stereo na nagpapatugtog ng lumang kanta. Taka ko siyang nilingon, hindi naman ganyan ang mga hilig niya. I mean it's a rock song but it's for oldies. Kapahunan yata ni daddy ang kanta na 'yan.

"You're all I need beside me girl, you're all I need to turn my world, you're all I want inside my heart, you're all I need when we're apart..."

Lumingon ako sa bintana at sinarili ang pagtawa. Tinakpan ko ang bibig ko at karagdagang niyakap ang bag na tila maitatago nito  panginginig ng aking balikat.

"Bakit ka nandoon sa gym ng condo building?" untag ko.

"I moved in," mahina niyang tugon.

"Kailan?"

"Last year." Kaswal na seryoso ang kanyang tono.

"Your dog?" muli kong tanong.

"She's with me."

Tumango ako. I kinda' miss his dog. Malambing ang asong 'yon. Gaano na kaya siya kalaki? If makikita niya ako lalapitan kaya niya ako o tatahulan? And why am I even worrying about this?

Pagkarating sa condo ni Lauris ay pinaupo ko si Rouge sa couch doon at nilaharan ng tubig, casual lang na pag-entertain ng isang bisita.

Pumasok ako sa kwarto ng kapatid ko at kumuha ng ilang damit doon. Naligo na rin ako at nagbihis since may naiwan naman akong damit dito na three years na ang tanda. 

Pagkatapos kong isilid ang mga damit ni Lauris sa bag, nahagip ko sa nightstand ang isang frame na may picture niya at ni Halsey na parehong nakangiti, kita ngipin. Nakaupo ang kapatid ko sa tabi niya at nakayakap ang braso nito sa buong baywang ni Halsey.

Sa kabilang gilid niya ay ang nakadikit kong litrato. Para akong outcast dahil sa swimming pool na background ko at ilang mga palm trees. I remembered that photo of mine. It was in Encore beach club in Vegas na si Lauris pa mismo ang nag-picture. I thought it was just for a random shot pero ito pala ang ginawa niya sa litrato ko. 

My eyes lingered to the kid. She's a beautiful kid. Kung dati man ay halos sinumpa ko na sila ni Antonia, pinagsisihan ko na 'yon.

For me it's better to regret, maliban sa inamin kong nagkamali ako sa pamamagitan ng pagsisisi, it means tinanggap ko na rin ang katotohonan sa kasalukuyan at handa akong pagbayaran ang kinahinatnan ng nagawa ko.

Magaan ang loob ko sa bata kahit hindi ko man ito kadugo. It's easy to love her. Rouge should know more about her. I'm sure katulad ko magiging magaan din ang loob niya kay Halsey.

Paglabas ko ng kwarto ay tumayo agad si Rouge. Nababasa ko ang tanong sa mukha niya kung aalis na kami, tumango ako. Malapit na kami sa pinto nang hinarap ko siya.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro takot ako sa posibleng mangyayari mamaya dahil na naman sa kakagawan ko. Pinaglalaruan ko ang strap sa bag ni Lauris habang hinahanda ang aking sarili sa sasabihin.

"Ihatid mo ako sa Ayala Hillside. I'll help you see your daughter. Kahit sa labas ka lang then ako na ang bahalang magsabi na ipapasyal ko siya," sabi ko.

Biglang sumikip ang lalamunan ko nang naningkit ang kanyang mga mata. It was sinister I could almost feel his stare burn my whole face.

"You will do that?" he asked. Kinabahan ako sa seryoso niyang tono. Was he supposed to be excited?

'Yeah, of course. Me and Antonia are good now," sabi ko, nanlalamig ang aking mga palad.

Tuluyan ko nang niyayakap ang kaba sa mabagal niyang pag-abante. It's like he has seen his prey and he's ready to lunge at it. At me! Kulang nalang patayin niya ako sa kanyang tingin at ako 'tong umaatras, nagmamakaawang bigyan pa ako ng isa bonus life points.

"You will really do that?" halos hindi makapaniwala niyang tanong.

Malalim ang pagsa-salubong ng kanyang kilay. Naglitawan ang ugat niya sa sentido at leeg. Pakiramdam ko sa ilang segundo lang ay pipisain ako ng matigas niyang katawan at dudurugin ng matigas niyang ekspresyon.

"Y-yeah...why not?" hingal ko.

Hinarang na ng likod ko ang pinto. Kinulong ako ni Rouge sa mabagsik niyang mga braso, nakalapat ang kamay sa gilid ng aking ulo. Madilim ang tingin niya sa 'kin. Hindi ko siya maintindihan. What's wrong in helping him see his daughter?

Kahit sa mata niya ako nakatingin ay kita ko pa rin ang paggalaw ng kanyang panga. I could almost hear his teeth scratch at each other.

"Sa tingin mo ba talaga sa akin ang anak ni Antonia?" he grimaced,  mabagal siyang umiling. "I will never put my seed to another woman, Lory. There's only one particular woman that I want to impregnate right now and I pray she's not taking pills for menstrual regulation anymore."

Hindi ko mailarawan ang gulat ko. What? What is he talking about?

Dinikit niya ang sarili sa 'kin at mabilis nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa dalawang mata ko. Hindi na ako makaatras!

"Nakita mo na ang bata, bakit hindi mo nahalata na walang ni-isang parte ko ang nakuha niya?" he said through clenched teeth.

May panunumbat sa kanyang mga mata na parang sa 'kin niya sinisisi ang lahat. I didn't even know what I do to him!

"Y-you saw the kid..." nauutal kong ani.

Nanatili ang matalim niyang ekspresyon.

"The business world is smaller than the real world. So yeah, we've met. And she's not mine."

Oh my God.

Napatakip ako sa 'king bibig. Bakit wala man lang nagsabi sa 'kin? People around me are letting me believe that the kid was his. Nobody set me straight. Alam kong may kasalanan din ako dahil hindi ako nagtanong pero initiative na nila 'yon na ikumpirma sa 'kin! Nagmukha akong tanga!

Humaplos ang isang kamay ni Rouge sa aking pisngi. Nawala na ang kaninang nakakatakot niyang tingin. May nakikita ako sa mga mata niyang hindi ko mabasa. My guess was...longing.

"Pero kapag ikaw ang may anak, sisiguraduhin kong sa akin 'yon, Lory. She or he will have your eyes..." hinaplos niya ang aking takipmata, "my nose..." naglakabay ang daliri niya sa 'king ilong, "the color of your hair...my skin color...your beauty...your lips..." huminto ang daliri niya sa labi ko't nanatili, "what a perfect kid that we could have, Lory..."

Hindi ko napigilan ang pagbaha ng emosyon hanggang sa makapal na itong bumabalot sa 'kin. Ayaw ko man ngunit nakita na niya ang pagbagsak ng luha ko. Sa lahat ng sinabi niya, ang mga huli niyang salita ang nagparamdam sa 'kin ng husto. Wala na akong pakialam na makikita niya akong ganito ngayon.

Nanginginig ang mga labi ko. Hindi ko masabi sa kanya, hindi na rin naman kailangan.

Because it could have been Rouge. We could have been...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro