Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TEN

Tahimik ang naging biyahe pauwi animo'y mga deaf mute kaming dalawa ni Rouge na hindi nag-iimikan. Friends should be comfortable with each other, this is too far from how we're supposed to be.

Parang takot akong gumawa ng kaunting galaw kaya todo siksik ako sa upuan. The soft white leather chair gave me comfort. Panay naman ang tikhim ni Rouge, at di nakatakas sa gilid ng aking mata ang pagsulyap niya.

Mahinang thank you ang kumawala sa'king bibig bago ako bumaba sa Maybach. Dirediretso ang aking paglalakad papasok sa bahay na hindi siya ginawaran ng sulyap.

Narinig ko lang ang pag-alis ng kanyang sasakyan nang nakarating na ako sa pinto ng bahay.

I undoubtedly gave him the opposite impression of my prior statement. Di ko mapigilan ang sarili kong ganon ang iakto. I tried not to care but I do.

Tamad akong sumampa sa kama at hinugot ang aking cellphone upang mai-text si Violeta tungkol sa susuotin ko sa event. I'm sure she can create something for me before the week ends. Tinawagan ko rin si Lauris para sa susuotin niyang tux, he wants Violeta to do his outfit too kaya hinabol ko 'yon sa mga ipapagawa ko.

Inabala ko ang sarili sa mga gawain sa Vedra at sa thesis namin. Sa mga nagdaang araw, walang paramdam si Rouge. I'd expected it. Hindi naman kasi niya kailangang magparamdam. We're just friends after all. Kailangan kong paalahanan ang sarili kong wala akong dapat asahan.

It's already been implied. He didn't explain further kahit may pagkakataong sigurado ako na nag-insinuate siyang hindi lang limitado sa pagkakaibigan ang kanyang intensyon.

Kaya pinamemorya ko na sa dugo't utak ko na ganito lang, hanggang dito lang. Huwag na akong mag-overthink na hihigit pa doon ang kanyang kailangan.

Madaling masaktan, pero mahirap itong kalimutan. Kaya kung maaari, distansya Lorelei.

Dumating ang araw ng event. I don't know why I have to go. I think si dad lang naman ang may pakinabang doon. Estudyante pa ako, graduating I might add. And my being there would be uncalled for since hindi pa ako nagsisimula sa kompanya.

I tried asking my father. He said the whole family of the chosen guest should be present. Though I don't see it as obligatory. But in the business world, for the sake of honour and respect, we have to abide to it. Lalo na kapag mga Japanese tycoons ang nag-iimbita. Kahit hindi gusto dapat ay nandoon. Business is business. A slight excuse would be unacceptable.

Jezreel was doing wonders to my face. I don't have to find another make up artist dahil subok na ang galing ng kaibigan ko sa ganoong larangan. Hindi kami natuloy sa supposedly night out namin two Saturdays ago dahil inatasan siyang maging make up artist sa mga kandidata ng isang prestihiyosong beauty pageant.

"Sa lahat ng mga na-make upan ko mukha mo ang pinakagusto ko. Ang kinis! Maging vegan na rin kaya ako noh?" aniya habang nilalagyan ako ng eyeshadow.

"Bias ka lang." biro ko sa kanya.

"Oy hindi ah. Kahit hindi tayp close I swear sasabihin ko pa rin 'to."

Mahina akong tumawa. Limit ang kilos ko para maayos ang pagme-make up niya.

Pumasok si Lauris sa kwarto ko habang inaayos ang kanyang tie. Humarap siya sa aking full body mirror. My brother looks so dashing in his black suit and blue tie. Sinuri niya ang sarili sa iba't ibang anggulo.

"Magpapa make up ka rin Lauris?" nakangisi kong tanong.

Sandali siyang sumulyap habang inaayos ang kanyang kwelyo. "Wala akong salamin sa kwarto. I have one in the bathroom pero hanggang chest part lang."

Pansin ko ang mga nakaw tingin ni Jezreel kay Lauris kada nagpapalit siya ng brush para sa'king mata. Pinigilan kong hindi matawa.

Pumikit ulit ako para sa panibagong shade ng eyeshadow. Rinig ko ang mga hakbang ni Lauris palabas ng kwarto. Tumikhim si Jezreel. Doon na ako tumawa.

"Alam mong dati pa akong nagnanasa diyan sa kapatid mo. At hanggang ngayon, di mo pa binigay sa'kin number niya."

Nahinto kami saglit dahil sa aming tawanan. Jezreel is a year older than me. Nagkakilala kami dahil kay Lorca na siyang ka-batch niya noong college. At dahil malapit kami ng pinsan ko'y naging close na rin kami. I think na- adapt ni Lorca ang minsanang kakaibang ugali niya dahil karamihan sa kanyang mga nakaka-hangout ay ang mga ka-liga ni Jezreel.

Isang champagne colored evening dress ang aking susuotin, with an ivory lace overlay and long high-slit. The color, even the style ay bumagay sa'king make up. It is off-shoulder at sapat ang stilo nito to emphasize my cleavage. The backless lace runs down low across my lower back. Violeta has never let me down with this creation.

"Where's mommy Antonia, dad?" tanong ni Lauris nang nasa kotse na kami.

Napangiwi ako. Mommy Antonia?

"She can't come with us."

"I thought the WHOLE FAMILY should be there?" sarkastiko kong sabat.

Kinuha ko ang invitation ngunit inagaw ito ni Lauris.

"May activity daw ngayon sa school kaya matatagalan siya sa pag-uwi. And I don't think na makakahabol siya." sagot ni dad.

May nabalitaan nga akong activity sa school but that was particularly for the lower years. A symposium or something like that. It's nothing grand like intramurals or an acquaintance party. 

"Hindi naman siya kasali sa activity. She's just a facilitator. She can ask for a swap." di ko maialis ang pagtataray ko.

Maybe Henry was there kaya mas pinili niya ang school kesa ang makasama si dad sa isang launching party.

"So you want mommy Antonia to be with us, Lory?" nanunuya ang tono ni Lauris.

Inirapan ko siya. He got me right there!

Pero wala namang kaso sa'kin na makasama namin siya ngayon. I'm immuned to her presence already. Sa sobrang immune, madali nalang sa'king ignorahin siya. There are more things that can steal my interest than her.

Sa kalagitnaan ng sunset magsisimula ang event and we were able to reach the The White Harbor before the said time.   

Pinagbuksan kami ng pinto ng mga unipormadong ushers. They look like the guards from Birmingham Palace dahil sa suot nilang bearskin hats. Hindi ba sila naiinitan sa ganyan?

Tumapak na kami sa red carpet na nakalatag hanggang sa entrada ng malaking barko. It's literally huge na mapapatingala at mapapanganga ka, enough for a thousand passengers.

Pinapalamutian ito ng makukulay na series light at galing sa labas, kita ang karangyaan ng loob ng barko.

I'm sure that the one responsible for this doesn't know mediocre.

Maraming bumabati kay daddy at karamihan din sa kanila ay bumabati sa'min ni Lauris knowing we're dad's children. I'd never been aware of my father's popularity not until now.

Ito ang nakukuha ko sa hindi masyadong pag-iinteract sa mga tao. I chose the people to socialize to. Kaya minsan nag-doubt din ako sa kinuha kong kurso.

Socializing and media are predictable in the world of business. Hindi naman ako ilap sa camera. I even did a pose with my brother who loves to bask in the limelight.

Pamilyar ang karamihan sa mga nakikita kong personalidad dahil nasa mga social events din sila na dinadaluhan ni dad. May iba rin namang mga bago at mga nag lie low noon na ngayon lang nagtagumpay sa kanilang mga larangan.

I saw some of my friends na nakasama ko sa modelling noon. Nagbatian kami at nagkamustahan. I was highschool, huminto ako bago ako nag third year college dahil naging busy na sa school. Nagtagumpay ang ilan sa kanila sa modelling world. Ang iba ay lumihis sa fashion-related or designing field.

"Lory," naputol ang pag-uusap namin ng isa kong kaibigan sa pagtawag ni Lauris. "tita Angela is here."

"Excuse us. Let's chat later okay?" tipid ko silang kinawayan bago sumama kay Lauris.

Sinalubong na kami ng kapatid ng namayapa kong ina bago pa namin siya mapuntahan kasama ng kanyang asawa.

"Lorelei iha!" nagbeso kami. Her scent reminds me of mom. Sa mga magkakapatid siya ang pinakakamukha ni mommy. She's looking elegant in her sparkling red evening dress.

"Hello po tita. Long time no see."

"Oo nga. Your dad hasn't mentioned na pupunta kami?" tanong niya sa'min.

"He mentioned it to me." ani ni Lauris.

"His new wife is here? Hindi ako nakadalo sa wedding so I have no idea kung ano ang itsura niya."

Tinignan ko si Lauris. Nakangiti siya kay tita at siya na rin ang sumagot. "She's pretty. But she's not here."

Tumango si tita Angela. "Oh anyways...look at the both of you. Siete entrambi mozzafiato! You both look amazing with that dress and tux. Mana kayo sa maganda kong kapatid."

Nagtawanan kami at nagpasalamat. Tita Angela is good in compliments. Hindi nga yata siya marunong mang-alipusta.

"I agree with you on that Tita Anj. Grazie." natatawang sabi ng kapatid ko.

Tita Angela's husband is Italian kaya pumupunta sila sa Italy atleast once or twice a year. Though may isang taon silang namalagi doon kaya nasanay rin siya sa kanilang wika.

"I'm going to Las Vegas next week para bisitahin ang grandma niyo. You two are still in school right?"

Tumango ako. "Graduating po. The both of us."

Hinawakan niya kaming dalawa sa braso. "That's great! I'm sure your mother would be so proud of you."

"Thank you po tita."

"O sha, pupuntahan ko muna ang mga amigas ko. You two have fun."

Isang beses niya pa kaming niyakap bago naghiwalay ng landas.

Sa di inaasahang pagkikita namin ni tita Angela, naisip kong bisitahin si mama. We usually visit her mausoleum every month so I have to visit before the month ends which is fast approaching.

Sobra pa sa pagkamangha ang naramdaman ko pagkapasok namin sa loob. Ngayon pa lang ako nakakakita ng ganito kagarbong barko. No doubt this is a grand launching. Pakiramdam ko mga reyna't hari ang bagay sa ganitong klaseng lugar. Hindi mo mararamdamang nasa barko ka because the whole place looks like you're inside the royalty's palace.

The ground floor is the large piazza-style atrium. Puro kulay ginto ang nakikita ko sa dalawang pares ng spiral staircase. Pumapalibot naman sa gilid ang mga dining options.

Hanggang tatlong palapag ang terraces, at may iba't ibang amenities ang bawat terrace na yon. The railings are glass-made at goldish steel naman ang mga hand rails.

Buong akala ko ay sa paghanga lang sa tao ako mahihirapang huminga, but looking at this majestic view right now...I'm speechless. Wala akong mahagilap na perpektong pang-uri.

"This must have worth a million dollar." komento ng katabi kong si Lauris.

Sang-ayon ako sa kanya. Baka nga sobra pa. I don't even want to think of the bills being thrown just for this ship. Ayos lang naman siguro kahit simpleng cruise ship lang. Not this royal and grand!

May mas makikinabang pa kapag ido-donate sa mga kapus palad. But this? What's the cause? Unless may iba pang agenda kung saan makakatulong sa iba.

Hindi babagay ang simple sa ganito klaseng barko. Isang insulto kapag paghahandaan ng simple lang.

"I heard there's a boat show below." dagdag niya.

That seems like it. Kaya siguro maraming nag-kikislapang mga barko at yate akong nakikita na nakapalibot sa barko.

Puro paghanga ang naririnig ko sa bibig ng mga nandito. Kahit puro pagmumura ang naririnig ko kay Lauris, alam kong pagmumura 'yon ng paghanga. Ganoon siya ka-speechless.

"Hello everyone."

Nadestino ang lahat ng aming atensyon sa nagmamay-ari ng malagong na boses. May stage podium sa gitna ng dalawang tore ng spiral staircases. At nakatayo doon ang kilala kong personalidad. It was Herman Verduzco.

Nanikip ang aking damit sa pag-arangkada ng kaba sa'king dibdib. I looked around, looking for some signs of him habang hinihila ko si Lauris patungo sa gitna ng atrium. Kung nandito ang ama niya, posibleng nandito rin siya!

"This is the latest innovative addition to our coastal luxury ships under Voyage, a sister company of RV named after my father Ramses Verduzco. This grand launching won't be into fruition without the person behind it. Please help me welcome my one and only son, and my sole heir, Rouge Heathcliff Verduzco."

Otomatiko ang pag-click at flash ng mga camera sa paglitaw ni Rouge. He gloriously sauntered up to that stage in his all black suit. Kinamayan siya ng kanyang ama saka tipid-ngiting hinarap ang mga bisita.

They said perfection is unattainable. I guess I have been lied to. His hair is not the usual tousled back swept. It's in a classy pompadour that made him look more formal in a sexy kind of way. He could be in the next executive catalogue.

Ang baritono niyang boses sa microphone ay umuugong sa dibdib ko patungo sa'king tiyan, at doon kiniliti ang mga nagwawalang mga nilalang na di ko mapangalanan.

Hindi mo siya maaalisan ng otoridad sa ganyang itsura. Iba kapag nasa harap siya ng maraming tao at iba kapag nakakasalamuha mo siya. Parang ang hirap niyang abutin kapag nakatingala ka na sa kanya, katulad nalang ngayon.

Pinapaalahanan ko ang sarili na huminga habang iniisip kung paano nangyari ito.

Right! This is a luxury ship! The Verduzcos has a shipping company. Kaya hindi talaga malayong sila ang may-ari ng magarbong barko na'to.

"Bakit hindi ko alam na sa Verduzco ang pupuntahan nating event?" bumulong ako kay Lauris na nakipalakpak sa kung ano mang sinasabi ni Rouge.

"I thought you knew. Besides...what is it to you?" aniya.

I didn't ask further. Kung alam ko lang na ito ang tinutukoy ng ama niya noong narinig ko sila sa parking lot, hindi na siguro ako nagpunta.

But the million dollar question is, papayagan ba ako ni dad? Nakalusot si Antonia dahil valid ang rason niya. Ako, I don't know. Maybe I'll find a more reasonable alibi not to come here.

Binanggit ni Rouge ang ilang mga detalye tungkol sa barko katulad ng mga activities at kung ano pa ang dapat asahan na mga services. May binanggit siyang Seawalk, kung saan may hallway na gawa sa glasswall at pwede mong tanawin ang dagat sa labas habang nagku-cruise. Sa topdeck naman naroon ang pool at iba pang amenities.

"...and to further enjoy your stay, everyone, including the media, will get to experience a three-hour cruise across the ocean bed with live music, food, drinks and a whole lot of entertainment. So, welcome to Regal Cruise."

Tinapos ni Rouge ang talumpati sa pagbubukas niya ng champagne. Sumitsit kasabay ang pagbula at projectile na pagtilapon ng laman sa initial niyang pagbukas.

Sinubukan ko pang tignan kung saan natapon ang cork. Inangat niya champagne bottle na parang nag-aaya siya ng tagay sa pormal na paraan.

Sumabog ang palakpakan ng mga bisita. This guy is all fun! Hindi ko pa nga siya nakitang nag hirap. And I haven't seen him had a hard time working for this event to succeed or any task he's required to do.

He doesn't even look drained from all the work. So maybe he wasn't that stressed enough.

Siguro binabayaran niya ang mga babaeng kasama niya tuwing gabi para gumawa ng kanyang trabaho. It sounds ridiculous but, who knows?

"He's my soul brother." nakangising ani ni Lauris. Nilagay niya ang daliri sa kanyang bibig upang sumipol bago bumalik sa pagpalakpak.

"You want him to be your brother? Ipagpapalit mo na ako?" sinamaan ko siya ng tingin.

Ningisihan ako ni Lauris saka inakbayan. Hinalikan niya ako sa pisngi. Lumayo ako at tinawanan niya lang ako.

Kanya kanya nang libot ang mga bisita sa cruise ship. Nagsiakyatan ang ilan sa spiral staircase at may ibang excited sa top deck lalo na ang mga anak ng mga negosyante.

Every part of the ship screams luxury. Pinanindigan ang pangalan nitong Regal Cruise. I somehow remember Titanic. I hope we won't sink.

Iniwan na ako ni Lauris at naghanap ng babae. Dad's in a lively conversation with familiar suppliers of our company and some investors. Tito Mariano, tita Angela's husband was with them, too.

Nanakaw ang atensyon ko ng mas maingay na tawanan. And there I saw Rouge talking to the people surrounding him. Nakapalibot din sa kanya ang mga camera at ilang media upang makunan siya ng litrato ng mas malapitan at personal na makapanayam.

He's all smiles, kumikinang ang mga mata niya hindi lang dahil sa mga chandelier lights at camera flashes.

And he's not alone. That white as porcelain arm snaked into his defined one. Talaga nga sigurong mahilig siya sa mapuputi.

The woman is familiar to me. Nakita ko na siya sa tv dati. Either from a commercial or a reality show. Wet look at slicked back ang mahaba at light brown niyang buhok. I could also see the visible outline of her collar bones dahil sa kanyang strapless black dress. Her vintage red lips made her look more classy.

Her wearing that dress with a sweetheart neckline delineated her globular and perky boobs. May sariling buhay itong umaalog sa tuwing tumatawa siya. Her cleavage is on point! Imbes na mapangiwi ay napairap ako.

I secretly checked mine. Mas prominente ang cleavage niya kesa sa'kin. I should've indulged more carbs and meat. Ngayon ko lang pinagsisihan ang pagiging vegan ko.

Kung hindi ko lang siya nakita sa tv iisipin kong gumagawa siya ng mga video para sa isang porn site. Does she have to show off her boobs like that?

Tumalikod na ako at naisipang umakyat upang matunghayan ang top deck. Almost everyone has been talking about it.

No wonder why. Mas tumingkad ang ganda nito ngayong gabi dahil sa mga water and light show sa bawat gilid. Nasa gitna ang pool, may hagdan na nagtutungo sa malaking bilog na podium na pinapaligiran ng apat na set ng hagdanan.

Sa pinakadulo ay may live band at sa taas ay isa na namang terrace.

"Ms. Dreyfus."

Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses. Naningkit ang mga mata ko sa pagiging pamilyar ng lalake na may magandang ngiti. I swear I saw him just recently.

Nakita niya ang aking pagtataka dahilan upang ilahad niya ang kanyang kamay.

"Zavid Arevalo. We met at Vedra Corp." pakilala niya.

Oh! Siya yung tanging kliyente doon na pumansin sa'kin after Lila's presentation.

Tinanggap ko ang kanyang kamay.

"I remember! Hi, sorry. I knew you were familiar but I wasn't able to get your name. Nice to meet you, Zavid." ngumiti ako.

"It's a pleasure to meet you again. Ibang iba ka sa naging ayos mo noon sa Vedra."

Mahina akong tumawa. "You see, intern lang ako doon. Dito, I'm Lucas Dreyfus's daughter."

Doon palang niya binitawan ang aking kamay. Sumandal na rin siya sa glasswall habang mahinahong tumatakbo ang barko. May nadaanan kaming mga luxury boats na kasali sa boat show kanina. I think they're having a test drive. May mga kumakaway pa sa'min doon.

"I see. Your company has actually done great services in one of our factories in Laguna. May balak nga kaming kunin ulit ang DC for our latest project." ani ni Zavid.

"Is it in another industrial park or..."

"A much bigger project. In the metro this time. And we're going to be in partnership with a company from Europe. They contacted us, they're planning to build a branch of their business in our country. Your company's loaded with projects kaya hinintay ni dad na matapos ang ilan sa mga proyekto ng kompanya niyo."

Perhaps my dad is a good friend with his father. Hindi nito ide-delay ang proyekto at hintaying gumaan ang load ng DC kung hindi.

"Can I know your family's company? I'm sorry, hindi talaga ako pamilyar sa mga negotiations ni dad."

May pag-intindi siyang ngumiti saka sumagot. "Familiar with SunScape Waves hotel and resort? It's under Arevalo and Sons Inc."

I remember my dad talking about it. Mukhang nandoon pa nga sina mama sa launching nito noon. At hanggang ngayon isa ito sa mga dinadayong bakasyunan. They have even extended a branch in Visayas. We've been there several times dahil sa ganda nito.

"How can I not know? I've been there! Never thought kayo ang may-ari nun. It's one of the places na gusto kong balikan." masigla kong sabi.

Pabiro niyang pinaningkit ang mga mata.

Tumawa lamang ako. This guy is easygoing and fun to be with. I suddenly forgot my issue on being here.

"Anyway, business talk bores me and I know you think so, too."

Maginhawa akong huminga na ikinatawa niya. Thank God he knows! He's not the one who bores me but the topic itself.

"Can I get you a drink?" tanong niya. Sumilay ang biloy sa gilid ng kaliwa niyang labi.

"Yes, please."

Tinanaw ko ang pagtungo niya sa mini bar katabi lang ng dining sa gilid. Sa kanyang pagbalik, may dala na siyang dalawang kopita. He gave me a glass of Chardonnay at sa kanya'y naamoy ko ang wine.

Nagsimula nang magsayawan ang mga bisita. Nilahad niya ang kamay niya at may ngiti ko itong tinanggap. Pumwesto kami sa gitna ng podium kung saan sumasayaw ang pag-iiba ng kulay ng kalatagan.

While dancing ay nag-uusap kami ni Zavid. Marami siyang naiisip na topic kaya hindi ako na-bore. Akala ko ay magtatanaw lang ako sa dagat dahil walang tao dito na walang kakwentuhan ngayong gabi.

Like I've said, I don't interact that much. Everybody was having their dose of entertainment.

"I guess you've had enough time knowing each other. Perhaps it's my turn?"

Hindi ko na kailangan pang alamin na si Rouge ang pumakli sa gitna ng tawanan namin ni Zavid. Sa pagdaloy ng bango niya, kaagad uminit ang aking likod kung saan siya nakatayo.

Hinarap ko siya't pinanliitan ng mata.

"You wanna dance with him?" tanong ko.

Pinagsabay niya ang mababang tawa at ang pagngisi. "With you, Lorelei. Of course I want to dance with you."

I could see the steel determination behind that smirk.

Lumingon ako sa paligid at hinanap ang babaeng kasama niya kanina. I couldn't find her.

Bumaling ako kay Zavid na ningitian ako. He didn't seem mad, he's like telling me that it's okay. Kakakilala palang namin but I could already tell that he's a good guy.

Isang beses niyang tinanguan si Rouge bago siya tumalikod at nakahanap ng ibang makakasayaw.

Hinarap ko si Rouge. Hindi ko alam kung natanguan niya si Zavid o pinanatili niya ang kanyang tingin sa'kin. Nakalahad pa rin ang kanyang kamay.

Hindi siya nakapaghintay sa matagal kong pag-responde. Siya na ang naglagay ng aking mga kamay sa kanyang mga balikat saka siya humawak sa aking baywang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro