Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FORTY NINE

Ilang araw rin bago nagbalik opisina si Rouge. That probably kept him away from worrying further pagkatapos noong pagluhod niya sa harap ko. He has been quiet after that for a while. Or atleast, the both of us. Hindi na namin iyon pinag-usapan pa.

Nakatukod ang siko ni Rouge sa unan habang nakasandal ang gilid ng ulo sa kanyang kamay. Ang isa ay pumulupot sa baywang ko. Tumingkad ang kulay ng buhok niya't mga mata, contrasting to the color of ivory white sheets na ngayo'y lukot na lukot na samantalang nagkalat sa sahig ang ibang mga unan.

"I'll cook..." inaantok pa niyang sabi.

Pikit-mata akong tumango saka humikab. Siya naman talaga palagi ang nagluluto. Pag-iinit ng ulam lang ang alam ko.

Pagkatapos ng breakfast ay naghanda na kami para pumasok sa White Harbor. Sumakay ako sa kanyang kotse at habang bumabiyahe ay kausap ko sa cellphone si Sir Marquez tungkol sa pinapabiling additional na mga materyales. Saglit kaming dumaan sa DC upang mapirmahan ko ang purchase order saka kami lumuwas sa White Harbor.

Mali pa yata ang pinili naming araw na sabay pumasok ngayon. As soon as I saw daddy's Panamera with Leo leaning against it, dinambahan ako ng kaba. Dad can't see us like this!

Alerto akong lumingon kay Rouge. Bumagal ang takbo ng kotse sa mabatong daan hanggang sa huminto ito. Lumikha ng mahinang kalabog ang pag-adjust niya sa shiftstick saka pinatay ang makina.

"Dad's here," pahayag ko.

Saglit nahinto ang kamay niyang inaalis ang susi sa ignition. Tumingin siya sa gilid at doon pa lang niya napansin ang Panamera. Leo's at the other side of the car.

Kita ko ang paggalaw ng kanyang panga habang nakatitig sa sasakyan ni dad. That means he's deep-thinking. Not a second longer before he cut his eyes on me.

"I'll go ahead first, doon ako sa office. You go out after," aniya saka kinuha ang kamay ko at nilagay ang susi sa aking palad. Sinara niya ang mga daliri sabay dampi ng halik sa 'kin.

"Okay..."

Bumaba na siya ng kotse. I'm watching his long muscled legs making relax and confident strides on the way to RV building. Lumingon siya sa construction site, seryoso ang mukha. Naa-outline ko na naman ang matangos niyang ilong sa sideview niyang imahe.

Bumagal ang lakad niya papasok sa building habang nakatanw pa rin sa construction. Tinanggal niya ang kanyang aviators. Damn, that move is hot. Pinagpapawisan ako kahit naka-on pa ang aircon. Sa gitna ng kaba ko dahil kay daddy ay nagawa ko pa ring purihin si Rouge. How appropriate is that?

Ilang sandali pa bago ako bumaba. Palihim kong pinindot ang alarm upang ma-lock ang kotse saka ako naglakad papunta sa site. Nadatnan ko sa office trailer si daddy kasama ang ilang mga engineers. Nakalingon na sila sa pinto bago pa nila ako nakitang pumasok.

"Hey Lory, ba't ngayon ka lang?" Inalis niya ang pagkakatukod ng kamay sa mesa at ako'y hinarap.

He didn't seem mad. Para sa kanya ay unusual lang na huli akong pumasok ngayon. Lagyan ko na rin siguro ng pag-aakala na nagdududa siya. I hope I wasn't giving him a reason to be suspicious. Though, he has every reason to suspect.

"Sorry," humalik ako sa pisngi niya bago ko binalingan ang iba saka sila binate, "ngayon lang naman ako na-late."

"Did you come here with your car?" Di ko maitanggi ang pagdududa sa kanyang tono. But he's just asking about a car, Lory. Paranoid ka lang dahil guilty ka!

"Nagtaxi ako, tinamad akong mag-drive," I lied.

His suspicious stare lingered. At sa kalagitnaan ng mga segundong iyon ay hindi ko nailagan ang pagsaksak ng kaba animo'y ginamitan iyon ni daddy ng punyal upang ibaon sa dibdib ko.

Uminat ang labi ko upang lumikha ng malaking ngiti. Kung negosyo ko lang ang pagsisinungaling, paniguradong may karagdagan na akong pondo sa bank account ko.

Doon pa lang ako nakaramdam ng ginhawa sa pagtango niya, pero kita pa rin ang mantsa ng kanyang paghihinala.

What made him react like that? There's no way na malalaman niyang sa unit ko na halos tumitira si Rouge. Ginawa lang naman siguro niyang bodega ang unit niya simula nung natulog siya sa kwarto ko.

" 'kay..." Binalikan niya ang mga engineers na may kanya-kanyang kausap. "So nasa kalahati pa lang tayo ng Framing, which is tama lang sa desired duration natin..."

Hindi ko pinahalata ang maginhawa kong paghinga at kunwaring masigasing ako sa mga sinasabi niya. No doubt this is a staff meeting, kaya siguro parang hindi siya sang-ayon na na-late ako. Wala naman kasing nag-inform sa 'kin, not even Lauris.

Pagkatapos ng pagpupulong ay bumalik sila sa kanilang mga gawain. Ako nama'y tinahak ang daan palabas. Langitngit ng pinto ng office trailer ang nagpalingon kay Rouge sa aking direksyon. Nakapamaywang siyang pinagmamasdan ako na sinusuot ang hard hat habang naglalakad papunta sa site kung saan na siya nakapwesto.

Pinaaalalahanan ko ang sarili na nasa likod lang si daddy na parang amahing ibon na binabantayan ang aking kilos kapag nasa paligid lang si Rouge.

Hindi ako tumabi sa kanya. Pinagigitnaan namin sina dad at Sir Marquez na siyang kumakausap kay Rouge tungkol sa mini-meeting kanina sa trailer.

Humakbang ako patagilid sa puwesto ni daddy nang ito'y umalis at nagtungo sa loob kung saan siya may minamando sa isang trabahador. Sa harap man ang mga mata ko, naramdaman ko naman na pinapaso ni Rouge sa tingin niya ang gilid ng aking mukha.

I could feel his laser beam stare. Hinaplos ko ang nag-iinit kong pisngi. How is that even possible?

"I believe matatapos 'to ng less than seven months. Then that only means na sobra pa ang maibabayad ng RV sa nilaang halaga ng DC builders sa proposal. Right, Ms. Dreyfus?"

Agad akong lumingon kay Rouge at tumango. "I believe so."

Lalo ko lang yatang pinapahalata na nakikinig ako sa kanilang usapan. Because I know he could tell that I don't seem like to be listening.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Bigla siyang pumormal sabay tikhim nang hinarap na siya ni Sir Marquez. Inayos pa niya ang kanyang button downs kahit plantsdao pa naman ito. I believe he's tensed.

He shot me a warning look over Sir Marquez's shoulder. Kinagat ko ang labi ko. Pinaningkitan niya ako ng mata. Kinindatan ko siya. Mahigpit ang tikom ng kanyang bibig habang umiiling ng tipid, his eyes are hazed with intensity and hunger. The pinch of skin between his heavy eyebrows is as deep as his eyes.

Ang malutong na ingay ng pag-apak sa mga maliliit na bato ang nagpalingon sa amin sa direksyon na iyon.

Salubong ang kilay kong sinusundan ng tingin si Yucille Saavedra na hindi pa yata naka-attend ng orientation kung ano itong pinuntahan niya. Construction site, dear. When will she ever learn?

Maarteng nakataas ang mapuputi niyang kamay habang tinatahak ang mabatong daan, sinasaksak bawat bato ng matulis na takong ng kanyang stilleto. Napaikot ako sa mga mata ko.

Mukha siyang bata na nahagip ang paboritong manika base sa kislap sa mga mata niya nang makita si Rouge. Mas binilisan niya pa ang paglalakad na muntik niyang ikinatumba. Parehong naigting sina Rouge at Sir Marquez sa natunghayan.

Gusto kong ilabas ang tawa ko. Gosh Lory, you're so bad!

"Hi!"

"Ms. Saavedra," Sir Marquez acknowledged.

Kumaway siya sa amin at lumapit kay Rouge na nakatayo lang at walang imik.

"Good morning, Rouge. Uhmm...I just want to let you know na nasabihan ko na si dad tungkol sa hiningi mo. Are you up for grabs or..."

"Oh...the discount." Tumango si Rouge saka niya ako nilingon. Bahagya niya akong pinanlakihan ng mata, parang nanghihingi ng permiso. Mabilis niyang binalikan si Yucille nang mapagtantong nasa pagitan namin si Sir Marquez. "Yeah, let's have that settled."

The way Yucille is looking at him right now is like a smitten puppy. She shouldn't have downgraded herself like that. She's a classy socialite! Masyado naman siyang obvious to the point na parang umaasa siyang gumana ang gayuma niya kay Rouge.

'Office' he mouthed to me bago siya tumalikod. Tinitigan ko lang siya saka ko iniwas ang aking tingin.

Sa kanilang paglayo ay inaabot pa rin ng pandinig ko ang kanilang mga boses. Umabante ako upang mabingi ako sa ingay ng construction.

Ilang segundo lang ay tumunog ang aking cellphone. It was him.

Rouge:

We'll just talk. I'm not gonna ravish her lips or something. It's your lips that I want to bruise with my kisses.

Hindi ako nag-reply. I trust him. From hearing the accounts of Antonia and Rouge's side, I came to conclude na isang pagkakamali lang ang nangyari noon. I have nothing to worry about the present time. Antonia loves my father and Rouge...I'm it for him.

Sa pagkawala ng galit sa sistema ko, gumapos doon ang pagtanggap sa mga paliwanag na iginigiit nilang katotohanan. So here I am, finally accepting it. No doubts. No worries.

Sa tingin ko rin ay may kinalaman ang pagkatuklas ni Rouge sa anak namin. I saw how his world crumbled infront of me. Kasabay roon ang pagwasak ng mataas kong bakod na pasan ko nang umuwi ako rito. His downfall was also my undoing.

Tulad nga nang sinabi ko, there's an odd transference that flared kung saan nililipat niya ang sakit na nararamdaman sa 'kin. Ganon yata niya ako minarkahan. At sa pagguho ng mundo niya nang araw na 'yon, giniba rin noon ang tinayo kong bakod.

Naka-focus ako sa mga sinasabi ni daddy kaya hindi ko namalayan kung ilang minuto na ang lumipas o anong oras na. Pinapakita niya sa 'kin ang mga parte ng construction na paglalagyan ng mga susunod na fabricated steel at mga plano sa Plumbing.

Lauris would have understood this better pero mas pinili niya ang pakikipag-meet sa investors na mas ayon sa nakuha kong kurso.

"Psst!"

Noong una ay binalewala ko lang ang pagsitsit. Sa ikaapat na ulit ay bumaling na ako sa likod. Thank God dad was talking to one of the employers kaya hindi niya narinig si Rouge na nakabalik na pala. Without Yucille on his side. Nice view.

Ngumuso si Rouge at tinango ang ulo sa labas.

Kumunot ang noo ko, as if maiintindihan ko ang ibig niyang sabihin sa aking ginawa. 'What?'

'Car' he mouthed again. Umangat ang dalawang kilay niya.

'Why?'

He dipped his head, mistulang nakikiusap.

Bumaling ako kay dad sa harap, may tinuturo ito sa lupa na pinangyayarihan ng foundation works sa isang empleyado naming matagal nang naninilbihan. Sa ganyang estado, hindi nila ako mamamalayan, unless kung may magsumbong.

Hindi na ako nagpaalam. Pumihit ako at nilapitan si Rouge. Hindi niya man ipakita ay ramdam kong nakangiti siya sa pagsang-ayon ko. Kita ko 'yon sa mga mata niyang naging marubdob na naman.

"Wait for me," bulong niya nang dumaan ako sa kanyang gilid.

Dire-diretso ang lakad ko, dinadama ang susi ng Maybach sa aking bulsa na hindi ko pa pala naisauli sa kanya. Nilibot ko ang paningin sa paligid at naghanap nang nakabaling na mata sa direksyon ko bago ko dinukot ang susi at pinindot ang alarm.

I exhaled through pursed lips upon settling myself in the white leather seat. Hindi naman ako kinabahan. I was more curious kung bakit ako pinapunta rito ni Rouge.

Wala pang minuto ay sumunod siya. Sinuklayan ng mga daliri niya ang kanyang buhok na kuminang ang pagka-hardwood brown sa ilalim ng sinag ng araw. Sinundan siya ng mga mata ko hanggang sa pag-upo niya sa driver's seat.

Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Bago pa ako makaisip nang sasabihin ay hinapit na niya ako sa baywang at inangat upang paupuin sa kanyang kandungan. Tinanggal niya ang aking hard hat at balewalang hinagis sa likod. The impact created a thud.

Ginawa niyang oportunidad ang pag-singhap ko upang atakihin ang aking labi. Nanganak ng ungol at daing ang malalim at desperado niyang mga halik. Kumapit ako sa kanyang buttondowns at kinalimutan ang plantsado nitong tela.

Hindi naglayo ang mga mukha namin nang bumitaw. Nanatiling nakakuwadro sa mukha ko ang mga kamay niya. Kumiliti sa 'kin ang pagtatama ng aming mga ilong. What can I do? Matangos ang ilong niya!

I get to trace the curve on his upper lip. Pinadaan niya ang dila sa mala-rosas niyang labi. Tumigil ang mga mata ko roon at tinignan ang pamamasa nito. Nakaramdam ako ng uhaw at gusto ko iyong sipsipin.

"I can't believe we have to hide like this from your father. We're like teenagers rebelling against our parents."

Ngumiti ako. True. Hindi ko idedeny na masarap sa pakiramdam at masaya pa lang gawin ito. No doubt why most teenagers sneak out from their rooms. This is fun and thrilling! I haven't done this as a teenager kaya ngayon ko lang na-appreciate.

Tinitigan ko siya at hinaplos ang magaspang niyang panga. He closed his eyes as he leaned on my touch like a clingy cat. "Bakit tayo nandito?"

Humigpit ang hawak niya sa baywang ko at mas sinandal pa ako sa kanya. Ramdam ko na sa tiyan ko ang kanyang steel-hard abs and chest at init ng kanyang katawan. "You don't have to be jealous. I told you, pure business lang sa amin ni Yucille."

"I'm not jealous," ani ko, pinaglalaruan ang butones ng kanyang kasuotan.

Bumukas ang isang mata niya na pinatakan ng aliw. "Hindi ka nag-reply."

"Wala akong maisip i-reply."

"Kahit 'Ok' or 'K'?" naglalambing niyang tanong. Niyakap na niya ako at ako'y natawa sa kiliti nang kinagat niya ang aking tenga.

Laking pasasalamat ko na tinted 'tong sasakyan ni Rouge. Baka nilusob na kami ng mga empleyadong inuutusan ni dad na gulpihin siya.

Nanatili kami sa ganoong posisyon na halos makatulog ako. Dumulas ang aking kamay galing sa kanyang leeg pababa sa dibdib nang bigla akong maalala.

"Can I see your tattoo?" mahina kong tanong.

"Do you really want to see it?"

Tumango ako.

"Do you want to see my tattoo or my chest?"

Tawang tawa kong hinampas ang dibdib niya. "You're making it sound like you have boobs. Siyempre yung tattoo lang!"

Humalakhak siya habang sinisimulan na ang pagtatanggal sa mga butones. Habang ginagawa niya 'yon ay sa 'kin nakatutok ang marubdob niyang mga mata. It's hot to look at actually.

Hinahaplos ko ang dibdib niya pababa sa mga galugod ng kanyang abs. I could make out the deep edges in every space of the humps. I don't know if pinaghirapan niya ito but he seems effortless in flaunting it! This is perfection, I thought it's impossible.

Hindi ko pa ito nahaplos nang mabuti and I want to take advantage of this opportunity. I hope his service is available today for this offer.

"Lory...I thought titignan mo lang ang tattoo ko? You're seducing me." May rasp ang kanyang boses.

Ningitian ko siya. "Sorry." It's more like...sorry not sorry.

Binasa ko ang ibang lenggwahe na mga salita na nakaukit sa kaliwa niyang dibdib. Cursive ang stilo nito at maliit ang pagkakaguhit.

"What's 'Tibi Magno cum amor'?" tanong ko, binabakas ng aking hintuturo ang bawat letra.

Kinuha niya ang kamay ko't hinalikan. "For you with great love...."

Binugkos ako ng makapal na emosyon sa pagsabi niya nun habanag nakatingin sa 'kin. Hindi ako makapagsalita, pakiramdam ko'y mabubulunan ako kapag sinubukan ko. Lahat ng nangyari sa amin dati ay tuluyan nang naglaho at animo'y may sariling buhay itong binura ang sarili sa utak att puso ko.

Hinalikan ko ang nakasulat sa dibdib niya. Humantong ang mga kamay ni Rouge sa aking buhok saka minasahe ang aking ulo. He sighed and I don't have to doubt it's owing to pleasure. Ramdam ko sa dibdib ko ang mabilis na pag-hataw ng puso niya.

Dumikit ang kanyang bibig sa aking tenga at bumulong, "don't go further, Lory..."

I have no plan of going further. I just want to kiss the scripture in appreciation. It's beautifully creative and heart-warming. Lauris is going to piss his pants in envy.

Kumanta ang aking cellphone. Tumagilid ako konti upang madukot ito sa aking bulsa. Ipinagtaka ko ang pagtawag ko Zavid.

"Hello, Zave?"

"Hey Lory! Uh...you're busy?"

If he would name fondling with Rouge as busy then I guess, Yes? I am busy.

Nakataas ang isang kilay ni Rouge. I don't know kung dahil ba si Zavid ang tumawag o dahil ba may gusto siyang sabihin ako kay Zavid na ikapapanatag ng loob niya.

"Bakit?" tanong ko nalang. It's my safest card.

"Wala bang sinabi ang dad mo sa 'yo?"

"Wala naman. May dapat ba siyang sabihin?" Except about the engagement since alam ko na ang tungkol doon. Unless I need a re-orientation.

"It's best na siya nalang ang tanungin mo..." he trailed off.

Pumailaim ang mga kamay ni Rouge sa shirt ko at hinaplos nang tuluyan ang aking baywang at likod. My skin turned rough while feeling his warm calloused hands caressing it. Hinila niya ako sa kanya kasabay ang pag-akyat ng kanyang mukha sa leeg ko upang halikan. Well, kinagatan niya nang konti na ikinatakas ng ungot ko.

"Hmm... Lory..." Napadilat ako sa pag-ungol ni Rouge. Sa itaas ng ulo niya ay nakadikit ang phone sa aking tenga.

"Where are you? Are you with someone?"

"Nasa cr ako!" tumaas ang aking boses. "May tumawag sa 'kin. So yeah, sige tatanungin ko nalang si dad." Mabilis akong nagsalita upang maiwasan ang muling pag-ungot ko habang pababa nang pababa ang labi ni Rouge. His mouth trailing kisses on my skin is not helping at all!

"Oh...kay. Are you sure okay ka lang? I'm hearing some—"

"I'm fine. Bye Zavid."

Pinutol ko na ang tawag bago pa masundan ang mga maririnig niya. Hinampas ko si Rouge sa dibdib na nagbuga lang ng tawa. Sa pagtaas-baba ng kanyang dibdib ay nahagip ko ang isang bagay na sumasama sa ritmo ng tawa niya.

Inabot ko ang aking kamay sa pendant ng kanyang kwintas.

"You still have this..." Hinaplos ko ang singsing. Ito 'yong bigay niya sa 'kin noon.

Nagpasalit-salit ang mga imahe; Sa gabing binigay niya ito sa 'kin at sa araw na tinapon ko ito sa harapan niya sa ilalim ng buhos ng ulan. Bigla akong nakaramdam ng kabigatan sa puso ko.

Hinawakan niya ang kamay kong humahaplos sa singsing. Hindi ko na inaalis ang aking paningin doon.

"Alam ko kasing masasayangan ka kapag itatapon ko. So I keep it," mahinang boses niyang ani.

Tinanggal niya ang kwintas at pinaghiwalay ang dalawang dulo. Kaunting tunog ang lumikha sa pagdulas ng singsing sa ginto nitong cord hanggang sa pagkahulog nito sa palad ni Rouge.

Isinuot niya muli ito sa aking daliri, katulad nang gabing 'yon. Uminit ang sulok ng aking mga mata habang pinagmamasdan ang kanyang ginagawa. Nanginginig pa ang mga kamay ko!

"Now it's back to its owner. And so am I." kinuwadro niya ang aking mukha. May liwanag at sinseridad sa mga mata niyang tumititig sa 'kin. "I'm back to my owner."

Inipit ko ang labi ko sabay palis ng basa kong pisngi. Isang beses akong nagpakawala ng tawa na may kasamang hikbi. "Sino nga iyon?"

Pigil-ngiti siyang napaisip. "Hmm...I think Lorelei ang pangalan niya. I'm not sure."

Humagikhik ako. "Dreyfus?"

"Nope." Sa nakakuwadro niyang kamay, pinunasan ng kanyang hinalalaki ang tumakas muling luha na dumaan sa aking pisngi saka niya ako masuyong hinalikan. I could taste my tears on both our lips. "Lorelei Quinn D. Verduzco."

Tinawa ko ang akma kong paghikbi. I want him to stop right now dahil naiiyak na talaga ako.

"Hindi na mababago ang isip nila daddy. They won't call off the engagement."

"We don't have to change their minds, Lory. We just have to go against them..."

Umani iyon ng aking atensyon. I might have hated what he did to us four years ago, may pagkakataon na nagugustuhan ko kung paano lumalabag si Rouge sa mga utos o kung ano mang patakaran. May it be the constitutional law or the Ten Commandments. Or maybe it's his determination and bravado, kung paano niya pinaglalaban ang gusto niya. The way he's hell-bent at getting what he wants.

"Do you hear me?" Rouge clarified.

Now I don't care anymore. Kung hindi man sasang-ayon sa 'min si dad, I'm going to fight against him. I'm going to fight for Rouge just as how he could catch a falling ladder for me or take hold of punches. I don't care anymore.

"Yes..." And this yes is more of like a promise.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro