Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FOUR

Unang ginawa ko pagkapasok ay amuyin ang loob ng kanyang kotse. There's no sign of a woman's scent so I assume hindi sumakay dito si Yucille kanina.

Hindi kaagad pumasok si Rouge, may kausap siya sa isang itim na sasakyan. It's an FJ Cruiser at nakita ko ang braso ng isang lalake na nakasandal sa nakababng bintana. Naniningkit ang mga mata niya sa matinding sikat ng araw.

Dali dali kong hinanap ang lipstick ko. Damn it! I don't have a red lipstick! I always go with a nude tone since I'm into the natural look. I also don't know how to contour but I'm thankful for my mom's high cheekbones na pinamana niya sa'kin, so contouring is uncalled for. Nilagyan ko nalang ulit ng mascara ang pilikmata ko pagkatapos maglagay ng lipstick.

Binombahan ko ng aking perfume ang buong looban ng kotse pagkatapos kong mag-spray sa sarili. Gusto kong matawa sa ginagawa ko. Where in the ever loving fucking hell that desperate act came from? Isang desperadang espiritu ang sumanib sa'kin upang makagawa ako ng ganito!

Sinilid ko na lahat ng ginamit ko sa'king bag. Rouge's walking his way to the Maybach. His long muscular legs are taking wide strides, dala na rin siguro ng katangkaran niya. He can seduced by just walking I find myself barely breathing.

Pinasidahan niya ang kanyang buhok saka sandaling pinisil ang kanyang ilong. How could those simple gestures spawned phenomenal hotness on him?

Pagkaupo niya sa driver's seat ay sandali siyang napahinto. Kumunot ang ilong niyang inaamoy ang loob ng kanyang sasakyan. Napansin na niya marahil ang pangbabaeng pabango ko.

Kinagat ko ang aking labi sa kahihiyan. "Sorry. I guess I sprayed too much. Lunch time kasi so pakiramdam ko nangangamoy ako. I don't like bringing bad odor to your car so..." I shrugged. "Mag-spray ka nalang din to mask my perfume."

Tipid siyang ngumiti. "No, it's okay. I like your scent."

Mabilis akong humarap sa daan. Nahihirapan akong tignan siya ulit dahil sa sinabi niyang 'yon. Sana lang hindi niya nahahalata ang pag-aapoy ng aking pisngi. I know he said that he likes my scent, not me. But my scent is a part of me. So for all intents and purposes, he likes something that is a part of me.

Lihim kong tinapik ang aking tiyan upang pakalmahin ang kung ano mang mga naglalaro sa loob nito. These for sure are not hungry butterflies in my stomach.

Pagkabuhay ng sasakyan ay siyang paggana ng aircon kaya medyo kumalma ang panginginit ko. Nanatili pa rin ang amoy ng aking pabango. Imposibleng hindi madidikit ang pabango ko sa suit niya. I want my scent to go clingy on him. Yung tipong nakapako na sa ilong niya.

"Where in Cavite should I bring you?" Rouge asked.

Tumikhim ako't binalingan siya. I feel rude kung kakausapin ko siya nang hindi siya tinitignan kaya sa huli, I have to look at him.

"Gateway Business Park." ani ko.

Itatanong ko sana kung alam niya kung pasaan 'yon. Kasi miski ako ay hindi ko alam. I've been to various industrial parks mostly in Laguna and Batangas dahil doon kadalasan ang mga projects ng DC, but haven't had been in Cavite.

Sa hindi niya pagtatanong, ibig sabihin lang ay alam niya ang lugar.

I wonder what's the catch on why he's doing this. Kung wala naman kasing rason, ay pwede niya lang akong hayaang mag-taxi. But he's here and driving me to the south. It could be that there's no reason, na gusto niya lang talaga akong ipagmaneho.

Yet anyways, ayoko nang magreklamo. He volunteered. And I like that I'm being here now.

Inabot niya sa'kin ang kanyang Ipod. Konektado na ito sa USB port sa harap. All I have to do is scroll and choose.

"You call the shots. Malayo pa ang biyahe. Though I'm not sure kung may magugustuhan ka diyan." aniya.

Magaan ang loob kong kinuha ang Ipod niya and I get to touch a little of his fingers. Kaunting kuryente ang bumalong sa balat ko. Sana hindi niya pansin ang pananayo ng aking balahibo.

I scrolled on his Ipod and holy hell! He has songs from bands that me and Lauris are into. Iniisip ko kung ano ang uunahing patugtugin. Sa huli, I opted for one of my favorite tracks from Brand New. It's Lauris's favorite, too. May balak nga siyang ipa-tattoo ang isa sa mga lyrics. I wonder if Dad would approve.

"Some men die under the mountain just looking for gold, some die looking for a hand to hold...."

Lumakas ang boses ko doon sa parte ng kanta. There's somewhat an inexplicable significance with that lyrics that made me want to shout it into the void.

I saw Rouge's fingers tapped on the steering wheel. Bahagya rin siyang nag-headbang. Nakahinto ang sasakyan dahil sa traffic.

Taas kilay niya akong binalingan. "I didn't take you as someone who likes rock songs."

Ngumisi ako. "I didn't take you as someone who likes indie bands."

Akala ko talaga ay mabibigo ako sa kanya. I thought he's going for a crappy taste of music. But his music taste is downright making me like him more!

"I'm not much into mainstream."pahayag niya.

"Likewise."

Nadagadagan ang dahilan ko sa pagkagusto sa biyaheng 'to. I'm with a good company and great music. Tuluyan kong nakalimutan ang disappointment kanina nung kasama niya si Yucille.

Nagtatalo ang isip ko kung tatanungin ko ba siya tungkol sa kanila, it might be that I'd look interested and desperate so sa huli ay nilihim ko nalang ang mga tanong. He's with me now and not with her. So maybe puro negosyo ang pinag-uusapan nila kanina. A mere business lunch meeting. I hope so.

Sunod sunod ang pagtugtog ng mga folk indie, alternative at 90's rock hanggang sa lumagpas na kami sa siyudad. Hindi ako nakaramdam ng pagkabagot kahit buong biyahe kaming walang imik ni Rouge. Tanging ugnayan namin ay ang pagsabay sa mga pinipili kong kanta sa Ipod niya.

Just when we're out of the city, a 1975 song singing about the city boomed on the stereo. Napa-tap ako sa paa at napa-headbang ng bahagya dahil sa drumbeat ng kanta.

"Yeah, you wanna find love then you know where the city is..."

"Gusto kong bilhin ang Ipod mo." ani ko. I don't have to download songs dahil nandoon na lahat ng gusto kong marinig na kanta.

Marahan siyang tumawa. "You can have it."

Nilingon ko siya. He's not serious, right? I was just semi-joking! So he must be semi-serious.

"You can't give your valuables to strangers." ani ko na may kaunting tono ng panenermon.

Sandali niya akong sinulyapan. His gorgeous soft-angled thick brow rose. "Who says you're a stranger to me?"

Medyo nabigla ako sa pahayag niya. So...I'm more than what I thought I am for him?

"Tatlong beses palang tayong nagkita." sinamahan ko ng marahang tawa ang sinabi ko.

"But it doesn't mean you're a stranger to me. I don't offer rides to strangers." kaswal niyang pahayag. Isang kamay ang ginamit niya sa pagmaneho habang nakasandal sa gilid ang isa at pinaglalaruan ng kamay nito ang kanyang buhok.

"So are you saying we're friends?" pigil ngiti kong tanong.

Pinaloob niya ang kanyang ibabang labi. Nagtagal 'yon dahil kinakagat kagat pa niya ito. How I wish it's my teeth biting it. Matagal ko siyang tinignan upang hintayin ang kung ano mang hatol niya.

Sa huli ay nagkibit balikat siya. Awang ang bibig niya pagkabitaw sa kanyang labi. His tongue was playing the insides of his cheeks, a reason for me to notice his stubble. It's slightly growing.

"I would love to. Are we not?" he finally said.

Humarap ako sa daan at ngumiti, na umusbong at naging tawa. Sa gilid ng bintana na ako lumingon. Huminto kami sa tollgate sa flyover.

"What's funny?" nahimigan ko ang pagngisi niya. Nahagip ko sa gilid ng aking paningin ang pagkuha niya ng bill sa kanyang wallet.

Umiling ako habang patuloy na tumatawa. I really am crazy I have to stop. I don't know what made me laugh. Natawa nalang ako. His statement is not funny, but I find it amusing.

Pero hindi naman yata sapat 'yon upang tawanan ko. Baliw lang siguro ako ngayon. Dapat talaga inubos ko na 'yong baon ko kanina. Nabaliw ako dahil hindi nakakain ng maayos.

More or less isang oras ang lumipas bago nakarating sa GBP. Medyo natagalan kami sa guard house dahil hindi company service ang gamit namin. Pinakita ko ang internship id kaya hindi na nagtanong pa ang guard.

Si Rouge ang unang tumanggap sa id ko dahil mas malapit siya sa pwesto ng guard. Bago niya 'yon sinauli sa'kin ay dinapuan niya ito ng sulyap.

"Lorelei Quinn Dreyfus?" aliw niyang sambit sa pangalan ko habang inaabot sa'kin ang id.

Right. He has read my full name.

"It's pronounced as 'Kwyn', not 'Kin'." pagtatama ko.

He chuckled. "Alright. Kwyn."

Tinagilid ko ang ulo ko upang ilihim ang aking ngiti. He's not fully serious all the time. He can be easily pleased, too. Siguro kapag good mood. Namantsahan naman kasi ang tingin ko sa kanya dahil sa naging impression ko sa kanya noong una.

Katulad ng ibang mga industrial parks, malawak at malinis ang kapaligran. Wala akong nakikitaang niisang basura. Puro building, mga puno at malinis na daan. Kung ganito lang talaga ang lahat ng daan sa bansa.

Hiningan ulit ako ng id ng guard sa industrial building na kukunan ko ng tseke.

"Anong kompanya po?" tanong niya.

"Vedra Corp."

Itinawag ito ng security. Pinapasok na ako nang makumpirma nila ang aking sadya.

Dalawang representative ng ibang kompanya ang nauna sa'kin. Mabilis lang naman ang proseso kaya hindi ako ganon katagal naghintay. Ang nagpatagal lang talaga ay ang pagbiyahe. Kaya nahihiya ako kay Rouge dahil sa matagalan niyang pagda-drive. I'm still trying to figure out on how to repay him. Again.

Maingat kong inipit ang tseke sa wallet ko. Nalula ako sa halaga kaya dapat lang talaga akong kabahan kapag nasa labas na ako. As much as possible, hindi ako hihiwalay sa'king bag kahit ano mang mangyari.

Kinuha ko muna ang aking id bago bumalik sa Maybach. Sumilip ako sa bintana. Nakahalukiphip si Rouge habang natutulog sa driver's seat.

Even in sideview, his strong bone structure is still very much defined. Hindi siya bagay maging driver. Him driving for me all the way has already been too much for me to take. So by next time kapag magkikita ulit kami, which is beyond possible, I'll try my very best to decline.

Ayaw ko man siyang gisingin dahil alam kong napagod din siya, ngunit kailangan na naming umalis. Papalalim na kasi ang hapon.

Marahan akong kumatok sa bintana. Hindi naman siya mahirap gisingin dahil dumilat siya agad at binuksan ang pinto habang kinukusot ang kanyang mata. Isang beses pinasidahan ng kanyang kamay ang bibig niya pababa sa chin.

"Done?" tanong niya pagkaupo ko. Magaspang ang kanyang boses kaya tumikhim siya.

"Yep. Tara."

Inabot ni Rouge ang visitor's pass sa guard house bago binilisan ang takbo ng sasakyan.

Kahit nasa loob kami ng kotse, I felt paranoid for grasping my bag for dear life. Sa isip ko, maraming maaaring mangyari na pwedeng magpahiwalay sa bag ko laman ng wallet ko kung nasaan ang tseke.

Nakakatakot rin pala ang mag-collection, pakiramdam ko hawak ko ang whole budget ng Pilipinas sa buong taon.

"Are you still going back to Vedra Corp?" Rouge asked.

Tinignan ko ang aking relo. Alanganin na, the office will close in an hour.

"Hindi na siguro. Idadaan ko nalang ang tseke bukas." nilingon ko siya. "Ikaw? Saan ka uuwi? May inuuwian ka ba?"

Bahagya siyang tumawa. I love how he laughs like that. It's relaxing, kahit medyo may gaspang ang boses niya. Magaspang at malalim.

"A condo" aniya. Hindi niya sinaad kung saan. He's being careful, I guess.

"Wala kang bahay?" patuloy kong tanong.

Muli siyang tumawa.

"What?" pagtataka ko. What's with my question?

Masarap sa pakiramdam na napapatawa ko siya, just like how Yucille made him laugh earlier, pero nagtataka pa rin ako.

Tinikom niya ang kanyang bibig at umiling. May ngiti na nag-mantsa sa labi niya. "You just look so damn innocent asking me those questions."

"Is it a bad thing?"

His mouth stretched into a half smile. "Nah. It's cute."

Napangiwi ako. I really should buy a red lipstick next time para hindi na cute ang itatawag niya sa'kin. It's so puppy-ish.

"Anong gusto mong itanong ko? Uhm...d'you have a g-girlfriend?"

Huli na bago ko pagsisihan ang lumabas sa'king bibig. Hindi 'yon dapat ang tanong ko eh. Hindi ko pa napag-isipan. My mouth has its own life that tends to blab nonsense sometimes.

Pinakiramdaman ko siya. Mukha siyang natigil sa tanong ko.

"I don't have." his jaw clenched.

"Ex? Or shall I say ex's?" nasimulan ko na ang pagtatanong ukol dito, kaya panindigan ko na.

"A few." aniya.

"How many?"

Bumalot ang halakhak niya sa tanang sulok ng kotse, competing with Radiohead's High and Dry playing on the stereo. Napailing siya. Pati ako'y di mapigilang mapangiti sa hiya dahil sa naging tanong ko. I asked in reckless abandon.

"What do you want to know Lorelei? The serious ones or...." ramdam ko ang pang-aasar niya.

Damn. I knew he had some non-serious ones. Siya pa ba?

"Serious.". of course I don't like to know how many flings he had, or has until now.

Ngumiti lang siya. Sumulyap siya sa mga side mirrors tapos ay sa rearview mirror, then he geared up.

Maybe he doesn't want to talk about it.

"I know it's too personal, kaya ayos lang sa'kin na hindi mo sagutin. It's just a random ask anyway." sabi ko.

"One." bigla niyang ani.

I looked at him. He didn't look back. Seryoso at focus siya sa pagmamaneho kahit dalisay naman ang daanan. Noong una ay hindi ako naniwala. Wala sa mukha niya ang pagiging one-woman man. But he had a few girlfriends, at isa lang ang naging seryoso, so the rest are just flings or hook-ups and non-serious.

Ngayon ko lang napagtanto na iba ang dinaanan namin ngayon sa tinatahak namin kanina. Hindi ko kasi nakitang dumaan kami sa welcome arch ng General Trias. Siguradong ibang daan na'to palabas ng Cavite. Pwede naman kaming bumalik sa tinahak naming kanina, in fact mas mapapadali nga kapag ganon. But he's heading to the opposite direction. Dapat na ba akong kabahan?

Pinili ko ang manahimik. Inadjust ko ang pagkakalagay ng bag ko sa'king kandungan. Maggagabi na at kinabahan ako dahil mas napapalayo lang kami sa uuwian ko.

I won't play the judgmental card. Siya na nga tong nag kusang-loob na ipagmaneho ako at magpakapagod ay pagdududahan ko pa siya. In fact I have to be grateful to him!

I opted to stay calm and be pleased with the sights and establishments. Binocular's Deep has made its way to calm me down at winawala ako sa mga pangangamba ko. The song sparkled a sense of nostalgia. Rouge is a flat-out 90's kid.

"We're in Tagaytay." anas ko. Halos idikit ko ang mukha ko sa bintana upang tanawin ang Taal volcano. Hindi ko masyadong masilayan dahil sa ibang puno na nagpapanggap na pine trees.

"Can I open the window?" tanong ko imbes na itanong ko sa kanya kung bakit kami nandito sa Tagaytay. I just love to feel the natural breeze. Nanginginig na rin kasi ako sa lamig ng aircon.

Hindi siya nagsalita imbes ay may pinindot siya sa kanyang gilid upang bumaba ang bintana sa side ko. Tinanggal ko ang aking tali sa buhok, mas pinili kong magulo ito ng hangin.

Malalim akong huminga upang langhapin ang natural na malamig na hangin. Ngumingiti ako't napapapikit sa pagtama ng hangin sa mukha ko. Hindi ko nagagawa ito sa siyudad, iba kasi nalalanghap ko doon. Sumasabog pa sa mukha mo ang polusyon.

"Bakit dito ka dumaan?" tanong ko saka binalik ang tingin sa labas. I'm looking down at the Taal lake.

"I just thought we need to relax. City life has been stressful." aniya.

Lumingon ako sa kanya at ningitian siya bilang pagsang-ayon. I appreciate this gesture of him a lot.

"You prefer the mountains than the beach?" tanong ko.

"Had I only known you're into beaches I could've driven us to Batangas." aniya.

Sandaling naiwan ang mga mata ko sa tanawin sa baba bago ako umayos ng upo. Inikot ko ang aking ulo. I really need to exercise dahil naging mabilis ang pangangalay ko nitong nakaraan.

"Ayos lang. I like it here, too."

Sinandal ko ang aking ulo sa headrest. Nakakaantok ang mahabang biyahe. Nilingon ko si Rouge, I felt more guilty. Gusto ko siyang palitan sa pagmamaneho. Hindi man niya pinapahalata ay alam kong pagod siya.

"You want to eat?"

His question triggered the hunger on my stomach. Pinapaalahanan ako nitong hindi ako nakakain ng maayos kanina.

"I'm starving..." mahina ang pagkakasabi ko.

Nilingon niya ako at ningitian.

Sa tatlong beses naming pagkikita at pakikihalubilo sa isa't isa ay pinagtataka ko ang mga pagngiti niya nang hindi ko alam ang dahilan. Katulad nalang din ng paghalakhak niya sa mga tanong ko.

"Let's dine. I'm hungry, too." pahayag niya.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro