Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY

Damang-dama ko ang mahinang pag-lagutok ng buto ko sa aking pag-inat bago ako bumangon sa couch. Kailangan ko na talaga ng exercise. I wish Lorca's here para makapag yoga ulit kami. Pero sa pagiging abala ko ay para na rin akong nakapag-ehersisiyo.

Sumilip muna ako sa silid ni granny, payapa at mahimbing siyang natutulog kaya maingat ang mga hakbang na ginawa ko papuntang kusina. Mahirap siyang patulugin, minsan kailangan ko pang pa-inumin ng half-dose ng Ambien para sa kanyang insomnia.

Nagtimpla ako ng kape, kailangan ko ito ngayon para sa pag-check ng mga financial reports. Minsan kasi nakakaantok pagmasdan ang sobrang daming numero. I've also had enough training sa mga maliliit na kompanya rito sa Vegas so I think handa na ako para sa pagpasok ko sa DC.

Inihipan ko ang mainit na kape saka tinikman ng kaunti. Bago ko pa mailapag ang mug ay may kumatok sa pinto. That must be Lauris.

"Coming!" malakas kong sabi dahil panay ang kanyang pagkatok. Impatient as always!

"Ang ingay mo—"

Muntik ko nang maibagsak ang hawak kong mug. Malayo sa inaasahan kong makita siya rito. I'm in Las Vegas for fuck's sake! Ganon na ba talaga siya ka-desperado sa kapatawaran ko?

All I could muster was to mouth his name. Sinusubukan ko pang hanapin ang boses kong bigla nalang lumisan sa 'king lalamunan. The wild beating in my chest almost knocked the air out of my lungs.

Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. He's merely staring at me. He still looks like the same Rouge that I fell in love with. Pero ako, alam kong nahalata niya sa 'kin ang gulat.

"What are you doing here?" malamig kong tanong nang matagpuan ko na ang aking boses.

Nagsalubong ang makapal niyang kilay at dinilaan ang ibabang labi. May dinukot siya sa back pocket ng kanyang jeans. He's casual today. The arid Las Vegas climate has something to do with that.

"I'm just here...to give you this." Ang baritono niyang boses ay naghatid pa rin ng pananayo sa balahibo ko.

Tinanggap ko ang inabot niyang dark pink hard envelope na may light pink ribbon. Medyo nalukot na ito dahil sa pagkaka-ipit sa bulsa niya. Kinabahan ako sa maaaring laman nito. What is this for?

"Ano 'to?" nag-iinit na ang sulok ng dibdib ko sa labis na kaba. Wala pa akong nainom pero gusto ko nang sumuka.

"Sana makapunta ka."

'Yon ang huli niyang sinabi bago siya tumalikod at iniwan akong tulala at hindi pa rin makagalaw sa gulat. Walang lingon siyang nagtuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa naglaho siya sa mga mata ko.

Sinara ko na ang pinto at sumandal doon. Pinakalma ko muna ang bayolenteng pagkabog ng puso ko bago ako tumungo sa couch at umupo na nanghihina pa rin ang tuhod. Nilapag ko ang mug sa mesa at sa nanginginig kong mga kamay, kinuha ko ang laman na silver pink na card sa envelope.

Walang silbi ang ginawa kong pagpapakalma sa sarili pagkabasa ng nakasaad sa card. It's an invitation. They invited me to their child's birthday! Wow! Isa ito sa mga sandali kung saan mapapa 'What the fuck?' ka nalang.

Salamat sa imbitasyon, Rouge. Gagawin niyo pa akong ninang!

Imbes na matuwa ay nilamukos ko ang card at tinapon ang sobre saka ako humagulhol. Sa tingin ba talaga nila pupunta ako? Who in their right mind would have thought so? It will never be a possibility. Never will I ever want to see their child.

Nagising akong naliligo sa pawis. Daig ko pa ang sumali sa fun run sa bilis ng aking hininga at pagkarera ng puso ko. What the hell was that?

"Lory, something's ringing..."

Nilingon ko si granny sa pool area na bumalik sa pangga-gantsilyo habang nasa kanyang rocking chair. Lumabas ako at nilapitan siya. Inayos ko ang plaid wool blanket sa kanyang kandungan na halos sumadsad na sa sahig.

"Sorry, granny. Did it wake you up?"

"Not at all, sweetie. I dozed off a little while crocheting..." aniya, tipid akong ningitian.

Nakikita ko sa kanya si mommy dahil kay granny siya nagmana. Kaya nagtagal ako rito sa Vegas dahil kapag malapit ako kay granny, parang kasama ko na rin si mommy. They even sound alike it's somewhat scary. Yet, it's nostalgic to me.

Tumunog ulit ang Macbook. Sa palagay ko'y ang pag-ring nito noong una ang dahilan kung bakit ako nagising. Nakatulog ako sa pagbabasa ng mga reports ng DC mula sa Pilipinas. I'm doing the work online even when I'm away.

Nag-pop up ang windows ng Skype at naka-rehistro ang pangalan ni Lorca. Kaagad ko itong sinagot. At ang bruha, mas gumanda! Palibhasa magkaka-baby na.

"Couz!" bungad niya. Medyo magulo pa ang mahaba at kulay karamelo niyang buhok.

"Hi! Musta! Ano daw gender ng baby mo?" hinanap ko ang mug ng kape sa likod ng Macbook nang maalalang sa panaginip ko lang pala 'yon.

"It's a boy!" masigla niyang anunsyo.

Kinuha ko ang Macbook sabay tayo at nagtungo sa kusina. Nilipat ko sa kitchen island ang Mac. Sa kaharap na counter ay gumagawa ako ng kape na siyang nagdala sa 'kin pabalik sa panaginip ko.

"Sure kang buntis ka?" tinitigan ko siya sa screen. "You're slim!" umupo ako sa counter.

Tumawa siya. Kahit may pagka-blurred ang screen ay halata pa rin ang natural glow ng kanyang pagbubuntis. "Mana-mana lang 'yan. Payat din si mommy noong ako ang dala niya."

Wala na akong naging balita sa pamilya niya pagkatapos kong lumuwas dito sa Vegas. But Lauris said that they've patched things up. Noong kinasal siya ay pinadala ko ang aking regalo sa kapatid ko. According to him, si tito Francis ang nagdala kay Lorca sa altar kahit nandoon naman ang totoo niyang ama.

"Anyways," biglang sumeryoso ang kanyang mukha at mapanuri akong tinitigan, "I can't help but to talk about what Lauris had told me. Alam ba ng dad mo? I know you know what I'm talking about."

I knew Lauris would tell her sooner.

"Si Lauris lang ang may alam because he was here, he's with me. And now, you." Walang interest kong ani. Pag-usapan na namin lahat, huwag lang ang tungkol doon.

May pag-aalala ang kanyang ekspresyon. "How are you?"

I shrugged "I'm good."

Sanay na rin naman akong magsinungaling, kaya sanay na akong sabihin na ayos na sa 'kin ang nangyari kahit minsan ay binabangungot pa rin ako nito.

"Ba't hindi mo pinaalam kay tito?" maingat at mariin niyang untag, trying not to let anyone hear her.

Sumilip ako sa bintana at dinungaw si granny na busy sa kanyang pangga-gantsilyo, nagha-hum pa ng lumang kanta.

"He doesn't have to know. It's depressing, I don't want to spoil their happiness."

Wala naman sigurong may gustong makarinig ng malungkot na balita sa gitna ng isang kasiyahan.

Nilipat ni Lorca ang buhok niya sa kaliwang balikat kaya kita ko ang obvious protuberance ng kanyang collar bones at scripture tattoo niya doon. Parang sleeveless ang suot niya o baka nakahubad siya? I'm not sure, hindi naman kasi marunong mahiya ang pinsan ko.

"Sabagay. Babae pala ang anak ng stepmother mo in case hindi mo pa alam kahit ilang taon na ang lumipas. I'm not sure kasi kung dapat ko pang sabihin." Walang gana siyang nagkibit balikat. "Well...bumisita si tito Lucas dito sa Cebu and he told us the news about it two years ago. He invited us sa first birthday ng bata."

Kumunot ang noo ko. "You went?"

"Yeah. The kid looks a lot like your stepmother. Maganda..." ngumiwi siya.

Mabilis kong inubos ang kape at sinalinan ng tubig ang baso. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. My dream has something to do with this after all.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa counter at hinarap ang Macbook.

"So tinanggap pa rin pala niya ang bata kahit hindi sa kanya. Nagpahanda pa sa birthday," mapait kong ani.

Nakatunghay lang sa 'kin si Lorca sa screen saka nag-kibit balikat, na parang katulad ko ay iniisip din niya na isa itong mapait na balita.

Suminghap siya at umayos ng upo. Biglang lumuwang ang mukha niya. "I saw Rouge sa isang charity event. Damn that man's getting hotter every single time I see him!"

Napaikot ako sa 'king mga mata. "Don't speak bad word, please."

Tumawa siya. "Is that equivalent to fuck, asshole, shit and the likes?"

Nahinto ang kanyang tawa nang bumukas ang pinto sa kwarto niya. May sumita sa kanyang lalake. That must be her husband. Dinilaan niya lang 'to bago ako hinarap sa screen.

"His name is against the ten commandments," sabi ko saka siya sinabayan sa pagtawa.

Kita ko sa likod niya ang pagdaan ng matipunong lalake na naka topless. May cousin is one lucky bitch!

"Haaay nako Lory...almost four years ka na jan sa Rancho Bel Air at hanggang ngayon may bitterness ka pa rin sa kanya?"

I don't know. Malalaman ko lang naman siguro kapag nakita ko na siya. But I'm terrified even by that thought of seeing him again. Hindi malayo 'yon since minsan nang nagkaroon kami ng project sa kompanya nila. Pinapapasok kaya siya sa aming building?

I think up until now ay may negotiation pa rin ang dalawang kompanya at hindi lang pinapaalam sa 'kin ni Lauris. It could be na siya ang nag-aasikaso sa proyekto namin sa kanila.

"How's Las Vegas anyway?" untag niya. Inabutan siya ng baso ng gatas ng kanyang asawa saka kumaway sa 'kin. Napatakip ako sa bibig ko at kumaway pabalik. He's so gorgeous damn it!

"Still a city of sin."

Napahalakhak si Lorca pagkakita sa reaksyon ko dahil sa husband niya. "Nagka-casino ka lang jan noh?"

Umiling ako. "Nag-aplay akong stripper!"

Humalakhak siya. "Did Zavid approve?"

"Hindi niya alam," biro ko.

Patuloy ang panunudyo niya sa 'min ni Zavid. Well what can I do? The guy's not that hard to like. Bumibisita rin siya rito twice a year at maliban kay Lauris, isa siya sa mga nagturo sa 'kin about sa business since palaging magka-sosyo ang mga kompanya namin.

"How's granny by the way?" untag ni Lorca.

"She's here." Bumaba ako sa counter. Dinala ko ang Macbook sa pool area. Inusog ko papalapit ang mesa saka nilapag ang Macbook paharap sa kaniya. "Granny, Lorca's video calling us."

Huminto si granny sa ginagawa at malaki ang ngiting kinawayan ang screen.

"Granny! Looking young at eighty three, huh?"

Hinayaan ko muna silang mag-usap. Bumalik ako sa kusina upang maghanda ng snack since hapon na ngayon dito. Maya-maya lang ay uuwi na rin ang kapatid ko. Kanina pa 'yon umalis para mag-grocery.

Sa mga binalita ni Lorca, napagtanto kong tama lang ang ginawa kong pamamalagi rito. Noong unang chat namin—that was within the week of my departure from the country—ay nang-harass daw sa kanya si Rouge at tinanong kung saan ako banda sa Vegas nanatili.

Then I was like, how's he even able to know that I'm here in the first place? Walang nakakaalam sa destinasyon namin maliban kay dad, tita Angela at Lauris. Doon palang nalaman ni Lorca na umalis ako nang nag-chat siya sa 'kin dahil nga sa pangha-harass sa kanya ni Rouge. Muntik pa nga raw nagbugbugan sina Rouge at ang asawa ni Lorca na siyang nobyo pa niya noong panahong 'yon.

Sumunod ang pag-message sa 'kin nina Jezreel at Lila na ganoon din ang ginawa sa kanila ni Rouge. I told them everything but my exact location in Las Vegas na naintindihan naman nila.

A month after that ay wala na akong natanggap na mga sumbong. Thank God napagod din siya sa panggugulo sa mga kaibigan ko. Maybe he has found someone new or...masaya sila ni Antonia. Well I don't know, hindi naman sila naghiwalay ni daddy.

Kung nanatili lang ako doon, patuloy niya akong guguluhin. I needed the distance, not just to reflect on things. Maraming nagagawa ang distansya pagkatapos ng kaguluhan.

Pero kahit lumalayo na ako ay sinusundan pa rin ako ng alaala ni Rouge. Because he left something in me. Now it's gone. At sa ilang taong nagdaan ay sinubukan kong kalimutan 'yon. But I always fail. Sadyang mahirap kalimutan ang mga bagay na nagdulot sa 'yo ng sakit.

Habang hinihintay na mainit ang frozen pizza, bumukas ang pinto at sinalakay ako ng pabango ni Lauris. Dito na siya palaging nagbabakasyon lalo na pagkatapos niyang pumasa sa board exam. Patuloy pa rin naman siya sa DC kahit nandito siya dahil katulad ko, ginagawa rin niya ang trabaho online.

Nilapag niya ang dalang mga brown paper bags sa island counter. "Sino kausap ni granny?"

"Si Lorca." Tinitigan ko ang microwave. "Babae raw ang anak ni Antonia?"

"Yeah."

Hinarap ko siya. Nagbukas siya ng container ng Ben and Jerry's.

"Wala kang sinabi," simple kong sabi.

Nagkibit balikat siya saka sumubo ng scoop. "I just thought you're not interested."

Siguro nga sa mga panahong 'yon ay hindi ako interesado. But I'm still curious. Wala lang, para naman hindi ako mabigla kapag umuwi ako ng Pilipinas.

"How old is the kid?" tanong ko.

"Kaka-three lang two months ago."

So the baby's alive. Hindi ko ito napatay. I'm relieved with the news, honestly. Hindi nga naman kasi dapat madamay ang bata. I'm done with my anger.

It's been three years and a half and I'm not the type to hold grudges. Siguro ito na 'yong panahon kung saan natuto na akong tumanggap ng mga pangyayaring hindi ko makontrol. Things that are out of my hands. And the consequence of this acceptance is peace.

Hindi pa nga lang buo dahil may mga unfinished business pa akong kailangan harapin like Rouge. I don't know how to face him. Marahil wala na 'yong galit but I still have to distance myself from him.

"Pupunta raw si Zavid dito. Nai-text ba niya 'yon sa 'yo?" nagtungo si Lauris sa sink upang hugasan ang kutsarang ginamit niya.

Umabot dito ang malakas na tawa ni granny. Ano na naman kayang binobola ni Lorca sa kanya?

"Yeah, he mentioned it. Tumawag siya kahapon. He's in Bakersfield right now visiting his mom. Sasabay siya sa 'tin sa pag-uwi," pahayag ko.

Tumunog ang microwave. Pinalagay ko kay Lauris sa plate ang ininit ko doong pizza habang gumagawa ako ng juice saka hinanda ang gamot ni granny. Rinig ko ang baritonong boses ng asawa ni Lorca at halakhak niya pagkalabas namin sa pool area. Nilapag namin ang mga hinanda sa light wood table doon na pinaglalagyan din ng Macbook.

Nagpaalam na sina Lorca sa video call dahil maghahanda pa raw sila sa appointment nito sa OB. Sinave ko muna ang mga files bago in-off ang PC at binalik sa sala. Nilapit ko kay granny ang plate niya saka kami umupo ni Lauris sa pool gutter. Nakasadsad ang mga paa namin sa pool.

"Are you ready to be home?" biglang tanong niya.

Bahagya ko siyang sinimangutan. "Why should I not be ready?"

Malaki ang ginawa niyang pag-kagat niya sa pizza. "Ask yourself. Kung hindi ka pa handa, don't rush it. You can stay here as long as you want."

There's no reason for me not to be home. I'm okay now. Parang ginawa ko lang rehabilitation center ang Las Vegas to make myself clean once I'll get back home.

"I'm fine, Lauris." Pinaglalaruan ko ang tubig sa 'king paa. "Sino pala ang magbabantay kay granny?"

"Tita Angela and tito Mariano will stay here for a while. Pababalikin yata 'yong dating inarkila nila since naka-graduate na 'yon last April."

"Rhoda?" sabat ni granny sa usapan.

Tumango si Lauris at nilingon si granny "Yes, granny. Rhoda will come back."

"How 'bout Shirley?" tanong ko. Wala na akong balita sa batang 'yon.

Nanlaki ang mga mata ni Lauris na parang may napagtanto. Muntik pa siyang mabulunan. Uminom siya ng juice bago nagsalita. "Hm! Graduate na ng college si Shirley! Ewan ko nga paano nakapag-ipon 'yon. Scholar daw siya sa university, so..."

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sa pag-iingay ng doorbell. Wala naman kaming inaasahang bisita ngayon maliban nalang kung nahuli ang mailman sa pag-deliver ng package.

"May bisita ka?" tanong ko sa kanya. Inosente siyang umiling.

Ako ang nagboluntaryong buksan ang pinto. Pinusod ko ang aking buhok habang tumutungo doon. Hinila ko pababa ang umangat kong crop top bago pinihit ang doorknob.

Bouquet ng peach roses ang bumungad sa 'kin. Kinuha ko 'yon at upang makita ang nasa likod nito.

"Zavid! I thought you're in Bakersfield?"

Nabitawan ko ang doorknob nang pumasok siya at niyakap ako. His hand-carry left forgotten on the porch. "Surprise!" hinalikan niya ako sa labi. "I miss you."

"You spent three days here just last month." Natatawa kong sabi.

May aliw sa ngiti niya. "Last month pa 'yun, Lory..."

May mga yabag sa likod kasabay ang boses ni Lauris. "Sino 'yan Lory—" halata ang gulat niya nang makita si Zavid. "O pare! Akala ko nasa California ka?"

"Na-miss ko kasi kapatid mo." Inakbayan niya ako.

Makahulugang tumawa si Lauris. "Dito pa lang pakasalan mo na, baka may aagaw diyan pagbalik natin sa Pilipinas."

Umangat ang isang gilid ng labi niya at sa ngiting 'yon ay may bahid na banta. Para bang excited siya na may mangyayaring masama?

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa kanyang sinabi. Kung ano man ang ipinapahiwatig niya sa tinging pinupukol ng kapatid ko ngayon, siguro nga dapat lang akong kabahan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro