FORTY SIX
Sa cr ako dumiretso pagkapasok sa building. The wake of my release is still buzzing all over me, isang patunay na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang aking tuhod. Doon ko pinagpatuloy ang pagre-retouch bago ako nagpunta sa restaurant.
Natagpuan ko si Zavid na sa gilid ng bintana nakapwesto kung saan kitang-kita ang city skyline. Kakaalis lang ng kausap niyang server, umiinom siya ng tubig nang mahagip niya akong naglalakad papunta sa kanya.
Pansin ko ang pagliwanag ng kanyang mukha habang pinagmamasdan ako. Dahan-dahan niyang binaba ang baso. Tumayo siya nang marating ko ang mesa at hinalikan ako sa pisngi. "You look great."
Mahinang tawa ang sagot ko. Hinintay niya akong makaupo bago siya sumunod.
"Kanina ka pa?" untag ko, pinakiramdaman ang malambot na leather seat.
"Hmm..." dumungaw siya sa kanyang relo, "ten minutes, I guess."
Ten minutes? I was in Rouge's car at that time and—okay Lory, stop thinking. Tapos na iyon. You're having dinner with another man!
Pero sinumpa yata ako ni Rouge. Because right now as I am sitting across Zavid, I could still feel Rouge's fingers between my thighs. Pinagdikit ko ang mga binti ko at nagpanggap na pinagkakainteresan ang mga baso sa mesa. Ang landi mo, Lory.
"Shall I call the server? I have them prepare a four course dinner if that's okay with you." ani ni Zavid.
"Sure."
May sinenyasan si Zavid sa likod ko. Lumapit ang server na kausap niya kanina. Zavid seems to know him, parang suki na siya rito kaya hinayaan ko siyang pumili sa dinner course namin.
I'm not a rookie when it comes to dining in French restaurants, though first time ko rito. Almost everything is made of white from the walls to the floor. Iyong ceiling lang ang naiiba which is a high one at may nakabitin na lights which resembles a dome cover.
May mga palamuti ring halaman at bulaklak so from the name itself, this place is garden-themed. It's not a crowded place, pero puno ang halos lahat ng tables at seats.
"So what is this dinner all about Zavid? Besides being friendly," tanong ko. Dinadama ng mga daliri ko ang puting table napkin sa mesa.
"Wala naman, just a platonic dinner really. Matagal na rin tayong hindi nakakain sa labas. We often had dinners in Vegas everytime I visit."
True. Sometimes with Lauris pa nga, just like how we had always bonded together in the gym.
"Well..."
Naputol ang pag-alaala ko sa karagdagan niyang salita. Umusog siya papalapit sa mesa, mukha siyang kabado. Kinakamot niya ang kanyang panga bago pinagsiklop ang mga kamay sa mesa.
"I know you are against the engagement and Lory, sa pagkakaalam mo ayaw ko rin sa ganito because that's what I had mentioned to you before when we were still in Las Vegas."
Tinitigan ko siya nang maigi. Pinakiramdaman ko rin ang tono niya. He sounded like he's confessing at ang ekspresiyon niya'y maingat, na parang hindi niya sinasadya ang mga nangyari.
"I'm having a guess about what you mean but I'm not sure..." mahina kong ani.
Hindi umimik si Zavid. His wary gazed remained fixed on me. Hula ko ay kumpirmasyon ito sa kung ano man ang naiisip ko.
"You want the engagement," I spoke for his thoughts.
Iba ang paraan ng ngiti niya, like he's not sure if he's going to put a smile about this dahil hindi ko naman ito inasahan. And I think he thinks that I'm not going to be pleased with this news.
"Zavid—"
"I know." Suko siyang bumuntong hininga at pinasidahan ang maayos niyang buhok. "I'm not pressuring you. Gusto ko lang ipaalam sa 'yo ang nararamdaman ko, Lory. I'm beyond liking you."
Not pressuring? Well I'm already pressured right now!
Mabagal akong umiling. Hindi ko alam ang ire-react ko. "I thought..."
"I thought so, too. Pero wala akong hinihingi na kapalit. I know that you're still not yet over with that man."
I narrowed my eyes at him. "Paano napunta ang usapan kay Rouge?"
Walang gana siyang nagkibit balikat. "It's always been about him. So there's no way that he's not involved in this. He always goes with the issues, especially when it comes to you."
I can't argue with that. Rouge seems to be all over the place na hindi mo alam kung kailan susulpot. He's everywhere even in my mind.
I don't want to look at Zavid with pity. He doesn't need that. Ayaw niya nang kinakaawaan so I'm just going to treat him away from that compassion.
"This dinner is about our friendship. Let's keep it that way tonight, okay?"
Hindi umabot sa mata ang ngiti niya. "Yeah, of course."
Dumating ang mga pinahandang four course dinner. Ininom ko ang lemon sorbet which is their palate cleanser bago i-serve ang main dish. Ang kaibigan niyang chef ay pinapili kami among the five French wines to go with the main course. Me and Zavid opted for Château La Calisse Rosé.
Sa kalagitnaan ng pag kain namin ay nag-vibrate ang aking cellphone. Wala akong ibang maisip na kumukontak ngayon kundi si Lauris na palaging nangungulit, marahil pinapaalam na dumating na siya but I don't see why he has to let me know.
I was wrong upon seeing Rouge's name on the screen.
Rouge:
Does he know you're a vegetarian?
Pinigilan ko ang pag-irap. Mabilis akong nagtipa at agad binalikan ang kinakain na parang walang nangyari. Ningitian ko si Zavid na mukhang hindi naman curious sa kung sino ang nag-text.
Me:
Yes
Mabilis siyang naka-reply na ikinabahala ko. He should be focusing on driving his way home right now instead of texting me!
Rouge:
But why in a French resto?
Uminom ako ng wine saka nag-tipa ng reply.
Me:
I'm having cheeseplate and white wine. No meat.
Hindi ko na naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone pagkatapos ng reply na iyon. Ipinagpatuloy ko ang pag kain at binanggit ang pagpuri sa services sa harap ni Zavid.
"You are friends with the chef?"
"Yeah, naging classmate ko siya noong highschool and I somehow sponsored the opening of one of the branches of his other resto. We're pretty close," aniya.
Tumatango-tango ako. It's nice na may connection ka sa mga importanteng tao sa kahit anong business. May discount kaya siya sa bayad dito? since he said that they're pretty close.
Marami pa kaming pinagkukuwentuhan. Pinanindigan namin ang sinabi ko kaninang panatilihin itong isang friendly dinner kaya malayo sa usapang engagement ang laman ng aming topic. Mostly were about their adventures in Singapore and how his sister made him a shopping buddy, o buddy guard, ani pa niya.
Umulit ang pag-vibrate ng aking cellphone. Sinenyasan ko si Zavid na ipagpatuloy ang kwento niya habang binubuksan ko ang message icon.
Rouge:
I found your stash. You own a lot of lace panties. I'm impressed.
Lihim akong napasinghap. How dare he dig through my cabinet of underwears?! Ano bang pinaglalaban niya sa paghalughog ng mga gamit ko? You're impossible, Verduzco!
Me:
Don't touch my undies!
Mariin ang pagtitipa ko. Nanginginig ang aking mga daliri.
Rouge:
I don't get to touch your undies but I get to touch 'yours'? You know what I mean.
Lumipad ang bangs ko nang bumuga ako ng hangin. Mabilis kong naubos ang laman ng wineglass sa malalaki kong paglagok.
Me:
Isa, Rouge!
Rouge:
You own a lot of black ones. Hmm...
Me:
I'm calling Lauris para paalisin ka diyan!
"Are you okay?" napansin na ni Zavid na hindi ako mapakali sa upuan.
Nag-plaster ako ng ngiti at mabilis tumango. "Yeah! Si Lila lang, nangungulit sa text."
Tinanggap niya ang sagot ko.
"How is she anyway?" tanong niya.
"Ayun...nag-propose sa kanya ang ka-live in partner niyang Bulgarian," pahayag ko. Naisip ko bigla si Jezreel na hindi pa yata alam ang tungkol rito hanggang ngayon.
Sinerve na ang dessert para sa last course namin. Zavid chose Dessert de Gils for me which consists of berries and nougat. This made me fall in love with a dessert since I'm never a fond of sweets all my life. Fruits lang naman kasi ang pang-himagas ko.
Pinasyal niya ako sa ibang bahagi ng restaurant. Dumako ang paningin ko sa signage na nakalagay sa backdrop ng vertical garden which is made of real plants. It's so French. Sandali rin naming pinasok ang mini-smoking room where there are black and white photos on the wall of famous icons taking a hit.
"Thank you, Zave..." ani ko pagkaparada ng sasakyan niya sa harap ng condo building.
"Salamat din. It's great night for me."
Ramdam ko ang sinseridad niya pero hindi nakatakas sa 'kin ang lungkot sa kanyang mukha. He's forcing a smile.
Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako bumaba. Hinintay ko munang makalayo siya bago ako pumasok sa building. This time, si Rouge na ang iniisip ko na hindi na nag-reply sa text ko kanina. I bet all my money that he's in my unit right now.
Hindi ko siya nadatnan sa sala pagkapasok ko. Tahimik ang buong unit. Mas inasahan ko pang makita ang mga nagkalat kong panty na hinalughog niya sa dresser ko.
Pinakiramdaman ko ang paligid, naghahanap ang tenga ko ng kahit katiting na ingay ngunit wala itong nakapa. Wala ring nagbago sa kaayusan ng mga gamit na parang hindi it ino-okupahan kanina. Maybe he's asleep right now, kung hindi man sa kwarto ko ay marahil sa unit niya.
Tamad kong hinubad ang aking heels. Tinulak sila ng mga paa ko sa gilid ng pintuan saka ako tumungo sa kwarto.
Huminto ako sa bukana nang madatnan si Rouge sa dulo ng kama. Nakatitig siya sa sahig, ang mga siko nito'y nakatanim sa kanyang hita at mahigpit ang pagsabunot ng mga kamay sa kanyang buhok. I saw his angled jaw move. Mukhang kanina pa siyang ganito.
"Rouge?" tawag pansin ko sa kanya.
Hindi niya agad ako pinaunlakan. Mabigat na hangin ang pinatakas niya bago siya tumayo na hindi man lang ako dinapuan ng tingin. Binalikan ko ang mga ginawa ko kanina and so far, wala naman akong nagawa na dapat niyang ikaakto nang ganito. I even let him finger me.
Lumapit ako habang tinititigan siya nang mabuti, lalo na ang mukha niya. His expression is steel hard I bet my fist couldn't even make a dent into his skin.
"Rouge, what's wr—"
May tinapon siya sa kama. Hindi ito lumikha ng ingay ngunit nabingi ako sa lakas na pagkabog sa bandang dibdib ko. Parang kinulong ako sa loob ng yelo habang pinagmamasdan ang bagay na iyon.
"Where did you get that?" nangangatal ang aking boses. Halos hindi ako makabuo ng salita sa paninikip ng dibdib ko.
"If you haven't forgotten where you have been hiding this, then you would know. That answers your question, now answer mine. What does that mean, Lory?"
Natatakot ako sa paraan ng pananalita niya. Ang mabibigat niyang hininga ay may kaakibat na marahas na singhap na para bang sa ilang segundo lang ay handa na siyang sumabog.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. I thought I could bury this secret with me down to my grave.
"Tell me!"
Napapikit ako sa sobrang galit niyang sigaw. Umiiyak na ako habang tinutulak niya ako sa pader saka kinulong ng galit niyang presensya. Napadaing ako sa malakas na pagkakatama ng aking likod. He pushed me too hard I almost cried out in pain.
Hindi ko siya matignan sa mukha pero nakikita at nararamdaman ko sa marahas niyang paghingal ang galit niya. Galit na galit.
Tinulak niya ang sarili palayo at nagtungo sa kama upang kunin ulit ang ultrasound photo. Inangat niya ito at nilebel sa aking mga mata. Nanginginig pa ang larawan sa pagkakahawak niya.
"This was dated a few months after you left four years ago. What is this Lorelei? If this is ours, nasaan ang bata?"
Naglandas ang luha akong umiling. Isipin ko pa lang ang tungkol doon, parang sinaksak na ako ng daan-daang patalim. It was my baby! Kaya mahirap para sa 'kin ang banggitin ang miserableng alaala na iyon. Kahit si Lauris ay hindi na ito binabanggit.
"What do you mean?" may panggigigil sa bawat salita niya na parang pati ako'y gusto niyang tirisin. "Please get straight to the point for fuck's sake!"
"I had a miscarriage!" humagulhol ako't napadulas sa pader. Binuhos ko lahat ng inipon kong iyak kasabay ang pag-amin ko sa lihim na 'to.
"You're lying..." malamig niyang akusa.
Umiling ako. "No..." pumiyok ang boses ko.
Tinakpan ko ang mukha ko nang lumuhod si Rouge sa aking harapan at pinantay ang mukha niya sa 'kin. Pilit niyang inaalis ang mga kamay ko. Ramdam ko ang desperadong hawak niya.
"Lorelei please...it's my child, too. Hindi mo siya kailangang itago sa 'kin dahil tatanggapin ko siya. By now I already love the kid, our child, dahil galing siya sa 'yo. I love you both...please tell me where is our child...?" bahagya siyang napaos. Halos umiiyak na siya sa kanyang pagtanong.
"She's gone...I'm sorry..." hikbi ko.
Bawat sakit at paghihirap ko ay nakapaloob doon. Naglalaro sa katotohanan na iyon na wala...wala akong nagawa upang isalba ang sarili kong anak. I did everything to keep her safe but I failed. I failed miserably.
Pilit ko na iyong kinalimutan, pero sa tuwing may nagpapaalala sa 'kin ay di ko mapigilan ang paghila ng alaala noong araw sa ospital. That was my baby! Mine and Rouge's.
Mahirap kalimutan ang mga bagay at pangyayaring nagdulot sa atin ng sakit. Kadalasan ay mas mabigat pa ang impact nito sa buhay kesa sa mga masasayang araw. It's maybe because misery lasts longer than the happy times. We have more memories with the worst things in life than the better days.
And good things will always come to an end faster than the bad ones.
"How many months?" lumala ang kaba ko sa mahina niyang tanong.
"Five..." sinandal ko ang aking pisngi sa kamay niya. I need him now for this. I was needing him too much during those days.
Dumamba sa 'kin ang kawalan nang binitawan niya ang mga kamay ko. Mabagal ngunit marahas siyang humugot ng hangin kasabay ang kanyang pagtayo.
Napaigik ako nang pinagsusuntok niya ang pader sakay ang malakas niyang panangis. Habang tumatagal ay pinapalala nito ang aking hagulhol. Ramdam ko ang sakit at pagsisisi sa bawat suntok niya't pagsigaw.
Umalis siya sa harap ko. Halos masira niya ang pinto sa ginawang pagsara nito. Humigpit ang yakap sa 'kin ng kawalan sa kanyang pag-alis at iniwan ako rito, umiiyak at pilit hinihilom mag-isa ang sakit na noon ko pa ginagawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro