Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTEEN

"You're talking to the notorious Rouge Verduzco. What does he want?" bungad na tanong ni Lila pagkabalik ko sa table namin.

Pinagmasdan ko ang pagpasok ni Rouge sa lounge area kasunod ang humahalakhak na si Chaucer. He was the guy na katabi niya na may kahalikan ring babae.

Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso. Nanatili pa rin ang init gawa ng pinaghalong epekto ng inumin at ni Rouge.

I swear, that man is a personified sun! Hindi ka pa nakakalapit ay ramdam mo na ang init niya like he has this invisible sunrays extending his heat up to a ten mile radius.

"Nag-aya ng date."

Humalakhak si Lila. "Seryoso? Eh ikaw lang yata ang kilala kong parang ayaw na makipag-date sa kanya? Every woman wants to jump in any bed with him and ride on his Maybach."

May bahid ng pagkadisgusto akong umiling."Ayaw kong maging katulad ng mga babae niya."

Tinuro ako ng daliri niyang may hawak na sigarilyo. Napaatras ako sa binubuga nitong usok.

"You're no different sweetie. Just by liking him alone makes you one of them."

Parang sinulat 'yon ni Lila sa isang bato at tinapon sa mukha ko. Sapol na sapol.

Nagsalin siya ng tequila shot at inabot sa'kin. Tumanggi ako. I've had enough of it. Siya ang uminom sa shot.

"Loosen up. There's nothing wrong in liking him. Just be careful though. Subukan mo lang makipag-date sa kanya. One date won't kill you." aniya.

"Paano ako papayag Li, kita mo kung paano niya nilamon ang labi ng babae kanina, tapos ngayon mag-aaya siyang lumabas? It was a dick move of him!" inis kong anas.

Let's say gusto ko siya, but it doesn't mean na papayag ako sa gusto niya. Ano, main course niya yung babae tapos ako ang dessert? Anong klaseng panghimagas naman kaya ako? Lory de crema? Lorelei flan de a la carte?

Hindi ko narinig nagsalita si Lila. Paglingon ko sa pwesto niya'y nagme-make out na sila ni Vladimir. Wala na rin sina Jezreel at Gustav sa inupuan nila kanina. Bakit parang kinakabahan yata ako na wala sila?

Tumayo ako at inayos ang pagkakahapit ng aking dress.

"Li, I'll just take a leak." paalam ko.

Kumumpas siya sa kanyang kamay na hindi humihiwalay sa labi ni Vladimir. Napailing ako saka sumulong sa mga nagsasayawang katawan.

Lumala ang pagkapuno ng Roofdeck terrace ngayon at mas naging hyper pa ang mga tao lalo na't nasa kalaliman na nang madaling araw.

Tumingala ako. Umambag sa liwanag ng gabi ang full moon. Malinaw rin ang kalangitan at walang niisang bahid ng masamang panahon. Napakanta tuloy ako sa isip ko. I got a feeling that tonight's gonna be a good night.

Iniwasan kong madaanan ang pwesto nina Rouge. Nandoon pa rin ang mga kaibigan niyang sikat. Wala na yung mga babae. Wala rin sina Rouge at Chaucer. Oh, I don't want to think about on what they could be doing right now with their dates.

Wala pa ako sa'king destinasyon ay sinalubong na ako ng matatapang na mata ni Rouge. Natagpuan ko ang sariling huminto sa paglalakad. Hindi naman ako tumakbo pero hinihingal na naman ako dahil sa presensya niya.

"Hi Lory. How are you?" nakadungaw sa gilid niya si Chaucer.

Wala pa ring pinagbago ang kagaspangan ng kanyang ugali. Ngisi palang niya, alam mo nang may iniisip nang masama. He was being a good boyfriend to me, though. Mainitin nga lang ang ulo.

"I'm good." kaswal kong ani. It wasn't awkward between us. Trial and error lang naman yata yung relasyon namin so we ended it mutually.

Nag-uumapaw sa talim ang tingin na binigay ni Rouge sa kaibigan. Napawi ang ngisi ni Chaucer at sinimangutan pabalik si Rouge. Kahit ugali ay parehas sila. They're best friends, indeed.

"You're such a wolf who's about to grab a dog's bone." akusa ni Chaucer sa kaibigan.

Rouge growled. Talking about being a wolf...

Nagtitigan pa rin sila kahit humakbang na si Chaucer upang ako'y lapitan. Ningitian niya ako. That crooked smile could charm any woman along the way. I'd been there.

Mas matangkad si Rouge ng isa o dalawang pulgada kesa kay Chaucer. Hence, he's got a taller built but Chaucer is lean and muscular, too.

Hinawakan niya ako sa braso saka hinalikan sa pisngi. "It's been what? Two years?"

"Chaucer!"

Pati ako ay nagulat sa animalistic na sigaw ni Rouge animo'y inaagawan ng buto. Ayaw kong bumaling sa paligid, expected ko na kung ano ang reakyson nila. That animalistic protest wasn't hard to ignore!

Iritadong nilingon ni Chaucer si Rouge. "Stop barking, man. Nangungumusta lang eh." he hissed. Iling siyang bumulong."Fuckin' wolf."

"Wolves don't bark." angil ni Rouge.

Rinig ko ang ngisi ni Chaucer. "You're a crossbreed of both."

Hinarap niya muli ako at ningitian. "Nice meeting you again."

Tumango ako at tipid siyang ningitian. It isn't awkward but, hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan. Lalo na't nagngangalit na sa Rouge sa likod niya. Isang pitik lang ay aatake na siya.

Maarteng inikot ni Chaucer ang mga mata sa muling pag-angil ni Rouge.

"Arf! Arf!" pang-aasar ni Chaucer. Umalis na siya sa harap ko at hindi na nilingon ulit ang kaibigan.

Sa sahig ako nakatingin habang naglalakad papuntang cr. Kahit nakaharang si Rouge sa dinadaanan ay pwede ko naman siyang lagpasan. Yun ay kung hahayaan ko siya.

Which is, hindi rin nangyari.

Hinuli niya ang aking braso bago ko pa siya magawang lagpasan. "Where are you going?"

"Cr."

Dahan dahan niya akong binitawan. Bumulong ng kaunting haplos ang daliri niya. I secretly shivered.

Nilabas ko ang pinigilan kong paghinga nang makapasok sa cr. Some girls here are chitchatting and retouching. Dumiretso ako sa bakanteng cubicle at ginawa ang pinunta ko rito.

Diretso ako sa sink pagkatapos. Nag-excuse ako sa nakaharang na babae doon. Naghugas ako ng kamay, binagalan ko ang aking kilos at kinanta pa ang buong 'Happy birthday' song sa isip ko habang naghuhugas.

Nakipagtitigan ako sa mukha ko sa salamin. My make up is still intact. Medyo magulo nga lang ang aking buhok. Hindi lang yata utak ko ang ginulo ni Rouge, pati buhok ko nagwala dahil sa kanya!

I could still feel the warmth of his hands on my waist. And the heat of his breath on my neck. Napakagat ako sa'king labi. He has touched his lips on my skin, iba na ang naging epekto nito sa'kin. Pakiramdam ko minarkahan na niya ako. I almost moan. Damn!

Bago pa ako mapagkamalang baliw rito ay tinapos ko na ang birthday song at lumabas na nang cr.

Dapat pala ay slow version ng happy birthday ang kinanta ko. Di ko naman kasi inasahang maghihintay si Rouge, o ako ba ang hinintay niya o ang babae niya?

Nakasandal siya sa pader sa gilid ng pinto. Tumuwid siya ng tayo na hindi inaalis ang mga kamay sa bulsa. Nakasabit ang itim niyang suit sa kanyang balikat.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong niya.

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa roofdeck. "I'm with my friends."

"I'm going home. I'll take you with me." agaran niyang habol.

Dinakip niya agad ang kamay ko't hinila palayo sa roofdeck. Mabilis siyang naglakad, mabuti nalang at hindi pointed heels 'tong suot ko. But still! I could barely cope up with his quick strides na parang may walking race kaming sinalihan!

"Yung bag ko—"

"Lory darlin'!"

Tumigil ako sa pagtawag ni Jezreel. Thank God for my friend! Bumukas ang aking bibig upang magsalita ngunit inunahan ako ni Rouge.

"I'm taking your friend with me." ma-otoridad ang kanyang tono.

Doon nabaling ang mala-interesadong mga mata ni Jezreel. He's shamelessly ogling at Rouge's body.

He bat his lashes at nagtaas ng kilay. May spark yun ng pagsang-ayon. "Oh sure, gorgeous. But do you mind me asking about your gaydar?"

Umangat ng kaunti ang gilid ng labi ni Rouge. "Not in full bar. Besides, I don't have one."

Is he seducing my friend?

Maarteng tumawa si Jezreel at bahagyang tinapik ang kamay niya sa balikat ni Rouge. No, hindi pala tinapik. He's touching his biceps!

"I like you na!"

"We have to go." kinaladkad na ako ni Rouge.

"But my bag! Nasa kotse niya ang bag k—"

"Ako na bahala. Humayo kayo't magparami!" sigaw ni Jezreel na sinundan niya ng cheer. God! I felt like I was exploited in human trafficking!

Pinanatili ni Rouge ang pagkandado ng mga kamay niya sa'kin. Kahit nakasakay kami sa lift ay hindi niya binitawan hanggang sa makababa kami. Wala akong magawa. Hindi ako makatakas at kahit makawala man ako ay hindi naman ako makakauwi dahil wala sa'kin ang bag ko.

Inalis ni Rouge ang kanyang suit at tinakip sa'kin. Muli niyang kinuha ang aking kamay habang naglalakad.

"Why is it so easy for you to have this fast pace Rouge? You said we're friends, then you made out with a bitch, and now you're asking me to go out with you? Hindi mo nga ako pinansin sa office and who knows kung ano ang ginawa niyo sa conference room kasama si Yucille Saavedra."

Kalmado ang boses ko ngunit puno naman 'yon ng pagsumbat at hinanakit.

He chuckled. "Hindi pa nga tayo nagde-date nagseselos ka na."

Agresibo kong binawi ang kamay ko. ikinagulat niya ang aking ginawa dahilan upang mahinto kami sa paglalakad.

"I wasn't jealous! I was just pointing out something that could make you realize kung bakit hindi ako pumapayag na makipagdate sayo! Gusto man kita o hindi, I would still come up with the same choice."

Inis kong sinuklay ang aking buhok at bumaling sa ibang direksyon upang hindi siya matignan. Nasa valet parking kami. I spotted his Maybach right away. Lumapit ako since sa kotse rin naman niya ang bagsak ko.

Tahimik siyang nakasunod.

Sumandal ako sa pinto at humlukiphip, hinintay siyang i-unlock ang kotse. Yet, he's not making a move in doing so.

Nakatayo lang siya sa harap ko. sa ginawa ko muling paglingon sa ibang direksyon ay naaamoy ko ang pabango niya sa collar ng suit.

"I was thinking of you when I kissed her. I don't even know her name." malamyos niyang pahayag.

I huffed. "And were you thinking of me when you whisper something to her? Nakangisi ka pa nun, Rouge."

Naningkit ang mga mata niya't bahagyang tinagilid ang ulo. "You saw everything, huh?"

Umirap ako, hindi nagpatinag sa panunuya niya. "Hindi lang naman ikaw ang tinignan ko. You can't blame me, you have famous friends."

Not to mention he's friends with my ex.

Malalim siyang humugot ng hangin, like he was bracing himself for the impossible. At mabagal naman niya itong binuga.

"I'm terrified to tell you the reason of my behavior back there. Baka mas lalo kang hindi pumayag." aniya.

"Just tell me Rouge."

Humakbang siya papalapit hanggang sa maramdaman ko na ang paghinga niya. Namalayan ko nalang na hinihingal ulit ako.

Damn this man steals my lungs each time! Magnanakaw ng baga!

"Like I've said I was thinking of you when I kissed her." hinawakan niya ang gilid ng leeg ko at mapanuri ang tingin niya sa'kin. "Inisip ko na ikaw 'yon Lorelei."

Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang pagpapaamin ko sa kanya. Papalapit palang ang kanyang mukha ay pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko. Napahigpit ang kapit ko sa suit niya nang pinadulas niya ang kanyang labi sa'king pisngi papunta sa'king tenga.

Nanginig ako sa haplos sa kabila ng pagkalikha ng nagliliyab na bakas sa mukha ko.

"I was thinking that it was your hands messing my hair, touching my chest...I was thinking it was your voice moaning my name..." gumaspang ang boses niya sa pagbulong.

"You can't think of your friend that way." hirap na ako sa pagsasalita. Nais ko nalang ay ang huminga hanggang sa maging normal ang takbo ng pulso ko.

Tuluyan na niya akong kinulong sa kanya. Bahagya niyang inatras ang kanyang mukha upang madungaw ako.

"That's why I'm here asking you. I don't want to be friends with you anymore. And seeing you dancing back there in between two guys? Sandwiching you? You have no idea what went into my mind that time, Lorelei. It drives me crazy to even be reminded of it."

Mabigat ang pagkakatimbang ng talim at banta sa pagsabi niya sa huling dalawang pangungusap. So he saw that, too. Lumala lang ang kagustuhan ng puso kong sumabog. Nagfa-fireworks na sa loob ng dibdib ko!

Kinuwadro ng isang kamay niya ang aking pisngi habang nakatukod ang isa sa sasakyan. Dumulas yun pababa sa'king leeg papunta sa ibabang likod ng aking ulo hanggang maibaon na ang kanyang mga daliri sa buhok ko.

Hinalikan niya ako sa noo. "It won't happen again."

Hinapit niya ako at dinala sa kanyang pag-atras upang mabuksan ang pinto ng sasakyan.

Tunog ng aircon ang namagitang ingay sa'min. Marami nang nag-overtake na mga sasakyan sa bagal ng pagpapatakbo ni Rouge. His sidelong glances at me never went unnoticed.

"You look different." komento niya.

He's talking about my make-up. Eyeliner at dark maroon lipstick lang naman ang nag-iba.

"Is it bad?"

He shrugged. "I like you without the colors. You know, with what I used to see you wear which is the natural one."

Naghanap ako ng tissue pero wala akong nakita. Nahagip ko ang asul niyang panyo na alam kong mamahalin pero ito lang ang apropyado na gamitin.

"W-what are you doing?" mukha siyang natataranta.

"I look bad." madiin ang pagpunas ko sa'king labi at mata upang makuha ang make up.

"No! You didn't get it. It's just that...I mean...you're beautiful with or without it but I like you better without it." depensa ni Rouge.

Tumigil ako at nilingon siya. "So I look better without it?"

Frustrated siyang umiling, nahihirapan sa kung ano ang gusto niyang iparating.

"That's not what I meant. It's just for me, I like—I mean...you...I—"

suko siyang bumuntong hininga at mariing punikit.. "I prefer you without it."

"Kaya nga tinatanggal ko na." bubulong bulong ko.

Mahina siyang tumawa. "My opinion matters to you, huh?"

Kahit naman kapatid ko parang diring diri akong tinignan kanina. So maybe, I really don't look good with it.

"You look damn fine with it." ani ni Rouge na mistulang nabasa ang nasa isip ko.

"Fine isn't enough for me." bulong ko.

"You're saying something?" tanong niya.

"Wala."

"No, I'm sure you did say something." pilit niya.

"It doesn't matter. Just drive."

"Are you mad at me?" frustrated niyang tanong.

"No. Bakit naman ako magagalit?"

Nagtaka ako sa pagbagal ng takbo ng kotse. Huminto siya sa isang gilid na hindi pinapatay ang makina.

Hinarap niya ako. Hinawakan niya ang aking balikat at pinaharap ako sa kanya. Kinuha niya ang hawak kong panyo at dinispatsa. Binuksan niya ang glove compartment at kumuha ng wetwipes.

Pinunasan niya ang mukha ko. Mas lumamig ang pakiramdam nang lumapat ang wet tissue sa'king balat.

Nag-iwas agad ako ng tingin galing sa sandaling pagdapo ng mata ko sa kanya. He's already staring at me. His dark amber pools turned a shade lighter as it is blazing at me. Kahit nag-apoy ay namumungay naman ang mga ito.

"You're beautiful, Lorelei. And putting those colors in your face makes you so much as more than that. You're too beautiful for your own good."

Kumuha siya ng panibagong wet tissue at maingat na pinunas sa mukha ko. "I don't want them to see you looking like what you did earlier. I want to see you like that all by myself. And even without it. Bare."

Binulong niya ang huling salita, salungat sa intensidad na hatid ng kanyang mga mata. Mas ramdam ko ang aking kaba kesa sa aking paghinga. I tried summoning more oxygen, but my system's down and too weak to function.

Nag iwas lamang siya upang idispatsa ang mga nagamit na wet tissues. Binalik niya ang wetwipes sa glove compartment.

Tinignan niya muli ako at tinaas ang dalawang kilay. "Better?"

Kumunot ang noo ko. Bumukas ang bakod para sa paparating na baha ng pagka-inis.

"Did you just say that to make me feel better? If so, then—"

Hindi ko na natuloy ang aking dapat sabihin dahil sa biglaang pag atake niya sa labi ko. It was an immediate open mouth caress. Napadiin ako sa gilid ng pinto sa pagtulak ng kanyang katawan. Tuluyan nang napigtas ang aking hihinga!

Hindi ko nagawang damhin yun dahil sa gulat. Nanatiling nakabukas ang aking mga mata kaya nang bumitaw siya kita ko ang kanyang paghihirap; Nakakunot pa rin ang kanyang noo at mariing nakapikit ang mga mata.

Inis siyang dumaing ng mura habang nilalagay ang ulo sa'king balikat. Hingal na hingal kami. Halos madaganan na ako ng matigas niyang katawan. I could feel his racing heartbeat. Ganon kami kalapit.

"Please just say nothing more. We're inside my car and if you talk even just a bit one more time, I swear Lorelei. My self-control is wearing thin. Let it be that enough of a threat for you." hirap na hirap niyang ani. His whispering voice is gravelly and full of warning.

But the strange thing was...I'm not feeling threatened. Mas nahumaling pa nga ako sa pagbabanta niya. Tama nga siguro si Lauris, kailangan ko nang magpatingin.

But crazy people don't admit they're crazy! Inaamin kong nababaliw na ako so I'm not that crazy then.

Sinuportahan niya ang sarili sa pagtukod ng isang kamay sa headrest ng upuan ko at ang isa'y nasa dashboard. Hinila niya ang sarili upang mapaayos ng upo.

Napakagat ako sa'king labi. Bumaba ang tingin ni Rouge doon. His jaw clenched tightly. I heard him growl again and I'm not even scared. Sa gilid ng aking mata ay kita ko ang paglikha ng kamao ni Rouge, parang pinipigilan niya ang sarili.

Sa utak ko ay nagch-cheer na ako sa kanya na ituloy ang kung ano man ang naiisip niya ngayon. Come on, Rouge.

Mariin niyang kinagat ang kanyang labi sabay angat ng mga mata sa'kin. He's staring at me like I'm his much awaited prey.

Kung sa fiesta pa, ako ang litson. With an apple. Because I'm a vegan.

"Fuck this." mahina ngunit marahas ang kanyang pagmumura.

Umayos na siya ng upo sa driver's seat. Marahas siyang kumambyo at padabog niyang inapakan ang accelerator. Naiwan yata ang kaluluwa ko sa kung saan kami huminto kanina dahil sa bilis niyang pagpapatakbo!

Napakapit ako sa kung saan ang dapat kapitan and I'm not wearing a seatbelt!

"Slow down! Are you planning to follow the footsteps of your cousin? You're not a damn racer!"

Hindi siya nagsalita. Namumuti na ang kamao niyang nasa steering wheel at nasa gearshift. Parang hinahamon niya ng suntukan ang daanan!

That poor road.

Mabuti nalang at wala nang masyadong mga sasakyan ngayon dahil madaling araw.

"Malayo ang bahay namin. I can stay at your—"

"No. I'm taking you home." I heard a groan in his words. Parang hindi siya mapakali.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro