NINETEEN
Maingat akong hiniga ni Rouge sa kama pagkatapos ng ilang sandaling pagkalma sa naunang posisyon. Sa pagtama ng likod ko sa kalambutan ay halos hindi ko maidilat ang mga mata ko sa pagod.
Binalot ni Rouge ang kumot sa'ming dalawa saka niya ako inikot paharap sa kanya. He pressed me on his hard, warm body. Lumapat ang labi ko sa dibdib niya, at doon ramdam ko ang mabilis na kumpas ng kanyang puso.
"Please don't regret this." bulong niya sa buhok ko. Bahagya niya akong dinungaw. "Because I don't."
Ilang beses kong kinurap ang aking mga mata hanggang naging malinaw siya sa'king paningin. He looked tired, but I could also see the satisfaction on his face.
He made lazy strokes at my back, at sinikap kong hindi siya tulugan dahil lumala lamang ang antok ko sa ginagawa niya.
"Nagawa mo na 'to sa iba, kaya hindi mo talaga pagsisisihan."
Umiling siya. "You just ruined those past experiences for me."
Uminit ang puso ko sa pahayag niya. Di ko mapigilang mapangiti.
Samantala, naglalaro sa isip ko ang mga ginagawa niya dati bago ko siya makilala. They've done something like this with Rouge; pleasing him, bringing each other to their ecstasies. I don't want him to go back to that lifestyle. Gusto ko ganito. Yung kami lang.
And him telling me that I've ruined those for him, parang sinasabi na rin niya sa'kin na ito rin ang gusto niya. Na kami lang. No other women. No other men. Just us.
Bumaba ang mukha niya't tinaniman ako ng halik. My skin tingled even with the slight touch of his lips. Parang may nagising ulit sa'kin nang lumalim ang halik niya.
Marahan ko siyang tinulak. "Rouge...I'm tired."
Pagod siyang tumawa at niyakap ako."Let's sleep, then."
We slept soundly that night. Sa nakikita kong bakas ng kaluguran at pagod sa mukha niya'y naramdaman kong nagiba ang kung ano mang bumabagabag sa kanya.
Though using me to vent his frustration entered my mind, damdamin ko naman ang nagsasabing hindi niya ako ginagamit. I could tell by the way he held me tonight.
Naging abala ang mga natitirang linggo bago ang graduation sa pag process ng clearance. Malapit na ring magtapos ang internship ko sa Vedra Corp ngunit hindi ibig sabihin na wala na kaming kaugnayan ni Lila.
We still communicate. A lot. Parang magkatrabaho pa rin kami. Inamin na rin niya sa'king nagli-live-in na sila ni Vlad. Ngunit bago pa man niya inamin 'yon ay ramdam ko nang ganoon ang kanilang set up.
Mauuna ng isang linggo ang graduation ni Lauris. Isang araw bago siya magtapos ay binigay na sa kanya ni daddy ang ipinangako niyang reaglo dahil sa pagkakaroon niya ng Latin honor.
Kahit hindi ang napagkasunduang Range Rover ang binigay ni dad, mas masaya pa yata ang kapatid ko sa niregalong kotse kesa sa katotohanang magtatapos siya na may award.
"Fucking damn it to hell! Wohooo!" sigaw ni Lauris.
Ako ang unang nakasakay sa brand new Acura na walang habas niyang pinapaharurot sa malawak at malinaw na daan sa may SLEX.
Napailing nalang ako. He's getting a bang out of his new car! Todo kapit ako sa kung saan may mapagkapitan. Kahit hindi nakasanayan ay nagawa kong ikabit ang aking seatbelt.
"I'm riding you now baby! I am so gonna fuck with you!" patuloy niyang pagsasaya.
"Lauris, I'm here in the passenger's seat. So ano 'to? Threesome?"
Malakas siyang humalakhak. "Your deadpan wit as usual, Lory."
Pinabagal niya ang pagpatakbo nang may paparating na traffic sa unahan. Binaba ko ang volume ng stereo na nagpapatugtog ng isang sikat na kanta ng Nirvana.
"Anong gagawin mo after graduation? Diretso ka na sa DC?" tanong niya pagkahinto ng sasakyan.
Naging tanong ko rin 'yan sa sarili nitong mga nakaraang araw. It's a part of my so called pre-graduation anxiety kung saan ang iba'y iniisip nila kung ano ang gagawin sa kanilang mga buhay after graduation.
Merong iba na hindi naman naa-apply ang course nila sa kanilang mga trabaho. We all go through that kind of life crisis, and I'd been there. Marami akong kinokonsiderang options sa magiging plano ko and it boiled down to this one decision na alam kong mas prioridad. Not just for me but for our family.
Dad's not getting any younger. I know Lauris can take over DC if ever unfortunate circumstances happen, but I don't think he can handle it easily alone. Not that I'm underestimating. Atleast manlang may isa siyang mas pagkakatiwalaan kung may iba man siyang pagkakaabalahan. Besides, no man is an island.
"I'll take my MBA muna bago ako magpasalang sa kompanya. Ikaw? Saan ka magrereview para sa board exam?"
He moved the gearshift at umusad ang kotse. "May nahanap na akong review center. I think nago-offer din sila ng Masteral. Sumama ka nalang sa'kin kapag pupunta ako doon para maka-inquire ka."
"Okay."
"Or you can seek help from your multi-millionaire boyfriend." panunuya niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Haaay...Malapit na...soon this year I'm going to be Engr. Lauris Nigel C. Dreyfus." nangangarap niyang sabi.
Animo'y walang makakatanggal sa galak sa kanyang mukha kahit ano mang mangyari ngayon. He's like in a world domination.
"Asawa nalang ang kulang. Why don't you find a decent woman, Lauris? I haven't seen you getting serious with someone."
"Shut up." madrama niyang sita.
Humalakhak ako. Hindi na kami lumayo sa biyahe dahil pinuntahan pa namin ang mausoleo ni mommy. I wish dad's with us. Palagi ko talagang nakakalimutang itanong sa kanya kung nakakabisita pa ba siya.
Sa araw ng aming commencement exercise ay nakita ko si Zavid na proud kuya kay Shane. Kakatapos lang ng programa at puno ang convention hall ng mga graduate students na nakaitim na toga.
"Hey, Congrats!" bati ni Zavid.
"Thanks."
"Mr. Dreyfus." Nakipagkamay siya kay dad at tinanguan ang kapatid ko at si Antonia.
"You know each other?" halata sa mukha ni dad ang surpresa.
"Since the Verduzco's cruise ship launching." ani ni Zavid.
"I see...to whom you are here for by the way?" tanong ni dad.
"My sister Shane. Classmates sila ni Lory."
May halong biro ang mapanuring tingin sa'kin ni dad. "You owe me a lot of talks, Lory. Marami kang hindi sinasabi sa'kin."
"Oi picture kayo kuya Zave!" sumingit sa'min si Shane na nakakabit strap ng DSLR sa leeg. Ngumiti ako sa kanya at nagbatian kami ng congrats sa isa't isa.
"Do you mind? Baka may magalit." biro ni Zavid.
Tumawa ako at umiling. This is just a picture. Walang dapat ikagalit dito.
Mukha siyang may hinahanap sa likod ko bago binalik ang tingin sa'kin, nagtatanong ang mga mata. "Where's your guy anyway?"
"May emergency meeting, hindi mahindian. His father's order." I shrugged.
Tumango siya na parang inasahan na niya 'yong marinig. Hinila ako pabalik ng alaala sa sementeryo kung saan nagkasukatan sila ng tingin ni Rouge. Sana lang walang alitan sa pagitan nila. Kung meron man marahil ay tungkol lang sa negosyo. But he was at the Verduzco's grand launching. Well you know business...
Pagkatapos kaming kuhanan ni Shane ay umalis na siya't pinuntahan ang iba naming kaklase.
Humantong ako sa pagch-check ng aking cellphone nang sinimulan na nila dad ang business talk. I received congratulatory messages from Jezreel and Lila. Nag-aya rin silang mag-bar mamayang gabi na sinang-ayunan ko.
Binati na ako ni Rouge kaninang umaga kasabay ang message niyang hindi nga siya makakapunta ngayon dahil sa aberya ng isa sa kanilang barko.
Kumain kami sa labas pagkatapos. Sinadyang ngayon na idaos ang graduation ni Lauris para sabay na sa celebration ngayon.
"Sabay talaga tayo sa lahat ng bagay. From birthday to graduation celebration." pabiro niyang maktol. "I just hope hindi ipagsabay ang mga kasal natin."
Nagtawanan kami. Saktong dumating ang server upang ilapag ang mga inorder naming ni Lauris. It's dad's treat. Dito na rin naming pinag-usapan ang aming mga plano ngayong tapos na kami sa pag-aaral.
At ang pinaka highlight—na sobra pa sa brand new Acura ni Lauris—ay pwede na kaming lumipat sa condo. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon at nasurpresa talaga nang binanggit 'yon ni dad.
Napatayo ako sa upuan at yumakap sa kanya. "Thanks dad!"
Tinapik niya ako sa braso. Hinintay niya akong makaupo pabalik bago siya nagsalita.
"I know your mom is so proud of you both as much as we are."
Kita ko ang pagtango ni Antonia habang magkahawak kamay sila ni dad sa mesa.
Bumaling muli ako kay daddy at habang matagal ko siyang tinitignan ay nahahalata ko na ang ilang mga senyales ng katandaan na hindi ko masyadong napapansin dati. The wrinkles started to get more prominent and there are additional numbers of white strands in his hair.
Hindi ko maintindihan ang biglaang pagtama ng kaba. I'm forcing to see him as a strong man, which physically, he still is regardless of the signs of aging.
I want to ask Antonia to stop working para may magbabantay kay dad lalo na kapag lilipat na kami ni Lauris. To do that, I have to set aside my dislike towards her. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay mamamatyagan siya nila manang. Who knows what would happen.
Binaha ako ng yakap at halik sa pisngi nina Lila at Jezreel pagkarating ko sa bagong bukas na bar na pinili nila. Bumati rin sina Vlad at Gustav. May dalawa pa silang kasamang lalake na di ko kilala at di ko maintindihan ang lenggwahe nila habang may sarili silang pinag-uusapan.
"Take your graduation shot!"
Tinaas ni Jezreel ang shot glass saka pinainom sa'kin. Bago sa panlasa ko ang inumin na sobrang tapang animo'y rubbing alcohol ang dumaan sa lalamunan ko. Nagtawanan sila nang nanghingi ako ng tubig.
Bilang bagong bukas na bar ay dinagsa na ito ng maraming tao. Vegas style ang interior at pinagigitnaan ng dalawang pole podium ang stage kung saan nagmi-mix ang DJ.
Dalawang shots pa ang pinainom sa'kin bago kami lumusong sa dance floor. Habang nagsasayaw ay nagpapadala kami kay Jezreel sa paghila niya sa'min patungo sa isa sa pole podium kung saan may mga nagch-cheer sa babaeng nag pole dance.
"Try it Lory! I know nag pole dancing lessons kayo ni Lorca noon!" malakas niyang ani sa gitna ng nakakabinging lakas ng tugtugin.
"For fun lang 'yon!"
That was before starting college. I was bored dahil sa bahay lang ako buong buwan kaya dinala ako ni Lorca sa isang pole dancing lesson. Sa sobrang tagal na nung huli akong sumayaw ay di ako sure kung marunong pa akong umakyat sa pole.
"Tayo nalang Lila." hinila niya si Lila. Pagkaakyat nila sa high podium ay walang hiya akong tinuro ni Jezreel. "We'll dedicate this pole dancing to you!"
Si Lila ang tanging nakaakyat sa pole habang paikot ikot lang sa paligid ng pole ang nagawa ni Jezreel. Sinabay ko na ang pag-cheer sa kanila sa pagsasayaw ko.
Napatalon ako sa pagpulupot ng maiinit at makikisig na braso sa'king baywang. Sa higpit ng yakap niya'y di ko magawang lumingon. Nag-freeze sa ere ang nakataas kong mga kamay.
"Congratulations..." bulong niya sa tenga ko. His raspy voice delivered a strong current along my nerve endings.
Tumalon ang puso ko. Pinuwersa kong pumihit upang kumpormahin ang presensya niya. "Rouge! I thought..."
Pinutol niya ako sa paghalik sa'kin na parang isang taon kaming hindi nagkita. It was slow and deep, at parang may gusto siyang sabihin sa halik na 'yon na hindi maisasatinig sa salita lamang. I moaned through his kisses. Binaon niya ang isang kamay sa buhok ko, while the other is at my lower back keeping me from pulling back.
Narinig ko ang paghiyaw ni Jezreel. Ngumiti si Rouge sa gitna ng mga halik saka siya bumitaw at pinagdikit ang noo namin. Pinadaan ko ang aking dila sa labi ko at nalasahan siya. He tastes like mint.
"Akala ko busy ka whole day?" kinabit ko ang mga kamay ko sa kanyang leeg.
"Night na ngayon." aniya. Tumawa ako.
"Paano mo alam na nandito ako?" tanong ko.
"I asked Lila. I came to surprise you."
And sure he did. Nasurpresa talaga ako.
Tinanggal niya ang pagkakapulupot ng isang kamay ko sa leeg niya. The next thing that happened was beyond my belief. Expecting him not to meet me today was absolutely nothing more than him putting a ring on my finger!
Napasinghap ako't bumagsak ang aking panga. Pakiramdam ko'y lumulobo ang aking puso at handang handa na itong sumabog.
"You're proposing to me?" di makapaniwala kong tanong. Although alam ko namang hindi. Paraan ko lang 'yon upang maibsan ang pressure sa dibdib ko.
Sincere siyang tumawa. "It's a graduation gift."
Nakangiti niya akong dinungaw habang hinahawi ang takas na hibla ng buhok at nilagay sa likod ng aking tenga. Sumasayaw ang ilaw ng disco lights sa ngumingiti rin niyang mga mata.
I was filled with overwhelmedness. Nag-uumapaw ako sa samo't saring emosyon habang tinitignan ko ang singsing. It's not the usual ring na may malaking diamond cut sa ring band. The half band is in a spiral lace design na nililinyahan ng maliliit na mga diyamante samantalang simpleng silver naman ang kalahating band.
Halos maiyak ako nang tininignan ulit si Rouge na matiyagang hinihintay ang reaksyon ko. Dali dali ko siyang niyakap. "Thank you."
Yumakap siya pabalik at nilapit ang bibig sa'king tenga. "I'm glad that you like it."
Umiling ako't tinignan siya. "I love it."
I tiptoed to kiss him. Magkayakap kaming sumasayaw habang ako'y di tinatanggal ang tingin sa singsing. A ring as a gift is rare, kasi sa mga engagement kadalasan itong binibigay.
Di ko alam kung bakit singsing ang naisipang ibigay ni Rouge. But nevertheless, I love it. Simple lang siya katulad ng gusto ko, not the luxurious looking ring na mapapabighani ang mga snatchers.
Mas lumalim lang ang nararamdaman ko sa kanya. Not because he gave me a ring but the thought of it per se. Naniniwala akong may kahulugan ito at hindi lang basta basta niyang binibigay for the sake of giving a gift. Whatever it is, I hope I'll find it out sooner.
Muli niyang nilapit ang kanyang labi sa tenga ko. I wanted to lean in more closer to soak in his warm breath. "Spend the night with me?"
Bahagya kong inatras ang aking ulo upang matignan siya.
"Uuwi ako. I'd be packing dahil lilipat na ako sa condo." masigla kong anunsyo.
"That's great. But stay just for a few hours. I'll take you home, I promise. We'll just talk. Drink wine. Talk..." he trailed off.
"We can order wine here." sabi ko. Kumpleto naman siguro sila sa mga klase ng alak dito.
Binasa ng dila niya ang kanyang ibabang labi. He suggestively raised one eyebrow. "Cuddle?..."
Malakas akong humalakhak. Tinago ko ang mukha ko sa dibdib niya. Naramdaman ko ang kanyang tawa dahil nag-vibrate ang kanyang boses at nanginginig ang kanyang balikat.
Tiningala ko siya't kinuwadro ang kanyang pisngi. Hinahaplos ko ang magaspang niyang panga na alam kong gusto niyang ginagawa ko.
"Dito nalang tayo. Next time okay?"
Ayaw ko ring iwan sila Lila dito. They've planned for this.
Marahan siyang ngumuso at matagal na napaisip. Mukhang tinitimbang niya sa mata ko ang kanyang desisyon. Bumigat ang kanyang tingin nang bumaba ang kamay ko sa kanyang maigting na biceps. I felt his skin kaya napagtanto kong hindi siya naka-suit.
Wala siyang sinagot imbes ay binaba niya lang ang kanyang noo sa'kin at mabagal kaming nagsayaw.
Nagawa naming magtagal sa bar. Pinakilala ko siya sa boyfriend ni Lila at sa mga kaibigan nito. Panay naman ang kausap sa kanya ni Jezreel. Kita ko ang pagkaaliw niya sa kaibigan ko.
Madaling araw na naming naisipang umuwi. Lasing na si Lila at gusto pang magtagal, mabuti nalang at nandyan si Vlad upang alalayan siya. Nagpaalam na kami sa kanila. SI Jezreel naman ay sumabay sa'min palabas ng bar.
"Thanks Jez." sabi ko. Nagbeso kami. Pinisil niya ang braso ni Rouge na hindi manlang naapektuhan.
"Ingat mga beh!" maarte siyang kumaway sa'min habang naglalakad papunta sa kanyang kotse.
Sa valet parking kami tumungo kung saan naghihintay ang kanyang Maybach. Habang naglalakad ay hinawakan niya ang kamay ko't hinahaplos ng isang daliri niya ang singsing na isinuot niya sa'kin.
Sa sobrang saya ko ay di ko maintindihan ang dahilan ng aking kaba. Natatakot akong babawiin kaagad ang pakiramdam na'to. Kapag ganitong klase ng kaligayan, hindi magtatagal at panandalian lamang.
"I want to bring you on a road trip this Friday." biglang sabi niya habang nagmamaneho.
"Sinong kasama?"
Nanatili ang mga mata niya sa daan. Mabagal rin ang kanyang pagpapatakbo. "Chaucer and Ryland with his girl."
With his friends. Pwede kaya akong magdala ng ibang kasama? I'm sure hindi 'to tatanggihan ni Jezreel. He's a big fan of that Ryland guy.
"Bakit magro-roadtrip?" tanong ko.
"Ryland's birthday. That's how he likes to celebrate it."
A road trip to celebrate a birthday? Not bad. Mukhang unique 'yon na celebration.
"How old is he?"
Sandali niya akong sinulyapan. "Turning twenty four."
"Should I buy him a gift?"
Lumiko na ang kotse sa entrance ng subdivision. Tinanggal ko ang aking seatbelt na siya mismo ang nagkabit.
Pagkahinto ng sasakyan sa harap ng bahay namin ay mabilis niyang inadjust ang gearshift saka humarap sa'kin. Nakatukod ang kamay niya sa headrest ko at sa dashboard.
"Kung pumayag ka lang na mag stay muna sa condo ko, we could have had a talk about it. With some Pinot Noir and cuddling."
Habang nagsasalita siya'y lumalapit ang kanyang mukha. Pinutol niya ang tawa ko sa kanyang paghalik. Hinila niya ako papalapit at bumaba ang labi niya sa'king panga.
As much as how I don't want to fight my resolve in giving in, bumitaw pa rin ako bago pa niya ako mailagay sa kanyang kandungan. I won't give his car the satisfaction of a live show.
Bigo siyang bumuntong hininga. Namumungay ang mga mata niya kahit wala siyang niisang shot na ininom kanina.
"Go with us this Friday." malambing niyang ani. Hinahaplos niya ang pisngi ko.
Tumango ako. "Sure." Inangat ko ang kamay kong may singsing at ginagalaw galaw ang mga daliri. "Thank you for this. I love it."
Malapad siyang ngumiti. Oh how I love for him to maintain that smile! Isang beses pa niya akong dinampian ng halik bago binitawan. Lumabas na ako ng sasakyan.
Wala akong maramdamang pagod at antok. Palagay ko nga hindi ako makakatulog. Ang bigat ng singsing sa daliri ko ang buod ng aking kasiyahan ngayon at sa taong nagbigay.
I know it's just a ring but it is not just a ring for me. This is like a gift of vow instead of just a graduation present. I may sound delusional, pero hindi mo masisisi ang isang taong nalulunod sa kasiyahan.
Bago pa ako makarating sa pinto ay bumukas na ito. Nakatayo doon ang nakahalukiphip na si Antonia suot ang puting night gown. Nasisinagan ng ilaw sa labas ang mala-Diyosa niyang pagmumukha. Ang ayos ng maalon niyang buhok ay nagsasabi sa'king hindi siya nanggaling sa pagtulog.
Has she been waiting for me?
"You're still awake!" sa sobrang saya ko'y nabahiran ang reaksyon ko ng kasiglahan.
Seryoso niyang tinanaw ang pag-alis ng sasakyan ni Rouge bago bumaling ulit sa'kin.
"You're with him again." nagreplika ang ekspresyon niya sa tono ng kanyang pananalita.
Nagtaas ako ng kilay. "Yeah. So? He's my boyfriend."
Nagpatuloy akong humakbang sa hagdan hanggang sa magkaharap na kami. Binigyan niya ako ng espasyo upang makapasok. Taka ko siyang tinignan bago siya nilagpasan.
"He's using you Lory." malamig niyang sabi. Nanibago ako sa tono niya. Where's the goody two-shoes Antonia? Ito na ba yung matagal ko nang hinintay na makita sa kanya?
Bumaba ako ng isang baitang sa hagdan saka siya hinarap.
"For what? In fact it looks more like we're using him dahil mas mayaman sila. Not the other way around."
Halos mapaatras ako sa talim ng kanyang mukha habang nilalapitan ako. It's like anytime ay sasaktan niya ako. Tinignan ko ang kamay niya, inasahang may dala siyang kutsilyo o kahit anong pwedeng itama sa'kin. Thank God at wala naman. I can still fight against her.
"Hate me all you want, but I'm telling you that man is no good for you." matigas niyang sabi, pinapanatili ang hina ng boses.
Madilim na dito sa loob at nasisinagan lamang ng poste sa labas. Tulog nang lahat ng tao, siya lang ang nanatiling gising upang hintayin ako't sabihan ng walang kabuluhang mga bagay.
"Can you please stop it? Cut me some slack, okay? I get it, I don't like you and you know that. Pero hindi ibig sabihin na sisiraan mo na siya sa'kin para guluhin kung anong meron kami!" marahas kong bulong.
"Ano nga bang meron sa inyo? Is he even serious with you? You'll never know Lorelei, it might be just one of those one-way sentiments and the rest are only his affectations."
Nanggigil ako sa inis. "You don't know anything about us!"
"I could say the same to you." kampante niyang asik. Hindi manlang naaapektuhan na halos sugurin ko na siya.
Nagkatitigan kami, nalulunod ako sa lalim ng aking pagtataka habang nanatiling matigas at seryoso ang mukha niyang hindi natitinag.
Sa pumagitnang katahimikan ay rinig ko ang bayolenteng pagtama ng puso ko sa'king tadyang. Kumalat ang kaba at sinuntok nito ang aking tiyan.
Dinama ko sa'king mga daliri ang singsing na bigay ni Rouge, umaasang pakakalmahin ako nito.
"I'm warning you, Lorelei. I still care even though you hate me." naghalo ang banta, sinseridad at malasakit sa kanyang tono.
But she made no effort of rectifying nor justifying what she'd just said. Nilagpasan niya ako't naunang umakyat sa hagdan. My heartbeat is faster than her footfalls.
Bumaba ang tingin ko sa singsing habang namumuo ang maraming tanong sa isip ko na ngayo'y sumasabay sa'king kaba. Naiwan akong lunod na lunod sa pagtataka. How well does she really know about Rouge?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro