Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY EIGHT

        Magkasunod kaming pumasok ni Rouge sa conference room kung saan nandoon na ang ibang mga representative ng ilang kompanya, including Yucille Saavedra na sinusundan ng mga mata si Rouge.

Umupo ako katabi ng representative ng Mayhem Limited. I knew they're new dahil ngayon ko lang sila narinig.

Rouge's at the top end of the conference table, halos katabi na ni Yucille na nasa kaliwang bahagi niya at magiliwng nag-uusap ang dalawa. Rouge's whispering something to Yucille's ear na ikinahagikhik niya. Seriously? I thought we're about to start eh bakit naglalandian pa sila?

"Uhm excuse me..."

Nilingon ko ang mahiyaing representative ng Mayhem. He's a guy with spiky hair and semi-rimmed glasses.

"May idea ka ba sa process nito? Bago pa lang kasi ako."

Halata nga. Nanginginig pa ang mga kamay niyang nakahawak sa kanyang bid tabulation sheet. Parang naaawa ako sa kanya, at nagi-guilty rin dahil nainis ako sa kanya sa pagpapa-pasok sa kanya ng guard at ako hindi.

Ngumiti ako. "Hindi rin eh. First time ko rin sa ganito. I don't how this is done."

Mahina siyang tumawa at akmang magsasalita nang nabulabog kami pareho sa isang pag-tikhim.

It was Rouge na ang talim ng tingin sa 'kin. Pinaalalahanan ko ang sarili na nandito ako para sa pagkuha ng proyekto kaya pinigilan kong taasan siya ng kilay at tanungin kung ano ang problema niya. Para bang labag sa batas ng kompanya ang pakikipag-usap ko sa iba.

"We'll start."

About time! Kanina pa nga kami naghihintay sa hudyat mo.

Umayos na kami ng upo at sa kanya tinuon ang aming atensyon. Chill lang siyang nakaupo at nagsa-scan sa mga papel. Naramdaman ko ang lamig ng aircon na nakatapat pa talaga sa 'kin.

Nag-angat siya ng tingin sabay siklop ng mga kamay sa table.

"I had looked at the copies of your forms which were emailed to me yesterday. As I could see, there are huge gaps in each of your total bid amounts."

Tinignan niya kami isa-isa, parang hinahanapan kami ng kumpirmasyon. He is really intimidating. Kahit yata naka t-shirt at boxer shorts lang siya diyan sa inuupuan ay magmumukha pa rin siyang hari.

Dumestino ang mga mata niya sa katapat kong babae na mukhang principal dahil sa strikta nitong mukha.

"Ms. Tenson from LineWire Incorporated, you could complete the construction in five months? How so?" kumunot ang noo ni Rouge  sa kuriosidad.

Nagpaliwanag ang taga LineWire sa sagot. Nakatuon lamang ako sa bid form ko habang nakikinig. five months is too fast para sa isang sixty thousand square feet area. Mataas roofing ng warehouse dahil mga yate ang ipapasok dito at hindi lang basta mga kahon. At saka ang liit pa ng total amount nila. They're in a tight budget. A low number is not a good one.

"Ms. Dreyfus."

Agad akong nag-angat ng tingin. Nasa akin ang atensyon nila.

Ilang beses ba akong tinawag? Sana isang beses lang. But the way I see it, parang mahigit pa sa isa. Rouge's glare is making me feel inferior.

"You can finish this in seven months? Don't you think the duration is too long than LineWire's five months bidden schedule?"

Ako lang ba ang tinanong niya? Hindi lang ako ang tao rito pero ako yata ang pinag-iinitan niya ng katanungan.

Binitawan ko ang bid form at may kumpiyansa siyang tinignan.

"Five months is impossible for a sixty thousand square feet project. Well it is kung mas mababa ang height ng warehouse. And in those seven months, we have considered the weather conditions.

Paano kung umulan? Siyempre may delay sa construction. We don't make our workers work on a rainy day dahil delikado sila lalo na ang nasa scaffold. But that depends kung may roofing na."

"How about your non-specific amounts on each one listed here on your tabulation?" agad sumunod ang panibago niyang tanong.

Inalala ko ang sinabi sa 'kin ni Sir Marquez na siyang project manager namin.

"We usually start from the basic amount since the prices of the supplies vary each week. In that manner for the past years, we have been gaining a total client satisfaction from our previous clients. There's only a point five to one and a half percent change by the end of the construction.

The remaining percent, we consume it to some improvements kung meron at kinakailangan. It could be on the dry walls, installation plumbings, electrical...mga minor improvements lang."

"But I need the specific. I need a competitive price." Walang emosyon niyang sabi.

Hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa sina-scan niyang mga papel. Nahagip ko ang company logo ng Vedra Corp. sa papel na binabasa niya. 

Umani ng atensyon ang pananahimik ko. How come I haven't thought of the possibility na hihingan niya ako ng specific cost?

Yumuko ako at hinalughog sa bag ang draft ng tabulation kung saan nakalahad doon ang mga specific amounts kahit sa kalaliman ng kaalaman ko ay alam na hindi ko ito dala. This is such a lame excuse, Lorelei!

Ewan ko kung relief ba o karagdagang kaba ang igagawad sa 'kin sa pagbaling ni Rouge sa iba. I don't know kung binibigyan niya ako ng oras na mahanap ang hinahanap ko, o baka alam niyang hindi ko dala ang hinihingi niya.

Napalitan ang kaba ko ng inis dahil sa magaan niyang interrogation sa iba. How come he's harsh on me? Masyado naman ata niya itong pini-personal. So unprofessional of him!

And now he's talking to Yucille na binabalandara pa talaga ang ngiti niya sa kanya. So different from the way he has been treating me for the past minutes.

I know na dapat lang na magpakita siya ng dominasyon dahil nasa teritorya nila kami, pero kanina ko pa napapansin na iba ang trato niya sa iba. Kung sa pamilya pa, sila ang paborito niyang anak at ako ang suwail para sa kanya.

Marahas kong sinara ang zipper sa 'king bag at umayos ng upo. Walang ka-amor amor akong nanatiling nakaupo habang pinapakinggan ang tawanan nila ni Yucille. Bidding my ass!

Umigik ang swivel chair at kita sa gilid ng aking paningin ang paglalayo ng kanilang mga mukha. Pinapakita lang nila kung gaano sila ka-unprofessional.

"So Ms. Dreyfus? I'll rephrase my question. Ms. Saavedra here has a much cheaper total amount of the materials. Among the four, you have the most expensive cost. Do you think pipiliin ko ang proposal mo kung may nakita naman ako ditong mas mura ang pricing kesa sa 'yo?"

Malamang hindi. You're making me look dumb in front of these people, Verduzco. Isang insulto mo pa sa 'kin...

Bumuntong hininga ako. Bahala na kung nakikita niya 'yon. I want him to know that I'm an inch closer into losing my temper.

"There's no delivery charge in the materials from our chosen supplier. We'd get the same price by the end of the year with no delivery charge since we have already bought that in a not much cheaper price.

Kesa sa doon kami bibili sa mas mura, then along the way we're going to be charged by its taxes lalo na sa manufacturing kung hindi pa available ang supply. In the end, mas magiging mahal ang gagastusin ninyo." diin ko.

Natahimik ang buong conference room. Mukhang nagulat pa ang katabi ko dahil sa kakaibang tono ng aking pananalita. Malamang! Malapit nang sumabog ang ulo ko sa inis!

Tumitig si Rouge sa 'kin. Hindi ko mabasa kung ano ang kahulugan ng titig niya pero wala na akong pakialam doon.

Tinaasan ko siya ng noo at kilay. Natahimik ka, Rouge?

Kita ko ang pagtango ni Yucille. Nandito lang naman siya para kay Rouge. I don't think may pakialam siya kung makuha nila ang project o hindi. Pagbo-boyfriend lang naman siguro ang inaatupag niya.

"How sure are you that you'd be able to complete the project in seven months time? Isn't it non-ideal knowing may pending project pa kayo sa ibang kliyente?"

And he's being unreasonable. Kung alam naman pala niya na may proyekto pa kami sa iba, bakit niya pa ako pinapunta rito? Para ipahiya?

At tsaka Lorelei, bakit ka naman kasi pumunta? Hindi ka naman pinilit.

Kumiliti sa leeg ko ang hibla ng buhok kong inaanod ng hangin ng aircon. Hindi ako makagalaw sa lamig. Namamanhid na rin ang labi ko.

"We have sixty four workers—"

"Kahit na." putol sa 'kin ni Rouge. "Not all sixty four workers of yours can work in the same site at the same time, Ms. Dreyfus."

Kinakalma ko ang sarili. Kung wala lang ako sa RV premises kanina ko pa siya sinakmal. Halos makita ko na ang ngisi na naglalaro sa labi niya. You're enjoying this, huh?

Binasa ko ang labi ko sa panunuyo nito. Mga manhid ba ang mga taong 'to na hindi makaramdam ng sobrang kalamigan? Gusto ko nang ipapatay ang aircon!

"Minimal nalang ang ginagawa nila sa ibang project. Currently they're almost done with the interior paint wall in Arevalo's distribution warehouse," ani ko.

Mali yata ang nasabi ko. I mean it's not pero mali ang paraan ng aking paliwanag. I shouldn't have mentioned that we are currently working with RV Lines' rival. Isang malaking ebidensya doon ang madilim na mukha ni Rouge at ang pagtiim-bagang niya.

Pero wala naman sigurong mawawala sa amin kung hindi namin makukuha ang proyekto. We have a lot of offers from other companies.

But being offered by one of the most sought after and first Luxury Cruise Ship Line Company in the country, para na ring gawa sa ginto ang . mo. It's like putting gold in your paper!

Kaya susubukan kong hindi galitin ang lobo. Susubukan lang, I can't promise dahil miski ako ay paubos na ang pasensya sa kanya.

Iisang linya ang guhit sa kanyang labi. Gumalaw ang kanyang Adam's apple sa ginawang paglunok saka siya  padabog na sumandal sa swivel chair.

"Please continue." Halos hindi bumuka ang kanyang bibig. 

"If you have further reviewed my tabulation, nakasaad doon ang performance bond na magagawa namin ang proyekto in seven months. If lalagpas doon, tatanggapin namin ang charges na ipapataw."

Kumitid ang mga mata ni Rouge. "You seem so sure na magagawa niyo in seven months. Bakit pa may performance bond?"

"Siyempre Mr. Verduzco, hindi naman po kami manghuhula. We don't know what lies ahead, there might be delays na hindi natin inaasahan."

Pinag-krus ko ang aking binti. Ang lamig na talaga.

"Like what? Hindi ba ninyo pinagsasabihan ang mga trabahador niyo sa project deadline kaya nagre-resulta ng delay sa schedule?"

Inignora ko ang may panunumbat niyang tono.

"Our workers are efficient, I assure you Mr. Verduzco. And another thing that I like to assure, sa isang dekada na naming naninilbihan, so far wala pa naman kaming nagiging major accidents gawa ng mga trabahador namin. Merong minors lamang, hindi naman kasi iyon maiiwasan."

Ngumuso siya't dumungaw muli sa mga kopya ng aming construction bid proposals. Hindi ko na pinapakinggan ang bid ng iba dahil sa naramdamang lamig, gutom at uhaw. Ini-imagine ko na ang bibilhin kong pagkain mamaya pagkatapos nito.

"...we're not in a tight budget naman, Sir. And to make things sure ay nilalagyan namin ng isang buwang allowance ang proyekto that's why we make it eight months."

Iyon lang ang naabutan kong sinasabi ng katabi ko sa Mayhem Ltd.

Napahikab na ako nang tinawag ako ni Rouge. Kaagad kong sinara ang aking bibig.

"In between seven months and six months, I think I'll go with six months na magagawa ng Vedra Corp. Why can't you make it in six months?"

Aba'y bakit ako ang tinatanong niya? Bakit hindi sa Mayhem Limited na eight months ang bini-bid na buwan?

Kalma Lory. He's provoking you.

"We have considered a lot of conditions, Rouge." diin ko. Nasabi ko na ito kanina.

"Mr. Verduzco." He corrected. Pinigilan kong hindi siya irapan.

Lihim akong huminga ng malalim.

"We have considered a lot of conditions, Mr. Rouge Heathcliff Monsalve Verduzco." Muli kong ani.

Natigil siya sa pag-scan ng papel at sinamaan ako ng tingin.

O, ayaw niya nun kumpletong pangalan na ang sinabi ko? Isasali ko pa ang edad at birthday niya kung gusto niya.

"Conditions like?" Masama pa rin ang tingin niya sa 'kin. Pinigilan kong hindi mag-tago sa ilalim ng mesa at tumawa.

"Weather conditions for example. It's in my proposal," sarkastiko kong ani at minuwestra ang mga papel sa harap niya. "I hope you have read it. The holidays and the weekends, too. We only have five man working days in a week. Siyempre kinokonsidera rin namin ang kapakanan ng aming mga trabahador."

Sinubukan kong ibaba ng konti ang aking skirt sa naramdamang panlalamig ng aking binti. Bakit ba naman kasi ako dito umupo?

"Ms. Saavedra?" malamyos ang boses niyang sambit kay Yucille. Bakit ang unfair niya?

"Six man working days in a week. Three hundred forty minimum wage," nakangiting sabi ni Yucille.

Tinignan ni Rouge ang aming mga sheets, mukhang pinagkukumpara. Kumunot ang noo niya. Oh, I hope it's not me again.

"Ms. Dreyfus," may talim ang kanyang tono. Ang unfair talaga!

"Minimum wage of your workers is a low one. It's not like it's my concern but aren't you alarmed by this? I thought iniisip niyo ang kapakanan ng mga trabahador niyo?"

"It's still within the range of what should be the minimum. Sinali na kasi namin sa pagkaltas para sa insurance at ilang benepisyo nila. So hindi na namin sila kailangan singilin o bawasan ang nakasaad nilang wage," paliwanag ko.

Sandali niyang tinignan ang mga forms bago inayos at nirolyo. Inangat niya ito at pinangalandakan sa 'min habang nakasandal sa kanyang upuan.

"I'll study these again, and one of you would expect a call from us this week." Nasa taas ang mga mata niya, nag-iisip. "Probably by Friday."

Tumango kami. Hindi ko na aasahan ang tawag. I'm sure he'll get Vedra, basing from his favoritism treatment to Yucille Saavedra.

Bahagya niyang inikot-ikot ang swivel chair. "Thanks for coming."

Lumikha ng ingay ang pag-tayo namin. Nanatili si Yucille sa kanyang inuupuan at kinakausap si Rouge. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at sinuot ang bag ko saka naglakad palabas ng pinto. Kanina ko pa gustong kumawala sa lamig.

Dumiretso ako sa cr upang makaihi. Paniguradong dahil ito sa ininom kung kape at sa lamig pa ng conference room. Paglabas ko sa cubicle ay nanalamin ako.

Kita ko ang aking pamumutla sa likod ng kumukupas kong nude lipstick. Nag-reapply ako bago lumabas.

Halukipkip na nakasandal si Rouge sa pintuan ng conference room. Nakangisi siya kaharap ng nagsasalitang si Yucille. Hindi ako maka-daan dahil nakaharang si Yucille kaya kailangan ko pang mag-excuse.

"I see you later?" untag pa ni Rouge sa kanya habang dumadaan ako.

Humagikhik si Yucille bago sumagot. "Sure."

Nakatalikod na ako kaya hindi nila nakita ang aking pag-irap. My God! Ilang beses na nilang napatunayan ang pagiging unprofessional? Sa harap pa ng kanilang mga empleyado naglalandian? Mga walang hiya!

Bumukas ang elevator at niluwa ang ilang mga sakay. Naiwan sa loob si Douglas na bahagya pang nagulat nang makita ako.

Nag-bow siya at bumati. "Good afternoon po ma'am."

Ngumiti ako. "Good afternoon."

Mabuti pa 'tong assistant niya, pampa-goodvibes. Ang cute pa ng mata.  Papasok na sana ako nang may pumigil sa 'king braso.

Otomatikong kumunot ang aking noo nang makita si Rouge. "What?"

Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang kamay. "In my office."

"Bye Rouge," ani pa ni Yucille na nasa loob na nang elevator.

Tinanguan siya ni Rouge bago dumapo ang tingin niya sa 'kin. Inikutan ko siya ng mata bago ako sumunod. Habang hindi siya nakatingin ay dinungaw ko ang aking relo. Magfo-four na.

Muli na naman akong pinasabugan ng lamig pagka-pasok sa kanyang opisina. It's my first time being in his office, sa daddy lang naman kasi niya ako nakapunta. Minimal at manly ang disenyo nito, naglalaro sa black and cream ang interior na may mga framed paintings sa bawat sulok.

The furnitures are all hardwood-made. Low lighting ang mga wall lights na nag-complement sa kremang pintura ng pader. Sa gilid ko ay isang malaking halaman na may unique na disenyo ng paso.

Sa likod ni Rouge ay isang wall to ceiling na bintana kung saan makikita ang view ng karagatan at ang mga cargo sa baba. Makikita rin yata galing dito ang site ng construction.

"I choose your company," pahayag niya pagkatapos niyang umupo.

Tinamaan ako ng pagtataka. "I thought by Friday ka pa tatawag?"

He shrugged. "Mabilis akong pumili eh."

Parang kinulangan ako sa conviction sa sinasabi niya.

"Doesn't seem like you want to choose us. Alam ko naman na Vedra talaga ang gusto mong kunin," mapait kong ani.

Umangat ang isa niyang kilay, animo'y naghahamon. "How so?"

Madrama ko siyang inikutan ng mata. "Oh c'mon! You have plans with Yucille, so my first impression would be na sila ang kukunin mo."

May pa-see you see you later pa siya kanina. Don't dare fool me, Rouge. Don't dare fool me again.

"I have different plans with her later, it's not about this," pigil ngiti niyang sabi. Nanunuya ang mga mata niya. Nairita ako.

"What?" naiinip kong untag. "So yun nga, kami ang kukunin mo. Do you mind dismissing me now?"

Hindi na niya napigilan ang pag-ngisi. "Not yet."

Tinaliman ko siya ng tingin, pero parang hindi naman siya natinag. Mas kumislap pa ang aliw sa kanyang mga mata.

"Pinahiya mo ako kanina. Kanina ka pa sa guard house, ha? Ano ba talaga ang kailangan mo?"

Umangat ang kilay niya na parang may napagtanto.

"Oh, iyon ba?" tumayo siya at naglakad papunta sa harap ng desk at umupo doon. "I'm in my businessman mode a while ago. I'm in my loverboy mode right now. So yeah...here I am."

You mean alpha mode. Wait, tunog dessert 'yon like 'ala mode'. Rouge alpha mode. Natatawa ako sa pinag-iisip ko. Damn, I'm really hungry.

"Why are you smiling?" nasa pagitan ng aliw at seryoso ang kanyang ekspresyon.

"I'm not," depensa ko.

Isang beses siyang nagpakawala ng tawa saka siya. Tinanggal niya ang unang dalawang butones ng kanyang dress shirt dahilan upang makita ko ang kwintas niya na hindi ko naman namalayang suot niya noon.

Tinuwid niya ang mga binti at pinag-krus ang mga paa.

"I know you are. You can't hide it from me. Namumula ang mukha mo kapag nagpipigil ka ng ngiti. And that turns me on." Gumaspang ang boses niya sa huling salita.

Wala akong malunok na laway pero pakiramdam ko ang kapal ng harang sa aking lalamunan.

"Do you want to hear other things that turn me on, Lorelei...?"

Hindi ako pinaimik ng nagbabaga niyang tingin sa 'kin lalo na nang pinasidahan niya ako. He's like undressing me with his eyes it made me squirm a little bit.

"That skirt of yours." Nguso niya sa pencil skirt ko. "Actually kanina ko pa 'yan gustong punitin. That blouse? God forbid but I want to tear that out of you, too. Your mile-high legs, ahh...I want that wrapped around my waist with your heels on while I'd be so deep into you that you'll never want me to pull out."

Nabulunan ako gawa ng matinding kaba. Nanayo ang balahibo ko sa pinagsasabi niya. Pinagdikit ko ang aking mga binti at napapahilod sa aking mga kamay.

Parang may gusto akong isuka kahit kape lang naman ang laman ng tiyan ko.

Tuluyan nang tinunaw ng init ang lamig na naramdaman ko dahil sa aircon lalo na nang tumayo si Rouge at dahan-dahang humakbang papalapit.

Nanlaki ang mga mata ko samantalang nananatili ang marubdob niyang tingin sa 'kin.

"See, Lorelei? Three and a half years and I've been living with no sexual contact with anyone because those thoughts of me and you have been reeling in my mind...driving me mad. At kung hindi ka pa aalis diyan sa harap ko at patuloy mo akong tutuksuhin sa pamumula ng mukha mo, baka maisagawa ko ang mga sinasabi ko sa 'yo. And that's not a threat."

Mabiis kong inabot ang doorknob at pinihit, sinisikap abutin ito sa panginginig ng aking kamay at pamamasa ng aking palad. Hindi ko nagawa pang isara nang maayos ang pinto dahil sa pagmamadali kong makatakbo na pakiramdam ko'y hahabulin niya ako.

Bago ako nakalayo ay rinig ko ang mala-demonyo niyang halakhak mula sa loob ng kanyang opisina. Fuck shit ka Rouge!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro