SEVENTEEN
Araw araw na akong hinahatid ni Rouge pauwi sa bahay. Out of way naman kasi kung susunduin pa niya ako. Hindi siya bumibigay sa pagkumbinse sa'king mag-overnight sa unit niya. Everytime he opens up the topic, straight NO ang sagot ko.
Panay ang dahilan ko sa kanyang hindi ako pwede kapag weekdays dahil school at office ako. So I made a deal na doon ako every weekends na matagal bago niya sinang-ayunan.
Biyernes ng hapon nang mag-out ako sa Vedra. Naki-hitch ako kina Lila at Vladimir at nagpahatid sa flowershop. Bibisitahin ko ngayon ang mausoleum ni mama. I dreamt of her last night, siguro nagpapabisita siya kaya walang pag-aalinlangan akong pupunta doon ngayon.
"Hatid ka na rin namin sa sementeryo, same way naman kami kina Vlad." ani ni Lila.
"Thanks!"
Sumaludo sa'kin si Vlad sa rearview. Ewan ko kung naintindihan niya ang sinabi ni Lila sa kanya.
Madalas na rin silang nagkakasama ngayon. Iniisip ko nga na baka nagli-live in na sila. I'm not into prying my friend's personal life, hinihintay ko lang na magkuwento si Lila since ganon naman talaga kami: I'm able know things because she tells it to me first before I could even ask.
Nag-message ako kay Rouge na huwag na niya akong sunduin sa office. Hindi siya nag reply, marahil busy. May ipapagawa na naman kasi silang warehouse ngayon para sa mga barko sa White Harbor.
Sinabi ko sa kanya na DC ang kunin nilang contractor. Pag-uusapan pa raw nila 'yon ng dad niya.
Nagpasalamat ako kina Lila at Vlad saka ako bumaba sa Mercedes. Tinanaw ko ang pag-alis nila saka ako tumalikod at tinungo ang mausoleum.
Nabanggit sa'kin ni Lauris na bumibisita rin siya rito after school or after training niya sa DC kaya hindi na ako nagtaka na may yellow tulips sa loob. I don't know about dad, though. Hiniling ko na sana galing sa kanya ang mga bulaklak.
It's a day old, kahapon marahil siya bumisita. Hindi man lang nag-aya para naman sabay kami.
Hinaplos ko ang picture ni mommy. Ibang iba ang imahe niya sa panaginip ko. Far from the look of the woman that I'd last seen before her last breath. She's as beautiful as the picture that I am looking at right now.
Nagsindi ako ng kandila at pinagdasal siya. Dreams do have meanings, like the inner subconscious is telling us something na konektado sa mga iniisip natin buong araw. Though I'm not preoccupied with thoughts of mom a lot, kasi kadalasan si Rouge ang laman ng utak ko. That man is eating up my brain.
Or maybe mom was trying to tell me something. Sana nagpapakita rin siya kay dad sa panaginip, and I hope sabihin niya sa panaginip niyang hiwalayan na si Antonia.
God forgive me for even hoping for it while I'm here in front of your holy cross.
Dumagdag ang dala kong yellow tulips sa mga nakalapag na. Tumayo na ako at humukod upang magbigay pugay saka lumabas.
Wala pa ako sa kalagitnaan papuntang exit ng sementeryo ay may nahagip akong pamilyar na bulto. Nag-martsa ako patungo sa kanya na seryoso sa pagte-text.
"Zavid." tawag pansin ko.
Inalis niya ang tingin sa cellphone. Lumuwang ang mukha niya nang makita ako.
"Lorelei." hinalikan niya ako sa pisngi. "visiting your mom?"
Tumango ako. "Ikaw?"
"I'm with dad, binisita namin si lolo. Kanina ka pa?" sinilid niya ang cellphone sa bulsa.
"Ten minutes ago, I guess. Kayo lang ng dad mo? Where is he by the way?"
"He's talking to someone. Sandali lang kami, I think nauna ka pang makarating." nakangiti niyang ani.
Mukhang kakagaling lang nila sa opisina dahil pormal ang suot ni Zavid. At ngayong nagkita kami ulit, may naalala ako bigla.
"Siya nga pala, nito ko lang nalaman na magkapatid pala kayo ni Shane. We're classmates."
Lumaki ang ngiti niya. "Nabanggit nga niya sa'kin. Congrats pala sa defense niyo."
"Thanks to your sister. She's a great group leader."
Bumuka ang bibig niya't akmang magsasalita ngunit nahantong sa pagsasalubong ng kilay niya habang may tinatanaw sa likod ko.
Lumingon ako upang alamin ang dahilan ng pag-iiba niya ng anyo. Hindi ko naitago ang gulat ko nang makita ang papalapit na si Rouge na matigas ang ekspresyon.
Ewan ko kung para saan 'tong kaba ko. Sa pagpunta niya rito o sa lakad niyang parang naghahamon.
Nanatili ang tingin ko sa kanya hanggang huminto siya sa harap ko. Pero wala ang tingin niya sa'kin kundi sa taong nasa likod.
"Verduzco." seryoso ang tono ni Zavid.
Igting-panga niyang tinanguan si Zavid. "Arevalo." dinungaw niya ako. "Let's go?"
Hindi nag-iba kahit konti ang kanyang ekspresyon. Nag-aalinlangan ako sa isasagot. Oo ba o magtatanong muna ako kung anong problema?
Taka kong nilingon si Zavid sa nanunuya niyang tawa.
"Hanggang dito ba naman Verduzco? You had done enough interposing to our dance last time. Huwag mong sabihing ipagkakait mo rin sa'kin 'to?"
Pumulupot ang braso ni Rouge at hinapit ako sa kanyang tabi. His possessive hand rested on my already clenched stomach. "Why not? I have the right to barge in since she's my girlfriend."
Bumagsak ang ngisi ni Zavid. Taka kong nilingon si Rouge. Girlfriend? Kailan pa?
Muli kong tinignan si Zavid. His taut jaw clenched. Gumalaw ang nakanguso niyang labi bago gumuhit ang kakaibang ngiti. Naglaho ang palakaibigan niyang aura't napalitan ng panunuya.
This isn't the Zavid that I was talking to minutes ago.
"Don't worry. We're just talking. Hindi naman ako basta basta nagnanakaw kapag wala ang may-ari. But then, sino ba namang gustong magpahuli di ba?" makahulugan niyang sabi.
Dumiin ang kamay ni Rouge sa tiyan ko.
"I'm afraid to say that I'm not meeting you, Arevalo." malamig na ani ni Rouge. Pati ako'y hindi makuha ang sinabi niya.
Ngumiti si Zavid, isang klase ng ngiti na parang may alam siyang hindi namin alam. "I know you know what I mean." biglang gumaan ang paraan ng kanyang pagngisi. "Have a nice day."
Dinapuan niya ako ng tingin at ngiti saka niya kami tinalikuran. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nilapat sa tenga.
Nagkatinginan kami ni Rouge, kapwa naniningkit ang aming mga mata sa magkaibang dahilan.
"I don't really know what he meant."
"Girlfriend?"
Sabay kaming nagsalita.
Lumalim ang kanyang paniningkit. "Are you not?"
"We're still dating."
Umangat ang isang kilay niya. "Doon din naman papunta 'yon di ba? So why take this slow? It's not like we're getting married. Or...we can."
Kinabahan ako kahit alam kong biro lang yung huli niyang sinabi. Marriage is a long-term commitment, and I'm not used to long-term much less commitment. But with Rouge, I think I'm willing to dive in with that eventuality. Even knowing his reputation.
I'm questioning about these choices pero sa huli ito pa rin naman ang pipiliin ko, ang makasama siya. Ayokong mahina ang turing ko sa'king sarili, pero doon pa rin ang bagsak ko. This man is my weakness.
But is making the wrong choice make you weak? I think not. Is this even a wrong choice? I don't think so. It could be a bad choice for me, not wrong, there's a fine line in between.
Bumalik ako sa realidad nang hinalikan niya ang kunot sa espasyo ng pagsalubong ng aking kilay. He likes kissing my frowns.
Ningitian ko lang siya. "Ba't mo nga pala alam na nandito ako?"
"Lila. Hindi mo sinasagot ang tawag ko so I called her."
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kanyang Maybach. Hindi niya tinanggal ang braso sa'king baywang.
"Naka silent. Sorry." nahihiya kong sabi.
Binuksan ko ang aking bag at kinuha ang cellphone upang tignan ang mga text at ilang missed calls niya. Kinagat ko ang labi ko at nilingon siya. Diretso ang mga mata niya sa harap.
Binalik ko ang cellphone sa bag. "Why do you have to meet my family? Tinext mo nga ang kapatid ko ng 'luv u'."
Humalakhak siya't mas hinapit ako. "I pretended to be you, kaya iisipin niyang ikaw ang nagtext."
"He confronted me!" tumawa ako. "Hindi siya naniwala na ako 'yon. He thought you were gay."
Dinungaw niya ako. He smirked. "We'll have tomorrow to prove to him that I'm not."
Napi-picture out ko na ang magiging dinner bukas. I have to remind dad just in case mawala sa isip niya sa dami ng projects ng DC ngayon.
Papalapit na kami sa sasakyan niya nang maalala ko ang sinabi ni dad sa di pagsang-ayon ni Antonia. Hinintay ko munang makasakay kami bago ako nagsalita.
"Your distant relative of an aunt doesn't trust you. Sinumbong ka pa niya kay dad." pahayag ko.
Nagtiim bagang siya habang sinasaksak ang susi sa ignition saka bumuhay ang makina.
"Hayaan mo na siya. We don't have to please her. Besides, she's not your blood related family. So we'd be there for your dad and your brother."
I found relief in his words. I couldn't argue with it dahil sang-ayon naman ako. Maginhawa akong sumandal sa upuan habang nagsimula na kaming lumayo sa kampusanto.
Nakaharap ako sa full body mirror, hinahanap ang kuntentong pakiramdam sa suot ko ngayon. Sabi ni Violeta ay bagay ang red sa light morena kong kutis kaya ayos lang siguro ang pulang off shoulder lace dress ko. Pinagtambal ko sila ng flats dahil dito lang naman kami sa loob ng bahay.
"Lory nakahanda na ang—what are you wearing? Saan ang punta mo?" nakasilip siya sa kaunting siwang sa pinto at pintuan.
Di ko alam kung totoo bang nasurpresa siya o peke lang.
"Night out with friends." sinuklay ko ang aking buhok.
Pumasok siya sa kwarto, taka akong tinignan sa salamin, o mas angkop sabihin na parang nandidiri siya sa nakikita. "Friends? You're antisocial."
"I have friends." walang emosyon kong sabi.
Tinignan ko siya pabalik sa salamin. Naka jeans siya at naka-open button red and black flannel na nakarolyo ang manggas hanggang siko. Nakapaloob ang itim na shirt.
"I have my twin lie detector test and it is sending a signal to my radar that you're lying. Come on, spill it. I won't rat it out to dad."
Inikutan ko siya ng mata. "Dinner."
Pakunwaring nanlaki ang mga mata niya. "Ohhhh...okay! Do you...want to bring protection? Condom maybe?"
"Meron ka ba?" tinaasan ko siya ng kilay.
Matagal bago siya nakasagot. "Wala."
Malakas akong tumawa.
"Naninigurado lang. Do we know him?" lumundag siya pagkaupo sa kama. His protective brother switch is on.
"You will, later. He'd be joining us for dinner."
May pagtataka sa kanyang mukha. He's faking it, I know. "Ngayon na ba 'yon? Cool. Goodluck then. Just be yourself later."
Hinarap ko siya. "Did you just give me an advice? Because for all I know you don't date."
Muli akong humarap sa salamin at kinuha ang aking velvet box laman ang mga accessories. Nagkabit ako ng white pearl earrings sa'king tenga.
Inirapan niya ako. "Whatever."
Natapos na ako sa pag-aayos. Isang beses kong tinignan ang sarili bago ko hinila si Lauris palabas ng kwarto at bumaba sa garden upang tignan ang mga hinanda ni manang.
"Isa lang naman ang bisita bakit parang buong pamilya niya ang pupunta? Mamamanhikan na ba?"
Natawa kong sinapak si Lauris. Sabi kasi ni Rouge ay wala siyang favourite food, coffee lang yata but that's a beverage. Kahit ano nalang ang pinahanda ko na pwede niyang magustuhan. Mostly American food dahil nakasanayan niya ang buhay doon. May Filipino dishes din naman at tiwala ako sa galing ni manang Edna sa pagluluto.
Last text ni Rouge ay on his way na raw siya. That was an hour ago so baka malapit na 'yon.
Tsineck ko ang pagkakaayos ng series lights na nakasabit at yung mga nasa halaman pati na ang arrangement ng mesa at mga upuan.
"Nasaan ang dessert?" tanong ko.
"Mamaya pa po iseserve after niyong kumain, hindi na rin po kasi kasya sa mesa." anak ni manang Edna ang sumagot na naglalagay ng mga baso.
"Oh okay. Isa lang ang i-serve niyo ha? He's not into sweets eh." paalala ko.
"I like dessert." sabat ni Lauris sa tabi ko.
Nilingon ko siya. "Bisita ka ba?"
Pasensyoso siyang ngumuso at tamad akong inikutan ng mata. Mahina akong tumawa.
Maya maya lang ay narinig namin ang silbato ng sasakyan na nakasanyan na nang tenga ko araw-araw. Halos tinakbo ko ang papuntang pinto upang salubungin siya. Nakasunod si Lauris sa likod ko.
Binuksan ni Leo ang gate at niluwa nito si Rouge. Hindi ko alam ang uunahin ko, ngingiti o aawang sa pagkamangha. Para naman kasing hindi dinner ang dadaluhan niya kundi photoshoot.
His open and buttonless navy blue blazer accentuated his broad shoulders. Nakapaloob naman ang kanyang light blue button downs na naka-tuck in sa kanyang dark jeans. Every little thing he does screams confidence and relaxed at the same time.
Sumipol si Lauris. "He's my soul brother."
"Surprise." sabi ko.
"Kung kayo ang magkatuluyan, magiging first lady ka ng may ari ng luxury cruise ship. How regal is that, huh?"
Mahina kong hinamaps si Lauris sa tiyan habang ningingitian si Rouge na ngayo'y inakyat na ang hagdan papunta sa main door kung saan kami nakatayo. My eyes veered to his mile-high muscular legs then to his black chukka boots.
Napansin ko ang dala niyang bote na halos kasingkulay ng mga mata niya.
Kumalat na ang pabango ni Rouge kahit hindi paman siya nakarating sa harap ko. Now that he's infront and looking down at me, mas nanuot pa ang bango sa'king ilong.
"Hi." bati niya.
"Hi yourself."
Mainit ang mga niyang pinasidahan ako saka ningitian at hinalikan sa pisngi.
Binalingan niya si Lauris habang nakahawak sa'king baywang. Nagkamayan sila ng kapatid ko.
"Nice to have finally meet you. Busy ka yata noong launching ng barko niyo kaya hindi kita na-congratulate." sinulyapan niya ako saka nagbalik ulit kay Rouge. "My sister didn't even mention na ikaw pala ang bisita namin ngayon. I could've chosen a better outfit."
Binuka niya ang kanyang mga braso upang mas ipakita sa'min ang suot niya. Nagtawanan kami at lumala 'yon nang biniro siya ni Rouge.
Saktong bumaba sina dad at Antonia pagkapasok namin. Umusbong ang kaba ko. Kahit nakangiti si dad habang kinakamayan si Rouge ay hindi pa rin natin alam ang mangyayari mamaya.
Tinignan ko si Antonia. True to what dad had said, halata sa mukha niya na ayaw nga niya kay Rouge. Mahigpit ang kapit niya sa braso ni daddy habang walang emosyon na tinanguan ang bisita.
C'mon, they're family! Ano bang iniarte niya? But then I don't care about her opinion. I won't warrant her judgment on who I want to date.
"For you, Sir." Inabot ni Rouge ang dalang bote. It seem like whiskey to me.
"Hmm...The Macallan...it's been a long time." tumatango tango siya habang sinusuri ang bote at hinihimas ito na parang gawa ito sa ginto. "You've got exquisite taste, I like that."
I secretly sighed in relief. Ningitan ako ni dad saka si Antonia na tipid lang ang sinukli.
Humawak ako sa kamay ni Rouge habang tinungo na namin ang garden kung nasaan ang handa. Pinagsiklop niya ang mga kamay namin.
Taka niya akong tinignan na sinamahan niya ng ngisi. "You're cold."
"Slight." sabi ko.
Piningot niya ang ilong ko. Hindi ko manlang siya nakikitaan ng kaba. He's used to social interaction that's why.
Nilingon kami ni Lauris. Pinandilatan ko siya na nagresulta ng baluktot niyang ngisi.
We settled ourselves in our chairs. Habang nagsikuhanan na kami ng mga ilalagay sa'ming plato ay sinimulan ni dad ang pagsalang kay Rouge sa tanungan. I highly doubt Rouge came here unprepared.
"So...Rouge. I won't ask you about your shipping line since the news is always the same. It has always been a success. I got mad respect for your father."
"Thank you Sir."
"But instead I'd like to know on how long have you been dating my daughter."
Sinulyapan ako ni Rouge. "We've been seeing each other since before the launching." nanatili ang mga mata niya sa'kin habang nagsasalita.
Otomatikong nasa'kin lahat ang mga mata't ulo nila. Pigil ngiting sumubo si Rouge sa kanyang pagkain.
"Wala kang binanggit sa'kin Lorelei." pagtataka ni daddy.
Kahit si Lauris ay halata ang pagtataka sa harap ko. Nahinto sa ere ang sana'y isusubo niyang meat na nakatusok sa tinidor.
"Hindi pa kami close noon." hindi ko natagalan ang tingin nila.
"RV became a client of Vedra Corp, she's an intern so I met her in their company." dagdag ni Rouge.
Bahagya akong humilig sa kanya at bumulong. "We met at dad's wedding."
Tumaas ang kilay niya't tumango, napagtanto ang sinabi ko. "Hm. Right. We met at your wedding's reception, Sir. I drove her home."
Nanunudyo akong ningisihan ni Lauris. Nakataas ang isa niyang kilay.
"I didn't see you in the wedding. Did you, Antonia?" baling ni dad sa asawa.
"No." matigas ang ekspresyon niya.
"I came late. My relatives were there, some close ones but not as close as your wife. I was in the States most of my life so wala akong masyadong close relatives dito." pahayag ni Rouge.
Mahina at mabagal akong sumubo upang mas marinig ang kanilang usapan.
Nilapag ni dad ang mga kubyertos at nagpunas ng bibig gamit ang table napkin. Pormal niyang tinigan si Rouge, nagtatanong ang mga mata.
"So palagi mo nang hinahatid ang anak ko ever since? My wife here, Antonia, palagi niyang napapansin 'yon."
Rouge slid his tongue on the slit of his lips. Nagtiim bagang siya."Yes sir"
Tumango si dad. That means he's satisfied with the answer, right? Wala naman siguro akong dapat ikakaba. I just thought I had because of Antonia's impression na balak pa niyang ipasa kay dad. She's been taking her vow of silence for the whole course of our dinner.
Iba na ang pinag-uusapan nila Rouge at dad ngayon, at paminsan minsan ay sumasali rin si Lauris since parte na rin siya ng DC. Sumingit na rin ako at binanggit ang tungkol sa balak nilang ipatayo na warehouse. Pinagtulungan namin siyang kumbinsihin na kami ang gawing contractor.
Sa kalagitnaan ng kunwari bidding namin ay nag excuse si Antonia sa hapag kainan. Pinagpatuloy lang namin ang usapan at pinabuksan na rin ni dad ang dalang whiskey ni Rouge. Tumanggi akong magpasalin.
"Ano na Rouge? Have you decided? Give us one week then we'll serve the proposal right at your table." kumikislap ng pag-asa ang mga mata ni daddy.
"We can give it to you as fast as three days." bahagyang tawa ni Lauris.
Humantong ang pigil ngiti ni Rouge sa ngisi at kibit balikat. His stubble stretched along his angled jaw.
Pinaglalaruan niya ang inumin sa baso. "That's if I were delegated to make the decision, I would really get DC. I'll do my hardest to convince my father."
Hindi na ako magtataka kung bakit atat sina dad na magkaroon ng project kasama ang mga Verduzco. Mahirap kumuha ng project sa kanila dahil sa dami ng mga offers.
Napag-alaman ko ring matagal nang nililigawan ng DC ang RV lines para sa pagkuha ng mga proyekto. Ngayon lang nakakuha ng pagkakataon si dad na mapalapit sa isa manlang sa kanilang pamilya. Thanks to me.
Lumikha ng ingay ang paglapat ng bote sa baso ni Lauris habang nagsasalin ng panibago.
"Let's do an advance celebration. Doon din naman siguro papunta 'to di ba?" arogante niyang sabi saka tinaas ang kanyang kopita.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Stop assuming Lauris."
Ayokong isipin ni Rouge na ginagamit ko 'tong dinner para makuha namin ang project.
Tumawa ang kapatid ko. "That's what you call positive thinking, Lory."
Itinaas nina dad at Rouge ang kanilang mga kopita at pinagtama saka uminom. Ramdam ko ang tapang ng inumin base sa ingay galing sa kanilang mga lalamunan at pagbuga nila ng hangin. I settled myself with a glass of wine.
Nilingon ko si Rouge sa pagguhit ng mga daliri niya sa lantad kong likod at balikat, namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.
"Bakit?" tanong ko.
Dumestino ang mata niya sa hawak kong kopita na may wine saka binalik ang tingin sa'kin. Makahulugan siyang ngumiti.
Kinabahan ako sa naalala. I think alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. The fire in his dark amber eyes tells me so.
"Saturday ngayon." may pinapahiwatig siya sa kanyang tono. Sadya ang mahina niyang boses.
"I know." sabi ko.
"My place?" nagtaas siya ng kilay at nahihiyang kinagat ang ibabang labi.
"I'll ask dad first."
Ngumuso siya. Bumaba ang tingin niya sa daliri niyang gumuguhit sa'king balikat. "'kay."
Natawa ako sa nabasang disappointment sa kanyang mga mata.
Umayos siya ng upo at inubos ang laman ng kanyang baso. Lumingon siya sa'kin at bumulong sa'king tenga. "I have to take a leak."
"The only door in the kitchen, that's the comfort room. Want me to accompany you?"
Ngiti siyang umiling saka tumayo. Tumango lang si dad nang nag-excuse si Rouge. Hinatid siya ng mga mata ko patungo sa kitchen.
Hindi ko alam ang aasahan kung tatagpuin ko ang mga mata ni dad knowing he's looking at me.
Mas maganda nga sigurong hindi ka umasa dahil mas malaki ang tsansang maganda ang kalalabasan ng pangyayari. Because when I met dad's gaze, he's smiling.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro