SIX
Maaga akong umalis upang maihatid ang tseke sa office. I used Lauris's Impala, wala siyang pasok ngayon kaya hindi ko na siya ginising at walang pahintulot na ginamit ang kanyang kotse.
Naabutan ako ng traffic at kitang kita mula rito ang countdown ng red light. Tumingin ako sa sun visor na may salamin upang i-tsek ang make-up ko. Ngayon ko balak bumili ng red lipstick. Every woman has to have atleast one red lipstick in her vanity kit.
Na-emphasize naman ang pilikmata ko since I have long lashes. Dinagdagan ko lang ang pag-coat ng mascara para mas makapal siyang tignan.
Kinuha ko ang aking cellphone sa narinig na pag-ring. Sinulyapan ko ang red light countdown sa harap bago ko sinagot ang tawag.
"Biyaatch! I'm back!"
Halos mabingi ako sa binungad ni Jezreel. I'd never expected for him to call today!
"The hell Jezreel? Where are you? Bakit ngayon ka lang bumalik?"
May narinig akong tunog ng zipper kasunod ang pagbukas ng kung ano. It must be his luggage. "Mamaya na ako magkwento. Yeah you're right, let's meet. 71 Gramercy, alright?"
"Kailan? check ko muna kung wala akong ibang lakad."
"Duh girl? Saturday night is fun machine! I'm sure you're not busy by that time then."
Kung ngayong Saturday ang tinutukoy niya, then yes, wala nga akong lakad. Na-miss ko na rin ang kaibgan ko. It's never boring if you have a gay friend.
"Can I bring a friend?"
Natigil ang ingay sa kabilang linya kasabay ng singhap niya. "A boy?"
Tumawa ako. "Babae. Remember Lila?"
"Oh yeah...yung madaldal. Sure whatever."
I have to ask Lila tomorrow bago pa siya magkaroon ng ibang lakad. I'm sure hindi niya tatanggihan 'to. That girl's a monster in parties!
Umusad na ang mga sasakyan kasabay ng pagtatapos ng tawag ni Jezreel. He knows I was driving at aware akong kailangan pa niyang i-unload ang mga gamit niya saka magpahinga dahil kakarating niya lang galing Macau.
Wala pang mga tao sa office pero maaga si Ma'am Gia. Nakahinga ako ng maluwang. Ayaw kong iasa sa iba ang pagbigay ng tseke kaya mabuti nalang at maaga siya ngayon. Inabot ko lang ang tseke at umalis na pagkatapos papunta sa school.
Nag-eedit ako ng mga data sa thesis gamit ang laptop ng classmate ko. Maraming tao sa library ngayon dahil busy rin—lalo na ang mga nursing—sa kanilang thesis. Punuan ang mga silya kaya mag-isa ako rito sa cubicle. Naghanap ng ibang references ang mga kasamahan ko habang ang iba'y nasa field area na napili namin para sa'ming thesis.
"Pwede na 'tong ipaprint. Check mo muna kung ayos na, baka hindi tanggapin ni Sir." tinanggal ko ang reading glasses ko at sandaling pumikit.
Sinaksak ng kaklase kong si Shane ang usb sa laptop. Tumayo ako sa kinauupuan at tinignan ang ginagawa niya.
"Okay na 'to." aniya.
Pumunta kami sa computer section kung saan pwede kaming magpa-print at magpa-photocopy. Hindi ako tuluyang nakapasok dahil sa nahagip ko sa labas ng library.
It was Antonia kasabay ang isa pang allied teacher. Kita ko ang pagtulong ng guro sa pagdadala ng mga gamit niya. Antonia gladly obliged. Napangiwi ako. Bakit hindi sa mga estudyante niya yan ipadala? Kailangan pa niyang hintayin na may gurong tumulong sa kanya? Lalake pa?
Alam kong hindi ako dapat magduda. Pakiramdam ko naghahanap lang ako ng gusot sa kanya para magkasira sila ni dad.
But then I thought about dad. I will not break his heart. Finding fault of Antonia will break him. It's going to be a collateral damage.
Ngunit pinairal ko ang aking emosyon. I put my logic away from my brain. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa'king balikat at kinalabit ang kaklase ko.
"Shane, cr lang ako." hindi ko na siya hinintay na sumagot at lumabas na ako ng library. I followed them.
Nasa likod ako ng maiingay na estudyanteng nagtatawanan upang hindi ako mahalata. Kita pa rin namn dito sina Antonia at ang guro na kasama niya. I'm really finding fault at her. At paano kung magtataksil nga siya kay dad? Anong magagawa mo Lory?
This is where the dilemma kicks in. Dilemma between veracity and non-maleficence. Sasabihin ko ba ang totoo dahil yun ang mas tama? Then masasaktan si dad, which is hindi rin tama. It won't hurt him.
Pumasok sila sa second year faculty room. Wala nang katao tao dahil lunchbreak. Nagawa kong pigilan ang tuluyang pagsara ng pinto at dahan dahang pumasok. Sumandal ako sa harang na pader dahilan upang hindi nila ako makita.
"Henry...alam mo namang may asawa na ako di ba?" boses 'yon ni Antonia. Rinig ko ang paglapag ng mga gamit sa desk at paglangitngit ng swivel chair.
"Why him Antonia?" malalim ang boses ng tinatawag niyang Henry. Yung tipong pwede na siya sa radio.
"Why not him?"
"He's old." nahihimigan ko ang inis sa tono niya. Nainis rin ako. My dad's not that old! He still can kick this guy's balls.
"A twenty year gap isn't an issue to me, Henry." malamyos pa rin ang boses ni Antonia kahit batid kong naiinis na siya.
Hindi ba siya marunong magpakita ng galit? Is that why dad likes her?
"You prefer older men kesa sa mga kaedad mo? I don't understand Antonia."
Walang nagsasalita. Pero umabot yata hanggang dito sa pinagtataguan ko ang frustration nila at tensyon.
"You wouldn't understand, pero hayaan mo na ako. Don't ruin this for me. For us. Mahal ko ang asawa ko."
Hindi ko alam kung dapat kong magustuhan ang sinabi niya. Dapat ba akong maniwala? I still don't like her. Why can't I like her for my father?
Umalis na ako doon bago pa may makahuli sa'kin.
Simple at madali lang siyang magustuhan. Aware ako doon. Ang mahirap ay ang pagkumbinse sa sarili kong magustuhan ang mga bagay na madali lang na maibigan ng iba. It's like you were born to hate that particular thing or person. Parang nakatatak na sa buto mo na ayaw mo sa taong 'yon!
In some aspects of our lives, we'd be able to hate a person without a reason. Yun nalang ang pinipilit kong dahilan.
Siniksik ko na naman sa utak ko na ganito siya. That she's perfect. Immaculate. Wala sa mukha at ugali niya ang gumawa ng bagay na ikakasakit ng damdamin ni dad. Maybe I just hate her overflowing flawlessness. Walang perpektong tao sa mundo. So she must have at least one fault line or fatal flaw.
Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising sa banyagang ingay sa baba. I was shocked to see my cousin Lorca na isang maliit na luggage bag lang ang dala.
"Isang taon lang tayong hindi nagkita but look at you! That body Lorca!" pinaikot ko siya at suminghap ako. "Oh my gosh I so envy your ass! Lauris look! Lorca's ass is so amazing!"
Tawa akong hinampas ng pinsan ko. "You sound like a dyke!"
Naudlot ang flight niya noong nakaraan dahil naging busy daw sa daycare na pinamahalaan ng pamilya nila. And she didn't even tell us na ngayon ang dating niya! Hindi rin siya nagpasundo sa airport. But knowing her, if she can do things on her own, ayaw na niyang umasa sa iba.
"And your hair! Ikaw lang yata ang kilala ko who can pull off a tousled bob!" patuloy kong pagpuri.
Naka high waist jeans siya that compliments her buttocks and curves. Na-emphasize din ang toned niyang braso, balikat at collar bones sa suot niyang itim na sleeveless bralet top. Hindi ba siya pinagkaguluhan sa airport?
I couldn't contain it! Ang laki ng pinagbago niya. Hindi naman maaaring dahil sa lalake. Lorca's never going to be submissive over a guy.
Nilingon namin ang pagbaba ni daddy sa hagdan kasunod si Lauris na pinaglalaruan ang susi ng kotseng ipapahiram niya. Nakapambahay pa siya at magulo ang buhok.
"Lorca! Bakit hindi ka nagpunta sa kasal ko?"
Nagmano ang pinsan ko kay dad at humalik sa pisngi ni Lauris.
"You know mom Tito, but hey, I brought her gift for you. Congrats." may inabot siyang paperbag laman ang regalo.
Kinuha 'yon ni dad sabay giya sa pinsan kong umupo sa sofa. Sumunod na rin ako't tumabi sa kanya. Dumating si manang Edna na may dalang juice at sandwich saka nilapag sa harap ni Lorca.
"Kamusta ang therapy niya?" tanong ni dad.
"Ayos naman po. But she's still in her wheelchair. Minsan kasama ko siyang bumibisita sa daycare." pahayag niya.
Lorca's mom was involved in a vehicular accident years ago kaya hindi na ito nakakapaglakad. Napasugod si dad nun sa Cebu dahil sa pangyayaring 'yon.
"Just inform me kung kailan ka babalik sa Cebu. Sasabay kami sa'yo, we'll visit your mom."
Tumango si Lorca. "Sige po."
I wonder kung makakasama ako kapag pupunta sila doon. O baka si Antonia na naman ang isasama niya. Ngayon palang kailangan ko nang sabihan si ma'am Gia na aabsent ako one of these days. I haven't been there to Lorca's city my whole life.
Umakyat muna ako sa taas upang maligo at magbihis. Pagkabalik ko ay nag-uusap pa rin sila ni dad. Pansin ko lang na wala si Antonia. I haven't seen her eat breakfast with us a while ago.
"Are you still looking for him? Your father?" umabot sa pandinig ko ang tanong ni dad nang papalapit ako sa kanila.
"That's what I'm here for, Tito. I found him." ani ng pinsan ko.
"I guess I'll have to go with you. Gusto kong alamin ang dahilan niya kung bakit niya yun ginawa kay ate."
Dad still calls Lorca's mom ate. Ang bagets lang pakinggan.
Nag-iiba ang aura ni Lorca sa tuwing pinag-uusapan ang ama niya. It's like she's losing all her confidence na natural nang sumasanib sa kanya.
Pinaglalaruan niya ang kanyang daliri. "Actually...wala akong balak ipaalam sa kanya. I just want to see him. He already has a family. Kaya ayaw ni mom na guluhin ko sila."
"I understand. You have Lory's number so tawagan mo nalang siya if you need me there." ani ni dad.
"Thanks tito."
Dinungaw ko ang relo ko. Tumayo na ako dahil kailangan na naming umalis.
"We'll go na dad. She's going to drive me to work."
Tumayo na rin si Lorca at binalingan ang kapatid kong nakatayo sa likod ng inuupuan ni dad dala ang isang freshmilk container.
"Pahiram ng kotse mo Lauris." nilahad ni Lorca ang nakatihaya niyang palad.
Hinagis ni Lauris ang susi. "Take care of my baby."
"Wala kang pasok?" tanong ko sa kanya.
"Mamaya pa."
Sinundan kami ni Lauris sa pinagparkinagn ng mga kotse niya. Pinasidahan ni Lorca ang sasakyan pagkatapos niya itong patunugin. Nasa loob na kami at hinahaplos niya ang steering wheel at parang may hinahanap na kung ano.
"Is this a baby girl or boy? Where can I locate its genitals?"
Manyak na tumawa si Lauris. Napailing ako. Lorca's mouth is often unfiltered. Minsan kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin.
Sandali pa silang nagbiruan ng kapatid ko bago kami umalis.
"Alam mo kung sino ang naalala ko seeing that body of yours? Candice Swanpoel. Like wings nalang ang kulang then you're off to the runway!"
Hindi pa rin talaga ako maka-get over sa pagpuri kay Lorca. Para siyag galing sa televised fashion show at lumabas bigla sa tv.
"This is hard-earned Lory." Exaggerated niyang turo sa sarili. "But I made it easier kasi sa tuwing nagwo-work out ako, nasa harapan ko ang whole body picture niya then I'd always tell myself, 'I gotta achieve that!'"
"And you did! What did you do?" mangha kong tanong. Might as well take advice from her.
"A lot of yoga, some kickboxing...Krav Maga. Nagpamember kasi ako sa isang gym doon sa Cebu. They have complete equipments and services." aniya.
Nalaglag ang panga ko. "Krav Maga? That's hardcore!"
Walang limang minutong pagja-jogging nga hinihingal na ako. But Krav Maga...
Balaewalang nagkibit balikat si Lorca. "Like I've said. Hard-earned."
Muli ko siyang pinasidahan. I could almost see the outline of her obliques. "Figures."
It would take a lot of motivation bago mo madesisiyunang mag work-out. I don't know what's mine. I don't have to lose weight dahil hindi naman ako mataba. I'm just into toning so maybe a hardcore work out would be uncalled for. I could have yoga. Pero kinakalaban naman ako ng oras.
"Asa kita ihatod?"
Nakapinta ang pagkalito sa mukha ko. "Ha?"
Lumingon siya sa'kin at doon palang niya namalayan ang nangyari. Bigla siyang tumawa. "Ay sorry! Sabi ko saan kita ihahatid? Nakalimutan ko, you haven't been to Cebu. You're such a loser."
Tumawa lang ako.
"OJT ko ngayon eh. Drive me to Vedra Corp." sabi ko.
"Why not in DC?"
Hindi muna ako nagsalita upang hayaan siyang mag-concentrate sa pagliko. May nag-overtake kasing epal na bus at mukhang mahihirapan ang pagsingit ng sinasakyan namin. Nagmura si Lorca.
"I'm just avoiding issues of nepotism. Mahirap na, mabahiran pa ng negative reputation ang kompanya." ulit ko sa binigay kong rason kay dad.
"So? OJT palang naman yun. You can train sa DC then work in another company after you graduate. Atleast you're training in your root. Your company is one of many that has an outstanding reputation so may magandang background ka na. Well it doesn't matter though, sa inyo pa rin naman 'yan. Both you and Lauris are going to overtake it one of these days."
Hindi ako umimik. She has a point in there but I'm satisfied with my decision now. Nasimulan ko na sa Vedra Corp so I have to end the same way I started it.
"I know who dragged you the other day."
Kinunutan ko ng noo si Lila. Bigla nalang siyang lumapit sa cubicle ko sakay ng swivel chair niya. Malaki ang kanyang ngising nanunukso. Kitang kita ang contrast ng kaputian ng kanyang ngipin sa maroon lipstick niya.
Binalikan ko ang ginagawa kong pag-file ng mga PO's at quotations. "Drag where? To hell?"
"So ganon? Maangmaangan? Gusto mong isigaw ko dito sa office kung sino ang tinutukoy ko?"
I know she's talking about Rouge. Kung paano nalaman ni Lila, that I don't know. She has her ways of knowing stuff. Dapat hindi siya dito sa office nagtatrabaho. She should be a detective or something.
Napairap ako. "Fine. He dragged me to his car, so what?"
Mas lalo siyang sumiksik sa aking upuan. Halos mahulog ako sa swivel chair dahil ginawa niyang bumpcar ang mga silya namin.
"How does it feel to be in heaven for a second?"
You mean for half a day. Hindi pa yan kasali sa mga nakaraang araw sa pagsakay ko sa kanyang kotse. But I won't tell that tidbit to her. Alam kong hindi siya tsismosa but knowing Lila? kukulitin at kukulitin ako hanggang sa magsalita ako.
"So pinagmaneho ka niya all the way to Cavite? Did he take you home? Will he swim the oceans for you, too?"
"What the hell?" natatawa kong komento.
Mahina niya akong hinampas sa balikat. "Come on habang hindi pa nagsisismula ang meeting."
"Meeting? Kayo lang?"
"Mm. Pero pwede yata pumasok sa conference room kahit intern." aniya.
"Anong gagawin ko dun? Stand like a security in Luneta"
Humalkhak siya. "Ma'am Gia will allow you for sure. Para ma-orient ka rin sa mga nangyayari sa loob. I've never seen you got in the room. You'll appreciate the reality of meeting businessmen and gaining investors and how to close a deal."
I guess hindi na kailangan. I've witnessed those scenes noong may ka-meeting si dad. Minsan sumasama pa ako sa mga mini-meet niya sa mga restaurants to talk about investments and transaction of supplies.
"I'll convince Ma'am Gia na ikaw ang maging assistant ko sa loob. May isang intern din kasi na atat pumasok. Like duh?"
Mukhang inis siya sa kung sino mang intern na 'yon. Halata sa pagtabingi ng kanyang bibig.
"Pero goodluck sa'kin, ako kasi ang magpe-present ng report."
Tumawa ako. "Todo encourage ka pa sa'kin ikaw naman pala tong may kailangan ng moral support!"
Sandali kaming nanahimik sa pagdaan ng isang bisitang mukhang lalamunin ang buong building sa talim ng tingin niya. Pumasok siya sa office ni ma'am Gia.
"I'm just really curious behind Mr. Verduzco's possessive stance on you the other day. Since ayaw mong magsalita, I'll just find it out myself. I could feel things, Lory. I'm sort of a psychic you know." pagpatuloy ni Lila saka kumindat.
"Feel yourself up." mahina kong sabi.
"Hah! Done that!" lumingon si Lila sa paligid bago ako binulungan. "In fact I'm not the only one who did that to me."
Nagpigil ako ng tawa. "Baliw."
Siniko niya ako. "You know I have a full-volume of craziness as full as my hair."
Lihim kaming naghagikhikan. Tsineck namin ang paligid kung may nakahalata sa ginagawa namin ni Lila. Mabuti nalang at abala sila sa kani kanilang mga trabaho para na rin siguro sa meeting. Si Lila lang yata ang relax kahit siya 'tong magpe-present.
Pinuntahan niya si ma'am Gia upang kumbinsihin na ako ang maging assistant niya mamaya sa presentation. Taga lipat lang ako ng slides at highlight sa mga importanteng salita. Pagkabalik niya ay labis ang laki ng kanyang ngisi at nakataas ang dalawang artful niyang kilay.
Impit-tili niya akong nilapitan. "Pumayag si Ma'am!"
Napatayo ako sabay sikop ng mga na-file kong documents. "Paano yung isang intern?"
Pinaikot niya ang kanyang mga mata. "Pake ko sa kanya? Ayun nag walk-out."
Nag-c.r ako upang magamit na yung binili kong lipstick. Ngayon ko palang 'to susubukan. Hindi naman ako ang magpe-present, trip ko lang na ngayon na gamitin.
"Muy Bella! Bagay sa'yo ang red!" tinabihan ako ni Lila sa harap ng salamin. Malaki ang ngisi niya habang tinitigan ako animo'y siya ang nag-imbento ng lipstick at ako ang ginawa niyang experimental guinea.
Pumasok na kami sa conference room dala ang laptop. Ini-orient ako ni Lila kung kailan ako maglilipat ng slides. Ewan ko kung bakit ako nanginginig. Maga-assist lang naman ako. Dapat doon na ako kabahan kung ako ang magsasalita sa harapan. Siguro dala lang 'to ng lamig ng aircon.
Tsineck ko ang slides sa huling pagkakataon nang magbukas ang pinto ng conference room. Bumuhos ang boses ng mga kliyente ng kompanya na may particular na pinag-uusapan.
Nag-angat ako ng tingin upang salubungin sila ng pagbati ngunit ganoon nalang ang pagsanib ng kaba ko sa kung sino ang isa sa mga manonood ng presentation ngayon.
Rouge is here. I had no idea!
Siya lang yata ang hindi umiimik sa mga kasamahan niya at pinanatili niya 'yon kahit sa pagtitig sa'kin. Bahagya ang pinapakita niyang gulat nang magtagpo ang aming tingin. His dark amber pools are burning me. Uminit bigla dito sa loob!
Tinignan ko ang reflection ko sa glass window kahit kaka-salamin ko lang sa cr. Pumwesto si Rouge sa tapat ng inuupuan ko. I saw him staring at me through the glass window.
Isn't he familiar with awkwardness? Hindi nga siguro siya marunong mailang at bulgar na bulgar ang pagtitig niya. What is he trying to indicate with that stare?
Nag-iwas ako at tinuon ang pansin sa slideshow sa harap ng laptop. Tapos na ako sa pagch-check nito. Sana hindi ako sumablay ngayong katapat ko siya. Dammit! He'll be a distraction for sure.
Kampante akong ningitian ni Lila bago sinimulan ang opening remarks. Sana madala ako sa confidence niya dahil hinahatak ito ng presensya ni Rouge.
Nag-concentrate ako sa mga sinasabi ni Lila. Pawang sa kanya lang ang mga mata ko at sa slideshow. Tinignan ko na lahat ng direksyon maliban kay Rouge. Pero sadya nga yatang may mata ako sa noo dahil kita ko ang pagtitig niya sa'kin. I'm not assuming at all. I'm stating a fact.
Sinubukan ko siyang daplisan ng tingin at yun nga, hindi bulag ang mata ko sa noo. He's playing with his plump and pinkish lips. Has he been listening to Lila's presentation?
Inipit ko ang mga labi ko upang ikalat ang tuyot ko nang red lipstick. I feel like it's cracking on my lips.
Tumikhim si Rouge. I don't know why. May tubig naman siya. Why doesn't he just drink it?
Nakatitig ako sa screen ng laptop pero ang atensyon ko ay nasa bawat galaw ni Rouge. Nag-iba ng posisyon ang kanyang katawan pero hindi ang kanyang mga mata.
Nabigla ako sa pagkalabit sa'kin ni Lila. Pinandilatan niya ako.
"Next slide."
Shit. Ito na nga ba ang sinasabi ko. I got distracted!
Nanginginig ang kamay kong kumikilos sa sensor pad. Lihim akong huminga ng malalim sa muling pagsasalita ni Lila. Dinaplisan ko ulit si Rouge . His lips are pursing, pero hindi nakatakas sa'kin ang pag-angat ng isang bahagi nito. May aliwng nanunuri ang kanyang mga mata.
Kung wala lang siguro akong utang na loob sa kanya ay inirapan ko na siya.
"So...anything you want to suggest, gentlemen?" nakangiting tanong sa kanila ni Lila.
Apat sa kanila ay matatanda na. Dalawa sila ni Rouge na mas bata. And I think Rouge is the youngest. He's twenty three.
"Let's hear your view on this Mr. Verduzco." ani ng isa sa mga gurang na negosyante katabi ni Mr. Saavedra.
We all looked at Rouge. Nakatukod ang kanyang siko sa mesa habang nakasiklop ang kanyang mga kamay na pinatungan niya ng kanyang baba. His deep set eyes settled on the presentation pictures in front.
"It's a good idea. The community people won't have to travel that far just to buy their necessities."
How could he say that? Mukha naman siyang hindi nakikinig kanina. His opinion is way too simple, para lang masabing nakinig siya.
Gustong magtayo ng mall ng Vedra Corp sa isang lugar na hindi pa natatalaga bilang isang siyudad. It's in the southern area, near Calabarzon. Maraming mga bakanteng lote doon na pwedeng pagtayuan ng mga establishments. And that's what consists of Lila's presentation.
Natapos ang palitan ng mga opinyon na may magandang paghatol. Nakipagkamayan sila kay Mr. Saavedra na di matanggal tanggal ang ngisi. Binati ko si Lila sa naging success ng presentation at nagawa niyang kumbinsihin ang mga kliyente.
Tinawag siya ni Mr. Saavedra. Sinara ko naman ang mga windows na ginamit ko bago pinatay ang laptop. Nagtungo ako sa gilid ng pintuan upang hintayin ang paglabas nila.
Maingay silang nagsilabasan. Ningitian ko sila kahit hindi sila nakatingin sa'kin dahil abala sa pakikipagtalakan sa isa't isa. Pati si Lila ay hindi na ako napansin dahil inabala masyado nina Mr. Saavedra.
Isa sa mga batang negosyante ang tumingin at ningitian ako bago siya lumabas.
Napwi ang ngiting 'yon nang si Rouge na ang lumapit. He's the last one. Matikas ang tindig niya pagkalapit sa'kin. Nakapamulsa siya at hindi ko mabasa ang nakapintang ekspresyon sa kanyang mukha. Ang pagiging seryoso lang ang obvious doon.
His fragrance is a mixed scent of Irish Spring and manly perfume. Nahihilo ako hindi dahil sa amoy kundi sa hangin ng kanyag presensya.
Nagkatitigan kami hanggang sa huminto siya sa mismong harapan ko. Nanalaki ang mga mata ko sa ginawa niyang paghaplos niya sa gilid ng labi ko. May lumagpas bang lipstick?
Halos mabitawan ko ang yakap kong laptop. I held it tighter into my chest.
"I'll wait for you at the parking lot." magaan ngunit nakakapanindig balahibo ang kanyang tono.
"B-bakit?"
His left brow rose. "I'll drive you home."
Kumunot ang noo ko. "Again?"
Ngumisi lang siya saka ako nilagpasan. There has to be a reason behind this. Imposibleng wala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro