Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ONE

Nagising ako sa pagkiliti at impit na tawa ni Lauris. Ginantihan ko siya ng sabunot sa buhok at pagkiliti sa kanyang leeg. Ganito niya ako gisingin sa tuwing nauuna siya kaya minsan, nagpapaunahan kami sa paggising sa umaga. Minsan nag-aaya pang mag wrestling. Palibhasa lalake at mas malakas sa'kin kaya natatalo niya ako.

"Ano ba Lauris!" padabog akong bumalik sa pagkakahiga at tinakpan ng unan ang aking mukha.

"Wake up! Kailangan mo pang magpaliwanag sa'kin." dinaganan niya ang unan kong tumatakip sa'king mukha.

"What did I do?!" inis kong daing.

"Umalis ka na lang bigla. Hindi ka manlang nagpaalam sa'min ni dad."

Umupo na ako at tinapon sa kanya ang unan. "Nagtext ako."

"Ba't hindi mo ako hinintay?"

"Ang tagal mo kasi!" umirap ako.

Nagkamot siya ng ulo at inakbayan ako. "Well...thanks for not doing it. Because I almost got laid last night."

Gulat akong napalingon sa kanya "Almost? Bakit almost lang? May saplot?" tumawa ako.

"Hind kaya! Pero atleast I'm half virgin." kampante niyang sabi.

"Half-lang." pang-aasar ko.

Muli niya akong kiniliti. "Get up! Gutom na ako."

"Mauna ka na!" sinipa ko siya. Ngunit sa ginawa ko'y nagkaroon siya ng pagkakataong hilain ang aking paa pababa sa kama.

Binuhat niya ako at nilagay sa kanyang balikat. Hindi na ako nagpumiglas. Sa paggy-gym niya, he has developed his strength kaya sadyang mas malakas siya kesa sa'kin.

"Lauris naman eh..." hinahampas ko ang kanyang likod.

"Come off it sis. Pagbigyan mo na rin si daddy. Today will be our first breakfast together as a family, with Antonia." sabi niya habang bumababa sa hagdan.

Naaamoy ko na ang pinaghalong amoy ng kape, fried foods at kanin na may garlic at butter.

I snorted. Yeah right. New family. I should work on getting used to this New Family thing.

Nadatnan namin si Antonia na pinaghain si dad sa kanyang plato. Nakikita ko na naman ang di maalis alis na ngiti niya simula kagabi. I realized that, maybe that's why I'm not comfortable with Antonia kahit gaano pa siya kabait is because I hate how perfect she is that makes me think na nakikipag kompetensiya siya kay mama.

I know I shouldn't think of it that way but I can't help it. Masaya naman kami kahit noong si dad lang ang nag-aalaga sa'min. We don't really need her. Maliban kay dad.

"Bakit buhat buhat mo na naman nang ganyan ang kapatid mo Lauris? Baka mahulog 'yan." sita niya. 

Antonia chuckled, hinihimas himas ang braso ni daddy "Hayaan mo na dear, ang cute nga nila eh. We were never like that with my brother."

"Kaya nga dad. Ganito kami ka-close ni Lory." binaba niya ako sa silya katabi ng uupuan niya. Kaharap ko si Antonia. "Right baby?" pinisil niya ang ilong ko.

Hinawi ko iyon at sinamaan siya ng tingin. Humalakhak siya't ginulo ang aking buhok.

"Mana sa'yo si Lauris, dear. You're both sweet." ani ni Antonia habang sinasalinan ng kape ang tasa ni dad.

"Thanks...m-mom?" pag-aalinlangan ni Lauris.

"I'll just call her tita." walang gana kong wika.

Tinitignan ko ang mga nakahain. Kung siya man ang nagluto ng mga ito, I don't think I can have my breakfast anytime now. And besides, I have my strict food preference.

"Lorelei. She's already your mother." striktong ani ni dad.

"It's okay Lucas. Let your daughter adjust." gamit ni Antonia ang malamyos niyang boses. Mom used to do that to dad, too. Nakikita niya lang kaya si Mom kay Antonia kaya niya pinakasalan ito? If so, maybe Dad hasn't moved on from Mom yet which makes it a good news to me.

Napatingin ako kay Antonia sa paghawak niya sa kamay kong namahinga sa dining table. Her kind eyes were smiling with understanding.

"You can call me Tita."

Kung ibang tao ako, marahil nahawa na ako sa ngiti niya. But I'm not other person. Tipid at pilit ang ngiti ko sa kanya.

"Kumain ka na Lory." sabi ni dad.

Naghanap ako ng maaaring makain sa mesa. But every single plate consists of meat. From sausages to ham to bacon. Mukhang kanin lang yata ang magiging laman ng tiyan ko.

"You know I don't eat meat, Dad." malamig kong sabi. He's been taking care of us for years. How come he forgot about that simple fact about me?

"You don't?" nahimigan ko ang gulat sa tono ni Antonia.

"She's actually a vegetarian. Sinanay kasi ni Mom." Si Lauris ang sumagot.

"That explains your healthy glow."

"Just try them Lory. They taste good. Masarap magluto si Antonia." ani ni Dad.

Suko akong sumandal sa silya at humalukiphip. "It's either vegetables or nothing."

"Have some apples then." bahagyang tumayo si Lauris upang abutin ang apple sa fruit basket na nasa dulo ng mesa. Dinagdagan niya ng saging saka nilagay ang mga ito sa'king plato. "Here."

"Thanks." kinuha ko ang saging. Babaunin ko nalang ang apple.

I may sound and look rude pero hindi ko pinipilit ang sarili na gustuhin ang mga bagay na hindi ko gusto noong una palang. Maybe eventually matatanggap ko ang ganitong sitwasyon. But not for now.

I'll try. Susubukan kong magustuhan siya. I'll try to like her as my step mother.

"Nagpunta pala kagabi yung pamangkin mo." mababa ang aking boses at walang mababakas na emosyon. Nagsalin ako ng sariling kape galing sa coffee maker na nasa gitna ng mesa.

"Pamangkin? Sino raw siya?" tanong ni Antonia.

Nagkibit balikat ako. "Nakalimutan ko itanong ang pangalan."

"Siya ba may-ari ng number na ginamit mo sa pagtext sa'kin kagabi?"

Sa tanong ni Lauris, nabuhayan ako ng loob. "Yeah! Sinave mo ba?"

Nguso siyang umiling. "Dinilete ko na."

Parang sinuntok ako sa tiyan sa naramdamang kabiguan. I should have asked Lauris to save the number.

"Anong itsura niya?" tanong ni Antonia.

As much as how I would gladly like to describe him in detailed form, I chose not to let them notice that I'm crushing on a stranger.

"He's quite tall. Madilim kaya di ko masyadong namukhaan. Siguro kapag magkita kami ulit malalaman ko." matabang kong sabi.

"Baka si Randall. He's tall right?" ani ni Dad, nagtatanong na tinignan si Antonia na nakasalamin ang ekspresyon kay dad.

"Maybe..." kunot noo niyang ani saka bumaling sa'kin. "Who's with him?"

"He's alone."

Natahimik na siya pagkatapos nun. Bumagal ang kanyang mga pagnguya at mukhang malalim ang iniisip. Bakit hindi niya alam na pupunta ang pamangkin niya? Or, bakit hindi niya inimbitahan? Mukhang nandoon naman ang lahat ng kamag-anakan niya sa kasal.

"Na enroll na ba kayo for this semester? This one's your last, right?" pag-iiba ni Daddy sa usapan.

Lumapit si manang Edna sa mesa kasama ng kanyang anak na namamasukan ring katulong sa bahay upang ilapag ang tubig na ni-request ng kapatid ko.

"Mamaya, sabay kami ni Lauris." sabi ko.

"Are you still on with the Range Rover deal, Dad? Because I think I'm going to be on the Dean's list and in running for Cum Laude." kumpiyansang pahayag ni Lauris na masiglang nilalantakan ang bacon.

"I thought you opted for Maybach?" taka kong tanong sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya at malapad na ngumisi.

"How sure are you na magiging Cum Laude ka? Hindi pa nga tayo enrolled." pagtataray ko.

Bahagya siyang tumawa. "Pakiramdam ko lang swerte ako ngayong taon."

Kuntentong tumango si dad. "That's good. And I'm not backing out from our deal. A real man doesn't back out."

"O'right!" mas lalo pang sumigla si Lauris na para bang nakalamon ng ilang bote ng vitamin capsules.

Sina dad at Antonia na ang nag-uusap habang tahimik lamang kami ni Lauris. Alam kong siya rin ay naninibago sa sitwasyon namin pero hindi lang niya pinapahalata. He hates dramas and he tends to show more of his optimism na siyang pinagkaiba naming dalawa.

Naligo na ako saka nagbihis para sa pagpunta sa school. Ininsert ko ang suot na plain white long sleeved chiffon blouse sa'king faded jeans. Enrollment palang naman ngayon kaya casual lang ako. I tied my hair in sleek ponytail at hindi ko na nagawang maglagay ng make up dahil sa kawalan ng pasensya ni Lauris. Panay ang pagpindot niya sa busina ng sasakyan.

"Let me dress up in peace, dammit!" inis kong sigaw habang kinakabit ang strap ng flat sandals ko.

Nalilito na ako kung saan tutungo upang mahanap ang aking cellphone, wallet at ilang mga requirements sa enrollment.

"Looorrryy!" kinanta na ni Lauris ang pangalan ko sabay busina.

Iritado akong dumaing. Pagkatapos makuha ang lahat ng dadalhin ay lumabas na ako ng kwarto. Padabog lahat ng aking paghakbang. Hindi manlang niya ako hinayaang mag-ayos ng mabuti. Kahit concealer wala akong nailagay sa mukha ko!

Simangot akong nagtungo sa sasakyan. Dahil sa inis ko'y hindi ko na nagawa pang magpaalam kina dad. Malakas ang puwersa kong sinara ang pinto sa passenger's seat pagkaupo. Umawang ang bibig ni Lauris at hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata.

"Don't hurt my baby like that." umaarte siyang nasasaktan. Inikutan ko siya ng mata.

"Magpapabili ka rin naman ng bago. You're going to cheat on this with a Range Rover." sabi ko.

"Kahit na! This is still my baby." aniya at pinaandar na ang kotse. Strikto siyang tumitig sa'kin. "Seatbelt mo, Lory."

Kinabit ko ang seatbelt saka niya pinasibad ang sasakyan. He prefers to drive us all the way to school at sa kahit saan pang may lakad. Si dad lang ang mayroong driver. Me on the other hand knows how to drive ngunit paminsan minsan lang akong nagmamaneho. Tinatamaan kasi ako ng katamaran.

"Hindi pala kita masasabayan sa pagpapa-enrol." aniya.

"Bakit?"

"I'd be with Seth and Dezi." aniya.

"Okay."

Sandali niya akong sinulyapan. "You okay with that?"

"Yeah, I can handle myself." tamad kong sabi habang may hinahalughog sa bag ko. Ito yung dala ko kahapon sa kasal, which means nasa loob pa ang aking vanity kit.

"'Til when are you gonna stop bitching out on her?" biglang tanong ni Lauris.

"Did you mean Antonia?"

Tamad niya akong nilingon.

"What? I didn't do anything. I tried to be civil to her." depensa ko.

"Try harder. Saka huwag mong ipahalata. Obvious ka masyado eh."

Tinapat ko ang aircon sa'king direksyon saka naglagay ng foundation sa'king mukha. "Is this about me not eating the food she cooked? You know my food preference, Lauris. Which dad, I think has forgotten about."

"You could've declined politely, not your brat-act stunt a while ago. And I think dad just wants you to change your lifestyle. What's with being a devoted vegetarian anyway? Meat tastes good. Your vegan lifestyle is boring." ngumiwi siya.

Nahinto ako sa ginagawa at inis siyang binalingan. "Because meat is cancerous! Look what happened to Mom."

"Lory..."

Umirap ako't sinara ang compact foundation na naglikha ng malakas na tunog. Sunod kong hinanap ang aking lipstick. I found the nude tone. "I will never change what mom has taught me, Lauris."

Malakas siyang bumuntong hininga. "What Mom had is a hereditary illness, Lorelei. She's a pescatarian but still, death happened to her." mahinahon niyang sabi.

"That's why I'm trying to prolong my life with a much healthier lifestyle." ani ko saka binaba ang sun visor. Tinignan ko ang mukha ko sa maliit na salamin doon saka nilapatan ng kulay ang labi ko.

"You say so." mahina niyang pagsuko.

Sinilid ko ang lipstick sa bag, doon ko nahagip ang aking cellphone. I checked for some messages, the latest one came from my cousin.

"Nag-text si Lorca. She's going to borrow any of your cars. She'd be here on Wednesday." ani ko.

"Maybe I'll lend her this one. Sorry baby pero ipapahiram muna kita. Don't miss me too much okay?" sabi ni Lauris saka hinalikan ang steering wheel na may tunog.

Napailing ako sabay tawa ng bahagya.

Pinark ni Lauris ang kotse sa basement ng university. Kahulugan na matatagalan siya rito sa eskwelahan. Hinatid niya ako sa enrollment area bago pinuntahan ang kanyang barkada. May sumalubong kaagad sa kanyang grupo ng mga kababaihan at walang pagtanggi siyang nakipagkuwentuhan sa mga ito.

Nag-fill up ako ng forms. Pinasa ko pagkatapos hanggang sa nagtuloy tuloy na ang proseso. Kaunti na rin naman ang nag enrol sa aming course ngayong araw dahil last day na ng enrollment. Sa nakasanayan, first day ang pinaka-populated.

Dumiretso ako sa daan papuntang cr pagkatapos ma-enrol. I don't know where Lauris is but I'm sure he's with his friends by now.  Ako nama'y balak makipagkita kay Jezreel sa mall. Hindi ko pa siya natext, and I don't know if he's available today. If not then, I don't mind wandering alone.

Papalapit palang ako ay ipinagtaka ko na ang nakasaradong pinto ng cr. Usually nakabukas ito kapag may activity sa school. I don't think may maintenance sa loob dahil kung meron, may nakalagay na sanang WET FLOOR sign  sa labas ng cr. Since I wasn't convinced ay pinihit ko ang doorknob.

Otomatikong nanlaki ang mga mata ko't napaawang sa nadatnang eksena. I'm not that innocent. I have seen scenes like what I am looking at right now in movies. And never in my life had I expected to see one. Live!

A couple senselessly dry humping. At kilala ko pa ang babae, She was one of our teachers during third year second semester. It was the last among my expectations from her to see her with a man and they were erotically touching each other! Dahilan upang mapasigaw ako.

"Shit!"

Nagmura ang lalake. Mabilis kong sinara ang pinto at nagmadaling tumakbo palayo doon. Bahala na kung hindi ako naka-cr, sa mall nalang siguro. Pero kaht saan yata ako magpunta ay madidikit ang eksensang yun sa isip ko like an endless roll of a film.

Hindi pa ako nakaabot sa dulo ng hallway ay may marahas nang humila sa'king braso. Babalewalain ko nalang sana but the grip was too strong to ignore.

Parang mga bakal ang kumukulong sa braso ko't may balak pa yata siyang baliin ang aking buto dahilan upang inis ko siyang nilingon.

Sumalubong sa'kin ang marubdob na tingin ng kanyang mga mata. His piercing dark amber eyes stared back in between fear and plead, pero nanaig doon ang intensidad. I don't know how he was able to show those three expressions all at the same time.

"Wala kang nakita." matigas niyang sabi.

Mas napaawang ako. "Anong akala mo sakin, bulag? Siyempre may nakita ako! You were having dry sex with a...with a... a teacher!"

Kinabig niya ako sa batok at ang isang kamay niya'y tinakpan ang aking bibig. Nagpumiglas ako. Walang masyadong dumadaan dito kaya wala talagang makakasaksi sa amin ngayon. And knowing that, isa marahil 'yon sa dahilan upang ito ang pinili nilang pagdausan ng kung ano.

Hinila niya ako sa isang sulok. Mula rito, nakita ko na lumabas ang dati kong teacher mula sa cr. Pinasidahan ng kamay niya ang kanyang uniform ngunit halata pa rin naman ang pagkakagusot nito. Inayos niya ang kanyang buhok at parang wala lang na naglakad pabalik sa enrollment area.

God! Hindi ko alam kung paano ko pa siya babatiin kapag magkasalubong kami sa hallway.

Bumaling muli ako sa lalake sa pag-alis ng kamay niya sa bibig ko. Naningkit ang mga mata niyang nakatitig sa'kin, it's either may inaalala siya o sinusuri niya ako. Mas pansin tuloy ang makapal na pilikmata niya sa kanyang ginawa.

"You did that for your grade? What's with people nowadays?" akusa ko. Tahimik akong napahinga sa ginhawa sa kadahilanang hindi ako nautal habang nakatingin sa kanya. Because I admit, this man is gorgeous.

"It's not for my grade." kalmado niyang sabi. It's calm but full-stricken with sensuality. And it's familiar to me.

"She's a teacher!" bulalas ko.

"She's young. Two years."

"Two years young?" halos paghisterikal ko. "Ano siya genius? I'm twenty and still a student! Siya? Eighteen and a teacher? You got to be bullshitting me, mister."

Ewan ko kung bakit siya ngumisi. But I don't mind at all. He's got perfect set of teeth.

"She's two years older than me. That's still young." aniya, hindi manlang naapektuhan sa inis ko.

"I don't care. A student teacher relationship is prohibited in this university."

Napatingala siya sa ginawang pagtawa. His deep sincere laugh echoed not just in every concrete walls of the building, umuugong rin pati sa dibdib ko. "What are you Lorelei? A student council president? Principal?"

"No—wait. Bakit mo ako kilala?" tinignan ko ang sarili. I didn't even wear an ID.

Kinapa ko ang aking noo, inasahang makakapa ng name tag. Shit. I look stupid to have even thought about it. And I know he thinks that I am stupid dahil sa pag-ngisi niya!

Mas nilapit niya ang kanyang sarili. Mas umatras pa ako sa pader kahit wala na akong maatrasan. Nanunuya ang tingin niya. Inangat niya ang isang kamay upang isandal sa pader, sa gilid ng aking ulo. "How sad that you were able to forget about me that fast."

Tinitigan ko siyang mabuti. He really looks familiar. And I planned to stare at him longer to dig up some memory.

Mas ginugulo ng hangin ang makapal niyang buhok. It is dark brown as hardwood that complemented well with his deep set and dark amber eyes beneath those well-trimmed thick brows. He's got light olive skin complexion. Pinapalibutan ang nakakamangha niyang mga mata ng mabibigat na pilikmata. The light shadow of his stubble makes him dangerously attractive with his determined jaw and chin.

Sinara ko ang aking bibig. Lumunok ako bago pa mamalayan ang sarili kong naglalaway. That would be beyond embarrassing.

Nilingon ko ang isang braso niyang nakaharang sa aking gilid. It's buff, not the steroid-induced buff but attractively buff. Binabakas ko ang mga ugat na lumilitaw sa paggalaw ng kanyang braso.

Damn! I am shamelessly checking him out. Kahit nakadamit palang siya, I could honestly say that that face and body can make the gods weep with joy!

"Too bad. If you're just going to tell on me, I shouldn't have driven you home last night." mapaglaro siyang pumalatak.

Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. There's amusement in his stare.

But wait...driven me home last night?

Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto. "You're Antonia's nephew? Ikaw yun?"

He didn't nod nor shake his head. Tumaas ang isang bahagi ng labi niya bilang sagot.

"Oh my gosh..." tanging nasambit ko sa madaming kadahilanan.

"I'm so sorry." yumuko ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanya pero heto ako't inaaway siya. If I could have only known earlier.

"Sorry about that, too. You know...back there." tinango niya ang ulo sa direksyon ng cr kung saan ko sila nahuli.

Bumuntong hininga ako't mas tiningala siya. Damn...he's really tall. At hindi ako nagkamali. His chill and dark voice is congruent to his very well-defined physicality.

"Sa dinami daming classrooms dito, bakit sa cr pa? And this is a public place! You could've searched a hotel or something." But I never like that idea at all. Mabuti nalang nahuli ko sila bago pa mangyari 'yon.

"I really wasn't planning on going further."

Hmm.Doesn't seem like it. Pero gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Muntik na akong ngumiti. I nodded instead.

Binaba niya ang kanyang braso at kasabay ng isang kamay niya'y sinilid niya ang mga 'to sa kanyang bulsa. He's got broad-shoulders that look strong and warm to be wrapped around to. And his long jean-clad legs look muscular.

Mabilis kong binalik ang tingin ko sa mukha niya. He was smirking again, marahil nahalata ang paglakbay ng tingin ko sa kanya.

I acted normally. So what kung nahuli niya ako? I'm sure he's already used to girls doing that to him a lot.

Ningitian ko siya. Now that he's here, I'm going to grab this chance.

"If you don't mind again, I would like to return the favour for your help last night. Lunch? Snack? Anything...It's okay if you'll take a rain check. You call the shots."

"Coffee is fine." aniya, hindi inaalis ang tingin sa'kin. And he didn't ponder.

Napanguso ako. "Are you sure? Coffee lang? No dish...dessert...anything to chew? Malayo ang binyahe mo kagabi."

I want him to mention something that is not a take-out type of food. I want us to dine-in!

"Coffee completes my day. I wasn't able to have my coffee this morning so..." he shrugged.

Tumango ako. If that's what he wants. I'm hoping—again—na hindi niya 'yon ite-take out. Because I want to have a lengthy conversation with him, to be honest.

Nanatili ang mga mata ko sa kanya. It's damn hard for me to look away from him. Everything about him warrants attention. Especially in the physical department. He doesn't have a beauty of an angel. It's god-like.

"O'right. Coffee it is, then." sabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro