FOURTEEN
Sumabay ako kay Lauris papuntang school kahit mamaya pa ang defense sa thesis namin. Maaga rin naman si Shane para sa paghahanda, at isa pa mas lalo akong nagiging anxious kapag nandito ako sa bahay.
Pumuslit ako ng isang go-to breakfast ni Lauris bago siya sinundan sa sasakyan. Dahil sa pagmamadali ay di ko na nakuha pang mag-agahan. Kaagad niyang nahalata ang kinakain ko.
"That's yogurt." turo niya sa hawak ko habang nagba-backing.
"Obvious?" hindi ako sanay sa lasa since it's a dairy product. Napangiwi ako dahil medyo may pagkamaasim.
"You're a vegetarian. Vegans don't usually have milk products on their diet." aniya.
"I'm changing my vegan type."
Matagal niya akong tinitigan, nagtataka sa biglaang pagbabago. Mas pinoproblema niya pa yun kesa sa pinuslit kong pagkain niya. This is the last piece in the ref, I guess he doesn't mind. He can always have another dahil hindi naman siya nauubusan.
Tatlong araw mula nung gabing hinatid ako ni Rouge sa bahay. He's been texting me since then. At hindi ko maialis sa isip ko ang mga sinabi niya. I think I'm too old to feel a heart fluttering moment pero hindi ko mapigilang makaramdam ng ganon.
He got me at he-won't –do-it again. He got me by that kiss on his Maybach. I had my fair share of kisses but not open mouth caresses like what he did to me that night.
At kahit anong pagpupuwersa ko sa sarili na ayaw ko, na layuan siya, he's just a personified magnet na matatagpuan mo nalang ang sarili mong bumibigay sa grabidad niya. I have a love and hate relationship towrds his irrevocable pull on me.
But everybody hurts. Either I end up dating him or not, somewhere along the way I would still be able to feel pain. I would still go back to the pain caused by loss. So why not just take the risk than losing the chance? Doon pa rin naman ang punta ko kung saan ako inilaan.
Giving in to Rouge's like choosing what's right or wrong. At kahit anong daan man ang piliin ko, hindi magbabago kung saan ako hahantong. That modestly justifies that our destinies had already been written.
Sa pagkanta ng message tone ko sa cellphone ay isang tao lang ang inasahan kong nagtext. Asa pa akong kokontakin ako ng mga kaibigan ko sa ganitong oras.
Rouge:
School today?
Pakiramdam ko'y alam na niya ang sagot so I won't answer the clichéd Yes. Hindi ko na rin kailangan pang alamin kung paano niya nalaman ang sched ko sa office at school. He's too smart to not figure that out.
Thesis defense.
Kita ko ang sandaling pagsulyap ni Lauris sa pagtitipa ko.
Rouge:
Need my assistance?
Kunot noo kong inipit sa pagitan ng aking binti ang yogurt at binasa ulit ang reply ni Rouge.
Now? You're at work.
Rouge:
I'll ask for a day off.
Wala sa sarili akong umiling saka nagreply.
Please don't. We can handle.
I don't want him to abandon his job for me. Nag-replay sa utak ko ang paghaharap nila ni Sir Herman. Ayaw kong maulit 'yon.
Rouge:
Goodluck ;)
Baliw na nga siguro ako kung hiniling ko na sana pinilit pa niya ako, at the same time ay sumang-ayon ako na hindi siya namilit pa. Pero siguro mas disappointed ako na ito lang ang naging reply niya, like this text is the closure for today's conversation.
God Lory! Kulang pa yata ang yogurt as breakfast. Is this the effect of indulging a dairy product for the first time?
"Punta ako sa DC mamaya. Sabay ka?" tanong ni Lauris.
I checked my phone sabay subo ng yogurt. "Gagabihin ako, defense namin ngayon."
"Okay. I'll tell dad na ipapasundo ka kay Leo."
I overheard a conversation between dad and Antonia sa dining kagabi.
"Dad will be visiting the construction site in Batangas. I guess they can't make it home until nine. Magtataxi nalang ako." sabi ko.
"Or call that friend of yours." pang-aasar ni Lauris.
"Shut up."
Humalakhak siya. Ngayon ako nakahanap ng pagkakataong tanungin siya tungkol sa kausap niyang babae sa Regal Cruise launching. Isa nga siyang ramp and commercial model kaya pamilyar. Our conversation went on hanggang sa nakarating kami sa school.
Hindi ko sinadyang madaanan ang classroom kung saan nagkaklase si Antonia. Ang alam ko maaga rin siya ngayon pero wala akong ideya sa kanyang schedule.
Napabaling siya sa direksyon ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at binilisan ang paglalakad. Apat na classrooms bago ko pinasok ang room na pinagtambayan ni Shane.
Hindi siya nag-angat ng tingin sa pagbukas at sara ng pinto. Kunot-noo siyang nagbabasa habang kinakagat ang kuko sa kamay. Nag-angat lang siya nang umupo ako sa harap niya sabay kuha ng isang draft upang basahin.
Maraming mga nakasulat sa paligid ng draft. Puro tanong na may mga sagot at arrow na nakaturo sa isang pangungusap. Sa pagkakatanda ko wala pa ang mga ito last week.
"Ano 'to, Shane?" hinarap ko sa kanya ang papel.
Binaba niya ang mga paa niyang pinatong sa kanyang inuupuan at nilapit ang mukha sa papel na hindi tinatantanan ang pagkagat sa kanyang kuko.
Lumuwang ang ekspresyon niya. "Ah, mga possible questions at answers. Nagpatulong kasi ako kay kuya kagabi."
Binasa ko ulit ang mga nakasulat. Masyadong maganda ang sulat kamay nito para sa isang lalake. Alam kong hindi si Shane ang nagsulat dahil iba ang sulat kamay niya.
Sa likod ng draft ay ginawang scratch paper. Enumerated ang mga apelido namin sa group. Sa pagbasa ko sa isang apelido doon ay parang may bombilyang umilaw sa utak ko.
Binaba ko ang papel at binalingan si Shane."Anong name ng kuya mo?"
"Zave. Zavid." tugon niya habang nagbabasa.
Tinitigan ko siyang mabuti, nasupresa sa nalaman. Ngayong fourth year ko lang naging kaklase si Shane dahil bagong lipat siya sa section namin. Mahirap mapagtanto na kapatid siya ni Zavid dahil hindi sila magkamukha. May pagkachinita si Shane. Zavid looks Spanish like his father so maybe sa ina nila siya nagmana. I heard Mrs. Arevalo is half-Japanese although hindi ko pa siya nakita.
"Nakita ko kuya mo sa isang grand launch party." pahayag ko.
"Hm!" maigi siyang tumango na hindi tinatanggal ang mga mata sa binabasa. "Pumunta ka pala." ngumiwi siya. "hindi ako mahilig sa parties kaya hindi ako pumunta. Pinilit nga nila ako eh."
Tumango lamang ako at hindi na nagsalita pa. Shane is somewhat studious so sa tingin ko ayaw niyang paistorbo. Nahawa na rin ako kaya tuloy tuloy ang pag-aaral ko sa manuscript namin.
Sabay kaming nag lunch at nagkaroon ng kaunting kwentuhan. Isang oras bago ang defense ay unti unti nang nagsidatingan ang mga kagrupo ko. Hindi na ako mapakali at gusto ko nang magsimula ngayon ang defense para matapos na. but the more I wait and take note of time, the more dragging the time is.
Nakikinig nalang ako ng music upang ma-relax. Reading the manuscript an hour before stresses me out, and it falls under cramming. And cramming isn't good.
Nagsitayuan kami sa pagpasok ng mga panel sa room na pagdadausan ng defense. Hindi ako isa sa mga magre-report dahil palagi naman akong present sa mga meetings namin. Strikta maging leader si Shane kaya ginawa niyang reporters ang mga palaging absent.
Oras ang tinagal bago kami nagpakawala ng mabibigat naming kaba. Ilang minuto naman ang hinintay bago inanunsyo ang hatol.
Lumabas kaming pinag-uusapan ang pag-celebrate dahil sa pagkakapasa namin. Sa isang fastfood chain kami nagtungo at tanging french fries lang ang kinain ko. It seems unhealthy kaya plano kong kumain ulit sa bahay mamaya.
I'm sure may natira pang gulay doon na pwede kong lantakin as a midnight snack. Although nabusog naman ako kahit hindi ko naubos ang isang order at pinakain ko sa aking mga kagrupo.
Nagkanya kanya na kami pagkatapos ng celebratory dinner. Bumalik ako sa school dahil mas maraming humihintong taxi. May mga estudyante kasing nasa university pa rin ngayon.
Sa pwesto ng may maraming tao ako nag-abang upang maiwasan ang nangyari noong nakaraan. May trauma na yata ako sa mga bakanteng sidewalks. Pati rin kada umuulan ay yun ang naaalala ko.
Lumingon ako sa kanan upang maghanap ng mas komportableng pwesto. Sakayan sa ganitong oras kaya matagal bago ako makakauwi. Mauuna pa yata si daddy sa'kin.
Ngunit sa ginawa ko'y iba ang aking natagpuan.
Lumayo ako sa kumpulan upang mas makita pa ang bulto ni Rouge na matikas na naglalakad papunta sa'kin. Malabo sa'kin ang ekspresyon niya dahil sa dimlight pero pakiramdam ko'y nakakunot ang kanyang noo.
Habang papalapit ay napansin ko ang bukas ng unang dalawang butones ng kanyang white button down. His sleeves were rolled up to his elbows. Kahit gabi na ay parang nasisilaw pa rin ako sa kanyang anyo. His dark jeans is a snug fit to his muscular long legs.
Unti unting natatabas ang hininga ko sa bawat hakbang niya papalapit sa'kin. Pinaawang ko ang aking bibig upang makahinga ng normal. But normalcy would be shot into the outer space when Rouge's within the vicinity.
Huminto siya sa harap ko habang nakapamulsa. Sa dimlight, mas nadepina ang anino ng kanyang stubble na dalawa o tatlong araw na yatang hindi naaahit. Jezreel's right. He's rocking and owning the trifecta.
Bumaling siya sa mga naggugulong mga estudyante sa pag aagawan ng taxi. Bahagya akong natulak, buti nalang ay nasalo niya ako. Pinanatili niya ang hawak sa'king braso upang igiya sa mas payapang pwesto. Sa gilid ng kanyang Maybach.
"Bakit ka nandito?" tanong ko, nilipat ang bag sa kabila kong braso.
Sinundan ko ang kanyang kilos na patagilid na sumandal sa kanyang sasakyan. Isang kamay niya ang nasa bulsa habang nakatukod ang isa sa kotse.
"Can we have dinner?"diretsahan niyang ani.
"Kakakain ko lang."
"Ok then..." bumaling siya sa gilid habang hinihimas ang kanyang panga, nag-iisip. Lumingon siya ulit sa'kin, umaasa ang naniningkit niyang mga mata. "How 'bout dessert?"
"Anong dessert naman ang ipapakain mo sa'kin?" sumandal na rin ako sa pinto ng kotse.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Binasa niya ang kanyang labi saka muling tinagpo ang aking mga mata.
"Kahit anong pwede sa'yo, at gusto mo." umusog siya papalapit sa'kin. Lagpas buto ang pagtagos ng tingin ng nag-aapoy niyang mga mata. "Pwede rin namang hindi pagkain, di ba?"
Kumuyom ang sikmura ko sa baba at namamalat niyang boses.
"S-sa pagkakaalam ko pagkain ang dessert." nagawa kong pigilan ang panginginig ng aking boses.
"Not all desserts, though."
Naglakbay ang mga mata niya sa kabuuan ko. Tinanggal ko na ang aking blazer kaya nakalantad ang aking balikat sa suot kong black strapless dress. His intense eyes felt like his calloused hands touching me with dexterity. Tinignan ko ang kamay niya, hindi naman nakahawak sa'kin pero nararamdaman ko ang gaspang nito sa'king balat.
Nagkakaroon na nang pag-aargumento sa loob ng utak ko. It's a game of tug-of-war between yes and no.
But his intense blazing eyes...parang hindi na tungkol sa pagkain ang ibig niyang sabihin.
"I-I think I get what you're trying to imply. A-are you talking about...uhm..s-sex?" lumabas na sa bibig ko bago ko pa maisip na mapapahiya ako.
Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti. Lumaki ang siklab ng apoy sa mukha ko. "I thought you already got what I'm trying to imply?"
Nagbaba ako ng tingin at pinagkakainteresan ang manggas ng blazer ko. "Y-yeah but...uhm...sa tingin ko lang."
Shit. Sana talaga pinag-isipan ko muna bago ako dumaldal!
Sumanib ang aliw sa mababa at mahina niyang tawa. Aware ako sa pag-iiba niya ng posisyon dahil sa pag-shift ng kanyang paa. He's not wearing his formal leather shoes. He's in his black chukka boots.
"Kung pagbibigyan mo lang ako, Lory. You would know."
His tone doesn't suggest something na dapat kong ikakaba.
Nag angat ako ng tingin upang kumpirmahin ito. Gone is the flaming intense stare a while ago. Naupos na ang apoy at napalitan ng panlalambot, like he was trying to convince me na mapagkakatiwalaan siya.
Umalis ako sa pagkakasandal sa pinto. agad niyang nakuha ang hudyat na 'yon bilang pagpayag ko dahil ngumiti siya at pinatunog ang alarm ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako at siya na rin ang nagsara bago siya umikot sa driver's seat.
Hindi kaagad niya pinasibad ang kotse pagkatapos paandarin ang makina. Pinasidahan niya muna ako. Kumunot ang noo niya saka pumalatak.
"Palagi kong napapansing hindi ka nagse-seatbelt. I ignored it at first but it happens everytime you're in my car." sermon niya habang kinakabit ang aking seatbelt.
This isn't the closest we've been pero sa lapit niya ay parang katumbas na rin ng paghalik niya sa'kin noong nakaraang gabi. Sinadya kong hindi huminga upang hindi mahalata ang bilis ng paghinga ko.
Ngunit nananadya yata siya dahil pinanatili niya ang kanyang lapit. Kinulong niya ako sa'king upuan. Tinukod niya ang sarili sa pagtukod sa kamay niya sa nakasarang bintana at sa headrest ko.
"Rouge..." I breathed. My chest has just been inflated, at handa na itong sumabog.
"Hm?" pikit mata niyang tinanim ang noo niya sa'kin kasabay ang paghaplos ng kamay niya sa leeg ko na dumulas sa'king balikat.
Nagsitindigan ang balahibo ko. At may dumaang kuryente sa'king likod. Animo'y pusang naglalambing na kiniskis ni Rouge ang ilong niya sa'kin.
Tuluyan na akong napapikit sa paghaplos ng hinlalaki niya sa panga at pisngi ko habang nakabaon ang kamay niya sa likod ng aking ulo. Ramdam ko na ang pagtaas baba ng kanyang matigas na dibdib. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa pero ayaw kong tapusin niya ito. Hinihele ako ng kanyang paghinga na unti unting bumibilis.
Di ko napigilan ang sariling haplusin ang panga niya. I've been dreading since day one to feel the roughness of his jaw. Narinig ko ang kanyang pagngisi.
"You like it?" malambing niyang tanong.
Tumango ako. Dahil kapag gagawa ako ng isang kilos sa'king labi ay mahahalikan ko siya. Hindi ko alam kung paano ko na makokontrol ang sarili ko kapag nangyari 'yon.
Binaba niya ang kanyang mukha sa leeg ko, hinahagod ang magaspang niyang panga doon saka pinadulas sa'king balikat. Pabalik balik, parang gumuguhit ng bakas.
Imbes na makiliti ay mas hinila ko pa siya sa'kin. Namalayan ko nalang na nasa buhok na niya ang mga kamay ko't napayakap na sa kanyang ulo. Pumulupot na rin ang mga braso niya sa'king baywang.
He growled. And I almost moan.
"Let's have our dessert." bulong ni Rouge.
Iba na yata ang magiging tingin ko sa dessert mula ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro